Here Beside You Forever... By: Chaster Rassel Si Rassel....... Nanlalabo pa ang aking paningin nang imulat ko aking mga mata. Nang u...
Here Beside You Forever...
By: Chaster Rassel
Si Rassel.......
Nanlalabo pa ang aking paningin nang imulat ko aking mga mata. Nang unti-unti na itong luminaw ay dahan-dahan kong pinagala ang mga mata ko sa paligid. Nasa ospital ako....Anong nangyari sa akin?...Ang naaalala ko lamang ay nawalan ng preno ang taxi na sinasakyan ko at may papasalubong sa amin na truck...Pagkatapos noon ay hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari.
Patuloy kong pinagala ang paningin ko hanggang sa napansin ko na nasa tabi ko pala ang daddy ko. Nakatingin siya sa akin na tila ba nabigla siya sa paggising ko. Totoo ba itong nakikita ko?...Siya ang nagbabantay sa akin?...Nag-alala siya sa akin?
“RASS!....Thank god you’re awake!!!...”
Sinubukan kong bumangon at umupo. Pero masakit, nanlalambot at nanghihina ang buo kong katawan lalo na sa bandang tagiliran ko kaya naman tinulungan niya ko. Pagkatapos niya kong maiupo........
“Wait for me...I’m just gonna call your doctor okay?...”
Lumabas na siya. Pero inabot ng limang minuto bago siya nakabalik kasama ang doktor. Habang tinitignan ako ng doktor, napansin ko na tila nag-iba ang timpla ng mukha niya parang naging malungkot siya........
“Your son is doing good now Mr. Almoneda....Thanks to the donor at naduktungan ang buhay niya....Although...”
Hindi natapos ng doktor ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang siningitan ng daddy ko.......
“Ahmmn doc!...So this means that he can be discharge soon...?”
“Yes...Kailangan na lamang niyang magpalakas....Ah...Sige..I got to go now.......”
Pagkaalis ng doktor ay maayos niyang isinara ang pinto. Kasunod noon ay tinitigan niya ko sa mata nang kagaya nung titig niya sa akin dati sa hotel na mamasa-masa pa ang mga mata niya. Umupo siya sa tabi ko, kinuha niya ang isa kong kamay at hinawakan ito........
“Alam mo ba....Naging malubha ang lagay mo matapos ang aksidente....I was so scared....I thought that you’re not gonna make it....Akala ko di na kita makakasama....ANAK....”naluluha niyang sambit habang hawak ulit ang isa kong kamay......
Nang marinig kong sambitin niya ang salitang anak ay parang may kung anong kumurot sa dibdib ko at naramdaman ko na lamang na may luha nang tumutulo sa gilid ng mga mata ko.
“I’m so sorry anak.....I’ve been a coward for a very long time...Kung nagkaroon lang sana ko ng lakas ng loob na harapin ka dati pa....All of these wouldn’t happen....Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo....Pero sana hayaan mong maipaliwanag ko sa iyo ang lahat......”
Dapat ay galit ako sa kanya pero ngayon hindi na ganun ang nararamdaman ko at ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya ay tila nawala na. Napagtanto ko rin na nalagay ako sa bingit ng kamatayan pero heto ako ngayon buhay, kaya naman dapat hindi ko ito sayangin.........
“Please give me a chance to make it up all to you Rassel....”
“There’s no need to explain anything to me anymore.....”
Pansin ko na tila nabuhayan siya ng loob sa aking sinagot........
“I mean...I’m now living my second life right?...So instead of wasting our time living in the past....We should just move on...Hindi naman na natin maibabalik ang nakaraan eh....Ang importante ay ang ngayon.....”
Hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin lamang siya sa akin kaya naman.......
“So what do you think?...DAD?!...”
Sa wakas ay nagawa ko na rin siyang tawagin na dad. Samantala napatayo naman siya sa aking sinabi at bigla akong niyakap nang mahigpit. Syempre yumakap din ako sa kanya dahil matagal ko na ring hinihintay ang pagkakataon na ito. Ngayon ay nagkaayos na rin kami.
Pero hindi pa rin mabubuo ang kasiyahan ko, nagtataka kasi ko sa sinabi ng doktor kanina at isa pa, hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap ni Chast. Kailangan ko siyang makausap nang maayos. At speaking of him, bakit kaya wala siya ngayon dito sa ospital?
Pagkakalas ni Dad mula sa pagkakayakap sa akin, pinahid ko ng kamay ko ang luha sa aking mga mata. Pagkatapos ay nagsimula na kong magtanong.......
“Ahmmm...Siya nga pala Dad...Awhile ago, the doctor said something about a donor....Ano bang nangyari sa akin?....Anong nangyari habang wala akong malay?...Tsaka bakit ikaw lang ang nandito?...Nasaan si Chast...?”
Sa dami ng tanong na lumabas mula sa bibig ko ni isa ay hindi niya nagawang sagutin. At bago pa man siya makapagsalita ay naputol na ang pag-uusap namin dahil biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Pumunta si Dad doon para alamin kung sino iyon. Naisip ko naman na malamang si Chast na iyon at tiyak matutuwa siya kapag nakita niya na nagising na ko.
Pagbukas ng pinto ay hindi pala ito si Chast at iyon ay walang iba kung hindi si Justin...........
“Ahmmm....Kukumustahin ko lang po si Rass....”
Napatingin siya sa akin pero kakaiba ang naging reaksyon niya. Imbis na matuwa ay natigilan lamang siya at napatahimik. Pinapasok siya ni Dad, nang makalapit siya sa akin ay agad kong napansin na tila haggard na haggard ang itsura niya at ang mga mata niya namumugto.....
“Sinabi sa akin ni tito Harry sa labas na nagising ka na raw....Kumusta na ang pakiramdam mo?...”malamya niyang sambit.....
“Eto nanghihina pa...Ngayon-ngayon lang din ako nagising eh...”
