It’s a Little Bit Funny, This Feeling Inside. By: Chaster Rassel Nanatili ang aming posisyon na ganun, para bang huminto ang pagtakbo...
It’s a Little Bit Funny, This Feeling Inside.
By: Chaster Rassel
Nanatili ang aming posisyon na ganun, para bang huminto ang pagtakbo ng oras at hindi kami makakibong pareho. Masasabi kong hindi ako bading dahil kahit kailan hindi pa ko nagkagusto sa kapwa ko lalake at sa probinsya puro mga babae lang ang mga nagiging crush ko.
Pero ano tong nararamdaman kong kakaiba? Hindi ko maintindihan....Ang alam ko lang, palakas nang palakas ang bawat kabog ng dibdib ko habang tumatagal ang pagkakatitig namin sa isa’t isa. Pinilit kong dedmahin ang nararamdaman ko para putulin ang katahimikan sa pagitan namin.
“Ahmm. Anong...” sambit ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
“Ang ganda talaga ng mga mata mo. Nakakainlove.” bigla na lamang nyang nasabi iyon na tila ba nawawala sya sa kanyang sarili.
Natauhan ako sa aking narinig. Nainis ako kaya binitawan ko sya dahilan para bumagsak sya sa simento at tumama ang kanyang likuran.
“Ouch!”
Dahil sa inis ko, dedma lang ako sa pag-aray nya at sa halip ay nagbayad muna ako. Pagkatapos kong makapagbayad ay muli ko syang nilingon, nakaplakada pa rin sya at pilit na tumatayo.
“Ahh. Aray.” muli nyang daing habang nakahawak ang isa nyang kamay sa kanyang likuran.
“Masakit?” nang-aasar kong usisa sabay ngiti.
“Nagtatanong ka pa! Bat mo naman ginawa yun?!”
“Puro ka kasi kagaguhan! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo! Nakakaloko ka eh!”
“Ito naman! Para binibiro ka lang eh. Tulungan mo naman ako makatayo oh. Please...”
Hindi ko alam kung sinasadya nyang magpa-cute pero ang cute nang itsura nya habang nagmamakaawa. Hindi ko na rin ito natiis kaya naman tinulungan ko na syang makatayo.
“Oh ayan nakatayo ka na. Uuwi na ko ah.?”
“Uy! Sandali lang!”
Lumabas na ko ng eskwelahan at hindi ako makapaniwala dahil sinundan pa ko ng mokong sa paglalakad ko..........
“Sandali lang naman!...”
Kaya tumigil ako at hinarap sya......
“Ano ba yun ha?!”
“Pagkatapos ng nangyari ganun na lang? Lalayasan mo ko...?”
“At ano naman ang gusto mong palabasin ngayon...?”
“Wala naman...Niligtas lang naman kita kanina....”
“Ano gusto mong gawin ko?!....Ipagpatayo ka ng rebulto?!”
“Hindi...Gusto ko ikaw mismo ang magtayo nung rebulto ko!” nakangiti nyang sagot na tila nang-aasar na naman
“Gago!.....Sinalo kita kanina kaya quits na tayo!”
“Sinalo mo nga ako pero binagsak mo naman ako sa simento! Masakit yun ah!”
“Hmph! Bahala ka sa buhay mo diyan.”
Tumuloy na ako sa paglalakad at iniwan ko siyang nakatayo doon. At habang papalayo ako ay narinig ko pa syang sumigaw.
“Hoy! Ang sungit mo!! Para kang may dalaw!”
Pero imbis na mainis, natawa na lamang ako sa sinabi nya hanggang sa mapahinto ako sa paglalakad dahil bigla kong naalala na.
“Hindi ko pala natanong ang pangalan nya. Hmph! Di bale na nga.” bulong ko sa aking sarili sabay lakad na ulit.
Samantala.
Wala na sya....Hay, ang sungit nya pero...Nakakatuwa sya. Ngayon lang ata ko ulit sumaya ng ganito ah at dahil yun sa kanya tapos yung mga mata nya. Sayang.
“Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.” malungkot kong bulong sa aking sarili.
