$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 1)

By: Romano Magno Ako si Kaloy. Graduating na ako sa college noon ng biglang nagbago ang takbo ng aking buhay. Medyo kilala ako sa aming ...

Ang Lumang Shorts at T-shirt

By: Romano Magno

Ako si Kaloy. Graduating na ako sa college noon ng biglang nagbago ang takbo ng aking buhay. Medyo kilala ako sa aming school dahil sa pagsalisali ko sa mga ibat-ibang activities katulad ng glee club at drama club. Lalo pang lumantad ang kasikatan ko dahil sa aking angking talento sa pagkanta.

Marami akong mga kaibigan, ma-lalake man o babae; palaging may gimik, palaging naiimbitahan sa mga party dahil alam nila na magaling akong kumanta.

Kumakanta din ako sa mga kasalan, kung minsan tatlong kasalan sa isang araw ng sabado kaya may almusal na ako, may pananghalian na at may hapunan pa at ang pinaka-importante sa lahat - binabayaran pa ako.

Hindi alam ng inay ko na isa akong academic scholar dahil nilihim ko ito sa kanya. Sinubukan ko lang naman na mag-apply noong 1st year pa lang at ng pumasa, ginaya ko ang akda ng inay ko at hayon, inenjoy ko ang full scholarship, mula 1st year hanggang sa natapos ko ang kursong Business Management sa isang tanyag na paaralan sa aming bayan.

Naging maayos naman ang takbo ng buhay ko kahit may mga aberya minsan, pero talagang ganyan ang buhay, hindi lahat ng pagkakataon ay puro na lang kasayahan ang nararanasan natin.

Hiwalay ang aking mga magulang, matagal na. Wala pa akong malay noon ng nagpasiya silang tahakin ang magkaibang landas. May ibang pamilya na ang aking ama at ang aking ina naman ay may kinakasamang iba. Hindi sila pareho kasado.

Mahirap man sa simula intindihin ang mga kaganapan ay pilit kong tinanggap ito. Siguro nga, ganito lang talaga, may hiwalayan magaganap kapag hindi na nagmamahalan ang bawat isa. Hindi ko rin alam kung bakit sadyang mapanukso ang tadhana.

Sa pagpapatuloy ng aking pagsasalaysay, biglang nagbago ang takbo ng aking buhay ng makilala ko si Gil. Nasa 3rd year college si Gil samantalang ako ay itinakda ng magtapos sa taong iyon. Si Gil ay kapatid ng musical instructor namin sa Glee Club na si Sir Ryan.

Nagbuo ng isang singing group si Sir Ryan at napili ako bilang isa sa mga soloista. Walo lang kami at piano lamang ang ginagamit. Magaling magturo si Sir Ryan at dahil dito ay lalo pang nahasa ang aking boses sa pagkanta.

Madalas sa music room ng school namin ang rehearsals at minsan pag hindi pwede dito, doon kami sa bahay ni Sir Ryan. At dito nagtagpo ang landas namin ni Gil.

Minsan, habang may isang oras na kaming nag-eensayo ay biglang dumating si Gil sa bahay ni Sir Ryan. Pinakilala siya sa aming lahat. Ah, diyan lang pala ang bahay nila sa kabila at narinig nya kaming kumakanta kaya naisipan nyang magmasid.

Tuloy ang pagtuturo sa amin ni Sir Ryan at minsan-minsan parang nararamdaman ko na may nakatitig sa akin. Sa paglingon ko kung saan nakaupo si Gil, nakita ko na nginitian nya ako. Ngumiti naman ako at balik sa pagkanta.

Ganun madalas ang mga eksena sa tuwing doon kami sa bahay ni Sir Ryan mag-eensayo at laging nandoon si Gil upang manood.

Lalong napadalas ang pag-eensayo namin kina Sir Ryan dahil papalapit na ang pinaka-unang konsyerto na gaganapin sa school gym. At isang biyernes ng gabi, inabot kami hanggang alas-diyes dahil kailangan naming tapusin ang unang bahagi ng konsiyerto na may labing-limang kanta at apat doon ay meron akong mahaba-habang solo parts. Pagod kaming lahat ng matapos ito at unti-unti na kaming nagpapaalam para umuwi. Medyo ako ang nahuli dahil tinulungan ko pa si Sir Ryan iligpit ang mga piyesa ng mga kanta at pagligpit din ng mga kalat na naiwan.

