By: Travis At naulit pa ang paghalik ni Xander sa pisngi ko at alam nyang gusto ko yun. "Tama na, Ok na yun, You're welcome" a...
By: Travis
At naulit pa ang paghalik ni Xander sa pisngi ko at alam nyang gusto ko yun.
"Tama na, Ok na yun, You're welcome"
ang pagpigil ko sa kanya at napangiti lang sya sa sinabi ko.
"Nung naghiwalay ang Mom at Dad nawalan na ako ng gana magpaint. Si Mom kasi ang nag-enganyo sa akin na magpaint"
"Ah ganun ba Xander"
"Kaya thank you ah kasi parang bumabalik na ulit ang interes ko sa pagpipinta"
Kahit na dun pa lang sya nagsimula magpinta ulit ay alam ko na naibalik ko ang interes nya sa pagpinta. Nakita ko kay Xander ang saya nung mga oras na yun. Marahil ay muling bumabalik ang dating Xander na nasira nung maghiwalay ang mga magulang nya.
Magagabi na noon at nagpasya na kong umuwi.
"Xander, uwi na ako"
"Hatid na kita"
At hinatid nya ako sa dorm. Bago ako bumaba ng sasakyan nya ay nag-thank you ulit sya sa akin at sinabi ko na ok na yun at nag-thank you din ako kasi naappreciate nya yung binigay ko sa kanya.
Ilang buwan ang lumipas ay matatapos na ang semester. Nasa 3rd year na kami nun at konti na lang ay gagraduate na kami. Naging center of attraction si Xander simula nung nagkaroon ng Art Exhibit sa Campus. Doon lang nila nalaman na nagpipinta si Xander at nadagdagan nanaman ang mga humahanga sa kanya. Bihira na din kami magkita dahil sa naging busy sya. Marahil nakalimutan na din nya ako.
Lagi kong tumatambay sa Park. Umaasa ako na isang araw ay may kakalabit sa akin na Xander pero naghintay lang ako sa wala. Lagi akong may dalang pagkain na paborito nya pero hindi sya dumadating. Malamang kasama nya ang new set of friends nya na nakilala nya nung minsang may Art Exhibit. Nagtetext din ako sa kanya pero hindi nya ko nirereplyan. Wala naman kaming pinag-awayan kaya naisip ko na lang na baka tapos na ang pagiging magkaibigan namin, marahil may nahanap na sya na kaibigan na mas nagkakaintindihan sila at pareho sila ng lifestyle. Nalungkot ako pero kung ganun ang gusto ni Xander ay wala naman akong magagawa.
Nagbirthday ang kaibigan kong si Sam sa isang club sa Makati. Andun lahat ng mga kaibigan namin. Dahil andun din si Raf ay himalang naisama nya ang pinsan nyang si Xander. Binati naman ako ni Xander nung nagkita kami pero saglit lang kasi pinakilala ako ni Sam sa mga kaibigan nyang mga Bi. Natuwa naman ako sa concern ng kaibigan ko at alam ko na gusto nya akong makahanap ng partner.
Sa lahat ng pinakilala sa akin ni Sam, si Rob ang tumatak sa akin. Sya ang typical na tall, dark and handsome na binata. Mas bata sa akin si Rob ng 1 taon pero kung titignan sya ay parang magkasing edad lang kami.
Umupo ako sa bar at umorder ng maiinom, wala kasi ako sa mood makipagsocialize lalo na nandun si Xander. Parang naging biglang awkward ang environment. Maya maya pa ay may tumabi sa akin, hindi ko tinignan kung sino pero bigla syang nagsalita.
"Hi, Travis right?"
"Yup. Rob?"
"Yes. Ang galing naman ng memory mo natandaan mo pa ako sa dami ng pinakilala sayo ni Sam"
"Ah natandaan ko lang"
at nginitian ko sya. Kung alam lang nya na sya lang ang bukod tangi kong natatandaan ko sa lahat ng pinakilala ni Sam.
Matagal kami nagkakwentuhan ni Rob. Hindi ko napansin pero nagkakasarapan na din kami sa kwentuhan habang umiinom. Matalino si Rob at may sense of humor kaya hindi naging boring ang pag-uusap namin at madali ko syang naka-gaanan ng loob. Ilang saglit lang ay pumunta ako ng Comfort Room para umihi. Nung naghuhugas na ako ng kamay ay pumasok si Xander.
"Hindi mo na ko pinapansin ah? Porket may bago ka na"
"Ha? Ok ka lang ba? Sino kaya yung hindi na nagpakita tsaka yung hindi na marunong magreply"
Medyo nainis ako nun kasi naalala ko ang pagbabalewala ni Xander sa akin.
"Yun ba? Sorry na naging busy lang"
"Ok lang yun Xander, wala kang dapat ipag-sorry sa akin, wala ka namang obligasyon sa akin"
At lumabas na ako ng C.R. At bumalik sa pwesto namin sa bar.
Pagbalik ko dun ay hinanap ko ang pwesto ni Xander at nung makita ko sya ay nakatingin sya sa amin ni Rob. Sinadya kong ipakita sa kanya na nag-eenjoy akong kasama si Rob at nakatingin lang sya sa amin. May instance pa na bumubulong ako kay Rob at alam ko na pinapanood kami ni Xander. Gusto ko syang magselos pero mukhang hindi effective ang mga ginagawa ko.
