$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Eng21 (Part 17)

By: Cedie XVII. Pahiwatig ng Isang Pamamaalam ********************************************* Author's Note: Hi guys, gagawin ko na pong 1...

By: Cedie

XVII. Pahiwatig ng Isang Pamamaalam

*********************************************
Author's Note:
Hi guys, gagawin ko na pong 1st person Point of View ang pagkukwento. May nagsabi daw po kasi na mas maganda kung ganun ang gagawin ko. Sana maenjoy niyo pa rin po ang story ko. Medyo magiging mahaba tong bagong chap and kung may comments po kayo ay wag kayong mahiyang magcomment sa ilalim ng chap na to. Salamat po.
**********************************************

Natapos na ang bakasyon naming magkakaibigan at nagsibalikan na sila dito sa Maynila para magenroll at pumasok muli. Dahil 3rd year college na kame ay mas mahirap na ang mga subjects dahil puro major subjects na ang kukuhanin namen at wala na yung mga minor subjects tulad ng PE (lagi akong uno dyan, hehe). Dahil dito ay naexcite kaming lalo sa mga matututunan namen dahil dito na talaga magsisimula ang panibagong challenge para sa amin dahil ang lahat ng matututunan namen dito ay related na talaga sa kursong kinuha namen. May kaunting pag aalala pa din sila ngunit sabi ko naman ay hindi ko sila pababayaan at tutulungan ko pa din sila sa abot ng aking makakaya. Nitong huling bakasyon namen ay nagbabasa basa na din naman ako ng mga books dahil nga nakapangako na ko sa adviser nameng si Sir Paul
na babawi ako sa dadating na quiz bee sa 2nd sem namen kaya kahit papano ay may ideya na ko sa mga topics na ididiscuss sa ibang mga major subjects namen. Nung umpisa ay medyo nahihirapan sila at kahit naman ako sa mga unang topics namen pero habang tumatagal ay nakakapagadjust din naman kame sa mga itinuturo. Isang araw pagkatapos ng aming klase ay nagyaya si Kiko na lumabas kaming magkakaibigan katulad ng dati. Lahat naman ay umayon dahil sa pagdugtong niya ng, "Syempre treat ko naman uli kayo, antagal na nateng hindi nakalabas mula nung Valentines at isa pa kailangan nateng bumili ng mga lulutuin para sa nalalapit na birthday ng isang bata dyan", nakangiti niyang sabi. Natawa naman ang lahat dahil naisip nga nilang matagal tagal na ding hindi nakalabas at natawa din sila sa pagpaparinig ni Kiko sa akin tungkol sa aking nalalapit na kaarawan. July noon at ilang araw na lang ay malapit nang sumapit ang aking birthday. Nabanggit nga ni Kiko yun sa barkada at natawa ako dahil hindi alam ng iba sa aking mga kaibigan ang aking kaarawan. Hindi naman kasi ako nagkukwento dati sa tuwing sumasapit ang birthday ko at tanging si Kiko lang dati ang nakaalam. Ngayon sigurado akong alam na ng lahat dahil kay Kiko. Nagpunta nga kami sa mall at kumain muna sa isang restaurant at tulad ng dating gawi, nagpunta na naman kame sa Hub at nagkantahan. Matapos nang nakagawian ay dumiretso kame sa supermarket para mamili ng mga pagkain at ng mga iluluto. Para mapabilis kame sa pamimili ay pinaghatian namen ang mga bibilhin. Si Emily at Sarah sa desserts, Yung tatlong lalake sa inumin, at kaming dalawa ni Kiko sa natitirang pwedeng lutuin. Syempre hindi mawawala ang paborito niyang spaghetti. "Kiks, ako may birthday pero ako magluluto ng spaghetti na ihahanda? Sino ba talaga ang may birthday?", pabiro kong sabi. Nakangisi siyang sumagot sa akin, "Anu ka ba, eh hindi naman ako marunong magluto, sige gusto mo ako magluto pero malamang masayang lang at wala tayong makain?" "Ou na nga sabi ko nga ako na magluluto, kahit ikaw na lang sa pasta, siguro naman marunong ka na nun? At kung hindi naman ay tuturuan kita dahil sobrang dali na lang nun, naku kuya Kiks wag ka nang umangal at baka dagukan kita dyan. Tandaan mo magiging magkaedad tayo pagdating ng birthday ko", nakatawa kong sagot. Dahil nga isang taon lang ang agwat niya saken ay sa tuwing sasapit ang birthday ko ay nagiging magkasing edad kame ng ilang buwan at sa tuwing dumarating yon ay hindi ko siya tinatawag na kuya. Pabiro naman siyang sumagot, "Sige na nga, para naman matuto kong magboil ng pasta, malay mo eto na yung una at huling gagawin ko na may kinalaman sa pagluluto." Tila parang may laman ang ibig niyang sabihin ngunit hinayaan ko na lamang muna dahil alam ko namang biro lang talaga niya yun. "Oh sige tara na, nakabili na din daw sila, nagtext na oh, counter 25 daw, puntahan na naten sila kuya", ang mga nasabi ko nang matapos na din kameng makabili ng mga kakailanganin para sa aking kaarawan.