"Tutulungan na kita Kaloy" pag-aalok ni Gil

"Ha? ah okay lang Gil at sandali lang naman ito, nakakahiya eh kalat namin ito."

"Alam ko pagod na kayo ni Kuya Ryan kaya hayaan mo na akong tulungan kayo."

"O paano Gil, Kaloy kayo na bahala dyan ha at pahinga na muna ako sandali." sinabi ni Sir Ryan sa aming dalawa ni Gil.

"Sige kuya, kami na ang bahala dito ni Kaloy, pahinga ka na."

Pumasok na sa kanilang kwarto si Sir Ryan at kami naman ni Kaloy ay ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga kalat sa loob ng sala.

"Di ba wala kayong pasok pag sabado Kaloy?"

"Oo wala kaming pasok pag sabado, bakit Gil?"

"Wala naman, nagtatanong lang. Mabuti naman at makakapagpahinga naman kayong lahat. Grabe na yata itong pag-papraktis nyo ngayon no?"

"Oo nga eh, malapit na kasi ang concert namin kaya kailangan na talagang mag-praktis ng todo. Kailangan pa kasi naming mag-rehearse din with choreography eh kaya dapat kabisado na namin ang lahat ng mga kanta."

"Alam mo Kaloy ang ganda ng boses mo, malamig at parang wala kang ka-effort effort kumanta, parang very natural lang ang dating."

"Naku, mas magaling si Benjie no at napakataas pa ng boses."

"Oo nga, maganda nga boses ni Benjie pero minsan hindi ko rin gusto dahil pag hindi nya na abot ang nota eh nag-ne-nasal siya, hindi tulad mo na kahit mataas na eh abot mo parin at buong-buo parin ang boses mo."

"Salamat sa papuri Gil."

"Siyanga pala, gusto mo sa bahay na lang namin matulog ngayon? Wala kasi si kuya Dan at umuwi sa probinsya kaya mag-isa lang ako sa kwarto namin. Di kasi ako sanay na walang kasama eh." Paanyaya ni Gil sa akin.

"Oo nga Kaloy, samahan mo yang si Gil matulog at takot yan sa multo, hahahaha!" Biglang nagsalita si Sir Ryan na lumabas pala ng kwarto at papunta sa kusina.

"Hahaha, takot ka sa multo Gil? Ang laki mong tao?"

"Ang kuya talaga, bukuhin ba naman akong takot sa multo, kainis."

"Eh ikaw naman kasi kung kelan ka na lumaki saka ka pa naging matakutin." Pasigaw na sinabi ni Sir Ryan na nasa kusina parin.

"Gil, may kakantahan pa kasi akong kasal bukas ng 7:30 eh, kaya kailangan kong umuwi, next time na lang ha?"

"Talaga? may kakantahan kang kasal bukas? Hey, pwede ba akong manood?"

"Ha eh, okay lang naman pero ang tanong, makakagising ka ba ng maaga? 7:30 eksakto ang kasal eh."

"Pwede naman akong ma-late dahil hindi naman ako ang ikakasal no, manood lang ako at pakikinggan lang kita."

"Pustahan tayo Kaloy, hindi magigising yan ng ganung oras, kailangan pang buhusan ng tubig yan bago tumayo sa kama, parang langis pag natulog yan eh." Pabirong sinabi ni Sir Ryan.

"Ang kuya talaga lagi na lang akong binibiro."

"O paano Gil, uwi na ako at maaga pa ako bukas gigising at kung magising ka man, hehehe, kita na lang tayo sa simbahan."

Ang Pagkanta sa Kasal

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapag-vocalize dahil mahirap kumanta lalo na pag umaga ang kantahan. Eksaktong alas sais-y-medya andoon na ako sa simbahan upang makakapag praktis ng konti sa sound system. Nang maayos na at handa na lahat pati ang mga minus-one na gagamitin ko, lumabas muna ako sa simbahan para magyosi. Ewan ko ba at di ko talaga maiwasan manigarilyo.

