$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

The Four Evangelists and a Saint (Part 3)

By: Yuan Chapter 3: The Transition Habang nasa biyahe pabalik ng aming probinsiya ay di ko maiwasang mag-isip. Worth it ba yung ginawa ko? M...

By: Yuan

Chapter 3: The Transition

Habang nasa biyahe pabalik ng aming probinsiya ay di ko maiwasang mag-isip. Worth it ba yung ginawa ko? Mahal ko si Luke, pero tang-ina, sobrang sakit. Mas masakit pa ito kesa nung nakipaghiwalay sakin ang ex-girlfriend ko eh. Nanghihinayang ba ako? Ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon. Pilit kong inaaliw ang sarili ko sa mga nadadaanan naming tanawin habang nilalakbay namin ang kahabaan ng daan. Sinabi ko na rin kay Mama na nasira yung cellphone ko. Di na niya ako inusisa pero ang kapalit nito ay bawas sa allowance ko para maipambili ng bagong cellphone.

Nang makauwi kami sa Pampanga (ayan po, sinabi ko na kung saan ang province namin, ehehe) ay agad na nag-ring ang aming telepono eksaktong ako naman ang nakasagot. Si Yvette ang nasa kabilang linya, "O cuz! buti nakauwi na kayo, kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo pero unattended. What happened ba? Nandito si Luke ngayon gusto ka daw makausap." panimula ng pinsan kong babae. "Cuz, wag mo muna ibigay ang phone kay Luke, please?" pagsusumamo ko. Hindi dahil sa ayaw ko siyang kausapin ng mga panahong iyon pero dahil hindi ko alam kung papaano ko siya pakikitunguhan. "Ah ok cuz, yung pasalubong ko ha?", muling tanong ni Yvette, "Ocge, kunin mo na lang dito sa bahay." iyon lang at nagpaalam na kami at binaba na ang phone receiver.
Halos lumipas ang ilang araw na ako'y nagmumukmok lang sa bahay, isang hapon ng Sabado ay dumating ang pinsan kong si Yvette para hingin na ang mga pasalubong niya sa akin. Hindi ko alam na kasama pala niya si Luke. Hindi kasi alam ni Yvette ang tungkol sa amin ni Luke. Wala kaming kibuan ng pinapasok ko sila sa bahay namin. Nang makaupo na ay binigay ko ang mga pasalubong ko kay Yvette, "Nandiyan na rin yung para kay Tita cuz," pambasag ko ng katahimikan. "Ocge cuz, iwan ko muna kayo dito ni Luke at may paguusapan pa ata kayo, dun lang ako sa kitchen." nakakapagtakang sambit ni Yvette.

Nakatitig lamang ako kay Luke, ayaw ko magpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Ayaw kong magalit dahil wala na ring point. Ayaw kong umiyak dahil ayaw kong isipin niya na mahina ako. Blank canvas ang mukha ko at nakatitig lamang sa kanya. Ayaw ko din simulan ang conversation dahil wala naman akong dapat ipaliwanag at hindi ko kailangang humingi ng paliwanag. Malinaw sa akin ang lahat. Niloko niya ako, at nasaktan ako.
"Bhey?" panimula niya.
"Are you referring to me?" nakangisi kong sagot.
"Huwag namang ganito bhey, nahihirapan na ako." pagsusumamo ni Luke.
"Don't you dare call me on that f*cking term.." nagsimula na akong mamula sa galit.
"Ok, Yuan, sorry.. Mahal kita.. at alam mo yan" panunuyo niya.
"Funny, Luke, ngayon ko lang narinig sa iyo yan.. at nakakatawa pa nito, tayo ba? hahaha" pang aasar ko.
"Bakit ganyan ka?" tanong ni Luke sa akin.
"Anong ganito ako? You don't know me yet Luke. Oo may tawagan tayo, at 'nyetang tawagan yan, tawagan niyo din pala ng ex mo. Pero tayo ba? May pagkakasunduan ba tayo na tayo na? WALA!! Hindi ko hinanap sa iyo ang commitment, na maging tayo, dahil alam ko may feelings na tayo sa isa't isa. Sabagay, kaya nga pala wala akong karapatang magalit Luke. Nakakatawa talaga ung SHITuation natin." pang-aalaska ko sa kanya.
"Yu, tama na. Sorry sa ginawa ko. Can you give me another chance?" pagsusumamo nito.
"Ha? Chance? Bakit? Ni hindi nga natin nasimulan ng maayos di ba? Ni wala nga tayong exact date ng Monthsary or Anniversary kung nagkataon. Iniisip mo ba talagang tayo ng mga panahong iyon?" pangbibira ko.
"So you mean? All those times you didn't treat me as you're boyfriend?" interogasyon ni Luke.
"YES!, I just wanted you for the companion, that's why I didn't insist or di ko hinanap na magkaroon tayo ng relationship. Tsaka di ako nagpakapokpok para lang makasama ka sa kama." matindi kong sinabi sa kanya with my jaws twitching in anger. Gusto ko ipakita sa kanya na matigas na ako ngayon.
"Hahaha, (sarcastic laugh) well played Yu, galing ha?" nangingilid ang luha ni Luke habang binabanggit ang mga ito.
"Ako pa ngayon ang naglaro? Well anyways. Thanks.. if that's what you think. The nerve on you. I guess you know where the door is?" sabay turo ko sa pinto.
Walang imik si Luke na tinahak ang pinto namin. Marahil ay napahiya sa ginawa ko. Pero nang makaalis siya ay dumiretso ako sa kitchen at nakita ko ang pinsan ko doon. Niyakap ko si Yvette, at sa kanya ako humagulgol ng malakas. "Cuz, iiyak mo lang, hindi ko alam ang nangyari sa inyong dalawa. Pero alam kong hindi ikaw ang nagsasalita kanina.." sabi ng pinsan ko.
"Cuz, gusto ko maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko. Di bale ng ako ang lumabas na masama sa aming dalawa. Pero first time ko to na mahulog sa kapwa ko gender. And hindi ko expect na ganito pala ang playing field dito sa pinasukan ko." hikbi, iyak at punas ng luha ang ginawa ko at inalo ako ng pinsan kong babae.

