$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 22)

The Search Is Over... By: Chaster Rassel Kinabukasan, ikaanim na araw ng paghahanap...... Pumasok ako sa eskwelahan na magaan ang ka...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

The Search Is Over...

By: Chaster Rassel

Kinabukasan, ikaanim na araw ng paghahanap......

Pumasok ako sa eskwelahan na magaan ang kalooban. Walang alalahanin at walang anumang pangamba, lungkot o takot sa puso. Basta maganda ang mood ko at napakasaya ng pakiramdam ko. Habang naglalakad kami ni Rass sa corridor papunta sa aming classroom........

“Naks!...Ang aga-aga ang ganda ng ngiti ng Chast ko ah!...” “Tignan mo tong tao na toh...Kapag nakabusangot ako sa umaga, sasabihin ang aga-aga nakasimangot tapos ngayon na nakangiti ako ganun din....Tapatin mo nga ko Rass, nagdradrugs ka noh?...Hahaha.....”

“Gago drugs ka diyan!....Hahaha...Pwera biro Chast....Bat ba ang saya-saya mo ngayon?...”

“Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa atin kagabi, lalo na nung tumatakbo at naliligo tayo sa ulan....Pakiramdam ko nahugasan at narefresh ang pagkatao ko....Salamat sa iyo at sa mga ginawa mo Rassel, pinaalala mo sa akin na hindi ako dapat nagpapatalo sa mga pagsubok ng buhay.....”

“I just want to give you a break....Matindi kasi ang mga pinagdadaanan natin nitong mga nakaraang araw.....Kaya naisipan kong pasayahin ka....Nataon naman na monthsary natin kahapon kaya isinabay ko na lang...”

“Hmmm....Job well done....Talagang napasaya mo ko.....”

“So paano na ang paghahanap natin dun sa estudyante...?”

“Itutuloy natin...Pero kung hindi talaga natin siya makikita, eh di hayaan na lang natin....”

“Ha?!...Eh di okay na lang din sa iyo kahit na paalisin tayo ni principal dito sa school?...”

“OO...Alam mo, hindi natin dapat ipagsiksikan ang mga sarili natin sa mga tao dito, sa school na toh....Kung ayaw nila sa atin, marami naman ibang magandang school diyan na pwede nating pasukan eh....”

“Sino ka at anong ginawa mo sa syota ko?!...”

“Ahahaha...Lokoloko!...”

“Teka...Panu naman si sir Diaz...?”

“Hmmm....Speaking of the devil.....”

Natanaw ko ang paparating na si sir Diaz. Nakatingin ang hinayupak sa akin at nakangiti na para bang nang-aasar. Sinagot ko din siya ng isang matamis na ngiti. Mukhang nabigla at nagtaka siya sa ginawa ko dahil nag-iba ang timpla ng pagmumukha nya. At syempre, hinintuan niya kami.......

“Sir...Kamusta ang life?...Excited ba kayong bumalik sa trabaho...?”nakangiti kong tanong sa kanya.......

“Nakakangiti ka pa rin?...Hmph!...Nasisiraan ka na ata eh...Dahil ba sa sinusuka na ka na ng eskwelahan na toh?...Ayan kasi, kung hindi lang sana naging matigas ang ulo mo...Eh di sana hindi ka ngayon miserable...”pang-aasar niya....

“Ako sir miserable?...Hindi ah!...Wala namang problema sa akin kung aalis ako dito....Hindi naman ako talo dun eh...At least makapagsisimula ako ng bagong buhay sa ibang school....”

Dahan-dahan ko siyang inakbayan at idinikit ko ang sarili ko sa kanya para malanghap niya ang aking amoy. Alam ko kasing dun pa lang ay manlalambot na ang mga tuhod niya......

“Alam niyo ba sir kung sino ang tunay na talo?...IKAW...Kasi, makakaalis ako dito nang hindi mo man lang ako natitikman...Sayang naman noh?...Tiyak ko, mahihirapan ka nang humanap ng kasing gwapo, kasing hot at kasing yummy ko...Hehehe...”

