$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Bestfriend's Love Story

By: Jerome Naniniwala ba kayo sa tadhana? Naniniwala ba kayo na pagkakasala ang pagmamahalan ng dalawang lalaki o dalawang babae? Kung a...

By: Jerome

Naniniwala ba kayo sa tadhana? Naniniwala ba kayo na pagkakasala ang pagmamahalan ng dalawang lalaki o dalawang babae? Kung ang pagibig ay para lamang sa isang lalaki at isang babae, bakit may may mga taong pareho ang kasarian na tila nakatadhana sa isa’t isa? Ito po ang kwento naming ng bestfriend ko.

2005. Yan ang unang taon ko sa kolehiyo. Kabado, takot, excited. Iyan ang nararamdaman ng halos lahat tuwing unang araw sa kolehiyo. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan eh lahat ng nakapaligid sayo ay bago.

Ako nga pala si Jerome, pero Rom/Rome ang tawag nila sakin. 16 years old pa lang nung mga panahon na yan. Black hair, brown eyes, light skin, may eye glasses at chubby. Yeap! hindi ako yung hot na guy na lagi niyo nalang nababasa. Walang abs, walang muscles, wala ring hilig sa sports. Pero hindi naman ako obese or overweight. Chubby lang, as in may baby fats pero kung tatanungin naman sila, eh normal lang yung size para sa age and height ko. Straight ako... dati. Ngayon? ewan ko. lecheng pagibig yan. (joke lang)

Nang marating ko na ang classroom na nakalagay sa registration form ko ay huminto muna ako sa may pinto at dinouble check kung tama. "room D321"

mahina kong bulong sa aking sarili. Pumasok na ako at napansin na konti na lang ang bakanteng upuan, at halos ng mga iyon ay nasa harap. Tahimik ang block nang tumingin sila sakin habang pumasok ako sa classroom. Ang awkward kaya umupo nalang ako sa may harap, medyo gilid kasi pag sa gitna, baka lagi akong mautusan ng mga teacher. ganoon kasi samin nung high school. After 15 minutes, may group of students na pumasok sa room namin.

"Good morning guys! Welcome to our college. I'm your ate Shelly btw, and I'm the president of our organization. With me are the officers who will be leading our organization this academic year" sabi ni ate Shelly in a conyo way.

Sinimulan ng magpakilala ng officers sa harap namin at nagsabi na kung may mga tanong o kailangan kami ay sakanila lang lumapit at wag daw mahihiya.

"okay guys para magkakilala na kayo ay isa isa kayong tatayo at magpapakilala" Sabi ni kuya Jun, vice president. "kanino tayo magsisimula?" dagdag pa niya.

Tumingin ako sa likod at halos lahat sila dito sa harap nakatingin, hindi. hindi lang sa harap. sakin sila nakatingin.

"sa likod nalang po" sabi ko sa vice president kasi malapit lang siya sakin.

"sige sa likod na-" hindi natapos ang sinasabi ni Kuya Jun kasi biglang may pumasok na lalaki. Blockmate din yata namin? Pawis na pawis at ang daming dala parang galing ng outing.

"sorry I'm late, late po nagising" sabi nung lalaking kadarating lang

"very well then, sayo nalang tayo magsisimula" sabi ni kuya Jun.

"po? ano pong gagawin?" sabi niya habang hingal na nilalagay yung mga gamit niya sa upuan katabi sakin.

"magpapakilala ka lang"

"Ah" sabay harap sa klase "Morning guys, I'm Harvey. From Sta. Rosa, Laguna. 17 years old and.. single" sabi niya ng nakangiti sabay upo.

Nagtawanan naman ang klase.

"Oh ikaw na next" sabi sakin ni kuya Jun.

Tumayo na ako at nagsimulang magsalita "Hi my name is Jerome, just call me Rom. i'm 16 years old from South MNL." ngumiti lang ako at umupo na.

pagupo ko kinalabit ako ni Harvey "bro, kanina pa kayo dito?"

"Medyo, pero wala ka namang imporatante na na-miss" sabi ko

"Ah ok. thanks bro"

tumango lang ako at ngumiti at tinuon ang pansin ko sa nagpapakilala.

Ang daming magaganda sa klase namin. si Jane, Tin, Marga. pero ang pinaka maganda para sakin, si Melanie. Naging instant crush ko agad siya, hindi lang maganda, maayos pa manamit, laging nakangiti at maganda ang boses.

"Hi I'm Melanie, 16 years old from South Manila" sainabi yung 'south manila' na nakatingin sakin at nakangiti. Nginitian ko nalang rin pero ayoko mag assume. kaya humarap nalang ako ulit sa may board.

"Yieee. first day na first day may chicks ka na ah" pang aasar sakin ni Harvey.

Loko din to no, feeling close? haha. "Hindi ah" natatawa kong sagot sakanya.

Maayos naman ang naging first day ko. nang matapos na ang last subject ay nauna na akong lumabas at dumertso sa dorm na tinutuluyan ko. Pagdating ko sa dorm ay magisa pa rin ako na pinagtaka ko kasi ang dorm na yun ay para sa dalwang tao at hanggang ngayon, wala pa rin yung kadorm ko.

Mga after 10 minutes, may kumatok. Andiyan na yata siya. sana lang eh matino at malinis rin kagaya ko.

Kumatok ulit. "Hello po?" sabi niya.

wait lang, parang kilala ko yung boses.

binuksan ko ang pinto at tama nga ako. "Uy.” Sabi ko habang inaalala ang pangalan niya. “Ahh…Harvey, tama ba?"

"yup. Ah, Jerome right? dito dorm mo?”

" Oo eh. wag mo sabihin dito ka rin?"

"Bakit ayaw mo?" sabay tawa siya

"Di naman. nakakagulat lang. Pasok ka"

Kaya pala ang dami niyang dalang gamit kanina, galing pa siya sa kanila sa Sta. Rosa.