After the incident sa bahay namin ay wala na akong narinig na balita kay Luke, maliban sa sinabi ng pinsan ko na hindi na daw siya papasok sa university namin dahil magtatransfer na daw ito sa SLU sa Baguio. "The nerve" ang tangi ko lang naisip ng mga panahong iyon. Iyon naman siguro talaga ang gusto niya. Para magkasama na sila ng "Bhey" niya. Siguro dahil na rin sa ako ang niloko ay agad ko din nakalimutan si Luke ng magsimula ang pasukan for my second year in college.

Second year - first semester is a bit boring for me during my school days. Tanging bahay-school ang naging routine ko. Lumalabas labas minsan with my barkada in high school pero halos lumipas na ang 4 na buwan mula ng huli kaming nakapag-usap ni Luke. Hindi ko na din siya hinahanap ngayon. Siguro nakamove on na din ako ng buong buo sa kanya. Malapit na ang birthday ko noon (some time on the first week of August) ay natuto akong magchat sa Yahoo Messenger. Uso pa noon ang mga chatrooms. Kaya nawiwili ako sa pagchachat. Duon ako namulat na meron pala talagang mga taong magshoshow ng kanilang private parts kahit na walang kapalit. Sakit na nga ata yun. Exhibitionism ang tawag dun.

Hindi naman talaga ako big fan ng mga nagshoshow sa cam. Pero minsan, siguro ay dinapuan ako ng libog ay biglang may nagprivate message sa akin.

JOHN: <BUZZ>
YUAN: Yes?
J: anong trip mo pre?
Y: trip? anything you can offer?
J: show tayo..
Y: hahaha.. di ako nagshoshow eh.
J: talaga? matino ka pala dito sa YM.
Y: di po talaga ako nagshoshow.. kung gusto mo ikaw na lang magshow?
J: ang unfair naman nun..
Y: edi decent cam to cam na lang tayo?
J: ocge...

