$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sa Likod ng mga Bato (Part 12)

By: Ton Lumipas ang mga araw sa ganoon naming routine. Halos sa gabi na lamang kami nagkikita at bihira din magkausap. Pero parang ini a...

By: Ton

Lumipas ang mga araw sa ganoon naming routine. Halos sa gabi na lamang kami nagkikita at bihira din magkausap. Pero parang ini assign na niya sa sarili niya ang pagluluto. Dahil kahit anong gawin ko hindi ako umabot sa kanya, madalas ay ibinibili ko na lamang siya ng pagkain sa gabi habang nag-aaral. Favorite kasi niya ang V-cut at Nagaraya kaya pagdating agad kong ilalagay yun sa tabi niya. Gaya ng dati once a month lamang kami umuuwi kasi halos kami rin naman ang magkasama sa pag-uwi namin kaya yung oras namin sa biyahe e madalas ipinapahinga na lamang namin o kung hindi man ay namamasyal lamang kami lalo pa at sa Manila rin nag-aaral sina Yna at Jaana. Magkakaiba kami ng school kaya ini schedule talaga para kami magkita. Si Yna ay sa isang university na malapit sa school ni Cocoy na exclusive para sa mga taga Maynila. Madali siyang nakapasok doon dahil sa Maynila siya ipinanganak. Samantalang si Jaana naman ay sa isang university na madalas na walang pasok dahil malapit sa lugar ng welga papunta sa MalacaƱang. BS Tourism course niya at si Yna ay BS Business Admin.

Sa umpisa ay naging mahirap para sa aming apat ang sitwasyon dahil kahit nasa Manila kami pare-pareho magkakahiwalay kami kug kaya magkakaiba ang schedule. Pero sa aming apat ako ang may pinakapangit na schedule kasi meron akong panggabi. Pero dahil mahal ko si Yna nagagawan ko ng paraaan na kahit papaano ay mabigyan siya ng tamang oras. Ayokong isipin niya na wala akong time sa kanya kaya kung may pagkakataon din lamang at alam kong maluwag schedule niya pinipilit kong makasaglit sa school nila upang kahit papaano ay magkausap kami.

Alam kong marami ang naiinggit sa akin dahil sa kanya at madalas din naman niyang sabihin na proud siya na ako ang boyfriend niya. Constant ko din siyang kinukumusta sa pamamagitan ng cellphone at tinatawagan kapag unli ako. Masarap ang pakiramdam dahil alam kong mahal niya ako at sigurado ako sa sarili ko na mahal ko rin siya. Tanggap na din ng pamilya niya ang tungkol sa amin. Malaki ang tiwala nila sa aming dalawa at malaki naman ang respeto ko sa kanila kung kaya hindi na namin inulit yung ginawa namin nung High School. Kiss at hug lamang at madalas holding hands okey na kami doon dahil mas mahirap na kung hindi namin matupad mga pangarap namin. Marami kaming plano sa buhay. Pagkatapos ng college magwowork siya. Ako naman ay magtutuloy ng Medicine pero magwork kahit part time para kahit papaano ay makaipon. Pag may sapat na kaming pera magpapatayo kami ng bahay upang bago kami magpaksal ay may bahay na kami. Ang bahay namin dapat ay sa tabi lamang ng bahay nina Cocoy at Jaana. Kahit ano ang mangyari ay laging kasama ang dalawa sa aming mga plano at alam ko sila man ganoon din sa amin.

“Baby, ilan ba gusto mo maging anak natin?” minsang tanong ko kay Yna habang nasa park kami.

“Isa lang para mabigyan natin ng kumpletong pagmamahal, kaw ba? ”bulong niya.

“Sana 2 or 3, naranasan ko ang buhay mag-isa mahirap, boring.”

“Well, bahalaka, basta dapat yung kaya nating I provide mga pangangailangan nila.”

“Oo nman, pagsisikapan natin at paghahandaan ang lahat ng iyon. Sabay kiss sa kanyang noo.”

Samantala naging maayos din ang relasyon nina Cocoy at Jaana, kaya lang napaka seloso ni Cocoy, dahil sa course ni Jaana madalas kung saan-saan sila pumupunta na madalas ding ikinakainis ni Cocoy dahil kasama na naman ni Jaana yung makulit niyang classmate na known sa lahat na patay na patay kay Jaana.

“Kung bakit kasi ayaw pa magtransfer sa school namin.” Madaming beses kong naririnig sa kanya.

“E ayaw nga niya mag Engineering db? Saka trust bro, alam ko namang mahal ka ni Jaana. Dapat may tiwala kayo sa isat-isa.”

