$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Envy Me (Part 1)

By: v_i_nce “I’M SORRY, I’M SO SORRY. Please huwag kang bumitaw. Huwag na huwag mo akong iwan, parang awa mo na,” ang pagsusumamo ng isang l...

By: v_i_nce

“I’M SORRY, I’M SO SORRY. Please huwag kang bumitaw. Huwag na huwag mo akong iwan, parang awa mo na,” ang pagsusumamo ng isang lalaki habang hawak-hawak sa kanyang mga bisig ang isang taong animo’y wala ng buhay. Madilim ang paligid, walang makikitang bituin sa kalawakan, at pumapatak ang mahinang ulan na para bang ang kalangita’y umiiyak ng pigil dahil sa nakikitang eksena sa gitna ng makitid na eskinitang iyon. Sa di kalayuan ay maririnig ang palahaw ng isang paparating na ambulansya.
“Gumising ka, parang awa mo na. Di ko kayang mabuhay ng wala ka, Greyson, please. Greeeeeysoon,” ang patuloy na sambit nito. Maya-maya ay nagkaroon ng ingay sa paligid sanhi ng pagdating ng inaasam na tulong. Subalit imbes na salubungin ang mga taong paparating ay nahintakutang nagmadaling lumayo ang lalaki. Mabilis siyang tumakbo at nagkubli sa isang di kalayuang gusali, sumisilip upang patuloy niyang makita ang buong pangyayari. Di naman magkamayaw sa pag-aatupag ang mga medics sa taong tinawag na Greyson. Oras ang kalaban, at batid nila na kakaunti na lamang ay bibigay na ito.
Nang makitang ipinapasok na sa loob ng ambulansya si Grey ay umalis na rin palayo ang lalaki. Di alintana ang lumalakas na ulan, patuloy lamang siya sa walang direksyong paglalakad hanggang sa matumbok niya ang isang tulay. Tumigil siya at tinanaw ang maruming ilog na dumadaloy sa ilalim. Maya-maya ay inilabas niya ang isang kwarenta’y singkong baril at walang sabi-sabi na itinapon ito saka mabilisang tumakbo na para bang sa paraang ito’y matatakasan niya ang masaklap na tagpong naganap kani-kanila lang.
GREY WOKE UP WITH A START. Nakatitig siya sa kisame habang may malalim na iniisip. Inaalala niya ang panaginip na siyang naging dahilan ng kanyang balisang pagtulog nang nagdaang gabi, subalit habang pinipilit niya ito ay mas lalo lamang nagiging malabo ang lahat. Ilang araw na rin siyang ginugulo nito ngunit kaiba sa mga nakalipas na umaga na putok lang ng baril ang kanyang natatandaan, may naglalarong isang detalye sa kaniyang isipan ngayon. Isang lalaki ang nakikita niyang umiiyak habang nagsasalita sa isa pang taong kandong nito sa gitna ng daan. Kung ano ang saysay ng naturang eksenang kanyang naaalala ay di niya lubusang mawari, at wala na rin siyang panahong pagtuonan ito ng pansin dahil sa nagsisimula na namang sumakit ang kanyang ulo sa kakaisip. Kaya naman minabuti na lamang niyang tumayo mula sa pagkakahiga para simulan ang kanyang araw.
Habang bumabalikwas mula sa kama, hinayaan niyang dumausdos ang kumot na ginamit sa pagtulog. Kapansin-pansin ang kakisigan ng kaniyang tindig na hindi natatakpan ng anumang saplot dahil nasanay na siyang matulog ng hubo’t hubad. Sa tindig na 5’5”, di maipagkakaila na naaakma ang hugis ng kaniyang katawan sa kanyang kabuuang imahe. Ordinaryo man ang tangkad subalit kung titingnan ay para siyang isang modelo – balingkinitang katawan, mamasel na dibdib na katamtaman lang ang laki, mga binting magaganda ang hugis na nagbibigay ng ilusyon ng katangkaran, mga brasong bagamat hindi  namumugto sa laman ay bumagay naman sa lapad ng kanyang mga balikat, at tiyan na walang kataba-taba na kababakasan ng mga linya na parang sa isang kalahating dosenang pakete ng de-latang inumin. Mayroon ding mga mumunting balahibo sa may ilalim ng kanyang pusod na parang inahit ang porma dahil sa katuwiran nito, pababa sa dako pa roon hanggang sa bahagya itong kumapal. Kapansin-pansin din ang laki ng kanyang alaga na sa panahong iyon ay tigas na tigas at tuwid na tuwid sa pagkakatayo. Kay ganda ng hugis nito, umaabot sa pitong pulgada ang haba at may katamtamang katabaan. Ang ulo ay mamula-mula at sa panggitnang hiwa ay may lumalabas na patak ng malabnaw na katas. Napatitig si Grey sa kaniyang kahubdan lalung lalo na sa tigas niyang ari.