At doon ay nagpakita kami sa cam, nang makita ko siya ay namangha ako. May itsura siya, may hawig pa siyang korean actor (si KIM BUM), perfect para sa akin ang chinito niyang mata, matangos na ilong at ang buhok niya na naka-style pa na parang miyembro ng isang boyband na Asian. Di pa uso noon ang mga koreans, ang uso pa noon ay ang Meteor Garden na gawang Taiwan. Hindi siya kaputian at di rin moreno, tama lang, pero mas colored ako sa kanya. (hehehe). Nagusap pa kami at nakapalagayan ko siya ng loob. Magseseventeen ako noon at siya naman ay 21 na. Taga-Calumpit, Bulacan daw siya. "Ay sayang" sabi ko, "ang layo mo sa akin, Pampanga ako eh." "Ang lapit lang kaya ng Bulacan sa Pampanga," depensa niya. Tinanong ko siya kung talagang gawain niya na ang pagshoshow sa cam. Sabi niya lang ay trip niya lang daw iyon. At kapag nagshoshow siya ay di niya pinapakita ang mukha niya. Ung chest down lang daw. "Eh bakit ngayon pinakita mo sa akin mukha mo?" paguusisa ko. "Kasi mabait ka, at di lang ung show ang habol mo, at bonus pa na cute ka, Harry Potter look a like. hahaha" paliwanag niya. Hindi ko namalayan ang oras at madaling araw na pala. Nagpaalam na ako sa kanya at hiningi niya ang cellphone number ko. Binigay ko naman ito. At bago natulog ay nagtext pa siya sa akin. "Yuan, si John to, save mo number ko ha? Thanks, Goodnight! Mwah!". Aba ang bilis ni mokong ah.. may kiss agad sa text? Pero sa totoo lang. Kinilig ako ng mga panahong iyon. Di na ako nakapagreply (wala akong load nun eh, di pa uso ang unli). At nakatulog ako ng mahimbing.

Panay ang text namin sa isa't isa ni John at kapag sa gabi naman ay nagkikita kami thru cam sa YM. Tumagal ng ganun ang aming routine ng mga dalawang linggo. Lumipas ang aking birthday na parang ordinaryong araw lang para sa akin, maliban sa kumain lang kami ng family ko sa labas.

Naging busy din ako sa aking school activities dahil sumali ako sa isang organization. Di naman makakaila na active ako sa mga ganung extra curricular activities at may nabuo kamingng grupo na iba't ibang year levels at iba't ibang kurso kung saan ang pagsayaw ang aming pangbida. Di ako magmamayabang ngunit, marunong (take note, marunong at di magaling) akong sumayaw. More on Jazz, hiphop and pop ang mga sinasayaw namin noon. Sumasali kami sa mga contests at madalas naman ay nananalo ang grupo namin. Habang nasa practice kami isang gabi ay nagring ang cellphone ko. Si John ang tumatawag. "YUAN, may surprise ako sayo!" masaya niyang balita. "Ano yun?" pagtataka ko. "I need to report diyan sa Clark, diyan na ako sa Pampanga magtatrabaho!" tuwang tuwa siya sa binabalita niya. "Talaga? Good for you.. and for me, I guess?" pabiro kong sabi. "Isa ka sa mga reason kung bakit gusto ko na magwork diyan sa Pampanga at hindi sa Manila." pag-aassure niya sa akin. "Thanks John.." iyon lang ang nasabi ko at nagpaalam na ako sa cellphone dahil rehearsals na ulet namin. Pero alam ko namumula ako sa mga panahong iyon dahil sa kilig.

Sa totoo lang di pa kami nagkikita ni John in person, laging sa cam lang, pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. Alam ko may gusto na ako sa kanya pero ayokong i-entertain yung thought na iyon dahil sa hindi pa nga kami nagkikita ng personal. Kaya excited ako sa unang pagmemeet namin. Magugustuhan ko kay siya in person? Eh magugustuhan kaya niya ako in person? Ganun ba talaga siya ka-cute sa personal? I can't wait na magkita kami sa personal!

Dumating ang araw ng pagkikita namin ni John. Usapan naming magkita ng lunch sa isang fast food chain. Dahil sa after lunch ang pagtatapos ng pagrereport niya sa kumpanyang papasukan niya at hapon pa naman ang klase ko ay napag-usapan nga naming kumain ng lunch ng sabay. Kinakabahan talaga ako.. First time kong makipagmeet ng ganito. Naka-uniform na ako nuon para diretso na akong papasok ng school kinahapunan.

"Nasan ka na?" text niya sa akin.
"Malapit na.." maikli kong reply.
Bumaba ako sa harap ng Chowking kung saan ang usapan naming magkikita. "Nasa loob ka na ba?" tanong ko sa text sa kanya. "Oo, nakapag-order na rin ako ng food natin, nagugutom na kasi ako." reply naman niya.