Kinabukasan, tatlong araw bago ang aking birthday, prelim exams pa namen at kahit papaano naman ay nakapagreview kameng lahat. Ngunit sa mismong araw ng exam ay sumakit ng sobra ang ulo ko. Halos hindi ako makapagisip nun. Napansin yun nina Kiko. Pati ang mga kaibigan ko ay napansin yun at halatang nag alala sa akin. Sinenyasan ko naman sila na ituloy lang nila ang pagsagot sa exam. Dahil nga exam ay hindi kami pinapayagan na magexcuse or pumunta sa CR. Si Sir Paul ang professor namen nun kaya nakiusap ako na kung pede ay lumabas ako saglit. Alam ko naman na malakas ako sa kanya kaya papayagan niya ko, "sir sige na po, kahit samahan niyo pa ko sa CR, kailangan ko lang po uminom ng gamot, ang sakit po kasi talaga ng ulo ko." "Sige Ced, hindi na kita sasamahan dahil walang magbabantay sa mga kaklase mo, be sure to be back after 5 minutes or else kukuhanin ko yung test paper mo", sagot ng aming professor. "Ok sir, got it, thanks." Dali dali kong dinala ang aking clutch bag na naglalaman ng syringe at ng iba kong gamot. Pagdating ko sa CR ay agad akong nagturok ng dose ng gamot at uminom ng painkiller. Pagbalik ko sa classroom ay nakangiti saken ang aking professor, ibig sabihin ay nakabalik ako sa oras. Matapos nun ay pinagpatuloy ko ang aking exam. Pagkapasa ng mga papers namen ay nadismiss na ang aming klase. Naiwan kaming magkakaibigan sa classroom at kinamusta naman ako ng aking mga kasama. "Ced, ayos ka lang ba? Akala namen mawawalan ka na naman ng malay, lahat ng kaklase naten tinatanong kay Kiko kung anong nangyari sayo bakit parang ang sakit sakit daw ng ulo mo", si George. "Ou nga Ced, hindi tuloy namen alam ang isasagot sa kanila", si Robert. "Sinabi na lang ni Kiko sa kanila na migraine yun, mabuti na lang mabilis siyang magisip", si Emily naman. "At sinabi niyang sakit ng mayayaman yun kaya natawa ang lahat maging si Sir Paul", si Sarah naman. "Kaya naman pala nakangiti si Sir Paul sa akin pagpasok ko ng rum dahil sa sinabi mo kuya Kiks, salamat ah, sa inyo din salamat at di niyo ko nilaglag", sagot ko naman sa kanila. "What are friends for diba?!", si Jared. Nakangiti lang si Kiko saken at tumango na lang ako sa kanya at ginantihan ng ngiti bilang pagpapasalamat sa kanyang ginawa.

Dumating ang aking kaarawan at sa bahay nila Kiko namen dinaos ito. Ngayon ay hindi lang kaming mga barkada ang kasama sa handaan. Inimbitahan din namen sina Sir Paul at ang iba pa nameng mga kaklase para pumunta. Pabiro pa kong nagsabi na, "Pag walang regalo bawal pumunta ha" at nagtawanan naman ang lahat sa aking biro. Nung umaga ay nagkaroon din ng handaan sa aming bahay kasama ang aking mga kapatid at ang aking mga magulang maging ang iba pa naming mga kamag-anak na inimbitahan ng aking nanay. Dahil may hilig sa sugal ang aking mga kamag-anak ay hindi ko natanggihan ang mga ito nang magyaya ang aking pinsan na maglaro ng baraha. Swerte nga naman ako dahil ako ang nanalo nun. Dapat lang na ako ang manalo dahil birthday ko, dapat ako ang masaya, hahaha. Matapos ng celebration sa aming bahay ay nagpaalam na ako kina Mama na pupunta sa bespren ko at pumayag naman sila at sinabing mag-ingat na lamang ako. Humalik ako sa pisngi ng aking nanay at nagpasalamat sa lahat ng patnubay na binigay nila sa akin. matapos nito ay dumiretso na ko sa bahay ng aking kaibigan.