Teka. Bakit ba ko nagkakaganito nang dahil lang sa kupal na iyon? Ano ba itong nangyayari sa akin? Ang weird ng pakiramdam ko. Makabalik na nga lang sa loob ng school. Maglilibot ako at maglilibang, mawawala rin toh mamaya.
Lumingon na ako at lumakad pabalik sa school nang biglang...
“Crack!”
Tumunog ang likuran ko.
“Araaaay! Mukhang nabalian ata ako ah. Humanda ka sa akin sa pasukan kupal ka. May araw ka rin!” sambit ko habang naglalakad at hawak ang aking likuran.
Makalipas ang isang buwan.
Isang buwan na ang lumipas mula nung enrollment day at sa makalawa, pasukan na. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari nung araw na iyon. Ewan ko ba, madalas nahuhuli ko na lamang ang aking sarili na nakasungaw sa bintana, tumitingin sa kalangitan, sa kalagitnaan ng gabi, hanggang sa bigla na lang mapapangiti, gaya ngayon. Maging si ate Char tuloy ay napapansin na rin na may nagbago sa akin. Kung dati daw ay panay ang emote ko sa pagkawala ng mga magulang namin, ngayon naman daw ay panay ang ngiti ko nang walang dahilan. Pero kapag tinatanong nya ako, sinasabi ko na lang na wala lang yun, na ayos lang ako.
Ang totoo nyan, hindi naman yung nangyari sa loob ng classroom ang gumugulo sa akin, kung di yung makulit na mokong na nagligtas sa akin. Ni hindi ko man lang nagawang makapagpasalamat sa kanya ng maayos. Kumusta na kaya sya? Hindi kaya nainjure yung likod nya sa ginawa ko? Bakit ba ako nag-aalala sa kanya ng ganito?
Sa unang araw ng pasukan.
Todo tindig ako sa tapat ng salamin habang inaayos ang suot kong uniporme. Naisip ko tuloy na dahil sa itsura ng school uniform eh nagmukha akong classy kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.
Ito ang first time na papasok ako sa isang private at exclusive na eskwelahan kaya magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Nasa hallway palang ako, tumatakbo sa isipan ko kung ano ba ang itsura ng mga magiging classmate ko, na baka maout of place lang ako dahil isa kong prombi.
Pagdating ko sa classroom ay huminto muna ako sa may pinto at sumilip, halos kompleto na ang klase pero wala pa ang guro, mukhang medyo tinanghali yata ako. Napansin ko na may nakadikit na maliit na name tag sa mga bakanteng silya, malamang para malaman ng mga estudyanteng papasok kung saan sila uupo.
Malapit lang sa may pinto at nasa pinakaharap pa ang silyang may pangalan ko kaya naman tumuloy na ko. Pagpasok ko ay nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin, yung iba ay tila natulala pa. Ang weird pero alam ko na yung mga mata ko na naman ang dahilan. Dedma na lang ako at nagtungo na ko sa aking upuan.
Pag-upo ko ay agad kong inalis ang name tag. Dun ko napasin ang pangalan sa silya ng seatmate ko, “Almoneda, Rassel H”. Pamatay talaga ang alphabetical order. Dahil sa wala pa naman sya, naisipan kong ilagay muna sa silya nya ang bag ko.
Habang naghihintay ay pinaggala ko muna ang aking mga mata sa buong classroom. Inobserbahan ko ang mga kaklase kong nagkwekwentuhan hanggang sa biglang may kumalabit sa akin at...
“Excuse me pre...Pwede patanggal nung bag mo sa silya?”
Napalingon naman ako.
“Ay pasensya na.” sagot ko sabay pulot ng bag.
Ngunit bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang taong iyon. Walang iba kung hindi ang taong nagligtas sa akin mula dun sa manyak, ang taong ibinagsak ko sa simento. Gaya ko ay natigilan din sya at ilang saglit lang.
“Ikaw?!” sabay naming sambit.
“Huwag mong sabihing ikaw si Almoneda, Rassel H.?!” gulat kong usisa.
“Ako nga ang iyong abang likod. Rassel Almoneda. Rass for short” nakangiti nyang sagot sabay yuko at pulot ng kung ano sa may sahig.
