By: Neji Hyuuga "Ano 'yon?!" takang turan ni Stefan. Nagtataka man sa anumang nagaganap sa labas ng silid. Agad na isinuot ni ...
By: Neji Hyuuga
"Ano 'yon?!" takang turan ni Stefan.
Nagtataka man sa anumang nagaganap sa labas ng silid. Agad na isinuot ni Stefan ang kanyang nagkalat na mga damit. Mabilis din niyang isinuot ang kanyang Crimson armor pati na rin ang dalawag espada ay agad na isiukbit sa lalagyan nito. Mabilis niyang tinungo ang pintuan.
Booooooooooooooooooom!
Isang malakas na pagsabog mula sa labas na ikinawasak ng pintuan ng kanyang silid. Sa lakas ng pagsabog naikinasira ng bahaging iyon ng kanyang silid ay nagawang isalya si Stefan at ang alipin sa magkabilang gilid. Tumama ang katawan ni Stefan sa pader samantalang na patapon naman sa kabilang panig ng higaan ang lalaking alipin.
Bago pa man makabawi si Stefan sa pagkahilo na dulot ng pagsabog, heto't sumusugod na naman ang mga armadong nilalang patungo sa kanyang direksyon.
Ting!
Tunog iyon ng nagtagis na mga espada. Ang isa'y mula sa di-kilalang armadong nilalang at ang dalawa'y mula kay Stefan. Mabilis niyang naiharang ang kanyang sandata. Nasa alangin mang posisyon, buong lakas niyang itinulak ang kalaban gamit ang kanyang espada.
"Aaaaarrrhhhh!"
Pabalibag itong tumama sa pader at walang buhay na bumagsak sa sahig. Sa gilid ng mata ni Stefan, kita niya ang walang malay na alipin. Minabuti niyang wag na muna itong lapitan upang hindi maging sagabal sa gagawin niyang pagtatanggol sa sarili. Ilang hakbang lang ang kanyang ginawa at mabilis niyang nilisan ang silid. Una niyang tinungo ang silid ng kaniyang mga magulang.
"Ina! Ama!" malakas na tawag ni Stefan habang tinatahak ang pasilyo patungo sa silid ng kanyang mga magulang. Agad niyang binuksan ang pinto ng silid ng kanyang ama't ina ng marating ang silid ng mga ito. "Ama! Ina!"
"Stefan!" halos sabay na turan ng dalawang matanda ng mapagtanto ang nilalang na bumukas sa kanilang silid. Nahintakutan sila ng makarinig ng malakas na pagsabog mula sa silid ng huli.
"Ano bang nangyayari. Sino ang mga nilalang na iyon na pumasok sa pamamahay natin at gumawa ng pagsabog na iyon?" agarang tanong ni Stefan.
"Hindi namin alam hijo. Kami rin ay nagulat ng makarinig ng malakas na pagsabog buhat sa silid mo." paliwanag ng kanyang ama. Habang patuloy lamang ang pag-iyak ng kanyang ina na nakayapos sa kanyang ama.
"Dito lang kayo! Wag kayong lalabas. Kung maaari magtago muna kayo....aalamin ko kung ano ang nangyayari sa labas." turan ni Stefan.
"Mag-iingat ka anak ko!" buong pagmamahal na paalala ng kanyang ama.
Tig-isang halik sa noo ang isinukli ni Stefan. Kapagdaka'y mabilis niyang nilisan ang silid ng kanyang magulang at tinungo ang kanilang bulwagan. Habang pababa siya ng hagdan agad na napalundag si Stefan upang maiwasan ang isang matalim na bagay na patungo sa direksyon niya. Subalit bago pa man makaposisyon si Stefan, isa muling pag-atake mula sa kalaban.
"Wind Blade!"
"Huh!" agad na isinanggalang ni Stefan ang kanyang sandata upang maiwasan ang panganib na dulot ng atakeng iyon. "Aaah!" sa ikalawang pagkakataon muling tumama ang katawan niya sa pader.
