$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Here Beside You (Part 25)

I Love You Goodbye... By: Chaster Rassel Isang malaking palaisipan sa akin ang mga nangyayari at sinasabi sa akin ni tito Harry ngayon...

Here Beside You Tagalog Gay Story Series

I Love You Goodbye...

By: Chaster Rassel

Isang malaking palaisipan sa akin ang mga nangyayari at sinasabi sa akin ni tito Harry ngayon. Kaya naman minabuti ko na pakinggan kung ano pa ang mga sasabihin niya..........

“I’m pretty sure that you’re now wondering how did I know about it....”

“Ahmmm....”

“Remember the day that we first met outside your school...?”

“Opo...”

“I actually talked to the school’s principal that day.....She told me everything about the two of you and the scandal that happened.......”

Kaya pala naroon siya noon at kaya rin pala siya balisa dahil may itinatago siya. Pero dahil doon ay mas lalo pang nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko.....

“Tito...I hope you don’t mind but....Why did you kept quiet about it?...And why did you talk to the princpal?...”

“Because I have no problem at all with Rassel being a gay as well as his relationship with you...And I trust him....That’s why I didn’t even meddle to your school issues.....As for the reason why I talked to the principal....That is what I wanted to tell you.....”

“Sige po...I’m listening....”

Ipinagtapat sa akin ni tito na kaya siya nagpunta sa eskwelahan namin noon at kinausap ang principal ay para ipagpaalam si Rass. Dahil pagbalik daw niya ng states sa susunod na linggo ay isasama na niya ito. Pinakiusapan din niya ang principal na huwag munang banggitin ito sa amin. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit kakaiba ang pagsagot ng principal sa amin noong nagtanong kami kung pwede kaming manatili sa school. Iyon pala ay dahil sa aalis na si Rass.

Lahat daw ay nakaayos at nakahanda na para sa pag-alis nila. Ang tanging problema na lamang ay ang pagpapaalam nito kay Rass. Para kong pinagsakluban ng langit sa mga nalaman ko. Ni sa panaginip ay di ko naisip na magkakahiwalay kami ulit ni Rass, na iiwanan ulit niya ko.........

“Tito I can’t understand all of this....You said that everything was okay with you....But why are you gonna take Rass?!...Why are you separating us?!!...AND WHY ARE YOU ONLY TELLING THIS TO ME AND NOT RASS?!!!...”

Dahil sa pagkabila ko sa kanyang mga ipinagtapat sa akin, hindi ko na naiwasang makapagtaas ng boses at maging emosyonal. Pero sa kabila noon ay pilit ko pa ring pinakalma ang sarili ko......

“Chaster.....Please let me explain first...Although I’m not so sure if you can understand it....Because you’re too young....”

“Tito Harry I wanna hear it...Please tell me...Even if it’s hard I will try to understand....Please...”mahina at naluluha kong sagot.......

Pinakinggan ko ang mga paliwanag niya. May mga bagay mula sa mga sinabi niya ang hindi ko lubos na naintindihan. Pero kahit paano ay nakuha ko ang pinupunto niya. Gaya ng naikwento sa akin ni Rass, may sariling pamilya siya sa states na siyang dahilan kung bakit pilit niyang inilayo at itinago si Rass. Dahil ikasisira daw nga ng pamilya niya kapag nalaman ng mga anak at asawa niya na may anak siya sa labas.

Pero natuklasan niya na niloloko pala siya ng asawa niya. Pinakasalan lamang daw siya nito para sa pera at ang mga taong itinuring niyang anak ay hindi rin sa kanya. Sa madaling salita, ang taong pilit niyang inilayo sa kanyang sarili ang siyang nag-iisa at natatanging tunay niyang anak. Labis na pagsisisi ang nadarama niya sa mga nagawa niya at hindi niya alam kung paano haharap kay Rass.

Hanggang sa nakarating sa kanya ang gas leak na nangyari sa condo, doon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob para umuwi ng Pilipinas at harapin ang kanyang anak. Ngayon, gusto niyang isama na si Rass pabalik sa states para ibigay at maiparamdam ang buhay at pagmamahal ng isang ama na nararapat para sa kanya. Gusto niyang makabawi pero alam niyang hindi ito basta tatanggapin ni Rass kaya lumalapit at humihingi siya ng tulong sa akin.............

“I know this is huge...And very hard for you...But you are the only that I can trust and rely on with this....And as his boyfriend, I know that he will listen to you......Please Chaster....I’m begging you....”

