$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 1)

By: Larry Minsan may mga bagay tayung gustong makuha, gustong maranasan. Ngunit sadyang mapaglaro ang pagkakataon sa buhay ko. Nagsisikap...

Di Inaasahang Pag-Ibig

By: Larry

Minsan may mga bagay tayung gustong makuha, gustong maranasan. Ngunit sadyang mapaglaro ang pagkakataon sa buhay ko. Nagsisikap ako makapasok sa isang sikat sa unibersidad sa maynila, ngunit d ako nakapasa sa exam. D nman ako mahina ngunit parang d talaga sa akin yung gusto kong makamit. Kaya napilitan akong magaral sa aming probensya. Kumuha ako ng bsit, masakit man sa loob ko na dun ako magaaral ay kibit balikat ko lang ito dahil nakita ko naman ang pagsisikap ng mgq magulang ko para tustosan ang pagaaral ko

Isang maganda araw. Ang araw na pinanabikan ko "unang araw sa klase". Parang ganun nalang siguro pangyayari kapag nasa 1st year college ka at wala masyadong kakilala, kaya nakaupo lang sa pinakagilid at inaaliw ang sarili sa hawak na cellphone. Ganoong routine ang unang buwan sa pagpasok ko sa school at di ngtagal ay may nakausap na akong mga kaklase. Napagtanto ko na marami palang klasmate ko na maporma. Pero di ko na inintindi iyon bagkus nagfucos nalang sa pagaaral ko.

Nagkataon na may binigay na proyekto ang instructor namin at by two itong gagawin, d ko malamn kung sino ang ikapareha ko gayung d ako gaanong kalapit sa mga classmate ko. At may biglang lumapit sa akin.

"Oi, pare, tayung dalawa magsama sa project, tingin ko sayu magaling ka".

Biglang natauhan ako sa narinig.

"Di naman, pero kung ok sayu bakit hindi?" ang sukli ko. Sa totoo lang naginit ako sa narinig na"magaling ka"

Di ko maintindihan at bigla akong natawa sa iniisip.

"Anong nakakatawa pare?" tanong ng lalaki

"Hindi kasi may naalala lang ako. Ok Mark tayung dalawa ang magpartner".

"So kilala mo na pala ako? Pero d pa kita kilala. D kasi tayu naguusap eh"

"Ah. Eh. Kasi narinig ko lang na tinatawag ka ng klasmate natin" nauutal kong sagot.

"Ahh ganun ba" sige tayu na ah!

"Anong tayu na?" as in tayu na? Sabay ngiti sa labi.

Nagtawanan kaming dalawa. At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Mark.

Walang araw na di kami nagsasama, dahil na rin sa ginagawa naming project at napalapit na ang loob ko kay Mark. Maginoo si Mark at maalalahanin na siyang nagustuhan ko. Minsan dinadalhan pa niya ako ng meryenda kung gumagawa kami ng project namin. Habang tumatagal nahuhulog na ang loob ko kay Mark. " ano ba tong naramdaman ko? Bakit ganito?" tugon ko sa sarili. Tuwing weekend ay naghahanap ng ako paraan para makita si Mark. At yun ang paggawa ng project. Wala naman excuse o liban sa mga meeting si Mark bagkus maaga pa itong dumating sa tagpuan kaysa sa akin sa lugar kung saan gawin ang project namin. Kaya ganun nalang ang tuwa ko sa nangyari dahil binigyan ng importansya ni Mark ang bawat pagtatagpo namin.

Papalapit na ang deadline ng project namin kaya d ako mapakali , maraming iniisip, naguguluhan ako sa aking nararamdaman. "pano kung tapos na ang project, wala na akong dahilan para makita sya palagi? Tanging tanong ko sa sarili. Gusto kong di muna matapos para makasama ko pa ng matagal si Mark. Mahal na ko si Mark. Napalapit na loob ko sa kanya.

Deadline, pinasa na namin ang project na ginawa .

Sa classroom, isang subject ko na di kami magklasmet ni Mark, . Laging di ako mapakali kung anong kinalabasan sa project namin, kung ito ba ay may mali o tama lang. Kapag nagkamali, natatakot akong magalit sa akin si Mark. Sa katunayan ako na rin mismo gumagawa sa lahat. Basta lang present si Mark sa meeting namin ay masaya na ako doon. At kung may mali man, tiyak sakin ang pagsisi. Dahil sa lumilipad ang isip ko ay di ko namalayan na tinawag pala ako ng instructor namin" mr. Robles, someone looking for u, nghihintay siya sa labas"

"Sir, sino po? Tanong na kinkabahan at mag halong pagtataka kung sino ang naghahanap sa akin.