Yung name tag ko pala mula sa silya ang pinulot nya.
“Hmmm. Amarines, Chaster V. huh. Saan nga ba tayo unang nagkita? Ah Oo! Nung enrollment ikaw yung batang inaano dun sa...”
Alam kong nang-aasar lang si Rassel, pero akala ko babanggitin nya yung nakita nya, kinabahan ako kaya binatawan ko yung bag na bibit ko dahilan para mahulugan nito ang isa nyang paa.
“Ahhhhh!” napahiyaw sya sa sakit.
At doon lang namin napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga kaklase namin at ang iba ay medyo natatawa pa. Nahiya kaming pareho sa inasal namin kaya napatahimik kami pero nakatingin pa rin ang inis na si Rassel sa akin.
Ilang sandali pa ay dumating na ang aming guro at syempre nakita nito na sya lang ang nakatayo pa kaya naman.
“Your Mr. Almoneda right? Why are you still standing? Is there a problem?”
“Nothing ma’am. Kapapasok ko lang po kasi.”
At nagsimula na ang klase. Sa kalagitnaan ng aming pagklaklase, ramdam ko pa rin ang inis ni Rassel dahil hindi sya mapakali sa upuan nya. Pero sa kabila noon, secure ang pakiramdam ko na sya ang naging seatmate ko. Mayamaya ay pasimple syang bumulong sa akin.
“Hoy Chast! Nakakadalawa ka na sa akin ah!”
“Chast agad ang tawag sa akin? Feeling close?” nang-aasar kong sagot.
“Bakit? Close naman tayo ah? Hindi ba nga may dark secret pa tayo? Hehehe.”
“Tigilan mo ako! Wag mo na naman akong simulan!”
“Uy! Naiinis na sya.”
“Tumigil ka na sabi! Pagtayo lang nahuli ng teacher.”
“Hmph! Humanda ka sa akin mamayang lunch Chaster Amarines. Babawian kita!”
“Ows?! Grabe! Hindi na ako makapaghintay sa iyo Rassel Almoneda! Sana lunch na!”
Pagdating ng lunch.
Patayo pa lang ako mula sa aking silya ay bigla nang hinawakan ni Rassel ang kanang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak nya kaya nasaktan ako.
“Hoy ano ba! Masakit!”
“Sabi ko naman sa iyo humanda ka sa akin di ba?! Halika sumama ka sa akin! Magtutuos tayo!” pahayag nya na tila galit.
Hindi ko inaasahan ito, mukhang siryoso sya. Kinaladkad nya ko papunta sa kaloob-looban ng eskwelahan, medyo madilim doon. Tapos ay huminto kami sa tapat ng isang dingding. Sa unang tingin ay aakalain mong dead end na doon ngunit mayroon pa lang nakatagong lagusan at maliit na pinto na hinarangan ng kahoy.
Inalis nya ang kahoy at hinila nya ko papalabas ng pinto. Pagkalabas namin ay ibinalik nya sa dating posisyon ang kahoy bago muling isinara ang pinto. Isang maliit na espasyo ang naroon na tambakan ng mga lumang silya. Muli ay hinila na naman nya ko para lumapit sa tapat ng bakod na pader.....
“Akyat sa bakod!”
“Rass anong ba kalokohan to ha?!”
“ANG SABI KO UMAKYAT KA SA MAY BAKOD! BILISAN MO!! AT SUSUNOD AKO!!!” pagalit nyang sagot.....
Katamtaman lamang ang taas ng bakod kaya hindi ako nahirapang akyatin iyon. Paglampas namin doon ay isang magandang tanawin ang tumambad sa akin, maaliwalas, may mga puno na talaga namang kaayaaya sa paningin at mahangin. Kaya lang...kaming dalawa lamang ang naroon........
“Bakit mo ko dinala dito?!.....Anong gagawin mo...?!”
Hindi sya sumagot, sa halip ay hinila nya ko papunta sa ilalim ng isa sa mga puno doon, tapos ay binitawan nya ko. Tinitigan nya ko ng masama, para bang gigil na gigil sya sa akin at gusto nya akong sapukin. Inabot ata ng isang minuto yung titig nya sa akin........
