By: Jaskeng Bata Ako si Arman. Jose Armando San Jose Mondragon ang buo kong pangalan. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan ng aking kwartong ba...
By: Jaskeng Bata
Ako si Arman. Jose Armando San Jose Mondragon ang buo kong pangalan. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan ng aking kwartong bagong renovate, ipipikit ang mga mata at mumulat, tatayo tapos uupo at hihiga, hihinga ng malalim at iiyak. Hindi ko na malaman ang dapat kong gawin, litong lito na talaga ako sa nangyayari sa aking buhay! Haaaaaaay! Habang ang mga bata’y walang problemang naglalaro sa labas ng aming three storey na bahay na may pet clinic sa 1st floor dahil beterinaro ang tatay ko, dito sa Sta. Cruz, Laguna malapit sa plaza ng bayan, sa kalsada tapos may daraang jeep at tricyle, tatabi at yan, game na naman minsa’y pa ay madadapa, iiyak, hihipan ang sugat ng lola at ayun, maya-maya lamang ay naglalaro na ulit at ang matatanda’y nagbabantay na lamang sa kanila’t dasal ng dasal habang naghihintay ng kanilang pagpanaw. Ako, ganito, gulong-gulo sa mga kagapanapan sa buhay ko. Ito ba talaga yung tinatawag na pahirap sa buhay ko? O kawalang direksyon na kailangan pang pag-isipan ng mabuti sapagkat kinakabukasan ko mismo ang nakasalalay dito, kung paano ako mabubuhay sa mga darating na araw at mamamatay bilang kung anu man ang aking naging katayuan sa mundong ibabaw. Sa bawat pagtulo ng aking luha, unti-unti rin akong nabubuhayan ng loob kung ano ang magiging desisyon ko, nagdarasal din ako at tumatawag sa mga santo’t santa na may rebulto sa kwarto ko na tama ito at ayon sa kung anu ang kakayanin ko dahil ayokong mapilitan sa bagay na wala namang akong kainte-interes.
Nahirapan akong mga type sa aking bagong cellphone, yung bagong labas ng iPhone, hindi dahil sa hindi pa ako sanay gumamit nito kundi sa mensahe kong ipapadala na magsisimula ng pagbabago sa buong buhay ko.
Naisend ko na kay Kathrine Manansala o Kat ang mensaheng ito, mahal na mahal kita pero may kailangan akong gampanan, natakot akong mawala ka, pero, pero… nagreply si Kat ng pero ano?!
Tapos nagreply din ako, sabi ko, paalam. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang paraang ginawa ko pero hindi na siya nagreply pa at nagtanong kung bakit. Mahirap para sa akin ang gawin ito, lalo na sa kanya, ang taong una kong minahal, pinagkabuhusan ng oras at tunay na pinahalagahan. Hindi ko man lang sinabi kung ano ang aking dahilan, basta mahal ko siya at wala akong ipinagpalit sa kanya kahit tinapos ko na ang aming relasyon.Sinunod ko ang kagustuhan ng aking nanay Olive o Olivia San Jose na mag-aral ng pilosopiya at komunikasyon sa Society of Saint Paul Seminary Foundation sa Makati City para sa unang hakbang ng pagpapari, oo, pagpapari kaya’t kailangan kong mawalan ng commitment sa isang babae maliban sa aking nanay Olive. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong kumuha ako ng exam bago pa ako grumaduate sa sekundarya sa Pedro Guevarra Memorial National High School sa Sta. Cruz din bilang Valedictorian at napag-uusap-usapan na ng aking mga guro na ako’y magpapari dahil sa pag-attend-attend ni Manang Henya sa kuhanan ng card ay nachichika nito na gusto nga ng magulang ko nga na magpari ako tutal matalino naman ako. Kahit na sa hindi katolikong paaralan ako nag-aral mula pa noong elementarya sa Little Sheperd Integrated Montessori at nagtapos bilang Valedictorian din ay buo ang aking pananampalataya sa Panginoon kung baga nga ay sagrado-katoliko ako.
