$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 6)

So You Build That Wall... By: Chaster Rassel Pakiramdam ko ay para kong namatayan ulit. Sobra sobrang sakit ang naramdaman ko nang maw...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

So You Build That Wall...

By: Chaster Rassel

Pakiramdam ko ay para kong namatayan ulit. Sobra sobrang sakit ang naramdaman ko nang mawala sina Mama at Papa pero iba ang tindi nang sakit na nadarama ko ngayon....Dahil parang pati ako mismo ay namatay na rin. Sa isang iglap, nawalan ako ng matalik na kaibigan at nawala sa akin ang mahal ko nang ganun-ganun lang, na wala man lang malinaw na kadahilanan.

Hindi ko na namalayan kung anong nangyari sa mga sumunod na sandali. Lumilipad sa kawalan ang utak ko hanggang sa nahuli ko na lamang ang luhaan kong sarili na tulala at nakatayo sa harap ng bahay namin. Hindi ko na rin nararamdaman ang lamig ng bumubuhos na ulan, tila namamanhid ang buo kong katawan.

Sakto naman, lumabas si ate Char. Agad syang sumugod sa ulan upang papasukin ako.........

"Chast anong nangyari sa iyo?! Kanina pa ko nag-aalala dito dahil ang tagal mong bumalik....Basang-basa ka na...Baka magkasakit ka nyan....Mabuti pa pumasok na tayo...." sambit nya habang inaalalayan ako....

Habang papasok kami sa may pinto, dun na nya napansin ang pasa at sugat ko sa mukha.........

"Anong nangyari diyan?!...SINONG MAY GAWA NYAN?!"

Hindi ko nagawang sagutin ang kanyang tanong dahil nanlalambot ako, pagkatapos ang tingin ko sa paligid ay parang gumagalaw,

"CHAST!...Chast anong nangyayari sa iyo?!.........."

Nagdodoble ang paningin ko, hanggang sa bigla na lamang naging kulay itim ang buong paligid...........

Kinabukasan..............

Ang init ng pakiramdam ko pero giniginaw ako. Anong nangyari?...Dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata. Nasa loob pala ko ng kwarto ko. Nananaginip lang ba ko?....Nag-away ba talaga kami ni Rass?...Nangyari ba talaga ang lahat ng iyon?

Sinubukan kong bumangon, pero hirap na hirap ako dahil sobrang sakit ng katawan ko, idagdag pa ang biglang pagkirot ng sugat at pasa sa aking mukha. At doon na ako natauhan.........

"Hmph!....Huwag mo nang lokohin ang sarili mo Chaster...Wala na si Rassel sa iyo...Wala na sya...Iniwan ka na nya...." malungkot kong bulong sa aking sarili........

Napatingin ako sa may bintana, wala nang ulan sa labas at umaga na pala. Nawalan pala ko ng malay kagabi. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kwarto, si ate Char, may dalang pagkain........

"Gising ka na pala....Tamang-tama toh...Pinagluto kita ng mainit na sabaw.....Makakatulong toh para umigi ang pakiramdam mo...."

Nilapag ni ate ang pagkain sa side table ng kama ko. Habang ako naman ay pilit pa rin na bumabangon.....

"Tulungan na kita...." usisa ni ate sabay alalay sa akin....

"Ate sobrang sakit ng katawan ko...."

"Dahan-dahan lang kasi...Huwag mong pilitin ang sarili mo kung di mo kaya...."

Nagawa ko namang makabangon at umupo ng maayos sa kama sa tulong ni ate. Pagkatapos ay umupo rin sya sa tabi ko.....

"Ikaw...Pinag-alala mo ko....Ninerbyos ako nung hinimatay ka ah......"

"Sana nga hindi na ko nagising...." malungkot kong bulong sa aking sarili.......

"Inaapoy ka ng lagnat kagabi....Mabuti pa huwag ka na munang pumasok ngayon sa eskwela para makapagpahinga ka....Tignan ko nga kung bumaba na...." sambit ni ate sabay dampi ng kanyang kamay sa aking leeg upang damahin ang aking temperatura....

"Pasensya na ate...."

