$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sa Likod ng mga Bato (Part 7)

By: Ton Mabilis na lumipas ang mga araw na puno ng kasiyahan, Madalas pa rin kami ni Cocoy sa likod ng mga bato. Paulit-ulit niyang ipin...

By: Ton

Mabilis na lumipas ang mga araw na puno ng kasiyahan, Madalas pa rin kami ni Cocoy sa likod ng mga bato. Paulit-ulit niyang ipinapa kwento sa akin ang mga karanasan ko sa Maynila. Tuwing may Field Trip lamang kasi siya nakakapunta ng Maynila. Pinili ko ang mga ikinukwento, puro yung masasaya at magagandang lugar na napuntahan ko. Nagsinungaling din ako na naging napakabait ng mga kasama ko at marami na rin akong bagong kaibigan doon. Masaya naman siya sa naging kapalaran ko at kung hindi raw niya ako kaibigan ay nainggit sana siya sa lahat ng nangyari sa akin.

“Pero kahit gaano pa sila kadami, ikaw pa rin ang bestfriend ko, makakalimutan ko silang lahat pero ikaw ay hindi” pagtatapat ko sa kanya.

“At bolero ka na ngayon ha, iyan ba ay impluwensiya ng pagtira mo sa Maynila?”

“Ganon bolero pala ha”, at ginulo ko ang buhok niya na kalalagay lamang ng gel, sabay takbo. Hinabol niya ako at siyempre mas mabilis akong tumakbo sa kanya. Habulan pa rin kami sa buhangin hanggang malapit na niya akong maabutan, lumiko ako papuntang tubig, habol pa rin siya at nauwi sa langoy ang habulan namin. Muli naalala ko ang mga karanasan naming ganon, eto talaga namiss ko sa aming lugar. Tinuruan ko siya ng ibat ibang strokes na alam ko sa paglangoy. Madalas ko siyang pagalitan dahil kagaya ng dati dinadaan niya ang lahat sa laro. Hindi talaga hilig ni Cocoy ang paglalangoy para sa kanya ang paglalangoy ay isa lamang talagang laro.

“Coach, ang taray mo naman, alam ko na yan, pwede bang laro muna tayo?”

Nalulungkot ako sa tuwing tatawagin niya akong Coach, kung alam lamang niya ang impiyernong pinagdaraanan ko kay Coach, hindi niya siguro gugustuhin tawagin ako ng ganon.

Bisperas ng piyesta, abala ang lahat sa paghahanda, hindi na ako nag abala, wala naman akong bisita isa pa sinabihan na ako ni Cocoy na sa kanila ako bukas at ako lamang ang bisita niya. Ako ang special niyang bisita. Nakaupo lamang ako sa harap ng bahay sa isang duyan na ginawa namin ni Cocoy, ilang araw mula ng dumating ako. Naalala ko pa kung ilang beses kaming bumagsak dahil hindi kami pareho marunong magtali. Habang pinapanood pala kami ni Mang Nelson at nagvolunteer na siya na magtatali.

“Kayong dalawa, sagana lamang kayo sa laki ng katawan, e mga lampa kayo, akina at ako magtatali.” Sermon niya. “Alin noong kasing edad ninyo kami, kaya na naming magtayo ng bahay.” Nagsasalita siya ng pagyayabang pero nakangiti sa amin.

Bagama’t nagulat kami hindi naman maitatanggi na totoo yun, kaiba sa mga kabataan dito, hindi namin kaya ang mabibigat na gawain.

“Salamat po kuya,” yun lamang nasabi namin na nakangiti.

Natanaw ko ang nanay ni Cocoy. May kasamang dalawa pang babae.

“Nay, napasyal po kayo, mano po, san po pala si Cocoy, kagabi pa hindi nagpaparamdam, hindi rin nagrereply sa mga text ko.” Bati ko habang sinasamahan sila ng 2 babae pang kasama niya papasok sa bahay.

“Kaawaan ka ng Diyos, Kaya nga kami napadalaw sa ‘yo, dahil sa kanya.” Malungkot niyang simula.

