$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 17)

Can’t Be With You Tonight... By: Chaster Rassel Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto ng principal’s office. Nang nakakawang na ito a...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

Can’t Be With You Tonight...

By: Chaster Rassel

Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto ng principal’s office. Nang nakakawang na ito ay nakita kong may isang taong kausap ang principal. Nabigla ako sa kung sino ito kaya naman hindi ko na ituloy ang pagbukas nito, sa halip ay muli ko na lamang itong isinara.......

“Oh bakit...?” pagtataka ni Rass......

“Rass nandun sya sa loob.....!”

“Sino? Si sir?!...”

“OO....Di kaya nakatunog sya sa balak natin...?” Napatihimik sya at kitang kita ko sa itsura nya na dismayado sya......

“Ano nang gagawin natin?” tanong nya....

“Mabuti pa maglunch na muna tayo...Mukhang hindi pa ito ang tamang oras eh.......”

“Kung hindi ngayon kailan pa...?”

“Huwag kang mag-alala Rass, hindi ako aatras dito....Kakausapin pa rin natin si principal pero hindi ngayon na naroon si sir.....Dahil baka magkagulo lang tayo sa loob.....”

“Fine...Sige umalis na muna tayo...At baka maabutan pa nila tayo dito.......” Pumunta kami sa may cafeteria para bumili nang aming pananghalian. Pagkabili, dating gawi kami, sa tambayan kami kumain. Nang matapos kaming kumain ay minabuti namin na dumaan muna sa comfort room. Patungo na kami doon nang masalubong namin si manyak sa may corridor, nang magtapat kami, huminto sya at pasimpleng bumulong........

“Nakita ko ang pagsilip mo kanina sa principal’s office!.....Huwag kang magkakamaling magsumbong!!....Dahil hindi mo alam kung ano pa ang kaya kong gawin sa iyo!!!....” inis nyang bulong........ Pahakbang na sana sya nang bigla ko syang sagutin.........

“SIR...Hindi ako natatakot sa iyo....LALABANAN KITA!!....At kahit ano pang banta mo sa akin.....Gagawin ko pa rin ang matagal na dapat ginawa sa mga katulad mo!!!...” Hindi na sya nakaimik sa aking mga sinabi,

sa halip ay tinitigan lamang nya ako nang masama. Pagkatapos noon ay iniwan na namin sya at tumuloy na kami sa comfort room. Pagdating ng uwian........... Nang makalabas kami mula sa eskwelahan, nagpaalam si Rass sa akin na dadaan muna daw sya sa condo nya para makibalita sa sitwasyon ngayon doon sa building.........

“Baka gusto mong sumama sa akin...?” paanyaya nya.......

“Di na....Medyo nahihilo ako eh...Tsaka ang sakit din ng ulo ko....”

“Ha?!...” Hinawakan nya ko sa magkabila kong pisngi at........

“Okay ka lang ba?...Kaya mo bang umuwi mag-isa...?”

“OO naman noh...Wala toh...Naistress lang siguro ko dahil sa problema natin kay sir....”

“Eh kung huwag na lang kaya ko tumuloy sa condo....Samahan na lang kita...Para mahilot ko rin yang ulo mo....” Ipinatong ko ang mga kamay ko sa mga kamay nyang nakadampi pa rin sa magkabilang pisngi ko....

“Alam mo Rass...Mas lalo akong naiistress sa iyo eh....Tsaka alisin mo toh....Nasa public place po tayo....” sambit ko sabay tanggal ng mga kamay nya mula sa pisngi ko....

“Sorry...Worry lang naman ako sa iyo eh...”

“Oh sya huwag ka nang mag-alala sa akin....Kaya ko sarili ko...Tumuloy ka na sa lakad mo....” Matapos iyon ay humiwalay na ko sa kanya at nauna na nga akong umuwi. Pagdating ni Rassel sa building.... Ngayon lang ulit ako pumunta dito, mahigit isang buwan na rin pala ang lumipas since noong nangyari yung gas leak. Kumpara sa magulo at maingay na tagpo noong araw na kinailangan kong umalis dito, mas payapa at tahimik na ngayon dito. Pero punong-puno ang labas at paligid ng building ng mga signage at warning tungkol sa gas leak. Paglapit ko sa entrance, agad akong hinarang ng isang secuirty guard.....

“Boy....Bawal pumasok dito...”

“Ahmmm residente po ako dito....Ano na po bang update tungkol sa gas leak dito....?”