Di ako nahirapan na makita siya sa loob ng fast food chain, dahil sa kaunti lang ang tao nung mga oras na iyon. At siya lang ang nakapukaw ng mga mata ko sa buong lugar. "Ang lakas talaga ng dating ng taong to", sabi ko sa sarili ko. Siguro ay nakatulong na din ang madalas na pagwewebcam namin kaya di na rin ako nag-expect ng mataas sa pagkikita naming iyon. Pero aminin ko man o hindi sa aking sarili, ay di ko talaga mapigiling mapangiti habang papalapit ako sa kinauupuan niya. "Musta?", tanong ko na medyo kinagulat niya. "YUAN! Finally we meet!" Sabay kamay sakin at niyakap ako ng bahagya. SHIT! Clinique Happy ang pabango! (Nuon ay paborito ko itong pabango pero ngayon ay hindi na sa kadahilanang pambansang pabango daw ito ng mga bimales.. ehehe). Nang makaupo na kami ay sinabi niyang nag-order na nga daw siya ng food namin. Pero ang dami ng nakahain sa harap namin. "Bakit ang dami naman nito? May inaasahan ka pa bang bisita?" paguusisa ko. "Wala, para sa ating dalawa lang to, di ko kasi alam ano gusto mo kainin. Sana may magustuhan ka diyan sa mga pinili ko," pagpapaliwanag niya. "Wala naman akong hindi kinakain na food eh.," yun lang ang sinabi ko at nagsimula na kami kumain.

Mahabang kwentuhan at ng matapos kami ay napagpasiyahan naming maglakad lakad sa kalapit na mall ng aming university. Mas nakapalagayan ko pa lalo siya ng loob dahil sa mabait naman talaga siya sa personal, mas matangkad siya sa akin pero kaunti lang. Sinabi ko pa na nakahigh heels siya kaya mas matangkad siya sa akin. Nagkatawanan kami ng sabihin niyang, di pa nga ako naka-stiletto niyan eh. Parang ayaw ko ng matapos ang oras ng mga panahong iyon, gusto ko na lang tumigil ito. Nag-eenjoy akong kasama si John. Tinanong ko siya, "san ka nga pala titira kapag nagsimula ka ng magwork?", "dun muna siguro ako sa quarters ng company, pwede naman dun hanggang 2 months, within those 2 months ay makakahanap naman na siguro ako ng malilipatan" paliwanag niya. "Ocge, tulungan kitang makahanap ng matitirhan," pangako ko sa kanya. Di ko namalayan ang oras at alas tres na pala ng hapon. Ang pasok ko noon ay 3:30pm. Sabi ko sa kanya na kailangan ko ng pumasok sa school at tinanong niya ako kung anong oras labas ko. Sabi ko naman ay 8:30pm pa. "Ay, tagal pa pala, sige luwas na akong Bulacan ulet, babalik ako dito sa Sunday, dahil start ko na ng Monday nun," sabi niya. "Osige, keep in touch na lang ha?" iyon lang at tumalikod na ako at humakbang palayo sa kanya. Ayaw ko siyang lingunin ulet dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at baka mag-cut pa ako ng klase ko dahil sa kanya. Hahaha.

Sa school ay hinihintay ko ang text ni John, pero siguro di niya ako type. Iyon ang nasa isip ko dahil wala siyang message sakin buong klase ko. Dismissal time na at naisipan kong umuwi ng maaga dahil medyo nabadtrip ako dahil di man lang nagparamdam si John. Ayaw ko namang mag-initiate ng conversation sa text dahil baka naman isipin niyang patay na patay ako sa kanya (which is true naman. ehehe). Sa tuwing labasan ng last period ng mga klase sa university ay ang main gate na lang namin ang tanging way para makalabas. Ang ibang mga gates ay nakasara na. Kaya habang tinatahak ko ang daan palabas ng main gate ay may nakita akong familiar na lalaki. At di ako nagkakamali! Si JOHN!!! Kinawayan niya ako.. at dali dali akong lumapit sa kanya. "Akala ko ba uuwi ka na ng Bulacan?" tanong ko. "Well, surprise!" sagot niya na may halong tawa. Sobrang saya ko ng mga oras na iyon, talagang hinintay niya pa ang dismissal ko para lang makita ako ulet? "May regalo nga pala ako sa iyo, Yu.. as a sign na rin ng pagpapasalamat ko.." sabay abot niya ng isang pahabang box. "Ano to?, (ayaw ko mag-assume pero nung mga panahong iyon ay either bracelet or relo lang ang pwedeng ilaman ng box na iyon)." tanong ko.. "Basta buksan mo na lang," utos niya na ginawa ko naman agad.. At isang silver chain bracelet ang laman ng box. Di ko maiwasang mapangiti sa regalo niya sa akin. Kinuha niya ang bracelet at siya na ang nagsuot sa kaliwang wrist ko. "Take this a sign of my love.." sabi niya at sabay titig sakin. "Naku, John! Tigilan mo nga ako.." Bali ko sa sinasabi niya dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko."Nahihiya naman ako, John, wala man lang ako mabigay sa iyo, ganito na lang.. Sa amin ka na lang magdinner." alok ko na wala namang kagatol gatol na tinanggap ni John.