Kasunod noon ay idiniin ko ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Hindi siya nakaimik pero napansin kong napalunok siya, tila nanginginig din ang katawan niya at pinagpawisan siya bigla. Bumitaw na ko sa pagkakaakbay sa kanya, bumalik na ko kay Rass at hinawakan ko siya sa kamay.......

“Ano sa tingin mo Rass...?” sambit ko sabay ngiti kay sir....

“OO nga naman sir...Mahirap humanap ng kagaya nitong si CHAST KO na mata pa lang, ulam na!...Hehehe...”

Matapos iyon ay iniwan na namin si sir na nagmistulan nang estatwa at tumuloy na kami sa papunta sa classroom........

“Siya nga pala Chast....Nang binanggit mo kanina iyong tungkol sa pag-alis dito sa school may bigla akong naisip tungkol doon sa estudyanteng hinahanap natin eh....Baka wala na siya dito to begin with kaya hindi natin siya mahanap at kaya walang nakakakilala sa kanya...”

“Anong ibig mong sabihin?...Eh di ba nga suot niya iyong uniporme natin...?”

“Maaaring isa siyang estudyante dito dati kaya may uniporme siya ng school....Pero ngayon hindi na.....Mabuti pa humingi tayo ng tulong mamaya sa registrar to be sure...”

Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi niyang iyon.........

“Rass....Pwedeng pakutos kahit isa lang?...Pagkatapos kutusan mo din ako....”

“Huh?...”

“Kasi po, ang tanga nating dalawa!...Dahil hindi natin agad naisip ang lahat ng iyan!....”

Kinahapunan, matapos ang aming klase ay dumiretso kami agad sa registrar’s office. Ipinaliwanag namin ang aming sitwasyon at nakiusap kami kung maaari bang matignan namin ang records ng mga naging estudyante sa school.

Ngunit hindi kami pinayagan ng registrar at sinungitan pa kami. Mahigpit daw kasi na ipinagbabawal sa mga estudyante na pumasok sa storeroom ng mga student records. Dahil doon ay lumabas na lamang kami mula sa opisina niya. Pero iyon na lang ang tanging paraan para malaman namin kung sino at kung saan nakatira ang estudyante na iyon.

“Paano iyan Rass bawal daw...?”

“Teka nag-iisip nga ako ng paraan eh....”

Mayamaya ay nakita naming lumabas iyong registrar. May kausap siya sa cellphone, base sa itsura niya ay mukhang problemado siya. Medyo malapit ang kinatatayuan namin sa kanya kaya di naiwasang may marinig kami sa mga sinasabi niya.

Nasa ospital pala ang anak niya at namurublema siya sa pambayad ng bill. Kaya naman pala aburido ito nang kausapin namin. Nilapitan siya ni Rass at sumunod naman ako........

“Ah ma’am sorry ho, pero narinig ho kasi namin iyong pakikipag-usap niyo sa phone.......”sambit ko......

“Kamusta na ho iyong anak niyo...?”usisa ni Rass....

“Sa awa ng diyos, ayos na siya....Kaya lang, gaya ng narinig niyo hindi ko siya mailabas sa ospital...Malaki kasi iyong inabot ng bill...Ilang beses na nga akong binigyan ng notice ng ospital eh....”

“Ma’am sabihin niyo lang ho kung magkano ang kailangan niyo...Tutulungan ko kayo...Pero sana tulungan niyo din kami sa problema namin.......”sambit ni Rass......

Hindi na ko nabigla sa sinabi ni Rass dahil hindi nga naman issue sa kanya ang pera. Sa una ay nagdalawang-isip pa ang registrar, pero tinanggap din niya ang alok. Agad na tumawag si Rass sa isang bangko at makalipas ang ilang minuto........

“Ma’am okay na po....Natransfer na ang pera sa bank account niyo....Gawin niyo naman po ngayon ang parte niyo....”

