$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hospital Diaries (Part 11) Finale

By: Piero Dun na ako nakatulog kina Bjorn at hinatid namin sya ni Gerald sa airport. Habang papunta kami ay nakasandal lang ako sa balik...

By: Piero

Dun na ako nakatulog kina Bjorn at hinatid namin sya ni Gerald sa airport. Habang papunta kami ay nakasandal lang ako sa balikat nya habang nakaholding hands kami nung makarating na kami sa airport ay naiiyak na ako pero pinipigilan ko. Nung papasok na sya ng entrance ay nagpaalam na sya kay Gerald at hindi ko na napigilan ang iyak ko

"Babe, alis na ako, susunod ka sa akin ha, kukunin kita just wait, I love you" at napatango na lang ako kasi iyak ako ng iyak.

Kahit na madaming tao dun ay hindi sya nahiyang halikan ako sa labi ng ilang ulit at niyakap ako. Kahit na hindi ako makapagsalita ay pinilit ko pa din

"Sige na, mag ingat ka, I love you"

"I love you too babe" at pumasok na sya sa entrance. Inaya na ako ni Gerald at umalis na din kami.

Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang Edsa. Naiintindihan naman ni Gerald ang nararamdaman ko kaya sinusubukan nya akong patawanin.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text kay Bjorn, nakarating na sya ng New York. Sa totoo lang nakakalungkot sa tuwing iisipin ko na wala na si Bjorn sa tabi ko, wala na kong makakasama sa mga DVD Marathon, food trip at sa paghahatid ng madalas sa akin pero alam ko din naman na mas makakabuti sa kanya ang pagpunta dun at magiging selfish ako kung hindi ko sya papayagan.

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan, unti unti ay nasasanay na ako na wala si Bjorn sa tabi ko, pero halos araw araw naman sya tumatawag at chat sa pc kung minsan kaya parang andyan lang din sya. Alam din ng mga kaibigan ko ang mga pinagdadaanan ko at sa pag aadjust kaya pag may time lagi nila akong sinasama sa mga galaan kasi bilin din daw ni Bjorn sa kanila yun na lagi akong pasayahin habang wala sya.

Hindi ko minadali si Bjorn na makuha ako agad. Hindi din naman kasi ganun kadali pumunta sa States lalo na kung hindi ka naman Citizen dun. At kinailangan din nya na magtrabaho kasi independent na tao si Bjorn at ayaw nyang umasa sa mga magulang nya. At tsaka may pinag iipunan daw sya para sa amin kaya ganun na lang kung kumayod sya sa trabaho. Nagsosorry sya sa akin kung hindi daw ako makakapunta dun agad at sinabi ko na ok lang yun at hindi naman ako nagmamadali na makapunta dun at gusto ko din tapusin ang 1 year extension ko sa ospital. Napagkasunduan namin na mag aapply ako ng Visa kapag natapos na ang kontrata ko.

Kahit malayo kami ay naging maayos pa din ang relasyon namin. Dahil na din siguro sa tiwala namin sa isa't isa ay hindi kami nakaramdam ng pagdududa sa isa't isa. Akala ko dati lahat ng long distance relationship ay hindi nagwowork pero dahil sa open kami sa isa't isa ay hindi kami nag away at napanatili namin na ok kami.

Malapit sa mga kapatid ko si Bjorn, lagi silang naglalaro ng basketball dati. Pakiramdam ko alam ng mga kapatid ko ang tungkol sa amin pero hindi ko na ito inusisa at hindi naman nila naitatanong.

Dumaan ang mga buwan at naging normal na ulit ang buhay ko sa ospital. Habang tumatagal ay hindi ko namalayan na isang buwan na lang pala ay matatapos na ang kontrata ko sa ospital. Dahil na din sa nagustuhan ng Chief Nurse ang aming performance ay nag offer sila na gawin kaming item. Tinanggap nila ang offer samantalang ako ay hindi. Kahit na masaya ako sa mga kaibigan ko dun ay alam ko na hanggang dun na lang talaga ako, malungkot man pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko, hindi din dahil kay Bjorn kundi dahil sa kagustuhan ko din na maiba ang environment ko.

