By: A.R. Mahigit 2 taon din naging parte ng buhay ko si Ralph. At tulad ng ibang relasyon, sa hiwalayan din nauwi ang aming relasyon. Matapo...
By: A.R.
Mahigit 2 taon din naging parte ng buhay ko si Ralph. At tulad ng ibang relasyon, sa hiwalayan din nauwi ang aming relasyon. Matapos ang hiwalayan namin, hindi na ulit ako nakipag-relasyon dahil sa takot na baka maiwanan lang din ako. O baka, mahal ko pa rin si Ralph. Ako nga pala si Rens. 18 y/o. Hindi masyadong kagwapuhan, maputi, katamtaman lang ang hubog ng katawan.
15 y/o nung naging kami ni Ralph at 20 y/o sya noon. Hirap akong kalimutan si Ralph. Siguro, dahil iba din siya mag-alaga. Siguro, dahil na rin sa tagal ng aming pinagsamahan. O siguro, sya ang first love ko.
Dec 21, 2012. Tinawagan ako ni Precy. Iniimbitahan nya ako sa kanyang biglaang birthday party. Ang layo pa ng panggagalingan ko kaya medyo nagdalawang-isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero sa huli, na-convince pa rin ako ni Precy na sumama.
Dali-dali kong tinext si Jasper pagtapos naming mag-usap ni Precy.
“Per, tara sa birthday party ni Precy. Iniimbita tayo. Tara. Mag-ayos ka na.”
Bestfriend ko si Jasper. Ka-edad ko din. Nakilala ko yan sa isang clan nung isang taon at parang magkapatid na ang turingan namin. At halos lahat ng sikreto ko, alam nya. Tulad ko, bakla at discreet din si Jasper.
Nagkita kami ni Jasper sa Alabang. Sabay kaming pumunta sa bahay ni Precy.
“Rens, nasan na kau ni Per?” text ni Precy.
“Alabang na kami. Text ka namin kapag malapit na kami. Sunduin mo kami huh.”
Puro tawanan kami ni Jasper sa byahe nun. Kaya hindi kami nainip sa byahe kahit medyo trapik. Nung malapit na kami sa bababaan namin, tinext ko na si Precy para sunduin kami.
Pagbaba namin, agad naming nakita si Precy. Niyakap nya kami agad at sinabihan nya ako ng “Sorry huh”. Nagtaka ako kung bakit nagsorry sya. Pero hindi na sya umimik at ngumiti lang sya. Pagdating namin sa bahay nila, nagulat sila nang makita kami. Matagal ko na rin kasing hindi nakikita ang mga dati kong ka-clan.
Maraming handa si Precy. Sobra-sobra para sa mahigit 30 na bisita nya. Hindi ko lubos maisip na biglaan lang ang kanyang party samantalang maraming alak at pagkain nung gabing yun.
“Rens, kamusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo. Ang payat mo na! Mas gwapo ka na.” Yan ang palaging sinasabi sa akin ng mga nakakausap ko. Medyo nahihiya ako kapag pinupuri nila ako kaya ngumingiti lang ako at iniiba ko ang usapan. Lahat ng mga kaibigan ko, nilapitan ko para kamustahin, kausapin. Yung iba, kusa na lang lumalapit para kausapin ako.
Maya-maya ay lumapit sa akin si Rich, close friend ko. Masaya ako nung nakita ko sya. Pero nawala ung ngiti ko nung makita ko ung kasama nya, Si Ralph. Pinakilala nya sa akin si Ralph. Biglang nanlambot ako nung pinakilalang boyfriend ni Rich si Ralph.
“Hi”. Yan lang ang nasabi ko nung pinakilala si Ralph sa akin. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko nung mga oras na yun kaya nagdahilan na lang ako sa kanila na magyoyosi ako sa labas para maiwanan ko sila.
Hinanap ko agad si Jasper para samahan ako sa labas at sabihin ang nangyari.
“Bakit? Anong nangyare?”