"bakit di ka pa kahapon dito?" tanong ko sakanya

"birthday kasi ng kapatid ko kahapon, kaya ngayon lang ako nakapunta"

"Ahh.kaya pala. belated sa kapatid mo"

natawa siya at sumagot ng "salamat"

Dito ko napansin na may hitsura din pala itong is Harvey. Medyo maputi rin siya, mid-light brown eyes, matangos ang ilong at rose-red lips. Mas matangkad siya sakin ng mga 1 inch. Maganda din ang katawan niya kasi may konting muscles pero nung panahong yun, wala pa akong paki. basta medyo gwapo siya kagaya ko (haha), yun lang ang pinansin ko.

"parang hinahanap ka ni Melanie kanina ah" bigla niyang sabi habang nagaayos ng gamit

"weh?" natutuwa kong tanong

"biro lang. Hehe"

"loko to!" naiinis kong sabi.

"excited mo kasi umuwi"

nginitian ko nalang. Marami siguro 'tong kaibigan kasi ang galing makipagusap. Yung mangiinis, pero hindi ka maiinis instead, matutuwa ka pa. Parang the moment na magkakilala kayo, close na kayo agad. Maswerte naman pala ako na siya ang nakadorm ko, mukhang matino at kung pag oobserbahan ang kaniyang pagaayos ng gamit, malinis rin sa paligid at hindi siya boring kasama.

Dito na nagsimula ang maganda naming samahan. Palagi kami magkasama sa lahat ng klase, tuwing break time sa tambayan, sa mga gala kasama ang iba naming mga kaibigan at syempre tuwing paalis at pabalik sa dorm. Palagi din kaming magkagrupo o partner sa lahat ng project, minor case study at lagi din kami nagtutulungan pagdating sa mga homeworks namin. Bestfriends kumbaga. Habang tumatagal, mas lalo kaming nagkakilala dahil mas napapadalas ang kwentuhan namin. Dito ko nalaman na nagkaroon na siya ng dalawang girlfriend noong high school. Nung sinabi niya yun, tinawanan ko siya at nagyabang na talo ko siya dahil ako nakakatatlo na. Totoo yun, pero isa lang dun ang seryoso. Sinagot niya naman ako ng "eh kasi pag ako nagmahal, sobra sobra. Kaya pag nasaktan, sobra sobra din".

"drama mo bro" natatawa kong sagot sakanya.

Ang bilis ng oras. malapit na ang Finals at malapit na matapos ang first sem. Dagsaan na ang mga projects at requirements kaya laging kulang ang tulog namin. Nang masubmit namin ang last project and requirement, nakahinga din kami ng maluwag dahil isa nalang ang aalalahanin namin: FINALS pagkatapos nito, sem break na.

Nung weekend before finals, pareho kaming nagstay sa dorm para makapag aral (every weekend kasi umuuwi kami samin) Napansin ko na hirap si Harvey sa Advance Algebra and Chemistry kaya nag offer ako ng tulong.

"Harvz, mukhang nahihirapan ka ah. Turuan kita gusto mo?"

"Sige Rom, ang hirap ng chem. leche naman kasi hindi naman natin yan kailangan sa course natin."

"Hahaha! ganyan talaga" natatawa kong sagot "ganto lang yan oh..."

Tinuruan ko siya ng technique para mas madali niyang ma name yung mga chemical compounds and acids pati na rin sa algebra sinabihan ko siya na dapat marunong siyang gumawa ng equation, pag may equation na siya, masosolve niya yung mga word problems. Binigyan ko siya ng sample problems at sinabi kong isolve niya muna para macheck ko mamaya at magaaral lang ako sa ibang subject.

"Rom tingnan mo nga kung tama yung mga sagot ko"

lumapit ako at tiningan yung mga sagot niya. tama naman halos lahat except yung sa last. Nakaupo siya sa may study table at ako naman ay sa likod niya nakayuko habang tinitingnan yung mga sagot niya, bali yung dibdib ko nakadikit sa may right shoulder niya. Nakita ko kung saan siya nagkamali, kinnuha ko yung ballpen at yumuko pa pababa para mas mapalapit sa papel niya.

"mali ka dito, dapat yung equation mo naka equate sa zero para pwede mo matranspose yung mga like terms..."

Habang nageexplain ako, tango lang siya ng tango at tumitingin sakin.

"gets mo?" tanong ko pagkatapos magexplain.

Hindi siya sumagot so tumingin ako sa kanya tapos *boom! nakatingin din siya sakin pero dahil sa pwesto ko, sobrang magkalapit yung mga mukha namin. 2 inches nalang yata yung difference. doon ko nakita ng sobrang malapitan yung mga mata niya. Ang ganda pala pag mid light brown eyes. Halos 3 seconds din kami nagkakatitigan. Ang lalim ng hinga ko.. tapos bigla siya nagsalita

"gwapo mo pala"

natawa ako, "matagal na" sabay tayo tapos binatukan ko siya sa ulo. "loko ka talaga. magaral ka na nga diyan"

"Haha! thanks bro. nagets ko na" habang nakatingin sakin at nakangiti.

Bago ako matulog, inisip ko yung nangyari kanina. Bakit ganoon parang may iba? hindi lang ako basta nagandahan sa mga mata niya. Parang may kakaiba yung way na nagkatinginan kami tapos bigla siyang magsasabi na ang gwapo ko pala. Tapos yung ngiti pa niya nung nag thank you siya bakit parang may laman? psh. pagod lang siguro ako kakaaral. itutulog ko nalang.

Dumating na ang finals week. Natapos na rin yung mga exams namin sa mga minor subjects. Dalawa nalang ang natitira; Chem at Advance Algeb. Ang masakit lang eh, sabay sila sa isang araw. Pinagpalnuhan ata yun nga mga prof para mahirapan talaga kami.

Habang nageexam sa Algebra, napangiti ako sa problem number three. Parehong pareho sa binigay ko kay Harvey nung tinuruan ko siya, iba lang yung given.ito yung nagiisang problem na hindi niya nasagot ng tama. Naalala ko rin yung ganda ng kanyang mga mata, kung papano kami nagtitigan, yung boses niya nang sinabi niyang "gwapo mo pala", pati yung ngiting binigay niya sakin matapos kami magbiruan. Lahat yun naalala ko at parang nawala yung focus ko sa exam. Tiningnan ko si Harvey, katabi ko lang siya kaya hindi ako nahirapan lumingon at napansin kong nakangiti siya habang nagsasagot. Nasa same problem na rin siguro siya, naisip ko.

