$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 3)

By: Larry. At laking gulat ko may anino akong namataan sa gawing kanan ko. At lumabas ang isang lalaki. Kilala ko ang tindig na yun at ...

Di Inaasahang Pag-Ibig

By: Larry.

At laking gulat ko may anino akong namataan sa gawing kanan ko. At lumabas ang isang lalaki.

Kilala ko ang tindig na yun at di ako nagkamali. Si Mark.

"Manhid ba ako?" sabi nya.

Natigilan ako saking ginawa at humarap ako sa kanya.

"Gago ka ba't ka nandito? Ngayun pa kung kailan maraming beses kitang kailangan, ngayun pa may girlfriend ka na ulit"sabi ko na nangingiyak na.

Tumingin lang sakin si Mark, at pinagpatuloy ko ang paglabas ng sama ng loob ko sa kanya.

"Alam mo gago ka rin noh! Di mo na ba ako kailangan? Bakit ang kati-kati mong palitan ako? Mark ang sakit kung ako lng ang nageexpect sa relasyun natin. Ang sama mo, ang manhid mo na di mo maramdaman na nakakasakit ka na" sabi ko na umiiyak na.

Oo umiyak ako sa harapan nya, di ko namalayan na kusang tumulo ang mga luha ko. At sumagot si Mark.

"Ganun ba ako ka manhid sayu, ikaw lang ba ang nagtiis? Ikaw lng ba ang nasasaktan? Ikaw lang ba ang nahihirapan?" sabi nya.

Mga tanong na nagpapabagabag sa damdamin ko. Di ko magawang saktan sya sa mga oras na yun. Kahit nasaktan nya ako, mahal ko parin siya.

"Alam ko na nasaktan kita sa mga sandaling di ko sinabi sayu lahat mga aktibidadis ko pero ni minsan walang panahon na di kita naalala. Nahihirapan ako sa sitwasyun natin, di ko alam kung san ako lulugar. " sabi nya.

Sumagot ako.

"Nahihirapan ka sa sitwasyun natin? Anong gusto mong mangyari ngayun. Gusto mong hiwalay? Huh hiwalay gusto mo?" paghahamon ko sa kanya.

Alam ko na masakit ito pero dapat kung tanggapin na d talaga mabalik ang dati.

"Yan ba ang gusto mo?" sabi nya.

Tumahimik ako at.

"Diba may girlfriend ka na? Ano pang silbi ko sayu" sumbat ko.

"Huh!" reaksyun nya.

"Dun ka masaya dba? Kahit masakit pero tatanggapin ko" sabi ko.

"Pumonta ako sa bar kung saan maggimik kayu ng barkada mo para subaybayan ka. At dinala ko yung kaibigan ko para di ako magmukhang tanga magisa. Nasasaktan ako sa ginawa mo kanina, wala akong girlfriend sa inaakala mo. Oo girl friend ko kasama ko kanina pero kaibigan lang yun, ano bang nasa isip mo?" sumbat nya sakin.

Natigilan ako sa narinig, para akong pinako sa kinatatayuan ko.

"Girlfriend--- syotaaa" utal kong pagkasabi.

"Wala akong ginawang masama para masaktan ka. At di ako manhid. At lalong di totoo na di kita kailangan" sabi nya.

"Wag mo na akong saktan ulit. Plz lang. Gusto kong mabalik tayu sa dati. Na walang humpay ang tawanan" sabi ko.

Ngunit nadismaya ako sa reaksyun nya. Parang di nya nagustuhan mga sinasabi ko.

"Pano yung syuta mo?" tanong niya na kinagugulat ko.

"Huh! Syuta? Sino?" pagtataka ko.

"Yung hinalikan mo sa bar, nasasaktan ako sa ginawa mo. Di mo man lang naisip na nandoon ako" sambit nya.

Natulala ako sa sinabi nya.

"Di ko yun syuta. May gusto un sakin kaya pinagbigyan ko lang" sabi ko.

"At sa mismo sa harapan ko pa? Anong gusto mo? Na saktan ako?" sabi nya.

