By: Dan Musta mga readers? Busy lang kaya natagalan ako magpost ng part 4. June 2011 - Start ng class, I decided to continue my course...
By: Dan
Musta mga readers? Busy lang kaya natagalan ako magpost ng part 4.
June 2011 - Start ng class, I decided to continue my course, ComSci sa isa college school dito sa Laguna. Work sa gabi, study sa umaga at lovelife sa hapon, isama na ang weekends. Siya naman na tanggap sa Ateneo at kumuha rin ng Tagalog lessons. Kahit busy, hindi pa rin kami nakakalimot magtext at tumawag sa isat isa.
3rd week ng June - Nakareceive ako ng tawag sa kanya at galit na galit. "My gf is a cheater, I saw her flirting with my stepbro". Ang kwento nya, ito girl ay highskul mates at matagal ng crush ung stepbro nya. Ayun naman pala! Nasuntok raw nya ang stepbro nya at naawat na lang sila.
Pinapakalma ko sya pero wala rin ako magawa kasi di rin ako makapunta sa kanila kulang ang free time ko. Maayos naman ang usapan namin pero sa hindi ko rin mapaliwanag bakit OOR ang phone nya sa mga sumunod na araw at inabot hang first week ng July. Dahil sa occupied ako ng work at school load ko, di ako makapunta ng Calamba at everyday na lang ako ng text at umaasa sumagot sya.
First friday of July - Naalimpungatan, check ang phone. Two missed calls from Jay. Ayun, nabuhayan ng dugo at dali dali tinawagan sya pero kinacancel. Badtrip naman! Nagring ang phone ko, "Hello, How are you?, I'm sorry for the past weeks and I miss you!", "What happened to you?, I'm so worried", "I know, its a long story. Can we meet tomorrow afternoon", "I cant, I have plans with my officemates but we can meet on Sunday", "Ok, Sunday morning then. Hey, I miss your voice!", "Me too".
Sunday morning - Excited na makita sya, I texted him. "I'm here at SM Calamba, Starbucks", he replied "I have slight problem my gf suprised me and shes here!". Badtrip naman oh, kala ko wala na scene ung girl, badtrip talaga. Second text, "Wait for me 1 hour". Nag intay naman ako, medyo bored na ako kaya naisip ko mag ikot ikot sa mall at almost 2 hours, wala pa rin sya at masama pa nun, OOR ang phone. I decided to call his mom, desperate move and first time, "Tita sa po si Jay? di po kasi macontact at may usapan po kami ngayon", "Dito phone nya, naiwan at lumabas sila ng gf nya, kumain yta". Sobra badtrip ko, napilitan na ako gawin ito. Pumunta ako sa Waltermart dun sa store na pinapasukan ng girl at para hingin number nya sa mga kwork nya. At nakuha ko naman kasi nabola ko, haha! Pagkakuha ko tinawagan ko "Kasama mo ba si Jay kasi kanina pa ako nag iintay dito may usapan kami. Sabi ng mama nya, magkasama raw kayo", "Paano mo nakuha number ko" ang tanong ng girl skin. "Ah, kinuha ko sa kawork mo, late ka n nga raw pinapasabi nila", "Shit". Pinasa ang phone kay Jay "Where are you, Im waiting for 3 hours now, where are you? Again, where are you?", "We are at Spaghetti House", "Ok, I will go there", "No, wait! Just wait for me, we are almost done here", "Wait yourself, Im going and I dont care, she ruined my day".
Kinalma ko na sarili habang naglalakad papunta Spaghetti House. Nakita ko sila magkatabi at sweet sa isat isa. First time ko nakita ung girl kahit nasa malayo pa ako, mukha sya pokpok (sorry for the word). Sobra Badtrip talaga! Nakita na ako ni Jay, ininintay ko pa sila matapos. Tingin ko nakita rin ako ng girl. Lumapit na sa akin si Jay, di ko sya kinibo. Niyaya na ako mag videoke sa Toms World. Di na namin pinagusapan ung nangyari at enjoy na lang ung bonding namin. Nakwento na rin nya na nag ayos sila ng gf nya pero di na raw sya seryoso dun since nahuli na nya at magkaaway pa rin sila ng stepbro nya. Sabi ko sa kanya "Make sure you are true to your words, you dont know what I can do", "Yeah, I know! I was amazed what you did earlier to get her number", "haha!". Since ok na ulit lahat, niyaya ko sya kung gusto nya sumama sa Anawangin sa katapusan ng July. Sige, gusto raw nya ang beach!
Hinatid nya ako sa Terminal ng Dyip sa Waltermart, umuulan at pinapayungan nya ako. "I'm going, you take care", "You take care too!" Sabay kiss sa lips... Kakagilig talaga! Pag akyat ko sa dyip, haha! gulat ung mga nakakita at tinitigan pa ako ng isa... Kulang na lang tanungin ko sila kung ano problem nila... Hay!
COMMENTS