"Mainit ka pa rin ah!....Chast, dalahin na kaya kita sa ospital...?!"

"Huwag na ate Char....Gastos lang yun eh....Makukuha din to sa gamot....Kaya ko toh..."

"Sigurado ka...?'

"OO...Ate....."

Kasunod noon, hinawakan ni ate ang isa kong kamay at.....

"Ahmmm Chast....Gusto ko sanang....."

Tumitig sya sa aking mata, dahil dun ay nabatid ko na kung ano ang nais nyang sabihin sa akin. Marahil ay hihingi sya ng mga kasugatan para sa mga katanungan na gumugulo sa kanyang isipan, na may kinalaman sa mga nangyari kagabi.

Gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang ako, na wala lang toh pero kapag ginawa ko iyon ay hindi lamang ako sa kanya magsisinungaling kung hindi pati na rin sa sarili ko. Isa pa ay ayaw ko na rin ulitin ang ginawa ko sa kanya kagabi. At kahit na pilit kong itago ang tunay kong nararamdaman, malalaman at malalaman nya ito dahil kapatid ko sya, kilala nya ang ugali at bawat kilos ko. Pero sa halip na magsalita, bigla na lamang syang napahinto at............

"Oh sige....Hindi na muna kita tatanungin....Saka na lang kapag magaling ka na o kaya naman kapag ready ka na.....At gusto kong malaman mo na kung ano man yang pinagdadaanan mo ngayon....Eh maaunawaan at uunawain ko yan dahil Ate mo ko.....Okay?..."

"Salamat sa pag-intindi ate.....Salamat talaga..."

"Mabuti pa kainin mo na yung sabaw bago pa lumamig...O gusto mo subuan kita...?"

"Huwag na ate...Ako na lang....."

"Sige...Iiwan muna kita ah?...Sigurado kasi ko na gusto mong mapag-isa muna....Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako, tawagin mo ko...."

Tumayo na sya at nang papalabas na sya ng pinto....

"Ate....."

Lumingon sya sa aking pagtawag......

"Maraming salamat ulit...."

Kahit paano ay gumaan ang aking kalooban dahil sa mga sinabi ni ate Char at naibsan ang sakit na nararamdam ko. Pero nang lumabas na sya nang aking kwarto ay muling nanumbalik ang kalungkutan ko. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang mga nangyari kagabi lalo na ang mga huling katagang sinambit ni Rass bago sya tuluyang umalis......

"TANTANAN MO NA KO!!! GET OUT OF MY LIFE!!!...."

Ilang saglit lang ay nagsimula nang manlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang unti-unti na namang umaagos mula sa aking mga mata......

Makalipas ang tatlong araw.....

Tumagal ng tatlong araw bago ako tuluyang gumaling mula sa sakit. Sa tatlong araw na iyon, nagmumukmok at nakakulong lamang ako sa aking kwarto, buong araw na nasa kama, at balot ng matinding pighati.

Ayaw ko pa sanang pumasok sa eskwelahan dahil natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kapag nagkita ulit kami ni Rass. Pero naisip ko na parang naging duwag na rin ako kung hindi ko gagawin ito at hindi rin biro ang binabayaran ni ate sa school kaya ito na lang ang maibibigay kong kabayaran para sa pagsisikap nyang igapang ang pag-aaral ko.

Pagdating sa eskwelahan.....

Dahil sa marami akong kailangang habulin na lessons gawa ng ilang araw kong pagliban sa klase, inagahan ko ang pasok. Pagdating ko sa classroom namin ay napahinto ako sa may pinto, si Rass, naroon na sya sa kanyang upuan. Nakayuko sya at tila may kung anong sinusulat sa kanyang math notebook.

Bigla akong nakaramdam ng pamgamba, hindi ko alam kung makakaya ko bang umupo sa tabi nya na para bang walang nangyari. Pero dapat subukan ko, walang mangyayari sa akin kung wala akong gagawin. Marahan akong umupo sa aking silya, pagkaupo ay napabuntong-hininga ko at nasabi ko na lamang sa aking sarili na.......

"Hay salamat at nagawa ko rin...."