“Kay Jaana malaki tiwala ko pero sa Jerome na yun, wala, kahit pa alam kong wala naman gusto sa kanya Honey ko, hindi ko pa rin maiwasang mabad trip pag naisip ko magkasama sila.”

“E kung ikaw na lamang kaya magtransfer sa school nila para oras-oras nababantayan mo siya.”

“Bro, ang pangit naman ng suggestion mo, hindi naman yata maganda yun, baka para akong tatay niya non.”

“O kita mo na, dapat niintindihan mo mga ganong bagay.”

Minsan nadatnan ko si Cocoy sa bahay na parang uneasy, hindi ko pinansin dahil baka may problema sila ni Jaana. Padaan-daan siya sa tabi ko habang kumakain ako. Nang makatapos akong kumain ganon pa rin. Parang may problema, parang may gustong sabihin.

“Coy, pwede ba maupo ka, kanina pa ako nahihilo sa kalalakad mo, ano ba problema at hindi ka mapakali?”

“Ano kasi, gawa ng…”

“Ano nga umupo ka nga nakakasakit ka ng ulo tingnan…”

Hindi siya naupo bagkus ay tumalikod at.

“Ton, okey ba kayo ni Yna?” tanong niya

“Oo nman, bakit?”

“Ton, I think niloloko ka ni Yna…” pautal niyang sagot

“Sira, hindi niya yun magagawa, mahal ako ni Yna, napa praning ka na ba, bakit nag-away ba kayo ni Jaana?”

“Hindi Ton, walang kinalaman dito si Jaana,sigurado ako niloloko ka niya, nakita ko siya may kasamang iba sa mall at…”Bigla ang akyat ng dugo sa ulo ko.

“Putang ina naman Cocoy, huwag mo naman siraan ng ganyan girfriend ko alam mong mahal na mahal ko siya, wag ka maniwala sa mga tsismis na iyan!“ sigaw ko, sabay tulak sa kanya pagkatayo ko. Napaupo lamang siya sa isang bangko.

“Hindi ko siya sinisiraan, at hindi ito tsismis, ako mismo nakakita sa kanila.” Sigaw na rin niya sa akin. “nagmamalasakit lamang ako dahil ayokong masaktan ka!”

“Pwes, hindi ko kailangan yang malasakit na iyan,” nabigla ako sa sinabi ko at nakita ko rin sa mukha niya ang pagka shock.

“Ito ba ang gusto mo?” pinunit ko ang damit ko at lumapit sa kanya. “Ayan o,” ibinaba ko pa soot kong shorts, at inilapit sa mukha niya ang katawan ko. “Ayan, sayo na, sayong sayo na ang katawan ko, gawin mo gusto mo huwag mo lamang sisiraan si Yna sa harap ko. Katulad ka rin nila iyan lamang din ang gusto mo diba?” Hindi ko alam bakit nagawa ko iyon at bakit nasabi ko. Pero dala ng matinding galit hindi ko matanggap na tama siya sa mga sinabi niya.

Tiningnan lamang niya akong umiiyak, pero hindi siya nagsalita. Medyo nakaramdam ako ng pagkapahiya at pagka guilty. Mabilis ang naging kilos niya, tumayo siya, tinabig niya ako ng bahagya saka diretso sa pinto at lumabas. Hindi ko siya tinawag. Bahala ka naisip ko.

Nang gabing iyon hindi siya umuwi, hindi ko alam saan siya natulog. Naiwan niya ang cellphone niya sa may study table. Hindi ko alam kung mag-aalala ako o hinde. Pero nauunahan ako ng galit din sa kanya. Halos magdamag akong hindi nakatulog ng gabing iyon, inuusig ako ng kunsensiya ko, pero tinatalo ako ng pagmamahal ko kay Yna. Mayat-maya nagigising ako at pagmulat ko wala pa rin siya.

Hindi ako nakakain ng umagahan dahil walang nagluto. Saka wala rin akong ganang kumain kahit naman may pagkain. Masakit ang ulo ko dahil sa antok pero mas masakit ang ulo ko sa kakaisip kung nasaan na si Cocoy at anong nangyari sa kanya. Pumasok ako na magulo isip ko. Wala akong matandaang pinag-aralan namin sa araw na iyon. Iyong mga pangyayari kagabi ang patuloy na gumugulo sa akin. Gabi pagdating ko malinis ang bahay. Nakaluto na pero wala si Cocoy. Wala ang gamit niya sa school. Gusto ko siyang tawagan pero naunahan ako ng hiya. Mga 11 pm ng may magtext alam ko siya yun, pero hindi pala si Yna nag goodnight lamang. Maya-maya bago mag 12 may nagtext ulit. Bumangon ako dahil baka si Cocoy. Si Jaana tinatanong kung nasa bahay si Cocoy dahil maghapon niyang hindi makontak, Hindi rin daw pumasok sabi ng classmate niya. Nagulo isip ko sobra na akong nag-alala, kaya tinawagan ko pero unattended ang phone.