Alam kong ito na ang matagal nang hinihintay na mangyari ni Rass, ang tanggapin, kilalanin at mahalin siya ng taytay niya. Pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ito darating. Para na rin akong pinapapili nito sa pagitan ng maibigay kay Rass ang pinapangarap niya o ang mapanatili ang pagsasama namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na malagay ako sa sitwasyon na ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ni hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay tito. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Magsasalita dapat ako pero nakarinig ako ng tunog ng bumubukas na pinto. Alam kong si Rass na iyon kaya agad akong tumalikod para punasan ang luha ko..........

“Sir here’s your medicine...I’m sorry it took long...The pharmacy near by was closed so I went somewhere else....”

Paglingon ko muli ay inaabot pa ni Rass ang gamot kay tito. Kasunod noon ay inabutan niya ito ng isang basong tubig. Itinuloy ni tito ang pagpapanggap at ininom ang gamot. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya pang manatili sa harap nila kaya naman..........

“Rass...Okay lang ba kung mauna na kong umuwi sa iyo?...”

Sabay silang napatingin sa akin at bago pa makapagsalita si Rass ay inunahan siya ni tito......

“Oh...Going so early?...Is something the matter Chaster...?”

“Ahmmm...”

Lumapit sa akin si Rass, pahawak na siya sa mukha ko at nakatingin sa amin si tito. Dahil sa walang alam si Rass ay hindi niya itinuloy ang kanyang binabalak. Binaba niya ang mga kamay niya at pinasok ito sa bulsa ng pantalon niya. Tapos ay tinanong na lamang niya ko...........

“Bakit Chast?...Masama din ba ang pakiramdam mo...?”

Para hindi na maghinala pa si Rass ay umarte na lamang ko. Nginitian ko siya at.....

“Ano ka ba!...Ayos lang ako noh!....Medyo napagod lang kasi nga di ba pagdating natin galing school eh dumiretso agad tayo dito?...Sige na Rass samahan mo muna si tito dito....Mauuna na lang ako sa bahay....”

“Oh sige...Ingat ka na lang sa pag-uwi ah...Pasensya na di kita masasabayan.....”

“Sige po tito Harry....Tutuloy na po ako....”

Binalikan na niya ang daddy niya. Bago ko tuluyang lumabas ng pinto ay muli akong napalingon kay tito Harry. Sakto ay tumingin din siya sa akin. Iyong titig niya, parang sinasabi niya na maghihintay siya sa kung anong gagawin ko tungkol sa napag-usapan namin.

Habang nakatitig siya sa akin ay manginignginig ang kamay ko at napahawak ako nang mahigpit sa door knob. Alam ko na simula ngayon ay maaaring bilang na ang oras para sa pagmamahalan namin ni Rass at hindi ko alam kung makakaya ko ito dahil ito na yata ang pinakamatinding pagsubok na dumating sa amin.

Pag-uwi sa bahay..........

Dumating ako sa bahay na tuliro at balisa. Sa may gate ay may nadatnan akong tao na nagdodoorbell sa harap ng bahay namin. Ang tao na iyon ay walang iba kung hindi si..........

“Justin!...”

Napalingon siya sa akin at........

“Chast!...Naku sakto pala ang dating ko....Umalis ka pala eh...”

“Ah OO...Binisita kasi namin ni Rass iyong daddy niya....Nauna nga lang ako umuwi....”

“Naks!...Sweet talaga iyang jowa mo ah....Pinakilala ka pa sa tatay niya.....”

“Ano nga palang ginagawa mo dito....?”

“Napadaan lang ako....Mangungumusta sana....”

“Hmph!...Para namang hindi tayo magkikita bukas....”

“Nabobored ako eh.....Teka....Chast bakit ganyan ang itsura mo?...Ang tamlay mo ah...”

Sa puntong iyon ay hindi ko magawang makapagsalita o sumagot ng maayos hanggang sa lumabas na si ate Char at naabutan niya kami. Maging si ate ay napansin din na tila wala ako sa aking sarili. Agad naman niya kaming pinapasok na dalawa.

Pagpasok namin ay naupo kami sa may sofa sa sala, magkatabi kami ni Justin habang si ate ay nasa isang sofa. Ngayon, dalawa na silang nagtanong sa kung anong nangyari sa akin. Hindi na ko naglihim sa kanila, inilabas at kinuwento ko sa kanila ang mga napag-uspan namin ni tito Harry..........

