The Return Of The Maniac... By: Chaster Rassel Naging okay naman kay ate Char ang relasyon namin ni Rass, basta daw maging responsabl...
The Return Of The Maniac...
By: Chaster Rassel
Naging okay naman kay ate Char ang relasyon namin ni Rass, basta daw maging responsable kami at huwag namin kalilimutan ang aming pag-aaral. Huwag din daw kami gagawa ng mga bagay na magiging dahilan para masaktan namin ang isa’t isa.
Bukod dun, mahigpit din ang bilin nya na mag-iingat kami sa mga ibang tao na nakapaligid sa amin. Sa sitwasyon kasi namin, hindi maiwasan na mahusgahan kami ng kung anu-ano o kaya naman mas malala pa dun ang pwedeng mangyari, dahil pwede rin kasi itong maging ugat ng pambubusga.
Kaya naman minabuti namin na bawasan o iwasan ang pagiging sweet sa loob ng eskwelahan lalo na sa loob ng classroom namin, maliban na lang kapag lunch break at nasa tambayan kami. Pero may mga oras na hindi na rin talaga kami makatiis. Halimbawa habang nagklaklase kami, bigla na lamang hahawakan ni Rass ang kamay ko pero tinatakpan naman nya ito ng aklat para di mapansin o makita ng mga kaklase namin at kung minsan naman ako ang gumagawa noon, ako ang humahawak sa kamay nya.
Isang araw, sa eskwelahan........
Sampung minuto na ang nakalilipas mula nang tumunog ang school bell pero hindi pa rin nagpaparamdam ang aming adviser. Nakapagtataka dahil kahit kailan ay hindi pa sya nahuli sa aming klase. Hindi ko maintindihan kung bakit pero kinukutuban ako ng masama, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Hindi tuloy ako mapakali.......
“Ayos ka lang ba...?” pag-aalala ni Rass....
“Oo naman....”
“Weh!....Kanina ka pa hindi mapakali diyan eh...Nahihilo na ko sa iyo...”
“Eh paano ka naman po hindi mahihilo....Titig na titig ka sa akin....”
“Hahaha....Masama ba...?” tugon nya sabay pasimpleng kindat sa akin.....
Isang mahinang tawa lamang ang naisagot ko sa kanya. Ilang saglit lang ay isang tao ang dumating na tila nagbabalik sa eksena, ngayon alam ko na kung bakit ako kinukutuban ng masama at dahil iyon sa taong ito..........
“Good morning everyone!....”
“Oh no...Anong ginagawa ng manyak na yan dito...?!” pabulong na sambit ni Rass.....
Pumasok na sya at tumayo pa sya tapat naming dalawang ni Rass, kasunod noon ay isang balita ang kanyang hinatid............
“I’m Mr. Pocholo Diaz.....I’m gonna be your substitute adviser for the time being....Kinailangan kasi ng adviser nyo na mag-indefinite leave due to some personal reasons....”
“Please lang....Sabihin mo sa akin na hindi totoong nangyayari toh...Na panaginip lang toh...” pabulong kong sambit kay Rass....
“Iyan din ang gusto kong sabihin sa iyo ngayon.....” pabulong na tugon ni Rass....
Nakakabwisit, sa dinamidami ng mga teacher sa school na toh, bakit ang taong ito pa ang naging substitute adviser namin?...Matapos ang kanyang anunsyo ay bigla pa syang tumingin sa akin at nginitian ako na para bang gusto nya akong lamunin ng buo. Pagkatapos noon ay nagsimula na ang aming klase. Minabuti kong ituon na lamang ang aking atensyon sa aming lekyson upang hindi na madagdagan pa ang inis ko.
Pagdating ng lunch break.......
Naglabasan na ang aming mga kaklase para magbreak, pero kami ni Rass ay naiwan sa classroom kasama si manyak dahil hindi ko pa tapos kopyahin ang lecture na pinapasulat sa amin. Habang nagsusulat ako, bigla na lamang dumaing si Rass.......
