By: Cedie X. Simula ng Isang Laro Paguwi ni Ced sa kanila ay napansin siya ng nanay nito na matamlay at hindi nagsasalit. "Anak ayos ka...
By: Cedie
X. Simula ng Isang Laro
Paguwi ni Ced sa kanila ay napansin siya ng nanay nito na matamlay at hindi nagsasalit. "Anak ayos ka lang ba? Bakit parang ang aga mo umuwi?", tanong ng nanay nito. "Wala po ma, masama lang ang pakiramdam ko kaya umuwi agad ako", sagot ni Ced. "Ma akyat muna ko sa taas ah, magpapahinga lang po ako." "Oh sige anak, tawagin na lang kita at ipagluluto kita ng sopas." Umakyat si Ced sa kanyang kwarto, humiga sa kama at tuluyan nang napaluha sa kanina pa niyang pinipigilan na damdamin. Nagisip isip siya sa kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Iniisip niya kung bakit bigla na lamang naging ganoon sa kanya ang bestfriend niya. Napaidlip si Ced sa sobrang pagod. Ginising siya ng kanyang Mama para kumain ng hapunan. Matapos nito ay umakyat na muli siya ng kwarto para maghanda ng mga gamit na dadahil at damit na isusuot para sa plano nilang barkada. Pagkatapos ayusin ng lahat ng kanyang gamit ay natulog nang muli ang binata.
Dumating na ang araw na pinagplanuhan ng lahat. Ang overnight swimming kung saan pupunta ng Laguna ang barkada. Magkikita kita sila sa bahay nina Kiko para doon na sila manggagaling dahil si Kiko din naman ang may kotse. Dumating isa-isa ang mga magkakaibigan. Nauna si Sarah at Emily, sumunod naman si George, si Jared at Robert, at huling huli dumating si Ced.
Sinimulan na nilang ipasok ang mga gamit sa kotse ni Kiko. Nang matapos na ang lahat ay dumating si Isabel, "Guys nalimutan ko nga pala, kasama naten si Isabel, ayos lang ba? Nasabe ko na kay Ced kahapon kaso di nya yata kayo nasabihan.", wika ni Kiko. "Ayos lang yan, the more the merrier", nakangiting sabi nina Sarah at Emily. "At least tatlo na kaming babae diba?", dagdag pa nila. Nang pumasok sa kotse ang magkakaibigan, pumasok si Ced sa likod ng kotse, "Oi Ced, bakit andito... ay ou nga pala sorry, lika tabi na lang tayo", si Jared. Hinahanap ni Kiko si Ced sa tabi ng driver's seat ngunit naalala niya na kasama nga pala si Isabel kaya siya ang umupo sa tabi ni Kiko. Naging tahimik ang biyahe ng barkada, ang iba ay natulog, si Robert naman ay kumakanta ng kumakanta kahit wala sa tono. Si Ced naman ay nakatingin lang sa daan sa buong biyahe hanggang sa pagdating nila sa resort.
Pagdating nila sa resort ay kumuha sila ng cottage, sinet-up nila ang ihawan sa labas ng cottage at nagsimula ng maghiwa-hiwalay ang mga magkakaibigan. Nagkasundo na lamang sila na babalik pagkalipas ng dalawang oras para kumain at nagusap-usap na maglalaro mamaya ng Truth or Dare. Naexcite umalis si Robert at George para mag "babewatching". Si Emily at Sarah naman ay magkasama ding lumibot ng resort. Naiwan si Jared, Kiko, Isabel at Ced. Nagpresinta si Isabel na tutulong kay Kiko sa paghahanda ng pagkain. Napansin ni Jared na parang wala pa din sa sarili si Ced kaya tinawag niya ito, "Ced tara ikutin naten yung resort." Sumama si Ced kay Jared at naiwan si Isabel at Kiko para maghanda ng hapunan. Habang naglalakad lakad si Jared at Ced ay biglang nagtanong si Jared, "kahapon ka pa walang kibo, tapos umuwi ka pa ng maaga, si Kiko no?" Napatango si Ced at sumagot, "Hindi ko alam eh, parang bigla na lang na hindi na kami close, ewan ko ba pero parang nakalimutan na niyang andito pa ko." Hindi masabi ni Jared kung ano ang kanyang dapat isagot dahil hindi naman niya ugali na manghimasok sa problema ng iba, pero dahil kaibigan niya naman ang dalawa ay sinabihan niya si Ced, "Ced, lahat ng tao nagbabago, hindi mo lang masasabi kung ang pagbabagong ito ay mabuti o masama, minsan kasi may mga bagay na bigla na lang nateng naiisipang gawin nang hindi namamalayan na nakakasakit na pala tayo ng iba." Nagtaka si Ced sa sagot ni Jared dahil tila may laman ang mga katagang iyon. "Ah wag mo na ngang isipin yung sinabi ko, haha, ngayon lang ako naging makata, wag mo ipagsasabi yun baka layuan ako ng mga chicks", dugtong ni Jared. Napangiti niya kahit papano si Ced at nilibot na lamang nila ang buong resort.
Makalipas ng halos dalawang oras ay nagbalikan na ang anim na kaibigan ni Kiko sa cottage. Eksakto naman na tapos na silang maghanda ni Isabel ng hapunan. Pumasok na ang mga magkakaibigan sa kwarto at inihain ang mga pagkain sa isang mesa. Pagkatapos kumain ay nagsalita si George, tara pumalibot na kayo, simulan na naten yung truth or dare. Nagsimula nang umupo nang magkakatabi ang upuan. Si Jared ay katabi si Ced, katabi ni Ced si Robert, Si Robert na katabi si George na katabi si Isabel na katabi si Kiko na katabi si Sarah na katabi si Emily na katabi naman si Jared. Sa posisyon na yun ay naging magkatapat si Ced at Kiko nang hindi sinasadya.
Biglang nagsimula ang laro.. Kumuha ng isang bote ng softdrinks si Robert at nagsalita ng malakas. "Matinong usapan, kung truth, sasabihin niyo ang totoo sa harap ng barkada, lahat ng mapaguusapan ay sa loob lang ng apat na sulok na to at hindi lalabas kailanman. Kailangan niyong sumumpa na walang lalabas sa kung anuman ang mapaguusapan, kung pipiliin nyo naman ang dare ay gagawin niyo ng walang alinlangan ang maaaring iutos sa inyo. Maliwanag ba ang sinabi ko?" Tumango ang lahat at tila parang kinabahan ng sinimulan ni Robert na paikutin ang bote. Umikot ang bote, dahan dahan itong tumigil hanggang sa natapatan nito ang unang biktima ng laro sa gabing iyon.. si Jared.

COMMENTS