$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Tadhana ni Randolf (Part 1)

by: Jack Kulit Ang buhay ay puno ng pag-asa, pagsubok, pagpupunyagi, pagkadapa, pagbangon at pag-ibig. Maraming tao sa mundo ang pilit na na...

by: Jack Kulit

Ang buhay ay puno ng pag-asa, pagsubok, pagpupunyagi, pagkadapa, pagbangon at pag-ibig. Maraming tao sa mundo ang pilit na nakikipagsapalaran, makamit lamang ang inaasam na pangarap.

            Hindi ba't ganun naman talaga ang buhay ng tao, ang makaramdam ng sakit at ligaya, ng kabiguan at tagumpay. Ngunit alam nating lahat na sa sakit na naramdaman ay doon lang natin madarama ang tunay na ligaya... sa kabiguan lamang natin matatamo ang tagumpay na hinahangad.

            Ako si Randolf, 24, at nakatira sa Natividad, Pangasinan. Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pakikipagsapalaran sa buhay... kung paano ko hinarap at hinaharap ang bawat pangyayaring nagbibigay sa akin ng lungkot, saya, sakit at pagmamahal.
Musmos pa lamang ako ay nakita ko na kung paano naghirap ang aking ama upang maitaguyod kaming apat na magkakapatid. Nasa elementarya pa lang ako noon nang maghiwalay ang aking mga magulang dahil sumama ang aking ina sa ibang lalake. Batid kong hindi iyon pangkaraniwan ngunit dahil sa mura kong isipan ay hindi ko iyon masyadong binigyan ng pansin.

            Nasaksihan ko kung paano ginawang araw ng aking ama ang bawat gabi upang mapagkasya lamang ang kanyang kinikita para sa aming pang-araw-araw na pangangailangan. Pinasok nya ang lahat halos ng trabaho na kaya nyang gawin maitaguyod lamang kami. Mahirap para sa isang ama ang magpalaki ng mga anak na walang ina na gumagabay sa kanila. Ang aking kuya, na nasa kolehiyo noon nang maghiwalay ang aming mga magulang, ay napilitang huminto ng pag-aaral at magtrabaho para matulungan ang aming ama sa paghahanapbuhay. Ang ate ko na sumunod sa kuya ko ay nasa kolehiyo na rin noon ay nagbalak ding huminto ngunit hindi ito pinayagang mangyari ng aking ama at kuya. Sa puntong iyon ay alam kong lubhang mahirap ang aming kalagayan sa buhay. Kinailangan naming magtipid sa lahat ng bagay at magtulungan sa bawat gawain.

            Ako at ang aking bunsong kapatid na babae, na nasa elementarya din, ang laging magkasama sa bahay. Ako ang gumagabay sa kanya sa kanyang mga takdang-aralin, kasama sa pagpasok sa eskwela at tagapagtanggol nya kapag may nang-aaway sa kanya.

            Sa kabila ng lahat ng ito, masasabi kong normal ang aming buhay... masaya ang aming pamilya, nagtutulungan, nagtatampuhan paminsan-minsan at buo ang aming pagmamahal sa bawat isa sa kabila ng kakulangan sa kalinga ng isang ina.

            Mabilis ang paglipas ng mga panahon kung kaya't marami na rin ang nangyari sa aming buhay. Ang kuya ko ay hindi na nagpatuloy sa pag-aaral dahil maganda na rin ang kanyang napasukang trabaho at naging regular na sya dito. Ang ate ko naman na nakatapos ng kursong BS Secondary Education ay nagtuturo na sa isang high school sa aming lugar. Ang bunso kong kapatid naman ay kasalukuyang nasa third year college sa kursong BS Nursing. Ang aming ama naman ay nananatili na lamang sa bahay at nag-aalaga ng kanyang mga manok at baboy. Ito kasi ang naisip ng kuya at ate ko na regalo sa aming ama upang hindi na sya mamasukan sa trabaho. Masaya naman ang aming ama sa kanyang ginagawa lalu na kapag kumikita sya sa pagbebenta ng kanyang mga alaga.