“Dadalhin na si Rass ng daddy niya sa states?!...Ibig sabihin....Mag...Maghihiwalay na kayo?.....”malungkot na sambit ni Justin....

Muli ay hindi ako umimik, hanggang sa bigla na lang akong naiyak at doon na bumulalas ang damdamin ko........

“Bakit ganun?...Mula nung naging kami ni Rass hindi na natapos ang mga problema namin....Ganito ba talaga kapag nagmamahal?...Hindi ba ko pwedeng mamuhay nang matiwasay at walang inaalala kasama ang taong mahal ko?!...Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?!...Bakit sa akin pa?!....Ano bang nagawa kong masama?!....”umiiyak kong sambit......

“Alam mo Chast...Lahat ng tao dumadaan sa ganyan....Nataon lang na maaga mong naranasan ito....Mahirap pero kailangan mong harapin ito...Kailangan mong magdesisyon...Dahil kung wala kang gagawin, hindi mo toh malalampasan....”sambit ni ate Char...........

“Pero di ko alam kung anong gagawin ko....Gusto kong maging masaya si Rass.....Pero ang kapalit naman noon ay magkakahiwalay kami....Ate ayaw kong mawala siya...I just want him stay beside me....”

“Ano?...Ipagkakait mo si Rass sa sarili niyang ama?...Hindi tama iyon....Pagiging makasarili iyon...”

“Pero....”

Tumayo si ate Char at tumabi sa kabila kong side..........

“Chast naalala mo ba iyong sinabi ko sa iyo dati?....Na bata pa kayo ni Rass at marami pa kayong pagdadaanan....Marahil hindi pa ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa....Mas makabubuti kung hayaan mo na siyang isama ng daddy niya....”muling sambit ni ate Char.....

“Tamang panahon.....Alam mo ate, minsan ko nang nasabi kay Rass na ang tao pwedeng mag-adjust sa tamang panahon na iyan kaya....”

“Siguro nga...” biglang singit ni Justin......

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagsingit ni Justin. Napatingin na lamang ako sa kanya habang siya naman ay nagpatuloy........

“Siguro nga ang tao nakakapag-adjust sa oras at panahon....Pero hindi sa kung anong plano sa atin ng itaas....Natutunan ko iyan sa nangyari sa akin....Dahil kung tutuusin pwede ko naman labanan si sir Diaz dati pa pero hindi ko ginawa.....At buti na lang ganun ang nangyari dahil kung hindi ay hindi ko kayo makikilala ni Rass at hindi ako magkakaroon ng mabubuting kaibigan.....Masaktan ka man ngayon, manalig ka lang na may nakalaan na plano para sa iyo at para kay Rass na tiyak na mas makabubuti para sa inyo.........”pagpapatuloy ni Justin......

“Tama si Justin....At kung talagang para kayo sa isa’t isa ni Rass, kahit magkahiwalay kayo ngayon, magkikita at magkikita pa rin kayo....”dagdag ni ate Char....

“Huwag kang mag-alala Chast...Mawawala man si Rass, nandito naman kami ni ate Char para damayan at tulungan kang makabangon.....”dagdag pa ulit ni Justin sabay tapik sa balikat ko........

Kasunod noon ay hinawakan naman ni ate Char ang isa kong kamay. Dahil sa mga sinabi nila ay mas nalinawan ang puso’t isipan ko. At nagkaroon din ako ng lakas ng loob para harapin ang problema na ito. Lalo na’t alam ko na hindi ako nag-iisa sa pagharap dito.

Kinagabihan bago matulog.....

Ang akala ko ay doon na sa hotel matutulog si Rass pero umuwi siya nang gabing-gabi. Halatang napagod siya dahil agad siyang nagbihis at tumabi sa akin sa may kama...........

“Akala ko sa hotel ka na magpapalipas ng gabi....”

“Baka kasi magtampo ka na naman sa akin eh....Kaya umuwi ako....”

“Ganun?....Ikaw talaga oh....Sige na magpahinga ka na....Mukhang napagod ka eh....”

“Huh?...Di ka pa ba matutulog...?”

“Hindi pa ko inaantok eh...Papaantok muna ko...Mauna ka nang matulog sa akin.....”

“Okay....Goodnight...”sagot niya sabay halik sa pisngi ko.....