Natapos na rin ang huling exam at sa wakas, sem break na! Nagkayayaan maginuman sa bahay ni Ed, kablock namin kaso hindi ako umiinom, malayo kasi ang pamilya namin sa mga bisyo kaya hindi na ako sasama at uuwi nalang para makapag pahinga.

"sige na bro sama ka na, kahit wag ka na lang uminom" Pilit ni Harvey

"Hindi na talaga, babawi ako ng tulog. Mag enjoy nalang kayo" itinangi ko

"Fine. pero next week ah, sabay tayong kukuha ng grades? wag mo ko uunahan"

"Opo"

"Thank you best friend" tapos nakatingin at nakangiti siya sakin gaya nung gabing tinuturuan ko siya

First time niya akong tawagin 'best friend' tapos parang natutuwa ako kasi wala pa akong naging kaibigan tulad ni Harvey. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"ang drama mo!" sagot ko sakanya at nagtawanan kami.

Magisa akong naglakad papuntang dorm. Nakakalungkot. First time kong hindi kasabay si Harvey, walang kakwentuhan, walang umaakbay sakin, wala ring nagpapangiti. ano ba yan, ang drama ko naman. Pagdating ko sa dorm ay inayos ko agad yung mga gamit ko para makauwi. Bago ako umalis, nagiwan ako ng note sa may kama ni Harvey. "wag uuwi ng lasing. ingat lagi -Rom" natuwa lang ako sa ginawa ko at pumunta ns sa station para makauwi. Nakita ko dun si Melanie nagiisa, naalala ko na pareho nga pala kaming taga south. Tinabihan ko siya kahit hindi kami masyadong close. crush ko kasi siya dati kaya hindi ko nalalapitan pero as classmates, naguusap din naman kami paminsan minsan.

"Hi Melanie"

"Uy Rom! uwi ka na rin? Hindi ka ba sasamama kila Ed, diba andun si Harvz?"

"Oo, andun si Harvz. hindi ako umiinom eh kaya hindi na ako sumama"

"ang weird naman. hindi ako sanay na makitang hindi kayo magkasama ni Harvz. haha"

"talaga?"

"oo, lagi kasi kayo magkasama, papasok ng classroom, lalabas sa campus, tapos lagi pa kayong nagtatawanan at nagkukulitan. daig niyo pa magbestfriends eh"

"Hahaha! hindi naman Mel, ganun lang siguro kasi magkadorm din kami"

Ang haba ng naging usapan namin ni Melanie, hanggang sa van nagkkwentuhan pa rin kami. Ang dami niyang kwento tungkol sa mga ka block namin na hindi ko masyadong ka close. Yung kakulitan nila sa likod ng classroom habang nag didiscuss yung pinaka boring na prof, tapos yung mga kalokohan nila tuwing break time sa may cafeteria. Tawa ako ng tawa sa mga kwento niya kahit tahimik sa loob ng van. Sayang lang kasi nakarating na kami sa aming destination at nag kanya kanya na ng landas.

Lumipas ang unang linggo ng sem break at hindi ko alam kung bakit pero, miss na miss ko na si Harvey. Siguro kasi sobrang boring sa bahay. Laging walang magawa kundi manood, magbasa, kain at tulog. Hindi ako sanay na wala siya, iba yung feeling: walang maingay, walang magulo, wala yung bestfriend ko. Naging magkatext kami ni Melanie ngayong sem break kaya medyo nawala din yun pagiging 'bored' ko. Siya lagi yung naguumpisa ng topic, nangangamusta tapos ang bilis niya pa magreply. Nakakatuwa lang at naisip ko kung bakit hindi kami naging magkaibigan dati pa.

Katext ko si Mel one saturday night, kaso pagod na ako. kaya tinext ko na siya ng "matutulog na ako, tulog ka na rin. good night :)"

Nagreply siya "okay po. sweet dreams :)"

Mga after 5 minutes, may nagtext ulit. Ang kulit naman ni Mel sabi ko. (haha) pero pagbukas ko ng message, Nagulat ako, si Harvey pala yung nagtext.

"bro, musta na? miss mo na ako no" text ni Harvey at natawa lang ako

"loko ka. ikaw yata ang miss ako. ikaw yung nagtext eh." reply ko sakanya

"haha oo nga miss na kita. sabay tayo kuha ng grades sa monday ah"

Natuwa ako sa reply niya specially dun sa 'oo nga miss na kita'. hindi lang ako nakakamiss sa kanya! naisip ko

"sa tuesday nalang, para wala masyadong tao"

"sige sige. thanks bro good night"

Hindi na ako nagreply, paubos na load ko, hindi pa kasi uso unli noon. Pero napangiti ako bago makatulog.

Dumating ang tuesday at magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kabado sa grades, at excited kasi makikita ko na ulit bestfriend ko. pagdating ko sa school, nakita ko agad si Harvey sa may gate.

"Ang aga mo ah" sabi ko sakanya

"Syempre, excited na ako makita ka eh" tapos nginitian niya ako.

"ang drama mo talaga kahit kailan. haha"

Pumunta na kami sa kung saan makukuha yung grades namin. Malapit na kami doon, nang bigla siyang tumigil. Naglalakad pa ko pero bigla niyang hinawakan yung wrist ko.

"O anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya

"kinakabahan ako sa chem. paano kung hindi ako pumasa?" kitang kita yung takot at lungkot sa mga mata niya.

"Papasa ka Harvz, maniwala ka lang" sabi ko sakanya with direct eye contact.

Sa ginawa ko, naniwala ako na kahit papano nabawasan yung takot na nararamdaman niya. Tumango lang siya at napangiti sakin, "tara" sabi niya na hawak pa rin yung wrist ko.

