By: Emman Hello po sa lahat! Been visiting the site for quite some time and I enjoyed it. Felt like I found my place sa web. Nabasa k...
By: Emman
Hello po sa lahat! Been visiting the site for quite some time and I enjoyed it. Felt like I found my place sa web. Nabasa ko most of the stories and I think I wanna share mine. Sa mga malilibog pasensya na pero wala itong halong sex something. Pasensya na din sa Tagalog ko. Bisaya here. And to my sentence construction and grammar I know marami maselan dito pero I will try my best to share my “kagagahan sa pag-ibig” na maintindihan ng lahat.
This is more of a puppy love pa cute thing:
I am already 24 years old and two years ago, I decided to come out from my shell and spread my wings two years ago, I did it after graduating in college while having training for work, Oh Divah? Landi lang!.
My family knew since then that Im gay but we do not talk about it which is good thing, pero they keep on reminding to behave! LOL. I came out so that people will know im gay. Para di tanong ng tanong kung kelan ako mag aasawa. I tried to be discreet pero alam nyo na pag serena ka, serena kang talaga. My friends got some suspicion but they didn’t dare ask me. Ready naman akong sumagot wala lang talagang nag tatanong!
So try to imagine yung 22 years na pinipigilan kung tumili pag nakikita ko yung crush. Yung panahon na gusto kung lumandi pero di ko magawa. Yung gusto kung bumati ng “Amega kumusta na ang beauty?” With pilantik ng hands? Pero sabi ko lang Hello! I may have wasted my time pero di rin masyado. I tried to landi on my own ways. Anyways hanggat di pa ako kinukuha ni Lord my time pa din to enjoy being me.(sana di nga lang sooner: knock on wood) :P
I started to realize na I am totally gay during 3rd year college when I have this unbearable, overflowing and mind buggling admiration sa isang kaklase ko. Tawagin nalang natin siyang “Arn2x”. Maputi, medyo tsinito at kalbo, di maskulado pero may laman at higit sa lahat maingay, makulit ngunit misteryoso. Yun ang katangian nya that I admire the most. How could someone be obnoxiously loud yet so mysterious! Yung tipo na di mo mawari ang ini-isip if he stares at you.
Magkaklase kami 2nd year pa. May crush pa ako dati na girl.hehehehe Kaya di pa ako sure about my preferences. Na develop lang yung feelings ko during 2nd sem. Nung nagkasama kami sa PE. Team sports ang PE naming that time: Volleyball at Softball. Magkasama kami sa team and sya yung Team Leader namin.
Syempre prior sa laro may warm up and stuff. I always make sure na magkatabi kami during warm up or kung di man dapat mga 2 meters away at least ang layo. :D (Di ko pala na mention: nung college ako talagang ang tahimik ko: I don’t start a conversation unless may kailangan talaga ako) Arn2x is my exact opposite. Siya yung pinaka madaldal sa klase. So he keeps on picking on me in a nice way. Kilig naman ako. Alam mo yung inaasar ka pero may respeto pa din. And I know that he knows who I really am.
Sa both sports, ako yung star player (modesty aside) yung pitcher sa Softball and yung attacker sa Volleyball. So, since sya yung Team Leader at ako yung star player (charot) we always work hand in hand. Especially if tight yung game he always encourage me to do my best: Sa softball, minsan pangit yung pitch ko, he always ask if kaya ko pa or masakit na balikat ko, with matching touch yun ha? Na I really appreciate kaseh di ko pa naranasan to get that kind of attention from guys. Then yung pinaka super na hulog na talaga loob ko sa kanya was during sa aming Vball game. Siya yung setter ko that time, di masyado maganda yung set so I tried to adjust, ang sama nang landing ko, medyo madulas kaseh yung court and nawala balance ko and I went down straight sa floor. Yung pagkakadulas ni Ms USA sa miss universe? Ganun ang itsura ko and it really hurt. Syempre! Andyan ang knight in shining armor ko. Sya umakay sa akin palabas ng court. Di naman masyado grabe so continue yung laro without me…pahinga lang ng kunti: syempre he needs to play the game kaseh wala na mag lead: Feelingera ko naman if he will stay pa by my side: (charot) Pero even if he plays he keeps on looking at me na concern na di mo a lam na ngingiti at sesenyas ng thumps up if he scores a point. Naging cheerleader na lang kaseh ako kaseh masakit talaga pwet ko.
Alam ko na wala naman yun, kaseh straight talaga siya at may nililigawan pa. So parang sa panaginip na lang yun. Pero siya kaseh ehhh! Palaging nandiyan pag kailangan mo, di kami gaano ka close pero almost always magkasama sa projects, at magkatabi sa class, he makes me smile and made me feel na I am existing, lagging nangungulit kaseh ng kahit na ano. Wala naman ako masagot kaseh, I am starting fall for him. Kung alam lang nya. That’s the time na I tried to step a foot back everytime he tried to go near me,(choosy lang?) kaseh alam ko walang malisya yung ginagawa nya ako lang ata ang nag iilusyon. Di na kami naging magkaklase nung 3rd year, kung kelan pa naman na nalaman ko na kung ano talaga ang gusto ko.
Anyways. Siya yung unang nagpatibok ng baklang puso ko na hanggang ngayon ay andito pa rin ang epekto nya. Si Arn2X! Actually may isa pang nagpatibok ng puso ko after him. When I started to work. Tseka na lang sa susunod. Please feel free to comment on how to improve my writing skills. Balak ko pa kaseng I share ang isa. And other gay stories of me. Salamat sa pagbabasa. --- Emman
COMMENTS