Hindi man lamang siya ngumingiti, lalo tuloy nadagdagan ang pagtatakang nararamdaman ko, kaya naman........
“Bakit ganyan ang mukha mo?...Hindi ka ba natutuwa na okay na ko?...”
“Ahmmmm......”
“Si Chast?...Bakit wala siya ngayon?...Dinadalaw din ba niya ko nung wala pa kong malay?...Para kasing naramdaman ko siya eh...”
Muli ay hindi na naman siya umimik at napatingin lamang siya kay Dad. Para bang may itinatago sila mula sa akin.......
“Bakit ba kayo nagkakaganyan?!...Ano bang hindi niyo masabi sa akin?!...”
“I think it would be better if we told him the truth already...”sambit ni Dad sabay tingin kay Justin.......
Napatingin muli si Justin kay Dad, pagkatapos noon ay nagsimula na siyang magpaliwanag......
“Rass....Halos tatlong araw kang walang malay...At napakaraming nangyari....”sambit ni Justin.......
“Anong ibig mong sabihin...?”
FLASHBACK, HAPON NANG MAGANAP ANG AKSIDENTE...........
Si Chaster...
Matapos ang biglaang pag-alis ni Rass ay nagpasiya kami ni ate Char na magpaalam na rin. Muling nagprisinta si Justin na ipahatid kami sa bahay at sumama pa siya mismo sa paghatid sa amin. Sa kalagitnaan ng biyahe namin pauwi ay bigla akong nakaramdam ng di maintindihan na kaba. Kasunod noon, biglaang tumunog ang cellphone ni ate Char na ikinagulat ko pa..........
“Oh anong nangyari sa iyo diyan?...Gulat na gulat ka ah...Eh iyong cellphone ko lang naman iyon eh....”usisa ni ate Char”
“Naku ate...Baka wala pa iyan sa sarili dahil sa nangyari kanina...”sambit ni Justin na nakaupo sa may harapan.......
“Ahmmm....Kanina pa kasi ako kinakabahan eh....Di ko alam kung bakit....”sagot ko sa kanila....
“Teka ha...Sagutin ko na nga ito...”sambit muli ni ate......
Sinagot ni ate ang tawag sa cellphone. Habang nakikipag-usap siya ay bigla niyang nabitawan ang cellphone. Siya naman ngayon ang tila nabigla at parang takot na takot sa kung anu man ang sinabi ng nasa kabilang linya......
“Ate bakit?...”usisa ko.....
“Ga...Galing sa ospital iyong tawag na iyon....Si...Si Rass naaksidente!...”
“ANO?!!”sabay naming sambit ni Justin..........
Kaya pala ko kinakabahan kanina pa, may nangyari pala kay Rass. Ngayon ang kaba na nararamdaman ko ay naging takot na. Dahil naman sa tawag na iyon ay dumiretso na kami agad sa ospital at tinawagan na rin ni ate si tito Harry.
Halos kasabay lang namin na dumating si tito Harry. Samantala, naabutan namin na hila-hila si Rass ng mga doktor at nurse sa isang stretcher, duguan siya at wala nang malay.Hindi ko na napigilang sumunod sa kanila at ganun din si tito Harry pero pagdating sa pinto ng operating room ay pinigilan na kami ng mga doktor dahil di na daw kami pwede doon. Ang tanging sinabi lamang nila sa amin ay kailangang maoperahan agad si Rass.
Naiwan kami nina tito Harry at Justin sa labas ng operating room habang kinakausap naman ni ate Char ang mga pulis na nagsugod kay Rass dito sa ospital. Di mapakali ang dalawa habang naghihintay na matapos ang operation kay Rass habang ako naman ay tahimik na nakaupo sa isang tabi.
Pero sa totoo lang, parang sasabog na ang dibdib ko. Ganitong-ganito ang sitwasyon ko noon nang maaksidente sina Mama at Papa. Naghihintay din ako sa labas ng operating room at takot na takot sa kung anong balita ang ihahatid ng doktor. Tila nauulit lamang ngayon ang lahat ng masasakit na pangyayari noon sa buhay ko.
Mayamaya ay bumalik na si ate Char..............
“What did the cops said?...”usisa ni tito Harry....
Lumapit siya kay tito Harry at nagsimulang magkwento tungkol sa mga sinabi ng pulis sa kanya. Mula sa kinauupuan ko ay narinig ko ito.......
“According to them...Nawalan ng preno iyong taxi na sinasakyan ni Rass....Then there was this truck na mabilis at pagewang-gewang ang takbo dahil lasing pala iyong driver.....Sinubukan ng taxi driver na umiwas pero nagkabanggaan pa rin sila...Nayupi nang husto ang bahagi ng sasakyan kung saan nakapwesto si Rass...Naipit daw siya, pero buti na lamang ay nakaresponde agad ang rescue team at naisugod siya dito sa ospital...”paglalahad ni ate.....
Gabi na nang sa wakas ay lumabas na rin ang doktor mula sa operating room. Napatayo ako habang sila naman ay lumapit agad dito. Nanatili lamang ako sa likuran nila dahil balot pa rin ako ng takot sa kung anong sasabihin ng doktor.........
“Doc, how’s my son?...Please tell me na okay na siya....”usisa ni tito Harry.......
“Nagtamo ho ng malalim na sugat ang anak niyo sa tagaliran mula sa aksidente....Maraming nawalang dugo sa kanya but we’ve manage to stop the bleeding....Pero.....”
Biglang napahinto ang doktor, tila may bagay na di niya magawang sabihin nang agad-agad sa amin.......
“Ahmmm...Doc ano po iyon?...Baka pwedeng sabihin niyo na sa amin....”usisa ni Justin.........
“Ang totoo....Tinamaan ang kidney niya, resulting to a kidney failure....Ang mabigat nito, mahina din ang isa pa niyang kidney.....Tatapatin ko na kayo...The only way to save him is if he will undergo a kindey transplantation within 24 hours or else...He’s not gonna make it.......”