            Ako?... Kasalukuyan akong nakikipagsapalaran dito sa Baguio City. Nagtatrabaho ako ngayon bilang isang crew sa isang food chain at minsan ay delivery boy din. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakahanap ng trabaho sa isang hotel. HRM kasi ang natapos kong kurso at pangarap ko na makapagtrabaho sa isang malaking hotel. Hindi naman sa pagyayabang ngunit masasasbi kong angkop sa akin ang trabahong ito dahil may katangkaran ako sa taas na 5'9", maputi, maganda ang pangangatawan, makapal ang kilay, medyo singkit ang mga mata at mestisuhin. Alam ko naman na bago ka makapasok sa isang hotel ay una nilang tinitingnan ang iyong pisikal na anyo dahil ito ang unang bentahe sa ganitong trabaho.

            Araw ng Linggo at day-off ko noon. Namasyal ako at nagpalipas ng oras sa ilang mga tanawin sa Baguio. Nagpunta rin ako sa isang ukay-ukay store upang bumili ng jacket. Papalapit na kasi ang pasko at magsisimula ng lumamig ang panahon. Kasalukuyan kong pumipili ng jacket nang may lumapit sa akin na isang lalaki. Tumabi sya sa akin at nagtanong kung taga doon daw ba ako. "Hindi ako taga dito ngunit dito ako nagtatrabaho," sagot ko. "Ah ganun ba. Hindi kasi ako sanay sa mga lugar dito at magtatanong sana ako kung saan pwedeng umupa ng kwarto habang nandito ako. Sya nga pala, ako si Sean. Sean Carlo Monte Alto ang tunay kong pangalan," pagpapakilala nya. "Randolf, Randolf Paredes," sabay abot ng aking kamay.

            Pagkatapos kong mabayaran ang aking biniling jacket ay niyaya kong lumabas na si Sean upang masamahan kong maghanap ng mauupahang kwarto. Sa kwento nya sa akin ay nagbabakasyon lamang daw sya dito sa Baguio City. Taga Maynila sya kaya hindi sya sanay dito at ito ang unang pagkakataon na umakyat sya ng Baguio mag-isa. Bata pa daw kasi sya noong dinada sya dito ng kanyang mga magulang.

            "Tara dito tayo at nang makapag-abang ng jeep," yaya ko sa kanya. "Ah, eh may dala akong sasakyan yun na lang gamitin natin," wika nya. Naisip ko tuloy na mukhang mayaman si Sean. Sa bihis pa lang nya ay iisipin mong may taste sya at hindi mumurahin ang itsura ng suot nya. Isa pa, sa pangalan pa lang, tunog mayaman na.

            Tinungo namin ang lugar kung saan naka-park ang kanyang kotse at sumakay kami doon. "Hindi ba kita maaabala kung magpapasama ako sa 'yo, Randolf. Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao. Hindi ko lang talaga alam kung saan makakakita ng mauupahan dito. Siguro mga dalawang linggo akong mananatili dito. Sawa na kasi ako sa klase ng environment sa Maynila. Dito ko napiling magpunta dahil bukod sa malayo eh maituturing kong adventure na rin dahil di ako sanay sa lugar. Tsaka lumalamig na ang hangin kaya't masarap magbakasyon dito," pagkukwento nya. "Huwag kang mag-alala Sean, kahit di ako taga dito ay alam ko ang pasikot-sikot dito sa Baguio. Mahigit dalawang taon na kasi akong nagtatrabaho dito bilang crew sa isang food chain hindi kalayuan sa terminal ng Victory Liner," paliwanag ko, "isa pa day-off ko naman kaya okay lang na samahan kita."