Makalipas ang ilang sandali, tinawag ako ng sakristan at sinabing dumating na ang bride at kailangan ko ng pumwesto para simulan na ang pagkanta sa processional.

Umabot din ng halos isat-kalahating oras ang kasal. Lagi naman kasing sa pagkuha ng mga larawan ang pinakamatagal at dito rin maraming kinakanta ng mapansin ko na nakaupo pala si Gil sa may gilid at nakamasid sa akin at sumenyas ng OK sign. Ngumiti lang ako sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagkanta.

Sa wakas natapos din ang kasalan at nililigpit ko na ang mga gamit ko ng biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.

"Ang galing mo talagang kumanta Kaloy, pinahanga mo ako.!"

"Hey salamat Gil ha, hehehe mabuti naman at nakarating ka. Eh di talo ang kuya mo sa pustahan nyo."

"Yon pa kuripot kaya yon."

"Hehehe, o paano, sasama ka sa reception Gil? Tara para may kasabay naman ako."

"Ha? okay lang ba yon Kaloy? Di ba dyahe at di naman ako imbitado?"

"Ako bahala, kilala naman nila ako eh, tara na!"

"Dala ko ang kotse ni kuya, sa akin ka na sumabay Kaloy."

Habang nasa kotse kami, binanggit na naman ni Gil ang galing ko sa pagkanta lalo na raw ng kinanta ko ang The Lord's Prayer na walang anumang tugtog kundi boses ko lang.

"Alam mo Gil, na sa tuwing kinakanta ko yan ay kinikilabutan ako at drained-out lahat ng energy ko pagkatapos."

"Yong nga naramdaman ko kanina Kaloy eh, kinikilabutan ako habang kinanta mo yon. Iba ang pakiramdam pala pag nasa loob ka ng simbahan at tahimik lahat ng tao."

Sa Wedding Reception

Sa wedding reception, maraming lumalapit sa akin at kinakamayan at laging sinasabi na maganda daw ang boses ko at 'thank you' naman ang tangi kong masabi. Si Gil naman ay nagmamasid lang at natutuwa sa kanyang mga nakikita.

"Ang sikat mo pala Kaloy at ang daming bumilib sa pagkanta mo, at huy salamat at nalibre ako ng breakfast ha!"

"Okay lang yon, mabuti nga andito ka at sinamahan ako ng hindi naman ako nag-iisa."

Lumapit sa akin yong nanay ng bride at inabot yong sobre na nilalaman ang bayad sa pagkanta ko at sinabing maganda ang mga kantang hinanda ko sa kasal ng kanyang anak.

"Huy blowout naman dyan Kaloy at mapera ka ngayon." Patawang panunukso ni Gil

"Oo ba basta banana-q lang at coke lang ha, wala ng iba."

"Naku, wag mong sabihing kuripot ka rin tulad ng kuya ko Kaloy ha!"

"Hehehe, hindi naman, binibigay ko kasi sa nanay ko yong iba eh, pero sige, iblow-out kita, saan mo ba gusto?"

"Hahahaha, kumagat naman, binibiro lang kita no."

"Anong year ka na pala Gil?"

"3rd year pa lang ako at sa kalabang school nyo ako nag-aaral."

"Ah ganun ba, bakit hindi sa school naming nag-aaral?"

"Ayaw ni kuya na doon ako mag-aaral dahil baka bigyan ko lang daw siya ng sakit ng ulo."

"Hahaha, bakit naman, basagulero ka ba?"

"Hindi no, ang bait ko nga eh.."

Pagkatapos ng reception umalis na kami ni Gil at nagpaalam na rin ako sa kanya para makauwi na.

"Gil thanks ha?"

"Thanks saan?"

"Sa pagsama mo sa akin ngayon, siguro mapapanis laway ko sa reception kung wala ka doon."

"Wala yon, gusto ko lang marinig kang kumanta, ang galing mo kasi Kaloy."