“Nay, sandali lang po ha, ikukuha ko lang kayo ng maiinom,” sabay takbo papunta sa tindahan, kaya hindi na nila ako napigilan.

Pagdating inabot ko sa kanila ang tig-isang bote ng Coke at tinapay. “Ano nga po ulit yun?

“Siyanga pala, kasama ko si Mareng Oreng at Mareng Lydia, mga Hermana sa Santacrusan bukas. Isa rin ako sa Hermana.” Inabot ko agad ang kamay nila at nagmano.

“ Mano po!”

“Kaawaan ka ng Diyos!”

“ E san na nga po si Cocoy?”

“Yun na nga kagabi pa masama pakiramdam, ewan ko masakit daw ulo niya”

“Hah, ganon po ba nako pasensiya na po kasi naligo kami sa dagat kahapon baka nanibago matagal na raw siyang di nakakapaligo doon, pero ayos lang naman siya kahapon.” Ang biglang pag aalala ko. “ E kumusta po, uminom na po ba siya ng gamot?”

“Baka nga nabaguhan sa paliligo ninyo sa dagat, hmm, masakit daw katawan niya e, kaya iyon na nga problema siya kasi ang Escort sa Reyna Elena bukas, e kung ganyang hindi maganda pakiramdam niya, baka hindi niya kayanin maglakad ng malayo bukas. Ayoko namang kumuha ng kung sino sino lamang dito baka mapahiya kami e balikbayan pa naman si Hazel, Kaya nakikiusap kami maari bang ikaw na lamang magsubstitute sa kanya?”

“Siyanga naman Otoy, pumayag ka sana, wala na kaming mapili liban sayo,” pakiusap na rin nga dalawa.

“Nako, pano yan….” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita si Nanay “ Huwag mong alalahanin ang damit, naipaghanda ko na si Cocoy, magkasing taas lamang naman kayo, tamang tama rin yun sa katawan mo. Ang totoo niyan ay siya rin ang nagmungkahi na ikaw ang humalili sa kanya”

“E kung ganon po, hindi na ako makakatanggi niyan nakakahiya naman at sinadya nyo pa talaga ako dito.” Ang nakangiti kong sagot.

Nakahinga ng malalim ang tatlo. “ Tama ka nga mare, napakabait na bata nitong si Tonton, napakadaling kausap. Akala ko ay mahihirapan tayong kumbinsihin siya dahil sa napakaikli ng panahon ng pagsasabi natin sa kanya. ” Nakangiti si Aling Lydia.

“Diba sabi ko naman sa inyo, E kilalang kilala ko batang iyan. Kaya sobra paghanga diyan ni Cocoy,” namula ako sa mga papuri nila.

“Paano ‘Ton, salamat ulit kami’y mauuna na at maraming aasikasuhin sa simbahan, bukas e sa amin ka na rin kumain, ipadadala ko mamaya diyan ang damit kay Ineng at ng maisukat mo na rin. Hihintayin ka na lamang namin bukas. Salamat ulit ha.” Si Ineng ay ang bunsong kapatid ni Cocoy. Iyon ang tawag ng matatanda sa batang babae.

“Salamat po, salamat din po sa pagbisita, ingat po kayo.”

“Salamat din sayo, at salamat sa meryenda,” halos sabay ang dalawang babae.

Pagkaalis nila pumunta ako kay Cocoy pero sabi ng Ate niya ay tulog daw. Nakakapagtaka naman na mula pa kagabi ay hindi man lang nagtetext.