"Hmmp! Magaling ka nga talaga! Walang duda, Stefan Lamoure, The Flaming Pheonix." turan ng isang babae na nasa ibabaw ng isang malaking rebulto. Sa suot nitong dalawang kapirasong damit na dinagdagan lamang ng mga kulay berdeng mga alahas sa buong katawan at ang kulay berde din nitong kapa kahit nasa ganoong alanganin kalagayan si Stefan ay hindi niya maiiwasang humanga sa angking kagandahan at alindog ng babae. Subalit nasa maling eksena sila ng mga oras na iyon. Kung kaya kahit gustuhin man niyang ikulong sa kanyang mga bisig ang babae at ipalasap dito ang romansang ipinalasap niya kanina lamang sa kanilang utusan ay hindi maaari.
"Sino kayo at anong kailangan n'yo sa pamilya ko!' matigas na wika ni Stefan ng makabawi siya sa pinsalang tinamo.
"He he he...." nakakalokong tawa ng isang payat na lalaki na may mahabang buhok. Sa anyo, hindi magtataka si Stefan kung isa itong bayarang mamamatay-tao na buhat sa mga pangkat ng mga bandido na nagkalat sa buong lupain. "Ika-" naputol na ang sasabihin nito ng mula sa isang sulok ay lumutang ang isang lalaki. Nakatalukbong ito kaya hindi makita ni Stefan ang pagmumukha ng bagong nilalang na yaon. Tanging ang malalaking singsing na may iba't ibang kulay at mga naglalakihang kuwintas na ay kung anu-anong pendant ang nagsisilbing pagkakakilanlan dito.
"Magtigil ka! Voura, isa ka lamang mababang uri ng bounty hunter." wika nito.
"Aba't!" pipiyok pa sana si Voura subalit pinanlisikan siya ng mata nito.
Sa pagtatalo ng dalawa'y nakasilip si Stefan ng pagkakataon upang gumawa ng paraan. Sa ngayon, hindi ang paggapi sa mga nilalang na ito ang pangunahin niyang layunin. Kundi ang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang mga magulang. Kung siya nga ang pakay ng mga ito ay agad na nakaisip ng plano si Stefan.
"Blazing Twin Blade!" sa magkasunod na wasiwas ni Stefan sa kanyang sandata'y dalawang nag-aapoy na enerhiya ang pinakawalan niya at ngayo'y mabilis na patungo ang direksyon sa mga nagtatalo. Kasabay naman noo'y agad na tumalilis si Stefan palabas ng bahay.
Huli na para makapag-counter attack ang huli. Kanya-kanya silang kubli gamit ang kanilang mga kapangyarihan may kakayahang protektahan sila o di kaya'y ang malalaking rebulto sa bahay na yaon. Lumikha ng makapal na usok ang pagsabog ng enerhiyang pinakawalan ni Stefan.
"Na'san na ang lalaking iyon?" wika ni Allenna. "Mga inutil kayo! dahil sa pagtatalo nyo ng walang kabuluhan ay natakasan tayo!" nanggagalaiting wika ni Allena. "Habulin nyo...siguraduhin nyong mahuhuli nyo siyang buhay!" bulyaw pa nito.
Nauubo-ubo man sanhi ng makapal na usok na dulot ng pagsabog at nahihintakutan man sa nakikitang reaksyon ng babae ay agad naman tumalima ang dalawa at ang mga tauhan nito. Habang pinagmamasdan ni Allena ang mga papalayong tauhan, bumalik sa isipan niya ang kakisigan at angking kagandahang lalaki ng kanilang biktima. Kung hindi lamang misyon nila na kunin ito at agarang dalhin sa kanilang kuta malamang ay hinayaan muna niyang angkinin siya ng lalaki. Napansin nya rin kanina ang malalagkit nitong titig sa kanya ng pakawalan niya ang kanyang atake na nagpabagsak dito. Saglit na nag-init ang pakiramdam ni Allena sa isipin iyon. Biglang pumasok sa isip niya ang mga sandaling kasama niya si Troilan. Tila bumagal ang takbo ng oras at unti-unting bumalik sa isipan ni Allena ang mga naganap sa kanila.