Paglabas ng classroom ay nakita ko ang isang makisig na lalaki nakatalikod na tumayo at nakasandal ang isang kamay sa wall. Alam ko kung sino iyon "si Mark" bigla akong natakot, "baka dahil sa project namin na may mali" ang nasa isip ko.

"Pare kamusta? Anong atin? May problema ba?" tanong ko

"Halika magusap tayu" sabi ni Mark

Biglang akong natakot sa sinabi ni Mark, wlang anu mang reaction ang pangungumusta ko rito bagkus sinuklian pa ng isang salita na nakakagulat. Nakita ko ang pagkadesmaya sa hitsura ni Mark. Parang ang bigat ng pakiramdam niya.

"Anong problem?" tanong ko

"Halika lumapit ka" pabagsak na tugon ni Mark

Sa takot ko, umatras ako kaysa lumapit kay Mark.

"Bakit ka lumalayo?" tanong ni Mark

"Ah hindi napaatras lng!"

At gayun gayun na lang na lumapit si Mark sa akin at niyakap ako. Isang yakap na parang nilipad ako sa hangin ng mga oras na yun. D ko alintana ang mga ibang estudyante ang nandun. At napayakap din ako kay Mark.

"Pare salamat talaga. Maraming salamat. Alam mo ba yung project natin ang gawin isa sa exihibit sa school foundation day natin. Kaya ang saya saya ko" sabay yakap uli.

Ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ko. Ninanamnam ang pagkakataon na yumayakap sa akin ang mahal ko. Ang akala ko noon kapag natapos na ang project namin ay di na niya ako kakausapin . Pero mali ako, heto sa harap ko si Mark at nakayakap sa akin.

"Pare ayus yun, marami ang makakaalam sa ginawa natin" tugon ko

"Anong gawa natin, gawa mo yun. Nakatingin nga lang ako eh!" sambit ni Mark

"Kasama ka parin dun" sukli ko. At dun ko nalang napansin ang ibang estudyante na nakatingin sa amin. Mabuti nalang kunti lang ang naroon.

"Pare paglabas mo ng klase, hintayin mo ako sa main gate at ite-treat kita ng lunch" sabi ni Mark

"Ahh o segi ikaw bahala" tugon ko.

"Marahil mahilig lng talaga si Mark magbigay ng present. Katunayan anak sya ng isang politiko sa amin"

Lunch break, nghihintay ako sa main gate kung saan ang lugar na pinagusapan namin ni Mark na magkita.

"Pasensya nw pare medyu na late ako, may tinapos lang kasi ako" sabi ni Mark

"Ayus lang basta ikaw"sabi ko sabay ngiti.

Sa isang kilalang food chain kami kumain, napakagiliw ni Mark, siya mismo ang nago-open ng topic para pagusapan namin. Ilang sandali lang may lumapit sa amin na babae, d lang babae, talagang magandang babae at kinausap si Mark.

"How are you Mark, I really miss you" sabay hug at may kasama pang halik.

"Hon, this is louie klasmate ko, siya yung sinasabi ko na kasama ko sa project. "

"Hello louie" isang maikling salita mula sa babae.

"Louie, this is rhea my girlfriend" pakilala ni Mark

Parang binuhusan ako ng malamig na sofdrink sa narinig ko. May gf pala si Mark. Nanglomo ang aking sarili sa nakita. " sana ako nalang, sana tayu nalang" ang nasa isip ko. Imbis na magsaya ako sa piling ni Mark, biglang napalitan ng sakit at d mapaliwanag na nararamdaman.

"Pare mauna na ako may klase pa kasi ako eh" paalam ko kay Mark

"Ahh ganun ba, segi ingat ka pare"

Habang lumalabas ako sa food chain, d ko mapigilin na tumulo ang luha ko. " ang tanga tanga mo louie bakit ka umiiyak? Bakit ka nasasaktan"sabi sa sarili ko.

Nagdaan ang ilang mga araw, at di na kami nagusap ng matagal ni Mark simula nung nangyari sa food chain. Siguro busy sya sa gf nya kaya ganon nalang lagi syang nagmamadali. O kaya bumabawi sya sa panahon na di nya kasama gf nya dahil ako ang kasama nya noon.

Hanggang nagkasalubong kami sa library, may ginagawa syang research sa other subject niya.