Mabilis na nakatulog si Rass, marahil ay dala na rin ng pagod. Ako naman ay hindi makatulog. Matapos kasi ang mga sinabi sa akin nina ate Char at Justin, nakapagpasiya na kong ibigay kay Rass ang matagal na niyang gusto. Iniisip ko ngayon kung ano nang susunod na mangyayari at kung paano ko sasabihin ang lahat ng ito sa kanya.

Bumangon ako at naupo, tumingin ako sa kanya at pinagmasadan ko ang mukha niya habang mahimbing siyang natutulog.........

“Patawarin mo ko Rass....Alam kong masasaktan kita...Masakit din sa akin toh....Pero kailangan kong gawin ang tama at nararapat......”pabulong at naluluha kong sambit....”

Kinabukasan.......

Nang sumunod na araw, hapon, bago kami nagtungo sa bahay nila Justin, hiniram ko kay ate Char ang cellphone niya. Habang naliligo si Rass ay palihim kong tinawagan si tito Harry upang ipaalam sa kanya ang napagpasiyahan ko......

“Good afternoon po tito....This is Chaster....”

“Chast I’m glad that you’ve called....”

“I just called to let you know that I’m gonna give you the help you need...I’ll help you convince Rass to go back with you to the states....”

Hindi agad sumagot si tito, marahil ay dahil sa mga sinabi ko. Pero ilang sandali lamang.........

“Chast...I know that this is against your will...And maybe you’re doubting it....But thank you so much...”

“No tito, buo po ang loob ko sa desisyon na toh...I’m gonna do this dahil mahal na mahal ko po si Rass at gusto ko pong mapabuti siya.....”

“But still, I’m grateful for what you’re gonna do...”

Nagsisimula na naman akong maging emosyonal. Pero gusto kong maipakita o maiparinig kay tito Harry na buo ang loob ko para dito kaya naman pinigilan ko ang sarili ko...........

“Ahmmm....Tito...Rass have been waiting for this for the longest time...Please don’t let him down....”

“Of course...I promise you...I’ll be the best father he’ll ever had....”

“Sige po...I need to get going na...Sinamantala ko lang po kasi ang chance dahil nasa banyo si Rass....Baka lumabas na po kasi siya....”

“Okay....Thank you again.....”

Matapos iyon ay agad kong binalik kay ate Char ang cellphone at inayos ang aking sarili para hindi makahalata si Rass. Sakto naman na pagkabalik ko ng cellphone kay ate ay natapos na rin maligo si Rass.

Sa bahay nila Justin............

Mainit ang naging pagtanggap ni Justin at ng kanyang mga magulang sa amin. Kwentuhan doon kwentuhan dito, tawa doon tawa dito, ganyan ang naging eksena namin. Pero sa mga sandaling iyon, pinilit ko na lang na magmukhang masaya sa harapan nilang lahat.

Nang nakahanda na ang mga pagkain ay dinala nila kami sa kanilang hapag. Nagulat kami nila Rass at ate Char sa tumambad sa amin. Ang sabi nila ay simpleng salu-salo daw pero parang may fiesta sa dami ng mga pagkain na inihanda nila eh tatatlo lang naman kami na bisita nila.......

“Hala ang dami namang pagkain!....”sambit ni ate Char....

“Justin eto ka na naman...Para na namang may fiesta!....Hahaha....”pabiro kong dagdag......

“Hahaha....Ano ka ba!...Celebration nga toh di ba?!....Kasi ayus na iyong problema natin kay sir tapos nagkaayos na rin kami ng parents ko.....”sagot ni Justin.....

“Sabagay....Mukhang masasarap naman....WOW!...”sambit ni Rass....

“Hehe...Tsaka ayaw niyo pa iyon?...Parang despidida party na rin toh....”banat ni Justin.......

Biglang natahimik ang lahat sa mga sinabing iyon ni Justin. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla habang pagtataka naman ang kay Rass. Samantala, nagkatinginan naman kami ni ate Char. Mayamaya ay nabali ang katahimikan nang........

“Huh?...Justin anong despidida?...Meron bang aalis...?”nagtatakang usisa ni Rass......

“Ah...Eh...Wa...Wala!...WALA!!...Nagtritrip lang ako...Sige na kain na kayo...Huwag kayong mahihiya ah....”

At kumain na nga kami, habang kumakain ay muli kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa matapos kami.......

“Salamat po sa pagkain...”sambit ko.....

