$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Carlos and Miguel (Part 5)

By: Anonymous CARLOS Pumunta kami sa loob ng kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa. Kinakabahan ako sa sinabi niyang meron siyang sor...

By: Anonymous

CARLOS

Pumunta kami sa loob ng kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa. Kinakabahan ako sa sinabi niyang meron siyang sorpresa sa akin. Kung ano ano ang iniisip ko. Puro masasama ang naiisip ko. Baka rape-in niya ako. Ipakita niya ang T*t* niya sa akin. Di ko alam. Pero hindi ko man lang naisip na baka sosorpresahin niya ako sa magandang paraan. Ang dumi dumi talaga ng isip ko. Hindi ko na mapigil, gulong-gulo na ako. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kaya tinanong ko siya.

"Ano ba kasi yung sorpresa mo?" ako.

"Basta, wait ka lang." si migz

"Ayaw ko kasi ng ganito, yung sinosorpresa." ako.

"Wag ka kasing kabahan, arte arte mo! Highschool lang?" pangungutya niyang sabi sakin.

"Eh hindi kasi ako sanay, lalo pa't mangagagaling sayo, baka kung ano yan!" ako.

"Relax ka lang dude!" si Migs.

Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang harap ng building. Walang tao dito at mukhang inabandona na. Pinataas niya ako sa rooftop, sinabi niya na mauna na daw ako. Tumaas naman ako. Mejo matagal akong naghintay sa rooftop. Nang bigla siyang dumating. May dalang picnic blanket, basket, at gitara. Nilatag niya ang blanket at inilabas ang mga pagkain. Umupo kami at pinaglagay niya ako ng pagkain. Ang sweet niya, sinusubuan pa ako. Pagkatapos niya ako subuan ay bigla siyang lumuhod sa harap ko at kinuha ang gitara...

"I wanna make you smile, whenever your sad...." kinankanta ni migz ang grow old with you.

"Ano, ba yan ang pangit ng boses" sabi ko naman.

Hindi naman talaga pangit ang boses niya, sa totoo lang maganda nga to, husky na mataas. Kinikilig ako deep inside. Unang beses ako kantahan, at di lang kung sino yung kumakanta. Yung taong gusto ko pa ang kumakanta para sa akin. Hay! parang kinakantahan ako ng isang anghel.Napapangiti ako, habang nakatingin sa mata niya. Alam mo yung feeling na gusto mo na siya maging sayo, pero sa sarili mo ay may doubt ka pa din, kasi bago pa lang siya nagtapat sayo? Ganun ang nararamdaman ko para sa kanya. Basta hintay lang ako ng tamang panahon at ako'y mapapasakanya ng buo.

MIGUEL

Natapos ko ang kanta, kitang kita ko naman na nagustuhan yun ni Carlos. Iba talaga ang feeling ko pagnapapangiti ko siya. Para bang heaven, yung ikaw yung nagiging dahilan ng pagngiti niya. Pero hindi ko to mamadaliin. Hindi ako mapapagod kahit ilang araw, ilang linggo, ilang buwan, ilang taon o habang buhay ko pang patunayan ang pag-ibig ko para sa kanya. Wala akong pakelam kung masaktan ako, ang sa akin lang, mahal ko siya at sapat na yun. Ito na talaga yung pinakahinihintay kong araw. Yung araw na magtapat ako sa kanya at ang pagtanggap niya sa nararamdaman ko. Walang araw akong sasayangin para mahalin siya. Hindi ko maipapangako na hindi ko siya mapapaiyak, pero hangga't maaari ay iiwasan ko. Ayaw ko siyang nakikitang malungkot o umiiyak. Basta sa araw na to, ipanapangako ko sa inyo at sa langit na ako ang mag-aalaga sa kanya hanggang tumanda kami.

Pagkatapos ng pagkain namin, ay agad kong inimis ang mga gamit, pero di pa kami umuwi. Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan. Ang sarap sa pakiramdam. Siya na talaga ang para sa akin. Para akong nakahanap ng bestfriend, brother, lover in one person. Sana ganun din siya sa akin. Nang makalipas ang dalawang oras ay napagpasyahan na naming umuwi. Hinatid ko siya sa bahay nila. Nang tumigil ang kotse sa harapan ng bahay ni Carlos...

"Migs, you made my day" Nakangiting sabi ni Carlos.

"Expect more of things like this, hindi ko pagsasawaang pasiyahin ka." Si Migz.

Hinalikan ko siya sa noo. Tumingin siya sa akin. Nagpaalam at bumaba nang kotse.