Nakarating din kami sa office ng dean namin at si Harv ang nauna sa pila. Yung grades namin nakaprint sa isang paper at nakatupi itong ibinigay samin. Bubuksan ko na sana yung akin ng biglang-

"Mamaya na. sabay tayo. dun tayo sa may tambayan"

Pagkadating namin sa tambayan tinanong ko siya "ready ka na?" tumango lang siya at nagsimula akong magbilang "one..two..three" at sabay naming binuklat ang papel na naglalaman ng grades namin. Tinitingnan ko isa isa ang bawat marka na nakalagay sa papel ko. Pasado naman lahat, medyo matataas din, naisip ko nang bigla akong yakapin ni Harvz. Nagulat ako, ang higpit ng yakap niya.

"Pasado ako ROM! thank you talaga tinuruan mo ako. the best ka talaga!"sabi niya sakin na nakayakap pa rin

tinapik ko naman ang likod niya, na parang gusto ko rin yakapin "sabi sayo eh, maniwala ka lang" dun na siya bumitaw sa akin. kitang kita ang tuwa sa mga mata niya.

"ikaw musta grades?" tanong niya sakin

"okay lang naman. congrats bro pasado ka."

"salamat" todo ngiti si Harvz.

Pumunta kami sa malapit na coffee shop, nagorder ako ng favorite ko, banofee pie. Pero isa lang, mahal kasi eh. haha.

"tikman mo to, favorite ko yan" sabi ko sakanya

Pinagsaluhan namin yun at nagkwentuhan kami. Ito yung namiss ko talaga. yung sipag niya magkwento, laging nagpapatawa tapos sabay mangiinis. Iba talaga yung feeling pag kasama ko si Harvey, masaya ako. Ang tagal namin dun sa coffee shop, walang kamatayang kwentuhan. yung tipong parang hindi kami nagkita ng isang taon. Dito bigla niyang nakwento yung tungkol sa mga ex girlfriends niya. Nakwento niya kung paano siya niloko at sinaktan nung una niyang girlfriend. Sa mga kwento niya, totoo nga yung sinabi niya sakin dati, sobra sobra siya magmahal. Kaya nung nalaman niya yung mga kagaguhan na ginawa sa kanya nung ex niya, halos tumigil ang mundo niya, hindi nakapag aral ng maayos at lagi nalang umuuwi ng lasing. Yung pangalawa niya naman daw ay bigla nalang nakipag break after 7 months kasi hindi na niya mahal si Harvey. Naintindihan naman yun ni Harvz kaya hindi siya kasing sakit nung una.

"Ang daya nga eh, parang walang may kayang mag sukli ng pagmamahal kagaya sa binibigay ko" tahimik niyang sabi matapos ang kwento niya then nginitian niya ako, siguro kasi alam niyang 'ang drama mo talaga' ang masasabi ko

"bata ka pa noon, wag ka kasi excited, darating din yan" sabi ko sakanya.

"bro, ano sa tingin mo kung ligawan ko si Tin?" biglang sabi ni Harvz

hindi ko alam kung bakit pero parang nalaglag yung puso ko. yung feeling na bigla ka nasaktan deep inside. Hindi ako nakasagot agad, di ko kasi alam ang sasabihin.

"Rom? Jerome? okay ka lang?" tinawag niya ako

"Ha? ah oo naman. ang labo mo kasi, magddrama ka tungkol sa ex mo tapos biglang may liligawan ka pala" palusot ko. "Bakit, mahal mo ba si Tin?" dagdag ko pa.

Dun niya sakin nakwento na noong nagiinuman sila sa bahay ni Ed, umamin si Tin na crush niya si Harvz. Simula noon, lagi na niyang iniisip si Tin at magkatext pa sila buong linggo. Kung pwede ko lang sabihin na 'wag mo siyang ligawan' eh sinabi ko na. Pero sino ba ako para sabihin yun? Bestfriends lang naman kami ah. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang, mali at hindi 'to dapat pairalin.

Nagsimula na ang seconde sem, magkadorm pa rin kami ni Harvz, syempre best friends pa din. Halos kami kami pa rin ng block, except yung iba na may bagsak, irreg na. As usual, sabay kami ni Harvz naglalakad papuntang school (first day ng second sem), nakwento nga niya na nililigawan na niya si Tin. Ako naman kunwari masaya para sa kanya, pero ang totoo, naiinis ako na may nililigawan siya. Pagdating namin sa classroom, since bagong sem, bagong sitting arrangement. Tumabi si Harv kay Tin na ikinalungkot ko. Tinawag naman ako ni Melanie at nagsenyas na bakante pa yung upuang katabi niya kaya doon nalang ako naupo. Masaya naman doon sa likod, maraming nga talagang kalokohan pero alam din naman nila kung kailan magseseryoso. Masaya man sila kasama, iba pa rin yung feeling pag si Harvey yung kakwentuhan at kakulitan ko. Iba na kasi ngayon si Tin na ang lagi niyang kasama, kapartner sa mga projects, katulong sa mga homeworks. Napapadalas din ang kanilang 'gala' daw eh silang dalawa lang naman. Nagkakasabay na lang kami ni Harvey tuwing papunta sa school, minsan na lang paguuwi kasi sinasamahan pa niya si Tin maghintay ng sundo, kaya lagi na niya akong pinapauna. Ang dating maingay at magulong dorm namin, ngayon ay tahimik at walang kabuhay buhay. Si Harvz kasi either laging nasa phone or may kachat.

Isang gabi magisa lang ako sa dorm, nagrereview para sa quiz namin bukas. Wala pa rin si Harvz, kasama pa rin siguro si Tin, naisip ko. Maya maya pa bumukas ang pinto. Dumating si Harvey may ngiti hanggang tenga. Lumapit siya, tumabi sakin sa may kama tapos bumulong siya:

"Rom, kami na ni Tin"

Kahit na halata na sa mga kilos nila dati pa na may something sila, iba pa rin yung sakit na kumirot sa akin nung sinabi niyang official na sila.

"Halata naman eh" mahina kong sinabi na may inis at sakit na nararamdaman.

"Ha? Ano yun?"

inayos ko ang tono ko at sumagot na "Halata kaya sa mga kilos niyo. haha. congrats bro. masaya ako para sainyo"

"hehe salamat" sabi niya sabay tayo, pumunta sa CR.

