End Of The Line? By: Chaster Rassel Parang walang nangyari kanina, heto ngayon si Rass, nakakangiti pa rin at nakakaharap ng maayos ...
End Of The Line?
By: Chaster Rassel
Parang walang nangyari kanina, heto ngayon si Rass, nakakangiti pa rin at nakakaharap ng maayos kay ate...Alam kong mali ang ginawa nyang pagsisinungaling pero okay lang, dahil nasagip na naman nya ko. Kaya lang, alam ko na may iba pang hindi tama sa ikinikilos nya.......
“Chast....Hindi mo nabanggit sa akin na ang gwapo pala nitong bestfriend mo ah....”
“Naku hindi naman po....Mas gwapo pa rin po si Chast sa akin....Palabiro rin po pala kayo ate Charlene ah...” pabiro pero tila nahihiyang sagot ni Rass....
“Pahumble ka pa ah....Ay nga pala...Dahil nga sinabi sa akin ni Chast na papupuntahin ka daw nya ngayon eh bumili ako ng miryenda natin...Pizza....”
“Naku ate nag-abala pa po kayo...Nakakahiya naman po...”
“Wala yun!...Tsaka wag mo na nga akong poin...Nagmumukha akong matanda eh bata pa naman ako...Hehehe.....Tara dun natin toh lantakan sa may hapag....”
“Okay sabi mo eh...Ay ate ako nang magdadala nyan....”
“Salamat sige....Chast mamaya muna ayusin yung grocery.....Pagkatapos mo dyan, kumuha ka ng mga platito para sa atin at magtimpla ka na rin ng juice tapos sumunod ka na lang sa amin....”
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Kaya agad kong tinapos ang paghuhugas ng aking kamay at mabilis kong tinimpla ang juice upang masaluhan ko agad sila sa hapag. Ayaw ko kasing tumagal na wala ako habang nag-uusap sila.
Pagkalapag ko ng mga platito at nang juice sa mesa, uupo dapat ako sa puwesto na malayo sa kanila, dahil matapos ang mga nangyari kanina ay hindi ko maiwasang mailang kay Rass.......
“Oh bakit diyan ka uupo?....Tabihan mo kaya yung kaibigan mo....Parang tanga toh oh!.....” natatawang usisa ni ate Char.....
“Oo nga naman Chast.....Wag kang kj...Dito ka sa tabi ko oh...Wala namang problema di ba...?” dagdag ni Rass sabay ngiti....
Nginitian nga nya ko pero iba ang ngiti nya, hindi ito kagaya ng normal nyang ngiti na halos magpatalon sa dibdib ko lagi. Peke at plastic ang ngiti nya, dun ko na napagtanto kung ano ba talaga ang ginagawa nya, na sya namang kinainis ko. Pero syempre, para hindi makahalata si ate, sinakyan ko na lamang sya at umupo ako sa tabi nya.....
“Ayan...So...Magkwento naman kayo sa akin.....Ano bang nangyayari sa inyo sa school?....Classmates din kayo di ba....?”
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsagot sa mga katanungan ni ate Char kaya kinuha ko ang baso ko at dinaan na lang muna ito sa pag-inom. Pero habang ginagawa ko iyon ay bigla namang bumanat itong si Rass....
‘Oo ate classmates kami...Seatmates pa nga eh....”
“Talaga...Kaya naman pala naging close kayo eh...”
“Pero ang totoo nyan....Magkakilala na kami bago pa man nagpasukan....”
Nang maranig ko ang mga sinabi iyon ni Rass ay napatingin ako sa kanya dahil naaalintana ko na kung saan nya gustong dalhin ang usapan. Tumingin din sya sa akin pero saglit lang.......
“Totoo ba yun Chast..?”
Sandali akong napahinto at.....
“Oo ate....Totoo yun.....” sagot ko sabay inom ulit.....
“Kung ganun saan kayo unang nagkakilala?”
“Ganito kasi iyon ate...Nung enrollment day kasi niligtas ko tong si Chast....”
Itinuloy nga ng gago, nagulat ako dun kaya nasamid ako sa iniinom ko at napaubo ako. At sya namang naging dahilan para maputol ang usapan........
“Oh anong nangyari sa iyo?!” usisa ni ate....
“Ayos ka lang ba...?” dagdag ni Rass sabay himas sa likod ko....
“Okay lang....Nasamid lang ako...”
Patuloy ang paghimas ni Rass sa likuran ko hanggang sa marinig ko na lang ang pasimple nyang bulong........
“Huwag kang mag-alala...Hindi kita ipapahamak...Sumakay ka na lang....”
Nakahinga ko ng maluwag at kahit paano ay nakampante ako nang marinig ko iyon......
“Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom” sambit ni ate....