"Salamat ha."

"Tara, hatid na kita sa inyo."

"Naku wag na Gil, ang daming jeep dyan at isa pa - magkaiba ang dereksyon natin, nakakahiya."

"Hey may lakad ka pa ba Kaloy? Kung wala, tambay ka muna sa bahay namin."

"Gil, kailangan ko kasing mag-review, lapit na kasi exams namin, next time na lang."

"Sige na nga, hatid na lang kita sa inyo."

Habang tumatakbo ang kotse, napag-alaman ko na may syota na pala si Gil at kaklase nya ito. Pinakita pa sa akin ang picture at maganda nga at mestisahin. Sa tantya ko, nasa 5'8" ang tangkad ni Gil at lean ang pangangatawan at mahilig siyang maglaro ng basketball.

"Gil, dyan na lang ako sa may kanto bababa."

"Ha? bakit, hatid na kita sa inyo mismo Kaloy."

"Wag na Gil, sa kanto na lang, malapit lang naman lakarin eh."

"Bakit ba Kaloy, may tinatago ka ba?" Medyo naiinis na sinabi ni Gil habang itinigil ang kotse.

"Wala naman, basta dyan lang ako sa kanto, please lang Gil."

"Well, okay sige at kung ano man ang sekreto mo, sana wag kang mahiyang sabihin sa akin, di ba magkaibigan naman tayo?"

"Oo friends nga tayo pero...."

"Anong pero ha Kaloy?"

Hindi ako makasagot. Paano ko ba sasabihin sa kanya na bukod sa aking ina ay may iba pang tao sa bahay - ang pangalawang lalake ng aking ina; at nakatira lang kami sa isang maliit na paupahang bahay.

"Dyahe kasi Gil eh, maliit lang ang tinitirhan naming bahay at...."

"At kinahihiya mo, ganun ba?"

"Ah eh, hindi naman sa ganun kaya lang…"

"Kaya lang ano Kaloy?

Hindi ko na sinagot si Gil at binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas at nagpaalam sa kanya. Di na ako lumingon at nagmamadali akong pumasok sa nirirentahan naming dampa.

Ang biglang pagdalaw

Ilang araw ang nakalipas, sa gym na ng school namin ang rehearsals dahil ito rin ang venue para sa concert at nagsisimula na kaming magkaroon ng choreography. Naging busy kami gabi-gabi at laging pagod. Aral, ensayo, review para sa exams, yan ang naging routine sa mga panahong iyon.

Isang gabi, pagkatapos ng rehearsal biglang dumating si Gil. Nagpapasundo pala si Sir Ryan dahil gamit ng asawa nito ang kotse buong araw. Hindi nya ako pinansin ng binati ko siya kaya hindi ko narin lang siya pinansin.

Pagkatapos mailigpit ang mga gamit, umalis na ako at sumakay ng jeep pauwi.

Pagdating sa bahay, dumerecho muna ako sa kwarto at humiga sandali bago kakain ng hapunan ng may narinig akong kumatok sa pintuan at binuksan ng nanay ko. Maya-maya pa, kumatok ang inay sa kwarto ko at sinabing may naghahanap sa akin. Tinanong ko kung sino at sinabi nya na kaibigan ko raw.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit dahil ni isa sa mga kaibigan ko ay walang nakakaalam kung saan ako nakatira. Nilihim ko ito sa kanilang lahat.

Lumabas ako ng kwarto at laking gulat ko ng makita ko si Gil sa aming maliit na sala na malungkot ang mga mata.

"O Gil, bakit ka nandito, may problema ba?

"Ah nay, si Gil pala, kapatid ni Sir Ryan, yong musical instructor naming sa Glee Club at sa singing group naming, Gil ang inay." Ngumiti lang ang inay habang inihanda ang hapunan ko. At nagbigay galang naman si Gil.

"Magandang gabi po, pasensya na sa abala."

"Kumain na muna kayo Kaloy at gabi na."

"Sige nay, ako na bahala dito. Goodnight po."

"Asan si Sir Ryan?"