“Pinasara na muna nila itong building....Wala na rin silang pinapayagang tao na pumasok dito dahil delikado...Sa ngayon wala pang kasiguraduhan kung kailan ulit ito bubuksan para sa mga residente....”

“Ganun po ba...Sige po...Thank you na lang...” Tumalikod na ko, papaalis na dapat ako nang bigla nya akong tawagin......

“Boy sandali lang!...” Lumingon ako muli sa kanya at.....

“Po?...”

“Namumukhaan kasi kita...Ikaw ba yung nakatira sa unit 1206 sa 15th floor...?”

“Ako nga po iyon...Bakit po...?”

“Kanina kasi may bigotilyong lalake dito na nagpupumilit pumasok...Ang sabi nya sya daw ang may-ari noong unit mo...May hawig nga sa iyo eh at inglesero pa....Gusto ko lang ipaalam sa iyo...” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at bigla akong napaisip dahil i think alam ko na kung sino ang taong tinutukoy ng guard. Ang daddy ko ba iyon? Nandito sya ngayon sa Pilipinas?...........

“Ahmmm...Gaano na po katagal nung dumating yung lalake dito...?”

“Nagkasalisi kayo....Kaaalis lang nya nang dumating ka...”

“PO?!...Ah...Sige ho thank you po ulit....” Napansin ko na napatingin sa malayo ang guard.......

“Teka...Ayun yung lalake oh...Pasakay ng taxi...!” pahayag nya sabay turo sa aking likuran...... Napalingon ako at tama nga ako, sya nga. Pero nakabukas na ang pinto ng taxi at sumasakay na sya kaya agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kanya para mahabol sya bago pa sya tuluyang makaalis.....

“SIR!!!....SIR!!!....” sigaw ko habang tumatakbo.... Nakasakay at nakaupo na sya sa backseat, isasara na nya ang pinto nang mapalingon sya sa pagtawag ko, thankful ako at narinig niya ako. Hindi pa nya sinasara ang pinto nang makarating ako sa kanya at tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Malamang naninibago sya o kaya hindi niya ako nakilala dahil halos apat na taon din kaming hindi nagkita. Bata pa nga naman ako noong huli kaming nagkasama at ngayon nagbibinata na......

“Rassel?....Is that you?...” tanong nya....... Hindi ako nakapagsalita, dahil bukod sa hinihingal ako, hindi rin ako makapaniwala na kaharap ko sya ngayon. Napatango na lamang ako para makasagot sa kanya. After that umusog sya sa kinauupan nya....

“Get in the cab...” Samantala si Chaster....... Pagdating ko sa bahay, agad akong kumuha ng gamot dahil parang sasabog na ang ulo ko sa sakit. Matapos akong makainom ay nagtungo ako sa sala, mas malapit kasi iyon at wala na rin akong lakas para pumunta pa sa kwarto. Pagkaupo ko sa may sofa, bagsak ang katawan ko, hanggang sa mapahiga na lamang ako. Makalipas ang ilang oras.......

“Chast!...Chast gising!!....GISING!!!...” Nagising na lamang ako sa boses at pagtapik sa akin ni ate Char, nakatulog pala ko. Dahan-dahan akong bumangon, pagkatapos ay tumingin ako sa paligid, gabi na rin pala.....

“Bakit diyan ka natutulog?...At ni hindi ka pa nakakapagbihis....”

“Ahmmm...Masakit kasi yung ulo ko kanina ate eh...”

“Nasaan nga pala si Rass?...Bakit mag-isa ka lang dito...?”

“HA?!...Wala pa sya?!...”

“Anong ibig mong sabihin...?”

“Kanina paglabas namin ng eskwelahan, nagpaalam sya sa akin na dadaan muna daw sya sa condo para makibalita...Pero ano naman kaya ang nangyari sa kanya at wala pa sya hanggang ngayon...” nag-aalala kong sagot....

“Mabuti pa, magbihis ka na pagkatapos sumunod ka na sa akin sa hapag nang makapaggabihan na....” Matapos sabihin iyon ay agad na nagtungo si ate sa may hapag. Bukod kay Rass ay may dumagdag pa ngayon sa pangamba ko. Nakakapagtaka kasi, parang iba ang aura ni ate Char ngayon, hindi sya ngumingiti at tila napakasiryoso nya. Hindi ko alam kung ano, pero may mali. Agad akong kumilos, naglinis ako ng katawan at nagbihis ng pambahay. Pagdating ko sa may hapag, nakaupo na si ate at tinitigan nya ako na para syang galit......