"Dre ano gawa mo? Paumpisa ko

"Ito dre research na naman. Daming requirement. " sagot nya.

"Ganyan talaga basta lapit na mag end ang sem" tugon ko

"Dre patulong naman, segi na plz" pagsusumamo niya. At nakita ko na naman ang pamatay niyang ngiti na lalong siyang gumagwapo.

"Ahh segi, wala namn akong ginagawa" tugon ko, ang nasa isip ko, ito na ang chance para makasama ko sya ulit. Ito na ang change para maibsan tong nararamdaman ko at masabi ko sa kanya.

Martes ng hapon, napagisipan ko na gawin ang research sa isang coffeeshop. Dahil may wifi connection dun at maganda kong tahimik ang paligid. Kaya pinapunta ko si Mark at agad naman sya nakarating na may dalang loptop dahil yun din sabi ko sa kanya.

Habang hinihintay namin ang order namin ay sinimulan ko ng buksan ang loptop nya para mgresearch sa net about sa topic na iresearch niya. D ko napansin ang ginagawa niya dahil tutok na tutok ako sa laptop.

"Dre anong nangyari sayu? Para kang walang tulog ah! San ka ba galing kagabi?"

"Napansin mo dre? Kasi yung barkada ni rhea nagyaya kagabi na magbar at kilangan daw kasama ang syuta, ayun d pa ako nkatulog ng maayus

"Pano yan? D pwede na gagawa ako ng di mo alam" sambit ko

"Dre idlip lng ako saglit ah. Gawin mo lang at maya maya ire-review ko. " tugon nya.

At yun nga, sinandal nya yung dalawang kamay nya sa mesa para gawin unan niya, pero nakita ko na di sya comportable sa posisyun nya. At dumating na ang order namin. Napansin din ng isang waiter ang pagtulog ni Mark.

"Sir Mark, d po maayus ang posisyun nyu"sabi ng waiter

Natulala ako kasi kilala sya ng waiter don. Inisip ko nalang na baka regular customer si Mark doon.

"Sir lumipat po kayo ni sir Mark sa dulo upang marelax sya" sabi ng waiter sa akin.

"Ahh wag na ok lng dito" tugon ko

"Sir sabi kasi ng manager namin na lumipat kayu sa dulo" sabi ulit ng waiter

Tiningnan ko ang dulo at nakita ko na kung doon kami, tiyak mas comportable si Mark sa pagkahiga. Nakasandal lang kasi ang ulo ni Mark sa mesa.

"Dre lipat tayu ng pwesto doon sa dulo" sabi ko kay Mark

At bigla nmn syang tumayo, halatang pagod na pagod sya. Pero d ko na yun inisip kasi ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na yun. Kung bakit ganon na lang ang inasal sa waiter kay Mark. At pati manager pa nila ang nagsabi na lumipat kami sa sofa. Kaya nakita ko si Mark na nakahiga kasi malaki iyon at comportable sya sa pagtulog. Habang ginagawa ko ang pagre-research ay di ko maiwasan tumingin kay Mark. " ang gwapo nya matulog, sarap yakapin" ang nasa isip ko. Natawa nlng ako saking inisip. At biglang nagulat

"Dre kamusta na? Pasensya ka na ha! Sorry dre.

"Ayus lang dre basta ikaw, walang problema" tugon ko. At nabigla na lang akong bumangon sya at humiga sa hita ko para gawing unan. Naginit ang pakiramdam ko sa ganun posisyon. Di ko mawari na gawin ni Mark iyon. Nakatawa isipin na nagawa ni Mark yun sa public place na humiga sa hita ko. Pero patay malaysia lang ako. Pero sa totoo masaya ako sa nangyari. Natapos ko na ang research niya at nakasaved na sa flash drive at ready na para iprint. Pero tulog parin si Mark, d ko magawang gisingin kahit nangangatog na ang kaliwang kita ko dahil mahigit dalawang oras d ko ginalaw para d lang madisturbo sa pagtulog ang lalaking mahal ko. After a minutes, nagising na si Mark.

"Dre ok na ba" tanong ni Mark habang napakamot sa ulo niya.

"O dre kanina pa" tugon ko

"Bakit di mo ko ginising?"tanong niya

"Ang sarap kasi ng pagkatulog mo eh" sabay tawa.

Nagtawanan kaming dalawa. At tinawag nya yung waiter na kausap ko kanina.

"James, ung bill?"