Nakasama ko si Marco Buenaventura ang best friend at classmate ko nung High School at isang sakristan sa pagpasok sa seminaryo, hindi kami nagkasabay mag-exam ng tatlong araw dahil nagkasakit siya at hindi na pumyag si nanay Olive na baguhin pa ang araw ng examinasyon ko. Buti na lamang ay pareho kaming nakapasa, may kumukuha sa aking mayamang mag-asawa na sina Mr. at Mrs. Bermudez upang maging sponsor ko sa pagpapari at si Marco naman ay wala pa pero nalalapit na ang enrolment, ako na rin ang lumapit sa aking nanay Olive at tatay Armando Mondragon na sikat sa tawag na Dok Manny na ipagpaubaya na kay Marco ang sponsorship ko at sina nanay at tatay na mismo ang magpapa-aral sa amin tutal, di naman sa pagmamayabang ay may kaya rin kami siguro dahil na rin banker si nanay at malakas ang pasyente sa aming pet clinic. Mahal talaga ako ni nanay at tatay, pagkatapos ng pamimilit ko sa kanila ay napapayag ko na rin sila sa wakas! Pero, yun daw ay kung papayag sina Mr. and Mrs. Bermudez. Sinabi sa akin ni nanay na mag-uusap daw sila dito sa sala ng second floor sa bahay ng mag-asawang Bermudez at ipapakausap na pumayag na si Marco ang kanilang isponsoran. Noong una ay hindi makumbinsi ang mag-asawang Bermudez ngunit dahil na rin sa mga mababango kong pananalita ay sa wakas ulit, ayos na at makakapag-aral na kami ni bestfriend sa seminaryo.
Unang araw sa seminaryo, kaliwa’t kanang mga orientation. Apatnaput dalawa kaming mga aspirants so saktong by twos daw ang hanay kaya kami ni Marco ang magkalapit sa paglilibot sa buong lugar, mga tulugang magkakasama ang lahat ng 1styear sa isang malaking kwarto na kayang mag-okupa ng hanggang sa 100 baguhang seminarista, banyong may kanya-kanyang assignments, kainang may mahahabang lamesang nakalaan sa bawat year level, chapel namigigng pangalawang tahanan namin sa seminaryo, malaking lutuan at may malaki ring hugasan ng mga kubyertos at plato, classroom na may kanya-kanyang table na parang nasa isang opisina lang na may isang malaking table para sa mga guro sa unahang bahagi nito. Kasama rin sa orientation ang pagpapakilala ng mga gurong fathers at brothers sa pangunguna ni Fr. Rolo bilang rektor at ni Fr. Jo bilang pangulong katekista ng seminary. Natapos ang aming orientation at tumungo na kami sa aming malaking tulugan. Magkalapit pala kami ng kama ni Marco at halos isang dipa ko lamang ay abot ko na siya. Habang nag-aayos kami ng kung anu-anong mga kagamitan tulad ng mga gamit panligo at iba pang personal hygiene care products pati na rin ang paglalagay ng mga damit na lahat ay may collar, mga pantaloon at ilang shorts at t-shirts na panlaro tuwing may siesta time sa seminaryo, maging ang bibliya at krus na ipapatong sa ibabaw ng aking unan ay iniready ko na rin, ay nakita kong kasama pala ni Marco ang alaga niyang pagong na bigay ng tatay Manny sa kanya nuong nakaraang kaarawan niya na walang iba kundi si Maccoy na base mismo sa pangalan ni Marco, kaya’t madalas ko siyang pinipikon dito kahit na ako mismo ang nagbigay ng pangalang ito sa pagong.
Nakahiga na ang lahat, patay na ang lahat ng ilaw, tulog na rin ata lahat ng mga kasamahan ko dahil tanging ingay na lamang na nagmumula sa mga insekto’t hayop sa loob at labas ng kwarto pati na ang mabagal na galaw ni Maccoy sa paglalaro ng damo sa kanyang hawla ang naririnig ko at ilang kaseminarista kong sumisinghot at umuubo, at tanging nagbibigay liwanag na lamang sa akin ay ang aking cellphone, wala naman akong load para magtext o mag-gm kaya’t nag-games nalang ako. Biglang may paparating na naka-abito na tila supervisor ng isang elementary school at sinita niya ako, akin na ang cellphone mo, ang sabi niya, dahil madilim nga ay inaninag ko pa muna kung sino ito, Oh, ikaw po pala Fr. Jo! Ano pong ginagawa niyo dito? Sabi ko. Alam mo bang bawal ang cellphone sa loob ng seminaryo at pinahihintulutan lamang kayo tuwing sasapit ang sabado at di ba’t nakasama ka naman sa orientation nung sinabi ang patakaran? Sabi ni Fr. Jo. Opo, nagsurrender po ako ng isang cellphone, eh dalawa po kasi ang cellphone ko, ahm, hmm, Sorry na po Fr. Jo! Hehe. Di lang po talaga ako mapakali dito. At ibinigay ko na kay Fr. Jo ang cellphone, wala na akong libangan. Hindi pa rin ako makatulog, dumadale na naman ako, biling sa kaliwa, biling sa kanan, ipipikit ang mga mata’t mumulat pero hindi ako iiyak sa oras na to dahil alam kong kakayanin ko! Whooh! First night to at medyo nahihirapan ako! Antok na antok na ako pero yung feeling na hindi ka pa rin talaga makatulog.