Normal lang na tigasan ako sa umaga pero bakit may precum na lumalabas ngayon? Ang naitanong niya sa sarili ng mapansin ang kanyang paunang dagta. May kung anong kiliti ang gumapang sa kaniyang katawan ng biglang sumagi sa isip niya ang isang tagpo kung saan may dalawang taong naghahalikan sa ibabaw ng kama. Marahil ay parte iyon ng kaniyang nagdaang panaginip subalit hanggang doon lang ang kaniyang naaalala. Wala sa isip na pinahid ng kaniyang daliri ang malapot na likido na nagmumula sa butas ng kaniyang pagkalalaki at isinubo ito. Habang sinisipsip niya ang kaniyang hintuturo ay akmang hihimasin na ng kabilang kamay ang kaniyang naghuhumindik na alaga ng mapansin ang peklat sa may bandang kanan ng kaniyang pusod.
Alam ni Grey na may kaparehong peklat din sa bandang likuran niya, kung saan tumagos ang bala na muntik ng kumitil ng kaniyang buhay may tatlong taon na ang nakakaraan, base na rin sa kwento ng mga magulang niya. Wala siyang naaalala sa mga kaganapang ito dahil ng mangyari ang aksidenteng iyon ay nabagok daw ang kaniyang ulo at nagkaroon siya ng tinatawag na selective amnesia kung saan partikular na mga detalye lang ng kaniyang buhay ang di niya natatandaan. Sinabi ng kaniyang mga magulang na noong nangyari ito ay naglalakad lamang siya sa kahabaan ng isang daan ng may mangyaring nakawan sa isang gusali sa kabilang panig. Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril at sa malas ay natamaan siya ng isang ligaw na bala.
NAGISING SI GREY NA NAKAHIGA SA ISANG PUTING SILID kasama ang kaniyang mga magulang. Naguguluhan siya lalung lalo na ng makapa ang benda sa kaniyang ulo at maramdaman ang kirot sa may tiyan. Agad niyang tinanong ang mga ito kung anong nangyari sa kaniya. Nagkatinginan naman sila dahil sa kaniyang kainosentihan sa mga naganap. Pinatawag nila ang doktor upang matingnan siya at malaman kung ano ang naging problema. Nang dumating ito ay tinanong siya ng mga bagay tungkol sa kaniyang sarili at nakaraan na nasagot naman niya ng tama. Subalit nang dumako ang usapan sa nangyari ng nagdaang linggo, bago siya dinala sa ospital, ay wala siyang maibigay na kasagutan.
“Base sa lumabas na resulta sa kaniyang CTscan at MRI, nagkaroon po ng mild concussion ang inyong anak,” ang paliwanag ng doctor. “Maaaring ito po ang dahilan kung bakit nagsasuffer siya ng tinatawag nating selective amnesia kung saan binablock ng kaniyang utak ang mga traumatic na alalaala na nangyari sa kaniya, and in this case ay iyong nangyaring aksidente.”
“Hindi ba magkakaroon ng permanent damage ang anak ko, doc?” ang tanong ng kaniyang ina, na halatang pinipigil ang sariling huwag pumalahaw ng iyak dahil sa problemang kinasadlakan.
“Kung titingnan po natin ang test results ay wala na po kayong dapat na ipag-alala. Give him a few months and he will fully recover,” ang sagot nito na nagbigay ngiti sa kaniyang mga magulang.
“Eh, paano po ang alaala ko?” sabat niya sa usapan. Bigla namang napatingin sa kaniya ang lahat na para bang noon lang nila napagtanto na nasa loob pala sila ng kaniyang silid at nakikinig siya sa kanilang pag uusap.