Nalalapit na din ang 21st birthday ko. Gaya ng plano ko gusto ko magtravel. Chineck ko ang pera ko sa bangko at sapat naman ito para makapagtravel ako. Naresearch ako kung paano ako makakakuha ng Visa papuntang Greece, mga isang linggo lang ay nagpaschedule ako sa Consulate, akala ko hindi maaapruban ang Visa ko pero dahil nakita naman nila na ang intensyon ko ay bilang tourist lang ay napagbigyan din. Halos tumalon ako sa tuwa nung makuha ko na ang Visa ko.

Nag chat kami ni Bjorn

"B, aalis ako bago ako magbirthday, magtatravel ako" ang paalam ko sa kanya.

"Sige Babe, basta mag ingat ka ha, tatawagan kita parati" nagtaka ako kung bakit hindi nya tinanong kung saan ako pupunta, marahil siguro ay gusto lang nya na hayaan ako sa gusto ko. Pagkatapos nun ay kwinentuhan nya ako

"Babe, malapit na matapos yung surprise ko sayo, excited na ko na makapunta ka dito, pagkatapos mo magtravel mag apply ka na ng Visa ha?"

"Sure, basta sana wag ma-deny"

"Babe, miss na kita. Pati yung mga ginagawa natin" sabay kindat sa webcam.

"I know kaya nga pagkatapos ko magtravel ay pupunta na ko dyan. Alam ko nagrereklamo na yang kamay mo kasi lagi na lang yan ang ginagamit mo" at tumawa kami pareho.

Totoong miss na miss ko na sya at gusto nang makasama pero kailangan ko munang tuparin yung wish ko na makapagtravel.

Nung last day ko sa ospital ay pinayagan kaming gamitin ang conference room para sa despedida. Malungkot talaga kasi napamahal na sa akin ang mga kaibigan ko dun at naging parte na sila ng buhay ko. Pero buong buo na ang desisyon ko na umalis. Nagpaalam ako sa mga Senior ko at nagpasalamat sa mga itinuro nila sa akin, hindi ako magiging mabuting nurse kundi dahil sa kanila, lahat ng nalalaman ko at natutunan ko ay utang ko sa kanila at nagpapasalamat ako dun. Naiyak ako nung nagsimula nang i-play ang video ng may mga pictures namin, ang mga kaibigan ko na kasama ko sa kasiyahan at kadamay ko pag malungkot ako. Nagpasalamat ako sa kanila sa pagtanggap at sa pagmamahal, kahit na hindi na kami magkatrabaho ay mga kaibigan ko pa din sila.

Madaling araw na ng matapos ang despedida. Muli kong tinignan ang ospital, dati baguhan lang ako na gusto ng makaalis pero ngayon ay iiwan ko na ito. Ang ospital na kung saan nagsimula ang lahat at ang mga tao na bumubuo dito ay iiwan ko na. Nagpapicture ako at ito na ang remembrance ko sa ospital na hinubog ako sa loob ng dalawang taon at ang ospital na nagbigay sa akin ng mga kaibigan at si Bjorn.

Bago ako umalis ay pinaalam ko sa kuya ko na sa Greece ako pupunta sa may Santorini.

"Kuya, utang na loob wag mo na ipagsabi na dun ako pupunta, secret lang yun, mga 1 week lang ako dun"

"Mukhang madami kang naipon ah at dun pa ang bakasyon mo, basta pasalubong ha"

"Oo sige yun lang pala eh"

Kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko pinagsabi na dun ako pupunta, hindi kasi ako ganun na lahat sinasabi at ayaw ko din na magmukhang mayabang kaya sinecret na lang ang pagpunta ko dun.

Nung araw na paalis ako ay tinext ko si Bjorn na paalis na ako. Tumawag sya agad at mag iingat daw ako. Masaya ako na natupad din ang gusto ko kaya lang wala si Bjorn pero ayos lang sabi ko, magkakasama din naman kami kaya konting tiis lang.