“Si Ralph. Nakita ko sa loob. Pinakilala sa akin ni Rich na bago nyang boyfriend. Hindi nya ata alam ang nakaraan namin ni Ralph.”
Nagulat din si Jasper. Hindi namin akalain na dito pa namin makikita si Ralph. At nakipag-relasyon na agad sya kahit 2 buwan pa lang ang nakakaraan nung naghiwalay kami. Sinabihan ko si Jasper na uuwi na ako dahil wala na rin ako sa mood. Pero pinigilan nya ako. Makipag-usap na lang daw ako sa iba para malibang ako at may kasabay syang umuwi. Pumayag din naman ako sa gusto nya kahit alam kong hindi ko masyadong mae-enjoy ang gabing yun dahil kay Ralph.
Pagpasok namin, agad akong umupo sa mga nakikipag-inuman. Nilibang ko ng husto ang aking sarili para makalimutan ang nangyari. Kwentuhan, bukingan, tawanan, inuman. Unti-unti akong nag-e-enjoy habang tumatagal dahil na rin siguro sa tama ng alak sa akin.
Maya-maya ay lumapit na rin ang lahat sa inuman. Tumabi sa akin si Jasper. Naging usapan sa inuman ang mga taong inimbita na hindi dumating. Pero napatahimik ang lahat nung tumawag ang nanay ni Rich sa kanya. Matapos ang usapan, sinabi nyang kailangan na daw nyang umuwi dahil may problema na naman sa kanilang bahay. Hindi na nya masyadong dinetalye kung bakit sya umuwi. “Iiwan ko muna si Ralph sa inyo. Ingatan nyo sya huh.” Isang nakakainis na halik ang iniwan nya kay Ralph bago sya tuluyang umalis.
Nagpatuloy ulit ang kasiyahan nung umalis na sya. Pero nabalutan ako ng inis dahil sa aking nakita. Kaya sinabihan ko sila na lalabas lang ulit ako para magyosi.
Habang ako’y nasa labas, isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa akin likuran. “Pasindi ako ng yosi.” Si Ralph pala. Hindi na ako mapakali nun. Medyo naiilang. Kinakabahan.
“Kamusta?” sabi nya.
“Okay lang.”
Hindi na sya nakapagsalita ulit. Masyado nang awkward ang katahimikan. Kaya nang maubos ko na ang sigarilyo ko, pumasok na ako agad sa loob.
Agad akong tinanong ni Jasper kung anong nangyari sa labas nung sinundan ako ni Ralph. “Wala naman. Tinanong nya lang ako kung kamusta na daw ako.”
Habang lumalalim na ang gabi, unti-unti nang nagsisiuwian ang iba naming kasama. Masyado pa kasing malayo yung iba at may pasok pa kinabukasan kaya kailangan na nilang umuwi. Yung iba, sa kwarto na lang ni Precy natulog. Hanggang sa 5 na lang kaming natira sa inuman. Ako, si Jasper, Precy, Ralph at si Jake.
Madaling araw. Bangag na bangag ako nun. Marami akong ininom kaya wala akong masyadong kamalay-malay sa mga nangyayari nun. Ang natatandaan ko lang ay may umaalalay sa akin. Pinasok ako sa Taxi. Tumigil saglit ang taxi at sumuka ako sa labas. Pinainom ako ng juice. Binaba ako ng taxi. Inalalayan ako. Pamilyar ang paligid. Ihiniga ako sa kama.
Nagising na lang ulit ako nung may humahalik sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Si Ralph pala. Gumanti ako ng halik. Naging mainit ang aming halikan. Hinubad nya ang aming saplot at muli kaming naghalikan. At unti-unti nyang ibinaba ang kayang ulo. Gumapang ang dila nya sa aking leeg, sa dibdib ko, paikot sa aking utong, pababa sa tiyan at papunta sa aking burat.
Dinilaan nya muna ang aking singit. At sumunod na nilaro ang aking bayag. Palipat-lipat. Halos mabaliw ako sa kanyang ginagawa.