Ang daming tao, marami rin ang nakatingin sa kin bagay na bagay kasi sa akin ang barong ni Cocoy, Malaki na rin kasi ang dibdib at balikat ko dala ng kakalangoy kung kaya magandang tingnan, alam kong marami ang nagbubulungan na gwapo ako kaya pakiramdam ko ay lalong namumula ang pisngi ko. Sayang nga lamang at wala si Cocoy, sana nakita niya na bagay sa akin ang damit niya. Hindi bale pagkatapos ng prusisyon ay pupuntahan ko na lamang siya at doon matutulog sa kanila. Nakakaawa naman na nagkasakit siya dahil sa paliligo namin sa dagat. Nang dumating si Hazel ang Reyna Elena, natulala ang lahat, napakaganda niya sa puting damit niya. Para siyang si Kristine Hermosa noong kabataan niya, siguro mga 5’5” ang height niya at napaka kinis. Kung hindi ako nakapagpigil baka nahalikan ko na siya. Automatic na lumapit ako sa kanya at iniabot ang aking kamay, nilipat niya ang hawak na krus sa kaliwa at inabot kamay ko, palakpakan ang mga tao habang nakakapit siya sa braso ko naglalakad papunta sa aming arko na nasa gawing likuran sa harap ng imahen ng Birheng Maria. Maliwanag sa arko namin dahil bukod sa napakaraming may dalang kandila na nag-iilaw sa amin, maliwanag din ang mga bombilyang galing sa float ng Birhen. Dahil dito kitang kita kami kahit nasa loob ng arko na puno ng fresh flowers.

“Kiss the bride!” Sigawan nga mga tao

“Bagay na bagay sila”

“Ang gwapo”

“I love you Hazel!”

“Love you Papa Tonton!”

Kung saan saan nanggaling ang sigawan. Tiningnan ko si Hazel baka kasi naiilang na siya sa tilian, ngunit nakangiti siya at waring ine enjoy ang kasiyahan ng mga tao. Parang sanay na sanay siya sa mga ganoong pagkakataon. Panay ngiti niya at kaway sa mga bumabati sa kanya. Nang maglaon, nakasanayan ko na rin, sinasagot ko na rin ng ngiti ang mga bati sa akin ng mga dati kong kakilala pero marami din ay hindi ko kilala. First time ko mag escort kaya hindi ko alam gagawin.

Nang magsimula na ang prusisyon nakita ko si Cocoy, masayang masaya sa tabi ko. Nang makita niya ang pagtataka sa muka ko ay sumenyas lamang ng peace.

Nakopo, naloko na, pakana lahat ng mokong ito. Nagkunwari siyang may sakit para mapalitan sa pag escort. Tinotoo ang sinabing ako ang mag eescort. Lihim akong natuwa at nagpasalamat, hindi na rin ako nagtaka, iyon naman talaga si Cocoy gagawin ang anumang magpapasaya sa akin. Sinenyasan ko siya ng suntok pero itinuro niya si Hazel na parang nagtataka sa senyasan naming dalawa. Nginitian ko lamang siya at sinabing nevermind, bestfriend ko ang makulit na si Cocoy, ngumiti din naman siya. Habang lumalakad ang prusisyon ay patuloy ang pangungulit ni Cocoy, minsan ay itinutulak niya ako palapit kay Hazel, minsan ay kinikiliti ako. “Humanda ka mamaya pag katapos, bugbog ka talaga” bulong ko sa kanya. “Mamaya pa yun, mamaya na ako maghahanda.” At patuloy siya sa pangungulit.

Mula sa kumpulan ng mga babae, natanaw ko si Yna. Tumingin siya sa akin nginitian ko, tawanan at kantyawan mga kasama niya. Pero si Yna sumimangot. Nginitian ko pa rin ang mga kasama niya ang nagtilian lalo na ang mga bading. Habang alam kong tinutukso nila si Yna.

Maya maya ay nawala sila sa paningin ko

“Hoy nasan sina Yna,?” bulong ko kay Cocoy.

“Aba ewan ko baka umuwi na.”

Nang mula sa tagiliran ko ay biglang lumiwanag. Pagtingin ko si Yna may dalang malaking kandila. Tumingin siya sa akin nakangiti. Napaka ganda niya, kahit wala siyang make up, hindi maitatangging lalo siyang gumanda ngayon, kung pwede lamang sana na pumalit siya kay Hazel, nakiusap na ako, pero ayos na rin dahil katabi ko pa rin siya habang naglalakad.

“Sorry” bulong ko sa kanya.

“Hmp. Ewan, “bulong din niya.

“Kumusta?”

“Eto buhay pa, kaw ba?”