“Walang kasiguraduhan kung kelan babalik ang alaala mo, o kung babalik pa nga ba ito,” malumanay na siwalat ng doctor. “This case rarely happens and basing from the few who had the same situation with you, walang makitang pattern ang mga dalubhasa sa recovery ng memories nila. Ang iba sa kanila ay bumalik ang alaala habang ang iba naman ay natuto na lang na tanggapin ang kawalang ito.”
“Ah, eh, doc, maraming salamat pero pwede po bang maiwan mo muna kaming mag-anak? Pasensya na po kayo,” ang hiling paumanhin ng kaniyang ina sa butihing doktor.
“Of couse. Kausapin niyo na lang po ang nurse kung may kailangan pa po kayo. In two days at kung maayos na ang lahat ay pupwede ko ng idischarge ang pasyente at sa bahay niyo na lang po siya patuloy na magpahinga,” iyon lang at tumungo na ito sa pinto at marahang isinara ito.
“Ma, ano po ba ang nangyari sa akin?” ang di mapigilang tanong ni Grey sa kaniyang ina nang makaalis na ang doktor.
Nagkatinginan muna ang kaniyang mga magulang na para bang nag uusap ang mga ito ng palihim. “Magpahinga ka muna anak. Bukas ay ikukwento namin sa iyo ang lahat ng nangyari, pero sa ngayon ay kailangan mo munang bumawi ng lakas,” ang sabi naman ng kaniyang ama.
Ayaw pa sana niyang tumigil subalit naramdaman na naman niya ang kirot sa kaniyang tiyan at pati na rin sa kaniyang ulo na ng mga sandaling iyon ay nagsimula ng sumakit. Kaya naman napilitan na lamang siyang sundin ang kaniyang ama.
Kinabukasan, gaya nga ng napag usapan ay ipinaliwanag ng mga magulang niya ang nangyari. May dala silang isang dyaryo kung saan nakapaskil sa harap nito ang nakawang nangyari noong nagdaang linggo. Nasabi din sa naturang report na may isang lalaki ang natamaan ng ligaw na bala habang nagkaroon ng engkwentro ang mga gwardiya ng nasabing gusali at ang dalawang magnanakaw kung saan nahuli ang isa habang ang kasabwat naman nito ay namatay gawa ng tama sa ulo. Bagamat hindi sinabi ang pangalan ng sibilyan na nadamay para maprotekhanan ang pribadong pagkatao nito ay inisip na niya na siya iyon base na rin sa kwento ng kaniyang mga magulang.
MAY APAT NA BUWAN RIN SIYANG NAGPAHINGA sa kanilang bahay at nang maramdaman niyang handa na siyang pumasok muli sa eskwela ay saka naman nagmungkahi ang kaniyang ama na lumipat ng tirahan sa siyudad. Nagtataka man sa biglaan nitong desisyon ay nagpatianod na lamang siya. First year college siya ng mga panahong iyon sa kursong Marketing at napamahal na rin sa kaniya ang mga kaibigan at kaklase na ng malaman ang nangyari  ay regular na dumadalaw sa kanilang bahay upang makumusta siya at makipagkwentuhan. Namangha ang mga ito nang malaman na nadamay pala siya sa nangyaring krimen sa kanilang bayan at siya yung tinutukoy na natamaan ng ligaw na bala. Naikwento rin ng mga ito na bukod sa nangyaring nakawan ay may isa pang kaganapan ang pinag uusapan ngayon sa kanila. Tungkol naman ito sa isang tao sa gitna ng eskinita na may tama ng baril. Isang misteryo daw kung sino ito kasi kulang ang mga naireport sa dyaryo gawa na rin siguro na gustong itago ng pamiliya ang naturang pangyayari. Ni hindi nga alam kung lalake ba iyon o babae at kung nagawa ba itong sagipin ng mga rumesponde. Sa pagkakarinig ng balitang ito, nagsimulang sumakit ang kaniyang ulo kaya noong mapansin ng kaniyang ina na papunta na sa kinaroroonan nila habang dala dala ang mga inihandang snacks ay hiniling nito sa mga kaibigan niya na iwan muna siya para makapagpahinga.
TUNOG NG ALARM CLOCK sa bedside table ang nagpabalik sa diwa ni Grey sa kasalukuyan. Nang binalingan niya ito ay nakita niyang alas sais y medya na pala ng umaga. Pagkatapos patayin ang nakaririnding ingay ay pumasok na siya sa loob ng banyo para makapaligo.