Dinala at sinamahan niya kami sa storeroom. Pagdating doon ay napatulala at napanganga na lamang kami sa tumambad sa amin. Isang katerbang istante na may isang katerba ding mga folder........

“ANAK NG PITONG KABAYONG BUNTIS!!!...”malakas na sambit ni Rass.......

“Nanganak na lahat lahat iyang mga kabayo mo hindi pa rin tayo tapos dito...AABUTIN TAYO DITO NG 10 YEARS!!!...”dagdag ko....

Nagkatinginan na lamang kami ni Rass, habang ang registrar naman ay tila nagpipigil ng tawa sa naging reaksyon namin.........

“Saan tayo magsisimula nito?!....”usisa ko.....

“Ahmmm...Mga iho matanong ko lang....Bukod sa mukha, wala ba kayong alam na kahit isang detalye tungkol doon sa estudyanteng hinahanap niyo....?”usisa ng registrar....

Napaisip ako sa itinanong niya kaya bigla kong naalala iyong sinabi ni Rass na marahil target nung estudyante si sir. Ibig sabihin estudyante sya ni sir at dahil sa halos kaedad namin siya...........

“Ma’am nagkaroon po ba ng advisory class si Mr. Pocholo Diaz last year...?” tanong ko.........

“OO...Higher section pa nga iyon eh....”

“May alam po ba kayo kung may nakagalit siyang estudyante sa klase niya....?”usisa ni Rass....

“Wala naman...Pero may isang estudyante sa klase niya na bigla na lang hindi pumasok hanggang sa nagdrop na ito.....”

Napatingin ako kay Rass sa sinabi ng registrar. Iba ang pakiramdam ko sa tinutukoy niyang estudyante, kinukutuban ako kung sino ito kaya naman....

“Ma’am pwede pong patingin ng files ng estudyanteng iyon...?” tanong ko.......

Kinuha niya ang files at inabot ito sa amin. Pagbukas ko ng folder ay tumambad sa akin ang larawan ng taong ilang araw na namin hinahanap. Hindi nga ako nagkamali ng kutob, siya nga ito at lahat ng impormasyon na kailangan namin ay nakalagay dito.........

“Rass eto nga siya!....”

“Finally!...The search is over....”

“Justin Castillo pala ang pangalan niya...”

“Hmmm...Sa isang exclusive village itong address niya...Big time din ang isang toh Chast....”

“Ma’am salamat po sa lahat ng tulong niyo...” sambit ko....

“Ako nga itong dapat magpasalamat sa inyo eh....Dahil sa wakas ay mailalabas ko na mula sa ospital ang anak ko....”

“Ah sige po...Kailangan na namin tumuloy...Pupuntahan pa po namin toh eh....Regards na lang po sa anak niyo....”pahayag ni Rass....

Sa labas ng eskwelahan.......

Pagkalabas namin ng school gate ay biglang napahinto sa paglalakad si Rass. Lumingon ako sa kanya, napansin kong nakatitig siya sa isang bigotilyong lalake, sa pananamit at itsura nito ay para siyang taga ibang bansa at mukhang mayaman. Tila nag-aabang ito ng masasakyan........

“Rass kilala mo ba iyon...?”

“OO...Ang daddy ko iyan....”

“Ano?!...”

Lumingon siya sa akin na may ngiti sa mukha at.......

“Halika!...Ipapakilala kita sa kanya...!”

“HA?!...Teka lang muna!....”

Wala na kong nagawa dahil hinawakan na niya ang kamay ko at hinila ko. Paano ito ngayon? Hindi ko naman inakala na iyong daddy na pala niya iyon, bigla tuloy ako nakaramdamam ng hiya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko...........

“Sir!...”sambit ni Rass....

Napalingon ang daddy niya sa amin at........

“Oh Rassel...You’re still here....How is it going?...”

“I’m fine sir...We’re fine...”

Hindi naman pala suplado ang dating daddy niya. At parang malayo ang nakikita ko ngayon sa mga ikinukwento ni Rass sa akin tungkol sa kanya. Nakangiti pa nga iyong tao........