Tinawagan ko si Mama at sinabing may kasama ako for dinner, buti na lang at masarap ang luto ni Mama na ulam ng gabing iyon. Beef in Creamy Mushroom Sauce ang ulam na niluto ni Mama nuon. Nabigyan ng chance para makapag-usap si Mama at si John during dinner. Nakuha ni John ang kiliti ni Mama dahil sa pambobola nito na napakasarap daw ng luto ng Mama ko. (Actually, masarap naman talaga, iba ata ang luto ng Kapampangan.) Nang tanungin ni Mama si John kung saan kami nagkakilala ay di nito alam ang isasagot, sabi ko na lang na "common friend, Ma, yung choreographer namin, kaibigan siya, kaya minsan nakakasama namin sa mga rehearsals," pagsisinungaling ko. Di naman talaga ako likas na sinungaling pero di ko alam bakit iyon ang nasabi ko para pagtakpan si John. Kesa naman sabihin namin na sa chat kami nagkakilala?

Nang lumalalim na ang gabi ay napagpasiyahan na ni John na umuwi na. Medyo nalungkot ako dahil gusto ko pa siya makasama. Pinahiram ni Mama ang susi ng family car namin para maihatid ko sa terminal ng sakayan ng pa-Bulacan si John. Habang nagdadrive ay tahimik lang kaming dalawa. "Ingatan mo yang regalo ko ha?" basag niya sa katahimikan. "Oo naman, special nagbigay nito eh." sambit ko na may kasamang ngiti.
John: Yu, pwede ba akong manligaw sa iyo?
Yuan: Ha? Ligaw talaga?
John: Hmm, wala ba akong pag-asa?
Yuan: Kapag sinabi kong wala, ibig sabihin basted ka na, kapag sinabi kong meron, ibig sabihin sinasagot na kita. Di ba?
John: Tama ka nga naman. Ehehe. Basta kukunin ko ang loob mo.
(narating na namin ang terminal ng mga sandaling ito pero di pa rin bumababa ng kotse si John)
Yuan: No need, you already have this. (sabay turo sa puso ko)

Hinalikan ako ni John sa loob ng kotse. Mapusok pero malambing. Punong-puno ng romansa ang kanyang halik. Matamis ang laway na nalasahan ko mula sa kanya. At sa pananabik ko ay di ko napigilang kagatin ang lower lip niya. "Ahhh!" sigaw niya.. "Sorry.. sorry.. di ko napigilan.. nanggigil ako.." paghingi ng tawad. "Okei lang, ikaw ha? nangangagat ka pala!".. sabi niya.. "Leo, kasi ako.. lions bite.." paliwanag ko naman.

"So, can you be my boyfriend?" and John dropped the bomb. Tumango lang ako, sa mga oras na iyon, sumusugal na naman ako, alam ko sa sarili ko na medyo may pagkamadalian ang nangyari samin. Pero gusto ko naman ng ibang approach mula sa last relationship ko. Baka sakaling magwork.

Isang masuyong halik ulet ang binigay niya sa akin. At niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit. Isang yakap na tila nagsasabing di na kita papakawalan pa. Masaya ako kahit ng bumaba na siya sa kotse at nakita kong sumakay na siya ng bus pauwi. Babalik naman siya ng Sunday and for sure magkikita kami nun.

A new relationship with John.. abangan ang aming kwento sa mga susunod na chapters ng story ko. Thanks for patronizing ang commenting! Maraming maraming salamat!

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: The Four Evangelists and a Saint (Part 3)
The Four Evangelists and a Saint (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiq7krMeebARKolXB_rHmJiNyn_ZAQBrZv4pR9_cWNvlUjxmfU8dBdWa42dPqWfEcekY7gyUBqghaq9Q_iTd-WVMqykfcjWQvaNVODc7u3fjZdAB3fRCCP8MeNtDGRE8L9oaWqcxAKUTbM/s400/tumblr_leygilE68a1qgonklo1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiq7krMeebARKolXB_rHmJiNyn_ZAQBrZv4pR9_cWNvlUjxmfU8dBdWa42dPqWfEcekY7gyUBqghaq9Q_iTd-WVMqykfcjWQvaNVODc7u3fjZdAB3fRCCP8MeNtDGRE8L9oaWqcxAKUTbM/s72-c/tumblr_leygilE68a1qgonklo1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/06/the-four-evangelists-and-saint-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/06/the-four-evangelists-and-saint-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content