“Ahmmm....Chast halika!....Sama ka sa akin....May ipapakita sa iyo sa may swimming pool namin!...” biglang paanyaya ni Justin......

Alam kong gusto niya kong makausap para humingi ng dispensa sa nasabi niya kanina kaya naman pumayag ako. Sasama dapat sa amin si Rass buti na lamang ay nakagawa ng paraan si ate Char. Niyaya kasi siya ng mga magulang ni Justin na magpunta sa garden at nagpasama siya kay Rass.

Pagdating namin ni Justin sa may tapat ng swimming pool.......

“Chast sorry kanina ha...Nabigla ako eh....Akala ko kasi alam na ni Rass.......”

“Hindi pa...Ni hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya eh....”malungkot kong sambit.....

“Ha?!....Naku!...Kailangan mo nang sabihin kay Rass iyan....Wala nang oras....Dahil....”

At sa kalagitnaan noon biglang natigilan si Justin, nanlaki ang mga mata niya na tila nakatingin sa likuran ko. Kasunod noon ay ang biglang pagsingit sa usapan namin ng isang pamilyar na boses......

“Ano iyong kailangan mong sabihin sa akin...?!”

Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran at laking gulat ko nang tumambad sa akin si Rass......

“Ra...Rass...”

“Kinutuban ako nang masama sa sinabi ni Justin kanina, kaya pumuslit ako sa garden para sundan kayo dito....Ano toh?!...Ano tong tinatago mo mula sa akin Chast?!...”tila inis na usisa ni Rass......

“Ahmmm....Maiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap kayo nang masinsinan....”sambit ni Justin.....

Pagkaalis ni Justin.............

“Ano Chast?!....Magsalita ka!....”

“Kahapon...Hindi totoong inatake ng migraine ang daddy mo....Nagpanggap lang siya para mawala ka sandali....”

“Ano?!....Bakit kailangan niyang gawin iyon?...”

“Dahil gusto niya kong makausap nang personal at nang kaming dalawa lang.......”

Nang sabihin ko iyon ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Rass. Namutla siya at tila kinakabahan........

“Ahmmm.....Anong sinabi niya sa iyo?...Anong pinag-usapan niyo?....”mahinang tanong ni Rass na may impit pa sa kanyang boses......

“Una sa lahat, alam na niya na magboyfriend tayo.....”

Nanlaki ang mga mata niya sa aking sinabi at........

“Pa...Paano niya nalaman ang tungkol sa atin?!...Ga...Galit ba siya...?!”

“Noong nakita natin siya dati sa tapat ng eskwelahan natin....Nanggaling pala siya kay principal, nagkausap sila....Kaya nalaman niya ang tungkol sa atin.....Pero...Walang problema iyon sa kanya...Tanggap niya tayo.......”

“Teka....Bakit niya kinausap si principal?....Tsaka kung tanggap niya tayo...Bakit parang malungkot ka....?”

Tinibayan ko ang loob ko, pinigilan ko ang emosyong nararamdaman ko para mas maayos kong masabi ang lahat sa kanya.......

“Rass...Si tito Harry....Umuwi siya ng Pilipinas para....Para punan ang pagkukulang niya sa iyo....Para maging ama mo.....At kaya niya kinausap si principal ay para ipagpaalam ka....”

“Ipagpaalam sa ano?!...Chast pwede diretsuhin muna ko....”

“Gusto ka na niyang ibalik sa states para magkasama na kayo!....At kaya niya ko pahilim na kinausap ay para hingiin ang tulong ko sa pagkumbisi sa iyo na sumama na sa kanya!!....”

“Nagbibiro ka ba?!...Kapag sumama ko sa kanya ibig sabihin magkakahiwalay na tayo.....”

“Rass nakahanda na ang lahat para sa pag-alis niyo!...Nakabook na ang flight niyo!...”

Habang pinapaliwanag ko sa kanya ang lahat ay kitang kita ko ang unti-unting naiipon na luha sa kanyang mga mata. Napapangiti na naiiyak ang kanyang mukha habang nagsasalita siya, alam ko na pinipigilan lamang niya ang pag-agos ng kanyang luha.......

“Ahmmm...Kailan nga ang alis namin....?’

“Sa...Sa darating na linggo na....”

“Sabihin mo nga sa akin Chast...Hindi ka naman pumayag sa gusto niya di ba?...Hindi mo siya tutulungan di ba?...Pinaglaban mo ko sa kanya noh?....Ikaw pa....”

