$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 2)

By: Romano Magno Lumipas ang mga araw at gabi, hindi mawawaglit sa aking isipan si Gil at yong shorts at tshirt ay hindi ko pinalabhan a...

Ang Lumang Shorts at T-shirt

By: Romano Magno

Lumipas ang mga araw at gabi, hindi mawawaglit sa aking isipan si Gil at yong shorts at tshirt ay hindi ko pinalabhan at nasa ilalim ng akin unan pag umaalis ako. Di ko lubos maintindihan ang aking naramdaman sa mga sandaling ako'y nag-iisa.

Naging matagumpay ang ginanap na concert namin sa school ng biyernes ng gabi at lalong dumadami ang aming mga tagahanga. May inihandang party si Sir Ryan sa bahay nila at pumunta kaming lahat ng casts and crews para mag-celebrate.

Masaya ang kainan, kantahan at inuman pero hindi ko nakikita si Gil. Ayoko namang tanungin si Sir Ryan at baka kung ano pa ang isipin nito. Mga 11:30 na ng gabi ng humupa na ang kasayahan at medyo lasing narin kami kaya nagpapaalam na kami kay Sir Ryan.

Sa may kanto habang nag-aabang ng masasakyan na tricycle ay may dumaan na kotse at bigla na lang itong huminto sa pagkalagpas lang ng konti sa aking kinatatayuan at bumaba ang isa sa mga pasahero na may dalang bag na malaki at naka-shorts lang.

Ng may parating na tricycle at pinara ko na ito ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Akma na akong sumakay sa tricycle ng nakita kong papalapit si Gil at mukhang pagod at kulang sa tulog. Pinaalis ko na lang ang tricycle.

"Uy Kaloy sa bahay ka ba ni Kuya nanggaling?"

"Oo, ikaw Gil saan ka nanggaling at tila yata pagod at puyat ka?"

"Sa bahay ng kaklase ko, may tinatapos kaming projects at pinagtulong-tulungan namin para matapos kaagad. Uy Kaloy, sorry pala ha, di ako nakapunta sa concert nyo, gustuhin ko man eh di pwede dahil nga dito sa projects namin.

"Okay lang yon, concert lang yon no. Mas importante yang ginagawa nyong projects."

"Pauwi ka na ba Kaloy?

"Oo Gil, medyo may tama na ako at di ako sanay kasi uminom eh. O paano"

"Teka amoy beer ka ah, akala ko ba bawal ang inuman kina kuya."

"O paano Gil, may tricycle na parating, uwi na ako ha?"

"Hatid na lang kaya kita, hiramin ko kotse ni kuya."

"Naku wag na no, abala pa yan, at isa pa, pagod ka narin kaya dapat pahinga ka."

Pinara ko ang tricycle at sumakay at nagulat na lang ako ng biglang sumakay din si Gil at sya pa mismo ang nagsabi sa drayber kung saan ang address ng bahay ko.

"Huy Gil, saan ka pupunta, di ba dapat uuwi ka na?"

"Oo pero kung papayag ka, gusto ko matulog ulit sa bahay mo, bukas na lang ako uuwi sa amin, total tapos na yong projects namin at isa-submit na lang namin by Monday kaya okay na ako.

"Ikaw talaga, baka hahanapin ka sa bahay nyo nyan."

"Okay lang yon, ang pagkakaalam nila nasa bahay parin ako ng kaklase ko."

"Eh paano yan kung tawagan yong kaklase mo at wala ka doon?"

"Ano ka ba Kaloy, ang dami mong inaalala, pwede ba, ako na bahala dyan."

Hindi na ako umimik at nahihilo na ako sa tama ng beer at napapikit ako. Pagdating sa bahay, ginising ako ni Gil sa pagkaidlip at binayaran na pala nya ang tricyle drayber. Pagpasok sa bahay ay tulog na ang mga nanay at derecho na kami sa kwarto ko. Iniwan ko muna si Gil at naligo ng mabilisan dahil sa lamig ng tubig at tulad ng dati, binasa ko yong face towel para ibigay sa kanya.

Pagpasok ko ng kwarto, laking gulat ko ng makita kong hawak ni Gil yong ginamit nyang shorts at tshirt ng matulog siya sa bahay noon. Di ko alam ang gagawin at kunwari wala akong nakita. Nagmamadali akong isuot ang shorts na ginamit ko kagabi at pinatong sa balikat ko ang tshirt at naupo sa kama kung saan nakahubad na ng rubber shoes si Gil at naka medyas na lang.