Maya maya pa ay umalis na ang eroplanong sinasakyan ko papuntang Greece. At makalipas ang ilang connecting flight at oras o parang araw na yata yun ay nakarating na ako sa Santorini, napakaganda ng Santorini, kulang na lang pagdating ko dun ay halikan ko ang lupang kinatatayuan ko. Nilabas ko ang dala kong camera at pinikturan ang Santorini, sulit na sulit ang biyahe ko kahit medyo may kamahalan, pero hindi ko naman maeenjoy ang pera kung hindi mo ito gagastusin kaya ok lang kahit halos 60% ng ipon ko ang nawala.

Maganda ang hotel na tinuluyan ko na andun lang din. Paglabas mo ng pinto ay tanaw mo na agad ang dagat. Wala akong sinayang na panahon dun. Kahit na kadadating ko lang at medyo pagod pa sa biyahe ay sinuyod ko na ang buong lugar. Bukas ay birthday ko na at ise-celebrate ko ito mag isa sa Santorini.

Madaling araw na nung matapos ako sa paglilibot. Tapos na din akong kumain kaya inayos ko ang mga dala ko at naligo na para matulog. Tinext ko si Bjorn na andun na ako kahit na ilang oras na kong andun at nakatulog na.

Kinabukasan ay nagising ako, birthday ko pala at nagbihis na ko para makapagbreakfast. May parang veranda ang nakuha kong kwarto kaya habang nagbebreakfast ay tanaw ko ang buong Aegean Sea. Wala akong masabi sa sobrang ganda ng Santorini, pero mas maganda kapag andito siguro si Bjorn.

Maya maya pa ay gumala na ulit ako, naghahanap ako ng bakery para makabili ng cake, maya maya may nakita akong pamilyar na mukha. Nakangiti sa akin at may hila hila na maleta at sa isang kamay nya ay may hawak na box. Sa unang tingin akala ko si Bjorn pero baka nagkakamali lang ako at inakala na sya yun ay dahil sa madalas syang nasa isip ko. Medyo may kalayuan sya sa akin pero papalapit sya ng papalapit at lalo kong nakikita ng maliwanag kung sino sya. At hindi nga ako nagkamali at sinundan ako ni Bjorn.

Napangiti ako at sinalubong sya. Sa sobrang tuwa ay naghalikan kami. Wala kaming pakialam kung makita kami dun na naglalaplapan. Sa tinagal tagal ay nagkita din kami. Binuksan nya ang box na dala nya at napaiyak ako sa tuwa

"Happy Happy Birthday Babe!" at nilabas nya ang cake na dala nya.

Tuwang tuwa ako sa pagkakataong iyon at nagpasalamat sa kanya. Dinala ko sya sa tinutuluyan ko. Alam pala ng staff ng Hotel na darating sya at alam din nila na boyfriend ko sya at ito ay surprise.

Nakayakap lang ako sa kanya habang nasa veranda kami.

"Hindi ko ineexpect na susundan mo ko dito B"

"Di ba Babe ito yung dream mo pa dati pa natatandaan ko yun nung sinabi mo na dito ka pupunta pag nag 21st birthday ka alam ko na gagawin mo yun kaya pinaghandaan ko ito"
"Pano mo nalaman na dito ako nagstay?"

"Tinawagan ko ang kuya mo at kinumpirma kung dito ka talaga pupunta. Ayaw naman daw nya na magbirthday ka mag isa kaya sinabi nya na nandito ka. Sinabi ko din kay kuya na susundan kita dito para may kasama ka sa birthday mo"

"Thank you B" at sinindihan na nya ang kandila ng cake

"Babe wish ka na para makain na natin yung cake" at nagblow ako.

Winish ko na sana matanggap ng pamilya ko ang tungkol sa amin at nagwish ako na sana maging masaya kami. Kinain na namin ang cake at sinadya ko na lagyan ng icing ang labi ko at nakuha naman ni Bjorn ang ibig kong sabihin at hinalikan nya ito. Napakasarap ng halik ni Bjorn at matagal tagal ko din hinintay yun.

Naglunch kami sa isang restaurant dun at masaya kaming nagpicture taking hanggang sa gumabi na.

Pagdating namin sa hotel ay wala na kaming sinayang na panahon at muli nya akong inangkin. Napakasarap ng sex namin ni Bjorn, sa tagal naming hindi nagawa yun ay nasabik kami sa isa't isa at naka 3 round kami. Pagod na pagod kami nun at nakatulog na. Paggising ko ay nakayakap sa akin si Bjorn at nagpapasalamat ako na binigyan ako ng katulad nya.