Tatlong taon na rin pala ang nakalipas, ang nasambit niya sa kaniyang sarili habang pumapailalim sa shower at binabasa ng maligamgam na tubig mula dito ang buo niyang katawan. Pagkatapos makapag shampoo at sabon ay tinungo niya ang sink para magtoothbrush at mag ahit ng balbas. Nakaharap siya sa isang salamin habang ginagawa ito. Makaagaw pansin talaga ang kaniyang mga mata na nangungusap at parang parating maiiyak subalit kapag kumislap sa kasiyahan ay talaga namang nakakabighani. Itim na itim ang mga ito na mayroong mahahabang mga pilik na parang sa isang babae. Ang mga kilay naman niya’y hindi kakapalan subalit maayos na maayos na animo’y inahit ngunit hindi naman. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang mga labing maninipis at wari parating nang eengganyong mahalikan. Ang basang buhok naman ay tuwid na tuwid na kahit hindi lagyan ng langis o gel ay nangingintab pa rin. Ang lahat ng ito ay nakapagkit sa isang angular na pagmumukha kaya naman kahit may pagkababae ang kaniyang features ay lalaking lalaki parin siyang tingnan. Chiseled ang kaniyang panga at talaga namang napakalakas ng kaniyang appeal hindi lamang sa mga babae kundi pati na rin sa mga lalaking kahit hindi bading ay napapatingin sa kaniya.
Pagkatapos gumaniyak ay kumuha lamang siya ng isang pirasong mansanas mula sa mesa at saka mabilis na umalis papuntang eskwelahan.
PAGKAPASOK PA LANG SA GATE ay sinalubong na agad si Grey ng kaniyang matalik na kaibigan na si Matthew. “Ang tagal mo namang dumating, tol. Magsisimula na ang klase natin. Wala na tuloy tayong panahong daanan si Carla,” ang sabi nito sabay mahinang tulak sa likuran ng kaibigan. Ang tinutukoy na babae ay ang pinopormahan nito sa kabilang department kung saan kumukuha naman ng Mass Communication.
“Pinuntahan mo na lang sana mag-isa. Ako pa ngayon ang sinisisi nito, eh di ko naman sinabi sayong hintayin mo ako. Batukan kaya kita diyan,” ang pabirong sagot naman niya sa kaibigan.
“Napaka-ungrateful naman ng mokong na to. Pasalamat ka nga at hinintay kita.”
“Loko! Palusot ka pa. Ang sabihin mo ay gagawin mo na naman akong pain kasi napakatorpe mo,” tatawa-tawang banat niya. Kilala niya kasi itong mahiyain sa mga babae lalo na sa mga natitipuhan nito.
“Sinong torpe? Sino? Huy magpakalalaki ka nga kung sino ka man. Nakakahiya ka sa lahi natin,” painosente naman ito na sinabayan pa ng paglingun-lingon sa paligid na mistulang naghahanap kung sino ang tinutukoy niya, pagkatapos sabay bulong ng, “Gagu, huwag ka ngang maingay. Nakakahiya baka may makarinig, masira pa reputasyon ko.”
“Aba at may reputasyon ka na palang pinangangalagaan ngayon.”
“Oo naman. Mejo tagilid nga lang ng konti kasi ikaw ang parati nilang nakikita kong kasabay. Alam naman nating pareho na sa ating dalawa, ‘di hamak na mas nakakalamang ako at talaga namang may topak ka,” ganting pambabara naman nito.
“Mukha mo...”
“Gwapo, alam ko,” di pa nga niya natatapos ay agad na dugtong ng kaibigan. Kaya naman nagtatawanang sabay na lamang nilang tinungo ang classroom na pagdadausan ng kanilang unang subject para sa araw na iyon.
Nasa fourth year college na silang pareho. Simula nang mag transfer siya sa lugar na iyon dahil sa biglaan nilang paglilipat sa siyudad ay naging kaklase na niya si Matthew na kumukuha rin ng Marketing. Sa simula pa lang ay naging malapit na ang loob nila sa isa’t isa, kaya naman hindi naging mahirap sa kaniya ang kaibiganin ito at ngayon nga ay magbest friends na ang turingan nila.