Sumapit ang umaga, dahil unang araw ng pag-gising namin eh si Fr. Rolo mismo ang nagpapatunog ng bell sa may pintuan ng aming malaking kwarto, tiriring! Tiriring! Agad kaming nagtiklupan ng mga kumot at inilagay ang biblia at krus sa ibabaw ng unan sabay dasal. Di mawala sa isip ko si Kat, kahit na nagmamadali ako ng mga damit at gamit para maligo ay ramdam ko pa rin ang kirot sa aking puso, ako ba talaga ang may kasalanan? Oo, alam kong ako. Hay! Mayroon lamang na sampung minuto para maligo at magbihis kaya’t natataranta pa kaming lahat. Alam ko kung saan ako naka-assign na banyo pero ng papasok na ako ay may tao na umokupa nito. Hay! Napasigaw nalang ako! Narinig ko ang boses ni Marco, tinanung niya kung ano ang problema ko, sabi ko ay hindi ko alam kung saan ako liligo, ayoko namang pumasok sa hindi ko assignment dahil baka dumating naman ang taong assigned ditto kaya’t walang atubiling binuksan ni Marco ang pinto ng kanyang banyo at sabay nalang kaming maliligo. Medyo may kasikipan ang banyo na nagdulot ng kaunting hirap sa amin para maligo, dahil sa pagmamadali ay hindi ko na inisip kung magdadamit pa ako habang maliligo dahil mababasa lamang ito at sa isang araw pa ang araw ng labahan, tutal ay nakahubot-hubat na si Marco ay ganun na rin ang ginawa ko. Maganda ang katawan ni Marco macho look kumbaga pero maganda rin naman ang katawan ko, gym fit healthy body lang naman ako kahit na sa roof top lang ng aming bahay sa Sta. Cruz ako nag-eehersisyo. Wala akong interes sa lalaki dahil straight ako pero nanginig ang katawan ko ng pagmasdan ko ang kabuuan ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Natapos kaming maligo at magbihis ng pantalon at collared shirt at tumungo sa chapel ng seminaryo upang mag morning praise kasama ang lahat ng mga seminarista ng juniorate ng Society of Saint Paul meaning from 1st year to 4th year at mga guro, magkasama pa rin kami ni best friend, maging sa upuan sa chapel na may cabinet bawat isang likuran nito na lalagyan ng mga booklet ng musikang pansimbahan, mga dasal at bibliya na rin syempre upang madali naming magamit ito dahil ito’y pang-araw-araw na! Pagkatapos ng morning praise ay deretso misa na, dahil mahilig akong pumwesto sa unahan pati si Marco ay nadamay na upang mga basa ng ikalawang pagbasa at ako naman sa salmo responsorio.
Ang ingay ng mga kubyertos, puro boses ng mga lalaki ang maririnig, nagtatawan at nagkukulitan, nakakapanibago, masarap ang pagkain ngunit mas masarap pa rin magluto si Manang Henya kahit simpleng corned beef at itlog lang tong kinakain namin ay iba pa rin talaga. Kasabay ng pagkain namin sa isang malaking hall ay ang pagpapakilala na rin sa aming mga kaklase, konting tanungan ng mga pinagmulan at kung bakit kami pumasok dito sa seminaryo.
Bumalik muna kaming lahat sa tulugan upang kunin ang mga librong gagamitin at nagsuot ng ID. Sabay pa rin kaming tumungo sa classroom, at inilagay ang mga libro at ilang ballpen sa sarili naming lamesa. Maganda ang upuan, yung pang computer chair ika nga. Habang naghihintay kami ng aming guro ay nagkwentuhan muna kami ng pabulong sapagkat bawal mag-ingay sa lugar na ito.
