By: Travis Kinaumagahan ay nagising na ako, wala na si Xander sa tabi ko pero nag-iwan sya ng Note sa side table "Trav, hindi na kita g...
By: Travis
Kinaumagahan ay nagising na ako, wala na si Xander sa tabi ko pero nag-iwan sya ng Note sa side table
"Trav, hindi na kita ginising kasi ayokong maistorbo ang pagtulog mo. Thank you ng madami and sorry sa lahat. Mamimis ko ang mga ginagawa natin sa dorm mo. Sana one day magawa ulit natin yun. Kita kits na lang.
-Xander"
Napangiti ako sa sulat nya at itinago ito. Malamang ay ito na ang huling sulat na matatanggap ko sa kanya.
Tumambay ako sa Park na malapit sa dorm. Dahil December na nun ay tila naging Wonderland ang park sa dami ng palamuti, Christmas Lights at mga nagtitinda. Walang kasing ganda ang Park noon, madami na din nagpupunta doon, malayong malayo sa Park dati na halos walang pumupunta. Bigla kong naalala yung mga panahong kasama ko si Xander na kaming dalawa lang.
Habang nakaupo sa bench at nagmumuni-muni ay may bilang umupo sa tabi ko.
"Bakit kaw lang mag-isa?"
Pagtingin ko si Rob pala.
"Uy anu ka ba nagulat naman ako akala ko naman kung sino"
At natawa kami.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Galing ako sa dorm mo, walang tao sabi nung dormmate mo baka daw nandito ka. Trav, pwede ba tayo mag-inuman sa dorm mo?"
"May problema ka ba?"
"Wala naman, kailangan ko lang ng lakas ng loob, boost ganun"
"Sige ok lang naman, itago na lang natin pag akyat natin"
"Tara na"
At umalis na kami. Pagkabili namin ay umuwi kami agad para masimulan na.
Pagdating sa amin ay nilabas nya agad yung mga pinamili namin at binuksan ang bote ng vodka, tig-isa kami.
"May sasabihin ka ba? Alam ko may purpose 'to"
"Wala na kami ni Josh"
"Bakit? Don't tell me may ginawa ka?"
Matagal bago sumagot si Rob, hinihintay ko ang sagot nya habang nakatitig sa mukha nya, naghanap ako ng non-verbal clues ngunit wala.
"Mutual naming desisyon yun, pareho naming pinag-usapan"
"Bakit? Hindi ko maintindihan"
"Wala eh, hindi nag-work. Alam kong may ibang mahal si Josh at ganun din ako, I'm in love with someone"
Hindi ako agad nakapagsalita nung mga oras na yun.
"Kung mahal mo talaga si Josh, try to win him back"
"Hindi na siguro, ok na yung ganito na nagbreak kami"
At hindi na ako muling nagtanong pa.
Makalipas ang ilang oras ay nalasing na si Rob, hindi naman nya ako pinilit uminom ng madami kaya hindi ako nalasing masyado.
"Alam mo ba kung bakit ako pumayag makipagbreak? Kasi ikaw yung mahal ko, nafall ako sayo Trav, sa tuwing magkasama kami ni Josh ikaw ang nasa isip ko, sa tuwing magsesex kami ikaw ang nasa isip ko, mahal kita"
ang sabi ni Rob, halatang lasing na lasing na sya kasi mapula na sya at halata sa itsura at kilos nya. Hindi na lang ako kumibo pero alam ko na may pinaghuhugutan ang mga sinabi nya. Pero hindi ako nagtake advantage sa sitwasyon at hinayaan lang sya. Nung mapansin kong nakatulog na sya sa sofa ay tinayo ko na sya.
"Rob, dun ka na sa kama matulog"
Dumilat sya at nasuka. Nasukahan ako pati na din sya. Nagsasalita pa si Rob habang lasing na lasing na sya.
"I'm sorry mahal ko nasukahan kita"
"Ssshhh wag ka na magsalita"
At tumayo ako para kumuha ng bimpo para malinisan ko sya at makapagpalit ako ng damit.
Pagkatapos ko syang palitan ng damit ay inakay ko sya papunta sa kama. Ang bigat ni Rob na halos mabali na ang buto ko sa kakaakay sa kanya. Nung naihiga ko sya sa kama ay lumabas na ako at naglinis ng pinaggamitan namin. Pagkatapos nun ay sa sofa ako natulog.
Maaga akong nagising at nagluto ng almusal. Hindi ko na muna ginising si Rob at baka sumakit ang ulo at mabitin sa tulog. Maya maya pa ay lumabas na sya ng kwarto.
"Bakit hindi ka sa kama natulog?"
"Bisita kita ikaw dapat talaga dun"
"I'm sorry, alam ko nalasing ako kagabi at nagsalita ng kung anu ano, basta alam mo naman dun kung ano yung totoo"
"Ha?"