Halos tuwing gabi lang kami nagstay sa Hotel. Pag gising kasi kami ay lagi kaming gumagala ni Bjorn sinusulit ang ganda ng Santorini. Tuwing lalabas kami ay lagi kaming naka holding hands pero wala naman problema dun kasi open minded naman ang mga tao dun at hindi kayo pagtsitsismisan.

Naging mabilis ang mga araw at mag iisang linggo na. Umuwi kami ng sabay ni Bjorn sa Pilipinas at magstay pa daw sya ng one week habang nag aasikaso daw kami ng Visa ko. Umuwi ang mga magulang ko sa Pilipinas at nagcelebrate kami ng birthday ko kahit tapos na. Alam ko na may communication ang mga magulang ko at si Bjorn pati na din ako sa magulang nya pero hindi ko ineexpect na ganun na pala sila kaclose ng parents ko.

Niyakap ako ng parents ko at binati.

"Happy birthday anak, masaya ka ba at natupad na ang dream mo na makapunta ng Greece with Bjorn?"

"Opo naman Mommy, pano nyo po nalaman na kasama ko si Bjorn?"

"Nagpaalam sya sa amin"

"Dad, Mom may gusto po akong sabihin" ipagtatapat ko na sana ang tungkol sa amin ni Bjorn pero

"Anak, alam na namin yun kahit di mo pa sabihin. Matagal na namin alam ng Dad mo pati sina kuya at mga kapatid mo ang tungkol sa inyo ni Bjorn" nagulat ako sa sinabi ng Mommy ko.

"Galit po ba kayo Dad, Mom?"

"Anak tanggap namin kung ano ka man at masaya kami para sayo" At sa wakas ay natanggap na din nila ako at si Bjorn.

Kwinento sa akin ni Mommy na pinaalam pala ni Bjorn kay kuya at sa mga kapatid ko ang tungkol sa amin, nung una daw nagulat ang mga kapatid ko pero natanggap naman daw nung nakita nila na masaya ako at nung makarating si Bjorn sa New York ay bumyahe pa ito sa California kung saan nakatira ang mga magulang ko at nagtapat at hiningi ang blessing nila. Masayang masaya ako na tanggap nila kami at ang pinakaimportante ay masaya sila sa amin.

Nagsimula na dumating ang mga kaibigan ko sa bahay at di nagtagal ay nagsimula na ang party. Kumanta si Bjorn na kahit di sya kumakanta ay nag effort sya at naappreciate ko yun. Ayokong matapos ang party kasi andun lahat ng mga kaibigan ko at masaya ako na nakita ko ulit sila. Di nagtagal ay nag uwian na sila at naiwan na lang si Bjorn. May sasabihin daw sya sa amin kaya nag gather kaming pamilya sa salas.

"Alam ko na tanggap nyo po kami ni Pier pero sa pagkakataon po na to gusto ko malaman nyo na gusto kong dalin si Pier sa New York at papakasalan ko sya dun" nagulat ako sa pahayag ni Bjorn.

"You have our blessing, Son" ang sabi ng Daddy ko kay Bjorn at niyakap nya ako sa harap ng pamilya ko.

Nilabas nya mula sa bulsa nya ang maliit na box at hindi ako nagkamali na singsing yun. Masaya ako na sa wakas ang lahat ng hiniling ko ay natupad at nagpasalamat ako sa pamilya ko sa pagtanggap at suporta.

Binalita agad ni Bjorn sa mga kaibigan namin na "engaged" na kami kaya nung pag gising ko puro text sila at masaya daw sila para sa amin. Dahil sa wala namang same sex marriage sa Pilipinas ay sa New York ako papakasalan ni Bjorn.

Hindi namin sinayang ang isang linggo ni Bjorn sa Pilipinas. Inatupag namin ang pag asikaso sa Visa ko. Nakita ko naman na gustong gusto ni Bjorn na dalhin ako dun kahit na mainit at mahaba ang pila sa labas ng Embassy ay tiniis ko. Kabado ako sa interview pero ginalingan ko ang pag sagot kasi ayaw ko naman ma-deny at ayaw ko din masayang ang effort ni Bjorn.