Pagdating ko sa bahay nina Kiko ay nagseset-up na sila para sa mga dadating na mga bisita. May limang oras pa kame bago dumating ang mga inimbitahan namen kaya walang pasubaling nagpunta na din ako sa kusina para magluto. Sina Sarah at Emily ay abala naman sa decorations, mga babae nga naman talaga, sina Jared at George naman ay nagaayos na ng mga upuan at nagorder na ng mga alak, isang bagay na hindi mo naman maalis sa mga lalaki. Sa edad kong yun ay hindi pa talaga ko nakakatikim ng alak. Wala talaga akong bisyo at pinalaki talagang "good boy" ng aking mga magulang. Hindi ako naninigarilyo o umiinom ng alak. Sa sugal lang talaga ko nahilig pero hindi naman nalululong at kahit papano ay may kontrol pa din. Kaya inaasar ako ng mga kaibigan ko na KJ sa tuwing magiinuman sila dahil ang tangi kong silbi sa inuman ay ang kumain ng pulutan. Si Robert naman na napakahilig sa pagkanta ay sineset-up naman ang magic sing na dinala ko. Pagkaset-up nito ay hindi na kame pinansin at sinimulan na agad ang pambubulahaw. Mabuti na lamang at magkakalayo ng kaunti ang mga bahay sa subdivision nina Kiko at kung hindi ay pinagbabato na kame ng kanyang mga kapitbahay dahil kay Robert. Kami naman ni Kiko ay abala sa pagluluto. Ako lang pala, nakatingin lang pala saken si Kiko habang hinahanda ko ang pasta sauce. "Ikaw, kunin mo na yung pasta Kiks at para maturuan na kita". Agad agad naman siyang sumunod nang walang reklamo. Habang tinuturuan ko siya ay nakangiti lamang siya at tila nageenjoy naman sa kaniyang ginagawa. Natawa na lamang ako dahil parang tuwang tuwa talaga ang aking bespren dahil 1st time niyang nainvolve sa isang gawain na pang-kusina.

Nakatapos na kaming lahat sa mga gawain na nakatoka sa amin at may natira pang ilang mga minuto bago nagsimulang magsidatingan ang mga bisita. Naunang dumating si Sir Paul kasama ang dalawa pa nameng professors. "Happy Birthday Ced", bati sa akin ng tatlo kong professors. "salamat po mga sir, mam thank you po", sagot ko naman. Nagsidatingan na ang iba nameng mga kaklase at nagsimula na ang kainan. Madami ang nag enjoy sa mga inihanda namen at marami din naman ang nagkantahan. Parang hindi na mawawala sa barkada ang pagkanta kahit nasa tono ka man o wala. Maging ang iba nameng mga kaklase ay game na game sa pagkanta at pati na rin ang aming mga professors. Dito namen nakita na talagang mababait pala sila lalo na si Sir Paul. Sa eskwelahan ay mga propesyunal sila pero pede mo pa din naman lapitan at kausapin. Pero pag nasa labas pala ng eskwelahan ay parang mga kaibigan mo din sila na sumasakay din naman sa mga biruan at hindi napipikon. Madami din naman akong natanggap na regalo mula sa mga inimbita ko kahit sinabi ko na biro lang naman yun. Ang iba sa kanila ay naghati hati din para mabigyan lang ako ng regalo. Masaya ako nung gabing iyon di dahil sa regalo (siguro parte yun, hehe) ngunit dahil sa mga kaibigan na parang mga kapatid ko na din ang turing. Si Sarah at Emily ay binigyan ako ng polo shirt na F and H, isa sa paborito kong brand ng damit. Si George ay binigyan ako ng underwear na galing sa Bench. Si Robert ay binigyan ako ng Cap, mahilig din kasi ako mangolekta ng mga sumbrero. Si Jared ay binigyan naman ako ng shades para pamporma ko daw. Nang tinignan ko si Kiko ay bigla siyang nagsalita, "tsaka ko na ibibigay yung saken, iniisip ko kasi kung ngayon ko na dapat ibigay o sa susunod na". Nagtaka na ko sa mga ikinikilos ng aking bespren. Ilang araw ko na siyang napapansin na ganun na parang may malalim na iniisip na bawat sabihin niya ay tila may laman. Nagtulyo tuloy ang party, nagsiuwian na ang mga babae at naiwan naman ang mga lalake para mag-inuman. Matapos ng inuman ay nagsiuwian na ang lahat at naiwan kameng dalawa ni Kiko sa kanila. Sinabi ko sa iba naming kaibigan na bumalik bukas at tulungan kaming magligpit ng mga kalat at pumayag naman sila. Nagpaalam na kame sa mga kaibigan ko at dumiretso na din sa kwarto ni Kiko para magpahinga.