“Okay na ko...Salamat Rass...”
"Sigurado ka okay ka na...?" usisa ni Rass sabay tapik sa balikat ko....
"Oo..."
At nagpatuloy na ang usapan.........
“Nasaan na nga ba tayo?....Ahh...Rass paano mo pala iniligtas tong kapatid ko nung enrollment nyo...?”
“Ahmmm....Ang ibig kong sabihin ate....Eh...Tinulungan ko sya, naligaw kasi sya nun sa loob ng school....Di ba Chast?...”
“Eh...Oo...Alam mo kasi ate malaki yung school namin...Syempre first time ko nun kaya hindi naiwasang maligaw ako...Salamat na nga lang at nakilala ko si Rass at sinabayan nya ko sa pag-eenroll....”
“Ahh....”
Nagpatuloy ang aming kwentuhan, halos lahat yata ng mga pinagdaanan namin ni Rass sa school ay napag-usapan namin. Mapa tungkol man ito sa kalokohan o schoolworks. Ang hindi lang namin binanggit kay ate ay yung sekreto namin syempre at ung tungkol sa tambayan namin. May kasunduan kasi kami na kaming dalawa lang ang pwedeng makaalam ng lugar na iyon.
Pero parang si Rass at ate Char lang ang nag-uusap. Hindi pa rin kasi ko mapakali kaya hindi ako makasabay sa kanila. Para lang silang magkaedad at magbarkada na dalawa. Sa sarap ng kwentuhan ay hindi na namin namalayan ang oras, hanggang sa dumilim na.
Di nagtagal ay nagpaalam na rin si Rass na uuwi na sya dahil nga lumalalim na ang gabi. Sinabi ko sa kanya na ihahatid ko na sya may sakayan para hindi sya maligaw sa lugar namin. Pero hindi lang yun, hindi pa kami tapos at may kailangan pa kaming pag-usapan at linawin sa isa’t isa.
Si ate char naman ay sumama sa amin hanggang sa may gate para makapagpaalam din ng maayos..........
“Hanggang sa susunod Rass ah....Salamat nga pala....At least ngayon may tao na kong mapagkakatiwalaan para bantayan tong kapatid ko pag nasa school sya....”
“Ate naman...Ano ba yang pinagsasabi mo?...Nakakahiya....Hindi ko na kailangan ng bantay...Malaki na ko noh....”
“Talaga lang ha....” singit ni Rass na tila nang-aasar.....
Umakbay si ate kay Rass at.....
“Ah basta...Pag may ginawang katarantaduhan tong mokong na toh...Isumbong mo sa akin Rass ah...” muling pangungulit ni ate sabay ngiti sa akin......
“Huwag kang mag-alala ate Char....Akong bahala sa utol mo....” nakangiting sagot ni Rass sabay tingin sa akin......
‘Sige! Ganyan kayo ah!.....Pinagtutulungan nyo kong dalawa!...”
“Hahaha....Sige na lumakad na kayo at lumalalim na ang gabi....Hatid mo na sya Chast.....”
“Salamat sa pag-imbita at pagtanggap sa akin ate ah...”
“Kita-kits na lang...Ingat ka sa pag-uwi......Sige at papasok na ko sa loob...”
Pagkapasok ni ate ay lumakad na kami. Dahil sa gabi na nga ay kaming dalawa na lang ang taong naglalakad sa kalye. Nauna sa paglalakad si Rass at sumunod naman ako sa likuran nya. Tumingin-tingin muna ako sa palagid para masiguradong kaming dalawa lang talaga at walang ibang makaririnig sa mapag-uusapan namin........
"Wala na si ate Charlene dito!....Siguro naman pwede mo nang tigilan yang pagpapanggap mo DAHIL NAKAKAIRITA NA!!"
Huminto si Rass sa paglalakad, lumingon sya sa akin at tinitigan nya ako ng masama......
"Hmph!....PAGPAPANGGAP?!!....Dapat nga maging masaya ka pa eh...DAPAT MASAYA KA NA!!!...Dahil sinunod ko yung gusto mo!..Na pagbigyan ko yung gusto ng ate mo!! NA HUMARAP AKO SA KANYA!!!"
"Pero hindi ko sinabing magsinungaling ka! HINDI KO SINABI NA LOKOHIN MO ANG ATE KO!!"
"Ganun pala......Eh anong tawag mo sa ginawa mo?! Hindi ba't sumakay ka sa lahat ng ginawa ko?!...Nagsinungaling ka rin!! NILOKO MO ANG SARILI MONG KAPATID!!! HINDI BA'T MAS MASAHOL YON?!!"