"Ah eh, umuwi na, di na ako sumabay pauwi, pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang Kaloy?"

"Ha, eh sige, pero teka naghapunan ka na ba Gil?"

"Hindi pa pero hindi pa naman ako gutom, okay lang ako."

"Pwede kain muna tayo gutom na kasi ako, halika sabayan mo ako. Pasensiya na at sardinas at okra lang pala ulam namin Gil."

"Hey okay yan, paborito ko sardinas no, lalo na pag nilagyan ng maanghang na suka at konting asin."

Hiyang-hiya ako kay Gil dahil alam ko na pinilit nya lang ang sarili para hindi ako mapahiya. Kami lang dalawa sa maliit na lamesa sa kusina dahil pumasok na ang inay ko sa kwarto nila. Pinagmamasdan ko si Gil na kumakain na nagkakamay at halatang hindi siya sanay kaya napatawa tuloy ako at napatawa narin siya.

"Hahaha, hindi ka sanay magkamay kumain no?"

"Hehehe, syensiya na, pag sa bahay namin ito, tyak palo sa kamay ang aabutin ko, pero alam mo, ang sarap palang magkamay."

"Teka, bakit ka nga pala nandito at paano mo nalaman bahay namin?"

"Ha? ah eh, pwede mamaya na natin pag-usapan? Kumakain pa ako eh."

Nagtataka ako bakit biglaan yata ang pagpunta ni Gil sa bahay namin at kanina lamang ay hindi man lang ako pinansin. Bakit kaya? Habang kumakain kami, pinagmasdan ko siya, naaliw talaga ako dahil hindi nya makuhang ipunin yong kanin sa kanyang mga daliri at may nahuhulog pabalik sa kanyang pinggan.

"O, bakit mo ako pinagtatawanan ha Kaloy?"

"Hehehe wala lang, naaliw lang ako sa iyo at talaga namang di ka marunong magkamay eh."

"Pabayaan mo nga ako at sarap-na-sarap ang kain ko dito eh."

Magkamukha si Gil at si Sir Ryan, ang pagkakaiba lang ni Gil ay wala siyang bigote. Maamo ang kanyang mukha at matangos ang ilong at maganda ang kanyang mga ngipin. Napansin ni Gil na pinagmasdan ko siya at ngumiti lang ako at gumanti din siya ng ngiti.

Pagkatapos naming kumain at nailigpit ang mga pinggan, pumasok na kami sa kwarto at pinaandar ang TV para hindi marinig sa kabilang kwarto kung ano man ang pag-uusapan namin ni Gil.

"O Gil, ano sadya mo sa akin?"

"Pasensya na kanina sa school nyo ha.?"

"Wala yon, pero nagtataka nga lang ako kanina kung bakit di mo ako pinansin, may nagawa ba akong kasalanan sa iyo Gil?

"Wala naman, naasar lang kasi ako the last time dahil ayaw mong magpahatid sa bahay mo tapos bigla mo na lang akong iniwanan sa kotse at ngayon parang may idea na ako kung bakit. Sinundan kita koon kaya ko nalaman itong bahay mo. Nahihiya ka dahil maliit ang tinitirhan mo?"

Hindi ako sumagot at nakatitig lang ako sa kanya.

"Teka, maiba tayo Gil, paano ka nakarating dito, di ba magkasama kayo ni Sir Ryan?"

"Nagpa-drop off ako sa may kanto sinabi ko kay kuya dadaan ako sa kaklase ko."

"Saan bahay ng kaklase mo dito?

"Hindi naman totoong may kaklase ako dito eh, palusot ko lang yon at balak talaga kitang puntahan at kausapin."

"O andito na tayo, ano ba pag-uusapan natin Gil?"

"Ha? ahhh, yon nga."

"Anong yon nga?

Biglang katahimikan, hindi na nagsasalita si Gil at nakatitig lang sa TV. Ako naman nalilito sa kanya. Tinanong ko siya kung may problema ba siya sa nobya nya eh wala naman daw, may problema ba sa bahay nila, wala rin daw.