Gwapo rin naman talaga ang kaibigan niya. Singkit ang mga mata nito na namana sa inang may lahing intsik. May makakapal na mga kilay at matangos na ilong. Ang mga labi ay bagama’t hindi kasing nipis ng sa kaniya ay singpula naman at parang hugis puso, bilugin ang mukha pero hindi naman matabang tingnan, at ang buhok ay pinapamaintain na naka semi skinhead. Matangkad sa kaniya ang kaibigan ng tatlong pulgada sa height nitong 5’8”, maganda ang tindig at ang kutis ay maputi. May pagkabalbon ito kaya kahit mas makinis pa sa babae ay macho pa ring tingnan. Kaya naman sa ilang taong pagkakakilala nila ay alam niyang maraming mga babae ang nagkakainteres dito. Ngunit magkaganoon man ay wala pa siyang nababalitaang naging nobya nito simula ng maging magkaibigan sila.
Katatapos pa lamang ng kanilang Midterm Exams noong nagdaang linggo kaya malayo pa lang sa classroom ay kapansin-pansin na ang ingay ng kanilang mga kaklase. Papasimula pa ang final term ng unang semestre at hindi pa sila bugbog sa mga assignments at pag-aaral para sa quiz. Hindi pa rin dumarating ang kanilang professor at walang nakapansin sa kanilang pagpasok kaya naman naisipang pagtripan ni Grey ang kaniyang mga kaklase.
“WHAT’S THE NOISE ALL ABOUT?! THIS ROOM ISN’T A ZOO!,” ang sigaw niya gamit ang pinalaking boses. Ginaya niya ang tono at pananalita ng kanilang Office of Student Affairs Director. Kilala kasi itong terror kaya naman nanginginig ang buong student body kapag ito na ang nagsasalita.
Tumahimik ang lahat sa pagkabigla at nahintakutang inayos ang mga sarili. Subalit nang mapansin ng iba ang tawa ni Matthew na katabi lang niya ay humalakhak na rin ang mga ito.
“Akala ko kung sino, ang mag-asawa lang pala,” narinig nilang sigaw ng isa nilang kaklase sa may likuran.
Tawanan pa rin ang lahat. Sanay na silang tawaging mag asawa kasi alam naman nila na biro lang iyon. Sa lalaki ba naman nilang pumorma ay wala talagang magkakamali na pagkamalan silang mga bading. Ang totoo nga niyan ay karamihan sa kanilang mga kaklaseng babae ay may mga pagtingin sa kanilang dalawa, at maging sa buong campus ay sikat din sila dahil sa taglay nilang kakisigan.
Hinawakan ni Matthew ang magkabila niyang balikat at tumitig sa kaniyang mga mata. “Grey, asawa ko, mahal na mahal kita,” ang sabi nito sa pinalamyang boses.
Tawanan ulit ang lahat. Sinakyan naman niya ang biro nito. “I love you more, my dear,” sagot niya sabay dahan dahang inilapit ang ulo sa mukha ng kaibigan na para bang hahalikan niya ito.
Napa ‘EW!’ naman ang iba nilang kaklase. Nang halos maglapat na ang kanilang mga labi ay sabay silang umiwas at imbes na mag lips to lips ay parang mga matronang nag beso beso ang dalawa, saka sabay na naghalakhakan at nagbatukan. Subalit ng tingnan nila ang paligid ay nabigla silang pareho nang mapansing tahimik na ang lahat. May isang estudyante na nakaupo sa harapang banda ang sumeniyas sa kanila na tumingin sa kanilang likuran.
“I believe that this place is called a classroom and not a comedy bar to showcase your antics. I’ll see you both later during free period in the afternoon,” yun lang at walang lingon-likod na umalis ang Office of Student Affairs Director.
“Lagot!,” ang sabay nilang naibigkas.
“LIBRE KA BA SA SABADO? Gusto ka sana naming iinvite ng mga friends ko na manood ng sine, and of course, you’ll be my date,” narinig ni Grey na paanyaya sa kaniya ni Sheila, isa sa mga kaklase niyang lantaran kung magpakita ng motibo na gusto siyang maging nobyo. Palibhasa ay maganda at sexy kaya may lakas ng loob itong makipag usap ng deretsahan at walang paliguy-ligoy.
Mag-aala una na ng hapon ng mga panahong iyon at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang subject. Kakatapos lang ng lunch break at talaga namang nakakaantok sa pakiramdam na bagamat may kalamigan ang silid-aralan dahil sa aircon ay nakadagdag lamang ito sa kagustuhang matulog ng nakararaming mga mag-aaral.