            Ngumiti sya sa akin at nagpasalamat. Nasilayan ko tuloy ang mapuputi nyang ngipin na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Isama mo pa dito ang malalim na biloy sa kanan niyang pisngi. Hindi kami nagkakalayo ng kulay ng balat ni Sean... mas makinis at mapusyaw lamang ang sa kanya. Kaninang naglalakad kami ay pansin kong mas matangkad ako ng kaunti sa kanya. Maganda rin ang hubog ng kanyang pangangatawan na halatang nagwo-work-out sa gym. Mas lalo kong napagtanto na may kaya sya sa buhay dahil ang lambot ng kanyang palad nang kinamayan nya ako... hindi siguro sya sanay sa trabaho at ibang gawain kung kaya't ganun kalambot ang kanyang palad.

            Pinaandar nya ang kanyang kotse at itinuro ko na lamang sa kanya kung saan kami pupunta. Habang nasa daan kami ay tinanong ko sya, "Bakit hindi ka na lamang sa hotel mag-stay kasi sa tingin ko sa iyo hindi ka sanay sa mga maliliit na kwartong paupahan. Baka kasi hindi mo magustuhan yung pagdadalhan ko sa iyo." Muli na naman syang ngumiti at humarap nang saglit sa akin, "Huwag kang mag-alala at hindi ako maselang tao. Di ba sabi ko sa 'yo gusto ko ng kakaibang experience dito sa Baguio. So, walang kaso sa akin kung ano man ang itsura ng titirhan ko. Gusto kong ma-experience lahat yun. Hindi naman sa pagyayabang, sawa na ako sa ambiance ng hotel." Nasabi rin nya sa akin na may bahay daw sila sa Maynila at sya lamang ang nakatira doon. Halos buwanan na lang daw kung magkita sila ng kanyang mga magulang dahil naglalagi ang mga ito sa Cebu at inaasikaso ang business nila doon.

            Tinungo namin ang daan patungo sa may likuran ng Microtel Inn. Balak ko sana na doon na lamang sya dalhin ngunit dahil sa sinabi nya ay ituturo ko na lamang ang mga paupahang kwarto malapit doon. "Ihinto mo dyan sa may red na gate. Halos lahat ng mga bahay dito ay nagpapaupa ng mga kwarto kaya't di tayo mahihirapang maghanap," sabi ko.

            Kinatok namin ang gate at pinagbuksan kami ng isang matandang babae. Binati ko sya sa salitang ilokano at nagtanong kung may pinapaupahan silang kwarto. Pinapasok kami sa loob ng bahay at doon kami kinausap ng matandang babae. P600 daw per night ang bayad, may sariling toilet ang kwarto, may heater, single bed, maliit na tokador at cabinet na lagayan ng damit. Medyo may kamahalan ang upa dahil peak season ngayon. Marami kasi ang nagtutungo dito dahil sa pagsisimula ng paglamig ng panahon kaya tinataasan nila ang renta.

            Tumawad ako sa matanda at sinabing dalawang linggo naman mananatili doon ang kasama ko at mag-isa lang naman syang mangungupahan. Muli ko syang kinausap sa ilokano kaya't napagbigyan naman ako na P500 na lang per night. Nang magkasundo kami ay sinamahan kami ng matanda sa kwarto. Mayroon itong sariling pinto na ang daan ay sa gilid ng bahay. Halatang idinugtong lang ito sa medyo may kalumaang bahay.

            Iniwanan kami ng matanda sa kwarto at doon ay biniro ako ni Sean, "Ang galing mong tumawad ah. Tsaka marunong ka palang mag-ilokano." Natawa ako sa kanya, Oo naman. Ilokano din kaya ang salita namin sa Pangasinan." Nagkatawanan kami at napapatapik pa sya sa balikat ko. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kakaiba dahil umandar na naman ang aking malikot na imahinasyon. Biglang pumasok sa aking isipan na paano kaya kung bigla akong yayain ni Sean na mag-sex sa kwarto, hahaha. Mapaglaro talaga ang utak ko sa mga ganoong bagay. Pero sa tingin ko kay Sean ay hindi naman nya ito gagawin dahil sa salita at porma ay lalaking-lalaki sya. Isa kasi akong bisexual at hindi ko alam kung nakakahiyang aminin na hanggang ngayon ay wala pa akong karanasan sa kapwa ko lalaki. Mahirap kasing tanggapin para sa akin na ako ay bi. Hanggang sa mga panahong ito ay pilit kong itinatanggi sa aking sarili na may kakaiba sa aking pagiging lalake.