Nung 2 AM na ay nagpasya na akong umuwi. Nagpaalam ako kay Sam at lumabas na ng club. Sinundan ako ni Rob sa labas
"Tara hatid na kita"
Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay may sumingit na boses.
"Wag na pare, ako na maghahatid"
ang sabi ni Xander. Nainis ako nun kasi bigla na lang syang sumusulpot sa mga pagkakataong hindi naman kailangan.
"Wag na Xander, si Rob na lang. Good night"
at nung papunta na kami sa sasakyan ni Rob ay hindi nanaman napigil ni Xander ang sarili nya.
"Pare, lasing ka! Ayos lang kung ikaw lang ang madidisgrasya pero may kasama ka"
"Ano bang problema pare?"
ang sabi ni Rob.
"Ang problema? Nakikisawsaw ka pare, ngayon mo lang nakilala si Travis, anong karapatan mo?"
galit na si Xander nung mga oras na yun at umawat na ako kasi ayokong magkagulo.
"Xander wag ka na umeksena, hindi ko to birthday"
"Tara na Travis"
at hinila ako ni Xander
"Sorry Rob, mauuna na ako" at wala akong nagawa sa paghila sa akin ni Xander.
Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang ako sa sobrang inis.
"Bakit ba masyadong kang mabilis magtiwala? Ngayon mo lang nakilala yung tao magpapahatid ka na agad"
"Mabait si Rob, tsaka hindi mo naman kilala yung tao bakit ba ganyan ka?"
Hininto ni Rob yung sasakyan nya.
"Bakit ako ganito? Naiinis ako kasi ayokong makita ka ng may kasama kang iba, ayokong nakikipaglandian ka sa iba"
Natawa lang ako sa sinabi nya.
"Bakit ano bang meron sa atin Xander? Hindi ko nga alam kung kaibigan ang tingin mo sa akin eh. Ang alam ko lang pag kailangan mo ako hindi mo ko nakakalimutan, pero pag wala kang kailangan, wala, parang hindi kakilala"
"Ano bang ikinagagalit mo? Ang hindi natin madalas na pagkikita? Come on Travis, hindi kita girlfriend, diba nga sabi mo wala akong obligasyon sayo, kaibigan lang ang tingin ko sayo!"
Medyo inconsistent ang mga pahayag ni Xander at hindi related, ayaw nya daw akong nakikitang may kasamang iba at wala daw syang obligasyon sa akin, kung ganon bakit ayaw nya kong may kasamang iba? Nainis ako sa mga sinabi nya. Nasaktan din ako kasi nalaman ko na wala pala syang pagtingin sa akin. Masakit kasi akala ko matutumbasan nya ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Umasa ako na kaya nya akong mahalin pero hindi pala.
"Ibaba mo na ko, Xander kundi bubuksan ko ang pinto at tatalon ako"
tinabi nya ang sasakyan nya at bumaba na ako.
Sumakay ako ng jeep at inis na inis sa nangyari.
Habang nasa jeep ako ay napa-isip ako kung bakit laging ganun si Xander sa tuwing may makikilala ako na iba. Nung una sa beach kay Aaron at pangalawa sa club kay Rob. Balak nya yatang i-sabotahe ang mga attempts ko sa pakikipagkilala sa iba at ayaw nya ng ganun palagi. Nakakainis man pero parang nagiging possesive sya sa akin na hindi naman dapat.
Nang makarating ako sa dorm ay andun na sya inaabangan ako. Sinalubong nya ako at sinabing
"Sorry Travis wag ka na magalit please"
"Tigilan mo muna ako Xander kahit ngayon lang inaantok na ako"
ang mahinahon kong pakiusap sa kanya at tumalikod na ako sa kanya.
Hinawakan nya ako sa braso at sinabi
"Hindi ako makakatulog pag ganyan Trav ayoko ng galit ka sa akin"
"Sana hindi mo ginawa yun kanina para ok tayo ngayon"
"Hindi ko lang kasi kaya.."
at pinigil ko sya sa pagsasalita
"Dun na tayo sa kwarto ko baka kung ano akalain nila ang lakas kasi ng boses mo"
At umakyat na kami sa kwarto ko. Pagdating namin ay nag-usap kami agad.
"Ano bang problema Xander, alam mo lagi na lang ganyan nakakainis na lagi kang pumapasok sa eksena yung una kay Aaron tapos ngayon naman kay Rob, ano ganyan na lang parati pag may nakikilala akong bago lagi mo na lang aawayin?"
Nakatingin lang si Xander sa akin habang salita ako ng salita.
"Hindi ko alam kung ayaw mo lang ako maging masaya kasi lagi ka na lang humahadlang, napaka K.J mong tao alam mo yun"
"Pwede ako naman?"
at hinayaan ko syang magsalita
"Ayoko kasi ng nakikita ka ng may kasamang iba"
"Bakit? Bawal?"
"Parang mahal na kasi kita, oo nagsinungaling ako sayo, hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo, mahal kita"
at hinalikan nya ako sa labi. Nakailang segundo bago ako nagkalakas na pumiglas.
"Tama na, umuwi ka na please, bukas na lang tayo mag-usap"
at hinatid ko sya sa pinto at pinalabas. Ayoko na kasi magpadala kay Xander, alam ko pagkatapos nun ay hindi na ulit sya magpaparamdam kaya habang kontrolado ko pa ang sarili ko ay ako na ang lumalayo sa kanya, hindi dahil sa gusto ko na habulin nya ako, kundi gusto ko na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa mapupunta lang ito sa wala.
Itutuloy..

COMMENTS