"Di ba ito yong pinahiram mong shorts at tshirt sa akin noon Kaloy?"

"Shhhh hinaan mo lang boses mo baka marinig tayo ng mga inay. Oo, yan nga, bakit Gil?"

"Di pa ba nalalabhan ito at parang luma na ng amoy?"

"Ha eh, di ko pa naibigay kay inay para labhan eh, hayaan mo bukas ilalabas ko na ng kwarto yan."

Tumahimik si Gil at tinitingnan ako pero di ako makatingin sa kanya at ng akma ko ng isuot ang tshirt ay bigla nya itong kinuha. Pinaabot nya sa akin ang bag nyang dala at may kinuhang tshirt at binigay sa akin.

"Yan ang isuot mo, palit tayo."

"Ha? bakit eh luma na yan eh, pambahay ko lang yan samantalang ito eh bago, sayang naman na itutulog ko lang."

"Wag ka ng magreklamo Kaloy, basta, suot mo yan."

Sinuot ko na lang ang tshirt nya at si Gil naman ay naghubad sa harapan ko ng kanyang shorts at tshirt at gamit ang face towel ay pinunasan ang kanyang mukha at dibdib habang di ko maiwasang manood. Alam ko na alam nya na pinanood ko siya pero hindi siya kumikibo ng bigla nyang inabot sa akin ang face towel at nakikiusap na punasan ang kanyang likuran. Tumalikod siya sa akin at kaagad ko naman itong pinunasan mula leeg pababa hanggang sa may garter ng kanyang suot na briefs. Pagkatapos ay binalik ko sa kanya ito at saka pa lang nya pinunasan ang kanyang kilikili at humiga na ito sa kama.

"Teka kuha lang ako ng shorts na maisuot mo Gil."

"Wag na Kaloy, okay lang ako, actually mas gusto ko nga naka-briefs lang matulog. Sa bahay naka-briefs lang din kami ni Kuya Dan ko."

"Eh bakit last time nagshorts ka?"

"Syempre, hiya naman ako sa iyo no, di pa tayo close noon."

"Hahaha baliw, o sige, tulog na tayo at hilo parin ako sa nainom ko kanina."

"Teka, kamusta pala concert nyo Kaloy? Successful ba?"

"Oo, ang daming taong nanood, suportado kasi ng school kaya halos lahat yata ng mga estudyante eh andoon. Sayang hindi ka nanood, sana nadagdagan pa ng isang papalakpak kanina, hehehe."

"Sayang nga eh, alam mo naman siguro na gusto ko talagang manood, pasensya na talaga."

"Okay lang yon Gil."

Inaayos ko ang pagkahiga ko at nagkumot habang si Gil ay parang may malalim na iniisip. Hinatak nya ang kumot at nakikumot na rin at hindi maiwasang magdikit ang aming mga binti at braso.

"Kaloy, may itatanong ako."

"Akala ko tulog ka na, ano yon Gil?"

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, bakit hindi mo pinalabhan ang shorts at tshirt na ito?"

"Ha? ah eh, nakalimutan ko lang talaga ibigay sa inay para malabhan Gil."

"Hmmm okay. Sige tulog na nga lang tayo kahit alam ko na nagsisinungaling ka sa akin." Sabay talikod sa akin.

"Eh kung sasabihin ko ba sa iyo ang totoo, di ka magagalit sa akin Gil?"

"Wag na Kaloy, tulog na lang tayo. Ayoko ng malaman pa kung ano man yan."

Hindi na ako kumibo kaya pinilit ko na lang maidlip pero hindi ako dinadalaw ng antok at pinakiramdaman ko lang si Gil na hindi narin kumikibo na nakatagilid parin. Ilang oras ng nakalipas ng dinalaw na ako ng antok ng biglang pabulong na nagsalita si Gil.

"Kaloy, gising ka pa ba?"

"Mmmmmm ano ba naman Gil, ngayon lang ako dinalaw ng antok nanggising ka pa, ano ba problema?"

"Yong tanong ko kanina, sagutin mo na."

"Ha? eh di ba sabi mo ayaw mo ng malaman pa, ang kulit mo naman?"

"Sige na gusto ko ng malaman, please Kaloy sabihin mo na."