May dumarating na naka-abito, siya siguro ang guro namin para sa unang subject. Buena mano, si Fr. Jo ang nagpakilala bilang unang guro sa araw na ito. Gaya pa rin ng first day of school ay dumako muna sa pagpapakilala ang lahat.
Ako po si Jose Armando “Arman” San Jose Mondragon, Single siyempre, sabi ko kahit na sa loob loob ko’y may kirot pa rin, ipinanganak ako noong Oktubre 12, 1994 at ako’y labing walong taong gulang, taga-Sta. Cruz, Laguna, hilig kong magsulat at magbake ng cake at mga tinapay pumasok ako dito sa seminaryo dahil tutugunin ko ang tawag sa akin ng Panginoon. Sumunod na nagpakilala ang best friend ko at silang lahat. Pagkatapos ng klase ay tinawag ako ni Fr. Jo, tinanung niya kung ok lang ako at kung nahihirapan pa ako, sabi ko na medyo nakaka-adjust na ako sa buhay sa loob at unti-unti na rin akong nagiging masaya. Buti naman kung ganun, ang sabi ni Fr. Jo. Hindi ko sinabi kay Fr. Jo na namimiss ko na talaga si Kat, kahit wala pa kaming nagiging komunikasyon pagkatapos ko siyang itext ay sa pakiramdam ko ay may puwang pa rin siya aking puso, pero, may roon akong isang malaking pero. Sa tuwing kasama ko si Marco ay naalala kong hindi ko inisip ni sumagi sa aking pag-iisip si Kat, mas matimbang nga talaga siguro si Marco para sa akin, dahil na rin siguro na araw-araw kaming magkasama simula 1st year high school hanggang ngayong 1st year college at dito pa sa seminaryo na 24/7 talaga ang samahan. Wala siyang girlfriend o niligawan man lang simula’t sapul na kami ay maging magbestfriend. Tuluyan na nga ata talaga akong nahulog sa aking bestfriend na si Marco pero ang hirap sabihin.
Lumilipas ang oras sa seminaryo kasabay ng paglalim ng pagtingin ko kay Marco, minsan ay niloloko na nga kami ng aming mga kaklase. Oo, mahal ko na talaga siya at yun ang alam ko. Nakamove na ako sa relasyon namin ni Kat. Pero teka, alam kong mali itong nararamdaman ko. Ang hirap, nasa loob pa ako ng seminaryo at ganito ang ginagawa ko. Wala akong magawa, wala na akong kakapitan, sa kaliwa’t kanan, puro lalaki, wala akong pakialam sa kanila, tanging kay Marco lang!
Minsan na may laro kami ng table tennis, kami lang ni Marco ang na-assign sa iisang table sa tabi ng kumbento ng mga paring guro at ang iba ay nagsosoccer sa field, nagbabasketball at nagvovolleyball. Sa aking pagtira ng bola, hinalikan ko ang bola at pabirong sinabing I love you Lord! Tumugon naman si Marco ng I love you too. Hindi ko alam kung tama ang aking pagkakarinig, may kilig nga akong naramadam nung marinig ito mula sa kanyang mga labi, dahil doon, nanigurado ako, sa pagseserve ko muli ay sinabi ko namang, I love you Bro, at sa pagsalo niya ng bola gamit ang raketa ay sumagot siya ng I love you too pa rin. Nagpatuloy ang sagutan naming dalawa sa aming paglalaro habang nagtatawanan sa mga salitang ibinubulalas ng aming mga labi.
Malakas ang nabuong tunog ng mga lumalagaslas na tubig mula sa mga shower ng banyo, matapos ang nakakapagod na laro ay palihim kaming nagsabay sa banyo ni Marco, dahil nga sa lagaslas ng tubig ay nagawa naming mag-usap na kami lang ang makakarinig. Sabi ko kay Marco, yung kanina, anu yun? Pwede mo bang ipaliwanag yun? Hindi siya sumagot at sa halip ay tinakpan niya ang aking mga labi gamit ang kanyang kanang kamay, pagkababa nito ay akmang hahalikan ako pero hindi ako pumayag at sinabi kong ayoko ko. Siguro na rin ay hindi ang seminaryo ang tamang lugar upang magkasala. Kahit alam kong walang tamang lugar na magkasala ay yun na lamang ang nabuo kong dahilan sa aking isipan upang labanan ang aking masidhing nararamdaman para kay Marco. Lumabas siya ng banyo sabay lingon at kindat sa akin. Lumabas na rin ako at nagbihis para sa susunod na gabihang aktibidad.