Sinimulan ko nang ayusin at ihanda ang mga gamit ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko naiwasang mapatingin kay Rass. Patuloy pa rin sya sa kanyang ginagawa na animo'y walang taong dumating at umupo sa tabi nya. Para bang wala ako dito at parang hindi na ko nag-eexist sa mundo nya.

Doon ko naman napansin ang isang bagay na mas lalong dumagdag sa mga bumabagabag sa akin. Ang mga daliri ng magkabila nyang kamay, puro ban aid ito...Ano kayang nangyari sa kanya?...Bakit puro sugat sya? Gustong gusto ko syang tanungin dahil nag-aalala ko, pero alam ko naman na wala na ring silbi na gawin ko iyon dahil hindi rin naman nya ako papansinin.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng aking gamit at ilang saglit lang ay dumating na ang aming adviser at agad itong lumapit sa akin......

"Amarines!...Buti naman at pumasok ka na.....Tatlong araw kang nawala ah...What happened to you?...."

At kahit medyo gumaling na ito, napansin din ni ma'am ang sugat ko sa mukha......

"And what happened to your face...?"

"Ah ma'am nagkasakit po kasi ako eh....Tapos ito pong sa mukha ko eh...Na...Nadulas po ako sa banyo....Pero huwag po kayong mag-alala dahil hahabol naman po ako sa lessons...."

"Mabuti...Siguradahin mo lang na makakahabol ka ha..."

"Opo ma'am...."

Buti ay nakaisip ako agad ng palusot tungkol sa sugat ko.......

"Sya nga pala...Hindi ba't magbestfriend kayo nitong si Almoneda? Eh bakit nung tinanong ko sya kung bat hindi ka pumapasok eh wala syang alam...?" usisa ni ma'am na may kasama pang pagturo kay Rass.....

Dedma pa rin si Rass, kahit na binanggit na sya ni Ma'am at ang sugat ko na na gawa nya. Samantala, hindi ko inaasahan ang tanong na iyon mula sa kay ma'am, kaya hindi ako agad nakasagot. Dahil dun, naisipan kong gumawa na lang ulit ng palusot.....

"Ah kasi po...Hindi ko po sinabi sa kanya na may sakit ako...Ayaw ko po kasing mag-alala sya sa akin eh...."

"Ganun ba?...Oh sige...Akala ko kasi nag-away kayo eh....Panu kasi pareho kayong may sugat...."

Pumunta na si ma'am sa kanyang mesa, pero sa dami naman ng pwede nyang maisip ay talagang yung nag-away pa kami ni Rass. Muntikan na tuloy nyang mabuking ang lahat.....

Samantala si Rassel.........

Nagkasakit si Chast?....Nagkasakit ba sya dahil sobra syang naulanan at nalamigan nung gabing iyon o dahil sa akin?...Tama ba talaga tong ginawa ko? Tama ba na pinili kong gawin yung alam kong mas makabubuti kahit ang kapalit ay masaktan ko yung taong mahal ko?

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning magbingi-bingihan at magpanggap na manhid. Parang ayaw ko nang gumalaw dito sa kinauupan ko, wala kong ibang gustong gawin kung hindi ang yumuko at magsulat lang nang magsulat.. Ayaw kong iaangat ang aking ulo dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko na lumingon at tumitig kay Chast. Gustong-gusto ko syang kausapin at kumustahin pero kailangan kong panindigan ang aking desisyon.

Balik kay Chaster........

Ilang araw ang lumipas at nanatili pa rin ang sitwasyon namin ni Rass na walang pansinan. Habang tumatagal mas lalong nagiging mabigat ang aking kalooban sa mga nangyayari. Napakahirap na nandyan nga sya sa tabi ko araw-araw pero parang wala rin dahil hindi ko sya makausap. Para bang may napakataas na pader sa pagitan namin.

Bukod doon, mula nang hindi na kami nagpapansinan ni Rass ay natigil na rin ang araw-araw naming pagpunta sa lihim naming tambayan kapag lunch break. Mula noon sa cafeteria ko na lagi nakikitang kumakain si Rass kapag bumibili ako ng tanghalian at ako naman ay sa classroom na lang namin kumakain, para kahit sa sandaling oras lamang ay maghiwalay ang aming landas.