“Umupo ka na...” sambit nya..... Umupo na ko at nang nilalagyan ko na ng kanin ang aking plato.....

“Bilisan mo ang pagkain ah...May importante tayong bagay na kailangang mapag-usapan........” Nabigla at natigilan ako sa sinabi nya. Kinakabahan ako at napapaisip sa kung ano ang tinututukoy nyang bagay na pag-uusapan namin. Matapos naming kumain at habang nililigpit ni ate ang pinagkainan namin, tatayo dapat ako para tulungan sya pero .....

“Huwag kang aalis diyan sa kinauupuan mo....Hintayin mo lang ako dito....Maghuhugas lang ako ng pinggan....” Habang hinihintay na matapos si ate ay mas lalong tumintindi ang kabang nararamdaman ko. Nanlalamig na ang buong katawan ko at kulang na lang ay ngatngatin ko ang mga kuko sa daliri ko dahil sa kaba. Naalala ko tuloy si Rass, kung narito lamang sya sa tabi ko ngayon, hindi ako kakabahan ng ganito. Nasaan na ba kasi sya? Bakit hindi pa sya umuuwi? Ilang sandali pa ay bumalik na si ate at umupo sa tapat ko. Muli ay tumitig na naman sya sa akin dahilan para mapalunok ako.......

“Ahmmm...Ate ano ba yung...Yung pag-uusapan natin...?” kabado kong tanong..... Nabalot ng matinding katahimikan ang buong bahay. Paglipas ng ilang saglit ay inilabas ni ate ang kanyang kamay mula sa ilalim ng mesa. Nagmistulang estatwa ako sa aking nakita, hawak nya ang cellphone na inagaw namin ni Rass noon sa estudyante sa library. Inilapag nya ito sa mesa at pliney sa harapan ko ang kuha na video sa mga pangyayari noon.......

“Ipaliwanag mo sa akin iyan ngayon.....” Balik kay Rassel....... After kong marinig ang imbitasyon nya, hindi na ko nagdalawang-isip na tanggapin ito at sumakay sa taxi. Habang nasa taxi kami, wala na ata akong ibang ginawa kung hindi ang tumitig lang sa kanya. Natutuwa ako na narito sya ngayon, na nagpunta sya sa condo, dahil ang ibig sabihin noon ay gusto rin nya akong puntahan kahit paano. Isinama nya ko sa isang high class na hotel na hindi kalayuan mula sa condo, doon pala sya tumutuloy.

Nang dumating kami doon ay agad syang nagpatawag ng room service, he even asked me kung anong gusto kong kainin, pero hinayaan ko na lang na sya ang magdecide about it. Habang kumakain kami, gustong gusto ko magstart ng conversation. Gusto kong ikuwento sa kanya ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko ngayon. Pero baka wala naman syang interes tungkol doon kaya naman minabuti kong huwag nang magsalita. Hanggang sa sya na ang unang kumausap sa akin........

“Why didn’t you inform me that something happened to your place...?”

“Sir...I don’t want to bother you...That’s why I decided not to tell you about it anymore...Let alone, the closure of the building is only temporary....”

“I see....Then where do you stay for the mean time...?”

“Ahmmm....A close friend of mine let me stay over their place...The place is not as classy as my condo but it’s clean and very comfortable in there....”

“Really?...That was so kind of him....I hope you can bring him here, so I can personally thank him for what he did...”

“Ah ok sir...I will try to invite him...” Sa totoo lang, gusto ko talagang maipakilala sa kanya si Chast at hindi bilang kaibigan kung hindi bilang boyfriend ko. Gusto kong makilala nya ang tao na muling bumuo sa buhay ko at nagpasaya sa akin. Pero hindi ko naman alam kung matatanggap nya ang lahat ng ito.........

“So how’s your life here in the Philippines anyway?....”

“What did you say sir?!...” gulat kong sambit.... Tama ba itong naririnig ko?...Kinukumusta nya ang buhay ko?....For the longest time na narito ko sa Pilipinas...Iyon ang pinakahihintay ko na gawin nya......

“Didn’t you hear me?...Or you want me to speak it in filipino?....”

“Ahmmm....”

“Rassel...Kumusta ang buhay mo dito sa Pilipinas...Kumusta ka?...” Balik kay Chaster...... Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat, kung anong sasabihin kay ate, hindi ko naman inaasahan na makikita nya yung cellphone dahil tinago ko itong mabuti. Anong gagawin ko? Tiyak na malaking gulo ito.........