Bago kami matulog ay nagusap kame ni Kiko. "Bunso, anong birthday wish mo?", tanong niya. "Yung totoo? Hiniling ko na sana humaba pa yung buhay ko o gumaling ako para makasama ko pa ang pamilya ko, tapos sana yung samahan nateng barkada ay magtagal. Tapos yung huli, saken na lang yun.", ngumiti ako sa kanya ngunit nagpumilit siya, "Sige na sabihin mo na saken kung ano yung last wish mo", pagpipilit ni Kiko. "Sige, yung last wish ko may kinalaman sayo. Sabi ko sana hindi ka mawala saken, gusto kitang makasama at maging kaibigan habang buhay Kiks", isang matamis na ngiti ang bingay ko sa kanya at ngumiti naman siya saken pabalik. Nagtanong naman ako sa kanya, "Ikaw anong hiling mo para saken?". Sumagot naman siya, "Alam mo madami akong gustong hilingin para sayo. Gusto kong maging independent ka, gusto kong maging matatag ka parati sa mga pagsubok na dadating sa buhay mo. Ayos lang na sumandal sa mga kaibigan pero dapat marunong ka ding tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi lahat ng oras andito kami o ako pag kailangan mo. Pero kahit anong mangyari, nasa tabi mo man ako o hindi, tandaan mo na mahalaga ka saken kasi ikaw ang bespren ko." Napangiti ako at biglang may tumulong luha sa aking pisngi. "Ayan isa pa yan, iwasan mo ang pagiging iyakin, hindi bagay sayo, anlaki laki mo kayang tao", pabirong dagdag nito. Doon ako lalong nagtaka sa mga sinabi niya sa akin. Lalo kong naisip kung may problema ba siya ngunit hindi ko siya tinanong tungkol dito. Sa kanyang mga tono ng pagsasalita ay para talagang may laman ang kanyang mga sinabi. "Kiko, salamat ah, ikaw din, isa ka sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko at hinding hindi ako magsisisi na nakilala kita. Mahal kita kuya, bespren, Kiks." Tuluyan na kong lumuha hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na nakilala ko ang taong ito na itinuring ako na isa sa mahalagang tao sa buhay niya. Niyakap ako ni Kiko at nagsabing, "tsaka ko na ibibigay yung regalo ko sayo ah. Hindi pa ngayong yun tamang oras eh. Hehe. Goodnight, tulog na tayo madame pang lilinisin bukas." Ngumiti naman ako at matapos ang ilang minuto ay napansin kong malalim na ang kanyang paghinga. Ako naman ay napapaisip pa din sa mga nasabi at ipinapakita ng aking kaibigan. Nagpasalamat na lamang ako sa araw na yun dahil masaya ako sa lahat ng mga pangyayari. Pumikit na din ako hanggang sa makatulog na din ng mahimbing.

Pagkalipas ng isang buwan, September 2007 na at Prefinals exam. Nakapagadjust na kaming mabuti sa mga major subjects namen. Medyo mababa ang nakuha kong grade nung prefinals pero masaya pa din ako dahil walang bumagsak sa amin. Pasang awa ang nakuha nina George at Jared pero ayos lang sa kanila dahil sobrang hirap na talaga ng exams namen. Nagsiuwian na ang barkada dahil sa sobrang pagod sa pagiisip sa exam. Tulad dati, sabay kaming umuuwi ni Kiko. Habang nagdadrive siya ay nagtanong siya saken, "Ced, may ibibigay ako sayo, eto na pala", may ibinigay siya sa akin na maliit na kahon. Sa tingin ko pa lang ay alam ko na kung anu un, pagbukas ko ay isang silver na chain ring. Nagpasalamat ako kay Kiko at sinabi ko na iingatan kong mabuti iyon at hinding hindi ko iwawala. May sinabi siya sa akin na tiyak na hinding hindi ko malilimutan hanggang ngayon. "Chain ring yan dahil yan ang magiging sign na hinding hindi kita iiwan." Ipinakita niya saken ang isa pang chain ring na suot niya at tumawa ako. "Bestfriends forever bunso", nakangiti niyang sabi. "Salamat Kiko, bestfriends forever."

Mas lalo akong kinutuban sa mga kinikilos niya. Tila ba aalis siya at hindi ko na makikita. Alam ko namang uuwi siya ng China dahil may reunion sila at isang buwan yata siyang mawawala. Nakapagpaalam na naman siya sa mga professors namen at pinayagan naman siyang kumuha na lang ng mga make-up exams. Inisip ko na lang na mamimiss lang siguro namen ang isa't isa dahil hindi sa tuwing may pasok ay halos lagi kaming magkasama.

Hindi ko alam na sa mga susunod na linggo ay may isang pangyayaring hindi ko inaasahan na magpapabago sa buhay ko..

Itutuloy..

*********************************************************************************
Cliffhanger guys.. Please comment. Pero tingin ko alam niyo na ang susunod na mangyayari. Update ko po yung next chapter pag marami na ang nag comment dito. Abangan niyo po yung next chapter! Salamat..
*********************************************************************************

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Eng21 (Part 17)
Eng21 (Part 17)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s400/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s72-c/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/03/eng21-part-17.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/03/eng21-part-17.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content