'masaya ako para sainyo' sinungaling ka Jerome. Yan ang naisip ko. Grabe, bakit ba ako nagkakaganito, hindi lang ako hindi masaya para sa kanila, naiinis at parang nagseselos ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Di naman pwedeng nagseselos ako dahil may gusto ako kay Tin, imposible rin naman na may nararamdaman ako para sa bestfriend ko. Pero parang yun nga. Alam kong hindi pwede, pero kasalanan ko bang mahulog sakanya? Siguro natatakot lang ako na mawalan ng bestfriend, kaya ganito ang nararamdaman ko. Yan ang pinilit ko sa sarili ko. Hindi na ako makapag aral, iniligpit ko nalang ang gamit ko at natulog na.

Nangyari na nga yung kinakatakutan ko. Unti unti na ng nawala sakin si Harvz. Nandiyan nalang siya pag kailangan niya ng tulong. Palagi silang magkasama ni Tin, yung parang silang dawala na lang yung natitirang tao sa mundo. Oo na, siguro nga nagseselos ako. Siguro nga may feelings ako para sa bestfriend ko. Pero ang sakit lang na kung kailan mo siya mas gustong makasama, doon pa siya nawala.

Mas tumibay ang relasyon ko sa mga bago kong kaibigan. Sila na yung palagi kong kasama pagdating sa mga group studies and stuff like that pero kahit minsan, never ko inattempt magkwento tungkol sa sakit na nararamdaman ko about kay Harvey. Mas lalo din kaming naging close ni Melanie so midway second sem, niligawan ko siya. Hindi naman ako nahirapan kasi matagal na rin siyang may gusto sakin. Don't get me wrong, pero hindi ko mahal si Mel. Parang kailangan ko lang ng girlfriend para mawala yung feelings ko dun sa lokong yun or.. para pagselosin siya. Ewan ko ba pero kung ang intention ko nga ay para pagselosin siya, mission failed ako kasi nung sinabi ko sakanya yun nung nasa dorm kami ang response niya lang is "nice bro! pareho na tayo may girlfriend! hahaha wait lang ah ka chat ko kasi si Tin". Tapos tuwing magkasama kami ni Mel, lagi akong wala sa sarili ko, in fact, naiinis lang kasi nakikita ko si Harvz and Tin na naglalandian.

Before second year starts, pinagplanuhan ko na lumipat ng dorm. Mas maganda sana yung ako lang magisa para makafocus ako sa studies even more kasi last sem (second sem) muntik na ako mawala sa Dean's List dahil sa mga hinayupak na 'distractions'. Hindi ko na sana sasabihin kay Harvey yung plan ko pero I think sinabi yata sakanya nung may ari ng dorm so he talked to me (after a long time).

"Bro, lilipat ka daw ng dorm?" tanong niya na parang nalulungkot

"Oo eh, mas gusto ko kasi mapagisa" sagot ko naman

"wag ka naman ganyan sakin oh please" pagpipilit niya

After a lot of explanations, hindi siya tumigil sa pagpipilit sakin. Ewan ko ba pero nagpatalo ko, so I ended up still on the same dorm with Harvey. Siguro this time medyo naka move on na ako. Medyo nawala na yung feelings ko para sakanya. And ang akin lang, gusto kong mabalik yung samahan naming ni Harvey, yung samahan as 'bestfriends' kagaya nung 1st year, 1st sem.

-2 weeks before Midterms namin, (2nd year na) -

As expected, hindi kami nagtagal ni Melanie. Nasa tambayan kami noon after ng last class namin.

"Rom" sabi ni Mel "Mag break na tayo"

Nagulat ako sa sinabi niya "Huh? Bakit?"

"Wag na tayo maglokohan Jerome. Alam ko naman never mo ako minahal." Nung sinabi niya 'to, napatingin na lang ako sa baba.

"Alam ko rin na ginawa mo lang akong rebound, kasi nagseselos kay Tin"

tumingin lang ako sa kanya na parang nagtataka.

"totoo naman diba?" dito nagsimulang pumatak mga luha niya

"eh bakit mo pa ako sinagot?"

"kasi akala ko kaya kong baguhin yang nararamdaman mo. Akala ko kaya kitang gawing akin. First day pa lang, crush na kita. Kaso lang hindi mo naman ako pinapansin noon. Kaya nung nagkasabay tayo sa may station pauwi, kinuha ko yung opportunity para makaclose ka" umiiyak si Mel habang nagpapaliwanag "Noong first day last sem, nakita ko yung reaction mo nang tumabi si Harvz kay Tin, kaya inalis ko yung bag na nasa tabi ko at tinawag kita. Gusto ka rin kasi maging kaibigan ng barkada ko eh" sabi niyang umiiyak pero sinamahan niya ng 'fake laugh' "noong nagpaalam ka sakin manligaw, naisip ko na baka gamitin mo lang ako para makalimutan si Harvey" Dito nakatingin ako sa malayo at nagsisimula na ring lumabo ang paningin ko dahil sa luha. "Doon ko naisip na baka kaya kitang baguhin, ginawa ko lahat para mahalin mo rin ako. Pero ngayon alam ko na, na hindi na mababago yung nararamdaman mo para sakin, para sa amin"

"I..I'm sorry. Pero Mel, wala na yung feelings ko sakanya. kinalimutan ko na yun." yan na lang ang nasabi ko habang naiiyak.

"wag mo na lokohin sarili mo Jerome. Alam ko na nandiyan pa rin yang nararamdaman mo para sa kanya. At hindi lang yun bilang matalik na magkaibigan kundi mas higit pa doon."

"wag ka magaalala Jerome, satin lang yang sikreto mo. At kahit na ganito ang kinahinatnan ng relasyon natin, magkaibigan pa rin tayo at lagi pa rin akong nandito kung kailangan mo ng kaibigan" Niyakap niya ako. Ito na siguro yung huling yakap namin ni Melanie. Pareho kaming umiiyak. Bumitaw siya at nagsabing "salamat Jerome, sa lahat" kinuha niya yung bag sa table, umalis at naiwan akong nagiisa sa tambayan.