May ilang asong umaalulong bukod sa sagutan ng mga dasal hawak hawak ang aming rosaryo habang tinutunton ang buong compound ng seminaryo suot ang aming mga damit pantulog. I believe in God... Our Father… Hail Mary, Glory Be, at Hail Holy Queen mother of mercy… habang dahan dahang naglalakad yung tipong pang prususyon kahit na nasa may unahan si Marco dahil siya ang leader sa isang misteryo at ako naman ay nasa kalagitnaan ng linya at patingin tingin at sulyap ng sulyap siya sa akin. Kung dati ay wala lang at normal sa akin ito, ngayon ay aaminin ko nang kinikilig ako. Oo, totoo, natutuwa ako sa kanya. Natapos ang pagdarasal at nagsalita si Fr. Rolo para sa ilang ala-ala, kasama rito ay bukas daw ang kanyang opisina at ng ilang paring guro para sa mga gustong mangumpisal.
Agad naman akong nagtungo sa opisina ni Fr. Jo hindi upang mangumpisal kundi humingi ng payo. Sinabi ko kay Fr. Jo na nahulog ako sa isang tao na labag sa kautusan ng Diyos at pati na rin ng kautusan ng tao. Mukhang nakuha ni Fr. Jo kung ano ang ibig kong sabihin. Subukan mong kontrolin ang sarili mo, wag kang iiwas dahil lalo kang mahihirapan, bawasan mo lang ng paunti-unti parang nagdadiet para kahit papaano ay masubukan mong makasanayan, ang sabi ni Fr. Jo. Tumango nalang ako at lumabas ng opisina ni Fr. Jo at tumuloy sa tulugan.
Tiktilaok! Puting manok! Yan ang gumising sa akin ngayong araw na to. Iniisip ko kung gagawin ko ang payo sa akin ni Fr. Jo. Parang hindi ko ata kaya kung sa buhay ko’y wala ka, aanhin ang pag-ibig kung puso ay nag-iisa… napakanta nalang ako ng mahina habang hinihintay ang bell ng pari upang bumangon sa aking pagkakahiga at nakatitig kay Marco na sarap na sarap pa rin ang tulog.
Dumating na ang magbebell, si Fr. Jo ang nang-gising sa araw na ito, napatingin siya sa akin at napakiling ko ang aking mata kay Marco na nagtitiklop ng kumot at binati niya ako ng good morning sabay kindat. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, may mali, ang lahat ng ito ay mali. Naguguluhan na naman ako. Akala ko ok lang to, nagiguilty na ako. Pero hindi ko kayang iwan siya, sumagot naman ako mga ilang minuto bago niya ako batiin ng magandang umaga din. Napagdesisyunan kong hindi sundi ang payo sa akin ni Fr. Jo.
Kumakaluskos na naman ang mga kubyertos, biglang nagbell si Fr. Rolo para isang mahalagang announcement. Magkakaroon tayo ng Christmas Break, nawa ay maging masaya at produktibo ito para sa ating lahat! Magkitakita nawa tayo sa susunod na taon, malaking pagsubok ang unang paglabas niyo dito sa seminaryo kaya’t mabuhay nawa kayo sa kung anu ang itinuturo at kinagagawian natin dito kahit sa sandaling lalabas kayo. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Ang mensahe ni Fr. Rolo. Tuwang tuwa at excited ako, pati na rin si Marco at maging ang lahat ng mga seminarista.
Sa wakas, masusulit ko na ang paggamit ng iPhone ko sa pag-iinternet. Naririnig ko ang mga naglalarong bata sa kalsada, humaharurot na mga sasakyan at mga tahol ng aso mula sa aming pet clinic sa baba. Nandito na ako sa aking kwarto, hindi ako makapaniwala. Namiss ko tong bed ko at ang mga luto ni Manang Henya. Ayos na ang mga gamit ko, bumili na rin ako ng ilang mga damit na pamporma at hair wax para sa buhok kong pinapahaba na noong nasa loob ako ng seminaryo ay 2 by 3 ang siste at ipanumbalik ito sa kahit sa maikling panahon na maging kpop style ito. Biglang nagtext sa akin si Kat, nabalitaan daw niya na magbabakasyon ako. Ito na siguro ang panahon na tapatin at harapin ko si Kat, handa na ako. Alam ko na ang sasabihin ko. Tinext ko siya na magkita kami sa McDonalds dito lang malapit sa may kanto namin.