Sa kalagitnaan ng tumitinding tension sa pagitan namin ay biglang umihip ang malakas at malamig na hangin. Hangin na tila nagbabadya ng masamang panahon at isang hindi magandang pangyayari. Samantala, natigilan ako sa mga patutsada nya dahil kung tutuusin ay tama naman ang lahat ng mga sinabi nya pero........
"Ginawa ko lang iyon dahil iyon ang sa tingin kong nararapat at kailangan........"
"Hmph!...Pwes ganun din ako!.....BAKIT?! Anong gusto mo?!! Humarap ako sa ate mo na PARANG WALANG NANGYARI SA ATIN KANINA HA?!!!"
"Ayun!....Yun ang pinuputok ng butse mo!....Yung sa banyo kanina!!...Ano nga ba yun?!!...ANO NGA BA YUNG KABABUYAN MO NA YUN?!!"
Hindi ko na napigilan pa ang pagbulalas ng inis na kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko sanang mangyari ito pero naubos na ang pasensya ko. Ngayon naman, si Rass ang natigilan dahil sa nasabi ko. Pero ilang saglit lang ay nagtaka ko nang bigla syang tumawa ng malakas..........
"Ahahaha!......Siryoso ba yang tanong na yan Chast?!!"
"Mukha ba kong nagbibiro ha?!" iritable kong sagot.....
"Hmph!...Grabe....Hindi ko akalain na ganyan ka pala ka ignorante!.... "
"PWEDE BA! Huwag mong ibahin ang usapan!! Tinatanong kita nang maayos kaya sagutin mo din ako ng maayos!!!"
Umihip ulit ang hangin, pero ngayon ay may kaakibat itong pagkulog at pagkidlat. Pareho kaming napatingala sa langit, napakababa at kapal ng ulap mukhang anumang oras ay bubuhos ang malakas na ulan.
Muli akong lumingon kay Rass, di ko man lang namalayan na lumakad na pala ang gago at balak pa kong iwanan. Kaya naman nagmadali akong habulin sya...........
"HOY RASS! SAAN KA PUPUNTA?!! HINDI PA TAYO TAPOS!!!" sigaw ko habang hinahabol sya.....
Huminto sya sa paglalakad kaya nagawa kong makalapit ulit sa kanya.......
"Uuwi na ko....Umuwi ka na rin dahil baka abutan ka pa ng ulan...Kaya ko na ang sarili ko....At wala na rin tayong dapat pang pag-usapan........" sambit nya sabay lakad ulit...........
Pero hinawakan ko sya sa braso at hindi ko sya hinayang makaalis.........
"Kinakausap pa kita! HUWAG KANG BASTOS!!"
Lumingon sya sa akin, nagpumiglas sya sa pagkakahawak ko kaya napabitaw ako.......
"BINGI KA BA?!!...Ang sabi ko umuwi ka na! UMALIS KA NA!! AYAW NA KITANG MAKAUSAP PA AT AYAW NA RIN KITANG MAKITA!!!..."
"A....Ano...?!"
Nabigla ako sa aking narinig at base sa itsura ng kanyang mukha, maging sya ay nabigla rin sa kanyang nasabi. Sana nga bingi na lang ako...Sana...Mali ang narinig ko dahil hindi ko makakayang harapin ang isang toh..............
"Rass tigilan mo na toh....Pinagtritripan mo na naman ba ko?!....Hindi maganda tong biro mo...."
"Siryoso ko Chast...Yung nangyari kanina?..Ibaon mo na lang sa limot iyon....Kalimutan mo na lang lahat....Kalimutan mo na rin na nagkakilala tayo....Na nagkaroon ka ng bestfriend....."
Sa puntong ito ay hindi ko na naiwasang maging emosyonal dahil parang binibiyak na ang dibdib ko sa aking mga naririnig. Kaunti na lamang ay babagsak na ang luha mula sa mga mata ko pero pilit ko lamang itong pinipigilan. Hindi ko matanggap na nangyayari ang lahat ng ito, ngayon pa na sigurado na ko sa nararamdaman ko........
"Rass naririnig mo ba yang sarili mo?!...Pinuputol mo ang pagkakaibigan natin!!...BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN HA?!!....DAHIL LANG SA NANGYARI KANINA?!!....ANO BANG PROBLEMA MO?!!!...SABIHIN MO SA AKIN!!!"
"Wala na yung kinalaman dito....Chast hindi ako karapat dapat tawagin na bestfriend.....Hindi ako ang kaibigan na nababagay para sa iyo....."
"Ano ba yang sinasabi mo?!....Paano na lang yung mga pinagsamahan natin...Ganun na lang yun?!!...ITATAPON MO NA LANG NA PARANG BASURA?!!!..." naiiyak kong bulalas....
At tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan, kasabay noon ay ang tuluyan ring pagbuhos ng luha ko. Bale wala na kung basang-basa o lamigin man kaming dalawa dahil hindi na yun ang mahalaga ngayon........