“Tol, ano, may lakad ba tayo sa Sabado?,” sa halip na sagutin ang tanong ni Sheila ay niyugyog muna niya si Matthew na nakaidlip na sa mesa.
“Huh? Uwian na ba?,” ang tugon naman nito na iniangat saglit ang mukha subalit bumalik ulit sa pagkakayuko. Komportable itong natulog muli na ginamit ang mga pinagsalikop na braso bilang unan.
Napilitan naman siyang lingunin ang babae sa harapan. “Pasensya ka na sa kaibigan ko...”
Naputol ang kung ano pa mang sasabihin niya sana nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanilang propesor, kaya naman asar na bumalik na lang sa sariling upuan si Sheila para hindi mapagsabihan. Nagpasalamat naman siya ng lihim dahil hindi na niya kinailangang tanggihan ito. Sa totoo lang ay wala siyang balak na lumabas, subalit ayaw naman niyang ipahiya ang kaklase.
“Good afternoon...” ang panimula ni Mr. Domingo at ng mailapag na ang mga materyales sa teacher’s table ay nagsimula ng magdiscuss.
Sa may likurang banda ng klase pumupwesto ng upo ang magkaibigan kaya naman hindi masyadong pansin sa harapan ang kung ano man ang ginagawa nila. Patunay dito ay ang di pagsita ng propesor kay Matthew na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahimbing pa ring natutulog. Si Grey naman ay hindi malaman ang gagawin dahil sa kabagutang nararamdaman. Inaantok na rin siya subalit kailangan niyang manatiling gising para kung sakaling malingunan ni Mr. Domingo ang kanilang direksyon ay madali niyang masisipa ng palihim ang kaibigan. Ganito ang parating set up nila. Malas nga lang niya dahil naunahan siya nitong makatulog kaya wala na siyang magawa kundi ang maging look out nito sa kahabaan ng kanilang klase.
Panay na ang kaniyang hikab at napapapikit na rin ang kaniyang mga mata. Ramdam niyang kakaonti na lang ay bibigay na ang mga ito at tuluyan ng sasara. Ayaw niyang mangyari iyon dahil una, nakakahiya kapag may makakakita sa kaniya na nakatulog habang nakaupo at bahagyang nakaawang ang bibig, at pangalawa, kalahating oras na lang ay matatapos na ang subject at kailangan na nilang pumunta sa Office of Student Affairs. Baka pagtripan pa sila ng mga classmates at hindi sila gisingin bilang ganti sa kanilang ginawa kaninang umaga.
Akmang babagsak na sana ang kaniyang ulo patagilid ng biglang may kumatok sa may pintuan at pumasok ang isang lalaking may dalang notebook. Nakasuot ito ng hood kaya hindi kita ang mukha subalit makatawag pansin ang katangkaran nito na umabot na yata sa anim na talampakan. Parang artista ito kung maglakad na kakikitaan ng tiwala sa sarili sa bawat hakbang. Dagling natahimik ang kanilang guro dahil sa di inaasahang panauhin. Ewan din subalit naramdaman na lamang niya na biglang nabuhay ang dugo sa kaniyang buong katawan, rumaragasang dumaloy ito papunta sa kanina lamang ay pundido niyang utak at kumalat hanggang sa kahuli hulihang hibla ng kalamnan sa kaniyang mga paa at kamay. Ang puso niya ay parang jinump start na makina ng motor na pinapainit ang buo niyang katawan sa pamamagitan ng pagdodouble time sa pagbomba ng dugo. Kay lakas at kay bilis ng pintig nito na kung hindi niya mairerelax ay ramdam niyang para na itong sasabog ano mang segundo.
“What can I do for you?,” ang tanong ni  Mr. Domingo sa naiiritang boses dahil sa pagkakaistorbo ng kaniyang klase. Subalit sa halip na sagutin ng lalaki ay may ibinigay lamang itong papel saka walang sabi sabi na naglakad papunta sa likurang bahagi ng classroom. “Okay, welcome Ramirez, Hale...,”
