$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Foolish Heart (Part 2)

By: Leandro Lahat kami tumahimik..lahat parang tumigil ang oras at ninanamnam kung anong hiwaga ang mamomoo sa mga oras na yun.. "bakit...

By: Leandro

Lahat kami tumahimik..lahat parang tumigil ang oras at ninanamnam kung anong hiwaga ang mamomoo sa mga oras na yun..

"bakit ang lakas ng mga boses nyu..daig nyu pang mga bata kung magsigawan" sabi ni jhon

Lalapitan ko sana si jhon pero nahihiya ako...nahihiya dahil sa sinabi ni erik na parang ako ang dahilan kung bakit sya nagkaganyan.

"pre kamusta ka na?" paunang bati ko kay jhon.

"bakit ka nandito? Tanong ni jhon

Nagulat ako sa tanong nya.

"tumawag yung tita mo sakin kanina, at sabi nya nandito ka raw kaya pinuntahan kita" sagot ko..

" d kita kailangan..gusto kung mapagisa..umalis na kayu" sabi ni jhon.

Di ko masasabing nasasaktan ako sa sinabi ni jhon ngunit parang sinasabi nya na guilty ako sa mga araw na di ko sya sinasamahan(umiiwas na kasi ako sa kanya)..parang nanghihina ako habang bumababa ang elevetor..

Bakit kaya ganun nalang kadali ni jhon na di nya ako kailangan..pero sa tawag ng natanggap ko mula sa tita niya ay ako ang hinahanap nito....
Pagbukas ng elevetor ay akma namang naga-abang ang tita ni jhon.

" good morning po tita" sabi ko.

"oh hejo, galing kana ba kay jhon.?" tanong ni tita.

"opo nagkita na kami pero parang wala sa mood tita..pinalayas ako eh" sambit ko sabay ngiti.

" nako pagpasensyahan mo na si jhon hejo," sabi ni tita..

"ok lang po yun tita, papasuk nlang po ako sa trabaho" sabi ko.

Magaabsent sana ako sa araw na  yun para makasama at makausap si jhon pero ganun-ganun nalang niya akong pinagtabuyan..

Habang nasa table ako sa office, di ko mawaglit sa isipan ko kung anong dahilan bakit nagkaganon si jhon..gusto kong malaman kaya nagtxt ako sa kanya.

" pre, kamusta ka na? Bakit? May nagawa ba akong mali o may problema ka ba? Sabihin mo lang nandito lang ako handang makinig" end of qoutes

Ilang sandali pa nagring ang phone ko...

"hello hejo, wag mo ng alalahanin si jhon, ok na sya ngayun at bukas makalawa pwede na siya lumabas" sabi sa kabilang linya.

" ah eh tita ikaw pala yan.." nauutal kong sagot.

" ok na jhon " sabi ni tita..

" salamat naman po kung gayun" sabi ko..

"hejo may ipapaliwanag ka sa akin..magkita tayu after lunch dito sa canteen, maghihintay ako" sabi nya.

" ahh segi po tita..after ng lunch po, ingat po tita..salamat" sabi ko..

"likewise" maikling sagot mula sa kausap at binaba na ang tawag...tumatakbo sa isip ko ngayun kung anong ipapaliwanag ko kung bakit naitanong yun ng tita ni jhon.."ano bang itong napasukan ko" sambit ko sa sarili..

After lunch break.

Nasa canteen na ako pero wala pa si tita..kaya habang nanonood ako ng tv ay d ko na namalayan na nandun na pala sya sa likod ko...

"hejo nandyan ka pala " sabi niya

"good afternoon po tita" sabi ko

" d na ako magpaligoy-ligoy pa..gusto kung klarohin ang lahat tungkol sa mga bagay na may tanong sa isip ko" sabi ni tita.

Naguluhan din ako sa gusto niyang malaman..di ko alam ang dapat isagot kung ano man ang nais nyang itanong.

" sino ka ba sa buhay ni jhon?, i know everything about jhon..dito na sya sa puder ko lumaki at tinuri ko na siyang anak." sabi ni tita.

Bigla akong nagulat sa tanong ni tita, dahilan para bigla ko din sinagot ang tanong niya.

"magkaibigan po kami" sabi ko

"eh bakit umiiyak si jhon at sambit pa ang pangalan mo sa unang pagkamalay niya dito sa hospital..at yun dahilan ko para tawagan ka na hinahanap ka niya" sabi ni tita.

Bigla akong natulala.."ako ang unang pangalang lumabas sa bibig ni jhon ng nagkamalay siya?" sa isip ko..

"tita di ko po alam kung pano ko sasabihin sa inyu" sabi ko.

" bakit hejo, may gusto ba akong malaman?" pagdududa ni tita.

