By: Mikeblue Sa lahat ng mga mambabasa sa site na ito, nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking kuwento na puno ng pagmamahal at kulay. Datapw...
By: Mikeblue
Sa lahat ng mga mambabasa sa site na ito, nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking kuwento na puno ng pagmamahal at kulay. Datapwat hindi ko po ilalathala ang buong kuwento ko sa isang beses lamang kundi sa maraming beses pagkat ito po ay isang series o maraming kadugtong na mga kuwento.
At para simulan ang aking kuwento, narito ang PROLOGUE.
Prologue:
Pitong taon na ang nakalilipas nang kami'y pilit na pinaghiwalay ng tadhana.
Tandang tanda ko pa noon ang maaliwas niyang mukha habang sabay naming nilalasap ang bawat segundo na meron kami ng mga oras na iyon.
Di ko malilimutan ang huling gabi ng aming bakasyon pagkat tunay na ligaya ay pareho naming nakamtan.
Kinabukasan noon at nakahanda na ang aming mga kagamitan sa pag.uwi matapos ang mahaba ngunit di malilimutang bakasyon na iyon.
Alas 7 ng gabi ang schedule ng aming uwi sakay ng bapor pabalik ng Maynila.
Noong una'y maaliwalas at maganda naman ang panahon ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at kami'y nagkahiwalay dulot ng mga malalaking alon at paglubog ng sinasakyan naming bapor.
Matapos nun, nagising na lamang ako na nakahiga sa kama sa loob ng isang silid na walang kasama. Hinahanap ko ang aking kasintahan na si Raffy ngunit wala ito sa aking tabi. Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babaeng nakaputi. Kinausap niya ako at kinausap ko rin siya. Napag.alaman ko sa kanya kung ano talaga ang nangyari. At ayon nga sa kanya, sa 125 na pasahero ng bapor, 83 lang ang nakaligtas at ang iba namay patay na at hindi pa nakikita. At isa daw sa mga taong di pa nakikita ay si Raffy.
Di ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maubos na ang aking luha.
Ayon nga sa kanta, "heto ako ngayon nag.iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim". Mapahanggang.ngayon ay di ko parin tanggap ang pagkawala niya.
Kasalukuyan ako ngayong nasa isang business trip at sinusubsob ang aking sarili sa trabaho upang siya ay tuluyan ko ng makalimutan.
Dumating na kami sa aming destinasyon at ito pala ay isang beach resort. Dito raw kami magpapalipas ng gabi sapagkat dito kami ipinareserve ng aming kompanya na manirahan habang di pa tapos ang business trip namin.
Nang kami ay papunta sa cottage na aming tutuluyan, may bumangga sa akin na ikinatumba ko.
"Sir, Im sorry. Here grab my hand." sabi niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay para makatayo ako ng diretso. "Are you okay? Nasaktan ho ba kayo sir?"pag.aalala niyang tanong. "No. Im fine", sagot ko. Nang tiningnan ko ng maigi ang estrangherong nakabangga sa akin, bigla na lamang bumuhos ang luha sa akin mga mata sapagkat matapos ang pitong taong pangungulila ay narito siya ngayon sa aking harapan... Buhay na buhay... "RAFFY! Raffy ikaw ba yan?"
.......................................
sundan ang kasunod na kabanata. At kung may feedbacks man kayo, you're free to post it whether good or bad... Cge hanggang sa susunod...
COMMENTS