By: Cedie IX. Pagseselos Malapit na ang planong night swimming ng barkada. Isang araw bago ang nakatakdang lakad ay magkakasama sina Emily, ...
By: Cedie
IX. Pagseselos
Malapit na ang planong night swimming ng barkada. Isang araw bago ang nakatakdang lakad ay magkakasama sina Emily, Sarah, George, Jared, Robert at Ced papunta sa basketball court para manood ng praktis ni Kiko. Dalawang araw na ang nakalipas at hindi pa din nagkakausap ang dalawa. Sa tuwing tinetext ni Ced si Kiko ay magrereply at sasabihin na busy ito sa training. Nang magpunta naman siya sa bahay ni Kiko kahapon ay hindi ito umuwi kaya magisa siyang natulog sa bahay nina Kiko. Kaya napagpasyahan ni Ced na yayain ang barkada after class dahil excused din naman ang mga varsity player kapag may training sila. Pagdating nila sa basketball court ay nakita nilang naglalaro si Kiko at ang kanyang mga kasama. May napansin silang mga grupo ng mga babae na nanonood din sa laro ng mga varsity. Sa tuwing nakakascore si Kiko ay titingin siya sa grupo ng mga babae at may itinuturo siyang isang magandang babae sa grupo na yun. Nagsalita si Robert, "Pare tignan niyo yung tinuturo ni Kiko! Ang ganda nung chick na yun, siya yung Miss Architecture nung last year Intramurals, si Isabel!" Tumingin ang mga magkakaibigan sa babaeng tinuturo ni robert at nakita din ito ni Ced. Nang magkaron ng break ang team ay kumaway lamang si Kiko sa mga barkada niya at lumapit sa grupo ng mga babae.
Lumapit si Isabel kay Kiko at kinuha ang towel nito at pinunasan ang pawis na si Kiko. Nagulat ang barkada sa mga nakikita nilang nangyayari lalo na si Ced. Hindi naman naikukwento ni Kiko sa kanya na may pinopormahan siyang babae kaya nakaramdam ng tampo si Ced at nagkaron ng pagseselos sa babae. Hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil naisip niya na baka magisip na naman nang kakaiba ang mga kaibigan niya. Sumakay na lamang siya at itinago ang nararamdaman. "Ou nga ang ganda niya, Ms. Arki naman kasi kaya maganda talaga", wika ni Ced. "Teka Ced hindi ba bespren mo si Kiko? Bakit parang hindi mo alam na may pinopormahan pala siyang babae?", wika ni Emily. "Ah, alam ko kaya, hindi ko pa lang nakikita pero nabanggit na niya, siya pala yun.", pagtatakip ni Ced. Matapos ng laro ay lumapit si Kiko sa barkada kasama si Isabel. "Buti inantay niyo kami matapos, siya nga pala, eto pala mga barkada ko, si Emily, Sarah, George, Jared, Robert at Ced. Guys, meet Isabel, my girlfriend."
Tila nabasag ang damdamin ni Ced sa narinig niya, hindi niya alam kung aalis siya sa sitwasyong iyon o itatago na naman ang nararamdaman niya. Inabot ni Isabel ang kamay niya kay Ced, "Hi Ced, ako pala si Isabel, girlfriend ng kuya mo", nakangiting sabi ng dalaga. Nakipagkamay naman si Ced, "Hi, ikaw pala si Isabel, nababanggit ka din lagi ni Kiks saken.", ang ganda mo pala. Parang naasar pa si Kiko sa sinabi ni Ced dahil parang hindi apektado si Ced sa pagpapakilala ni Kiko kay Isabel
bilang Girlfriend niya sa barkada. Ang hindi niya alam ay pilit na itinatago ni Ced ang sakit na nararamdaman niya sa ginagawa niyang iyon. "Issa, halika na hatid kita sa inyo, guys iwanan na namen kayo ha.", sambit ni Kiko. Nagpaalam na ang dalawa at naiwan ang anim na magkakaibigan. "So san tayo pupunta?", inakbayan ni Jasper si Ced habang tinatanong ang barkada. "Tara punta lang tayo sa canteen, nagutom lang ako sa kakapanood eh.", si Sarah. "Wala namang bago sayo, lagi kang gutom, hahaha", sambit ni Robert, nagtawanan ang mga magkakaibigan pati na rin si Ced na pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha.