Nakaalis na si Bjorn matapos ang isang linggo habang ako ay naghihintay sa aking Visa. Masaya naman ako kasi nabigyan ako ng Visa at sa wakas ay magkakasama na kami ni Bjorn sa New York. Naging biglaan ang pag alis ko kaya hindi na ako nakapagset ng kahit dinner lang kasama ng mga barkada ko. Hinatid ako ng mga kapatid ko sa airport at nagpaalam

"O Pier ingat ka dun, wag muna kayo mag anak ni Bjorn at bata pa kayo" ang biro sa akin ng kuya ko.

Napatawa na lang ako at medyo naiiyak na din ako kasi mamimiss ko ang mga kapatid ko, pero 6 months na lang ay pupunta na din sila sa California kung saan nakatira ang mga magulang namin.

Pagdating ko dun ay sinundo ako ni Stan at Chai yung kapatid na kambal ni Bjorn, tuwang tuwa sila kasi andun na daw ako, close din ako sa mga kapatid nya kahit nung nasa Pilipinas pa lang sila. Pumunta kami sa bahay nila. Sinalubong ako ng magulang ni Bjorn pati na ang ate nya

"Good thing anak andito ka na, hindi na maiinip si Bjorn kakahintay sayo" ang bati sa akin ng Daddy nya

"Masayang masaya kami anak kasi nahanap na ni Bjorn yung taong para sa kanya" at niyakap ako ng Mommy nya.

"Thank you po, Pa, Ma, Ate, Stan at Chai" ang sabi ko sa kanila.

"Tara na nga kain na tayo, parating na yun si Bjorn" ang aya ni Ate sa amin.

Ilang saglit lang ay dumating na si Bjorn, pinuntahan nya agad ako at niyakap

"Sorry Babe ngayon lang ako, inayos ko pa yung tutuluyan natin"

"Akala ko dito ako magstay sa bahay?"

"Hindi, basta mamaya mo malalaman" at umupo na sya sa tabi ko at kumain na kami. Pagkatapos ng kainan ay nakipagkwentuhan ako sa pamilya nya at naikwento sa akin na nagkita na pala ang mga parents namin may pinuntahan daw kasing event ang magulang ni Bjorn sa Los Angeles at since dun nakatira ang mga magulang ko ay napagpasyahan nilang dumalaw. Masaya naman ako na magkasundo ang pamilya namin at wala nang mahihiling pa.

Maya maya pa ay inaya na ko ni Bjorn at nagpaalam na sya sa parents nya.

"Pa, Ma, Ate, uwi na kami" nagtaka ako kung bakit may "uwi" sa sentence nya eh yun naman ang bahay nila.

"O sige ingat kayo" ang paalam ng Mommy nya at inihatid kami sa sasakyan ni Bjorn.

Habang papunta kami "San ba tayo pupunta at dinala mo pa maleta ko?"

"Uuwi na tayo, hindi ako dun nakatira kina Dad"

"Umuupa ka ng place?"

"Basta malalaman mo mamaya just wait at kinindatan nya ako" Dumating na kami sa destinasyon namin. Automatic ang gate ng bahay at gawa ang bahay sa glass at wood na napaka elegante.

"Wow Bjorn ang ganda nito"

"Syempre dito ko ititira ang asawa ko kaya dapat lang na maganda ang bahay natin" at niyakap nya ko sabay halik sa pisngi. Nilibot nya ako sa loob ng bahay. Functional ito at hindi kalakihan pero halatang pinagkagastusan ito. Inabot ni Bjorn ang envelope at pinababasa sa akin ang laman. Bahay pala nya ito na pinagawa nya at nakapangalan ito sa aming dalawa. Napayakap ako sa tuwa. Iyon na daw ang magiging bahay namin. Natuwa ako kasi alam ko pinaghirapan ni Bjorn ang pera pampagawa ng bahay at hindi sya umasa sa mga magulang nya. Bigla na lang nya ako binuhat at dinala sa kwarto at ang kwarto ang naging saksi sa muli naming pagtatalik ni Bjorn.