Di ko alam ang gagawin. Lumalabas na ako na ang mali sa nangyari. Pilit kong kinalma ang sarili at akmang lalapitan sya upang yakapin pero umiiwas sya. Di ko alam ang gagawin sa panahong iyun. Dahil sa maling enterpretasyun ay nagawa ko syang saktan mismo sa harapan pa nya. Nangilid mga luha ko ng papalayu sya sakin. Napakasakit isipin dahil sa maling akala ay nakagawa akong masama na ginagagalit niya. Di ko nagawang sabihin na "nagseselos" ako kaya ko yun nagawa. Umalis ang taong nagbigay buhay saking pagkatao, dahil sa nangyari di ko na alam ang gagawin.

Dumaan ang araw na naging linggo. 3weeks mahigit di ko na nararamdaman si Mark. Dahil sa ginawa ko, nahihiya ako sa kanya. Naiisip ko tuloy na di na nya ako gusto o kaya ayaw na nya makasama ako.

Pilit kong nilapit sarili ko sa kanya. Nagpapadala ako ng loveqoutes tru txt at minsan dumadaan ako sa coffeshop. Dahil sa nangyari di narin ako nagpupunta sa coffeshop dahil nahihiya ako sa kanya. Dahil sa gusto ko syang makita palihim akong pumupunta roon para makita ko lang syang nakangiti ay maligaya na ako. At dahil nga sa palagi ko syang sinubaybayan sa coffeshop ay nakita ako ni james, ang waiter.

"Sir louie, anong ginagawa mo dyan, bat di ka pumasok sa loob?" tanong nya.

Sa panahong yung nasa labas ako nakaupo na natatabunan ng halaman kaya di ako kita sa loob.

"Nandyan ba si Mark?" tanong ko.

"Opo nasa office kausap nya mommy niya" sagot niya.

"Ahh segi di na ako magtatagal, wag mong sabihin na nandito ako ah at hinahanap sya" sabi ko.

"Bakit po?" sambit ni james.

"Basta" sabi ko at umalis ako sa shop. Sa tingin ko ok namn si Mark sa buhay niya. Ako lang talaga ang di ok. Pilit kong nilalapit ang sarili ko sa taong ayaw namn sakin.

Naisip ko sa araw na yun na magliwaliw nalang sa mall at walking distance lang sa coffeshop.

Namimiss ko na si Mark. Mga kulitan namin. Sabay kung manood ng mga bagong pilikula. Magkasabay kumain. Magjoyride at kung ano ano pa. Di ko namalayan na tumulo na pala luha ko habang nakaupo sa bench at nakaharap sa poster ni iya villana. Dahil sa kaka-emote ko di ko napansin na may tumabi sa akin na babae. Ang engratang epokretang babae na noon ay dinedma ako.

"Bakit ka malungkot? Is there something wrong?" bungad nya.

Alam kong di pwede sabihin ang ganitong sitwasyun lalo na sa babaeng kausap ko. Si rhea ang xgf ni Mark. Nahihiya ako sa kanya sa panahong iyun. Pilit kong tinatanggi na di ako malungkot. Pilit kung ngumiti kahit di magaan loob ko sa kanya. At lalong magagalit sa akin si Mark kung malaman ng ibang tao ang tungkol sa amin.

"Ayus lang ako " bungad ko.

"May problema ba kayu ni Mark?" sabi nya.

Naguluhan ako sa narinig. Di ko mawari kung bakit nasambit ni rhea sa akin yun. Natigilan ako ng ilang segundo at napatulala, d ko alam kung ano ang aking sasabihin, d ko alam kung ganun ganun nalang nya kasimpling sabihin ang dahilan ng aking kalungkutan ay si Mark.

"Bakit nasali si Mark sa usapan?" putol kong sabi.

"Ano ka, ang arte mo. Wag mo nang ilihim sakin yan, alam ko sa inyu ni Mark".