Nagpunta sila sa canteen at nakita nila dito si Via, ang team mate ni Ced sa Quiz bee. "Cedie!! Tabi na kayo ng mga kaibigan mo dito!", sigaw ni Via sa barkada ni Ced. Lumapit naman ang mga ito at tumabi kay Via si Ced at ang iba niyang kasamahan ay pumalibot dito. "Bakit mag-isa ka lang Via?", tanong ni Ced. "Umuwi na kasi mga kasama ko eh, inaantay ko na lang boyfriend ko na sunduin ako ngayon", sagot naman ni Via. "Ah ganun ba, sige bili lang kame ng pagkain tapos samahan ka namen hanggang sa dumating ang boyfriend mo." Alam ni ced na may boyfriend si Via, kaya naging parang kapatid na lang ang tingin niya sa dalaga ay dahil nung mga araw na nagrerebyu sila para sa Quiz bee ay naikukwento ni Via sa kanya ang mga bagay tungkol sa kanila ng boyfriend niya. Makalipas ang ilang minuto ay nagtext na ang boyfriend ni Via at nagpaalam na itong umuwi. Nagpaalam naman ang barkada ni Ced kay Via at tinapos na nila ang kanilang pagkain.
Niyaya na ni Ced na umuwi ang mga kaibigan dahil napapagod na raw ito. Pumayag naman ang mga kaibigan niya dahil pagod na rin naman sila. Paguwi niya ng bahay ay natulog na lamang siya dala dala ang matinding selos at sakit na kanyang naramdaman sa ginawa sa kanya ng kanyang kaibigan.
Kinabukasan ay huling araw ng linggo at bukas na ang nakaplanong overnight swimming ng barkada. Walang training ang varsity team kapag weekend kaya naman alam ni Ced na kumpleto ang barkada ngayon sa kanilang klase. Pagdating niya ng eskwelahan ay nasalubong niya si Jasper sa gate, "Oh ikaw pala Ced, bakit parang namumugto yang mata mo? Umiyak ka ba kagabe?", tanong ni Jared. "Anu ka ba, nagpuyat lang ako, tsaka asset ko na yang eyebags ko", pilit na nakangiting sagot ni Ced."Oh siya sabi mo eh, tara sabay na tayong pumunta sa room", sagot naman ni Jared. Pagdating nila sa room ay wala pa ang ibang kaibigan nila, si Sarah at Emily lang ang nadatnan nilang naguusap. "Masyado pa palang maaga, 30 minutes pa bago magsimula ang klase kaya malamang mamaya pa dadating yung iba", wika ni Jared. Umupo sila malapit kina Emily para magkwentuhan ngunit tahimik pa din si Ced. Dumating si George at Robert na magkasama at sampung minuto na lang ang natitira bago magsimula ang klase. Pagdating ng professor nila ay siya ding dating ni Kiko. Hiningihal itong pumasok ng klasrum at umupo sa silya. "Kamusta? Swimming na naten bukas ah", tanong ni Kiko na parang walang nangyari. "Ah oo nga, ayos lang naman ako, ikaw kamusta kayo ni Isabel?", mahinang tanong ni Ced. "Ah ayos lang naman kami, baka pala isama ko siya bukas, ayos lang ba sayo?", tanong ni Kiko. "Ayos lang saken, sino ba naman ako para pigilan siya? Mabait naman si Isabel at walang ginagawang masama", mabilis na sagot ni Ced at lumingon na lamang sa blackboard para makinig ng discussion. Napansin ni Kiko na parang malungkot ang itsura ni Ced. Kilala niya ang kaibigan, alam niya kapag may problema o kung may iniisip ito. Kaya parang na-guilty siya sa ginawa niya at akma sanang kakausapin niya uli ito nang lumabas ang kaibigan at nagpaalam sa professor na uuwi dahil biglang sumama ang pakiramdam. Pinayagan naman itong umuwi at dire diretso itong lumabas ng classroom at hindi na tumingin pa kay Kiko at tuluyan ng umuwi.

COMMENTS