Nang marinig ko ang mga sinabi ng doktor ay nanlamig ang buong pakiramdam ko. Hindi ako makaimik o makapagsalita at naging pigil ang paghinga ko. Habang nagpatuloy naman ang usapan nila........
“24 hours?!...Doc are you kidding me?!...We’re never gonna find a matching kidney donor in such a short time!....Are you telling us that Rassel is screwed?!....”inis na sambit ni tito Harry......
“That’s the exact same thing na dapat sasabihin ko sa inyo....Mahihirapan talaga tayo humanap ng donor....Sa ngayon wala pa rin siyang malay at inilipat muna namin siya sa ICU...Pero unless may kamatch siya na magprisintang magdonate ng kidney...I say na it’s useless to continue our diagnosis to him....”
“So that’s it?!...You’re just gonna let my son die?!...What kind of doctor are you?!....”
“Huminahon ho kayo...Wala namang may gusto nito...Pero talagang wala na kaming magagawa sa kaso ng anak niyo...”
“NO!...Don’t give me that crap!...Do something!...There’s has to be some other kind of way to save him!....”
Pansin kong nababalot na ng tensyon si tito Harry. Kaya naman bago pa lumala ang sitwasyon.......
“Tito tama na po!...”
Napahinto si tito Harry at lahat naman sila ay napalingon sa akin........
“Ang ibig ko pong sabihin....Wala rin naman maitutulong kung makikipagtalo pa tayo kay Doc di ba?...Manalangin na lang po tayo na may mabuting tao na magdonate ng kidney niya kay Rass.....Ahmmm...Doc...Pwede na ba namin siyang makita...?”
Dinala kami ng doctor sa may ICU upang makita namin ang kalagayan ni Rass. Nanlambot ako nang makita ko ang itsura ng nag-aagaw buhay na si Rass. Habang di na napigilan ni tito Harry ang maluha. Maging si ate Char, at si Justin ay ganun din. Ako lamang ang nag-iisa na nagpipigil ng nararamdaman.
Nanatili kami doon para bantayan si Rass. Mayamaya ay nagpaalam sa amin si tito, babalik muna daw siya sa hotel. Susubukan din daw niyang tumawag sa mga kakilala niya para humingi ng tulong sa paghahanap ng donor para kay Rass. At bukas ng umaga na lang daw siya babalik dito.
Habang binabantayan ko si Rass ay nanatili pa rin akong tahimik. Hanggang sa kinausap na ko nina ate Char at Justin..........
“Chast....Ano iyang ginagawa mo sa sarili mo?...”usisa ni ate sabay tapik sa balikat ko......
“Ate ano ba iyang sinasabi mo ha?...”
“Huwag ka nang magmaang-maangan....Kanina ka pa nagpipigil ng nararamdaman mo kaya ka tahimik...Hindi tama iyan Chast....”sambit ni Justin.....
“Wala kong alam diyan sa sinasabi niyo....Hindi ito ang oras para magbreakdown ako....Kailangan akong maging matatag para kay Rass...”sagot ko na may impit sa aking boses.......
“Matatag?..Kung gusto mong maging matatag kailangang harapin mo ang naramramdaman mo!...”sambit ni ate Char......
“Huwag mo sana kaming masamain pero nag-aalala rin kami sa iyo...Oo masakit para sa ating lahat itong nangyari kay Rass....Pero...”
“AYAW KO NANG MARAMDAMAN ANG SAKIT NA IYON!”bigla kong singit....
At dahil doon, tuluyan nang nabasag ang kanina ko pa pinipigilang emosyon.....
“Ayaw ko nang bumalik pa iyong sakit na naramdaman ko nang mag-agaw buhay sa harapan ko sina Mama at Papa at tuluyan silang mawala!...Kaya pinili kong pigilan ang sarili ko...Kahit na sa kaloob-looban ko ay nanginginig na ko sa takot dahil anumang oras pwedeng mawala sa atin si Rass!!....”umiiyak kong sambit.........
Sa puntong iyon ay inakap na lamang ako ni ate. Alam na alam din niya kasi kung gaano ako naapektuhan dati sa pagkawala ng mga magulang namin. Hindi naging madali ang lahat noon para sa akin, kaya hindi ko alam kung kakayanin ko kapag naulit ito ngayon kay Rass.
Nang mahimasmasan ako, habang nakaupo ako sa tabi ni Rass at hawak ko ang kamay niya, nagpaalam si ate Char. Uuwi muna daw siya, kukuha ng gamit ko at babalik siya bukas ng umaga. Nagpaalam na din si Justin dahil hinahanap na daw siya sa kanila at sabi niya ay siya na daw ang maghahatid kay ate pauwi. Sinabi din niya na kakausapin niya ang mga magulang niya dahil may koneksyon daw ito sa kidney center.
Buong gabi ay mag-isa kong nagbantay kay Rass. Ni isang saglit ay hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. At ni hindi ko na rin nagawang makatulog dahil alam ko na sa sitwasyon namin ngayon, bawat segundo at minuto na lumilipas ay mahalaga.
Kinaumagahan......
Pagdating ng umaga, si tito Harry ang unang-unang dumating at malungkot na malungkot ang mukha niya.......
“So how’s Rassel...?”sambit niya habang pareho kaming nakatitig kay Rass........
“Ganun pa rin po hindi pa rin nagbago...Tito...Ano pong nangyari sa pagkausap niyo sa mga kakilala niyo?.......”
Hindi kumibo si tito, umiling lamang siya na nangangahulugan na walang nangyari at maluha-luha pa ang mga mata niya habang ginagawa iyon.Tila nawawalan na siya ng pag-asa.......
“I also came to the hospital’s laboratory...To take the test if I can be a donor to Rass....Since I’m his father, I thought that we could be a match but...But we’re not.....”