"Basta"
Alam ko yung tinutukoy ni Rob, yung nagtapat sya sa akin kagabi. Naramdaman ko naman na totoo yun sa mga pinapakita sa akin ni Rob, kahit gustuhin ko man ay hindi ko na sya ganun ka-gusto. Mas gusto ko syang maging kaibigan kesa maging boyfriend. Marahil noon pa man ay natanggap ko na na hanggang magkaibigan na lang talaga kami.
"Rob kain na tayo"
"Teka, paano nga pala ako nakapagpalit ng damit? Hmmm"
At ngumiti sya sa akin.
"Don't worry Rob, hindi ko naman nakita yan, ako pa? Never naman akong magtake advantage"
"Oo naman jinojoke lang naman kita eh. Thank you ah"
"Wala yun. Nevermind"
At nagtawanan kami.
"Rob yung mga damit mo nilabhan ko na kagabi mukhang matutuyo naman na sya paplantsahin ko na lang"
"Wag mo na galawin yun, dapat hindi mo na nilabhan eh"
"Nasukahan mo kaya"
"Eh di iuuwi ko na lang sana sa bahay at dun na lalabhan"
"Naku wag na tsaka nalabhan ko naman na eh"
"Tsk. Nakakahiya na tuloy"
"Bakit ka naman mahihiya? Ganyan talaga pag magkaibigan"
"Magkaibigan lang?"
"Ha?"
"Wala. Pero kung anu man ang nasabi ko kagabi totoo yun Trav"
"Sige na kain lang"
Sinadya kong ibahin ang topic namin para hindi na mapag-usapan.
Pagkatapos nun ay nagstay pa sandali si Rob. Naglaro kami ng cards at kung sino ang matalo ay papahiran ng pulbos sa mukha. Nagkakatuwaan kami sa laro at halos pumuti na ang mukha nya sa dami ng pulbos nung akmang lalagyan ko ulit sya ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at napatigil din ako. Yun pala ay kikilitiin nya ako at nahulog kaming dalawa sa sahig. Tawa kami ng tawa noon at halatang masaya sya sa amin. Bigla akong hinalikan ni Rob sa labi, at ngumiti sya.
"Ay"
"Sorry!"
habang nakangiti sya at napangiti na din ako.
Kinahapunan ay umalis na din si Rob. Isang araw ang nagdaan na puro harutan at tawanan kaming dalawa. Mas na realize ko na kailangan ko pala si Rob sa buhay ko, bilang kaibigan.
Naging busy ako pagkatapos ng New Year. Dahil sa last semester na yun ay busy kami sa Thesis at Final Exams. Halos hindi na kami magkita ni Rob pero nagkakatext pa din kami. Dumadaan sya sa dorm para magbigay ng pagkain at kung anu ano pa pero hindi din sya nagtatagal kasi may mga inaasikaso din sya.
Habang nagpapalipas oras ako sa quadrangle sa school ay nakita ko si Zoey.
"Travis!"
"O Zoey bakit?"
"Wala lang namiss lang kita, nasaan si Xander?"
"Nasaan si Raf?"
"Ano 'to tanong ko sagot ko?"
At nagtawanan kaming dalawa.
"Friend, kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong may pinagdadaanan ka"
"Ha?"
"Kayo ni Xander"
At natahimik ako at naging seryoso ang usapan namin.
"Ganun talaga Zoey, wala na kong magagawa dun"
"Hayaan mo Trav, madami pa naman dyan, hindi ka mauubusan, swear!"
Ilang saglit pa ay dumating si Raf, kasama ang isang babae na parang hindi ko kilala, nung lumapit sya parang pamilyar ang mukha nya at tama nga ang hinala ko, sya ang babaeng kasama ni Xander sa mall.
"Guys, this is Mimi, Xander's Girlfriend,
Ahh Mimi, my girlfriend si Zoey"
At nagkamayan sila
"And our friend, si Travis"
"Hi Mimi"
At nakipagshake hands din ako. Inoffer ko na maupo sya sa tabi ko. Mukhang hindi naman nya ako namukhaan kaya ok lang.
"Matagal pa ba si Xander, Raf? Baka kasi mahuli kami sa check up namin sa OB"
At nagulat ako sa sinabi nya, kahit na aminado akong naka move on na kay Xander ay deep inside nasasaktan pa din pala ako. Yun pala ay pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko na ok na sa akin na magpapakasal na sya pero hindi din pala. Ramdam ko ang kirot nun at nahalata ni Zoey na bigla akong naging matamlay kaya nginitian nya ako.