“I see you got some company...Is he the friend you were talking about last time?...The one that let you stay over ...?”

“Yah...”

Tinitigan niya ko sa aking mga mata kaya natigilan ako. Hanggang sa naramadaman ko na lang ang pagtapik ng siko ni Rass sa braso ko at bumulong pa siya na magsalita ako. Pero di ko alam kung paano sisimulan, hindi naman kasi ako sana’y makipag-usap nang ingles........

“Ahmmm...Sir...Ah...Eh....”pilit kong pagsasalita......

“Relax young man, I’m not gonna bite you...”natatawa niyang sambit....

Naisip ko na nakakahiya itong inaasal ko kaya naman huminga ko nang malalim para pakalmahin ang aking sarili, pagkatapos ay muli na kong nagsalita.......

“Good afternoon po sir....I’m Chaster Amarines...But you can call me Chast...It’s nice to meet you po...”maayos kong sambit sabay alok ng aking kamay......

Kinamayan naman niya ko at.........

“It’s nice to meet you too...Ahmmm...Do you happen to have a foreign descent...?”

“No sir, I’m a pure filipino...But just like you, a lot of people thought the same way because of my eyes...”

“Indeed, your eyes are amazing and very unsual for a pure filipino....”

“Thank you for your compliment sir...”

“Enough with the sir thingy, just call me tito Harry....And Chast, I’m the one that should be thanking you for looking after my so....I mean Ra...Rassel and letting him stay over your place....You are very kind...He’s so lucky to have you....Ah....I mean as a friend....”

“It’s nothing po tito Harry....He’s always welcome to my place...”

“By the way da...I mean sir...I hope you don’t mind me asking but...Why are you here...?”usisa ni Rass........

“Ahmmm....I just had a business meeting around the area, so I decided to pass by to see how your school looks like......”

Lumingon-lingon si tito Harry sa may kalsada. Sa totoo lang, kanina ko pa napapansin na balisa siya. At ang kakatuwa ay ganun din si Rass. Parehong pareho ang ikinikilos nila habang magkakausap kami. Nabulong ko tuloy sa sarili ko na mag-ama nga talaga ang dalawang ito. Sakto naman ay may paparating nang taxi........

“Oh here comes a cab...I should be going now...Ah Rassel, If you have time please visit me again in the hotel and bring Chast with you so we could talk more....Take care guys....I really have to go now........”

Sumakay na si tito sa taxi, nang makaalis na siya ay agad akong lumingon kay Rass, inilapit ko sa kanya ang mukha ko at.........

“Paki tingin nga kung dumudugo ang ilong ko....”pabiro kong sambit.....

“Wala akong ibang nakikita kung hindi kulangkot haha.....”

“Gago haha!....Muntikan akong maubsan ng ingles sa daddy mo ha...Grabe!...”

“OO nga eh...Kung makatito ka lang wagas noh...Ako nga ni di ko siya matawag na Dad eh....”

“Siya naman ang may sabi na tito na lang itawag ko sa kanya eh....Pero nabanggit mo na lang din iyan, kanina muntikan ka nang tawagin ni tito Harry ng son pero di niya tinuloy....Tapos ikaw tatawagin mo dapat siya ng dad pero di mo rin tinuloy....Ano naman iyong drama niyo ha?...”

“Chast gustong gusto ko siyang tawaging Dad....Pero di ko makaya...Di ko magawa....”

“Kasi....Di mo pa rin siya kayang mapatawad?

Hindi siya nakasagot sa tanong ko, sa halip ay tinitigan niya lamang ako.......

“Hay naku Rass....Alam mo, habang nandito pa sa Pilipinas ang daddy mo...Mag-isip isip ka na...Baka ito na ang pagkakataon para maayos iyang relasyon niyong mag-ama........”

“Tama ka....Mahirap man iyang sinasabi mo pero susubukan ko....”