Napalingon ako sa sinabing iyon ni tito. Naitanong ko sa sarili ko na bakit hindi ko agad naisip iyong naisip niya. Bakit hindi rin ako magpatest at baka sakaling ako ang kamatch ni Rass. At dahil doon, nagpasiya na ko na........
“Ahmmm....Tito...Can you watch Rassel for awhile?...I’m just gonna take a rest...Go out and perhaps get some fresh air...”
“Okay...Just go back quickly because your sister might look for you....”
Lumabas na ko, nang isasara ko na ang pinto ng kwarto ay bigla kong narinig ang pagtangis ni tito. Sumilip ako, panay talaga ang pag-iyak niya at.....
“Please don’t die Rassel....Please give me a chance na bumawi sa lahat ng mga kasalanan ko sa iyo....Mahal na mahal kita anak...”
Matapos kong marinig ang lahat ng iyon ay mas lalo akong naging desidido na magpatest. Wala akong nagawa dati nung manganib ang buhay ng mga magulang ko, kaya hindi ko hahayaan na maulit ito kay Rass ngayon. Lalo na’t alam ko na may taong naghihintay sa kanya.
Nagtungo na ko sa reception para magtanong kung nasaan ang laboratoryo. Sa paglalakad ko sa may pasilyo ay nasalubong ko si Justin........
“Oh Chast...Kumusta na si Rass?....”
“Ganun pa rin...Ano nga palang sabi ng mga magulang mo...?”
“Ah...Sabi nung contact ni Mommy...May pila daw kasi ang mga taong nangangailangan ng kidney dun sa center...Kaya imposible na mabigyan agad si Rass...”
“Kung ganun...Wala nang ibang paraan...”sambit ko sabay lakad...
“Ha?!..Teka saan ka pupunta?!.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman sa akin si Justin hanggang sa nakarating kami sa reception.......
“Ah ate...Saan po iyong laboratoryo dito?...Magpapatest po sana ko kung pwede ko magbigay ng kidney sa isang pasiyente dito....Kay Rassel Almoneda po...”
“Teka bata...Alam ba nang guardian mo tong gagawin mo?”
“Ate hindi pa naman po ako ooperahan eh...Magpapatest pa lang ako...Please lang po...Kaunting oras na lang ang natitira sa amin...”
Sinabi na rin niya sa akin kung nasaan ang laboratoryo at agad naman akong nagtungo doon habang patuloy pa rin akong sinusundan ni Justin.......
“Chast!...Chast sandali lang muna!...”sambit ni Justin....
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya..........
“Alam na ba ni ate Char itong gagawin mo?...”
“Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko kanina?..Tsaka ni hindi pa nga natin alam kung magkamatch kami eh...”
“Kung ganun....Magpapatest na rin ako...Saka ko na lang kakausapin ang mga magulang ko kung sakaling magkamatch kami ni Rass...”
“Ju...Justin.......”
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na ganito pala kami kahalaga ni Rass sa kanya. At hindi ko inaasahan na handa rin siyang mabigay ng kidney niya.....
“Alam mo Chast...Sa maikling panahon na nakasama ko kayo, sobra talaga kayong napalapit at napamahal sa akin....Hindi niyo lang naitatanong pero bestfriend na ang turing ko sa inyo ni Rass....At bilang bestfriend, ayaw kong nakikita na nasasaktan ang isa sa inyo...Kaya gusto ko kayong tulungan.....”
“Maraming salamat Justin....Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay itong gagawin mo para sa amin.....”
“Mabuti pa....Tara na sa laboratory....Umaandar ang oras ni Rass eh...”
Pumunta na kami at pareho kaming nagpatest. Hindi naman ito gaanong tumagal at natapos agad. Habang nasa labas kami ng laboratoryo at hinihintay ang doktor para sa resulta ay biglang dumating si ate Char.......
“Chast! Ano iyong sinasabi sa akin ng receptionist na magpapatest ka daw kung pwede kang magbigay ng kidney kay Rass?!!...”inis na sambit ni ate......
“Ate...Tapos na ang test...Pareho kaming nagpatest ni Justin...Hinihintay na lang namin iyong resulta....”
“Ano bang pumasok sa kokote niyong dalawa ha?!...Paano kung kayo naman ang mapahamak sa pinaggagagawa niyo?!!...”
“Ate nasa panganib ang buhay ni Rass...Ang taong mahal ko!...At hindi ako papayag na wala akong gagawin!....”
Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay dumating na ang doktor kaya naman natigil ang usapan namin.......
“Excuse me iho...Lumabas na ang resulta ng test niyo...”
“Ano pong sabi doc?...”usisa ni Justin....
“You’re not a match for the patient...Pero ikaw Chaster Amarines, you and Rassel Almoneda were a perfect match...”
Nakatinginan kaming dalawa ni Justin sa sinabi ng doktor at dahil doon, tila nagkaroon kami na pag-asa.......
“Kaya lang...Kahit na ikaw pa ang perfect donor for the patient, we cannot proceed to the operation without the consent of your guardian...Since you’re a minor.....”
Napatingin ako kay ate at.......
“Ate Char please...Nagmamakaawa ako sa iyo...Wala nang oras...Ito na lang ang paraan para maisalba si Rass...Pumayag ka na....”
Sandaling natahamik si ate, mayamaya pa ay.........
“Ahmmm....Doc, safe ho ba na maging kidney donor ang kapatid ko?...Hindi ho ba siya masyadong bata para dito...?”
“Well...Very rare na nagiging living donor ang isang adolescent na gaya ni Chaster...But in cases like this na exhausted na ang lahat ng way para mahanapan ng donor ang pasiyente....Let alone, we’re running out of time.....Isinasagawa pa rin ang transplantation...As long as my consent na ito ng guardian ng donor....Tsaka healthy naman siya kaya hindi tayo magkakaproblema.....”
“Sige ho doc...Pumapayag na ko....”
Napangiti ako at napaakap kay ate dahil sa kanyang pagpayag. Agad na inihanda ng doktor ang lahat para sa isasagawang operasyon. Pagkalipas ng isang oras ay isinama na ko ng doktor para simulan na ang lahat.