“Ano Chast?!....Magsalita ka!....”

“Ahmmm....Ate....”

“Huwag kang magkakamaling magsinungaling na naman sa akin gaya ng ginawa mo kahapon ah!...Akala mo siguro ganun ako katanga para hindi makahalata sa mga kinikilos nyo ni Rass noh....Buti na lang, nakita ko iyang cellphone na iyan kanina nung naglinis ako sa kwarto mo!...”

“Sige...Sasabihin ko na sa iyo ang lahat ate...” Sinimulan kong ikwento kay ate ang buong katotohanan. Mula sa tunay na nangyari noong araw ng enrollment, kung paano ako tinulungan ni Rass noon, ipinaliwanag ko rin ang tungkol sa video at nangyari sa library. Hanggang sa kung anong ginawa ng guro namin sa mga score namin sa exams pati na ang balak nya sa grades namin at ang pangblablackmail nya sa akin. At habang kinukwento ko ang lahat ng iyon ay mangiyak-ngiyak pa ako......

“Chast...I cannot believe na itinago mo ang lahat ng ito sa akin!...BAKIT?!!....Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na may ganyan na palang nangyayari sa inyo sa eskwelahan?!!...”

“Sorry ate...Natatakot kasi ko na lumaki pa yung gulo...Nadamay na si Rass nang dahil sa kabaliwan sa akin ng titser na iyon....Ayaw kong pati ikaw masangkot pa....” Padabog na napatayo si ate mula sa kinauupan nya at.....

“Hindi tama yang katuwiran mo!...Hindi maliit o simpleng bagay lang yung ginawa at ginagawa ng titser na iyon sa inyo ni Rass!!...LALO NA SA IYO!!!.....”

“Naiintindihan ko naman yung punto mo ate eh....Ang totoo niyan...Magrereklamo na dapat kami ni Rass kanina sa principal ng school...Pero nandun sya kanina sa office at kausap yung principal kaya hindi kami natuloy......”

“Kung ganun...Bukas na bukas din!...Ako na ang kakausap sa principal nyo!...Dahil kailangang managot ang titser na iyan sa mga ginawa nya!!....At si Rass....Kakailanganin natin ang tulong nya....Dahil base sa mga ikinuwento mo, siya ang eye witness natin....Tsaka yung........” Biglang napahinto at natigilan si ate sa pagsasalita, napatingin sya sa cellphone na nakapatong sa may hapag. Sa itsura ng mukha nya ay parang may kung ano na biglang bumagabag sa kanya........

“Ate bakit...?” nagtataka kong usisa.........

“Chast...Yung estudyanteng nagmamay-ari ng cellphone na yan.....Nakita nyo na ba sya ulit....?”

“Hindi eh...Matapos noong nangyari sa library, ni minsan hindi na namin sya nakita ulit.....”

“Sabi mo may kutob ka na kasabwat sya ng titser nyo....Gaano ka kasigurado....?”

“Ate naman....Nandun sya at the right place and at the right time....Ano pa bang pwedeng maging ibig-sabihin noon?!...”

“Parang may hindi kasi nagtutugma eh....Paano kung mali pala yung hinala mo...?”

“Ate anong ibig mong sabihin...?” Balik kay Rassel............ Natigilan ako sa aking mga narinig at hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko. Parang gusto ko nang maiyak na hindi dahil sa saya.....

“HEY!!...Rassel!” malakas nyang sambit......... Natauhan ako sa malakas nyang boses at.........

“Anong nangyari sa iyo?!...Natulala ka...It’s like you were frozen....” tila natatawa nyang usisa...... Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman kong saya nang makita ko ang namumuong ngiti sa mukha nya......

“Ah...Eh...I’m sorry sir....I’m fine...And I’m actually happy with my life now...My studies are going great...I have a nice school life and good lovelife....Everthing is fine....” masayang kong sagot.....

“Wait...Did just said LOVELIFE?!...You already got a girlfriend?!...”

“Uh...Oh...” Naku, sumobra ata ang excitement ko, pati lovelife pala nabanggit ko na. Paano na ito?...Hindi pa ako handang aminin sa kanya kung ano ko.....

“What does that uh...oh means...?”

“Ahmmm sir...” sagot ko sabay kamot sa ulo....

“Oh never mind....Masyado ata kong naging personal...Anyway, you’re not a kid anymore....I mean, look at you...You were a very handsome young man now.....”