"Sir bayad na po ng kasama nyu" sabi ng waiter

"Ano ka ba dre, ikaw pa ang nagbabayad, ako na nga ang nakakadisturbo sayu " tugon nya.

Tanging ngiti lang sinagot ko sa kanya. Ngiti na may kahulugan para sa akin. Isang ngiti na nagsasabing " mahal kita". At biglang lumapit sa amin ang manager ng shop.

"Sir Mark, magliquidate na po ba ng report for this month?" tanong ng manager.

Nagulat ako sa nalaman. Sir ang tawag nila ni Mark, . Sino ba si Mark sa lugar na yun.

"Ahh segi, check ko lang bukas" tugon ni Mark

At dun ko nalamn na family business pala nila iyon at si Mark ang nagpapalakad. Talagang namangha ako kay Mark at subrang napamahal na rin. Ngunit lalo yatang gumugulo ang utak ko, maraming tanong ang namoo. Lalong nagpabigat sa kalooban ko. "magugustuhan kaya ako ni Mark" "pano kung malaman niya" . Basta ang alam ko ayaw kong mawala si Mark sa buhay ko.

Hanggang nag sem break na at matagal na din d kami magkikita ni Mark. Talagang namimiss ko na sya. Iniisip ko sya palagi kung ano ginagawa nya. Iniisip ko ang mukha nya sa pagtulog. Namiss ko na sya. Yun lng ang alam ko. Ayaw ko ng ganito, di ako bakla, bakit ganito nlang ang pananabik kung makita ulit si Mark.

2nd sem na. Excited na akong makita ulit si Mark. Pero nagdaan mga araw sa klase wala akong nakitang Mark. Nadismaya ako? Napaisip ako baka lumipat sya ng skol. Pilit kong nilalabanan ang pakiramdam ko. Pilit kong ngumiti sa bawat taong nakakasalamuha ko. Pero ang totoo, unti unting dumudurog ang puso ko.

Kaya tuwing lalabas ako ng klase ay dumadaan ako sa coffeeshop, nagbabakasakali na makita ko si Mark. Pero talagang mailap ang pagkakataon, di ko matyimpohan si Mark sa shop. At ng dahil sa lagi akong dumadaan sa shop ay nakita ako ni rhea, ang gf ni Mark.

"You must be louie, rigth? Tanong niya

"Oo ako nga at ikaw naman si rhea ang gf ni Mark?" sambit mo

"What a clever huh!! Gf talaga? Noon yun ngayun indi na" sabi nya.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa narinig.

"What are you doing here, looking for Mark?" tanong nya sabay ngiti.

Nagbigay ng ibang meaning yun sa tenga ko. Pero binabalewala ko nalang.

"Ahh hindi may kinuha lang akong gamit sa isa kong klasmate at napadaan lang ako" sagot ko

"Ahh ok, so I have to go may lakad pa kasi eh" tugon niya.

"Oo segi, take care" sagot ko.

"Same to you" habang naglalakad palayo sa akin.

Pero tama siya na si Mark talaga ang pasya ko kung bakit halos araw araw dumadaan ako dito sa shop nila.

Hanggang naisipan kong magtext sa kanya, na di ko pa ginagawa kong walang pakay na importante. At kahit pangungumusta ay d ko ginawa. Wala na akong choice kundi itext sya.

"Dre kamusta? Si louie ito. Naalala mo pa ba ako?" end of quotes.

Talagang nagaabang ako sa cp ko, bawat minuto tinitingnan ko baka may reply si Mark, pero kahit isa wala. Nanghihinayang ako kasi sa panahon mgkasama kami ni Mark ay di ko sinabi ang nararamdaman ko kaya ako ngayun ay nahihirapan. Kahit sa school ay umaabsent na ako ng walang dahilan. Ano pa sibli ang lagi kong pagpunta sa school gayung wala naman si Mark. Si Mark na nagbibigay pasakit sa damdamin ko.

Hanggang isang araw, sa department store, may nakikilala akong tindig d kalayuan sa kinatatayuan ko at mukhang may hinahanap. Nilapitan ko ito at di ako nagkamali. Si Mark iyon.

"What can I do for you sir?" tanong ko

"Mmay medium size kayu nito?" sabay abot sa black jacket na nakayuko kaya di nya pansin kung sino ang lumalapit sa kanya.

Inabot ko ang jacket na bigay nya at

"Pati ba naman sa pagbili ng gamit ay pinapatulong mo din sa akin?" ang natatawa kong sabi.

