By: Chard I've been a fan ng website na ito. Hindi ko inakala na dito ko lang pala maikkwento itong story ko. Ako nga pala si Chard. 20y...
By: Chard
I've been a fan ng website na ito. Hindi ko inakala na dito ko lang pala maikkwento itong story ko. Ako nga pala si Chard. 20years old. Masasabing crush ng bayan. may height na 5'9", gym built ang katawan, at maputi na sabi nga ng iba kung kaibigan ay pwedeng model daw ako ng glutathione products. Minsan nga ang tawag nila sakin ay "Glow in the Dark" kasi kapag madilim ehh kitang kita parin daw ako. Masasabi ko na BI talaga ako kasi since highschool nagkakagusto na ako sa mga classmate kung boys.
First day of class sa college, excited pero syempre nangingibaw parin yung kaba. sino ba naman kasi ang hindi kakabahan? kasi bagong environment bagong mga taong makakasalamuha, at syempre bagong pakikisama. Di ko alam ang gagawin ko pagdating ko sa bago kong school. Pagpasok ko, tumingin tingin muna ako sa paligid. Nagmamasid at parang may hinahanap. Lakad lakad lang at nagtu-tour sa campus para mafamiliarize sa paligid. Ang pasok ko ay 8:00 at 7:00 pa lang nasa school na ako kaya nagpalipas muna ako ng oras. Sa paglalakad ko may napansin akong freedom wall. Na amaze ako kasi ang daming nakasulat. Meron pa nga dun na parang nagsasagutan na dalawang tao na magkaaway. Feeling ko nagbabasa ako ng komiks. Di ko namalayan sa pagbabasa ehh paatras pala ako ng paatras kasi ung binabasa ko nasa taas na banda. Di ko sinasadyang may natapakan akong paa na paglingon ko ehh isang lalaki pala. kung idedescribe ko siya, mga 5'6" lang ang height niya, medium built at maputi din.
"Sorry, pasensya na di ko napansin" ang sabi ko.
"Okay lang, di rin kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko" ang sagot niya saakin
"Sige mauna na ako" ang sabi ko ulit
"Sige" sagot niya
Habang naglalakad siya palayo di ko napansin din na titig na titig ako sakanya hanggang mawala siya sa paningin ko. Regret ko lang talaga hindi natanung yung pangalan niya. "RIIIIIINNNNGGGG!" nag bell na at dali dali naman akong tumakbo sa classroom ko. Pagdating ko marami nang tao sa classroom pero wala parin ung professor. Naghanap ako ng upuan, tsempo na may bakanteng row pa sa likod at dun na lang ako naupo. Maya maya pa ay dumating na yung professor namin. Nagpapakilala isa isa at syempre ako din. Pagkatapos ko magsalita ay biglang may kumatok sa pinto.
"Eto po ba yung Math Class?"
"Eto nga, sige maupo ka na" sagot ng prof namin
Umupo siya sa may bandang harapan. Di ko muna siya pinansin kasi busy ako sa pagkalikot sa bag ko. Maya maya din ay nagdismiss na. Dali dali akong lumabas kasi naiihi na ako. Pero bago pa man ako makalayo ehh may kumalabit saakin. Laking gulat ko ng yung kumakalabit saakin ehh yung lalaki kanina na nabanga ko.
"Di ba ikaw yung nabanga ko dun sa may freedom wall?" tanung ko.
"aii oo ako yun, magkaklase pala tayo sa math?" sagot niya saakin.
"Pansin ko nga ehh"
"Anu pala ang pangalan mo?" muli ang tanung ko sakanya"
"Ako nga pala si John, ikaw anung pangalan mo?"
"Ako si Chard, Nice to meet you" sabay abot ng aking kamay.
"nice to meet you too" inabot din niya ung kamay nya. malambot ito at ang sarap hawakan.
Pagkatapos nun parang naramadaman kung namumula ako. Hindi ko alam kung bakit kaya bigla na lang akong tumalikod at naglakad ng mabilis. Tumingin ako sa likod at tinignan kung sinundan niya ako. Hindi naman siya sumunod. Dumiretso na ako sa CR at umihi. pagkatapos naghugas ng kamay at naghilamos. Pag tingin ko sa salamin nandun siya sa likod ko. Nagulat ako.
"Kanina ka pa dyan John?"
"Hindi kakapasok ko lang mag huhugas lang din ako ng kamay. May klase ka pa ba?"
"Sabi ko wala na ehh. Kakain sana ako. Gusto mo sumama?"
Di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at niyaya ko syang sumama sakin para kumain. Di naman siya nagdalawang isip at sumama siya saakin.
Nasa Cafeteria na kame at namimile ng pagkain. pagkabayad eh naupo na kame.
"Wala ka pa bang kilala sa school na to?" tanung ko sakanya.
"Bagong pasok lang din ako dito."
"Anung course mo?"
"ako? BS IT ako, ikaw?"
"BS IT rin. akalain mo yun parehas tayo ng course, Pwede ko bang mahiram yung Schedule mo?"
sabi ko "Bakit?"
"Titignan ko lang sana kung magkaklase ba tayo sa ibang subject natin"
iniabot ko naman ung schedule ko. Tuwang tuwa ako at di ko nanaman maintindhan kung bakit nung sinabi nya saakin na Laht ng subjects namin ay parehas ng schedule. Siya rin naman ay natuwa dahil daw meron na daw siyang makakasama sa lahat ng oras. Kami ay nagkwentuhan habang kumakain at dun ko lang nalaman na 2 lang silang magkapatid. Isang lalaking mas bata sa kanya sa kanya ng 10 taon. siya naman ay 19 years old. ang tatay niya ay nagtatarabaho sa saudi at nag nanaman niya ay manager sa isang banko. Palaging silang tatlo ng kapatid at katulong nila sa bahay nila. Natapos na rin kumain at bumalik na kame sa classroom namin. As usual kami magkatabi. Lagi kaming magkausap at kung ano ano ang pinaguusapan namin.
Natapos na lahat ng klase ng araw naming yon. Tinanung ko siya kung san siya pupunta.
"Pre? uuwe ka na ba?" sabi ko
sagot niya saakin "Oo sana ehh. ikaw?"
"Tinatamad pa akong umuwe, kasi ako lang tao sa bahay."
Kame ay may kayang pamilya. Nanay ko ay business, tatay ko ay isang teacher sa public school at maeron akong dalawang kapatid na nagtatrabaho na at gabi na rin kung umuwe kagaya ng nanay at tatay ko.
sabi niya saakin " Kung gusto mo punta ka lang sa bahay namin"
"Sige, since wala pa rin naman akong alam na matatambayan."
Habang naglalakad kami. Patuloy parin ang kwentuhan namin. Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami ng katulong nila.
nagulat ako sa laki ng bahay nila. Meron silang sasakyan, garden at malaking gate.
"Sir akin na po yung bag nyo, Di nyo naman po sinabi na may kasama kayong classmate nyo"
"Okay lang, manang pag handa mo na lang kami makakain, nagugutom na kasi ako."
"Sige po."
Sosyalin dba? ahahahah ... pero parang simple lang siya kung titignan mo. walang ka angas angas sa katawan at hindi siya nang mamata ng tao. para sa kanya, lahat ng tao pantay pantay lang. kaya masasabi kong mabait siya.
(to be continued)
COMMENTS