Kinagabihan........
Nagising ako na nakahiga na ko sa loob ng isang kwarto ng ospital. At ang unang tumambad sa akin ay sina ate Char at Justin. Nang sinubukan kong tumayo ay nataranta si ate at inalalayan ako.......
“Oh teka muna!...Dahan-dahan lang at baka bumuka iyang hiwa mo!....”sambit ni ate habang inaalalayan ako......
“Ate ano nang nangyari...?”
Nakaupo na ako at nagpatuloy ang pag-uusap namin..........
“Successful ang operation...Ligtas na si Rass sabi ng doktor...Hinihintay na lang na magkamalay siya....Malamang bukas na daw.....At dahil iyon sa pagbigay mo sa kanya ng kidney mo.....”sagot ni ate...
Nakaramdam ako ng matinding saya nang maranig ko ang magandang balita na iyon. Napanatag ang kalooban ko at para kong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan..........
“Ate...Pwede ba nating puntahan si Rass?...Gusto ko na siyang makita eh....”
“Hindi muna...Ang bilin ng doktor ay magpahinga ka...Huwag matigas ang ulo mo...Bukas na lang....Okay?...”
“Hmmm...Sige na nga....”
“Ano gusto mo bang kumain?...Nagugutom ka ba?...”
“Oo naman...Sobra....”
“Oh sige ibibili muna kita ng makakain.....Ahmmm...Justin ikaw munang magbantay kay Chast huh?...”
“Sige ate, akong bahala.........”sagot ni Justin......
Nang makaalis si ate Char ay umupo si Justin sa tabi ko at kaming dalawa naman ang nagkausap.......
“Mula ba kanina hindi ka pa umuuwi sa inyo?”
“Hindi pa...Tsaka nagpaalam naman na ko sa mga magulang ko na dito muna ko hanggat di pa kayo okay....”
“Salamat ha...”
“Wala iyon!...Iiwan ko ba naman kayo sa oras na kailangan niyo ng karamay....Siya nga pala.... Alam mo bilib ako sa pagmamahal mo kay Rass ah...Talagang lahat ibibigay mo kahit laman-loob mo....Hehe...”pabiro niyang sambit.......
“Ikaw din naman kanina nagprisinta ah...Nataon lang na ako ang kamatch niya....”
“OO nga....Pero syempre iyong sa akin ginawa ko as a bestfriend...Eh iyong sa iyo love eh...Alam mo na....Ayeee!...”
“Loko!...At least ngayon....Magiging maayos na ang lahat di ba....”
“Maayos?...Eh di ba nga isasama na ni tito Harry si Rass sa states....”
“Alam mo ikaw!...Minsan...Panira ka ng moment noh?!...Nagsasaya iyong tao eh...Bigla kang babanat ng.....ARAY!...”
Naputol ang pagsasalita ko at napasambit ako ng aray dahil biglang akong nakaramdam ng kirot. Mula ito sa tagiliran ko, marahil ay nabigla iyong hiwa dahil sa pagbangon ko.........
“Oh anong nangyari sa iyo?...Okay ka lang ba?...”nag-aalalang usisa ni Justin.....”
“Ahmmm...Okay lang...Kumirot lang...”
At sa kalagitnaan noon ay biglang may kumatok sa pintuan. Tinignan ni Justin kung sino ito. Si tito Harrry pala kaya pinatuloy namin siya........
“Your sister informed me that you’re already awake...How do you feel.....”
“I’m okay...Medyo kumirot lang iyong hiwa...”
“I see...By the way Chaster...THANK YOU!...I owe you my son’s life....And I’m very grateful to what you did...”
“It’s okay tito...I just did what has do be done...And beside that...I can’t just stand and watch while the person I love is suffering....”
“You really do love my son don’t you?...”
“Yes....Rass is my first love....And I love him more than anyone could know.....”
“Hmmm.....So that means I can trust you to look after him?...”
“What is that suppose to mean tito...?”
“I’ve decided not to take Rass with me anymore....After all he’ve been through....He deserves to be happy....And I know you’re the one that can give him happiness....”
“Is that true tito?!...You’re not gonna take him anymore?!...”
“Yah...I won’t...”
“But what about you?...I thought you want to make it up to him...”
“There are many ways to do that...And I can always visit him anytime I want...Can’t I?....”
Napaluha ako sa tuwa sa sinabi ni tito at napangiti naman si Justin. Sa wakas, hindi na namin kailangang magkahiwalay ni Rass. Magiging maayos na talaga ang lahat. Hindi na ko makapaghintay na magising siya at masabi ang lahat ng ito sa kanya, tiyak na matutuwa siya.
Kinabukasan..........
Pagkakain ko ng almusal, sinabihan ko sina ate at Justin na dalhin na ko kay Rass. Ang gusto ko kasi ay ako ang una niyang makikita paggising niya. Isinakay nila ko sa isang wheelchair para madala ko sa kwarto niya. Pagdating doon, minabuti nila pati na rin ni tito Harry na iwan muna kaming dalawa para daw may private moment naman kami.
Una ay pinagmasdan ko muna siya, kitang-kita ang himbing ng tulog niya. Kinuha ko ang isa niyang kamay, hinawakan ko ito at............
“Hay ang daya mo talaga....Ang tagal mong magising....Miss na kita eh....Rass...Alam mo kinausap ako ng daddy mo...Hindi ka na daw niya dadalahin sa states....Hindi na tayo magkakahiwalay...Wala na tayong problema...Magkakasama pa rin tayo..........”
At sa isang iglap, bigla ko na lamang naramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko kagabi sa tagiliran ko. Pero sobrang sakit nito ngayon na para bang binabarina ako......
“ARRRRRGGGGGHHHHHHH!!!...” hiyaw ko dahil sa sakit....