Nabigla sya at tumingin kung sino nagsalita.

"Louie musta ka na?" tanong nya.

Medyo nasaktan ako sa pagtawag nya ng pangalan ko. Pero ok lng at least nakita ko na ang lalaking nagpagulo sa buhay ko.

"Ito ayus lang, ikaw? Kamusta di na kita nakita sa school ah!" tanong ko.

"Ahh kasi nagpalit ako ng korso. Business management na kinuha ko" sagot niya

Kaya pala d ko na sya nakita dahil iba na pala korso niya. Malayu kasi ang department ng it sa business ad. Kaya d ko na siya nakikita.

"Dre kain tayu, ako namn taya bilang pasasalamat na rin kasi nakita na kita" sabay tawa.

"Ahh nextime nalang louie, nagmamadali kasi ako. May tatapusin pa akong report sa shop. " sagot niya

Nanghihinayang ako, bakit kaya ganun nalang ang pakikitungo nya sa akin, may nagawa ba akong mali? Bakit parang umiiwas sya? Marami akong itatanong, marami akong sasabihin. Pero paano kung may pagkakataon na sana pero sya namn ang umiiwas. Nasasaktan na naman ako habang pinapanood siyang palayu sa kinatatayuan ko. Ang sarap sumigaw, sabihin na "mahal kita Mark" pero naduduwag ako, ayaw kong mawala sya, ayaw kong magalit sya sakin. Pero pano, pano ko sasabihin ang kabaliwan kong ito.

Isang araw naglakas loob na akong pumunta sa coffee shop kung saan nandun sya sa mga oras na yun. Lingid sa kaalaman ni Mark ay tinatanong ko yung waiter nila kung anong araw o oras namalagi si Mark sa shop.

"Good morning sir" bati ng isang waiter sa akin.

At umupo ako sa malapit sa pintuan para makita ko agad si Mark na nasa counter at naguusap sila sa manager. Umorder ako ng capoccino at isang slice cake. Namataan ko na talagang umiiwas si Mark sa akin. Kasi sa tuwing may customer na umoorder ay sya mismo maghatid sa order ng customer. Nagawa ko pang magorder ulit na nagbabakasakali na sya ang maghatid pero mali ako ng akala, bagkus tinawag pa nya yung waiter para ihatid sa table ko ang order ko.

"Di ko na to kaya" sabi ko sa sarili. Bakit ganun nalang siya bigla. D ko maintindihan. Di ko alam kung may nagawa ba akong mali. Ang sakit sa pakiramdam na yung taong mahal mo ay tinutulak kang papalayo. Wala akong nagawa, nag mukha akong tanga sa mga oras na yun kaya umalis ako sa shop. Nangilid ang mga luha ko at di ko na napigilang umiyak.

Ngdaan mga araw na masakit sa loob ko ang pangyayari. Pilit kong kinalimutan sya pero mahirap. Tinuon ko nlang sarili ko sa pag aaral. At talagang pagkakataon na ang naglalapit sa amin.

Buwan ng febrero, may event sa school, bawat department ay may panglaban sa gaganaping ms and mr campos. Unexpected ang pagyayari kasi ang dapat sasali sa department namin ay tinubuan ng bulutong kaya ako ang nagawang pamalit.

Nalaman ko lang din na si Mark ang representative sa department nila nung nagpicturial na. Naiinis ako, nagagalit kung kailangan tanggap ko na na d talaga maging totoo ang panaginip ko ay kusa naman itong babalik sa dati. Bumabalik na naman sa dati ang puso kung malambot. Di kami naguusap sa picturial kahit halos magkadikit na katawan namin parang wala lang. Para bang d magkakilala. Hanggang nakahanap ako ng tempyo.

Sa backstage.

"Teka nga pare, nakakalalaki ka na ah!" ano bang problema mo? Tugon ko na walang katuturan. Basta nasabi ko lang.

"Magingat ka sa pananalita mo" sabi nya

"Ano bang problema bakit ka ba nagkaganyan? Tanong ko

"Wala kang pake dun" sagot nya

"Hindi pare, nahihirapan na ako eh. Ano ba bakit ganyan ka" tugon ko

"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan?" sabi na

Bigla akong natahimik, nahihirapan din siya? Pero saan? At bakit.

"Sabihin mo kung bakit, d na kasi kita maintindihan" tugon ko

"Ikaw ang problema, ikaw. Ikaw. " sabi nya at biglang yumuko

Nilapitan ko sya, nakita ko ang dumadaloy niyang mga luha.