Nanginginig ako sa sinabi nya. Nagulat dahil alam niya ang tungkol sa amin. Pilit kong iniba ang topic namin baka napagtripan lang ako ni rhea. Pero naglaon sinabi nya sa akin kung paano nya nalaman. At mismo kay Mark pa nya nalaman ang lahat. Dahil don ngopen ako sa kay rhea tungkol sa amin ni Mark. Naiintindihan naman nya ang sitwasyun, talagang mabait pala itong si rhea, dati'y rati hinahamak ko pa at minumura at ngayun naging magaan na loob ko sa kanya. Hanggang ngayun naging kaibigan ko na siya, yung bang sumbungan sa lahat ng problema. Sya ang tipong kaibigan na mapagkatiwalaan. Kaya masaya ako dumating sya sa buhay ko bilang kaibigan. Minsan nga pag pumupunta sya sa bahay namin. Kantsawan ang mangyari dahil syuta ko daw sya. Hahaha, ito namang si rhea ang landi, pumapatol sa mga jokes.

Nalihis na ako sa kwento. Hehe.

July 2012. Naging maayus ang lahat. Tanggap ko na, na di talaga babalik si Mark sa buhay ko dahil nagkalabuan na kami. Pero walang humpay ang pagpapadala ko mensahe sa txt at paling may kasamang "I love u Tart" sa huli. Talagang hanggang ngayun nageexpect ako sana nandito sya sa tabi ko. Sana magkasama kami. Ito rin ang panahon ng birthday ko. Oo birthday ko that time. Im only 19 yrs old na. Nagdiwang akong magisa sa bday ko. Lahat ng naipon ko sa alakansya ko ay ginasta ko boung paglilibot sa araw na yun. Kain dito. Kain dun. Nood sine at kung ano ano pa. Gusto ko ng ganung eksina kahit magisa lang ako ay masaya naman kahit pilitin ko ok ako. Pero may kulang.

Alas 5pm na ako umiwi sa amin dahil gusto ko matulog at magpahinga. Nadatnan ko kapatid ko na nanonood ng tv.

"Ling, saan sina papa at mama?" sabi ko.

"Ahh kuya di ko alam. Umalis po." sabi nya.

Talagang nakalimutan nila ang birthday ko kaya dahil pahod pumasok ako saking kwarto. Bawat lingun ko sa dingding man o sa kesami, ang laging nasa utak ko ay si Mark. " sana nandito ka " sa isip ko. Kinuha ko yung kahon na puno ng stuff galing kay maark na bigay nya noon. May mga picture pang kasama. Di ko mapigilang umiyak. (talagang umiyak ako ng boggang-bungga). Di ko na nga namalayan na nakapasok na pala si nanay sa kwarto ko. (wala kasing pinto kundi kurtina bilang panangga sa loob).

"Anong drama yan anak." sabi ni mama.

"Ma, nandyan ka na pala. San ba kayu nanggaling?" tanong ko.

"Wag kang magdrama jan, birthday mo pa naman" sabi ni mama.

Napangiti ako kasi di nila pala nakalimutan ang birthday ko.

"Mag-ayus ka nga. Ang dungis mo tingnan sa ganyang ayus. Tapos harapin mo bisita mo sa baba" sabi ni mama.

Dahil sa time nayun. Basa ang tshirt ko sa kakapahid ng luha ko pero naguguluhan ako. Sa sinabi ni mama na may bisita ako. Ewan ko kung sino pero kailangan ko ngang mag. Ayus. Para di naman nakakahiya sa bisita.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 3)
Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLqYKbtLqcV9wcji2NkIS5SWOJchtgYHY9AQIiJ0CFH9BXaHCObHHYOlise_ZJSjQ4YcZjyvKtXWIqPvZctl_wDBH5wHc3rb33ztuekbngSwnZNeC99y-5AiBHcaqlV1iZjU50wjDwyzY/s1600/OrlandoRDD321.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLqYKbtLqcV9wcji2NkIS5SWOJchtgYHY9AQIiJ0CFH9BXaHCObHHYOlise_ZJSjQ4YcZjyvKtXWIqPvZctl_wDBH5wHc3rb33ztuekbngSwnZNeC99y-5AiBHcaqlV1iZjU50wjDwyzY/s72-c/OrlandoRDD321.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/09/di-inaasahang-pag-ibig-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/09/di-inaasahang-pag-ibig-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content