            "Alam mo okay itong nakuha natin kasi may garahe. At least hindi ko iiwanan sa labas ng gate ang aking kotse," wika ni Sean. Kasabay noon ay niyaya ko syang kunin na ang mga gamit nya sa sasakyan upang makapag-ayos na sya. Nagulat ako dahil dalawang malalaking maleta ang kanyang dala-dala. "Alam kong nabigla ka sa dala kong gamit. Actually naparami nga eh. Naka-kotse naman kasi ako kaya't dinala ko na halos lahat ng gusto kong dalhin," paliwanag nya.

            Nang maipasok na namin ang kanyang mga maleta ay niyaya naman nya akong lumabas ulit para kumain. Para naman daw kahit paano ay makapagpasalamat sya sa akin. Hindi na rin ako nakatanggi dahil sa totoo lang ay nagugutom na ako. Mag-aayos na lang daw sya ng gamit pagkatapos kumain.

            Nagpunta kami sa isang kainan malapit sa Burnham Park. Isa itong maliit na karinderya na naghahain ng iba't ibang klase ng potahe. Ang sabi kasi sa akin ni Sean ay magpunta kami sa ganoong kainan kaya iyon ang naisip ko. Ang sayang kasama ni Sean dahil may pagka-palabiro sya. Hindi rin nya pinangangalandakan ang pagiging mayaman nya dahil wala syang arte sa katawan. Sa katunayan, ako ang pina-order nya ng pagkain at bahala na daw ako.

            Nakakatuwa syang tingnan kumain dahil enjoy na enjoy sya sa mga potaheng pinili ko. Nang mahirapan sya sa pagkain ng inihaw na hito ay nagkamay pa sya kahit halatang hindi sya sanay. "Alam mo Sean, sa tingin ko ay gugustuhin kong lagi kang kasama habang nandito ka. Ang sarap mo kasing ka-kwentuhan at kasama eh," nangingiti kong sinabi. Bigla tuloy akong napayuko at nag-isip kung tama bang sinabi ko iyon sa kanya. Baka naman iba ang maging dating nito sa kanya at isiping nagsasamantala ako sa kabaitan nya. Sumagot naman sya sa akin, "Kung hindi naman ba kalabisan sa iyo na samahan ako sa pamamasyal bakit hindi. Kaso sabi mo may trabaho ka dito. Ayaw ko namang makaistorbo sa iyo."

            Nginitian ko lang sya at walang nasabi kahit ano. Iniisip ko pa rin kasi ang aking sinabi. Hindi ko alam kung nakakahiya ang sinabi ko.

            Patuloy sya sa pagkain ng hito nang bigla nya akong lagyan ng nahimay nya sa aking plato. "Oh ayan kumain ka. Parang ako lang ang kumakain nito ah. Tikman mo at masarap pala ito. Ngayon lang ako nakatikim nito," tuwang-tuwa nyang sabi. Lalu pa akong nagulat nang lagyan nya ng toyo na may kalamansi ang nahimay nyang hito na nasa aking plato. "May pagka-sweet and caring pala itong si Sean," naisip ko.