"ganito kasi yun, last month nung bday ng anak nyu..nagtapat si jhon sakin kung ano ang nasa puso nya" sabi ko

Alam ko nagulat si tita sa sinabi ko pero nagpatuloy ako sa pagsasalita at sya naman ay nakikinig.

" dahil sa nais nya na maging higit pa sa kaibigan turingan naming dalawa ay di ako pumayag..masaya na ako maging kaibigan lang sya tita at dun lang po." sabi ko

" hejo bakit lagi kayung nagsasama kung ayaw mo pala?" tanong ni tita.

Para akong sinungkaban sa sinabi ng tita ni jhon.."bakit nga ba?kasi nagpromise ako na walang magbabago kayu patuloy ko parin ang ginagawa ko bilang isang kaibigan" sambit ko sa sarili.

"tita, mahirap kasi intindihin..sabi nya dapat walang magbabago kaya ganun parin kami sa isat isa." sabi ko

"hejo kung ayaw mo sa kanya wag mong pakitaan ng magandang loob, lalo lang yun humahanga sayo" sabi ni tita.

"tita wala po akong intensyun doon..basta po ginawa ko lang po na di magbago sa kanya." sabi ko.

"kaya pala laging umuuwi si jhon na lasing dahil sa iyo at narating na nga sa ganitong point na gusto ng magpakamatay ang gonggong" sambit ni tita.

"tita patawad po..at isa ako sa mga dahilan kung bakit nahihirapan si jhon ngayun." sabi ko

" wala kang dapat ihingi ng tawad, at least alam ko na kung bakit nagkaganyan si jhon" sabi ni tita..

Natigil ang paguusap namin ng dumating si agnes(kapatid ni jhon)

" tita hinahanap ka ni kuya" sabi ng dalaga.

"oh segi hejo, salamat sa oras..ingat sa paguwi." sabi ni tita.

"salamat po sa pagintindi at salamat po sa inyu" tugon ko habang papalayu ang magtiyahin.

Pumara ako ng tricycle para magpahatid sa opisina..di ko nadala ang motor ko sa pagmamadaling pumunta rito..

Habang nasa office ako, di ko magawa ng maayus ang mga paper works ko dahil sa nangyaring paguusap namin kanina ng tita ni jhon...

Nangring ang phone ko ulit..si ecko ang tumawag.

"hello ga, kamusta ang trabaho?" sabi sa kabilang linya.

"ayus lang ga,  ikaw kamusta trabaho mo dyan?" tanong ko.

"ito ayus din naman..kunting tiis nalang magkikita na ulit tayu" sambit nya na naeexcite.

"oo, magingat ka parati dyan..wag magpabaya" sabi ko..

" i love u ga, mwuah mwuah" sabi niya.

"oh segi na baka mahal na bayaran mo sa bill,  may tatapusin pa ako dito sa office." sabi ko.

"iloveu ga" salitang narinig ko habang binababa ko ang tawag..

Parang naguguluhan ako sa mga nangyari sakin..may syuta nga ako na always naman ang lambingan namin..pero di ko namalayan na may isang tao na palang akong nasasaktan (si jhon)..

The day after tomorrow, may natanggap akong txt mula kay jhon.

"hejo dito na kami sa bahay,  kung gusto mong bumisita para kay jhon ay welcome ka palagi"

Txt pala mula sa tita ni jhon..at sa cp ni jhon ang ginamit..

Di ko na nagawang magreply bagkus nagpasalamat nalang ako na ok na siya..

Di ko naisip na dumalaw at makita si jhon dahil nahihiya ako sa kanya at may takot na rin.." kung lagi akong lumalapit kay jhon,d sya makahanap ng paraan kung paano simulan ang panibagong buhay mayron sya" yun ang nasa isip ko...

Nagdaan ang mga ilang araw na di ko na nakikita si jhon sa gym at di na sya nagpapakita sa office namin.." ano kayang nangyari sa kanya" yun lagi sa isip ko..hanggang isang araw ay pumunta ako sa supermarket sa isang mall dito sa amin para mambili ng kailangan ko sa pang-araw2x..di kalayuan ay may namataan akong familiar na tao..at yun si " erik"..akma ko na siyang lalapitan ngunit nakita kong lumabas si jhon at may dala itong pinambili nila..di ko magawang lumapit sa kanila..nakita ko naman na ok si jhon at masaya sya sa kasama niya...

Umuwi ako sa apartment ng dun ko lang napagtanto na nagiba na si jhon..nagiba na ang pakikitungo nya sa akin..at nagpapasalamat ako kung ganun nga ang mangyari.."dahil ginusto ko"....ilang araw din di na sya nagpakita..siguro masaya na sya sa ngayun..

Kinagabihan..minsan akong nagpahangin sa labas dala ang motor ko at nilibot ang buong downtown just to feel relax..dahil sa kalilibot ay naubusan na ako ng gas kaya kailangan ko pumunta sa gasoline station..

