$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 4)

By: Larry Buhay nga naman. Habang nagbibihis ako di ko maiwasang gunitain ang alala ni Mark nung magkasama kami palagi. Napaiyak naman ...

Di Inaasahang Pag-Ibig

By: Larry

Buhay nga naman.

Habang nagbibihis ako di ko maiwasang gunitain ang alala ni Mark nung magkasama kami palagi. Napaiyak naman ako ulit. “sino ba namang gago ang di makamiss sa mokong kung lagi nalang kayu magkasama at pinapahalagan ka sa bawat oras na kailangan mo siya”.

“Hahayzz. Bday ko ngayon dapat di ako umiiyak” ang nasa isip ko.

Habang bumababa may narinig akong tinig. Pamilyar ang boses na yun pero natatakot ako na baka hindi siya.

“Ano gusto mo kainin o inumin” paanyaya ni mama sa bisita.

Narinig ko mga boses na lalong ngpabilis ng pagtibok ng aking puso. Di ko alam san ilalagay ang sarili kung sya man ang bisitang kausap ni mama.

“Kahit ano po, malamig lang na tubig anti”.

Di ko alam anong dapat maramdaman sa gabing yun. Parang tumigil ang oras. Di ko alam kung dapat maging masaya ako o magagalit o masasabik. Ngunit bakit parang may gumupit ng kapirasong puso upang itoy makiramdam sa nagbabadyang mangyayari. “oo nasasaktan ako sa mga nagdaang araw na halos di ko na kakayanin ang bawat pananabik ko sa taong naroon”.

Si Mark. Napatitig lang ako sa kanya. Di ako mkasalita sapagkat parang pinigil ang aking dila sa pagbigkas.

“Anak, ikaw muna bahala dito, bibili lng ako ng softdrinks sa labas” sabi ni mama

Walang salita ang namomoo sa akin at tumango nalang ako kay mama. Habang nkalabas na si mama sa bahay, biglang nagsalita si Mark.

“H-bday Tart”. Pagbati nya.

Bakit d ko magawang suklian ang pagbati niya. Di ko maalis sa isip ko kung gano ako ngtiis nung wala sya tapos ganun ganun nya lang ka simple ang nangyari sa amin. At ngayun tinawag pa nya akong “Tart” (tawagan namin). Di ako umimik, lumapit ako sa kanya at

“Maupo ka, anong atin? Bakit napadalaw ka?” Tanong ko. Isang casual na salita.

“Eh kasi bday ng mahal ko” sagot niya.

Talagang nagngingit ang buo kung paligid dahil parang wala syang pakialam sa nararamdaman ko.

“Ahh ganun ba. Salamat naman naalala mo.” sabi ko.

Sa isip ko, “Babawe ako! Kailangan ko tong gawin di dahil di ko na sya mahal kundi para rin sa sarili ko”

Sa mga oras na yun, nagmamatigas ako. Nagpapakita na di ako nasasaktan. Na di ako naapektuhan nung wala sya sa piling ko.

“Bakit di ka ba masaya nandito ako?” Tanong niya.

“Ok lang naman” simple kung sagot

“Labas tayu eti-tret kita ng dinner” sabi niya.

“Ahh nextym nalang kasi busog pa ako eh at medyo pagod ako ngayun” sabi ko. Sa totoo lng gusto ko syang makasama pero kailangan ko tong gawin.

“Ganito nalang, nood nlang tau ng seni” sambit nya.

“Pasensya ka na Mark, di kita masasamahan ngayun” sabi ko. Pero ang totoo tumatalon ang puso ko sa tuwa pero talagang gagawin ko to.

“Ahh ganun ba?” Sabi nya.

Alam kong nadismaya sya sa mga sinabi ko. Di maipenta mukha nya sa ano mang gusto nyang gawin at talagang ayaw ko.

“Mark wala kaming handa eh kaya wala akong ipakain sayu” sabi ko

“Bakit pagkain ba ang pinunta ko dito, dbay ng mahal ko kayat nandito ako”

Napakasarap damhin ang mga sinasabi nya pero nagmamatigas talaga ako na parang wala lang. Walang reaksiyon sa mga pinagsasabi niya. “dahil ang gusto ko maranasan din nya kung gaano kahirap maging tanga na naghahangad na mapansin nya”.

Natigilan ako sa sinabi niya at

“Talaga? Bakit di niya naramdaman na mahal mo siya?” Sambit ko

“Bakit mo nasabi yan?” Tanong niya.

“Wala na kasing excitement, lagi nalang akong naghahangad na sana magkasama tayu lagi. Na sana nandito ka sa tabi ko nung time na kailangan kita. Mark masakit kapag ako lang ang nagpaparamdam” sabi ko. Medyu naiiyak na ako pero pinigil kong lumuha.

Ang mokong talaga mahilig magpapacute at ngumiti sabay.

“Wag ka ng magdrama dyan. Mahal kita kahit ano pang sabihin mo” sabi niya.

Talagang nakukuha ang loob ko sa ngiti nya pero may binitiwan akong salita na dapat kong gawin. “Ang maranasan ni Mark pano mabalewala”. Akma na nya akong lalapitan at kilitiin sa aking tagiliran ng dumating ang mama ko.