            Sa bawat oras na kasama ko si Sean ay nabubuo sa akin ang paghanga sa kanya. Paghanga na dulot hindi lamang ng kanyang kakisigan at ka-gwapuhan kundi ng kanyang kabaitan at pagka down-to-earth. Hanga kasi ako sa mga taong kayang gawin ang mga bagay na di pangkaraniwan sa kanila ng walang pag-iinarte sa katawan. Kung tutuusin, sa katayuan ni Sean sa buhay ay hindi mo aakalaing kakain sya sa isang maliit na karinderya at titira sa isang kwarto na sobrang payak kung ikukumpara sa mga silid sa hotel. Sigurado din ako na ibang-iba ito sa kanyang sariling silid sa kanyang bahay.

            Sa edad ni Sean na 25, mababakas mo ang pagiging mahusay nya sa laro ng buhay. Sa mga naikwento kasi nya sa akin, marami na rin syang napagdaanan. Hindi raw kasi sya sinanay ng kanyang mga magulang na mamuhay ng marangya. Ang ibig nyang sabihin ay naranasan nya kung paano mag-commute nang sya ay nag-aaral, ang maglaba ng kanyang sariling damit, ang magtrabaho para sa kanyang sarili at matutong mag-ipon kahit mayaman sila.

            Halos ayaw na naming tumigil ni Sean sa pagkukuwentuhan dahil pareho kaming nawili sa mga kwento ng aming buhay. Sa ikli ng pagkakakilala namin ay marami na kaming nalaman sa buhay ng bawat isa. Isa sa mga nasabi ko sa kanya ay ang pangarap kong makapagtrabaho sa isang hotel. Sinabi pa nya sa akin na tutulungan nya akong makapasok sa isang hotel sa Maynila ngunit tinanggihan ko ito. Ayaw ko kasing isipin nyang nagsasamantala ako.

            Nang mapansin naming malapit ng lumubog ang araw, niyaya ko na syang tumayo at umuwi. Sinabi ko sa kanya na doon na kami maghiwalay at huwag na nya akong ihatid dahil malapit lang naman ang inuuwian ko mula doon. Nagpumilit sya na ihatid ako at sinabi pang kailangan ko pa daw ibigay ang direksyon sa kanya para di sya maligaw pauwi sa inuupahan nya.

            Nasa daan na kami nang mapansin ko na ang tinatahak nya ay hindi sa sinabi kong papunta sa aking uuwian bagkus ay papunta sa kanyang inuupahan. "Teka, bakit dito tayo papunta? Sabi mo hindi mo natatandaan ang daan papunta sa tirahan mo. Di ba ihahatid mo ako? Hindi naman ito ang daan ah," pagtataka ko. "Pasensya ka na at nagsinungaling ako. Ang totoo eh alam ko naman ang daan pauwi dahil madali lang naman tandaan. Hindi ko sinabi sa iyo dahil alam kong tatanggi ka ng sumama dahil pagabi na. Magpapatulong lang ako na mag-ayos ng kwarto ko. Okay lang ba sa 'yo?" wika nya habang nakatuon ang tingin sa daan. "Oo naman kaso ikaw lang ang inaalala ko baka pagod ka na at gusto mo ng magpahinga," paliwanag ko.

            Pagdating sa bahay na iyon ay dali-dali kaming nag-ayos ng kanyang gamit. Binuksan nya ang isang maleta at inilabas ang kanyang mga damit upang ilagay sa cabinet. Marami-rami nga ang kanyang dala at mukha talagang mamahalin ang mga gamit nya. May iniabot sya sa akin na isang pink na polo at sinabing isukat ko daw iyon. "Sigurado akong kasya sa iyo yan kasi mukhang magsingkatawan lang naman tayo at magsingtangkad. Ano ba ang height mo?" tanong nya. "5'9" ako. Ikaw?" ganti kong tanong. "5'10" ako. Halos pareho lang pala eh. Sige isukat mo na," sabi nya habang naglalagay ng damit sa hanger.