CARLOS

Natapos ang araw nang masaya. Sa una magulo, may kaba, may takot, pero matatapos din pala ito ng may kaliwanagan, may seguridad at may kasiyahan. Lumipas ang araw naming dalawa nang masaya. Pero siyempre sa loob ng unibersidad, di namin pinahalata. Parang Bestfriend lang. Dito nagsimula ang pagkakakilanlan namin ng mas malalim. Lumipas ang mga araw at buwan. Ngayun Limang buwan na kaming ganito, paulit-ulit, pero walang kasawaan. Hindi pa kami opisyal, pero pag kaming dalawa na lang ay kulang na lang talaga ang tanung na "Tayo na ba?" at ang sagot ng isa sa amin na "OO". Masaya ang mga araw na lumipas. Wala kaming nagiging problema. Sabi ko nga sa kanya na huwag nating madaliin ito, gusto ko kasi na sigurado na ako at sigurado na kaming dalawa sa nararamdaman namin sa isa't isa. Nagtagal pa kami ng ganito, pero habang tumatagal nakikilala ko siya ng lubos, ang kanyang mga ugali kasama na ang masasama. Pero hindi sapat na dahilan yun para ma turn off ako sa kanya.

Ngaun, mag sasampung buwan na kaming ganito. Niyaya niya akong lumabas.

"Carlos, punta ako diyan sa inyo, sunduin kita." Si Migz.

"Bakit? Tinatamad ako eh." Si Carlos.

"Lagi kang ganyan, pagdating sa akin, tinatamad ka lagi." Si Migz.

"E, tinatamad talaga ako ngaun." Si Carlos.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang nararamdaman ko noong gabing iyon. Ako pa naman yung tipo ng tao na pag-ayaw ko, eh ayaw ko talaga. Hindi na siya nagtext. Unang beses ko ding tumanggi sa kanya ngaun. Kaya siguro tampo siya sa akin. Nang biglang may kumatok sa pinto...

"Si no yan? Manang ikaw ba yan? Bukas yang pinto." Si carlos

Patuloy pa din ang pagkatok.

"Bukas nga yan anu ba! Pumasok ka na lang." si Carlos.

Patuloy pa din ang pagkatok at mas lumakas ito. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Bakit andito ka ngaun?" Si Carlos.

"Wala lang, gusto lang kita makita." Si migz.

"Umalis ka na please, wala ako sa mood ngaun." si Carlos.

"Bakit naman?" Si Migz.

"Wala lang." Si Carlos.

Wala siyang naisagot sa akin. Umupo lang siya sa kama. Tahimik lang kaming dalawa. Tumayo siya..

"Aalis na ako." Malungkot na sabi ni Migz.

Hinila ko ang kanyang kamay at yinapos. Di ko alam kung bakit ko nagawa yun. Pero bigla ko lang nagawa yun. Sa higpit ng yakap ko ay naramdaman ko ang kanyang pintig ng puso. Pero nagpumiglas siya, at nanghina ako. Umalis siya at doon ko naramdaman ang unang kirot sa puso ko. Hindi ko alam ang ganitong pakiramdam. pero parang gusto ko na lang mawala sa mundo. Ang sakit pala, pag binalewala ka ng mahal mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinext ko siya ng tinext ng sorry pero wala pa ding reply si Miguel. Dito na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, kasi hindi naman talaga akong iyakin na tao. Ang sakit talaga eh. Napakasakit. Di ko kaya. Pero bahala na, ganun ganun na lang yun? Babalewalain niya lang ang sampung buwan? Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? Hindi naman kami, Walang kami.

Lumipas ang mga araw, tinetext ko siya, tinatawagan ngunit walang akong reply na nakuha sa kanya. Di niya din naman sinasagot ang mga tawag ko. Ano ba naman miguel, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito. Hindi ko na kaya, pinupuntahan ko siya sa mga klase niya para hintayin, ngunit para lang siyang hangin na dumadaan sa harapan ko. Ganun na ba kalaking kasalanan ang nagawa ko sa kanya? Ano ba namang buhay to, ayaw ko na maranasan to. Hanggang di na ako nakapagpigil. Pinuntahan ko siya sa kanilang bahay. Pinapasok ako ng kanilang maid, at sinabing nasa kwarto daw si miguel. Agad agad akong pumunta doon. Pagbukas ko ng pinto....

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Carlos and Miguel (Part 5)
Carlos and Miguel (Part 5)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgSvNeH3YuIh-zrmeyFJge7ncmqu5R3fiWhtCa70hya_D894iZCaC_PafgGwmUh6Pw-442Rxx6YKru1y2ta2U6vbCntmPv8_abWZzhtm8k3p7ShuIgtmFJ3MzscV71LJ4frF6qAacmC54sB/s1600/Carlos+and+Miguel.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgSvNeH3YuIh-zrmeyFJge7ncmqu5R3fiWhtCa70hya_D894iZCaC_PafgGwmUh6Pw-442Rxx6YKru1y2ta2U6vbCntmPv8_abWZzhtm8k3p7ShuIgtmFJ3MzscV71LJ4frF6qAacmC54sB/s72-c/Carlos+and+Miguel.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/07/carlos-and-miguel-part-5.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/07/carlos-and-miguel-part-5.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content