“Eto masaya kasi nandito ka sa tabi ko.” Ang nakangiti kong sabi na ikinakilig ng mga nakakarinig. Pati si Hazel ay nakikitukso na rin. Sigawan ang mga tao sa paligid namin na para bang pati sila ay kinikilig, hindi ko alam kung ano ang alam nila e hindi naman naging kami dahil ang bata pa namin ng umalis ako. Napapalingon yung mga nasa unahan namin. Sobrang saya ko ng mga oras na iyon, hindi ko na alam kung gaano kahaba ang nilakad namin. Nanatili si Yna sa tabi ko kasama mga barkada niya, samantalang si Cocoy ay minsan mawala, minsan dumarating, hindi ko alam kung saan saan nag sosoot. Ayos lamang kay Hazel kasi nasa tabi rin pala niya ang bf niya kaya hindi naman na out of place. Bago natapos ang prusisyon nagpaalam si Yna na may mga bisita siyang dumating at magkita raw kami bukas sa bahay nila. Umoo naman agad ako.

Pagkatapos ng prusisyon diretso ang lahat sa bahay ng Hermana. Sinundo si Hazel ng bf niya kaya naiwan ako mag-isa, hinanap ko ang lokong si Cocoy, at nang pumasok ito.

“San ka ba galing, kanina pa kita hinihintay?” ang naiinis kong tanong.

“Chill!, malulukot ang barong kapag sumimangot, maraming nakatingin” ang pang aasar niyang sagot.

“Hindi pa tayo tapos Marcos, may kasalanan ka pa sa akin.”

“Saka na yan, may naghahanap sa ‘yo, tara na sa labas.”

“Baka kung ano na namang kalokohan yan ha! Pinapaalala ko lang namumuro ka na” Di siya kumibo.

Umiwas kami sa maraming tao, marami ang nagpipicturan, at marami rin nagrerequest magpa picture sa akin, kaya mahirap makadaan. Nagmistulang bodyguard ko ang kawawang Cocoy, hinahawi ang daan para makasingit ako. Nang makarating kami sa may poste, may nilapitan siyang tao na agad lumapit sa akin. Foreigner muka siyang Australian.

“Are you Tonton?”

“Yes!”

“Anthony Marquez?”

“Yes, why, who are you?”

“I am very sorry about your mother’s lost.”

“You know my mother?”

“Yeah very much and I loved her, I still love her.”

Nag-isip ako, sino’ to, medyo naguguluhan na ako parang hindi ko gusto pinupunta ng usapan namin.

“Ton-ton, I am very sorry I didn’t intend to leave you at a very young age, but things were not okey that time. I promised to your mother I will come back, but it took years, and to my eternal regret, she ‘s already gone.” May namumuong luha sa kanyang mga mata.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko gusto ko ng magtanong nang bigla siyang magsalita ulit.

“I know you are confused, Yes I am your father, but I also understand that I am not deserving to be one, but please I am not asking you to forgive me after abandoning you for so many years, But Tonton please allow me to at least be your friend. Let me help you, this is the least I can do to you and your mother.”

Hindi naman maitatanggi na tatay ko siya dahil hawig sa kanya ang mata ko at kulay ng buhok, Tama ang matagal ko ng hinala foreigner nga tatay ko. Pero naguguluhan ako. Bakit ngayon lang siya nagpakita? Sa kabilang banda, ngayon ko nga siya kailangan, saka hindi ko rin naman maramdaman ang galit sa kanya. Pero wala rin akong maramdaman sa kanya, Hindi siya siniraan ni Inay sa akin maaring kaya hindi ako galit sa kanya, pero hindi rin sinabi ni Inay na mabuti siya siguro kaya wala rin akong maramdamang amor sa kanya. Wala lang parang isang bagong kakilala lamang.