            Hinubad ko ang aking suot na blue T-shirt para maisukat ang polo na iniabot nya. Inalalayan pa nya ako sa pagsuot at sya na rin ang nagsara ng mga butones nito. "Aba tignan mo nga naman at parang isinukat sa iyo. Regalo ko na sa iyo yan at huwag mong tatanggihan. Hindi nga lang bago yan kasi naisuot ko na minsan. Bagay naman sa iyo kasi maputi ka rin tulad ko. Siguro nag-gy-gym ka rin no? Ang ganda ng hubog ng katawan mo eh," usisa nya. Ngumiti lang ako sa kanya habang hinuhubad ang pink na polo. Doon ko lang napansin ang tatak nito na Van Heusen. Hindi ko naman kasi nabibili ang mga ganung klaseng damit dahil sobrang mahal.

            "Salamat," ang sabi ko sabay lapit sa isa nyang maleta, "akin na at tutulungan na kita dyan." Nang buksan ko ang kanyang maleta ay may bumulagta na isang magazine na puro hubad na lalaki ang laman. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Isisilid ko sana itong muli sa maleta ngunit huli na dahil nakita na ito ni Sean. Nataranta syang bigla at halatang nahiya sya sa akin. "Naku Randolf pasensya ka na at pati ito ay nakita mo. Nakakahiya tuloy sa iyo... O yung damit mo bakit di mo isinuot?" pagliligaw nya sa usapan. "Okay lang kasi baka pagpawisan ako di ba maglilinis pa tayo," paliwanag ko naman sa kanya.

            Halata ko sa kilos nya na nailang syang bigla sa akin. Alam kong dahil ito sa nakita ko. "May problema ba, Sean? Mukha ka kasing balisa," usisa ko. "Wala naman. Hindi ko lang kasi alam ang uunahin kong gawin. Ang dami kasi ng dala ko. Hindi ko tuloy alam kung saan ko lahat ito ilalagay," sagot nya. "Kung nahihiya ka dahil sa nakita ko, huwag kang mag-alala, walang problema sa akin yun," paglilinaw ko.

            Lumingon sya sa akin at unti-unting lumapit, "Salamat Randolf. Kanina lang tayo nagkakilala pero parang ang tagal na kitang kaibigan. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa iyo. Ang saya mong kasama at ngayon heto ka, tinutulungan ako na mag-ayos ng gamit ko." Tinapik ko sya sa balikat at nagwikang, "Ako rin naman eh, ang gaan ng loob ko sa iyo. Mabait ka kasi at masaya ka ring kasama."

            Hindi ko mawari kung bakit napako sa kanyang balikat ang aking kamay. Nang mapansin ko ito ay mabilis ko itong ibinaba ngunit muli nya itong ibinalik. Kasabay noon ay ang paghawak nya ng kanyang kanang kamay sa aking dibdib. Napaatras ako sa kanyang ginawa at tinanong sya, "Sean bakit?" Naunahan kasi ako ng takot dahil wala pa akong karanasan sa ganoong bagay. Hindi ko kasi alam kung paano ako magre-react sa ginawa nya. "Matutuwa ba ako dahil pagkakataon ko na ito na makaranas ng pakikipagniig sa kapwa lalake o hahanap ako ng dahilan para makaiwas?" tanong ko sa sarili ko. Nag-aaway ang aking nararamdaman at ang aking isipan sa mga sandaling iyon. Ramdam kong gusto kong gawin ang nais mangyari ni Sean ngunit pilit itong kinokontra ng aking isipan. Nandoon pa rin kasi ang pagtatanggi ko na ako ay isang bi kahit alam kong hindi ito totoo.

            Humakbang papalapit sa akin si Sean, "Huwag kang mag-alala. Walang makakaalam nito. Kung naiilang ka, basta pumikit ka na lang at ako na ang bahala." Ganoon na nga lang ang ginawa ko.