“Isubo mo na.” pakiusap ko sa kanya. Pero lalo pa nya akong pinasabik. Hinalikan nya ulit ang aking leeg. Alam nya kasi na dun ang aking kiliti. At muling bumaba ang kanyang ulo. Dinilaan nya yung burat ko mula baba, pataas. Pinaglaruan ng kanyang dila ang ulo at biglang subo hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
Isang malakas na “OOOHHHH!” ang lumabas sa aking bibig nang kanyang kainin ang titi ko. Taas-baba ang kanyang ulo. Nang alam nyang lalabasan na ako, bigla syang tumigil at muli akong hinalikan.
Bigla syang tumayo at parang may kinukuha sa kanyang cabinet. Pag balik nya, binigay nya sa akin ang kinuha nya sa cabinet. Condom pala ang kanyang kinuha. Nilapit nya ang kanyang titi sa aking muka upang maisubo ko. Tulad ng ginawa nya, dinilaan ko mula baba, pataas. At pinaglaruan ang ulo at sabay subo hanggang sa abot ng aking makakaya. Nang ako’y magsawa, isinuot ko sa burat nya ang condom.
Tinaas nya ang aking hita, at unti-unti nyang pinasok ang kanyang burat sa aking butas. Puro sakit ang aking nararamdaman nung mga oras na yun. Pero matapos ang ilang bayo, ang sakit ay napalitan ng sarap. Nakakabaliw. Puro ungol lang ako. Sarap na sarap ako. Labas-pasok sya sa akin.
Habang kinakantot nya ako, sinasalsal nya ang titi ko. Halos mabaliw ako sa ginagawa nya. Parang wala nang bukas. Ungol lang namin ang naririnig ko. Hanggang sa sinabi nyang lalabasan na sya. Pinutok nya sa loob ang kanyang tamod. Hingal na hingal sya. Unti-unti nyang hinugot ang kanyang burat at tinanggal ang condom na may lamang tamod.
Sinubo nya ulit ang aking burat. Taas-baba. “OHHH... AHHH…” Hanggang sa unti-unti lumalaki ang aking burat. Senyales na puputok na ang aking katas. Sumabog sa loob ng kanyang bibig ang aking tamod. Nilunok nya lahat. Wala syang tinira. Pagtapos nun, muli nya akong hinalikan ng dahan-dahan. Nakatulog kami na nakayakap sya sa akin.
Mag-a-alas dose na nung nagising ako. Tulog pa rin si Ralph. Dahan-dahan kong inalis ang kamay at hita nya na nakayakap sa katawan ko. Nagbihis ako ng tahimik para hindi sya nagising pero biglang tumunog ang alarm ng kanyang cellphone dahilan upang magising sya. 12nn na pala.
“Uuwi ka na?”
“Oo, Laguna pa uuwian ko dba?”
“Maya ka na umuwi. Kumain muna tayo sa Mcdo.”
“Hindi na. Nagmamadali na ako.”
“Ihahatid na lang kita sa sakayan ng Bus.”
“Hindi na. Alis na ako.”
Umalis na ako agad sa bahay nya. Hindi ko na sya hinintay na matapos magbihis para hindi na nya ako masamahan. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko. Bakit may nangyari ulit sa amin? Anong ibig sabihin ng nangyari sa amin? At paano ako napunta sa bahay ni Ralph?
Habang ako’y nasa bus, tinext ko si Jasper.
“Per, paano ako napunta sa bahay nila Ralph?”
“Wala na kasing tutulugan kila Precy. Puno yung kwarto nya. Kaya binigay ka muna namin kay Ralph. Alam ko naman na hindi ka pababayaan nun.”
Hindi ko na sya nireplyan. Hindi ko alam kung matutuwa ako, maiinis o ano. Dumating ako ng bahay na yun parin ang iniisip ko. Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko. Hindi din ako makatulog nung kinagabihan. Tunog ng tunog ang cellphone ko. Puro text ni Jasper. Kinakamusta ako. Ano daw ang nangyari kila Ralph. Nag-away daw ba kami, nagkaayos, o tinapos na ang dapat tapusin.