Tama nga si Melanie. Niloloko ko lang yung sarili ko. Alam kong may nararamdaman pa rin ako para kay Harvey pero pilit kong tinatanggi kasi alam kong mali at alam kong masasaktan lang ako. Nagsisisi rin ako sa ginawa ko kay Mel, niloko ko siya, ginamit ko lang siya para makalimutan yung iba. Napakasama kong tao, nasaktan ko yung taong minamahal ako ng totoo dahil lang nasasaktan din ako ng taong mahal ko.

Gabi na nang nagpasya akong bumalik sa dorm. Pulang pula mga mata ko kakaiyak. Sana lang ay tulog na si Harvey para hindi na niya ako mapansin pero hindi eh. Pag bukas ko ng pinto ng dorm namin, nandoon siya sa may study table nakaupo, tumingin siya sakin. Ako naman ay yumuko lang para hindi niya makita yung mga mapupula kong mata.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya sakin, pero ang sweet ng boses niya

"wala" sagot ko na nakayukong naglalakad papalapit sa CR

Tumayo siya, lumapit sakin "sinabi na sakin ni Melanie"

"eh bakit mo pa tinatanong" pagalit kong sagot na naiiyak na pero bigla akong niyakap ni Harvey. Nagulat ako. Niyakap ko rin siya at dito na muling bumuhos ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak sa dibdib niya, namiss ko 'tong yakap na to, yung malasakit niya sakin pati yung feeling na may bestfriend ka nandiyan lang lagi para sayo. Patuloy ang pagiyak ko nang bigla siyang magsalita "Okay lang yan bro, marami pa diyan" Kung alam mo lang harvz, hindi ako umiiyak dahil sa break up namin ni Mel, umiiyak ako dahil miss na miss na kita.

Bumitaw ako sa yakap, tinulak siya ng mahina papalayo at pumasok sa banyo. Naghilamos ako at nagtoothbrush, nagpalit ng pantulog at nung lumabas ako sa CR, dumeretso ako agad sa kama ko, nagkumot at pinilit ng makatulog. Alam kong nakatingin sa kin si Harvz at gusto pang makipagusap pero minabuti ko na iwasan muna siya, para rin yun sa aming dalawa.

Hindi nawala ang nararamdaman ko para kay Harvey pero nagawa ko itong isantabi. Nagfocus ako sa academics and projects. Pagka may exam, sa library ako nagaaral para walang distractions, minsan nga sa mga fast food chains pa. Normally 1 or 2am na ako nakakatulog dahil sa mga projects, research at iba pang requirements. Halos lahat ng oras talaga ngayon para na lang sa pagaaral, hindi naman ako nabigo dahil madalas ako ang naghihighest sa mga exams, projects ko lagi ang pinaka maayos, basta naging grade consious ako. Habang ako nagsusunog ng kilay, napansin ko na may nagiba sa samahan ni Harvey at Tin. Parang away - bati sila. Pero hindi ko nalang pinansin since wala naman ako sa posisyon makielam.

Last day of the semester, one last final exam. At ang maganda pa rito, umaga yung exam namin kaya 11am pa lang, sem break na ulit! Maaga naming natapos ang exam since minor lang siya, kaya gumala ako with the barkada (barkada ni Mel, sila na rin kasi lagi kong kasama since 1st year 2nd sem) okay namin kami ni Mel, meron siyang iisang salita, magkaibigan pa rin kami at itinago niya yung sikreto ko. Medyo awkward lang pag kaming dalawa lang ang magkasama. Masaya yung araw na yun, nagkaraoke kami, sine, food trip lahat na! kaso lang eh naubos din ang pera at gumagabi na rin kaya nagsiuwian na rin kami pero napagusapan na sabay sabay kukuha ng grades at sabay sabay din mageenroll.

Pagkadating ko sa dorm walang tao. 'kasama siguro ni Harvey si Tin ngayon' naisip ko. Masakit pero tanggap ko na, wala naman akong magagawa diba? Nagayos nalang ako ng gamit at bukas na uuwi, dito nalang ako sa dorm magpapalipas ng gabi since madilim na sa labas at rush hour na.

Mga 9:30pm na wala pa rin si Harvz. Andito pa mga gamit niya kaya sgurado akong hindi pa siya umuuwi sa kanila. Nagbabasa ako ng libro noon nang biglang magring yung cellphone ko. Si Melanie tumatawag. Nagtaka ako at sinagot it.

"Hello Rom?" sabi ni Mel

"oh Mel, ba't ka napatawag?"

"Nasa dorm ka pa ba? Andiyan na ba si Harvey?"

"Oo nandito pa ako, bukas pa ako uuwi. wala pa si Harvz eh. bakit?"

"tumawag kasi sakin si Tin. Nakipagbreak daw siya kay Harvey kanina after nung exam. Tapos nun hindi na daw niya macontact si Harvey. Nagaaalala lang si Tin."

"Ah ganoon ba? sige sige hahanapin ko si Harvey, may idea ako kung nasan siya"

"sige Rom, update mo lang kami ah"

"sige sige"

"salamat" tapos binaba na niya.

Pagkababa niya ng phone agad akong lumabas at pumunta sa may mini bar sa kabilang kanto malapit sa dorm namin. Hindi nga ako nagkakamali nakita ko agad doon si Harvey sa isang table, magisang umiinom, lasing na lasing. Nilapitan ko siya "Harvz, tama na yan. Halika na uwi na tayo" tumingin lang siya sakin sabay sabing: "yoko nga. ang sarap sarap uminom eh" iba na ang tono niya dahil sa sobrang kalasingan. kinuha ko yung bote ng alak, binigay sa tindera at binayaran yung bill niya. "kanina pa po yang tanghali dito si sir, iyak ng iyak" sabi ni manang "ganoon po ba? sige po salamat" sagot sa sakanya Binalikan ko siya sa table niya, yung ulo nasa lamesa, parang natutulog.