Nangingiyak at namamaluktot na ko dahil sa matinding sakit na naradama ko. Dahil doon ay nawalan ako ng balanse, natumba ang wheelchair at pati ako ay natumba mula dito. Kasabay noon ay naramdaman ko ang biglaang pagpisil ni Rass sa kamay ko. Hindi pa rin siya nagkakamalay pero nakahawak siya nang mahigpit sa akin kaya nanatili pa rin kaming magkahawak-kamay.
Ilang saglit pa ay dumating na sila ate.........
“CHAST!...Anong nangyayari sa iyo?!!” natatarantang sambit ni ate habang tinutulungan ako....
“Ate..........So.....Sobrang........SOBRANG SAKIT NG TAGILIRAN KO!!!....”nangingiyak kong bulalas.....
“HA?!!...Justin tumawag ka ng doktor...BILISAN MO!!!...” sambit ni ate....
Tumakbo na papalabas si Justin. Nagtulong naman sina ate Char at tito Harry para alalayan akong makatayo. Agad na bumalik si Justin kasama ang doktor. Sinabi ng doktor na kailangan akong dalhin sa emergency room para agad akong matignan. Pero kahit na namimilipit na ko sa sakit, ayaw ko pa ring umalis at nakahawak pa rin ako sa kamay ni Rass habang sinusubukan nila kong hilain......
“Ayaw ko!...Gusto kong makita ako ni Rass kapag nagising siya!!....” humahagulgol kong sambit......
“Hindi pwede ang gusto mo Chast!...”sambit ni ate....
“Chast makinig ka sa amin!...Kailangan kang matignan ng doktor!...”dagdag ni Justin.....
“Ayaw ko!...ARRRGHH!!...RASSEL!!!...”
Napansin ko na bigla na lamang may tumulong luha sa gilid ng mga mata ni Rass pagkatapos ay naramdaman ko ulit ang pagpisil niya sa kamay ko. Pero sa puntong iyon ay pwinersa na nila ko kaya dahan-dahan akong napabitaw sa kamay niya.
Habang hinihila nila ko papalabas ay nakaangat pa rin ang kamay ko. Gustong-gusto kong abutin muli ang kamay niya pero unti-unti na kaming naglayo hanggang sa mailabas na nila ko mula sa kwarto at ang tangi ko na lamang nagawa ay ang isigaw ang pangalan niya........
“RAASSEEEEEEEEELLLLLLLLLLLL!!!!”..............
BALIK SA KASALUKUYANG ORAS...........
At kinuwento nga ni Justin sa akin ang lahat ng mga nangyari. Mula nung araw na nangyari ang aksidente, ang pagbigay ni Chast ng kidney niya sa akin para mailigtas ako, hanggang sa kung anung nangyari kanina nang pumunta siya dito sa kwarto ko.
Nang marining ko ang tungkol sa nangyari kanina ay bigla akong kinabahan. Lalo na’t bigla ring napahinto si Justin sa pagsasalita at nagsimula siyang tumangis..........
“Justin bakit?!...Anong nangyari kay Chast?!...”
“Na...Napag-alaman ng mga doktor na nagkaroon siya ng internal bleeding kaya kinailangan siyang operahan ulit....Pero masiyado na raw itong tumagal kaya nahirapan silang agapan toh....”humahagulgol niyang sagot......
Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya ay nagsimula nang manlabo ang paningin ko dahil sa naiipong luha sa aking mga mata...........
“Anong ibig mong sabihin na nahirapan silang agapan?!....Hindi kita maintindihan Justin!!...”naluluha kong usisa.....
“5 minutes ago....Binawian si Chaster ng buhay sa loob ng operation room habang inooperahan siya....WALA NA SI CHASTER!!!...WALA NA SIYA!!!!...”
“Hmph!....5 minutes go?!...Eh iyon din ung oras na nagising ako ah!....Pinaglololoko mo ba ko?!...Siguro...Siguro pinagtritripan niyo ko ni Chast noh?!....Malamang nandiyan si Chast sa labas at pinagtatawanan na ko ngayon!....”
“Hindi!....RASS NAGSASABI AKO NG TOTOO!!....”
“Dad halika, alalayan mo ko...Take me to Chast now....”
“NO!!!...RASS LISTEN TO ME!!....”malakas na sagot ni Dad....
Napahinto ako, pero tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Samantala, hinawakan naman ako ni Dad sa magkabila kong balikat at tinitigan ako sa aking mga mata.............
“Justin is telling the truth!....CHASTER IS GONE....”sambit niya habang mamasa-masa pa ang mga mata niya.....
Hindi na ko nakapagsalita pa, napahagulgol na lamang ako nang sobra-sobra hanggang sa umalingawngaw sa buong kwarto ang malakas kong pagsigaw..........
“ARRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGGHHHHHHHH!!!!!!!!!!!.....”
Gumuho ang mundo ko sa pagkawala ni Chast. Habang nagpapagaling ako sa ospital ay naging bugnutin at mainitin ang ulo ko. Kapag pinapakain ako ay wala akong gana at kung kumain man ako ay napakakaunti lamang. At higit sa lahat ay ayaw kong kinakausap ako at ang gusto ko ay mapag-isa lang.
Makalipas ang isang linggo ay pinayagan na kong makalabas ng doktor, sakto naman ay tumawag na kay Dad ang management ng condo. Pwede na daw bumalik kaya naman doon na kami tutuloy. Papagabi na iyon nang lumabas kami ng ospital kaya naman diretsong uwi kami. Pero habang nasa taxi kami, sa biyahe.......
“Don’t you want to go to Chaster?...Tonight is the last night of his funeral.....”usisa ni Dad........
Hindi ako sumagot at lumingon lamang ako sa bintana kaya hindi na rin ako kinulit ni Dad. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko haharap kay ate Char at lalong lalo na kay Chast. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil kung tutuusin, kasalanan ko kung bakit nawala si Chast.