“Sir...Thank you for the compliment....But obviously, I got my good looks from my father....” Bigla ko na lamang nasabi iyon, sa puntong iyon ay pareho kaming napahinto at natigilan. Bago pa may ibang mapuntahan ang mga binitawan kong salita, naisip ko nang ibahin ang aming usapan......

“Ah sir...By the way...Kailan pa kayo nandito sa Pilipinas...?”

“Just yesterday, I’m here on a business trip....I’ll be staying here for 2-3 weeks.....” Matagal-tagal din pala sya dito, may chance pa ako para maipagtapat sa kanya ang pagkatao ko at maipakilala sa kanya si Chast. Gusto ko ring sanang sulitin ang pamamalagi niya dito. Sana ito na ang maging daan para maging maayos ang lahat sa amin. Napatingin ako sa may bintana, ni hindi ko man lang naramdaman na gabi na pala. Pero gusto ko pa syang makasama at dahil doon, isang idea ang biglang pumasok sa isip ko........

“Sir...Can I ask a favor...?”

“What is it...?”

“If you don’t mind...Can I...Can I stay here for tonight...?” Sandali syang natahimik, mukhang nag-iisip sya........

“Okay...But for tonight only....Because I’m gonna be very busy during the next days...”

“Thank you sir...” nakangiti kong sagot.....

“After we eat, I will lend you one of my clothes...Cause there’s no way you’re going to sleep in your school uniform...” Balik kay Chaster........

“Wala...Naisip ko lang...Mabuti pa magpahinga ka na....Dahil bukas maaga tayong pupunta sa eskwelahan mo, bago pa magstart ang klase mo kakausapin na nating yung principal....” Nang sabihin ni ate iyon ay bigla kong naalala ulit si Rass, hindi pa rin sya umuuwi. Nag-aalala na ko at isa pa tama si ate, kailangan namin ang tulong nya bukas........

“Inaalala mo ba yung boyfriend mo?...” Tango lamang ang naisagot ko.....

“Huwag ka nang mag-alala...Uuwi din iyon...Wala namang ibang mapupuntahan iyon kung hindi dito lang eh...Sige na magpahinga ka na...” Tumayo na ko mula sa may hapag, paalis na ko nang bigla akong tawagin ni ate.....

“Ay Chast teka muna!....” Lumingon ako muli sa kanya at..........

“May nakalimutan kasi ko sa kusina...Pakidala lang itong cellphone sa kwarto ko...Ako na ang magtatabi dahil magagamit nating ebidensya ang mga laman niyan para bukas...Isama mo na rin tong cellphone ko, pakisaksak na rin sa charger ah, nadrain na kasi yung battery eh....” Kinuha ko ang mga cellphone, pagkatapos ay nagtungo na ko sa kwarto ni ate Char para sundin ang bilin nya. Matapos gawin iyon ay pumasok na ko sa kwarto ko. Balik kay Rassel....... After we eat ay agad kong tinanggap ang pinahiram nyang damit, kasunod noon ay nagbihis na ako. Pagkabihis ko ay muling akong humarap sa kanya, lumapit ako habang nanonood sya ng tv para ipakita ang itsura sa akin ng kanyang mga damit. Agad naman syang napatingin sa akin nang lumapit ako.......

“Nice...My clothes fits you very well...”

“I think so...”

“You’ve grown up so fast Rassel....” sambit nya sabay titig sa mga mata ko..... Nasurpresa ko nang tinitigan nya ang mga mata ko. Kakaiba ang naramdaman ko, napansin ko rin na tila mamasa-masa ang mga mata nya habang nakatitig sa akin. Pero matapos nyang magsalita ay agad din nyang ibinalik ang kanyang tingin sa tv........

“Join me, the movie I’m watching is great...” paanyaya nya pero ngayon ay nanatili syang nakatitig sa tv.....

“Sir...Mind If I use the telephone first?...I really need to make a phone call and tell my friend that I won’t be going home tonight...”

“Sure....You can use it....” Agad kong ginamit ang phone at sinubukang tawagan si ate Charlene upang makapagpaalam sa kanila ni Chast. Pero out of coverage area ang cellphone nya, mukhang nalowbat sya. Ilang beses ko ring inulit ang pagtawag sa kanila, pero pareho pa rin ang resulta, hindi ko pa rin sila macontact.........

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 17)
Here Beside You (Part 17)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/08/here-beside-you-part-17.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/08/here-beside-you-part-17.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content