Dumaan ulit ang ilang araw, pilit ko kinalimutan ang mga nangyari. Hanggang sa dumating ang araw ng Pasko. Naka-receive ako ng message mula sa kanya. “Merry Christmas. Take care always.” “Merry Christmas. Same to you.” Reply ko sa kanya. Nag-reply ulit sya. Kinakamusta nya ako. Pero hindi ko na sya nireplyan.
Dec 27, 2012. Mga bandang 3PM. Tinawagan ko siya.
“May lakad ka ba tonight?”
“Wala naman. Bakit?”
“Magkita naman tayo. Sa dati nating pinagkikitaan kapag pupunta ako sa bahay mo. May gusto sana akong sabihin sa’yo.”
“Bakit hindi mo pa sabihin dito sa cellphone?”
“Mas okay kung sa personal ko sasabihin sa’yo.”
Pasado 8PM nang dumating ako sa dating lugar kung saan nya ako sinusundo. Nauna siyang dumating. Halos kalahating oras sya naghintay dun. Suot nya ang damit na binigay ko sa kanya nung 1st anniversary namin.
Sa Mcdo kami nag-usap. Naging tahimik kami pag-upo namin. Kinakabahan ako. Bume-bwelo kung paano ko ba sasabihin ang mga gusto kong sabihin. Hanggang sa umimik na ako…
Ako: Aalis na ako sa January 12. Pupunta na kami ni Mama sa Italy.
Ralph: Tuloy na tuloy ka na pala.
Ako: Oo. Sure na. Nagpa-book na ng ticket si Papa.
Ralph: Gaano ka katagal dun?
Ako: Hindi ko alam. Balak ko na mag-aral dun. Magsimula ng bagong buhay.
Ralph: Aahhh… Mukang matagal ka nga dun.
Ako: Bakit mo ba ako iniwan dati?
Ralph: Akala ko mas magiging okay ang lahat kung hindi na natin itutuloy ang relayon natin. Akala ko mas magiging masaya ako, ikaw. Akala ko kaya kong mabuhay na wala ka. Pero nagkamali ako. Siguro karma ko na to. Na hindi na ulit maging masaya. Kasi hindi ko alam kung may tao pang kayang pantayan ang pagmamahal mo sa akin at yung kaligayahan na naiibigay mo kapag magkasama tayo.
Hindi na ako ulit nakasagot. Hindi ko na alam kung anong susunod kong sasabihin. Naiiyak na ako nung mga oras na yun. Alam ko sa sarili ko na ayaw ko na. Alam kong hindi na pwede. Kasi masasaktan lang kami.
“Kailangan ko nang umuwi. Masyado nang late. Hindi ako pwedeng late na late ngayon sabi ni Mama. Ibabalik ko na to sa’yo. Yung sulat, basahin mo na lang pag-alis ko.” Sabi ko sa kanya.
Pagtapos kong magsalita, binigay ko sa kanya yung pinakaunang regalo nya sa akin. Yung spongebob na stuffed toy. Nakadikit sa likod nung yung maiksing sulat ko sa kanya. Pag tapos kong maibigay sa kanya yun ay tumayo na ako at umalis.
Mula sa overpass. Nakita ko syang binabasa ang sulat ko. Napansin kong napaluha sya after nyang mabasa yung sulat ko. Pagsakay ko ng bus, naka-receive ako ng Text mula sa kanya.
“I love you more Babes, much more. Mamimiss din kita, sobra.”
Dec 28, 2012. Naka-receive ako ng message mula kay Precy habang tina-type ko ang kwento ko. Break na daw si Rich at Ralph. Sinabi ni Ralph kay Rich ang Past namin.
Sana magustuhan nyo ang istorya ko. Salamat po sa mga nagbasa. Jasper, sana basahin mo ‘to. END.
COMMENTS