“Chast....Matagal ka pa ba?...Naiihi na ko eh...Puputok na yung pantog ko...!”
Huminto ako sa pagsusulat at lumingon ako sa kanya.....
“Malapit na...Pero mabuti pa pumunta ka ng cr....Baka magkasakit ka pa niyan sa bato eh....Bumalik ka na lang agad...”
“HA?!...Baliw ka ba?!...Iiwan kita dito mag-isa kasama ang manyak na yan?!...” pabulong na sambit ni Rass sabay pasimpleng turo ng nguso nya sa guro....
“Sandali ka lang naman mawawala eh...”
“Sige...Pero mag-iingat ka ah....”
Lumabas na sya habang ipinagpatuloy ko naman ang pagtapos sa pagsusulat ng lecture. Nang matapos na ko at nililigpit ko na ang aking kwaderno ay hindi sinasadyang nabitawan ko ang aking ballpen. Yumuko ako para pulutin sana ito pero may tumapak na paa dito at ang paa na iyon ay walang iba kung hindi sa hinayupak na manyak.
Pinulot nya ang ballpen, kasabay noon ay inangat ko ang aking ulo at nakita kong nakangiti sya sa akin na ikinairita ko naman.....
“So how are you Chaster?...It’s been awhile...Mas gumuwapo ka ngayon ah....I like your new hairstyle...Kitang kita na ang maganda mong mga mata.....” nakangiti nyang sambit sabay abot ng ballpen sa akin....
Kinuha ko ang ballpen mula sa kanya pero hindi ko sinagot ang tanong nya. Sa totoo lang ay magkahalong pagkairita at inis ang nararamdaman ko. Ang kapal ng pagmumukha nya...Nagagawa pa nyang harapin, kausapin at ngitian ako na para bang walang nangyari dati. Nakakapanggalaiti sya, buti na lamang ay.........
“AHEM!!!...” malakas na pagsingit ng kadarating lang na si Rass....
Tamang tiyempo ang boyfriend ko, kaya naman laking pasasalamat ko. Napilingon sya kay Rass, habang itinuloy ko naman ang pagliligpit sa mga gamit ko......
“Mawalang galang na po....Nagugutom na kasi kami....Baka naman pwede ko na pong maisama si Chast?!...” usisa ni Rass.....
Tumayo na ako mula sa aking silya. Pagkatayo ko, nagulat na lamang ako nang biglang hawakan ni Rass ang kamay ko, as in holding hands. Hindi ako makapaniwala na ginawa nya iyon sa harap mismo ni manyak. Pagkatapos ay tumungin pa sya dito at ngumisi na tila nang-aasar.........
“Sige po ma’am este sir pala....Maglulunch na kami....” muli nyang sambit sabay hila sa akin papunta sa labas....
Hanggang sa may corridor ay hindi pa rin binibitawan ni Rass ang kamay ko. Buti na lamang ay wala kaming nasalubong na mga estudyante. Habang naglalakad kami ay nakatingin lamang ako sa kanya at hinayaan ko lang na hilahin nya ako.
Unti-unti ay napangiti ako. Pinaramdam nya kasi sa akin na hangga’t nandito sya sa tabi ko ay magiging safe ako.
Pagdating sa tambayan......
Pagkalapag namin ng mga pagkain at pagkaupo sa ilalim ng puno.......
“Sa wakas at makakain na rin...Gutom na gutom na ko eh...!” sambit ni Rass sabay kuha ng kanyang pagkain.....
Gusto kong mabigyang linaw ang ginawa nya kanina , kaya naman kahit na pasubo na sya sa pagkain ay minabuti kong kausapin na sya......
“Hoy!...May kasalanan ka sa akin ah!...”
Napahinto sya at napalingon sa akin.........
“Ha?...Ano naman ang nagawa ko?”
“Nagtatanong ka pa...Bakit mo hinawakan ang kamay ko sa harap ni manyak kanina....?!”