“Please, just call me Hal,” putol nito sa kung ano pa man ang sasabihin ng kanilang guro sa mejo naaasar na tono sabay lingon sa harapan, saka naisipang idugtong ang katagang ‘Sir’ bago tumalikod muli at ipinagpatuloy ang paglalakad habang naghahanap ng bakanteng pwesto. Nakita nito ang isang upuan katabi ng sa kaniya kaya naman binalingan siya nito ng nagtatanong na tingin kung pupwede ba itong umupo doon.
Nang magtama ang kanilang mga mata ay biglang pumasok sa isip ang lalaking nakita niya sa kaniyang panaginip ng nagdaang gabi. Kasabay nito ang pagsaklob ng di maipaliwanag na emosyon sa kaniyang damdamin na mas lalong nagpabilis ng pintig ng kaniyang puso. Nagsisimula na ring sumakit ang kaniyang ulo subalit hindi na niya napansin dahil pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata nitong malalamlam at kulay brown. Deep set ang mga iyon na naiibabawan ng mga makakapal na kilay na bahagyang nakakunot. Matangos ang ilong ng lalaki na parang sa isang espanyol at ang mga labi ay singpula ng mansanas. Ang balbas nito ay parang hindi inahit ng tatlong araw kung saan nagsisimula ng tumubo. Nakakalat iyon sa kabuuan ng baba nito na may bahagyang hati sa gitna, patungo sa magkabilang panga. Kagaya ng sa kaniya, prominente rin ang bone structures nito na nagbibigay ng karagdagang angas sa pagmumukha ng lalaki. Napansin din niyang mejo may kahabaan ang may pagkakulot na buhok nito na natatabunan ng suot na hood.
Nang mapansin niyang bahagyang napangiti ito, marahil dahil sa pagkakatulala niya ng ilang segundo, ay marahan na lamang siyang tumango at bahagyang napayuko, tanda na pwede itong umupo katabi niya. Nararamdaman niyang kanina pa nag iinit ang kaniyang mukha dahil sa pangyayari. Alam niyang namumula ang kaniyang mga pisngi na mas lalo lamang niyang ipinagtaka. Naninibago siya sa sarili dahil sa pagkakatanda niya, unang pagkakataon na nangyari sa kaniya ang ganitong bagay.
“Mga kabataan ngayon...,” ang naibulong ng kanilang propesor saka ipinagpatuloy ang naudlot na lecture. Naupo naman ang tinawag na Hal sa tabi niya at kampanteng ibinukas ang dalang notebook sabay sulat dito habang pabaling-baling ang tingin sa harapan, tanda na taimtim itong nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng kanilang guro. Subalit manaka-naka ay nakakaramdam siya ng nakakaliliting sensasyon mula sa direksyon ng lalaki na para bang tinititigan siya nito paminsan-minsan. Hindi naman niya makumpirma ang hinala dahil nahihiya siyang lumingon dito. Kaya naman hanggang matapos ang klase ay naging balisa na siya. Hindi na niya naramdaman pa ang antok, bagkus ay parang buhay na buhay ang kaniyang katawan at ramdam niya ang mga pangyayari sa kaniyang paligid.
Nang tumunog ang bell na naghuhudyat na magsisimula na ang kanilang free period ay saka pa lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na lingunin si Hal subalit ng bumaling siya ay wala na ito sa upuan. Nakita na lamang niyang papalabas na ito ng pinto kasabay ng iba pa niyang mga kaklase. Wala na siyang nagawa kundi ang gisingin na lang si Matthew na tulog na tulog pa rin ng mga panahong iyon.
“Huy! Adik, gumising ka na. Tapos na ang klase at kailangan na nating pumunta sa OSA,” ang sabi niya dito na ang tinutukoy ay ang opisina ng direktor na nakahuli sa kanila kaninang umaga.
“Aaaahhh! Ang sarap ng naging tulog ko, tol,” sambit naman nito habang nag iinat.
“Pansin ko nga, loko ka. Buti hindi ka nahuli ni Mr. Domingo kung hindi, dagdag pa iyan sa kasalanan mo sa OSA.”
“Naku, maniwala ka naman. Gusto lang tayong masolo ng direktor na iyon. Alam mo naman na may pagkaberde ang dugo nun. Siguro nang makitang maghahalikan sana tayo ay nainggit at gusto ng private show.”
“Hahahahaha. Adik!” Nagkatawanan ang magkaibigan. Maya-maya pa ay sabay na nilang tinungo ang opisina ng Student Affairs.