“Huwag mong subukan, gawin mo!...”

“Teka nga muna!...Bakit ba tayo biglang napunta sa talambuhay ko?...May lakad pa tayo ah!...Justin Castillo hello!...”

“Concern lang naman po ako sa iyo...Pero sige...One issue at a time...Sa ngayon gawin mo na natin ang dapat nating gawin....”

Pinuntahan na namin ang address na nakuha namin mula sa files. Pagdating doon ay tumambad sa amin ang isang mala mansyon na bahay. Mayaman nga talaga ang Justin Castillo na toh. Pinatuloy kami ng katulong at pinaupo sa may sala........

“Maupo muna ho kayo dito...Tatawagin ko lang si senorito Justin...”sambit ng katulong.......

Saglit kaming naghintay, mayamaya ay lumabas na rin siya. Bumababa siya sa hagdan nang tanungin niya ang katulong kung sino ang naghahanap sa kanya at nang makita niya kami ay natigilan siya, habang kami naman ay napatayo mula sa aming kinauupuan. Sa wakas, nakaharap din namin siya. Ngayon, malalaman na namin ang buong katotohanan sa likod ng lahat ng gulong ito.

“Kumusta Tulfo?...Nagkita rin tayo ulit sa wakas...”sambit ko....

“Pa...Paano niyo nalaman tong bahay namin?!....”usisa....

“Hindi na mahalaga iyon....Ang importante ay ang makapag-usap tayo......”

“Huwag kang mag-aalala....Hindi kami nagpunta dito para makipag-away....Gusto lang namin linawin ang mga bagay-bagay....”dagdag ni Rass...

Matapos sabihin iyon ni Rass ay bigla na lamang niya kaming pinagtulakan.....

“Umalis na kayo dito!....Wala kayong mahihita mula sa akin at wala rin akong sasabihin sa inyo!....”sambit niya sabay tulak ulit sa amin ni Rass....

“Bastos ka ha!...Maayos kaming humaharap sa iyo tapos itataboy mo lang kami?!...”inis na sambit ni Rass....

Bago pa man sila tuluyang magkapikunan at mauwi na naman sa sakitan, hinarang ko na ang aking sarili sa pagitan nilang dalawa. Nilingon at inawat ko na rin si Rass........

“Rass huwag...Kung pwede lang huwag na natin ulitin iyong nangyari dati......”

Tumigil na siya, pero si Justin ay nanatili pa ring matigas. At dahil sa hinarang ko ang sarili ko kay Rass, ako ang hinawakan niya at muling ipinagtulakan..........

“UMALIS NA KAYO SABI!...Kung hindi ipapakaladkad ko kayo sa gwardiya at IPAPAHABOL SA ASO!!!....”

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak at panunulak niya, nang makawala ako......

“HINDI JUSTIN!!!...Hindi kami aalis dito hangga’t hindi namin nalalaman ang totoo tungkol sa lahat ng mga ginawa mo!!...Iyong mga ginawa mo NA SUMIRA LANG NAMAN SA BUHAY KO!!!...”inis kong sagot sa kanya.....

Natigilan siya sa mga sinabi kong iyon at ni hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Napayuko na lamang siya at.......

“Paano niyo nalaman na ako ang may gawa ng lahat...?” mahina niyang sambit....

“Una...Katangahan na iskandalohin ni sir Diaz ang sarili niya...Para lang sirain ako....”sagot ko....

“Pangalawa...Lahat ng litratong dinikit mo sa blackboard nakafocus kay sir........”dagdag ni Rass......

“Panghuli...Kuha sa library ang mga litratong iyon...Maliban sa amin ni Rass at kay sir, ikaw lang ang isa pang tao na nandun.......”

Hindi siya umimik at napaupo na lamang siya sa supa. Napansin kong nagbubuntong-hining sya, marahil ay kumukuha ng buwelo........

“OO...Inaamin ko...Ako ang may gawa ng lahat ng gulong nangyari sa inyo.......”