Dahil maliit lang ang kwarto ko, na pagpasok mo pa lang ay may konting espasyo lang at kama na kaagad, pareho kaming nasa kama at nakasandal sa dingding habang nakatutok ang aming mga mata sa 14 inch black & white na Nivico TV na nakapatong sa kaisa-isang kong aparador.

"Ano na Gil, may pag-uusapan ba tayo o wala, kasi kailangan ko na rin magpahinga eh at ikaw din at may pasok pa bukas."

"Pinapaalis mo na ba ako Kaloy?"

"Hindi naman sa ganun pero sabi mo kasi may gusto kang sabihin sa akin tapos ayaw mo naman magsalita."

"Huwag na lang muna ngayon Kaloy, saka na lang, pag-iisipan ko munang mabuti kung sasabihin ko ba sa iyo o hindi."

"Sige, ikaw bahala, basta nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap Gil."

"Kaloy, pwede ba akong dito na muna matulog sa inyo? Tinatamad na akong umuwi eh."

"Okay lang naman pero nagpaalam ka ba sa inyo, baka hanapin ka nila?"

"Sinabi ko kay kuya kanina na sa bahay na ng kaklase ako matutulog at uuwi na lang ako ng maaga bukas."

"Pinayagan ka naman ba?"

"Matanda na ako no, at madalas naman talaga ako nakikitulog sa bahay ng mga kaklase ko pag may mga projects kami. Mga kaklase ko nga madalas din nakikitulog sa bahay eh."

"Ang tanong ko, pinayagan ka ba, tumawag ka kaya muna – teka kaya lang wala kaming telepono, sa may tindahan pa sa kanto eh."

"Oo, pumayag si kuya at sasabihin na lang daw nya kay mommy."

"O parang galit ka yata at nagtatanong lang ako."

"Ang kulit mo kasi eh."

"Naku, ako pa ngayon ang makulit ha.?

"O ano, pwede po ba akong makitulog sa inyo Sir?"

"Sir ka dyan, isang taon lang kaya tanda ko sa iyo. Sige na nga dito ka na nga matulog, ang kulit mo eh."

"Hahaha napipikon ka na Kaloy ah."

"Hindi no, pagod lang ako. Teka, maliligo na muna ako at amoy pawis na."

"Kaloy, pwede pahiram ng face towel na medyo basa, pang punas ko lang."

"Sige dadalhan kita, nood ka muna ng tv, ligo lang ako sandali."

Grrr malamig ang tubig kaya madali lang ang buhos at paligo ko. Binasa ko yong face towel at pumasok na ulit sa kwarto. Nakita kong nahubad na ni Gil ang kanyang sneakers at nakasandal ng maayos sa kama. Binigay ko ang basang face towel sa kanya at kumuha ako ng shorts para ipahiram sa kanya at nagbihis na rin ako ng shorts at isang lumang tshirt na may butas na.

"Hehehe cute naman ng tshirt mo at may aircon pa Kaloy."

"Nang-asar pa, heto shorts para mas presko ang tulog mo, tshirt kailangan mo pa ba?"

"Kung pwede lang sana, para di maukot ang shirt ko, salamat Kaloy ha?"

"Okay lang Gil."

Naunang tinanggal ni Gil ang suot na maong pants kasunod ang tshirt at di ko maiwasang tumingin dahil sa liit lang naman ng kwarto kasi. Palibhasa naglalaro ng basketball eh maganda ang kanyang mga binti at ang kanyang katawan ay bumabagay sa kanyang tangkad. May mga maninipis na balahibo sa kanyang dibdib pababa sa pusod at dahil maputi siya, kitang kita ito.

"Bakit ako walang ganyan?"

"Walang ano Kaloy?"

"Yan, mga balahibo mo sa sa dibdib."

"Hati tayo gusto mo hehehehe."

"Sira, paano mo naman hahatiin ang balahibo no, matulog na nga tayo at gabing gabi na."

Pinatay ko na ang tv at ang ilaw at humiga na. Nasa may bandang sulok si Gil.

"May kumot ka pa ba Kaloy?"

"Meron pero nasa kwarto ng inay eh, teka, hihingi ako."