“Yun lang pala eh....Syempre!...Para malaman nya na akin na...At hindi ka na pwedeng galawin ng sinuman....” sagot nya sabay ngiti na tila ipinagmamalaki pa nya yung ginawa nya.........
"Gago ka rin eh noh!...Naghahanap ka ata ng gulo eh....”
Inilapag nya muli ang pagkain nya, bigla nya akong inakap habang ang isa naman nyang kamay ay dinampi at hinaplos nya sa aking pisngi......
“Sorry na....Ang gusto ko lang naman....Protekahan ka eh....At huwag lang syang magkakamali na idampi ulit sa iyo kahit na dulo lang ng daliri nya....Dahil baka makalimutan ko na sya ang teacher natin ngayon......” siryoso nyang sambit sabay titig sa mata ko.....
Kitang kita ko sa mga mata nya na talagang siryoso sya sa mga binitawan nyang salita. Hindi ko inaasahan na magiging ganito pala sya kaprotective sa akin. Naaappreciate ko naman ang ipinapakita nya pero.......
“Rass naririnig mo ba yang sarili mo?....Teacher ang kakalabanin mo....”
“Ano naman ngayon kung teacher sya....?”
“Hindi ka ba natatakot...?”
“Hmph!....Hindi....”
Humigpit ang pagkakaakap nya sa akin at.....
“Hindi....Dahil hangga’t kasama kita at nandito ka sa tabi ko......Wala akong kakatakutan....Wala akong hindi kakayanin....Ikaw kasi ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob eh.....” sambit nya sabay ngiti....
Hindi ako nakakibo sa mga sinabi nya, pero abot tenga naman ang ngiti ko. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng mga pangamba sa puso at isipan ko. At biglang napanatag ang kalooban ko.........
“Pero alam mo Chast...Dapat si manyak ang matakot sa iyo eh....”
“Ha?....Bakit naman?...”
“Kasi....Mas malibog ka pa sa kanya...Ahahaha!...” bigla nyang pang-aasar......
Inalis ko ang pagkakaakap nya sa akin sabay tulak nang mahina sa kanya habang panay ang tawa nya....
“GANUN?!!!”
“Ahahaha!...”
“Hmmm.....Palibhasa matagal ka nang hindi nakukurot sa singit eh....Hahaha....” natatawa kong sambit sabay akma na kukurutin sya....
“HUWAG!!!....Binibiro lang naman kita eh....Hahaha....” sagot nya sabay atras sa kanyang kinauupuan.....
Kinuha nya ang pagkain at sumandok sya ng kaunti sa kutsara.....
“Kain na lang tayo....Eto oh susubuan kita dali....”
Inakbay nya ang isa nyang kamay sa akin habang ang isa naman ay ginamit nya para ilapit ang kutsarang may pagkain sa bibig ko....
“Uyyyyyyyy!....Isusubo na nya iyan...!”
Natatawa ko sa pinaggagawa nya dahil para syang nagpapakain ng baby. Kaya naman hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Pero makalipas ang ilang saglit ng pangungulit nya ay isinubo ko na rin ito. At para maging patas sa kanya, sinubuan ko na rin sya haha.
Mula nung araw na iyon na naging substitute adviser namin si manyak, nagdoble ingat na kaming dalawa ni Rass, lalo na ako. Alam ko, naghihintay at humahanap lamang sya ng tamang tiyempo para tuluyang makuha ang ninanais nya mula sa akin.
Isang hapon, si Rassel sa kanyang condo.....
Katatapos ko lamang magshower, nagbibihis ako nang marinig kong nagriring ang phone. Dali-dali akong nagsuot ng damit para masagot ito, sa kamamadali ko ay hindi ko na nagawang magsuklay ng buhok. Pagkadampot ko ng phone.........
“Hello...?”
“Rassel...It’s me...”
“Sir...Ahmmm....”
Ang daddy ko pala ang tumatawag, ilang buwan na din ang nakalipas mula nung huli syang tumawag dito sa Pilipinas. Natutuwa naman ako dahil muli kong narinig ang boses nya. Sasagutin ko na dapat ang tanong nya pero naunahan nya ako sa pagsasalita.......