“Oh anong nangyari dito, kung maghaharutan kayu dapat sa kwarto” pabirong sabi ni mama

Ngumiti lng ako ngunit sya subrang tawa nya na parang walang bukas. Naiinis ako saking sarili kung bakit kahit gaano kasakit at galit ang nararamdaman ko sa kanya ay di ko parin sya matiis.

“Aunti, labas muna kami ni louie, tret ko lang sya” pagpapaalam ni Mark kay mama.

Itong si mama talaga kung ipagdotdotan ang dalaging-ging nya ay parang ayus lang kahit di na iuwi sa bahay ang anak nya.

“Oo naman no problem basta ikaw, magingat lang kayu palagi” sagot ni mama.

“Sinong may sabi na sasama ako” putol kong pagsasaya ng dalawa.

“Bakit anak, d ka sasama? Eh di ako nalang” sabi ni mama.

“Eh si mama talaga, ano ka ba ma, mahiya ka nga” sabi ko

“Sino dito sa tisoy na to” sabi ni mama sabay turo kay Mark. “ parang anak ko na rin ito dahil laging bumibisita dito”

Natigilan ako sa sinabi ni mama. Sa panahong yun gusto ko ng sabihin kay mama ang tungkol sa amin ngunit parang nanghihina ako nawalan ng lakas sa pagsabi. Maraming tanong ang namoo sa isip ko kapag nalaman ni mama. Kayat minabuti ko nalang na wag sabihin. Ngunit ang higit na nagpapabagabag sa aking damdamin at isipan ay yung sinabi ni mama “laging bumibisita” ay nagtataka ako kung kelan, eh almost a month d kami ngkita ni Mark at ni minsan d ko siya nakita sa bahay.

“Palagi daw! Eh halos isang buwan na kami di nagkita nyan eh!” Sabi ko sabay turo kay Mark.

“Naku ikaw talaga, oh iwanan ko muna kayu at may aayusin lng ako loob” sabi ni mana

Habang kami ay tulala at nagkatinginan. Nginitian nya ako na halos d ko mabigay ang softdrink na inabot sa akin ni mama kanina pa para ibigay ni Mark. Talagang manghihina ako kapag ganoon si Mark. “ eh talagang halimparut ka louie” sa isip ko. Imbis yung pagpapanggap ko na dapat ganito ganun ay nabaliwala kasi natatawa ako sa mga inisip ko at napansin ni Mark yun.

“Oh nkasmile nya siya” ngiting sabi ni Mark.

Wala na akong nagawa kundi bumigay sa agos ng pananabik.

“Kainis ka talaga. Bakit di kita matiis” sabi ko

“Kasi mahal mo ko” pabulong sabi niya

Gusto ko syang yakapin sa mga oras na yun pero natatakot akong may makakita sa amin .

“Sa apartment ka matutulog ngayun, alam mo na, ung regalo ko sayu naghihintay doon” sabi niyang nakangiti.

Ang gago parang ang tindi ng tama ng softdrink na ininum nya at ano ano nalang ang sinasabi niya. Pero nagustuhan ko naman. Kinilig ako sa narinig.

“Anong regalo mo?” Tanong ko

“Malalaman mo mamaya” sabi nya.

At dumating ang time na nagpaalam na kami ni mama para lumabas. Bumabalik ang dati'y palagi naming ginagawa. Lahat napakasarap damhin yung tipong matagal kayung hindi nagkita at puro pananabik ang nangingibabaw sa muli niyung pagkikita.

Kain dito. Kain dun. Nood ng seni at tumambay sa paborito namin place sa amin. Ang plaza upang kumain lang ng sandamakmak na balot at kwek-kwek.

Itong taon ang pinakamasayang bday na nangyari sakin. Na di ko malilimutan. Nasa piling ako ng taong mahal ko at mahal din ako.

Dahil natapos ang seni ng alas 9:30pm kasi last full show na yun. Ay talagang plinano ni Mark na matagal akong makauwi para pumayag si papa na sa apartment niya ako matutulog at nagwagi nga siya sa binabalak niya.

Bago kami umuwi sa apartment niya ay dumaan muna kami sa coffeshop dahil magko-close na yun at kailangan mareport ang sales sa araw na yun. After nun, umuwi na kami at dumaretso na sa apartment niya. At nagdala pa sya ng paborito kung chocolate cake para sa midnyt snack daw.

Di ko maiwasan di matawa sa aking iniisip. “Paliliguan ko sya ng chocolate cake at buo kong didilaan ang machong katawan niya”.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 4)
Di Inaasahang Pag-Ibig (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLqYKbtLqcV9wcji2NkIS5SWOJchtgYHY9AQIiJ0CFH9BXaHCObHHYOlise_ZJSjQ4YcZjyvKtXWIqPvZctl_wDBH5wHc3rb33ztuekbngSwnZNeC99y-5AiBHcaqlV1iZjU50wjDwyzY/s1600/OrlandoRDD321.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhLqYKbtLqcV9wcji2NkIS5SWOJchtgYHY9AQIiJ0CFH9BXaHCObHHYOlise_ZJSjQ4YcZjyvKtXWIqPvZctl_wDBH5wHc3rb33ztuekbngSwnZNeC99y-5AiBHcaqlV1iZjU50wjDwyzY/s72-c/OrlandoRDD321.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/09/di-inaasahang-pag-ibig-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/09/di-inaasahang-pag-ibig-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content