"Uy wag na, nakakahiya at baka tulog na sila, pwede share na lang tayo sa kumot mo, malaki naman yata yan eh."

"O sige, walang problema, basta wag mo lang solohin at hindi talaga ako makakatulog na walang kumot. Kahit nga tag-init ay nakakumot pa rin ako."

"Pareho pala tayo, ako ganun din."

"O sya tama na ang daldal, tulog na tayo at may pasok pa ako bukas at ikaw naman maaga pang gigising dahil uuwi ka pa. Isa pa, wag kang masyadong malikot ha at di ako sanay may katabi sa kama."

"Ang sungit naman nito, palibhasa matanda na."

"Anong matanda, uulitin ko ha, isang taon lang ang tanda ko sa iyo, wag mong kalimutan yan. Tulog na tayo, tahimik ka na dyan."

"Hehehe ang sungit talaga ng matanda."

"Ang kulit nito, tulog na nga tayo."

Madali akong nakatulog dahil sa pagod at minsan nagugulat na lang ako pag tumatama ang tuhod ni Gil sa tyan ko. Napakalikot palang matulog ng batang ito at kung saan napupunta ang mga kamay at binti.

Ginising ako ni Gil mga bandang alas-sais ng umaga at uuwi na raw siya at may pasok pa sya. Nagmamadaling hinubad ni Gil ang short na pinasuot ko at sinuot na ang kanyang maong na pantalon at napangiti ako sa nakita. Halata ang bukol sa kanyang briefs at hindi nakalagpas ang pag ngiti ko.

"Ano naman ngingiti mo dyan, normal lang yan no, ang bastos ng matandang ito talaga."

"Hahaha, wala naman akong sinabi ha, o sige tapusin mo na yan para makalayas ka na."

"Kita mo to at pinapalayas pa ako."

"Teka, gusto mo muna magkape o gatas bago umalis, may oras pa naman eh? Ano pala oras ng pasok mo sa school?

"1st subject ko mga 9 pa naman, sige magkape muna tayo at ayoko ng gatas no, di na ako bata."

Lumabas ako ng kwarto upang magtimpla ng kape at nag good morning sa nanay ko na nagkakape din at pinaalam ko sa kanya na dito na natulog si Gil kagabi dahil tinamad ng umuwi. Ngumiti lang ang inay at inabot sa akin ang supot ng mainit na pandesal at dinala ko sa loob ng kwarto.

"Sir, ito na ang kape nyo at mainit na pandesal, is there anything else Sir Gil?"

"Hahaha, gago ka talaga, akina yang kape."

Pagkapukaw ng damdamin

Pag-alis ni Gil, nagmamadali akong naligo at nagbihis papuntang eskwelahan. Pagdating ng hapon praktis na naman para sa papalapit na concert. Mabuti na lang maaga kaming pinauwi at nagkaroon ako ng panahon para mag-aral sa aking mga subjects.

Sa kwarto, napansin ko ang shorts at tshirt na suot ni Gil at di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at inamoy ko ang mga ito ng bigla akong natauhan. Ano ba ang ginawa ko? Bakit kaya biglang pumasok sa isipan ko si Gil?

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 1)
Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhihfoZmOKGhiOyagU8HRErRJy7mrKbKpqLyNY_PSR13YY8VcSrbbYwh_yJ42RbtvLyykWPXqqCf67fsEl1jPhQN7Hn9uPP-gEqPQ_vdbxWiqywmV0o3VyA9M4kWRX7jmlfi8NtLdZ00xsa/s1600/Ang+Lumang+Shorts+at+T-shirt.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhihfoZmOKGhiOyagU8HRErRJy7mrKbKpqLyNY_PSR13YY8VcSrbbYwh_yJ42RbtvLyykWPXqqCf67fsEl1jPhQN7Hn9uPP-gEqPQ_vdbxWiqywmV0o3VyA9M4kWRX7jmlfi8NtLdZ00xsa/s72-c/Ang+Lumang+Shorts+at+T-shirt.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2010/10/ang-lumang-shorts-at-t-shirt-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2010/10/ang-lumang-shorts-at-t-shirt-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content