Leganda, isang bansa sa silangan bahagi ng Reyalberuh. Mayaman sa likas na yaman na dulot na malalagong kagubatan. Pinagpala ang bansang ito sapagkat ayon sa kasaysayan ng lupain ng Reyalberuh dito na nanahan ang elemento ng lupa, ang Terra. Ayon pa rin sa mga paniniwala ay nagkakaroon ng kakaibang lakas at enerhiya ang sinumang nilalang na may taglay na kapangyarihang may mga katangian ng lupa. At isa sa mga nananalig sa paniniwalang ito ay ang mga mamamayan ng bayan ng Zvire. Sila ang mga nilalang na maituturing na kasing hawig ng mga hayop sa kagubatan. Bawat mga mandirigma sa bayang ito, lalaki o babae, ay nagtataglay ng lakas at espesyal na katangian ng isa o higit pang hayop sa kagubatan. Bukod pa roo'y nararamdaman nila ang pagpapalang dulot ng elemento ng lupa, ang Terra.
"Bestia at Fera! samahan ninyo ang mga mamamayan sa ating ligtas na lugar. " utos ng isang matipunong lalaki. Morenong-moreno ang kulay ng balat nito na tanging kapirasong balat lamang ng hayop ang tumatakip sa maselang bahagi ng katawan. Mula sa likod ay naka sabit naman ang isang sandata na yari sa tinunaw na buto ng mga mababagsik na hayop sa buong kagubatan ng bansang yaon.
"Subalit mga mandirigma rin kaming katulad ninyo!" sabad ni Bestia, isang mandirigmang Zvire na nagtataglay ng katangian mayroon ang isang Cheetah.
"Oo na, pinunong Troilan." sang-ayon naman ni Fera. Taglay nito ang katangian ng isang Falcon.
"Ssheda!" bulyaw ng lalaki. "Alam ko ang katayuan ninyo at hindi ko matatawaran ang kahusayan ninyong dalawa sa larangan ng pakikipaglaban subalit ang kagalingang taglay ninyo ay hindi sa paraang nais ninyo hinihingi ng pagkakataon." madiplomatikong paliwanag ni Troilan. "Bilang pinuno ng bayang ito, walang babaeng aking nasasakupan ang kailangan magbuwis ng buhay upang ipagsanggal ako laban sa mga kaaway." tumingin muna ito sa haring araw saka muling bumaling sa dalawang babae. "Sige na, alalayan ninyo ang mga mamamayan ng bayang ito na makarating sa lunan na iyon ng ligtas. Umaasa ako sa inyong dalawa na magagawa ninyo ito ng maayos.' isang matamis na ngiti ang panghuling iginawad ni Troilan sa dalawa.
Maluha-luhang tumalima ang dalawa sa kanilang makisig na pinuno. Batid nila ang kahahantungan ng tagpong kanilang iiwan sampu ng mga mandirigmang handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang mga kababaihan, mga bata at matatanda. Dahil sa angkin nilang mga kakayahan na sing-tulad o mas higit pa sa isang hayop. Agad nilang namataan ang paparating na panganib sa kanilang bayan.
"Malapit na sila sa ating tarangkahan." wika ni Pecus, bagaman nasa murang edad, taglay ang binatilyo ang katangiang mayroon ang isang Leopardo.
"Salamat, Pecus. " tugon ni Troilan. "magsihanda kayo! Mga mandirigmang Zvire! ang pagpapala ng bathala at ang biyayang dulot ng Terra ang siyang magbibigay sa atin ng tagumpay sa labang ito! Shedi Zvire!
"Shedi Zvire! Shedi Zvire! Shedi Zvire! sabay-sabay at ubod-lakas na hiyawan ang naging tugon ng mga mandirigmang Zvire sa tinuran ni Troilan.
Isang malakas na pagsabog mula sa tarangkahan ang naging hudyat ng napipintong labanan.
"Pakawalan ang mga palaso!" utos ni Troilan. Mabilis na nagliparan sa ere ang libo-libong palaso.
