$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Eng21 (Part 19)

By: Cedie XIX. Isang Malaking Pagbabago Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko na itinuring akong kapatid at minahal pa na higit sa kapatid...

By: Cedie

XIX. Isang Malaking Pagbabago

Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko na itinuring akong kapatid at minahal pa na higit sa kapatid. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Makalipas ang ilang araw ay dumating ang mga magulang ni Kiko at ibinurol siya sa kanila. Nabalitaan naman yun nang barkada at agad nila akong kinamusta. Nagpapanggap ako na OK lang ang lahat. Hindi ako naniniwala sa mga nangyari hanggang sa napagpasyahan nilang magpunta kame sa kanila. Pagkarating namen sa bahay nila ay nakita ko si tita na umiiyak. Pagdating namen ay nakita ko ang kabaong. Hindi ko naisip na tumingin dito pero nagpumilit ang aking mga kasama na tignan ito. Hinding hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring iyon. Nagpaalam na ako na mauuna ako sa kanila. Nagsorry ako kay tita at sinabi niyang dadalhin nila si Kiko sa China at dun na ililibing. Nagpasalamat ako sa lahat ng mga tulong na binigay nila sa akin at sa pagturing saken na parang anak din nila. Pagkatapos ng malungkot na usapan namen ni tita ay nagpaalam na ako sa kanya at nagpaalam na din ako sa barkada. Hindi ako nagpakita ng kahinaan ng loob nung araw na iyon. Hindi ako umiyak o nagpakita ng sobrang kalungkutan. Ngunit sa aking tunay na nararamdaman ay hinihiling ko na sana panaginip lang ang lahat ng iyon. Na sana ay magising na ko sa isang masamang bangungot.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong niyakap at kinamusta ng aking nanay. Sinabi ko na ayos lang naman ako at gusto kong magpahinga. Ngunit ng gabing iyon ay hindi ako makatulog. Lumipas ang ilang oras at dumating ang madaling araw. Lumabas ako ng bahay. Naglakad ako sa aming lugar hanggang sa napalayo ako, napunta ko sa kung saan saan na tila wala ko sa sarili at naglakad lakad lang at wala nang pakialam sa kung anong mangyayari sa akin kung may manakit man saken o kung may mangyari pang masama. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Mama. Sinagot ko ang phone at narinig ko si mama, "Anak nasaan ka?", naririnig ko ang mga hikbi ng aking ina at halatang nag aalala. Biglang pumasok sa isip ko na bumalik na ng bahay. Napakalayo na pala ng narating ko. Naglakad ako pabalik sa amin at pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang aking ina na umiiyak. Pagkakita niya sa akin ay niyakap niya ako at sinabing, "Wag na wag mo nang uulitin yun anak. Ayaw na ayaw kong may mangyaring masama sayo." "Opo mama, hayaan niyo po susubukan ko pong maging ok." Pagkatapos ng usapan namen ay nagpaalam na ako na aakyat na sa kwarto ko. Pagakyat ko sa kwarto ay dire-diretso na ang aking pagiyak at hindi ko na nakayanan. Biglang nag sink in sa akin na wala na talaga siya, na hanggang sa panaginip ko na lamang masisilayan ang kanyang mga ngiti. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag at naalala ko ang mga sinabi niya sa akin noong magkasama pa kami...

"Bunso, kahit nasaan man kami, asahan mo na may nagpapahalaga sayo, kung mawala man ako sa tabi mo hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na namen mahal, gusto kong maging matatag ka at kakayanin mo lahat ng bagay na dadaan sayo, kailangan mong matutong harapin ang lahat ng kahit may kaunting takot ay haharapin mo pa din at malalampasan mo. Kapag nawala ka saken hindi ko din naman alam ang gagawin ko, pero alam mo sabi ko pa din sa sarili ko na kahit ako na lang ang kuhanin niya, gumaling ka lang, papayag ako, ayokong nakita kang nasasaktan kasi mas masakit saken, Mahal na Mahal kita Ced."

Hindi tumigil ang pagtulo ng aking mga luha noong araw na iyon. Siguradong hinding hindi ko malilimutan ang aking kaibigan. "Kiko, bakit mo ako iniwan?", ang mga salitang pumasok sa isip ko. Napagod ako sa pagiyak at nakatulog.

Paggising ko ay hapon na ng araw na iyon, hindi ako nakapasok sa school, kinausap ako ng mama ko at sinabing kinakamusta ako ng mga kaklase ko at ipinaliwanag naman daw niya na hindi pa maayos ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok. Marami ang pumasok sa isip ko ngayong wala na ang kaibigan na nagbabantay sa akin. Naalala ko ang sakit ko, naisip ko na maaaring magkaron ng chance na magkasama ule kami ni Kiko kapag lumala ito at kuhanin na din niya ako. Sinabi ko sa mama ko na dadalawin ko ang family doctor namen para magpacheck up. Pagdating ko sa aming family doctor ay ineksamin muli ako. Scan diyan, scan dito, tanong dito, tanong doon. Matapos ang ilang oras at lumabas ang resulta, tila nagliwanag ang mukha ni Doc at masayang ibinalita sa akin. "Ced, tila isang himala ang nangyari, naging mabuti ang epekto ng mga gamot at therapy sayo kaya nawala ang bukol mo sa utak.", yan ang mga sinabi ni Doc na mas ikinalungkot ko. Tila nagkatotoo nga ang sinabi ni Kiko sa akin na kahit mawala siya, basta gumaling lang ako. Mas lalo akong nalungkot nun, tila ba hindi na talaga kami bibigyan ng chance na magkita pang muli. Parang may namuong galit sa sarili ko at isinisisi ko ang lahat ng nangyari sa sarili ko. Kagagawan ko ang lahat ng ito kaya isang desisyon ang ginawa ko na hindi ko alam na ikasisira ng landas na aking tatahakin.