OO, sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng mga nangyari. Kung hindi niya binigay sa akin ang isa niyang kidney, eh di sana buhay pa siya ngayon. Ako dapat ang namatay at hindi siya. Napakasakit at napakahirap tanggapin na ako pa mismo ang naging dahilan ng kamatayan ng taong mahal na mahal ko.
Pagdating namin sa condo at pagbaba namin mula sa taxi, biglang sinabi ni Dad na may nakalimutan daw siya sa ospital. Dahil doon ay pinauna na niya ko sa loob at babalikan muna daw niya ito.
Pagpasok ko sa condo ko ay napaka nostalgic ng aking pakiramdam. Matagal din akong hindi tumira sa lugar na toh at namiss ko ang ambiance at environment dito. Nagtungo ako sa may sala at naupo sa may supa. Sa gitna ng aking pag-iisa hindi ko naiwasang maalala iyong araw na dinala ko si Chast dito dahilan makaramdam ako ng matinding pangungulila at lungkot.
Mayamaya ay nakarinig ako ng tunog na parang may pumipitik-pitik mula sa bintana. Tumayo ako, nagtungo ako doon at binuksan ko ang kurtina. Ang tunog pala ay mula sa malakas na buhos ng ulan sa labas. Habang pinanonood ko ang ulan mula sa bintana, naalala ko na dito pala mismo sa tapat ng bintana na toh kami nagtapat ni Chast ng pagmamahal namin sa isa’t isa. At dito rin naganap ang una naming halik bilang magkasintahan. Hindi ko na nakaya pa ang nararamdaman ko, napadantay ako sa salamin ng bintana at nagsimula akong humagulgol...........
“Miss na miss na kita Chaster....Bakit mo ko iniwan?!....Ang daya mo!!....ANG DAYA-DAYA MO!!!....”humahagulgol kong hiyaw..........
Sa kalagitnaan ng pagbulalas ng damdamin ko, isang malabong imahe ng tila isang taong nakatayo sa likuran ko ang naaninag ko mula sa salamin ng bintana. Unti-unti itong luminaw, natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. Iyon ay walang iba kung hindi si Chaster. Dahan-dahan akong napalingon, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, talagang si Chaster nga. Nakangiti siya sa akin pero naluluha ang mga mata niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at.........
“Chast?...Totoo ba toh?!...Pa...Paanong nangyari toh?!...”usisa ko habang umaagos ang luha mula sa aking mga mata........
“Hindi na mahalaga iyon....Rassel....Naparito ko para magpaalam sa iyo.......”
“Chast patawarin mo ko...Kasalanan ko itong lahat kaya ka.....”
Naputol ang pagsasalita ko dahil biglaan na lamang niya kong kinurot sa aking singit......
“ARAY!!!...Bakit mo ginawa iyon?!”sambit ko sabay kiskis sa aking singit......
“GAGO KA KASI!!!....Hindi ko sinakripisyo ang buhay ko alang-alang sa iyo para lang gawin mong miserable iyang sarili mo!!...Umayos ka Rassel Almoneda!!!....”
“Pero Chast...Kasalanan ko ang lahat eh...”
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinahid niya ng daliri niya ang mga luhang patuloy pa ring umaagos...........
“Makinig ka!....Hindi mo kailangang maguilty.....Wala kang dapat isisi sa sarili mo...Lahat ng mga ginawa ko, ginawa ko iyon dahil mahal kita at dahil gusto kong mabuhay ka...Para sumaya ka kasama ang daddy mo....”
“Chast...Hindi ko alam kung kakayanin ko nang wala ka....”
“Hindi Rass....Kakayanin mo toh....At makakaya mo...Alam mo kung bakit?....Dahil namatay lang ako, pero kahit kailan hinding hindi ako mawawala....Palagi kitang babantayan....”
Kinuha niya ang isang kong kamay at pinatong ito sa kaliwa kong dibdib habang ang isa naman ay tinapat niya sa gilid ng ulo ko.......
“Iyan...Nandiyan lang ako sa dalawang iyan....Isipin at damahin mo lang ako at magkakasama na tayo...”lumuluha niyang sambit......
Sa puntong iyon ay hindi na ko makapagsalita dahil hindi ko mapigilan ang pag-iyak at paghagulgol ko......
“Siya nga pala....Pakisabi kay ate Charlene na mahal na mahal ko siya...Na huwag na siyang malungkot at umiyak dahil gaya mo babantayan ko din siya....AT ALMONEDA, RASSEL H.....MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA.....”
Matapos iyon, naramdaman ko sa huling pagkakataon ang mainit at mahigpit niyang yakap, kasunod noon ay ang matamis niyang halik. Sa isang iglap, nahuli ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa may supa habang umiiyak. Naiintindihan ko na ngayon kung anong nangyari, panaginip pala ang lahat. Dinalaw ako ni Chaster sa panaginip para malinawan ang isip ko at makapagpaalam siya sa akin nang maayos.
Dahil sa nangyari, nang makabalik si Dad ay agad akong nagpasama sa kanya para pumunta sa huling gabi ng funeral ni Chaster. Pagdating namin ay si Justin ang unang sumalubong sa akin...........
“Akala ko di ka na darating eh....Baka magtampo sa iyo si Chast niyan....”sambit niya.......
“Hmph...Si Chast magtamtampo?...Imposible iyan....”
“Ha?....Paano mo naman nasabi?....”
“Basta alam ko lang....”
“Ang gulo mo naman...Sige na...Hinihintay ka na dun ni ate Char....”napapakamot sa ulo niyang sambit sabay turo kay ate Char na nakatayo sa tapat ng mga labi ni Chast.......
Lumapit na ko sa kanya ngunit masyado siyang tutok sa pagkakatitig kay Chast kaya hindi niya ko agad napansin. Kaya naman..........
“Ahmmm....Ate.....”
Dun lamang niya ko napansin at napalingon siya sa akin........
“Kumusta ka na?...”usisa niya.....
“Okay na ko ate....At dahil iyon sa kapatid mo...”