"Bakit, ano bang problema?" tanong ko

"Paulit ulit ka na?" sabi nya.

"Ako ang problema mo dba? Sabihin mo kung bakit" tanong ko na naghahamon.

"Di ko kasi matanggap sa sarili ko na nagkagusto ako sayo, kaya lalayu ako kasi ayaw kong masira yung pagkakaibigan natin ayaw kong lagyan ng anomang pagnanais" sabi nya

Sa narinig ko bigla akong nabuhay, parang may malakas na boltahe ang dumadaloy sa kalamnan ko.

"Akala mo ba sa ginagawa mo di ako nasasaktan? Sa bawat pagiwas mo? Sa bawat pagpapansin ko na binabalewala mo? Sa tingin mo d ako nasasaktan" tugon ko na nangilid na rin ang luha.

"Mahal kasi kita, mas pinili ko ang lumayo para d mo ako kamuhian" sabi nya

"Bakit ka lalayu? Di mo nga ako tinatanung eh" tugon ko

"Natatakot ako baka magalit ka sakin, " sabi nya

"Alam mo yang pakiramdam mo, ay di mailalayo sa nararamdam ko" tugon ko

At isang mahigpit na yakap ang nanaig sa pagtatalo namin. Ang saya ko na gusto ako ng taong mahal ko. Napakasaya ko sa mga oras na yun. Lahat ng bigat sa dibdib ko ay nawala dahil heto na ang mahal ko, kayakap ko at wala na akong kinatatakutan.

Hanggang natapos ang event sa iskol at ako ang tinanghal sa mr campos at runner up lang si Mark. Naging masaya namn ang resulta, di sa pagkapanalo kundi sa pagibig na trupeo mula kay Mark ang natanggap ko.

Nagdaan ang mga araw, at masaya kaming magkasama ni Mark, sa lahat ng mga lakad nya ay kasama ako at ganun din sya sa akin. Naging masaya kami sa buhay namin kahit sekreto lang namin iyun. Masasabi ko talaga na napakasarap sa piling ni Mark. Subra syang concern sa akin, every hour tumatawag at kamustahin ako. Kung weekend naman, pupunta sya sa bahay para ipagpaalam ko sa magulang ko na sa apartment nya ako matutulog at kahit san sya magpunta ay laging nasa tabi ako sa kanya. Hanggang naisipan na niyang doon nalang ako sa apartment nya manatili. Sabagay summer time na;kaya ayus lang.

Sa totoo lang, d pa kami nagsex ni Mark. Kasi talagang di namin alam kong saan magsimula o kung sino ba dapat ang mauna. Nakakatawang isip, umabot kami ng 4months ay d pa talaga kami nagsex. Hanggang hug at kiss lang ang laging nangyayari.

Minsan napagusapan namin na bumili ng porn tape yung bang m2m. Pero sa pagdating kung sino ang bibili ay walang naglakas ng loob.

Nangyari ang unang sex namin sa 5th monthsary namin. Isang nakakatawang sex na di ko malimutan. Nahihirapan kaming dalawa. Pero sa kalaunan tumagal at nasanay na kami at natuto na rin. Pero di naman sa sex nasusukat ang isang relasyun. Pinapakita ko kay Mark kung gano ko siya kamahal at ganun din sya sa akin. Ang higit sa lahat ang pagsasama ang syang nagpapahubog sa dalawang taong nagiibigan.

Maraming salamat sa bumasa. At nextime kung may time. Ishare ko naman yung away bati namin ni Mark at ano ang mga dahilan.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 1)
Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLqYKbtLqcV9wcji2NkIS5SWOJchtgYHY9AQIiJ0CFH9BXaHCObHHYOlise_ZJSjQ4YcZjyvKtXWIqPvZctl_wDBH5wHc3rb33ztuekbngSwnZNeC99y-5AiBHcaqlV1iZjU50wjDwyzY/s1600/OrlandoRDD321.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLqYKbtLqcV9wcji2NkIS5SWOJchtgYHY9AQIiJ0CFH9BXaHCObHHYOlise_ZJSjQ4YcZjyvKtXWIqPvZctl_wDBH5wHc3rb33ztuekbngSwnZNeC99y-5AiBHcaqlV1iZjU50wjDwyzY/s72-c/OrlandoRDD321.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/07/di-inaasahang-pag-ibig-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/07/di-inaasahang-pag-ibig-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content