"Harvz tara na uwi ka na" ginising ko siya at kinuha yung isa niyang kamay, pinatong sa mga balikat ko at niyakap siya patayo. Madali naman siyang sumunod. Malakas kasi sa inuman si Harvey kaya hindi ako nahirapan alalayan siya habang naglalakad pabalik ng dorm, nabigatan lang talaga ako. Madilim sa kalsada, street lights at ilaw lang galing sa mga bahay ang source of light at wala na rin masyadong tao pakalat kalat sa kalsada.

Ngayon ko lang nakita na ganito kalasing si Harvz.

"break na kami Tin" sabi niya at sa tono niya, alam kong naluluha siya.

"tapos ikaw, tuluyan mo na akong kinalimutan, puro ka nalang pagaaral. Akala ko ba magbestfriends tayo? bakit mo ako binaliwala?" dito na siya tuluyan umiyak, pati ako, naiiyak na rin. Hindi lang ako sumagot at pinakinggan lang lahat ng sinasabi niya.

"Ano ba ang nagawa ko sayo at kinalimutan mo lahat ng pinagsamahan natin? naisip mo pa lumipat ng dorm. Noong una, nawala bestfriend ko, ngayon wala na rin girlfriend ko. Wala ng natitira sakin" Patuloy ang pagiyak niya. "Sorry Rom ah? kung ano man yung nagawa ko sayo sana mabalik natin yung dati, sana maging bestfriends ulit tayo" Naiyak na rin talaga ako, kung kaya ko lang sabihin kung paano niya ako nasaktan eh sinabi ko na pero walang magandang maidudulot yun sa sitwasyon namin ngayon kaya nanatili lang akong tahimik. Malapit na kami sa dorm ng mapansin ko ang init niya pala. Sana dala lang ng alak pero hindi, nilalagnat siya, sigurado ako.

Pagkadating namin sa dorm ay agad ko siyang tinumba sa kama niya, tinanggal ko yung sapatos at medyas. Tinext ko na rin sila Mel at Tin na andito na si Harvey, at ako na muna ang bahala sakanya. Kinuha ko yung thermometer at inipit sa kilikili niya. After 3 minutes, tinignan ko at nagulat, 39.6 degrees. Lasing na lasing ang best friend ko, nakakaawa tignan. Tinanggal ko yung polo at pantalon niya. Sando at boxers nalang ang natira sakanya. Pumunta ako ng CR at kumuha ng face towel at hinugasan ito. kasama ng tabo na may tubig at sabon, dinala ko yung towel kay Harvey para mapunasan yung katawan niya.

Tulog na yata siya, dala ng sobrang pagod at kalasingan. Kinuha ko yung towel, binabad sa tabo na may tubig, piniga at sinimulang punasan siya sa mukha. "Harvz, di ko alam kung naririnig mo ako ngayon pero miss na miss na kita. Miss ko na yung bestfriend ko, yung tawanan at kulitan natin, yung mga pangiinis mo, yung mata at ngiti na binibigay mo sakin, lahat yun namiss ko ng sobra" nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Patuloy ko naman pinupunasan ang mukha niya pababa sa leeg. "Namimiss ko na rin turuan ka sa mga subjects natin pag nahihirapan ka, pati yung team work natin sa mga group projects. Ikaw kasi eh, bakit ka pa nagirlfriend? Alam kong mali, pero nagselos ako sa inyo ni Tin. Dati kasi, tayo yung laging magkasama. Parati akong masaya basta kasama kita. Tapos bigla naging kayo. Nainis ako nun. Akala ko ayaw ko maging kayo kasi natatakot ako na mawala sakin yung best friend ko. Pero hindi yun eh. I'm sorry Harvz, alam ko hindi dapat pero... pero nahulog na ako sayo eh. Mahal kita Harvey. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayo ni Tin na masayang magkasama, kaya ako lumayo at niligawan si Mel." This time, yung braso niya naman ang pinupunsan ko "Pero parang wala lang naman sayo eh, kaya ko ginusto na mas lalong lumayo para makalimutan ka, pero ang hirap Harvz di ko alam kung bakit pero hindi ko kayang kalimutan yung nararamdaman ko para sayo." Umiiyak na nga ako pero patuloy ako sa pagpunas sa mga legs at paa niya. "Ang drama ko Harvz no? sorry kung nasaktan rin kita, pero yun lang ang naisip ko na tamang paraan. Pero nagkamali yata ako, kasi maslalo pa kitang namiss. Pero Harvz kung alam mo lang, kaya kong suklian yung pagmamahal na binibigay mo para sa iba.." pinunasan ko yung mga luha sa mukha ko, inilagay ko yung towel sa tabo at tumayo pabalik ns sana ng CR para mabanlawan ko yung towel. Unang hakbang papalayo, nagulat ako. Hinawakan ni Harvey yung wrist ko pinipigilan akong umalis.

Nagsalita siya ng mahina "wag. wag mo ako iwan"

Narinig niya ako, yan ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung matutuwa o kakabahan ako kasi narinig niya lahat ng sinabi ko.

"dito ka lang Rom please? wag mo ako iwan, nilalamig ako." Sab niya ng nanghihina

Sobrang saya ko nung sinabi niya yun na may kasama pang luha! Binaba ko yung tabo sa sahig at tinabihan ko si Harvey sa kama.

Medyo nanginginig siya kaya niyakap ko. "Hindi kita iiwan Harvz. Hindi na ulit"

Hindi na siya sumagot at pareho na kaming nakatulog.

Nagising ako kinabukasan sa parehong posisyon, nakayakap pa rin ako sakanya. Tiningnan ko yung wrist watch ko, almost 10am na pala. Kinapa ko kung yung noo ni Harvey, pinakiramdaman ko kung mainit pa, hindi na kasing init kagaya kagabi, bumaba na ang lagnat niya. Bumangon ako, kumuha ng gamot at isang baso ng tubig. Lumapit ako sa kanya at dahan dahan ginising.

"Harvz, gising inom ka muna ng gamot. Haaaaaarveeey, gising muna" Nagising nga si harvey pero mahina pa rin siya, inalalayan ko siyang bumangon. "eto oh" nilagay ko yung tablet sa kamay niya, inilagay niya sa kanyang bibig at pinainom ko ng tubig.