“So how’s your place....?”
“Oh It’s...It’s fine sir....”
“By the way, I just called to say that I already send your money for the next two months....”
“Okay sir...”
“Take care of your place...And don’t waste the money I’m giving you....Is that clear?!...”
“Yes sir................Ahmmm sir....”
Naputol na ang kabilang linya, binaba na nya ang phone. Gusto ko pa sana syang makausap pero mabuti na rin na hindi dahil baka mas lalo lamang akong masaktan. Pagkababa ko ng phone ay hindi ko na napigilan na maging emosyonal. Napabuntong – hininga na lamang ako at........
“Ibang klase talaga sya.....”
Napaupo ako sa kama at nagsimula akong tumangis. Naisip ko na mabuti pa itong condo, nagawa nyang kumustahin. Pero ako hindi eh, ni alamin ang nangyayari sa buhay ko ngayon o tanungin kung kumusta ang studies ko, hindi nya ginawa.
Nagpatuloy ang pag-agos ng luha ko, hanggang sa mapatingin ako sa picture frame na may litrato namin ni Chast na nakapatong sa side table, sa tabi ng phone. Kinuha ko ito at pinagmasdan........
“Mabuti ka pa....Pinaramdam mo sa akin na may halaga ako.....Na importante ako....Na hindi ako nag-iisa...Ikaw lang talaga ang nag-iisang tao na nagpahalaga sa akin....At nagmahal sa akin ng totoo.....”
Inilapit ko ang bahagi ng litrato na may mukha ni Chast sa aking labi at hinalikan ko ito, pagkatapos ay napayapos na lamang ako dito. Nang mahimasmasan ako, napansin ko na papagabi na pala kaya inayos ko na aking sarili.
Nagtungo ako sa may kitchen, binuksan ko ang fridge at tsinek ko kung ano ang pwede kong panghapunan.Nang bigla na lamang akong may naamoy na nakasusulasok, parang chemical na hindi maintindihan.
Sinara ko ang fridge, kumuha ako ng panyo, tinakip ko ito sa aking ilong at sinubukan kong hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Pero tila hindi ito galing sa loob ng condo. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga ingay mula sa labas, tila may komusyon.
Sa kabilang banda, si Chaster.......
“HACHOOOOOOO!!!!....”
Bigla na lamang akong napabahin habang hinahalo ang niluluto kong kare-kare para sa hapunan namin ni ate Char. Ako kasi ang nakatoka ngayong gabi para sa pagluluto........
“Hoy! Hatsingan daw ba yung ulam...?” sambit ni ate Char sabay tapik sa magkabila kong balikat.......
“Tumalikod kaya ako....Tsaka tinapakan ko yung bibig ko noh....”
“OO....Tapos binudbod mo yung toasted rice nang di naghuhugas ng kamay...EEW!...”
“Sorry ka na lang ate!....Kanina ko pa hinalo yun dito bago pa ko humatsing....Hahaha...”
Pinagmasdan ito ni ate habang patuloy ang paghalo ko, mayamaya ay hininto ko na ang paghalo, tinakpan ko ito at hinayaan ko munang kumulo.....
“Uhmm!...Ang bango ah!...Mukhang napakaespesyal naman niyan!...”
“Syempre!...Ako ang nagluto eh....”
“Sus!...Palibhasa inspired sya dahil kay Rassel nya!...Hahaha...” pang-asar ni ate na may kasama pang pangingiliti....
“Hindi ah!...Hahahaha....”
“Nagdedeny?! Nagdedeny?!.......Hahaha...”
Mula sa kusina namin ay tanaw ang nakasinding TV sa aming sala. At sa gitna ng kulitan namin ni ate Char ay napalingon ako dun. Merong news flash at habang nagsasalita ang reporter, napansin ko na parang pamilyar ang lugar at building na nasa kanyang likuran..........
ITUTULOY..........
COMMENTS