$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Eng21 (Part 4)

By: Cedie Natapos ang klase ng magkaibigan at agad naman silang tumungo sa Canteen para kumain. "Ced, anong gusto mong pagkain? Tara il...

By: Cedie

Natapos ang klase ng magkaibigan at agad naman silang tumungo sa Canteen para kumain. "Ced, anong gusto mong pagkain? Tara ililibre na kita", si Kiko. Sumagot naman si Ced, "Naku wag na pre may baon naman ako eh, ayos lang ako na lang bibili." "I insist, ililibre na kita tutal ikaw naman ang bago kong kaibigan dito sa school eh." Hindi na nakatanggi si Ced at hinayaan na lamang niya si Kiko na gawin ang gusto nito. Matapos nilang kumain ay nagyaya si Kiko na ikutin nila ang buong university bago umuwi. "Ang laki pala ng school naten, buti na lang pala at niyaya kitang lumibot para naman next time hindi na tayo magmukhang tanga next time sa paghahanap ng mga lugar dito sa school." "Oo nga Kiko, salamat ah.", "Saan naman? Sa libre? Wala yun barya lang saken yun, haha.", nakangising sabi ni Kiko. Sumagot si Ced, "Basta salamat." Nilapitan ni Ced si Kiko at niyakap ang kaibigan saglit at biglang bumitaw. Bilang may naramdaman si Kiko na kakaiba at nagpasya na lamang na umuwi. "Ced saan ka ba umuuwi?" "Ah isang sakay lang ako dito tapos maglalakad nalang papunta sa bahay." "Tara sabay ka na saken hahatid na kita." "Pre naku sobra na, tama na ung ilibre mo ko ng pagkain." "Ok lang, ako ng bahala, para naman makita ko na yung bahay ng kaibigan ko." "Oh sige na nga, pero babawi ako sayo next time." "Oo ba, haha, pakopyahin mo nalang ako pag may exam tayo, ayos na yon." "Gago ka, matuto kang mag aral, ah ayun nalang, tuturuan na lang kita sa mga subjects naten para naman hindi ka aasa porket nalaman mong scholar ako." "Haha, sige na nga." Nagpunta ang dalawa sa parking area ng kanilang eskwelahan at nagsimula ng umuwi. Pagkahatid ni Kiko kay Ced ay ibinigay nito ang cellphone number nito at sinabing, "Sige tol, text nalang tayo, kitakits na lang sa school bukas ah." "Ok sige, salamat sa lahat ngayon ah, ingat ka paguwi." Lumabas na si Ced ng kotse at pinagmasdan si Kiko paalis ng kanilang bahay. Pagkaalis ng kotse ni Kiko ay pumasok na si Ced sa loob ng bahay na may ngiti sa kanyang mga labi.
Lumipas ang mga araw at buwan at mas lalong naging malapit sa isa't isa ang magkaibigang Ced at Kiko. Nagkaroon na din sila ng barkada na binubuo nina Ced, Kiko, Emily, Sarah, Robert, George at Jared. Naging masaya ang barkada. Magkakasama silang nagaaral sa tuwing may exams, magkakasama sa mga galaan sa tuwing matatapos ang klase at nagiging takbuhan ng isa't isa sa tuwing may problema. Sa ikli pa lang ng panahon na magkakasama sila ay naging parang magkakapatid ang turingan nila sa isa't isa. Kapag may paparating na exams, hindi pinapayagan ni Ced na mangopya ang mga kabarkada niya sa kanya. Hindi niya kinukunsinte ang pangongopya kaya sa tuwing malapit na ang exam ay nagsasagawa sila ng isang lakad na magrerebyu lang sila buong araw at tuturuan niya ang kanyang mga kaibigan. Pinakamatigas ang ulo ni Kiko dahil minsan ay ayaw nitong makinig at sinasabing hindi naman siya pababayaan ni Ced sa ganitong sitwasyon. "Ced minsan lang naman eh, sige ka pag nawala ako wala ka ng papakopyahin, wala ka ng bespren." Sumagot si Ced, "Gago ka wag ka ngang magsalita ng ganyan, kung ano ano na lang iniisip mo para lang mapapayag ako eh nu?" Naging magbespren na nga ang dalawa, hindi naman nila naisip kung gaano katagal ang pinagsamahan nila, basta ang alam nila ay mahalaga na ang isa't isa para sa kanila kaya ganito ang turingan nila. Ang tanging nakakapagpatahimik lang kay Kiko sa tuwing nangungulit ito ay si Ced, at ang nakakapagpatawa naman madalas kay Ced ay si Kiko. Minsan ay napapansin yun ng mga kasama nila pero hindi nila binibigyan ng malisya dahil magkakaibigan naman sila. Dumating ang finals ng second sem, naging masaya ang resulta ng exams dahil walang bumagsak sa kanila at na retain ni Ced ang pagiging scholar niya. Natapos ang second sem at nagpaalam ang mga magkakaibigan sa isa't isa para sa darating na bakasyon.