Bigla siyang lumapit at niyakap ako. “Thank you Tonton, thank you my son, I promise I will do everything to help you.” Bagaman nabigla ako, huli na para mag inarte pa ako lalo na at maraming tao ang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung kailangan ba talagang magpaka plastic ako dahil nasa gitna kami ng maraming tao. Nakita ko si Cocoy, tahimik lamang nanonood sa amin. Kahit wala akong madama sa kanya niyakap ko na rin siya. Hindi na ako sumama sa bahay ni Hermana, sinabihan ko si Cocoy na siya na ang magpaalam sa nanay niya sa nangyari., Pinasakay niya ako sa kotse at tumuloy kami sa tinutuluyan niyang hotel sa resort.

Maganda ang room niya sabi niya ay shareholder siya doon kaya pwede akong mag stay doon kahit anong oras.

Ikinuwento niya ang lahat. Marunong naman siyang magtagalog kasi matagal na rin naman pala siyang tumira sa Pilipinas. Isa siyang Government Doctor na ipinapadala ng Australia sa ibang bansa para sa Medical Mission. Pero hindi ko magawang tanggapin ang tulong na iniaalok niya. Ayokong isipin niya na muka akong pera.

“Tonton, take this cellphone, nakasave dito ang number ko, you can call me anytime, I mean anytime you want if you need my help.”

“Salamat po sir.”

“And please Tonton, pag-isipan mong mabuti, hindi lamang para sa iyo, para sa nanay mo din, I know hindi mababayaran ang pagkukulang ko sa inyo but please kahit papaano let me be your friend.” Ang madamdamin niyang pahayag.

Ngumiti lamang ako at sinabing pag-iisipan ko po don’t worry. Nakiusap siyang doon na ako matulog pero kailangan kong bumalik kina Cocoy, maghihitay yun sa akin. Kaya wala siyang nagawa kundi ihatid ako pabalik. Dala ko iyong sari-sari niyang regalo na talaga raw inihanda niya at $1000. Ayoko sanang kunin pero pinilit niyang ilagay sa bulsa ko.

Tapos na ang kasiyahan, hindi ko alam napakarami ng nangyari ng gabing ito. Sa pagod ay nakatulog na ako na walang nabubuong desisyon.

Kinabukasan, tanghali na ng magising ako. Naalala ko mga nangyari kahapon lalo na ang pagkikita namin ng aking ama.

Naalala ko ang kwento niya na naging assistant niya ang Inay noon habang nasa Medical Mission siya. Nainlove agad siya sa Inay at nabuntis niya ang Inay. Bago ako ipanganak ay kinailangan siyang bumalik sa Australia. Nangako siya sa Inay na babalik pagkatapos makipag divorce sa asawa niya. Matagal ng hindi maayos ang pagsasama nila at tanging ang nag-iisang anak lamang nila ang dahilan kung bakit sila nagsasama pa.

Hindi pumayag ang asawa niya lalo na ng malaman na may nabuntis siya sa Pilipinas. Nagbanta ito na kakasuhan siya ng adultery at patatanggalan ng lisensiya sa panggagamot. Alam niyang kayang gawin yon ng asawa niya dahil mayaman sila at maimpluwesiya sa gobyerno nila. Patuloy pa rin ang pagsulat niya sa Inay pero bumabalik ang sulat niya dahil walang ganong pangalan sa nilagay niyang address.

Hanggang nagpakamatay ang asawa niya dahil sa sama ng loob sa kanya. Naiwan sa kanya ang pag-aalaga sa kanyang anak at nawalan na rin ng pagkakataong balikan ang Inay. Pero ilang taon ng may-asawa ang kanyang anak kaya nagpasya siyang magbakasakaling hanapin ang Inay. Subalit huli na wala na ang Inay at walang makapagsabi kung nasan ako.

Hindi ko magawang magalit sa kanya ngayong narinig ko ang kwento niya pero ganon pa rin hindi ko rin maramdaman ang excitement na narito siya. Siguro dahil nasanay na akong wala naman siya kaya hindi ko rin maramdaman ang importance na narito siya.

“Hoy, bangon na, tanghali na, akala ko ba pupunta tayo kina Yna” biglang sulpot ni Cocoy.

“Ha? Anong oras na, oo nga pala.”

“Oras na para maligo ka, sabi ng Inay sa amin ka na magtanghalian dahil alam niya hindi ka naman nakakakain ng maayos kahapon.”