Naging maayos ang buhay namin sa New York, bumalik si Bjorn sa pagtatrabaho sa ospital at ako naman ay nagdesisyon na magtayo na lang ng business. Sa tulong ni Bjorn ay nakapagpatayo ako ng isang local bake shop at dahil sa may alam naman ako sa pagbebake ay nagamit ko ito. Puro Pinoy Breads ang ginagawa namin at mabenta ito karamihan kasi ng mga nakatira malapit sa Shop ay puro mga Pinoy. Specialty din namin ang mga cupcake na mabenta din at dahil kay Daniel at sa hilig nya sa strawberry ay pinangalanan ko ng Daniel's Berry ang strawberry cupcake. Natawa naman si Bjorn at ok lang daw yun.

Kinasal kami nung June 2011. Pumunta pa ang pamilya ko na mula pa sa California. Simple lang ang celebration at nag honeymoon kami sa Canada. Simula noon ay naging masaya at fulfilled ako sa buhay ko. Sino ba namang mag aakala na ang katulad ko ay maiinlove sa kapwa lalaki at magkakatuluyan pa. Nagbabalak kami ni Bjorn na mag ampon o kaya mag hanap ng surrogate mother para magkaroon kami ng maliliit na Bjorn, pero sa ngayon ineenjoy muna namin ang isa't isa. Maayos pa din ang communication namin sa mga barkada namin sa Ospital. Pag break nila ay nagwewebcam kami madalas at next year uuwi kami ni Bjorn sa Pilipinas.

Nagagawa namin ni Bjorn yung mga bagay na madalas naming gawin dati. Pag nasa bahay kami ay ako ang nagluluto madalas at lagi kaming natutok sa tv. Pag minsan naman ay lumalabas kami nanonood ng sine at nagfufood trip pa din kami dito sa New York. Mas naging malalim pa ang relasyon namin ni Bjorn at mas pinahahalagahan namin ang isa't isa. Alam ko din na ako na lang talaga ang nasa puso ni Bjorn at ganun din sya sa akin. Simula nung naging kami ulit at hanggang ngayon na kasal na kami ay wala kaming naging away na may patungkol sa third party. Dahil sa loyal kami at mahal na mahal namin ang isa't isa.

Minsan sa buhay madami tayong gustong makuha pero kahit na anong pilit natin kung hindi para sa atin ay hindi natin ito makukuha. Katulad na lang ng paghangad ko kay Daniel, na kahit gaano ko sya kagusto ay hindi kami nagkaroon ng relasyon pero bukod dun ay natuto akong magmahal na walang hinihinging kapalit. Yung taong hinahanap natin minsan ay nandyan lang, kailangan lang natin buksan ang ating mata at puso para makita.

Akala ko din dati sa mga pelikula lang ang mga love story, pero san pa nga ba huhugot ang writer ng pelikula kundi sa tunay na karanasan din ng tunay na tao. Never underestimate the power of love, kahit na sino ay kayang baguhin nito, maniniwala ka na lang kapag naranasan mo na ito.

Nagpapasalamat ako sa mga nagtiyagang maghintay sa istorya namin ni Bjorn. Sana may nakuha kayong aral bukod sa mga bed scenes namin. Totoong mas madami pang bagay na mas masarap bukod sa sex.

WAKAS

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Hospital Diaries (Part 11) Finale
Hospital Diaries (Part 11) Finale
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgYhO30FffNcdx-c6K0k-jqFuhBwQCiDMCQBw5RK2Q7C1HlzBmFW-LZWyjOzP9nghY7UxONzyLb_v3ims9gjFUVTJ1l5SRgHpJrrURXm8jwBYKHwCPokAo-jlPnORHGprAZJqM7NHizUiCi/s320/Marcus+Paolo+Reyes.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgYhO30FffNcdx-c6K0k-jqFuhBwQCiDMCQBw5RK2Q7C1HlzBmFW-LZWyjOzP9nghY7UxONzyLb_v3ims9gjFUVTJ1l5SRgHpJrrURXm8jwBYKHwCPokAo-jlPnORHGprAZJqM7NHizUiCi/s72-c/Marcus+Paolo+Reyes.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/06/hospital-diaries-part-11-finale.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/06/hospital-diaries-part-11-finale.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content