I Am The Man Who Will Fight For Your Honor... By: Chaster Rassel Balik kay Rassel....... Sa wakas ay nakarating din ako sa eskwelaha...
I Am The Man Who Will Fight For Your Honor...
By: Chaster Rassel
Balik kay Rassel.......
Sa wakas ay nakarating din ako sa eskwelahan, agad akong pumasok at tumakbo papunta sa aming classroom. Kahit na grabe ang pagod at hingal ko dahil sa layo ng tinakbo ko, sige pa rin ako. Pagdating ko doon ay napahinto at napadantay na lamang ako sa pintuan. Habang humahangos pa ko, napatingin ako sa mga kaklase ko, lahat sila tahimik at nagseself-study, pero si Chast, wala sya sa upuan nya at ang titser namin wala din.
Mas lalo pa kong kinabahan at mukha ngang hindi ako nagkamali sa masama kong kutob. Pumasok na ko, napansin ko na may dalawa pala kong kaklase na naglilinis at may kung anong pinupulot sa harap ng blackboard. Lumapit ako sa kanila at doon ko nakita na mga punit-punit pala ito na picture. Pero parang nakita ko ang mukha ni Chast sa isa sa mga piraso kaya sumingit ako sa gitna nila at.......
“Ano toh?!...” kabado kong usisa sa kanila.....
Tinignan ko ang mga piraso ng pictures at tama nga ako, si Chast nga at sir?!.......
“Teka ito yung sa library ah....” bulong ko sa aking sarili....
“Ahmmm Almoneda....” sambit ng isa sa kanila....
Napatingin ako sa kanya at........
“Anong nangyari kanina dito?!...At nasaan si Chast?!!...”
“Ah...Eh...”
“SABIHIN NYO SA AKIN!!!...”
“Ah...Kanina kasi nadatnan na lamang namin at ng mga kaklase natin na nakadikit ang mga pictures na toh sa blackboard....Pinagkaguluhan nila toh....Hanggang sa dumating si Amarines kasama si principal, tsaka yung ate ata nya iyon.....” sagot nya....
“Nang makita nya ang mga pictures na toh...Pinagsisira nya ito, halos magwala sya kanina...Umiyak pa nga sya eh....Tapos nang maawat na sya ng ate nya at ng principal...Umalis na sila...Kasama din nila si sir...Parang si sir ata kasi ang pinagbibitangan nila na gumawa noon....” dagdag ng isa....
“Malamang nasa principal’s office na sila ngayon...Dala din nila yung iba pang mga pictures doon na buo pa.....Almoneda, nagmamalasakit kami sa kaibigan mo...Kaya minabuti namin na linisin ang mga toh dahil baka mabusga pa sya nang dahil dito....”
“MARAMING SALAMAT SA INYO....At hindi nyo agad sya hinusgahan....”
Matapos marinig ang kwento nila ay nagmadali na akong tumungo sa principal’s office. Kung alam ko lang na may ganitong mangyayari, sana hindi na ako nagstay sa hotel, sana umuwi na lang ako.
Balik kay Chaster...........
“BAWIIN MO YANG SINABI MO!....Hindi ganyang klaseng tao ang kapatid ko!!...” inis na sambit ni ate Char....
“Ms. Amarines will you please calm down, mas maganda kung mapag-uusapan natin ito nang maayos....AND YOU MR. DIAZ!...What are you saying?!...BOYFRIEND?!...But Chaster is a guy....Wait!...You mean to say he is....”
“Yes ma’am, he is a gay just like me....” sagot ni sir sabay titig sa akin nang mapang-asar.....
“Hmmm...Kung ganun...Chaster iho, ikaw ngayon ang bibigyan ko ng pagkakataon na ipaliwanag ang side mo....Well...?”
Sa puntong iyon, napagtanto ko na hindi na ko pwedeng manahimik na lamang dahil ngayon hindi lang ang pag-aaral ko ang sinisira ni sir kung hindi pati ang buhay ko. Kailangan ko nang ipaglaban ang sarili ko, kaya naman buong loob akong sumagot sa principal....