"Uhum, okay sasabihin ko pero sana wag kang magalit sa akin Gil. Pinilit mo akong sabihin ito. Hindi ko pinalabhan ang mga yan dahil gusto kong nandito lang yan sa tabi ko para maalala kita kahit sa pagtulog ko. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay hinahanap-hanap kita at lagi kong iniisip na katabi kitang natutulog. Kung masama man ito, pasensiya na. Kung ang sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman ko. Basta hindi ko ma-explain Gil at sana di ka galit."

Napabuntong-hininga si Gil at bumalik sa paghiga at nakatingin sa kisame. Ako naman ay kinakabahan kung ano ang kanyang sasabihin. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag akyat-baba ng kanyang hubad na dibdib sa paghinga.

"Alam mo Kaloy, di naman ako galit eh, medyo nagulat lang ako sa sinabi mo. First time ko kasi na-experience ito. Ang pagtatapat mo bilang isang lalaki – sa naramdaman mo. Di ko alam kung anong nasa isip ko ngayon, medyo naguguluhan din ako Kaloy."

"Pasensya na Gil, hindi ko naman sinasadya ito eh basta na lang dumating, patawad ha?"

"Ano ka ba? Wala ka namang dapat ihingi ng pasensya o pagpapatawad eh, di mo naman kasalanan yan."

"Gil, kalimutan na lang natin ito, siguro bunga lang ito ng kung ano-anong iniisip ko, siguro bukas wala na ito at makakalimutan ko na rin. Uulitin ko pasensiya na talaga ha.? Sige tulog na tayo."

Inayos ko ang paghiga ko at si Gil ganun din. Pareho kaming nakatitig sa kisame ng maliit kong kwarto, walang nagsasalita, pawang ang tanging naririnig ay ang lakas tibok ng aming mga puso...

"Gil may request sana ako sa iyo at sana'y pagbigyan mo ako. Hindi ko na kasi matiyak kung pagkatapos nito ay magkikita pa tayong muli."

"Ano yon Kaloy? Kung kaya ko ba, bakit hindi."

"Pwede ba kitang mayakap kahit sandali lang?"

"Akala ko kung ano na hihilingin mo Kaloy, kinabahan tuloy ako. Yakap lang naman pala eh."

Tumagilid ako paharap sa kanya at si Gil tumagilid din paharap sa akin. Nabigla ako nang si Gil na mismo ang yumakap sa akin at sa pagkabigla ko napatingin ako sa kanya.

"O akala ko ba gusto mo ng yakap, hayan niyakap na kita kulang pa ba ang higpit ha Kaloy?"

"Okay na sa akin ito Gil, maraming salamat talaga at pinagbigyan mo ako maligaya na ako kahit ganito lang."

Hindi kumibo si Gil at pinagpatuloy ang pagyakap sa akin at humigpit din ang yakap ko sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas tinigil na ni Gil ang pagyakap sa akin at humiga ng maayos. Kinuha nya ang aking kaliwang kamay at ipinatong sa kanyang dibdib.

"Hayan, ganyan lang Kaloy wag mo tanggalin ang kamay mo sa dibdib ko at gusto kong matulog tayo na ganito ang posisyon, okay ba?"

"Oo Gil, salamat muli."

Ilang sandali pa, dinalaw na kami ng antok at nakatulog na magkayakap.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 2)
Ang Lumang Shorts at T-shirt (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhihfoZmOKGhiOyagU8HRErRJy7mrKbKpqLyNY_PSR13YY8VcSrbbYwh_yJ42RbtvLyykWPXqqCf67fsEl1jPhQN7Hn9uPP-gEqPQ_vdbxWiqywmV0o3VyA9M4kWRX7jmlfi8NtLdZ00xsa/s1600/Ang+Lumang+Shorts+at+T-shirt.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhihfoZmOKGhiOyagU8HRErRJy7mrKbKpqLyNY_PSR13YY8VcSrbbYwh_yJ42RbtvLyykWPXqqCf67fsEl1jPhQN7Hn9uPP-gEqPQ_vdbxWiqywmV0o3VyA9M4kWRX7jmlfi8NtLdZ00xsa/s72-c/Ang+Lumang+Shorts+at+T-shirt.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2010/11/ang-lumang-shorts-at-t-shirt-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2010/11/ang-lumang-shorts-at-t-shirt-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content