Habang sinasabi niya ang mga iyon, sa tunog pa lang ng boses niya ay tila naiiyak na siya..........

“Pero...Pero wala naman sa plano ko na mangdamay ng inosenteng tao eh...Kaya lang...Kaya lang desperado na ko eh...HINDI AKO MATATAHIMIK HANGGAT HINDI AKO NAKAKAGANTI SA DEMONYONG TITSER NA IYON!!!....”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rass sa aming mga narinig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero halatang matindi at malalim ang dahilan ni Justin para gawin ang lahat ng ginawa niya at tawagin pa si sir na demonyo.......

“Justin....Ano bang nangyari sa inyo sir?...Ano bang naging kasalanan niya sa iyo...?” usisa ko.....

Nagsimula siyang magkwento at magpaliwanag. Last year pala ginawa din sa kanya ni sir, ang parehong bagay na ginawa nito sa akin. Sa una ay pinagtangkaan lang siyang pagsamantalahan na nagawa naman niyang tanggihan at malusutan.

Ngunit kinalaunan, gaya din ng nangyari sa akin, sinimulan na siyang iblackmail nito sa pamamagitan ng grades niya. Mahigpit at perfectionist daw ang kanyang mga magulang lalo na pagdating sa performance niya sa school. Ayaw niyang biguin ang mga ito kaya napilitan siyang sumunod at tanggapin ang hinihingi ni sir. Ginagawa daw nila ito sa loob pa mismo ng classroom kapag nakauwi na ang lahat ng tao.

Ang masama lang, mula noong pumayag siya ay halos inaraw-araw daw siyang gamitin nito. Nang di na niya kaya ang pangbababoy na ginagawa sa kanya, nagdesisyon siyang hindi na pumasok sa klase para makaiwas. Pero inilihim niya ito mula sa kanyang mga magulang..........

“Bakit inilihim mo ang lahat mula sa mga magulang mo?...Bakit hindi ka nagsumbong o humingi ng tulong sa kanila...?”usisa ko........

“Iyon naman talaga ang balak ko eh....Iyon din ang gustong gusto kong gawin....PERO INUNAHAN AKO NG DEMONYONG IYON!!!!...”

“A...Anong ibig mong sabihin...?”tanong ni Rass.....

“Isang malaking pagsira sa kasunduan namin ang hindi ko pagpasok at pagpapakita sa kanya....Ikinagalit niya iyon....Bago pa man ako makapagsumbong, ipinatawag na niya sa school ang mga magulang ko kasama ako....Siya ang nagsumbong nung tungkol sa hindi ko pagpasok.....Pinalabas ng animal na iyon na nagbubulakbol ako!...Na pabaya akong estudyante!!...Siya ang nag-udyok sa mga magulang ko na idrop-out na ko!!!...SINIRAAN NIYA KO SA MGA MAGULANG KO SA HARAP KO MISMO!!!...”

“Mas naniwala sila kay sir? Hindi ka pinaniwalaan ng sarili mong mga magulang?!...Paanong.......” sambit ko....

Hindi ko na nagawang ituloy ang aking sasabihin dahil bigla na niya akong siningitan.........

“HINDI NYO KILALA ANG MGA MAGULANG KO!!!...Kahit iyong pinakamaliit o pinakasimpleng bagay ay napakabig deal para sa kanila!....Galit na galit sila sa akin!...At ang pinakamasakit sa lahat ay nawalan na sila ng tiwala sa akin!!!...Kaya kahit anong paliwanag ko sa kanila, ayaw nila kong pakinggan....Kahit na gustong gusto kong bumalik sa pag-aaral....Ayaw na rin nila kong payagan!!!.....”

Matapos namin marinig at malaman ang buong katotohanan, nag-iba ang tingin ko kay Justin at sa pagkatao nya. Masakit na talikuran ka at hindi ka paniwalaan ng sarili mong kapamilya. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung nangingibabaw man sa kanya ngayon ang galit at paghihiganti.