Di ko mawari kung bakit parang may tumulak sa akin para pumunta sa convenient store...sa gilid ng store ay may dalawang mesa at ang isa doon ay may gropo na nagiinuman...di ko pinansin doon bagkus patuloy akong pumasok sa store para bumili ng junkfood(mga checheria)..paglabas ko may tumawag sa pangalan ko..pero di ko masyadong makita ang mukha kung sinong taong tumawag sakin dahil natatakpan ito ng anino ng umbrella(ung malaking payung center ng mesa) kaya di ko pinansin at tinungo na ang motor ko dahil tapos na akong nagpakarga..

Naiinis ako sa laging pagtawag sa pangalan ko..pero di naman lumalapit..at dun ko naaninag na si jhon ang tumawag dahil sa ilaw ng motor ko at sinadya ko doon ituon para makita ko kung sino ang tumawag sakin..kaya pinatay ko ang motor at lumapit kay jhon..

"oi pre ikaw pala yan? Di ka man lang lumapit" sabi ko.

"Oo ako to'...kamusta?" sabi nya.

"ikaw ang kamusta, kalalabas mo lang ng hospital tapos ayan ka na naman..nglalasing?" sambit ko.

"pre ayus lang to, ito ng kaibigan ko ngayun" sabi nya sabay taas sa kanang kamay hawak ang isang stallion beer..

"pre may problema ba? Pede ako ngayun,pagusapan natin" sambit ko

" wala pre..d ka naman nangingi-alam ng damdamin ng iba eh" sabi niya.

Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig..

" pre sama ka sakin may ipapakita ako sayu" sabi ko sa kanya.

"ano yun pre" sabi niya.

"basta kung sasama ka, makikita mo" sabi ko.

Tumayo naman sya at inakbayan ako..

"magdi-date ba tayu pre"sabi niya sabay tawanan ng gropo niya..

" ahahaha..gago ka, may ipapakita ako sayu importante..sabi ko

At agad naman siyang nagpaalam sa mga kasamahan nya para sumama sa akin..alam kong lasing na si jhon dahil kinakain na niya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya..

Wala sa isip ko kung ano ang ipapakita ko sa kanya dahil nasabi ko lang yun para tumigil sya sa kalalak-lak ng alak..kaya naisipan kong bumalik sa burol kung saan sinabi niya ang nararamdaman niya sa akin..

Di alam ni jhon kung saan kami pumunta..nakaangkas siya sa motor ko at nakahawak sa may beywang at nakasandal ang ulo sa likod ko...d naman malakas ang takbo ko dahil baka mahulog siya..narating namin ang burol at di ko namalayan na may mahinang hilik akong narinig mula sa likod ko...dahil dun di ko siya nagawang gisingin. Hinayaan ko nalang siya sa pagkasandal sa likod ko..

hanggang nagising na siya..

"pre saan tayu?" tanong niya..

"remember the place?" tanong ko..

At nagulat ako sa reaction nya..napatalon sya sa pagbaba sa motor ko..

" anong ginagawa natin dito?" tanong nya..

"nagpapalamig lang" sabi ko.

"putang ina mo pre, ganyan ka bang tao pinamukha mo akong gago,isang tanga at baliw" sabi nya na nangingiyak ang boses.

"pre d yun ang intensyun ko kung bakit gusto ko nandito tayu" sabi ko

" tang ina pre, tiniis ko mga panahon na ayaw mo sakin dahil may iba ka pero ngayun binabalik mo mga alala ko bilang isang talunan" sabi niya na nanglid na ang mga luha sa pisngi niya.

"pre makinig ka......." naputol ang sinabi ko dahil

" letching buhay to, ikaw ang makinig,  lahat lahat tiniis ko..sinubukan kong kalimutan ka pero ang hirap, lahat ginawa ko para kalimutan ka pero masakit..sa bawat araw di ka makita..sa bawat araw nafi-feel ko na d talaga ako ang kailangan mo...bawat oras nagsusumamo ako sayu na sana tayu nalang...pero anong sinukli mo? Dba wala...mahirap kapag lagi akong nageexpect sa taong di marunong makiramdam" sabi nya

Nasaktan ako sa sinabi niya..nahihirapan ako sa sitwasyun..d ko sya pinakitaan ng masama, ang sa akin lang ay maging maayus ang lahat..pero iba pala ang kinalabasan..nasasaktan ko na pala siya..

"pre mahal naman kita bilang kaibigan kaya..... Naputol ulit ang sinabi ko dahil..

" putcha ka pre..lintek na pagkakaibigan na yan..mas mabuti pa mawala na yan dahil dyan ay hindi pwede ang dapat" sabi niya..