“Okey boss, give me 30 mins. to fix myself. In the meantime, ayusin mo muna kama at maliligo lamang ako.”

“Boss ka diyan e ginawa mo akong utusan.”

“Sige na mabait ka naman diba?” sabay kiliti sa kanya.

“Oo na, oo na, lakad na mag toothbrush ka na, ang baho mo….” hahaha

Naging maayos ang pag-uusap namin ni Yna napakamagiliw niya sa amin o lalo na sa akin. Noon ko lamang nakausap ang kanyang mga magulang at ewan ko, hindi naman pala totoo na matapobre sila. Mabuti silang kausap, ayon sa kanila natutuwa sila at naging magkakaibigan kami ng anak nila.

“Tita, sorry nga po pala noong mag Reyna Elena si Yna hindi po ako nakapag escort” ang nahihiya kong sabi sa Mama ni Yna.

“Nako, batang ito talaga, tama ang anak ko hindi po pa nalilimutan yon, nauunawaan namin ang dahilan mo kailangan mong gawin iyon para sa kinabukasan mo.”

“At Tonton, hanga ako sa yo, alam ko na ginawa mo ang lahat para makapag escort lamang kay Ineng, nga lamang e hindi ka nabigyan ng pagkakataon pero pinili mo ang tama. Kaya tingnan mo mas maayos ang buhay mo ngayon Otoy.” Ang papa naman niya. “At saka naihingi ka na ng dispensa ni Cocoy, kaya wala na yun.” Tumingin ako kay Cocoy, nakangiti lamang ang loko, sabay kindat. Napatawa pati si Yna sa ginawa ni Cocoy.

“Paano kami muna ay lalabas at marami pa rin kaming bisita, Anak, ikaw na muna bahala sa mga bisita mo, pakainin mo silang mabuti ha,” ang mama niya tumango lamang si Yna. Tinapik ako sa balikat ng papa niya. Salamat lamang ang tanging naisagot ko sa kabaitan nila. Matagal pa kaming nakipagkwentuhan sa kanya, pero nagpaaalam si Cocoy dahil pupuntahan daw niya si Jaana.

Noong kami na lamang dalawa ang naroon, mas marami kaming personal na napag-usapan, tungkol sa akin, sa amin. Sa wakas, nasabi ko rin sa kanya ang gusto kong sabihin. Hindi naman siya nabigla dahil ramdam naman niya yun kaya lang nang umalis ako akala niya ay hindi na ako babalik kya pinag-aralan na niya akong kalimutan. Hindi ko siya pinilit dahil sa probinsiya naman talaga uso pa ang matagal na ligawan. Ganoon pa man hindi naman niya ako pinahirapan, bago natapos ang taon ay sinagot din niya ako at yun na yata ang isa sa pinakasayang araw sa buhay ko.

Agad ko iyong ibinalita kay Cocoy at ramdam ko ang saya niya.

“Ayan bro, pareho na tayong may girlfriend, Congrats I am happy for you.”

“Thank you bro, hehe..salamat sa lahat ng tulong mo!”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Sa Likod ng mga Bato (Part 7)
Sa Likod ng mga Bato (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghHYeaUw7HEHqyokwBbne4-Hnj-Slb_YOXWENnDLApc2Uf-QdMqn1ETlbVJIoVB0E6j2Ry5c1reJ7J6T8fjClQ1AN7AZe23J2HVpyI3pA8-imMlO3ZG4pA6N0VplCjikDgYyXgJWRQ7ygs/s320/Sa+Likod+ng+mga+Bato.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghHYeaUw7HEHqyokwBbne4-Hnj-Slb_YOXWENnDLApc2Uf-QdMqn1ETlbVJIoVB0E6j2Ry5c1reJ7J6T8fjClQ1AN7AZe23J2HVpyI3pA8-imMlO3ZG4pA6N0VplCjikDgYyXgJWRQ7ygs/s72-c/Sa+Likod+ng+mga+Bato.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/03/sa-likod-ng-mga-bato-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/03/sa-likod-ng-mga-bato-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content