Mali ang aking inakala na siya ang ugat ng mga problema ko. Ang totoo ay pareho lamang kaming biktima dito, biktima ng kahalayan at kasamaan ni sir. Sa puntong iyon ay tuluyan nang pumatak ang luha na kanina pa niya pinipigilan........

“Hindi ko naman ginustong ipahamak kayo eh...Nagkataon lang na iyong gamitin kayo ang natatanging daan para makaganti ako....”

“Kung makaganti ang gusto mo, bakit kinuha mo pa iyong cellphone mo sa principal’s office? Bakit di mo na lang hinayaang maipakita ko sa principal iyong video na nakuhanan mo?...Ayun ang makapagpapabagsak kay sir....”

“Dahil di ako papayag na babagsak siya nang ganun-ganun lang!...Ang gusto ko pahirapan siya!!...At unti-unting iparamdam sa kanya ang lahat ng sakit na pinaramdam niya sa akin!!!...”

“Nauunawaan ko ang galit na nararamdaman mo....Pero hindi paghihiganti ang kasagutan sa lahat ng ito....Hindi ka mabibigyan noon ng katahimikan Justin...”sambit ko......

“Tama si Chast...Ang kailangan natin na mga naging biktima ni sir ay hustisya hindi pagganti...”dagdag ni Rass....

“Hustiya?!..Paano ko naman makakamtan iyon?!...Hindi na nga ako pinaniniwalaan ng sarili kong mga magulang eh....Ano pang magagawa ko?!...NAG-IISA NA LANG AKO!!!...”

“HINDI NA NGAYON!!!...”malakas na sagot ni Rass....

Natigilan siya sa pagtataas ni Rass ng boses sa kanya. Tinabihan siya nito at saka naagpatuloy sa kanyang sinasabi........

“Alam na alam ko iyang nararamdaman mo Justin!....Gaya niyo ni Chast nakaranas din ako ng pang-aabuso nung sampung taon ako...At mas masahol pa iyong impiyernong pinagdaanan ko...Pero kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa mga taong lumapastangan sa akin....Alam mo kung bakit? Dahil ang taong nakakulong sa poot ay mas masahol pa sa isang ibon na nakakulong sa hawla!!...Wala kang ibang pahihirapan kung hindi ang sarili mo lang!!!....Ngayon, kung gusto mo talaga ng hustisya....Gusto mong labanan si sir Diaz....Hindi ka nag-iisa....Nandito kami....”

Kumalma siya dahil sa mga binitawang salita ni Rass. Mukhang tinamaan talaga siya ng husto. Umupo din ako, pero sa kabilang side naman niya.....

“Justin magtulungan tayo....Iisa lang naman ang layunin natin eh....Lalabanan natin si sir sa tamang paraan......”sambit ko....

“Anong paraan?...”usisa niya

“May pag-asa pa tayo, pero kaunting oras na lang ang natitira sa atin.....”sagot ni Rass.....

“Makinig kang mabuti, binigyan kami ni principal ng oras para hanapin ka....Nangako kaming ihaharap ka sa kanya...Pero hanggang bukas na lang ang palugit namin....Ikaw lang at ang video na hawak mo ang makapagdidiin kay sir.....Kapag hindi ka nagsalita tungkol sa mga nalalaman mo...Si sir ang paniniwalaan niya...At kami ni Rass, tiyak na mapapaalis na rin kami sa school na iyon gaya mo...Si sir na naman ang matitirang panalo at malaya....Justin sa akin na dapat magtapos ang kasamaan ni sir...Huwag na nating hayaang makapangbiktima pa siya ulit ng mga inosenteng estudyante.....”dagdag ko......

Hindi siya agad nakapagsalita o nakasagot sa mga sinabi ko. Sa halip ay tinitigan niya ko na para bang siya ay nag-iisip. Mayamaya pa........

“Ayaw ko....”sambit niya.....

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 22)
Here Beside You (Part 22)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/09/here-beside-you-part-22.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/09/here-beside-you-part-22.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content