“OPO Ma’am, totoo po ang sinabi ni sir na bakla ako, na may boyfriend ako...Pero hindi po totoo ang mga sinasabi nya tungkol sa nangyari sa library!...Nagsisinungaling sya!!...Binabaliktad po nya ang mga pangyayari....Ako ang pinipilit nya!!...AKO ANG BIKTIMA DITO MA’AM!!!...” pagalit kong dagdag.....
“I see...How about you Mr. Diaz?....Mapapatunayan mo ba yang mga pinaparatang mo sa sarili mong estudyante?!....”
“Ma’am ano pa bang patunay ang kailangan nyo?...Ayan ang mga pictures oh...”
Nang banggitin ang tungkol sa patunay, bigla kong naalala yung video sa cellphone. Hindi pa nga pala nakikita at napapanood iyon ng principal dahil kinailangan naming lumabas at magpunta sa classroom kanina......
“Ma’am yung cellphone po na binigay ni ate sa inyo kanina...Yung video po doon na dapat ipapakita namin sa inyo!...PANOORIN NYO!!...Iyon po ang magpapatunay na nagsasabi ako ng totoo...” bigla kong singit....
“That’s right!...Panoorin nyo ho yung video...” dagdag ni ate....
Tila napipi si sir sa sinabi ko at kitang kita ko sa itsura nya na kinakabahan sya....
“Oo nga pala noh...” sambit ng principal....
“Teka...A...Anong video?!...A...A...Anong ibig sabihin nito...?!” nauutal na usisa ni sir....
Yumuko ang principal, tila hinahalukay nya ang mga nagpatong na mga papel at kung anu-anong dokumento sa mesa nya.....
“Wait a minute...NASAAN NA YUNG CELLPHONE?!...” nagtatakang tanong ng principal....
“ANO HO?!!” sabay naming sambit ni ate....
“Wala yung cellphone dito...Ms. Amarines di kaya naibalik mo na ulit sa bag mo...?”
Binuksan ni ate ang kanyang bag at tinignan kung nandun ang cellphone pero....
“Ma’am wala ho dito...”
“Ah ma’am nakita ko po kanina na nilapag nyo diyan sa mesa niyo yung cellphone bago tayo lumabas....Baka naman po nandiyan lang....” sambit ko...
Muli ay naghalukay ang principal sa kanyang mesa. Maging ang mga drawer at ilalim nito ay tinignan nyang mabuti ngunit walang cellphone na nakita....
“Wala talaga dito...” sambit ng principal....
Hindi ito pwede, kailangang maipapanood kay principal ang video, dahil iyon ang pinakamabigat na ebidensya para mapatunayan ko na inosente ko.....
“Hmph!...Paano na iyan ma’am....Walang cellphone at walang video kaya wala ring proof itong magaling kong estudyante para patunayan ang mga sinasabi nya...” mapang-asar na sambit ni sir....
“Sandali lang ho ma’am....Bukod pa doon sa video, may isa pa ho na pwedeng makapagpatunay na nagsasabi ng totoo ang kapatid ko....”
“Anong ibig mong sabihin Ms. Amarines...?”
Lumingon at tumitig sa akin si ate, mukhang sa akin na nya pinauubaya ang pagpapaliwanag. Alam kong si Rass ang tinutukoy nya, pero paano naman ito? Hanggang ngayon hindi pa sya nagpapakita.......
“Ma’am....Si Rassel Almoneda po...Sya po yung...Sya po yung boyfriend ko.....At sya rin po ang nakakita sa mga nangyari noon sa library, pati ang nakahuli doon sa estudyante na kumuha ng video.....” sambit ko...
“What?!...Bakit hindi nyo iyan sinabi sa akin kanina pa?...Dapat kasama natin sya dito...Nasaan ba sya?...Pumasok ba sya?!....”
“Ah ma’am kasi po eh....”
Hindi ko na alam kung anong susunod kong sasabihin, kung paano pa sasagutin ang mga usisa ng principal tungkol kay Rass. Dahil ang totoo, hindi ko rin naman alam kung nasaan sya at kung anong nangyari sa kanya. Nang biglang......