"Pinagsamahan?!...KALOKOHAN!!...Wala nang patutunguhan ang usapan na toh....TAPUSIN NA NATIN ANG LAHAT NG TOH!!...GOODBYE... CHASTER!!!"
Tumalikod na sya at lumakad habang ako naman ay naiwang umiiyak. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang unti-unti syang lumalayo. Doon ko naisip na hindi ko dapat hayaan na ganito lang matapos ang lahat. Dapat kong ipaglaban ang nararamdaman ko at dapat kong maipagtapat sa kanya ang lahat habang may pagkakataon pa ako.
Tumakbo ako, hinabol ko sya at sinagaw ko ang pangalan nya...........
"RASSEL!!!.........RASSEL!!!........."
Tuloy-tuloy lamang sya sa paglalakad na parang walang naririnig kaya naman mas binilisan ko ang takbo. Wala na akong pakialam kung magkandadapa man ako basta mahabol ko lamang sya. Nang maabutan ko sya, agad ko syang hinila sa braso kaya napatigil sya........
"Rass....Rass...May kailangan akong sabihin sa iyo!....."
"Bitawan mo ko!"
"Makinig ka muna sa akin!...MAY DAPAT KANG MALAMAN!!!"
"SABING BITAWAN MO KO EH!!!"
Galit na galit syang nagpumiglas sa pagkakahawak ko, nang makawala sya ay bigla na lamang nya akong sinapak. Sa lakas nito ay bumalandra ako sa simento at dumugo ang nguso ko....
"TANTANAN MO NA KO!!! GET OUT OF MY LIFE!!!...."
Hindi ko na nagawang makatayo pa hanggang sa tuluyan nang nakaalis si Rass at naglaho na sya sa paningin ko.............
"RAAAAAASSSSSSSSSEEEEELLLLLLLLL!!!!!......"
Yun na lamang ang tangi kong nagawa, ang isigaw ang panglan nya. Kasunod noon ay napahagulgol na lamang ako, miserableng miserable ako sa ilalim ng napakalas na buhos ng ulan..........
"Huhuhuhu.....Huhuhuhu.....Mahal kita eh.....MAHAL NA MAHAL KITA.......Huhuhuhu......Hindi ko nagawang aminin sa iyo....Huhuhuhu....Dahil hindi ko rin agad natanggap sa sarili ko na lalake ang minahal ko.....Huhuhuhuhu.....Kung naririnig mo lang sana ang lahat ng toh....HUHUHUHUHU..........."
Samantala, sa kabilang banda.........
Pilit kong pinatatag ang aking sarili pero lumabas pa rin ang tunay kong nararamdaman lalo na nang marinig ko ang malakas nyang pagsigaw ng pangalan ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko habang tumatakbo ako papalayo kay Chast na tila sumasabay sa malakas na buhos ng ulan. Hindi ko gustong gawin ang lahat ng ito, pero kailangan.
Napakabigat sa kalooban ko ng aking ginawa. Napahinto na lamang ako sa pagtakbo, natapat ako sa isang pader at napadantay ako dito. Hindi ko na kinaya pa ang lahat at bigla kong pinagsusuntok ang pader.......
"ARRGGGGHH!!! Tatanga-tanga ka Rassel!!!.....Kung anu-anong kagaguhan ang pinaggagawa mo!!!....ARGGGGHH!!!......BAKIT KASI SA DAMI NG PWEDE MONG MAHALIN SA LALAKE PA!!!....AT SA KANYA PA!!!...TANGA KA TALAGA!!!....ARGGGGHH!!!..."
Nagkandasugat-sugat man ang kamao ko, nagdugo man ito, masakit man ito, hindi pa rin ito maikukumpara sa sakit at sugat ng nagdurugo kong puso ngayon. Patuloy kong pinagsusuntok ang pader......
"Hindi pwede yung nararamdaman mo!!...M.ALI ANG NARARAMDAMAN MO!!!!...............HINDI MO SYA PWEDENG MAHALIN!!!.....AAAAAAAARRRRRRRGGGGGHHHHH....."
Hanggang sa namanhid na ang mga kamao ko, napahinto ako, napaupo sa may simento at napahagulgol na lamang na parang isang bata........
"Huhuhuhu.....Huhuhuhuhu...Patawarin mo ko Chast.....Hindi ko naman gustong saktan ka eh...Huhuhuhu....At mas lalong di ko gustong ipagtabuyan ka....Huhuhuhu....PERO KUNG HINDI KO GAGAWIN TOH....MAS LALO LANG KITANG MAMAHALIN....Huhuhuhu...At mas lalo lang tayong masasaktan pareho.....Huhuhuhuhu....."
COMMENTS