Isang araw, habang lunch break pa, naisipan kong magpunta doon sa lihim na tambayan. Wala pa rin itong ipinagbago, nananatili pa rin ang taglay na kagandahan ng lugar. Nilapitan ko ang tambayan namin na puno, kung dati ay nagiging magaan at panatag ang kalooban ko sa lugar na ito, ngayon ay kabaligtaran na. Mas lalo akong nasadlak sa kalungkutan at pangungulila dahil walang ibang idinulot ang pagpunta ko kung hindi ang pagbabalik ng mga masasaya naming alala ni Rass.

Hanggang sa napasandal at napaupo na lamang ako sa ilalim ng puno. Kasunod noon ay ang muling pagpatak ng mga luha ko......

Ang hindi alam ni Chaster......

Hindi ko maintindihan, pero may kung anong nag-udyok sa akin na magpunta sa tamabayan namin. Ganun pa rin , maganda pa rin ito pero hindi ko maiwasang malungkot dahil dito nabuo ang mga magaganda at masasaya na alaala namin ni Chast.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla rin syang dumating. Parang pilit ata kaming pinaglalapit ng tadhana. dahil nagkasabay pa kami. Buti na lamang ay nagawa kong makapagtago sa likod ng puno. Nanatili ako dun at pinakiramdaman ko ang kilos nya. Mayamaya ay narinig ko na tumatangis sya. Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko sa bawat pagtangis nya, kaya hindi ko napigilang maluha na rin pero iniwasan kong gumawa ng ingay upang hindi nya malaman na nasa likuran nya lamang ako.

Balik kay Chaster.........

Kung sa eskwelahan ay nagagawa kong tiisin at itago ang kalungkutan ko, sa bahay ay hindi. Halos lagi akong nagmumukmok sa loob ng kwarto ko at madalas tulala sa kawalan . Hanggang sa dumating na ang pagkakataon na kinatatakutan ko. Isang gabi nakaramdam na naman ako ng pangungulila kay Rass hanggang sa di ko na naman napigilang maiyak. Kinatok ako ni ate Char, hindi ko sya nagawang pagbuksan, kaya hindi ko namalayan na pumasok na pala sya........

"Oh nagmumukmok ka na naman....Ilang araw ka nang ganyan ah...."

Narinig nya ang pagtangis ko kaya naman.......

"Umiiyak ka ba...?"

Paglingon at tingin lamang ang naging sagot ko sa kanya. Nakita nya ang pagluha ko kaya lumapit sya sa akin, tinabihan nya ako sa kama at hinawakan nya ang isa kong kamay.........

"Chast, sapalagay ko oras na para sabihin mo sa akin ang lahat....Hindi mo pwedeng sarilinin yan habang-buhay kailangan mong mailabas yan.........."

"Pero ate...Hindi ko alam.....Kung paano ko sasabihin sa iyo...Napakarami kasing nangyari sa buhay ko mula noong nagsimula akong mag-aral dito sa Maynila na nakaapekto sa pagkatao ko.....Hindi ko alam kung....Kung...Matatanggap mo...."

Natatakot ako....Natatakot akong sabihin kay ate ang totoo dahil baka ikahiya nya ko. Pero tama sya hindi ko maitatago ito habang-buhay..........

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo?...Na kahit ano pa yan, uunawain ko yan dahil ako ang ate mo...Sige...Simulan mo sa pasagot dito sa itatanong ko...."

"A...A...Ano yun?..." nauutal at kabado kong usisa....

"Tumingin ka muna sa akin....Tumingin ka nang diretso sa mga mata ko....."

Mahirap man para sa akin, sinunod ko ang gusto ni ate at dahan-dahan akong tumingin nang diretso sa mga mata nya........

"Gusto kong maging tapat ka sa akin Chast....OO O HINDI lang ang isasagot mo....IN LOVE KA BA KAY RASSEL...?"

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 6)
Here Beside You (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/06/here-beside-you-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/06/here-beside-you-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content