“NANDITO PO AKO...” biglang singit ng isang boses
Lahat kami ay napalingon sa nagsalita at iyon ay walang iba kung hindi si Rass na nga. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil sa wakas ay dumating na sya o maiinis dahil ngayon lang sya nagpakita sa amin........
“Are you Rassel...?” usisa ng principal....
“Opo, ako nga po...Nanggaling na po ko sa classroom namin kaya alam ko na po yung nangyari kanina....Narinig ko din po yung huli nyong pinag-usapan tungkol sa video at pagkawala ng cellphone....Ma’am kung pwede po sana, bago kayo magdesisyon tungkol sa gulong ito at bago nyo po husgahan si Chast....Pakingggan nyo muna po ang lahat ng sasabihin ko....”sagot ni Rass.......
Pinatuloy at pinalapit ng principal si Rass. Sinimulan nyang isalaysay at idetalye nang mabuti ang mga pangyayaring nakita nya. Mula pa noong araw ng enrollment hanggang sa kung paano namin sapilitang kinuha yung cellphone sa nahuli naming estudyante. Pero nang matapos syang magsalita, bigla na namang sumingit si sir.......
“Ma’am, maniniwala ba kayo sa pinagsasabi ng bata toh?...Boyfriend sya ni Chaster, who knows kung nagsisinungaling lang sya para protekhan ang boyfriend nya?!...”
“Mr. Diaz, will you please shut up and let me speak first....”
Napatahimik si sir, pagkatapos ay.........
“Malinaw ang pagkakadetalye mo sa mga nakita mo iho, nakikita ko rin sa mga mata mo na nagsasabi ka ng totoo....Pero gusto ko lang malaman sana....Matagal ka na pa lang may alam, bakit hindi mo man lang isinumbong o ineraklamo ang mga ito...?”
“Hindi po ako nagsalita....Dahil gusto ko pong protektahan ang taong mahal ko...Gusto ko pong protektahan si Chast...Natatakot po kasi kami na kapag isinumbong namin ang mga pangyayari ito, malalaman sa buong school ang tungkol sa amin...Hindi naman po kasi normal na magkagustuhan ang dalawang lalake di ba?.....At pag nangyari po iyon, si Chast ang pinakamaaapektuhan at magiging sentro ng pambubully dito....Pero unfortunately po....May naglabas ng pictures na sisira kay Chast...Kaya for sure mangyayari na ang kinatatakutan namin......”
“I see...Naiintindihan ko....Ahmmm....Yung estudyante na nahuli mo, did you meet him again around the campus...?”
“Hindi po eh....”
“Well, that student is the missing link for this case...Because obviously, he’s the person who saw what exactly happened that day, other than you.....”
“Ah ma’am kung pwede po sana...Bigyan niyo kami ng oras para hanapin sya...Sinisigurado ko po sa inyo na dadalahin namin sya dito...Pagkatapos, saka ho kayo mamimili kung kaninong panig ang talagang paniniwalaan nyo at papatawan niyo ng parusa.....”
Dahil sa mga sinabi ni Rass ay pinagbigyan kami ng principal. Binigyan kami nito ng isang linggo para hagilapin ang nasabing estudyante. Bukod doon, kasabay ng isang linggong binigay sa amin ay suspensyon naman sa pagtuturo para kay Mr. Diaz. Ayon sa principal at sa nabanggit na rin ni sir, hindi biro ang eskandalong ginawa ng mga litrato namin kaya malaki ang epekto nito sa kredibilidad nya sa pagtuturo. Kung magtuturo daw sya ngayon na mainit-init pa ang mga pangyayari, baka hindi lang sya pakinggan ng mga estudyante. Bakas sa mukha ni sir ang pagkadismaya sa napagpasyahan ng principal pero wala na rin syang nagawa kung hindi ang tanggapin ito.
Matapos iyon ay pinayagan na kaming bumalik sa aming klase. Paglabas namin ng principal’s office ay nagkatitigan pa kami nang masama ni sir. Alam kong simula pa lamang ito ng laban namin at hindi ko sya aatrasan, lalabanan ko sya.
Pagkatapos noon nauna na sya sa aming umalis at pagkaalis nya........