journal entry
@school habang nagkaklase
Note: ang boring ng propesor
Nakita ko na ulit siya.

Oh my God. How I missed him. Gusto ko siyang yakapin at paliguan ng mga halik. Gusto ko ulit maramdaman ang bisig niya na nakapulupot sa katawan ko.
I still love him so much, it hurts. Akala ko kakayanin ko na malayo sa kaniya pero hindi pala. When I saw his face, parang nagkakulay na ulit ang mundo ko.

I knew I was lonely without him but I never really had any idea how much until I saw him again. Kung hindi ko pa nga lang sana napigilan kanina ay baka hinablot ko na siya at niyakap ng mahigpit. Ngayon nagtataka ako kung pano ako nakasurvive ng wala siya.

All those years, I tried to forget him but to no avail. I thought I would go insane and I believe that I was in the brink of losing my mind. Kaya nakapagdesisyon na ako. Di ko na kaya pa ang lumayo. Susubukan ko ulit.

Kaya andito na ako ngayon. Inisip ko na bahala na, basta makita ko ulit siya at mapalapit ulit sa kaniya, magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala ganoon ka dali. Ngayong nasa gilid ko lang siya, abot kamay ko na, ngayon ko naramdaman ang takot. Ngayon ko naisip na baka tuluyan na siyang mawala sa akin at hindi ko makakaya iyon. Mamamatay ako pag nangyari iyon.

Gusto ko nang kalabitin siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na andito na ako, na hindi na ulit ako mawawala sa piling niya. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya ako matanggap. Huwag naman sanang mangyari ang ganoon.

Naasar ako kanina dahil kamuntik nang sabihin ni prof ang buo kong pangalan. Ayaw kong may makaalam na ibang tao at baka gamitin pa nila sa pagtawag sa akin. Siya lang ang gusto kong marinig na tumawag sa akin ng ganoon. At alam ko, ako lang din ang binibigyan niya ng karapatang tumawag sa kaniya sa buo niyang pangalan... dati. Hindi ko lang alam ngayon.

Nagkatinginan kami kanina. Tama nga ang hinala ko. Di niya ako naaalala. Pero parehong pareho ang naging reaksyon niya noong una ko siyang makilala, kaya di ko mapigilang mapangiti. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ang cute niyang tingnan, lalo na kapag nagblush siya. Alam ko di niya ugali ang magblush. Inamin niya sa akin noon na ako lang ang nagpapapula ng kaniyang mga pisngi. Kaya naman masaya ako dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala ang epekto ko sa kaniya. O baka naman nagbago na siya. Baka ngayon madali na lamang siyang maapektuhan ng ibang tao at pamulahan ng mukha. Ah basta, bahala na.

Di ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon. Ang mahalaga ay masaya ako. Kuntento na ako na nakikita ko na siya ulit ng hindi kailangan ang magtago. Kuntento na ako... sa ngayon.

Whatever happens, hindi na ako papayag na igive up siya ng basta-basta. I’ll do my best to win him back, I promise. Pero hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Waaaaaaaaaah! Ano ba itong iniisip ko. Stop being negative! Stop! Stop! Stop!

Give me another chance, GREYSON, please. Don’t give up on us, baby, ‘cause I’m not giving up on you. I’m not letting go anymore, never.                            -Halex
ITUTULOY

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Envy Me (Part 1)
Envy Me (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjt05fUe5EkmBb5y95q4zZ7YPqyt9JanWCbnv1R6EiXBJpnttbPjZzdi2XAuQuzFXsHAEJhNy7K1O2WHlKrR_Y2nt6GOPy0FMwFvRmCkaGckVbRvq06Pz1dJdAsSIDtlZMw2buASjuATTM/s400/Jason+Chee+11.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjt05fUe5EkmBb5y95q4zZ7YPqyt9JanWCbnv1R6EiXBJpnttbPjZzdi2XAuQuzFXsHAEJhNy7K1O2WHlKrR_Y2nt6GOPy0FMwFvRmCkaGckVbRvq06Pz1dJdAsSIDtlZMw2buASjuATTM/s72-c/Jason+Chee+11.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/07/envy-me-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/07/envy-me-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content