            Muling idinampi ni Sean ang kanyang malambot na palad sa aking dibdib habang ang isa nyang kamay ay nakahawak sa aking batok. Naramdaman ko ang paglapit ng kanyang mainit na mga labi sa aking tenga. Sinimulan nya akong halikan doon pababa sa leeg. Aaminin kong nasarapan ako sa kanyang ginawa. Kaya't nang tangkain nyang kalikan ang aking mga labi ay hindi na ako pumalag. Ginantihan ko ang mainit nyang halik. Ngayon ay nag-aalab ang aming bawat halik kasabay ng aming mga dila. Ang sarap ng kanyang mga labi at ang bango ng kanyang hininga. Bawat pagpasok ng dila nya sa aking bibig ay lalong nagbigay sa akin ng ibayong init.

            Sinimulan nyang halikan at dilaan ang magkabila kong utong. Para syang batang uhaw sa gatas ng ina dahil animo'y ayaw na nyang tumigil. Napapasabunot ako sa kanya sa tuwing didilaan nya ang aking utong. Alam nya na nalilibugan na ako ng todo sa kanyang ginagawa kung kaya't hinubad na nya ang suot kong pantalon. Wala syang itinirang saplot sa katawan ko. Ngayon ay nakatambad sa kanyang mukha ang galit na galit kong alaga. Hinawakan nya ito at inumpisahang himasin at sabay sabing, "Ang laki nito ah. Kaya ko kaya ito?" pagbibiro pa nya.

            Nang aktong isusubo nya ito ay napatingala ako dahil alam kong ito na iyon. Ang init ng kanyang bibig at ang galing nyang tsumupa. Kahit iyon ang unang pagkakataon na may tsumupa sa burat ko ay alam kong magaling sya dahil wala akong naramdamang pagsabit ng kanyang mga ngipin. Napapalakas ang aking pag-ungol sa tuwing isasagad nya ito sa kanyang lalamunan, "Aaahhh grabe ka Sean ang galing mooohh."

            Sa mga sinabi kong iyon ay mas lalo nyang binilisan ang pag-atras-abante ng kanyang ulo sa aking harapan. Para na akong mababaliw sa sarap na aking nararamdaman. Hawak na ngayon ng dalawa kong kamay ang kanyang ulo upang mas maisagad ang aking sandata sa kailaliman ng kanyang bibig. Iniluwa nya ang aking burat at pinahiga ako sa kama. Doon ay inumpisahan uli nyang susuhin ang aking burat. Napapaigtad ako sa bawat baba ng kanyang ulo. Sinasabayan ko ng pagtaas ng aking balakang ang mga galaw nya pababa. Wala syang kapaguran sa pagdila ng aking sandata at magkabilang bayag habang binabati ang kanyang sariling tarugo. Sa totoo lang ay may kalakihan din ang burat ni Sean.

            Pilit kong inabot ang kanyang naghuhumindig na sandata upang ako na ang mag-dyakol sa kanya. Nasarapan sya sa aking ginawa. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkabigla nang maramdaman nya ang mainit kong bibig na inuumpisahang isubo ang kanyang sandata. Nguni dahil na rin sa sarap na nararamdaman ay hindi na nya ito inalintana.

            Hindi ako masyadong marunong sa pagtsupa kung ihahambing sa kanya ngunit ayos na sa akin na makita kong nasasarapan sya sa aking ginagawa. Wala kang ibang maririnig sa silid na iyon kundi ungol... ungol ng sarap na nararamdaman namin, "Oooohhh ang sarap nyan. Sige isagad moohhh. Ayan na, malapit na akooooo."

            Kasabay ng mahabang ungol naming iyon ay ang magkasabay na pagbulwak ng aming mga tamod. Tumilamsik sa buo kong mukha ang kanyang katas at ang sa akin naman ay sa loob ng kanyang bibig. Walang itinira si Sean sa aking tamod... sinimot nyang lahat hanggang sa kahuli-hulihang patak nito. "Wow Sean grabe ka. Wala ka talagang itinira ah," sabay ngiti ko. Kinindatan lamang nya ako sabay bagsak ng kanyang katawan sa higaan.