Nilapitan ko siya kasi naaawa na ako sa histura nya...akmang itutulak nya ako pero malakas ang kabig ko sa kanya dahilan upang napayakap ako sa kanya..hinahaplos ko likod nya parang pinapakalma...at niyakap nya ako..di ko na intindi kung sinong mga tao ang nandun.."kung may tao man" dahil madilim iyon at di masyadong makikita ang pagmumukha namin..."bahala na to" sambit ko sa sarili

" pre mahal na mahal kita..kahit ang sakit sakit na" sabi nya.

"pre iiyak mo lang yan..nandito lang ako handang dumamay kung kailangan mo..sabi ko

" pre patawad di ko napigilan mga sinasabi ko, patawad dahil sa letching damdamin ko ay nahulog ako sayu..napakabait mo kasi" sabi.niya.

"alam mo pre, kung bakit ayaw ko ng may namagitan satin dahil may tao ng humawak dito sa puso ko." sabi ko.

Humigpit ang yakap ni jhon sa kin at ramdam ko ang hikbi na pinapakawalan niya...alam ko nasasaktan sya sa sinabi ko pero dapat malaman niya ang lahat..

"pre masaya akong naging kaibigan ka..naduduwag ako nung sinabi mo sa akin na gusto mo ako...aaminin ko masaya akong kasama ka at sa pagiging magkaibigan lang natin ako maging masaya.." sabi ko

"pre alam ko...at napakabait mo parin sakin kahit nilalait na kita" sabi nya na naghihikbi sa iyak.

" pre naiintindihan kita sana intindihin mo rin sitwasyun ko kung bakit d talaga pwede" sabi ko

At sinabi ko ang mga natatangi kong kwento sa buhay ko ng may karelasyun akong tulad ni jhon...lahat lahat ng achievement ko ay sinabi ko kay jhon at di dahil sa taong nasa canada ay di ko maabot ang mga bagay na mayron ako ngayun..dahil sa nalaman ni jhon natigilan sya sa pagiyak..

"putcha ka naman pre, bakit ngayun mo lang sinabi, d sanay d na ako muntikang mamatay sa kabaliwan ko" sabi niya.

Nginitian ko nalang sya...totoo nga palang ako ang dahilan kung bakit napabayaan na ni jhon ang buhay niya.

"pre sorry ha! Kasi nagi-guilty ako sa nangyari sayo..ako tong dahilan kung bakit nangyari ito sayu" bungad ko.

"pero pre ang swerty niya sayu kasi napakabait mo at pagkakatiwalaan at di sisira ng pangako..hahayz sana ako nalang..." sabi nya..

"pre ayaw mo nun, isa ka sa saksi ng buhay mayron ako..at sana pagkatiwalaan din kita" sabi ko.

"oo naman pre..ako pa!"sabi niya.

Naging masaya ang nagdaang araw sa buhay naming dalawa ni jhon..di naman sya sumisira sa tiwala na binigay ko sa kanya..lahat bumalik sa dati...masaya ako kay jhon sa mga nangyari niya ngayun...ngkikita parin kami sa gym tuwing weekend at mas madami pang kwentuhan ang maganap kesa sa pagbubuhat ng dumbels..masaya ako kay jhon ngayun na nagsasabi tungkol sa buhay niya (na may namagitan daw sa kanila ni erik) pero di daw niya mahal ito kasi kung makaharot daig pa isang babae.

Pero may mga pagkakataon din na tinatanggihan ko si jhon...at ok lang naman siya kapag di ako sumama sa kanya...naging kaibigan ko si jhon at sa kanya ko lang sinabi ang pinakatatagong lihim sa buhay ko...

Salamat sa bumasa..sa lahat ng naiyak..napatawa..nadismaya..nalungkot..at napasaya sa kwentong ito..

(true story)nilagyan ko lang ng kunting twist pero lahat ng naganap ay totoo..

Maraming-maraming salamat po.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Foolish Heart (Part 2)
Foolish Heart (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj47ksQNNwrHqw9pkzKyyXftr-kFUcS8bJBlOxON7cNoGPa8crGK6vTob_NjncF92eO8UVmO86HBeeQGhro2rvu6BJuIX5GRdRHw98YbCIXACaVd5HXpr1GsU10kYl_rqZimGJpQMGLrYk/s400/tumblr_lsh21bgF3P1r1m71yo1_500.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj47ksQNNwrHqw9pkzKyyXftr-kFUcS8bJBlOxON7cNoGPa8crGK6vTob_NjncF92eO8UVmO86HBeeQGhro2rvu6BJuIX5GRdRHw98YbCIXACaVd5HXpr1GsU10kYl_rqZimGJpQMGLrYk/s72-c/tumblr_lsh21bgF3P1r1m71yo1_500.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/08/foolish-heart-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/08/foolish-heart-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content