"salamat Rom" nginitian niya ako pero halatang nanghihina pa siya.

"oo na, magpahinga ka muna para gumaling ka na" inalalayan ko siya ulit mahiga at inayosan ng kumot.

Ang bagal ng oras, naligo nalang ako at inayos ko yung mga gamit ni Harvey para paguuwi na kami, ready na lahat.Nagtext din ako kay mama na bukas na ako makakauwi, may hinahabol lang na requirement yung dinahilan ko. Pagkatapos nun ay pinakain ko siya. Sinubuan ko siya ng noodles na may konting rice. Hindi pa kasi ako marunong maglugaw. Kada oras ko chinecheck yung temperature ni Harvey. Pababa na ng pababa yung lagnat niya. Natatawa lang ako kasi parang bigla akong naging nurse, eh ang layo naman ng course namin sa pagnunurse.

Mga 4 in the afternoon, tuluyan nang nawala ang lagnat ni Harvey. So kampante na akong pwede ko siyang iwan sandali para makabili ako ng magiging hapunan namin sa malapit na fast food chain. Tulog pa rin siya kaya hindi ko na inistorbo, naglagay nalang ako ng sticky note sa pader na makikita niya agad "bibili lang ako ng food natin :) -Rom"

Binili ko yung favorite ni Harvey sa ganoong klaseng fast food with extra gravy pa, para kung sakaling kaya na niya, hindi siya magugutom. Wala pang isang oras nakabalik din ako agad sa dorm, pag pasok ko, gising na si Harvey, nakaupo siya sa kama niya nakatingin sa labas ng bintana. (yung kama niya kasi katabi lang ng window)

"Gising ka na" sabi ko habang nilalagay yung pagkain sa mesa. Hindi siya sumagot, nakatingin pa rin siya sa malayo.

Nilapitan ko siya, tumabi ako sa kanya at kinapa yung noo at leeg niya.

"magaling ka na. bumili ako ng pagka-"

"Rom sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko" tumingin siya sakin.

"wala na yun Harvz, tapos na yun" sagot ko naman sakanya

"salamat din, sa pagaalaga sakin buong magdamag. Nasaan sana ako ngayon kung hindi ka dumating kagabi"

Kitang kita sa kanyang mga mata at tono ng pananalita ang lungkot na pinagdadaanan niya. Nakakaawa naman bestfriend ko.

"Kaya ng bestfriend diba? eto talaga, dumadrama nanaman! Halika na nga kain na tayo" Napangiti ko nga naman si Harvey sa sinsabi ko.

Tinulungan ko siya tumayo at maglakad papunta sa mesa at sabay naming kinain yung mga binili ko.

Pagkatapos namin kumain, niligpit namin ang mga kalat, pumasok si Harvey sa CR habang ako naman ay naghugas ng kamay sa may lababo. patapos pa lang ako ng biglang may yumakap sakin galing sa likoran. Si Harvey talaga. kunwari nagulat ako pero deep inside kinikilig ako!! haha.

"anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya habang pinatay yung faucet.

"Mahal din kita" sagot niya

Nagulat ako. Napatalon puso ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Mahal din ako ng bestfriend ko?

"Ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Mahal din kita. Diba sabi mo kagabi, mahal mo ako?"

Humarap ako sakanya. nagkatinginan kami. eye to eye.

"Jerome, mahal kita. noong palang alam ko na na mahal kita. Hindi ko lang kayang sabihin kasi baka mawala lahat ng pinagsamahan natin. Kaya natutunan kong magmahal ng iba, para mawala yung nararamdaman ko para sayo. Pero hindi ganoon yung nangyari kasi lumayo ka sakin. Jerome, patawarin mo ako. Nasaktan kita ng sobra sobra" Nagsimula ng tumulo yung mga luha ni Harvey.

Pinunasan ko ito gamit ang aking mga kamay.

"Mahal din kita Harvz, matagal na"

Lumapit sakin Harvey at maya maya pa ay naglapat ang aming mga labi. Hindi ako makapaniwala. Hinahalikan ako ni Harvey. Gumanti din naman ako. Binuksan niya ang kanyang mga labi at naintindihan ko ang gusto niyang mangyari. Nag French kiss kami. Mga 3 minutes din yata namin yun ginawa. After nun, nagkatinginan lang kami at napangiti sa isa't isa. Magkatabi at magkayakap kami natulog noong gabing iyon (wala pang nangyari samin nung time na yan. Samin nalang yun. Hehe). Masaya ako at ang sarap sa pakiramdam na nagkaayos at nagmamahalan na kami ng bestfriend ko.

Going strong pa rin kami ni 'bestfriend' Harvz ngayon. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok pero hindi ito naging hadlang sa aming relasyon. Nagmamahalan kami hanggang nagyon kahit na pareho kaming lalaki. Hindi naman kami ganoon kahalata since ‘straight’ pa rin ang kilos namin. Anyway, thank you so much sa pagbigay ng time and sana nainspire/nagenjoy/nakatulong yung kwento namin sainyo! Maraming Salamat.

- W A K A S -

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Bestfriend's Love Story
Bestfriend's Love Story
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgIgXbqH1OH6BALi4sJEkLrBZMpLaNcpybJVz21uSydREnDMqWC8E1Uwb6zq5Z89rHGiRFGaOYcALLWDur7lDKadSYpnFGfHs1tR2QAKrK-WAH0Bb_smMV7PkvU-Pqkt4mXDj7h2vYIwIk/s1600/tumblr_mdgswujrOY1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgIgXbqH1OH6BALi4sJEkLrBZMpLaNcpybJVz21uSydREnDMqWC8E1Uwb6zq5Z89rHGiRFGaOYcALLWDur7lDKadSYpnFGfHs1tR2QAKrK-WAH0Bb_smMV7PkvU-Pqkt4mXDj7h2vYIwIk/s72-c/tumblr_mdgswujrOY1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2012/11/bestfriend-love-story.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2012/11/bestfriend-love-story.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content