“Ano? Sasapakin mo ko?....Sige gawin mo na! Para matapos na ang kalokohan na toh!!”
Umatras sya ng bahagya at bumuwelo para buong pwersa kong sapakin ngunit pagtapat ng kamao nya sa mukha ko, bigla syang huminto. Pero nagulat at natakot pa rin ako kaya naman napaatras din ako at napaupo. At bigla syang tumawa ng malakas.........
“Ahahahaha!.....Natakot ka?....Hahahaha!”
“GAGO KA RIN EH NOH! Pinagtritripan mo lang pala ko!...Tinakot mo ko ah!”
“Sus! Kanina ang tapang-tapang mo....Tapos ngayon aarte ka ng ganyan...?”
“Malay ko bang tototohanin mo!...Kainis ka talaga!”
Umupo sya sa tabi ko at nagpatuloy ang aming pag-uusap.......
“Sorry na...Hindi ko naman tinuloy eh....Tsaka wala naman talaga kong balak na ituloy iyon...Gusto ko lang makita ang magiging reakyson mo.....”
“Hmph!...Nakakainis ka pa rin....”
“Nagsosorry na nga yung tao eh....Bati na tayo Chast...Pleaseee.....”
Nakatingin sya sa akin at nakacrossfingers pa habang nagmamakaawa. Naalala ko na naman tuloy yung itsura nya nung nagmamakaawa sya sa akin na tulungan ko syang makatayo, parehong pareho iyon ng ngayon. Hay, hindi ko talaga sya magawang tiisin, ano bang meron sa kanya?.......
“Sige na nga....” nakangiting kong sagot sa kanya....
“Ibig sabihin ba niyan magkaibigan na tayo...?”
“OO”
“YEESSSS!!!!!.....” bigla nyang hiyaw.......
Sobrang ligalig nya matapos marinig ang sagot ko, napataas pa ang kanyang mga kamay at pinagpapadyak nya ang mga paa nya. Syempre nairita ko kaya naman......
“Rass anong ginagawa mo...?” iritable kong usisa..
“Ay....Masaya lang naman ako na bati na tayo....” sagot nya sabay tigil ng paa nya sa pagpadyak at baba ng kamay nya......
“Ang OA mo....Parang kang gago....Daig mo pa ang lalakeng sinagot ng nililigawan.....”
Napangiti lamang sya sa akin at napakamot sa ulo. Nakita ko na naman ang maganda at matingkad nyang ngiti at yung ngiti na iyon ang syang lumusaw ng tuluyan sa inis na nararamdaman ko kanina. Nadala na rin ako at napangiti na rin sa kanya. Hanggang sa ang pagngiti namin sa isa’t isa ay nauwi na naman sa titigan.
Heto na naman ako, bigla na namang bumilis at lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Pabilis itong nang pabilis at palakas nang palakas, parang sasabog na ito sa kakaibang kong nararamdaman nang biglang.......
“Ahmm Chast.....”
Naisip ko na baka may kung anong kagaguhan na naman ang lumabas sa ibibig nitong si Rassel, kaya naman......
“SIGE! SUBUKAN MO LANG MAGKAMALI NG SALITA!!....Masasaktan ka na naman !!!...” bigla ko na lamang nasabi iyon.....
“Huh?....Sasabihin ko lang naman po na nagugutom na ko kaya maglunch na tayo...May 40 minutes pa naman na natitira sa break natin....Akala mo aasarin kita ulit sa mata mo noh?....Pahiya onte!...Hehehe.... ”
“Oo na...Sige na....Tara na punta na tayo ng cafeteria.......”
“Hindi na kailangan.....”
“Huh? Bakit?...”
“Basta....Hintayin mo lang ako dito...Babalik ako agad....”
Umalis sya na tumatakbo papabalik sa loob ng eskwelahan, ako naman ay naiwang nababalot ng pagtataka. Paglikapas ng ilang minuto ay bumalik sya na may dalang isang katutak na pagkain. Ni hindi ko alam kung paano nya nagawang dalahin ang lahat ng iyon mula sa cafeteria. May kanin, apat na klaseng ulam, may dessert pa na buko pandan at isang set na coke in can. Tumayo ako upang tulungan sya........