Ilang saglit lang ay dumating si Xander, hindi nya alam ang gagawin nya nung nakita nyang magkatabi kami. Nung magkiss sila nakatitig lang sya sa akin tila may mensahe ang pagtitig nyang iyon na parang nagsasabi na, "I'm sorry"
Hindi ako nagpahalata na affected ako, kahit na sa totoo naman ay affected ako talaga ay wala akong karapatan na umasta ng ganun sa harap nya.
"Guys una na ako ha"
At umalis na din pagkatapos kong magpaalam. Naisip ko paano kaya kung nagtapat na ako kay Xander dati pa? May mangyayari kaya? O pinalagpas ko lang ang pagkakataong maging kami. Sa totoo lang ay hindi ko din alam ang mga sagot, ayoko na din umasa pa lalo na't buntis ang girlfriend nya at magiging ama na sya.
Itinuon ko ang lahat ng oras ko sa school. Dahil sa ilang buwan na lang ay gagraduate na kami ay kailangang magfocus na muna. Sa panahong yun ay parang walang Xander sa buhay ko. Hindi na din sya dumalaw sa dorm, tanging si Rob na lang ang bumibisita sa dorm at nakakakwentuhan ko. Marahil busy din sya kasi gagraduate na din sya at mas mauuna silang magdaos ng Graduation Rites.
Naging mabilis ang panahon, hindi ko namalayan na Finals na at ibinigay ko naman ang lahat ng best ko, para sa pamilya ko ang lahat ng yun at sa Ninang ko na walang sawang sumuporta sa akin. Hindi naman ako nabigo at nakuha ko ang pinaka-aasam ko na Latin Honors. Tuwang tuwa ang pamilya ko pati na din ang Ninang ko. Pati na din ang mga kaibigan ko.
Nung kuhanan na ng toga ay muli kong nakita si Xander, ibang iba na ang itsura nya, para sa akin ay mas lalo syang naging gwapo sa hindi ko din maipaliwanag na dahilan.
"Congrats Trav alam ko naman na para sayo talaga yan"
"Thank you, ikaw din Congrats din, gagraduate na tayo"
"Oo nga eh. Ang bilis ng panahon talaga, tara samahan mo ko mag coffee, libre ko, Please?"
"Sige hintayin mo na lang ako sa quad"
Pagkatapos nun ay nag-coffee kami. Nagkakwentuhan ng mga nangyari nung dati pa, the first encounter at nung sinagip ko sya nung nangodigo sya.
"Xander, kung hindi kita sinagip noon malamang nag aaral ka pa din ngayon"
At nagtawanan kami. Biglang nag-iba ang topic at naging seryoso na. Dahil sa konti pa lang ang tao sa Coffee Shop ay hindi sya nahiyang magtanong.
"Trav, minahal mo ba ako? Yung more than friend na pagmamahal?"
Hindi ako agad nakasagot pero ginather ko ang lahat ng lakas ng loob para sagutin ang tanong nya.
"Oo, pero hanggang dun na lang yun siguro. Umasa ako na mamahalin mo din ako pero wala eh, hindi nagwork"
Nginitian ko sya at nakita kong nanggilid ang mga luha nya.
"Xander, i'm trying to move on kasi yun na lang ang option ko. Ikaw may future na naghihintay sayo, hindi man tayo naging ngayon, who knows baka sa second life magkita tayo ulit at maging tayo na"
Biglang naiyak si Xander pero naagapan naman nya ang pagpatak ng luha nya kaya walang nakapansin sa amin.
"Mahal kita Trav kasi binalik mo yung dating ako, alam kong gago ako pero nung nakilala kita napagbago mo ako. Naramdaman ko na may pamilya ako pag kasama kita"
"Andito pa naman ako, hindi ako mawawala"
"Gusto kasi ni Mimi (Gf nya) na sa States kami ikasal at dun na magstay"
"Xander sya na ang priority mo ngayon, isipin mo na lang na para sa future nyo din yun, kelan ang flight nyo?"
"Next week"
"Wag ka na malungkot, ienjoy na lang natin ang ilang araw mo pa dito. Let go of what's inside Xander, minsan sa buhay mo maalala mo na minsan na may nagmahal sayo na kagaya ko"
"Cheesy!"
at napangiti ko din sya.
Pagkatapos noon ay hinatid nya ko sa dorm.
"Thank you Trav sa lahat"
"Ikaw pa!"
At niyakap ko sya ng mahigpit.
"Sana lagi tayong ganito, hindi ako magsasawa"
habang yakap nya ako.
"Sige na Xander uwi ka na, thank you"
At bumaba na ko ng sasakyan at umakyat na ako papuntang dorm.
Masasabi ko na hindi naging perfect ang samahan namin ni Xander, pero kahit na ganun ay masaya ako kasi kahit papaano ay may nagmahal sa akin, higit pa sa ineexpect ko na taong magmamahal sa akin. Hindi nga lang napagbigyan ang aming Love Story.
Itutuloy..

COMMENTS