            Kapwa nanlupaypay ang aming mga katawan sa sobrang pagod. Mga ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon bago ako tumayo upang magbanlaw sa CR. Paglabas ko ay isinuot ko na ang aking damit. Nanatili pa rin sa pagkakahiga si Sean habang nakatitig sa akin habang ako ay nagbibihis. "Bakit mo ako tinitignan ng ganyan, Sean? May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Wala lang. Iniisip ko lang kung mauulit pa ang ginawa natin. Sana magkita pa tayo ulit. Atsaka tol wag sanang makarating kahit kanino ito ha," pakiusap nya. "Oo naman. Pareho lang tayong ayaw ipaalam ito kahit kanino kaya wala kang dapat ipag-alala," pagpapanatag ko ng kanyang kalooban.

            Bumangon na rin sya at nagsuot ng kanyang damit. Muli naming itinuloy ang pag-aayos ng kanyang mga gamit. Halos alas-otso na nang matapos kami sa pag-aayos at pagliligpit. Nang masiguro kong wala ng ibang gagawin, nagpaalam na ako kay Sean, "O pano mauuna na ako kasi gabi na. Salamat uli sa polo ha."

            Kasabay ng paghatid nya sa akin sa gate ay ang pagpapalitan namin ng cellphone number. Kinawayan ko sya habang naglalakad ako palayo.

            Nakasakay na ako sa FX pauwi ngunit hindi ko maiwaglit sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Sean at ng mga bagay na nagbigay sa akin ng mas maliwanag na pang-unawa sa buhay. Naisip ko tuloy na may mga tao talagang ipinanganak na mapalad kaysa sa iba. Magiging ipokrito naman ako kung sasabihin kong hindi ako naiinggit sa kanyang katayuan sa buhay. Sa mga naikwento nya kasi sa akin ay di hamak na milya-milya ang layo ng agwat namin sa buhay.

            Sa pag-iisip kong iyon ay dali-dali namang pumasok sa aking isipan ang kasagutan... na ang buhay ay hindi tungkol sa pagiging mayaman o mahirap... hindi sa kung ano ang meron ang iba na wala ka... ito ay tungkol sa ating pakikipagsapalaran na makuha ang bawat nating naisin. Naisip ko na higit na mahalaga na makuha ang mga bagay na aking gustong makamit kung akin itong paghihirapan. Katulad na lamang ni Sean na ninanais na maranasan ang bawat yugto ng kanyang buhay na taliwas sa karangyaan na kanyang tinatamasa. Upang masabi lamang nya sa kanyang sarili na hindi sya naka-depende lamang sa yaman ng kanyang mga magulang.

            Ano nga ba ang aking tadhana? Sino ang makapagsasabi nito? Hindi ba’t tayo ang gumuguhit ng sarili nating buhay? Sana'y sa paglipas ng panahon ay akin ding masumpungan ang aking mga mithiin sa buhay. Masalimuot man ang daan patungo doon, alam kong mararating ko iyon... sa tamang panahon... ITUTULOY

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Tadhana ni Randolf (Part 1)
Ang Tadhana ni Randolf (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg_aE8J4A78FRoUrH-cgW7BpdJReOZIxyavgjFoIOSXPFUecKhVHFfWAljAcl59FCL0clP5QqTqfpLFlJC35e0x_HNHEjBNqoCgJcDMqxUaPqYrsppfuztBcoUQBsDHHPD1V_iQ8mAnk_w/s400/tthhf.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg_aE8J4A78FRoUrH-cgW7BpdJReOZIxyavgjFoIOSXPFUecKhVHFfWAljAcl59FCL0clP5QqTqfpLFlJC35e0x_HNHEjBNqoCgJcDMqxUaPqYrsppfuztBcoUQBsDHHPD1V_iQ8mAnk_w/s72-c/tthhf.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/01/ang-tadhana-ni-randolf-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/01/ang-tadhana-ni-randolf-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content