Nagsimula ang bakasyon at kahit papano ay nagkakaron ng oras ang mga magkakaibigan na magkatext at magkausap sa phone. Lalo na ang magbespren. Nagkakamustahan sila sa kung anong nangyayari sa buhay buhay at kung kelan mageenroll sa dadating na pasukan. "Pre, kelan ka enroll? Sabay na tayo para naman magkita uli tayo." "Ah cguro 3 weeks before start ng class ako. Txtxt nlng para sigurado.", si Ced. "Punta ka dito sa bahay pala, uuwi na sila Mama at Papa sa China, ako na lang maiiwan mag isa dito. Gusto ka daw nila makita uli bago sila makaalis." "Oh cge, kelan ba?" "Bukas, haha, biglaan ba? Sunduin na lang kita sa inyo para hindi ka na masyadong maabala." "Sige salamat." Ito ang naging palitan ng usapan ng dalawa. Naging malapit din si Ced sa mga magulang ni Kiko dahil napansin ng mga magulang ni Kiko na hindi na puro laro ang inaatupag ng kanilang anak at hindi na bumabagsak sa eskwelahan. Ganoon din naman ang mga magulang ni Ced kay Kiko. Napakadalang magpakilala ng mga kaibigan si Ced sa kanyang mga magulang kaya natutuwa ang mga ito dahil kahit papaano ay mga kaibigan si Ced sa kanilang eskwelahan. Sinundo ni Kiko si Ced sa kanilang bahay, pagkapasok nito sa bahay nila Ced ay pinagbuksan siya ng gate ng Mama ni Ced. "Tita si Ced po? Pupunta po kami sa bahay, paalis na po kasi sina Mama at Papa bukas kaya gusto daw nila makita uli si Ced bago umalis, baka 3 years daw sila dun at babalik na lang pagkagraduate ko." "Ah ganun ba iho, sandali lang at nagbibihis na si prince (palayaw ni Ced sa kanilang bahay dahil mala-prinsipe daw ito kung umasta)." "Salamat po, antayin ko na lang siya tsaka po ok lang po bang dun na matulog muna sa amin si Ced." "Oo ayos lang iho, cge pababa na yung prinsipe", nakangiting sagot ng nanay ni Ced. Pagkababa ni Ced ay nagpaalam na ito sa kanyang nanay at umalis na silang dalawa ni Kiko. Pagdating ng dalawa sa bahay ni Kiko ay agad niyakap ng mga magulang ni Kiko si Ced. "Prince ikaw na munang bahala sa anak namen, bantayan mo yan ng hindi masira ang pag aaral, babalik na lang kami dito pag malapit na ang graduation niyo ha," wika ng nanay ni Kiko. "Opo tita ako pong bahala, isusumbong ko po agad sa inyo kapag may kalokohan na ginawa si Francois," nakangising sabi ni Ced. "Mama tara na kain na tayo nagugutom na ko eh," wika naman ni Kiko. Tulad ni Kiko, ang kanyang mga magulang ay matatas din magsalita ng Filipino dahil sa kanilang mga kamaganak sa maynila at sa tagal din nilang pabalik balik sa Maynila. Matapos kumain ay nagpasya ang dalawa na umakyat sa kwarto ni Kiko para magpahinga. Habang nakahiga ang dalawa ay naguusap sila. "Kiko, di ka ba nalulungkot? Kasi ikaw na lang matitira dito magisa sa bahay niyo", si Ced. Sumagot naman ang binata, "Hindi naman, ayos nga yun eh magiging independent ako, tsaka sasamahan mo naman ako madalas dito diba bespren? Ipagpapaalam naman kita kay Tita at siguradong papayagan ka nun dahil malakas yata ako dun.", wika ni Kiko. "Okey sige, ayos lang din naman, masaya ko kasi nakilala kita. Isa kang mabuting kaibigan at bespren. Salamat Kiks ah." "Anu ka ba ako nga dapat magpasalamat eh, parang nakababata kitang kapatid pero ikaw ang mas parang matino magisip saten, tara laro muna tayo ng PS2 ko tapos nood ng TV bago tayo matulog." Ginawa nga ng dalawa ang napagusapan at matapos nito ay nagpasya ng matulog. "Goodnight bunso", wika ni Kiko. Mahimbing nang natutulog ang binata ng niyakap siya ni Kiko hanggang sa makatulog na din ito. Sumilip saglit ang Mama ni Kiko sa kwarto ng anak at nakita ang posisyon ng dalawa. Isinara muli nito ng dahan dahan ang pinto at may ngiting namutawi sa mga labi nito. "Nakakita ang anak ko ng isang bagong kapatid."

Kinabukasan ay nagpaalam na ang mga magulang ni Kiko sa dalawang magkaibigan, inihatid ng dalawa ang mga magulang ni Kiko sa airport at bago umalis ay may inabot ang Mama ni Kiko kay Ced na sulat, kumindat ito at nagsabing, "sa bahay mo na basahin yan Prince", napatingin si Kiko kay Prince at napaisip ito sa kung ano ang ibinigay ng Mama niya kay Ced. "Anak magpakabait ka ha, wag mong pababayaan ang pagaaral mo, next year umuwi ka kahit 2weeks sa atin, magpaalam ka sa mga professors mo kasi 75th Birthday ng Grandma mo, reunion yon ng pamilya. Wag mong kakalimutan ha", hinalikan ng Mama ni Kiko ang binata sa noo at nagpaalam na. "Opo ma, ingat po kayo. Tawagan niyo na lang po ako pag nakabalik na kayo ng China at kung may problema", wika ni Kiko. "Sige anak, kayo din magiingat, aalis na kame ng Papa mo." Pinagmasdan na lang ng dalawang binata ang pag alis ng magulang ni Kiko. Matapos nito ay nagyaya si Kiko na gumala saglit sa mall bago niya ihatid si Ced pauwi. Pumayag naman si Ced at tumuloy na nga sila sa pinakamalapit na mall. Pagkahatid nito kay Ced sa kanilang bahay ay umuwi na din ito sa kanilang bahay. May natanggap na text si Kiko galing kay Ced, pagbukas niya ng text, "Bespren wag ka ng malungkot, andito lang ako, tsaka malapit na ang pasukan naten kaya magkakasama na uli ang barkada ng madalas. Goodnight Kuya Kiks." Napangiti na lamang si Kiko at nakatulog na din..

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Eng21 (Part 4)
Eng21 (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s400/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s72-c/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/07/eng21-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/07/eng21-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content