By: Anonymous Ang Muling Pagkikita "Hi Carlos" Sabi ni Miguel ng nakangiti. "Oi, tagal nating hindi nagkita ah."...
By: Anonymous
Ang Muling Pagkikita
"Hi Carlos" Sabi ni Miguel ng nakangiti.
"Oi, tagal nating hindi nagkita ah." sagot ko.
Sinabayan ako ni Miguel sa paglalakad, naghanap ng matatambayan at ng makahanap na kami ay muling nagkwentuhan. Ibang iba ako pag kasama ko si Migz.
Lagi na kong nakangiti sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro magaan ang loob ko sa taong ito. Sa totoo lang, mabait si Miguel. Kaya siguro ay gumaan ang loob ko sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganito kagaan ang aking loob sa kanya. Sa tingin ko madami din naman akong mababait na kaklase ngunit hindi ko sila mapakisamahan ng katulad ng kay Miguel. Lumipas ang oras ng kami ay walang humpay na nagkwentuhan.
Batid sa kanyang mga kwento ang pagiging masiyahin niya. Pero may gusto pa akong malaman, gustong matuklasan. Alam ko din kasing nag-iisang anak si Miguel kaya alam ko na may tinatago tong problema.
Niyaya niya ako na makipagkita kami sa mga kaibigan niya, ngunit tumanggi ako. Sinabi ko na may gagawin ako.
"Ang KJ mo naman." malungkot na sabi ni migz
"May gagawin nga kasi ako." sabi ko
"Sige na nga, kunin ko na lang ang number mo, para sa susunod na wala akong makasama o wala kang makasama eh matawagan natin ang isa't isa." sabi ni Migz.
Hindi ko alam kung ibibigay ko ang number ko sa kanya. Ang awkward kasi na dalawang lalaki nagpapalitan ng number sa wala naman talagang dahilan. Hindi kami magkaklase at bago ko pa lang siya kilala. Ngunit sa kadahilanang di ko maintidihan ay binigay ko din ang aking number. Umalis na si Migz at ako'y umuwi na din.
Nakadating ako sa bahay, pagod at dumiretso sa kwarto. Nagpalit ng damit at humiga sa kama. Di ko napansin na ako'y nakatulog na pala.. Nang biglang tumunog ang aking cellphone.
TEXT
"Hi Carlos, may gagawin ka ba mamayang gabi? Migz here." text ni migz
"Wala naman bakit?" reply ko
"Yayain sana kita mag hang, kasi wala akong magawa eh." text ni migz
"Tinatamad akong lumabas." reply ko
"Wala ka pading kupas eh no. KJ KA PA DIN" text ni migz
"Punta ka na lang dito sa bahay, wala naman akong kasama eh." text ko
"Sige, san ba yan?" tanong niya.
Binigay ko ang aking address. Maya maya pa ay dumating na si Migz. Niyaya ko siya na maghapunan sapagkat sakto ang dating niya na dinner na naman talaga. Pagkatapos namin maghapunan ay niyaya ko siya sa likod namin kung saan na dun ang aming garden. Nagkwentuhan na naman kaming dalawa.
"Tol, may tanong ako sayo." sabi ni Migz
"Ano yun?" sabi ko
"Bat ganyan ka, ang KJ KJ mo?" tanong niya.
"GAGO, KJ ka diyan. Eh di sana di na kita pinapunta dito kung KJ ako. Pero sanay lang kasi talaga ako ng mag-isa at walang pinupuntahan." sagot ko.
"Madalas din akong walang kasama sa bahay, kaya naman lagi din akong lumalabas pag walang ginagawa." Sabi ni Migz.
Dito ko narealize na iisa lang kami ng sitwasyon ni Migz. Pareho kaming laging nagiisa sa bahay. Laging wala ang mga magulang. Ngunit iba ang aming paraan para ibsan ang lungkot ng walang kasama sa bahay. Kung ako ay sanay na mag-isa lang at walang pakelam sa iba, eto namang si Migz ay gusto ng laging lumalabas at laging nangingit ang paa sa pag gala.
Lumipas ang oras na kami ay nagkekwentuhan. At some point narealize ko na may mga bagay pala na magkatulad kami ni migz, Pero ang laki talaga nang aming pagkakaiba.
Dito mas napalapit ang loob ko kay migz. Di ko alam kung bakit. Pero ang alam ko ay wala tong malisya. Siguro talaga lang na siya ang nag-iisa kong kaibigan. Sa totoo lang kasi, kahit nung High School wala akong naging mga kaibigan. Inilalayo ko ang sarili ko sa kanila. Pero nagbago ang lahat ng nakilala ko si Migz.
Lumalim na ang gabi, di namin namalayan ang oras. Pinauwi ko si migz dahil may kotse naman siya. Ngunit nagpumilit si migz na dito na lang sa bahay siya matutulog.
Di ako pumayag pero ang pilit talaga ng mokong kaya pumayag na din ako. Tumaas kami sa kwarto. Nagshower ako, at pagkatapos ko ay nagshower din siya. Pinahiram ko siya ng pantulog at kami ay humiga sa kama. Nagkekwentuhan pa din kami, pero dinalaw ako ng antok. Salita siya ng salita hanggang napapikit ako at di niya ito napansin.
---
Habang natutulog si Carlos
MIGUEL
"Ay naku naman, this kid is so KJ. Nagkekwentuhan pa kami, tinulugan na pala ako." sabi ni migz sa sarili.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko para kay carlos. Alam ko sa sarili ko na wala naman akong gusto sa kanya. Siguro nga ay may pagkakapareho lang kami. Ngunit habang nakikilala ko siya ay parang mas gusto ko siya na makasama. Hindi pede tong nararamdaman ko. Kaiba, nakakatakot. Kung ano man tong nararamdaman ko para sa kanya alam kong pagiging matalik lang na kaibigan at wala ng iba. Pero iba din kasi ako pagkasama ko siya, alam ko na napapangiti ko siya. Halata ko sa kanyang mukha ang matatamis na ngiti pag kami'y nag-uusap. Naguguluhan na ko.
----
CARLOS
Naalimpungatan ako at nakitang tulog na si Migz. Napatitig ako sa kanyang mukha at napangiti sa di ko alam na kadahilanan. Ganun na lang ba talaga ang sayang dulot sakin ng taong ito? Na pagmagkasama kami ay gumagaan ang pakiramdam ko. Nag-iiba ang takbo ng aking pagkasama ko siya. Naguguluhan ako, pero ewan, bahala na.
Masaya ako pagkasama ko siya. Bigla kong hinalikan si miguel sa noo. Pero nabigla ako sa aking ginawa. Lumingid ang luha sa king mga mata, pagmamahal na ata tong nararamdaman ko para sa kanya. Yan ang mga sinasabi ng utak at puso ko, hindi man sila mga tanong pero kailangan nito ng kasagutan. Masakit man para sa akin ang magmahal ng kapwa lalaki, pero sa kanya ko lang talaga yun naramdaman. Mali, kailangan, itago at pigilan. Hindi maari tong nararamdaman ko para sa kanya.
Nakatulog ako sa pag-iisip at di ko namalayan ang pagpikit ng aking mata, at sa huling beses ng pagpatak ng luha ay nahimbing na ako sa pagtulog.
Pag-kagising sa umaga...
COMMENTS