Sa panig ng mga kalaban kung saan naroon si Allena, isa-isang bumagsak sa lupa ang mga pangit na nilalang ng kadilimang pinaglilingkuran nila. Nagulantang siya sa pangyayari, marahil ay minaliit nila ang kakayahan ng mga mandirigmang Zvire. Bukod pa sa hindi nila pinaniwalaan ang sabi-sabi tungkol sa biyaya ng Terra.
"Sugod!"
Tumawag ng pansin ni Allena ang sigaw ng isang morenong lalaki na may hawak na kulang abuhin na espada. Tanging ang isang piraso ng balat ng hayop ang nagkukubli sa maselang bahagi ng katawan nito. Subalit higit pa roon ang dahilan ni Allena. Napako ang paningin niya sa angking kakisigan ng lalaki. Isang napakakisig na nilalang na noon nya lang nakita sa tanang buhay niya. Subalit dahil sa isping iyon, nawala sa konsentrasyon si Allena at iyon ang naging pagkakataon ni Troilan upang mabilis na mahawakan sa magkabilang balikat ang babae at mabilis na niyapos kasabay ng isang mataas na pagtalon.
"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni Allena.
"Kung hindi nga lang kita kalaban...bukod sa kahilingan mo ay may iba pa akong gustong gawin sa iyo babae. " sabay kindat sa babae. Pinamulahan naman ng mukha si Allena. 'ngunit iba hindi ganoon ang sitwasyon natin. Diving White Tiger Attack!" isang mabilis na pagbulusok paibaba ang ginawa ni Troilan. Isa iyong atake na habang hawak mo ang iyong kalaban ay dadalhin mo ito sa ere kasunod ng mabilis na pagbulusok na bago pa man tumama sa lupa ang biktima agad mo itong bibitawan kasunod ang isang ubod lakas na sipa na magdaragdag ng impact sa pagbagsak ng kalaban at ang pagkakataon rin ng may gawa ng atakeng yaon na makaligtas sa panganib.
"Wind of Torment!" usal ng babae matapos ang pagbagsak nito sa lupa.
"Pa-paanong!" Nagtataka man sa pangyayari'y agad na nakaiwas si Troilan sa counter attack ng babae. Napapailing siya sa taglay nitong kahusayan sa pakikipaglaban.
"Hmmmp! mahusay ang atakeng iyon. Muntik na ako kung hindi ko agad nagawa ang bagay na ito." papuri ni Allena sa lalaki.
"Mahusay ka rin!" tugon ni Troilan. Nagawa nitong makaligtas sa atakeng iyon gamit ang hangin na ginawa nitong pananggalang sa pwersa at pinsalang maidudulot ng kanyang atake. "ngunit anong kadahilanan?" tanong ni Troilan patungkol sa ginawa ng pangkat ni Allena na pamiminsala sa kanilang bayan.
"Walang saysay kung ipapaliwanag ko saiyo...ang mas mabuting isuko mo na lamang ang bayan mo at pasakop sa mithiin ng aming pinuno!" turan ni Allena. "Hah!" isang kumpas ng kamay ay nagpakawala ito ng napakalakas na hangin. Agad na nalinis ang bahaging iyon ng kagubatan.
Isang sugat sa pisngi ang tinamo ng lalaki sa atakeng iyon. Naging mas alerto si Troilan. Malubhang mapanganib ang babaeng nasa kanyang harapan. Bawat kumpas ng kamay nito'y isang uri ng kakayahang may katangian ng hangin ang pinakakawalan. Bukod ba roo'y ang air current na nalilikha nito'y tila mga patalim na maaaring sumugat o humiwa sa anumang bagay na mahagip. Kailangan niyang maging maingat at isa lang ang paraan.
Patuloy ang walang patumanggang pag-atake ni Allena kay Troilan. Subalit nagagawa itong makita ang air current na nalilikha niya. Napipikon na siya dahil tila pinaglalaruan lamang siya ng huli. "Isa pa, hindi kita nanaising maging kalaban bagkus ay - " naputol ang anumang sasabihin ni Allena ng mabilis na nakalapit sa kanya ang lalaki. Nagawa nitong balewalain ang napakalakas na hangin na maykakayahang humiwa ng anuman bagay na madaanan nito.
"Ivi Ezvhia babae!"
Itutuloy.......

COMMENTS