Nauna akong dumating dahil nga na malapit lang ang bahay naming at hindi na kailangan pang magtricycle. Umupo ako sa may palaruan ng mga bata. Nalibang ako sa mga batang naglalaro nang biglang may lumapit sa harapan ko at naupo. Si Kat, maganda talaga siya. Hindi ko maiisip na dati ay akin siya at ako’y sa kanya. Wala na akong nararamadamang kirot o pagmamahal para sa kanya, nakamove na talaga ako. Hi Man-Man! Sabi niya sa akin, siya lang ang tumatawag sa aking ng ganun. Kamusta ka naman Fr. Man-Man? Gwapo mo namang pari niyan pag nagkataon. Sabi ni Kat. Sabi ko naman, hindi ka galit sa akin? O sa aking mga magulang? Hindi. Dahil tama naman ang pinili mo, unahin mo ang tawag ng Diyos, at kung yan ang nakalaan para sayo, susuportahan kita kasi mahal kita kahit masakit talaga nuong una. Nasabi na nga pala sakin ni Manang Henya ang lahat, na pumasok ka sa seminaryo at kasama mo pala dun si Marco huh. Talagang magbestfriend kayo sa lahat ng bagay! Kayo na! Sabi ni Kat. Sa loob loob ko lang na hindi ko masabi sa kanya eh, kami na nga. Kumain kami ng frech fries at humingi pa ako ng extra ketchup kasi masarap at nag-usap ng maluwag sa aming kalooban.
Nakasakay sa isang tricycle si Marco papunta sa bahay nina Arman, naaninag niyang kasama ni Arman si Kat. Nagselos kaagad si Marco dahil mukhang ang lambing lambing ng turingan nina Arman at Kat. Tumuloy si Marco sa bahay nina Arman at nakasalubong si Dok Manny sa 1st floor na may tinuturukang aso at tumuloy sa taas ng bahay at tumanggap si kanya ay si Manang Henya.
Gusto mo ba ng juice? Tinapay? O meron pa ditong pandecocong masarap na luto ni Arman. Sabi ni Manang Henya. Kamusta po Manang Henya? Sabi ni Marco. Ikaw ang kamusta!? Sabi ni Manang Henya. Ah eh, ok lang po ako sa seminaryo, medyo nasasanay na po ako, masaya na rin po syempre dahil na rin po kasama ko si Arman na naging dahilan kung bakit hindi po ako ganun nahirapang mag-adjust. Sabi ni Marco. Namiss nina Manang Henya at Marco ang isa’t-isa. Hagikgikan at tawanan.
Hi Marco! Di mo naman ako sinabihang pupunta ka dito, hindi tuloy kita naibili ng pasalubong, kay na Manang Henya at tatay lang tong nabili ko eh. Heto pala, may coke float dito, bawal to kay Manang Henya eh. Hehe. Iyo nalang poi tong burger and fries Manang Henya, wag kana mag coke at baka tumaas lang ang blood sugar niyo, mahirap na. Sabi ko.
Hindi nagsasalita si Marco, na kanina lang ay tawanang-tawanan sila ni Manang Henya. Tinawag niya ako at pinagpapaliwanag. Bakit mo kasama si Kat? Tanong ni Marco sa akin. Wag dito, doon tayo sa kwarto ko. Pabulong kong sinabi. Yun ba? Yun lang ba ang dahilan kung bakit ka nagtatampu-tampuhan diyan? Hay naku, wala yun. Kaw naman! Alam mo namang naka-move na ako doon matagal na dahil… Dahil ano? Sagot ni Marco. Dahil sayo! Tugon ko. At bakit ka naman magtatampo dyan? Tayo ba? Pahabol na tanong ko. Hindi na kailangang sagutin ko yan! Pero kung gusto mo, Oo, mahal na mahal na mahal kita, at alam mo yan! Matagal na. Ang bulalas ng kanyang mga bibig.
Napatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Parang tumigil ang buong paligid ang at buong mundo na kami lang dalawa ang nabubuhay dito. Pinatay ko ang ilaw at ini-lock ang pinto gamit ang kanang kamay at hinawakan ang kanyang mukha gamit ang aking kaliwang kamay ng may pagnanasang makamtam ang halik na minsa’y pinigilan dahil sa sitwasyon, ngayon ay malaya na naming magagawa ang bagay na gusto namin. Itinulak niya ako sa kama at napahiga ako at tumapat siya sa akin, inumpisahan niya akong halikan sa aking noo sa pisngi at tumuloy sa aking mga labi. Maiinit sa pakiramdam at masarap ang kanyang mga labing mapula at mabangong hinga, pinilit kong ilabas ang aking dila at magespadahan ang aming mga dila habang naghahalikan. Unti-unti siyang bumaba sa aking leeg at tinanggal niya ang kwintas kong krus at huhubarin ang aking t-shirt at tumulong na rin ako sa paghuhubad ng kanyang damit. Dinadama ko ang init ng kanyang buong katawan, kung saan saan pumupunta ang aking mga kamay, sa kanyang puwitan na nakashorts pa at sa kanyang buhok kapit kapit habang kami ay nagahahalikan. Bumaba pa siya sa baba ng leeg at nagsimulang romansahin ang aking mga utong gamit ang kanyang bibig, magkabila, kaliwa’t kanan pababa sa aking pusod at sa buhok na tumutuloy sa aking kargada. Tinanggal niya ang aking shorts at tumambad sa kanya ang kulay asul kong underwear na tigas na tigas na ang aking alaga ganun din ang ginawa ko sa kanya. Nangyari ang di-dapat na mangyari. Naging pwede ang mga bagay na bawal sa oras na iyon.
Isinama ni nanay Olive si Arman sa Macau upang sumandaling magbakasyon ng tatlong araw kasama ang mga kasamahan sa trabaho sa bangko. Gustong isama ni Arman si Marco sa Macau ngunit hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang nanay at isa lang ang pwedeng isama ni nanay Olive. Naiwan naman sa bahay sina Manang Henya at Dok Manny dahil maraming gawaing bahay at pasyenteng hayop ng mga ganitong panahon. Nakilala ni Arman si Jeff, isang gwapong anak ng manager ni nanay Olive dahil na ring nagkataong naging solong magroomate sila dahil pareho silang lalaki sa kwarto yun at magkakasama naman ang mga magulang nila.
Pagpasok ni Arman sa kwarto nila ay tumambad sa kanya ang nakaboxer shorts lang na si Jeff at galit na galit ang kanyang alaga dahil halatang halata ito. Aminadong bisexual itong si Jeff kaya’t deretso niyang inalok itong si Arman na makapagparaos lamang sa gabing yuon at magsasaya pa ang lahat bukas sa mismong venue ng bakasyon. Inatake naman ng kalibugan itong si Arman. Naging mabilis ang mga pangyayari pero inisip naman muna niya na nasa ibang bansa at minsan lang naman niya ito gagawin. Pumayag naman itong si Arman at nagyari ang bagay na mas bawal.
Paguwi nina nanay Olive at Arman sa Pilipinas ay napansin ni Dok Manny na lalong naging sakitin itong si Arman, oo, sakitin si Arman noong kabataan niya pero sa panahong ito ay mas lumalala at nagkaroon ng kung anu-anong masamang pakiramdam na dinaraing ni Arman sa kanyang mga magulang. Tuloy, minabuting ipasuri itong si Arman sa isang espesyalista. Base sa kung anu-anong test ang ginawa, kuha ng dugo rito, kuha ng pulso roon, turok sa kaliwa at turok sa kanan, napag-alamang may AIDS o STD itong si Arman. Agad namang pumasok sa isipan ni nanay Olive ang karoomate ni Arman sa Macau na si Jeff dahil alam nitong mayroon itong ganitong sakit. Naging kampante pa naman si nanay Olive kay Arman na walang mangyayari sa kanyang anak dahil nga na nagpapari ito, matalino at edukadong tao at dating may girlfriend. Magkahalong awa at galit ang naramdaman ng magasawang Mondragon sa kalagayan ni Arman. Lalo pa’t hindi nila ito inaasahan. Malaking kahihiyan ito sa kanyang pamilya at sa trabaho ni nanay Olive. Nanlulumo at nanlalambot si nanay Olive sa sitwasyon ng anak.
Nakarating kay Marco ang balita mula kay Manang Henya noong minsang pumunta si Marco sa bahay nina Arman upang ipacheck-up sana si Maccoy ngunit sarado ito. Kirot at galit ang naramdaman ni Marco kay Arman dahil sa nagawa nito sa kanya na kahit na silang dalawa lang ang tunay na nakakaalam ng estado ng kanilang relasyon na may pabalat na bestfriend. Hindi maimagine ni Marco ang nagawa sa kanya ni Arman. Isang linggo na ang nakaraan ay hindi man lang dinadalaw ni Marco si Arman simula nung nasa ospital pa lamang ito hanggang sa umuwi na sa bahay si Arman.