“Hanep talaga ang kagaspangan ng ugali ng teacher nyong iyan....Buti na lang, kahit paano ay may nangyari sa pagrereklamo natin ngayon......” sambit ni ate......
“Huwag kang mag-alala ate, pagnahanap namin yung estudyante, tiyak na matitikman nya ang nararapat para sa kanya....” sambit ni Rass....
“Teka, paano niyo nga pala hahanapin yun...?”
“Ako nang bahala dun ate, magtatanong-tanong ako dito sa school....Gagawa ako ng paraan....” sagot ko.....
“Oh sige, mauuna na rin ako at may trabaho pa ko....Tsaka kailangan nyo na ring pumasok....”
“Ingat sa biyahe ate....” sambit ko....
“At ikaw Rass, mamaya tayo mag-uusap sa bahay tungkol sa hindi mo pag-uwi....”
Nang makaalis si ate ay agad na kaming nagtungo papunta sa classroom. Sa may corridor habang naglalakad kami.......
“Ahmmm Chast....Tayong dalawa na lang ngayon, baka pwedeng tayo naman ang mag-usap.....”
“KAUSAPIN MO YANG MUKHA MO!...” inis kong sambit sabay alis....
“Uy Chast!...Teka lang muna!...”
Nauna na akong maglakad sa kanya at iniwan ko sya doon. Alam kong sinalba nya ko kanina at malaki ang pasasalamat ko doon. Pero hindi ko maalis sa sarili ko na makaramdam ng tampo sa ginawa nyang hindi pag-uwi nang walang pasabi, pagkatapos nahuli pa sya nang dating kanina.
Pagdating sa classroom.......
Nagsimula na ang klase nang pumasok kami. Pagtungtong ko pa lamang sa pinto ay agad nang sumunod ang mga mata ng mga kaklase ko sa akin hanggang sa makaupo ako habang si Rass naman ay nakasunod din sa akin. Sumulyap-sulyap ako sa paligid at napansin ko na marami sa kanila ang pasimpleng nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Bukod doon nakangisi sila, mga ngisi na may bahid ng panghuhusga.....
“Chast, huwag mo na lang silang pansinin....” sambit ni Rass....
Iyon na nga lang ang ginawa ko, hindi ko sila pinansin at napayuko na lamang ako habang nakaupo. Pero dahil doon, hindi ko na rin nagawang makinig nang maayos sa lesson namin, ramdam ko kasi na tila hindi na ako tanggap ng mga tao dito.
Pagdating ng lunch......
Sinimulan na naman akong kulitin ni Rass na kausapin ko sya. Nakakainis dumadagdag pa sya sa mga problema ko. Sa inis ko ay iniwanan ko sya ulit, pero nang papalabas na ko ay bigla na lamang may bumato sa akin ng binilog na papel at tinamaan ako sa ulo. edyo malakas ang pagkakabato kaya napalingon ako sa direksyong pinanggalingan noon. Nakita ko na halos katapat at kalapit ko lang pala ang kaklase kong nagbato noon. Nakangisi sya sa akin pati ang katabi nya, nang-aasar sila, pagkatapos ay bigla na lamang syang nagsalita.....
“Hmph!...NAKAKADIRI KA!!...HINDI BAGAY ANG MGA KATULAD MO DITO!!!...Isa kang malaking kahihiyan!...Ahahaha...”
Yung katabi naman nya ngayon ang bumato sa akin, sa mukha pa ko pinatamaan at......
“Nakikipaglampungan ka sa teacher?...Ano yun?...Para pumasa?...ANG CHEAP MO PARE!...” natatawa nyang sambit....
Matapos iyon ay tinapik sya ng isa sa balikat at........
“Ano ka ba!....Pare ka diyan, ang dapat....MARE...Bakla yan eh...Hahaha....Kaya siguro biglang pumorma dati, nagpapapansin kay sir...Hahaha....”
“Huh?...Hindi pa kaya natin teacher si sir Diaz noon...Ang sabihin mo nililigawan niya noon si Almoneda....Matagal na kaya silang napag-uusapan dito sa school....Hahaha....”