Inakbayan ako ni ate pagkatapos ay muli siyang tumingin kay Chast at ganun din ako. Habang pinagmamasdan ang labi ni Chast ay di ko na napigilan na muling maging emosyonal at maluha. Kailan hindi ko inimagine na may mangyayaring ganito sa amin ni Chast..........
“Iniwan na tayo ng kapatid ko Rass....”naluluhang sambit ni ate.....
“Ate....Galit ka ba sa akin?....”
“Hindi....Ano ba iyang pinagsasasabi mo?...Hindi naman kita sinisisi sa pagkawala niya eh....Ginawa ni Chast ang lahat dahil sa pagmamahal niya sa iyo....Isa pa, hindi mo naman ginusto na mawala siya eh....”
“Hmph...Magkapatid nga talaga kayong dalawa....”
“Anong ibig mong sabihin...?”
“Kanina kasi ate...Dinalaw ako ni Chast sa panaginip ko para magpaalam....And he also said the exact same thing you just said right now ,kasi nga sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya.....”
“Kaya pala....Alam mo....Siya na lang ang nag-iisa kong kapamilya tapos nawala pa siya.....Kaya hindi ko alam kung paano ko tatanggapin toh.....”
At tuluyan na ngang naiyak si ate Char, pero naalala ko ang ibinilin sa akin ni Chaster kaya naman..........
“Ate Huwag!....Huwag kang malungkot....Hindi gusto ko iyan ni Chast....”sambit ko.......
“Pero....Pero wala na ang kapatid ko....Wala na kong kapatid....”
“Ate alam mo ba....Ang sabi sa akin ni Chast, huwag daw tayong malulungkot dahil hindi naman siya mawawala....Binabantayan lang daw niya tayo......”
“Sinabi talaga niya iyan...?”
“OO ate....At alam mo ba kung ano pa ang sinabi niya?...”
Tumingin sya sa akin at pinahid ang kanyang mga luha.......
“Ano...?”
“Mahal na mahal kaw daw niya....Kaya dapat itigil na natin ang pag-iyak na toh.....Kailangang matutunan nating maka move on sa pagkamatay niya.......”
Nang sumunod na araw ay kinailangan na namin gawin ang isang napakahirap at napakasakit na bagay. Iyon ay walang iba kung hindi ang ihatid na si Chaster sa kanyang huling hantungan. Ito na iyon, matapos nito ay talagang hindi na namin makikita pa si Chast. Mabigat man sa kalooban ay pilit naming kinaya na gawin ito.
Matapos ang libing ay binigyan ako nang pagkakataon nila Dad, ate Char at Justin na mapag-isa sa tapat ng puntod ni Chast. Kahit na sinabihan ako ni Chaster na huwag na akong iiyak ay hindi ko pa rin mapigilan ito.........
“Chaster....Huwag kang mag-alala....Pinapangako ko sa iyo na ipagpapatuloy at aayusin ko ang buhay ko......Hindi ko sasayangin ang pagbigay mo ng buhay mo para sa akin...Salamat ha....Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga mo sa akin.....At higit sa lahat....SALAMAT SA PAGSASAKRIPISYO MO....Hinding hindi kita malilimutan....Mamimiss kita nang sobra....MAHAL NA MAHAL NA MAHAL DIN KITA AMARINES, CHASTER V..........”umiiyak kong sambit.......
At nagpatuloy nga ang aming buhay. Tinuloy ng mga magulang ni Justin ang kaso laban kay Mr. Diaz. Kahit na wala si Chast, naging sapat ang mga testimonya namin ni Justin pati ang ebedinsyang video para maipanalo namin ang kaso. Sa bandang huli, nahatulan si Mr. Diaz na makulong at sa wakas, nakuha na rin ni Justin ang hustiyang matagal na niyang hinahangad.
Muli na ring nag-enroll si Justin para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Bukod doon ay nanatili rin kaming matalik na magkaibigan. Samantala, si ate Charlene naman ay napromote sa kanyang trabaho kaya naging busy siya. Kung minsan nagkikita-kita kaming tatlo nina Justin para sabay-sabay na dumalaw kay Chast.
Ako naman, nagpasiya ko na sa pagtatapos ng school year ay babalik na ko sa states para magkasama na kami ni Dad. At para doon na rin ipagpatuloy ang aking pag-aaral at buhay.
MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN, ARAW NG PAG-ALIS NI RASSEL PAPUNTANG STATES.......
Bago ko tuluyang umalis ay dumalaw ako kay Chast. Nagdala ko ng bulaklak at nagdasal na rin. Pagkatapos..........
“Chast...Gaya ng pangko ko sa iyo, aayusin ko ang buhay ko....Kaya babalik na ko sa states.....Sorry ha...Baka matagalan bago kita madalaw ulit....”
Nang paalis na ko sa seminteryo ay napatingin ako sa isang puno na naroon at bigla kong naalala ang tambayan namin ni Chast. Tumingin ako sa aking relo, may tatlong oras pa bago ang flight ko. Nagpasiya ko na puntahan at silayan ang tambayan sa huling pagkakataon.
Pagdating ko doon ay milagrong hindi pa rin nagbabago ang kagandahan ng lugar. Sa totoo lang kasi, mula nang mawala si Chast ay hindi na ko nagagawi dito. Hindi ko maintindihan pero kakaiba ang nararamdaman ko habang nililibot ko ang tambayan.
Nagpunta rin ako sa punong tambayan namin ni Chast. Laking gulat at pagtataka ko nang may makita akong nakaukit dito........
“CHASTER LOVE RASSEL....I’M HERE BESIDE YOU FOREVER....”
Habang pinagmamasdan ko ito ay bigla kong naramdaman ang pag-ihip ng mainit na hangin sa aking batok. Dahan-dahan akong napalingon, mayamaya pa, nahuli ko na lamang ang aking sarili na napapangiti habang may mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.
- WAKAS -
COMMENTS