Pumasok na ako ng eskwelahan. Kinamusta ako nina Jared, sinabi kong okay na ako at sana kalimutan na lang nila ang lahat ng nangyari. Kinausap ko ang aming adviser sa klase at sinabing hindi na ako tutuloy sa pagsali sa quiz bee dahil matatalo lang uli kami. Nagtaka si Sir Paul sa mga sinabi ko at napansin ko naman ang pagkadismaya niya sa aking mga sinabi. Kinakausap din ako ng aking mga kaibigan ngunit hindi ko na sila pinakikinggan. Makalipas ang ilang buwan ay nagsimula ang mga exams. Hindi na din ako nagaaral ng mga subjects pero ang aking mga kaibigan ay pinagpatuloy ang mga nakagawian namen at nagrerebyu sila ng magkakasama. Hindi ako sumasama kapag niyayaya nila ako. Nagkaron ako ng grade na pasang awa, at nagkaroon ako ng failing grade sa isang subject. Hindi ko pinansin ang bagay na iyon na tila wala talaga kong pakialam na sa mga nangyayari. Dumating ang finals namen at kumuha kame ng exam. Pagkatapos nito ay nagkaroon na muli ng deliberation. Hindi naman ako bumagsak sa mga subjects ko ngunit nagkaroon ako ng isang grade na 2.25. Ang ibig sabihin nun ay bumaba sa 2.0 ang isang subject ko - matatanggal ang scholarship ko. Sinabi ng isang professor sa akin na pwede pang gawan ng paraan para maging 2.0 ang grade ko sa subject na yun ngunit sinabi ko na hayaan na lamang dahil kasalanan ko din naman at nararapat lang saken ang mga nangyayaring iyon. Nalaman ng mga magulang ko ang balita at nalungkot sila ng kaunti dahil natanggal na nga ako sa aking pagiging academic scholar ngunit ayos lang sa kanila dahil hindi pa din naman daw ako bumagsak. Natapos ang 3rd year namen sa college at dito na magsisimula ang isang panibagong paglalakbay, isang paglalakbay sa maling landas, isang paglalakbay na puno ng pagkakamali at mga kasalanan.

Vacation 2008. Dito nagsimula ang kung anu-anong mga pangyayari sa aking buhay. Simulan naten sa pagiging curious ko sa kung anong meron sa mundo ng technology. Nang dahil sa pagkabagot ko sa mga ginagawa sa pang araw araw ay nagsimula akong magexplore. Mula sa facebook ay nagbrowse ako sa ibat ibang sites sa internet. Kung anu anong sites ang napuntahan ko hanggang sa napadpad ako sa isang Male Dating Site. Ngunit napansin ko na tila halos lahat naman ng mga tao sa site na ito ay iisa lang ang habol, sex. Nagsimula akong magregister sa site na iyon. Gumamit ako ng isang dummy account, naglagay ng pekeng pangalan, ngunit hindi ako nagupload ng mga pictures dahil alam ko naman na delikado iyon. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay naging mapangahas ako, dito ko natutunan ang iba't ibang impormasyon na may kinalaman sa ganitong klaseng mundo. Ang EB, SEB, sexual preferences, pagiging Bi, Straight, Tripper, at kung ano ano pa. Yung Top at Bottom ay dito ko din natutunan. Lumawak ang aking pagiisip sa mga bagay na ganito. Noong una ay naaliw lang ako sa pakikipagchat sa mga tao dito. Natutuwa ako sa mga magmemessage na nagyaya ng sex, ng mga one night stands at kung ano ano pang mga makamundong bagay.

Hindi ko alam na sa ilang buwan kong pagpasok sa site na ito ay magiging tripper ako. Isang malaking pagkakamali na ngayon ay gusto ko ng kalimutan. Lahat ng mga nangyari sa akin ay ikukwento ko sa inyo. Nagsimula ang pasukan at marami na din akong mga member sa site na yun na binigyan ng aking cellphone number. Hanggang sa nagsimula na akong makipagmeet sa iba't ibang tao sa site na yon. Sisimulan naten sa pinakaunang nameet ko sa site na iyon, si Andrew.

Itutuloy..

*********************************************************************************************************************
Author's Note

Yo. This chapter is a crap. Hindi ko kasi alam kung paano ikukwento ang mga bagay na gusto ko nang kalimutan. Sana maintindihan niyo kung bakit parang minadali ko ang chapter na to. Pero magsisimula na ang panibagong kabanata sa buhay ko. Ano kaya sa tingin niyo ang mga nangyari sa akin matapos ang pangyayaring ito? Sana patuloy niyo pa din pong suportahan ang blog ko. Maraming salamat po.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Eng21 (Part 19)
Eng21 (Part 19)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s400/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s72-c/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/04/eng21-part-19.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/04/eng21-part-19.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content