Ni hindi ko nagawang makaimik sa ginawa at masasakit na sinabi nila. Ang alam ko lang ay ang bigat-bigat ng kalooban ko dahil nag-umpisa nang mangyari ang matagal ko nang kinatatakutan. Gusto ko nang umiyak pero alam kong mas lalo lamang nila akong pagtatawanan kapag ginawa ko iyon sa harap nila. Hanggang sa lumapit sa amin si Rass, tumayo sya sa harap ko at itinago ako sa likuran nya.......
“TIGILAN NYO SI CHAST!!!...” inis na sambit ni Rass.....
“AW!....Nagalit si boyfriend!...Hahaha....”
Pero hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin nila kaya naman tumakbo na ako papalabas ng classroom. Nagtungo ako sa lihim na tambayan kung saan pwede akong makapag-isa. Napadantay na lamang ako sa puno at tuluyan na akong naiyak.
Samantala si Rassel.........
“HUWAG NA HUWAG NIYO NANG UULITIN yung ginawa niyo kay Chast kanina!.....Dahil kung hindi.....”
“ANO?!...Uupakan mo kami ha bakla?!....Haha....”
“Hahaha....Hoy fafa Rassel ang daldal mo!...Yung syota mo kanina ka pa nilayasan!....”
Napalingon ako sa sinabi nya, wala na nga si Chast. Hindi ko namalayan ang pag-alis nya. Muli na lamang akong napalingon sa kanila at tinitigan sila nang masama bilang banta, pagkatapos ay tumakbo na ko papalabas para sundan si Chast. Sa tambayan lang ang alam kong lugar na pupuntahan nya kaya doon ako nagtungo. Naroon nga sya nang dumating ako, nakatalikod at nakadantay sya sa may puno habang tumatangis. Kaya naman nilapitan ko sya at tinapik sa balikat....
“Chast....”
Bigla nyang hinawi ang kamay ko at.....
“Bitawan mo ko!...Hindi pa ba malinaw sa iyo na gusto kong mapag-isa?...BAKIT BA ANG KULIT MO?!!...”umiiyak nyang sagot....
“Chast alam kong masakit at mahirap...Pero huwag mo namang solohin ang problema...I’m here for you...I’m here beside you....”
Lumingon sya sa akin at tinulak ako, dahilan para ako ay mapaatras.......
“I’m here beside you?!...SINONG NILOKO MO!!!...Wala ka nga noong mga oras na kailangan kita.....Wala ka noong nakita ni ate yung cellphone at pilit akong pinaamin...Wala ka noong pinagpipiyestahan ng mga kaklase natin yung pictures namin si sir!!!...AT WALA KA NOONG HARAP-HARAPAN AKONG PINAGMUKHANG MASAMA NI SIR SA PRINCIPAL!!!...”
“SORRY...PATAWARIN MO SANA KO...Kahapon kasi pagdating ko sa condo, nandun ang daddy ko...Niyaya niya kong sumama sa kanya eh...Chast halos apat na taon ko syang hindi nakita kaya sumama ko...Kaya hindi ako nakauwi...Alam mo ba for the first time, kinumusta niya ang buhay ko....”
“Ano ba naman yung magpasabi ka?!...Yung tumawag ka?!...Hindi ako magkanda-ugaga sa pag-aalala sa iyo!!...ALAM MO BA IYON HA?!!...”
“Chast ilang beses kong sinubukang tumawag kay ate Char...Kaya lang nakapatay yung cellphone nya...Hindi ko naman inakala na may mangyayaring ganito...At hindi ko rin gusto toh...Sana naman maintindihan mo...”
“Maintindihan?!...RASSEL BUHAY AT PAGKATAO KO YUNG WINASAK NILA!!...WALA NA KONG MUKHANG MAIHAHARAP!!...ANG TINGIN NG LAHAT SA AKIN NGAYON DITO MABABA! MASAMA!! MARUMI!!!...PAANO KO NAMAN IINTINDIHIN IYON?!!!...PAANOOOO?!!!...”
Sa puntong iyon, minabuti kong yakapin na sya nang mahigpit at isandal sa aking dibdib para doon sya hayaang makapaglabas ng kanyang nararamdaman. Panay ang pagpumiglas nya, pero hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.......
COMMENTS