“Ang dami naman nito...May party party ba?!” usisa ko habang tinutulungan syang ilapag ang mga pagkain......
“Okay lang yan...Mas masaya nga eh...Para tayong nagpipicnic...”
“Nakakahiya naman sa iyo Rass...Gumastos ka pa....”
“Wala yun noh!...Tsaka treat ko yan para sa seatmate ko at bagong kaibigan!....”
“Sana sa cafeteria na lang tayo eh....Nahirapan ka pa tuloy magdala ng mga ito...Nakakahiya talaga sa iyo........”
“Ayoko nga dun....Magulo dun tsaka maingay...Di gaya dito na tahimik at payapa.....Sige na kain na tayo......”
Pinagsaluhan nga namin ang mga pagkain at habang kumakain, tuloy pa rin ang masaya naming kwentuhan, sinamantala ko na rin ang pagkakataon para........
“Uy...Salamat nga pala ah....”
“Salamat saan...?”
“Sa pagligtas sa akin nung enrollment...Tsaka dito na rin sa pagkain....Tsaka ....Sorry rin kung nasaktan kita....”
“Wala na yun!...Ang importante ngayon...Magkaibigan na tayo....”
Muli na naman kaming nagkangitian, kung pwede lang hindi na ko titngin sa kanya pero ang sarap talagang titigan ng ngiti nya....
“Sya nga pala, paano mo pala nalaman na may ganitong lugar sa likod ng school natin...?”
“Ah...Noong araw kasi na nag-enroll tayo...Pagkatapos mo po kong iwanan sa ere dahil may topak ka....Eh hindi pa ko umuwi...Nagpasya kong libutin muna tong school...Kaya nakita ko yung lagusan tapos ito.....”
“Hindi ko inakala na may ganito kagandang lugar dito ah....”
“Ayos di ba?...At least may tambayan na tayo...”
“Oo nga! Tama ka dyan!”
“Pero alam mo ba kung ano talaga ang nagustuhan ko dito...?”
“Hmmmm.....Hindi....”
Bigla na lamang nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko as in sobrang lapit dahilan para matigilan ako.....
“Kasi dito lang kita masosolo....” sambit nya sabay ngiti na mapang-asar..........
“UNGGOY!!! Ikain mo na lang yan! At baka kung saan na naman mauwi yan!...” sagot ko sabay tulak sa kanya......
“Ahahahahahaha!!!....”
Tawa pa rin sya nang tawa, habang muntikan naman akong mabilaukan nang dahil sa pangungulit nya. Uminom ako ng coke pero di ko namalayan na kaunti na lang ang laman nung akin kaya kinulang ako.......
“Gago ka talaga Rass! Muntikan pa ko mabulunan sa iyo! Paabot pa nga ng isang coke!...”
Inabot nya ang isa pang lata ng coke. Pero pagbukas ko nito ay bigla na lamang tumalsik sa pagmumukha ko ang laman nito. At sa puntong ito ay naiinis ako pero mas natatawa..........
“Uy! Wala akong alam diyan Chast ah....Inabot ko lang yan sa iyo....” natatawa nyang pahayag.....
“Hindi eh....Planado mo toh!....Shinake mo yung lata bago ibigay sa akin...!”
“Hindi ah...Hindi talaga!..Promise!!”
“Rass....Takbo na......”
“Huh...?”
“TUMAKBO KA NA RASSEL! DAHIL KAPAG NAHULI KITA!! LAGOT KA!!!...AHAHAHAHA!!!!!!”
Agad syang tumayo at tumakbo. Hinabol ko naman sya, nagpaikot-ikot kami doon sa paghahabulahan at panay ang tawanan namin. Masaya ko na nakilala ko si Rassel at nararamdaman kong ganun din sya...Ibang klase agad ang namuong bonding sa amin kahit na first day of school pa lang.
Hindi ko rin maikakaila na may kakaiba kong nadarama sa aking dibdib kapag kasama ko sya. Maaaring makaapekto ito sa pagkatao ko pero....Hindi ko talaga maintindihan....Ang alam ko lang. Masaya ako sa piling nya. Masayang masaya.
COMMENTS