Nakarating naman ang balita sa Society of Saint Paul Seminary Foundation sa pamamagitan ni Fr. Rolo kaya’t napagdesisyunan na hindi na maaaring bumalik at tanggapin pang muli si Arman sa seminaryo dahil sa kanyang kondisyon at kasalanan. Pinakuha na kay Manang Henya ang mga natitirang gamit ni Arman sa seminaryo pati na ang Bibliya at krus nito na binilin pa ni Fr. Jo na pakaingatan.
Hindi na makatiis si Marco na ipagwalang bahala lamang ang lahat sa kanila ni Arman. Ginawa ang sa tingin niya ay mas tama sa panahong ito. Kahit masakit ay tinanggap ni Marco si Arman ng buong puso at nagdesisyong hindi na rin ipagpatuloy ang kanyang pagpapari. Nagtaka tuloy si Fr. Rolo kung bakit pati si Marco ay tumigit na rin. Tatawagan sana ni Fr. Rolo ang magulang ni Marco ngunit pinigilan ito ni Fr. Jo. Si Fr. Jo na ang nagpaliwanag kay Fr. Rolo na matagal na niyang napapansin na may kakaibang relasyon sa pagitan ng dalawa nilang seminarista. Hindi naman niya ito nababanggit dati dahil wala namang nagtatanong sa kanya at ito’y base sa kanyang obserbasyon lamang.
Ipinagpatuloy namin ni Arman ang aming pag-aaral sa Far Eastern Univeristy na isang pribadong paaralan at kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Literature at salamat sa Diyos, ito ang kursong yumakap sa amin ng buong buo at natapos naming an gaming pag-aaral. Nagsama kami ni Arman dito sa Maynila sa isang apartment sa may UST at nagtrabaho ako bilang guro ng Literatura sa Adamson University at si Arman naman ay sa Far Eastern University na mismo. Sinuwerte si Arman at nanalo ng Palanca Award sa kanyang maikling kwentong katha na patungkol sa mga may AIDS living people.
Naging masaya naman ang pamumuhay namin ni Arman ng isang taon. Tunay ngang amin ang taon na ito. Buong taon kaming nagmahalan sa paraang alam namin. Pero dumating ang panahong kinatatakutan ko. Yun ay ang mawalay sa akin ng tuluyan si Arman. Nagkaroon ng komplikasyon sa dugo si Arman at namatay sa mismong araw ng aming anibersaryo. Binati ko siya pero hindi na siya nakasagot pa. Napatitig ako kay Maccoy at hindi ko alam ang gagawin. Wala na. Wala. Wala. Wala na ang taong tanging dahilan kung bakit ako nabubuhay. Hindi ko alam kung saan talaga ako titingin. Parang wala namang kahit ano sa kanan at maging sa kaliwa. Ang meron lang ay ang katawan ni Arman sa aking harapan. Walang buhay at wala na talagang malay. Nakakuha ako ng lakas mula kay Maccoy at sa mga magulang ni Arman. Pare-pareho lang kaming nawalan at iniwan.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagtuturo ng literature kahit na nadiagnose na ng mga doctor na positibo ako sa AIDS. Oo, may nagyari sa amin, hindi lang isang beses kundi marami na naging dahilan na nahawa ako kay Arman. Ginusto ko ang lahat. Wala akong pinagsisihan.
Tumagal na lamang ng dalawang taon ang buhay ni Marco. Natagpuan siyang nakahandusay sa harap ng abo sa bahay nina Arman sapagkat madalas niya itong binibisita. Dala ni Marco si Maccoy. Naiwang naglalakad sa tabi ng katawan ni Marco si Maccoy. Inilagay ni Manang Henya si Maccoy sa pet’s area ng clinic at handa nang ipamigay sa iba dahil wala nang mag-aalaga dito.
Isang tunay na pagmamahalan ang aking nasaksihan. Nakita ko at alam ko ang lahat. Kasama nila ako parati. Gaya nila Manang Henya, nanay Olive, Dok Manny, Fr. Jo at Fr. Rolo, pare-pareho kaming iniwan ni Arman at Marco. Ako nga pala si Maccoy, ang alagang pagong.
TAPOS
COMMENTS