“Rass...Maniwala ka sa akin...Gustong gusto kita ipaglaban....Pero hindi kita pwedeng ipagkait sa daddy mo....At wala rin tayong magagawa dahil nasa murang edad pa tayo....”

“Chast akala ko ba tayo ang mag-aadjust sa panahon....”

“Pero mas makabubuti kung huwag na nating ipilit pa ang hindi pa pwede.....”

Sa puntong iyon ay tuluyan nang bumagsak ang luha niya. Natigilan siya at napatitig sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang sakit at lungkot na bumabalot sa mga mata niya. Kasunod noon ay bigla na lamang siyang tumalikod, lalakad na dapat siya pero hinawakan ko ang isa niyang kamay.......

“Rass teka....Huwag ka sanang magalit.....Masakit din para sa akin ang desisyon na toh, pero kailangan kong gawin ang tama....”

Hindi siya kumibo, nayuko lamang siya at ni hindi man lang tumingin sa akin. Mayamaya pa ay narinig ko ang mahina niyang pagtangis........

“Chast tama na....Simple lang naman iyan eh....Pinatunayan mo lang sa akin na hindi mo ko kayang ipaglaban!....AT IYON ANG MAS MASAKIT PARA SA AKIN!!!...”

Bumitaw siya sa kamay ko at tuluyan nang umalis. Ayaw kong maghiwalay kami na may tampo sa isa’t isa kaya naman sinundan ko siya para pigilan......

“Rass!.....Saan ka pupunta?!....RASS!!!....”

Sa lakas nang boses ko pati sila ate ay nabulahaw at napasunod, pagdating sa labas ng bahay ay saktong isang taxi ang napadaan. Agad na pinara ito ni Rass para sumakay. Gusto ko sana siyang sundan pa pero pinigilan ako ni ate Char. Ang sabi niya’y hayaan ko na muna daw si Rass para mas makapag-isip ito.

Samantala si Rass...........

Sa loob ng taxi ay tuluyan na kong napahagulgol. All my life, inasam-asam ko na kilalanin ako ng daddy ko at magkaayos kami. Pero hindi para maging kapalit ang isa pang tao na mahal na mahal ko. Nang dahil naman sa pag-iyak ko, nagtanong na tuloy sa akin ang taxi driver......

“Iho ayos ka lang ba diyan...?”

“Kung pwede lang po manong....Hayaan niyo na lang po ko....Masama lang po talaga ang loob ko ngayon eh....”umiiyak kong sagot.....

“Ahmmm...Saan ba kita ihahatid?....”

“Hatid niyo po ko sa hotel....”

Walang akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang harapin siya at alamin kung bakit biglaan na lang niya kong gustong ibalik sa states. Gusto ko rin mabigyang linaw kung bakit ngayon lang niya naisipang maging ama sa akin after all these years.

Makalipas ang halos trenta minutos na biyahe ay natanaw ko na ang hotel. Hindi na ko makapaghintay na makausap ang daddy ko. Pero laking pagtataka ko na lamang nang lumampas ang taxi sa hotel at dumiretso lamang ito nang takbo, kaya naman.........

“Manong!...Lampas na po tayo sa hotel!...Bakit hindi po kayo huminto kanina?!....”

“Ahmmm...”

Napansin ko na tila kakaiba ang ikinikilos ng driver, parang wala siya sa sarili, pagkatapos ay pinagpapawisan pa siya.........

“Iho....”tila kabado niyang sambit.....

“Manong may problema po ba?!...”

“Ka...Kanina ko pa kasi tinatapakan ang preno pero hindi gumagana....NAWALAN NG PRENO ANG TAXI!!!....”

“PO?!!!.....”

Kasunod noon ay isang pagewang-gewang na truck ang biglang sumulpot sa aming harapan...........

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Here Beside You (Part 25)
Here Beside You (Part 25)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s1600/Here+Beside+You.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgrCCMfSYOwyh4_IDiLbWVpBKfOvsdPjxTDb6W9iuIwcrj3RjIi20kwiwnkCu_i5YulojvZdFxqbY9crFZro0WPIssX4dqbH7kuUnN6jir37dMcGgWvDFa8SpAT7iKGDFxoYe49oeTrIgtO/s72-c/Here+Beside+You.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/10/here-beside-you-part-25.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/10/here-beside-you-part-25.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content