“Saan nagpunta yon?” bulong ko.

Inalam ko sa lahat ng kaibigan niya na pwedeng puntahan pero walang makapagsabi na nakita siya. Bahagya lamang akong nakatulog ng gabing iyon pero paggising ko ng umaga. Nakaluto na pero wala na si Cocoy. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag, at least safe siya iyon nga lang tiyak galit pa sa akin kaya ayaw akong kausapin. Naguilty na ako ngayon lang nagalit sa akin ng ganon si Cocoy. Mula pagkabata e ngayon lamang nangyari sa amin ang ganito, pero kasalanan din naman niya kaya lang masama naman talaga iginanti ko sa kanya.

Halos tatlong araw na ganoon, pagdating ko sa hapon may pagkain pero wala si Cocoy hindi siya doon natutulog. Pinanindigan ko na lamang na huwag din siyang itext. Pero sa totoo lang kahit nagagalit ako sa ginawa niya miss na miss ko na siya. Hinahanap ko pa rin yung kulitan namin, yung mga paglalambing niya kaya lang mahal ko si Yna at ayoko naman ang ginawa niya.

Hindi ko tinanong si Yna dahil alam kong hindi iyon totoo, alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Pero alam ko rin na hindi naman magsisinungaling sa akin si Cocoy, naguguluhan talaga ako. Matagal ko ng kilala si Cocoy kahit kailan hindi siya nagsinungaling sa akin.

Sabado paggising ko, wala na mga gamit niya, pero may nakahandang breakfast nakapasok at nakalabas pala siya ng hindi ko alam. “Ahh, umuna pala siya pag-uwi” Schedule kasi ng uwi namin iyon. Nag-isip ako kung uuwi ba ako o hindi. Kasi kung uuwi ako tapos hindi naman kami mag-uusap ano pa gagawin ko sa amin. Magpapahinga na lamang ako dito, pero sa kabilang banda baka kailangan ko na rin siyang kausapin, kailangan naming ayusin gulong ito. Kumain lamang ako at pagkaligo ay naghanda na rin pag-uwi.

Pagdating sa bahay naglinis lamang ako ng bahay at nagpahinga. Hapon ng maisipan ko siyang puntahan. Wala daw doon sabi ng Nanay niya. Papaalis na ako ng tawagin niya ako.

“Otoy, ayusin ninyo problema ninyo ni Cocoy ha?”

“Nay, bakit po ano ba sabi niya, wala naman po ah, ayos lamang po kami.”

“Nako batang ito, sa akin ka pa ba maglilihim, e halos anak na rin kita at sabay lamang kayo ni Cocoy lumaki, wala nga siyang sinabi, pero alam ko Otoy, bilang nanay alam kong may problema kayo.”

Nagpatuloy siya.

“Nang dumating siya kahapon, sambakol ang mukha, ikaw agad tinanong ko, sabi sa akin naiwan ka raw sa Maynila at maraming ginagawa, ngayon lang kayo hindi nagsabay umuwi, kung may ginagawa ka tiyak hindi ka niya iiwan, kaya sinabi kong ayusin ninyo ang problemang iyan at huwag ng patagalin. Hindi siya nagsalita. Kanina ng umalis siya sabi pupuntahan ka raw at kakausapin, ngayon narito ka at hinahanap siya? Kaya anak alam kong may problema kayong dalawa, kayong dalawa lamang makakalutas niyan, mag-usap kayo ng maayos ‘wag daanin sa init ng ulo ha.”

Napahiya ako, alam kong kilalang kilala na nga niya kaming dalawa.

“Sige po ‘Nay, pasensiya na po, alam ko kung saan siya hahanapin, sige mag-uusap kami, salamat po.”

Diretso ako sa tambayan namin. Malayo pa tanaw ko na siya, nakaupo nakaharap sa dagat. Nagbabato ng maliliit na bato sa tubig. Nahiya akong lumapit. Kumuha ako ng maliit na bato at nagbato malapit sa kanya. Nagulat. Lumingon siya, medyo kinabahan ako kaya nagkubli ako sa mga puno. Muli bumato ako ng maliit na bato sa tabi niya. Tiningnan niya ang bato na bumagsak sa may kamay niya. Hindi na siya lumingon.

Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Alam kong alam niya na ako yun pero hindi siya tumingin. Nakiramdam lamang ako kung magsasalita siya. Pero ilang minuto na yata ay tahimik pa rin siya. Inakbayan ko siya, hindi pa rin siya nagreact. Hinigpitan ko ang akbay pero wala pa rin. Hindi na ako nakatiis, niyakap ko na siya at napaiyak na ako. Noong una wala siyang reaction pero ng magtagal naramdaman ko ring umiiyak na siya at niyakap ako. Matagal-tagal din kaming ganon, ng bumitaw ako.

“Bro, sorry,”

Tumingin lamang siya sa akin, kahit luhaan ay tumango siya, ramdam ko sa mga mata niya na punum-puno siya ng pang-unawa. Lalo akong napaiyak sa ginawa niya, muli niyakap ko siya. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa kanya pero ni hindi niya ako sinumbatan. Ni hindi ako nakarinig ng masasakit na salita mula sa kanya.

“Bro, huwag mo ng uulitin iyon ha, wag ka ng aalis ha, hindi ko kayang mawala ka.”

Hinagod lamang niya ang aking likod para bang sinisiguro na hindi na yun mauulit.

Hindi na namin pinag-usapan ang mga bagay na iyon. Balik normal na ulit kam. Asaran, kwentuhan pag may pagkakataon. Pinilit kong huwag banggitin ang tungkol kay Yna dahil baka mag-away na naman kami. Ayoko ng maulit ang mga nangyari noon. At naging effective naman parang walang nagyari.

Birthday ni Yna noon, sinadya kong huwag siyang itext after ng morning greetings ko sa kanya. Isusurprise ko siya, maaga akong umuwi, nagpalit lang ako ng damit at dumaan sa flower shop, upang kunin yung inorder kong bulaklak, dala ko na rin gift ko sa kanya. Yayain ko siyang kumain sa labas. Alam ko oras ng pag-uwi niya at alam ko kung nandon na siya kung bukas na ang ilaw sa kwarto niya. Dahil sigurado akong wala pa siya, tumambay muna ako sa harap ng tindahan na tanaw ko ang pagdating niya.

Mga ilang minuto, may pumaradang kotse, kita ko ng bumaba siya. Tumayo na ako para lumapit at batiin siya, kaya lang hindi niya ako kita, nang humarap siya don sa bumabang lalake, nag-usap sila. Nagtatawanan, maya maya hinalikan siya ng lalake, tapos inulit, matagal ang halikan nila na para bang wala sa tabing daan, gusto kong pumikit para hindi makita, pero kita kita ko ang lahat. Matagal silang naghalikan at bago siya pumasok sa gate

“Bye sweetie! Happy birthday ulit” pahabol ng lalake.

“Bye honey pie, Thanks at ingats sa biyahe, kita tayo bukas sa school”

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang natatandaan ko pumasok ako sa loob ng tindahan at bumili ng alak. Uminom ako ng uminom ito ang pangalawang beses kong nag-inom kaya mabilis ang tama, ng maramdaman ko na ang hilo saka ako nagpasyang umuwi.

Sa bahay, takang taka si Cocoy sa akin.

“Anong nangyari sa’yo Ton, bakit ka nag inom?”

“Coy, I’m sorry, tama ka, manloloko siya. Niloko ako ni Yna, may ibang lalake siya. Kitang kita ko ‘Coy, kitang kita ko.”

“Halika na, pumasok ka muna at makapagpahinga.”

“Sorry Coy, hindi ako naniwala sa iyo, sana noon pa lamang nalaman ko na ang totoo, sorry talaga sayo pa ako nagalit at binastos kita.” Umiiyak ulit akong yumakap sa kanya. “Coy pinag isipan kita ng masama, wala akong kwentang kaibigan Coy, masama akong kaibigan. Sorry bro, sorry.”

“Ton. Matagal na tayong magkaibigan, bata pa lamang tayo, tayo na magkasama, hindi kita kayang saktan, alam mo yun. Nasaktan ako sa ginawa mo, Oo Ton, sobrang sakit sa akin non, hindi ko alam na ganon kababaw ang tingin mo sa akin, iyon ba talaga iniisip mo tungkol sa akin? Pero ‘Ton hindi kita kayang iwan, hindi kita kayang gantihan kaya kahit alam kong galit ka sa akin noon, at kahit ganon ginawa mo pinipilit ko pa rin unawain ka dahil alam kong mahal mo lamang talaga si Yna. Alam ko ring nabubulagan ka lamang dahil sa pagmamahal mo sa kanya“

“Salamat Coy, hiyang-hiya talaga ako sa katangahan ko, muntik na kitang ipagpalit sa walanghiyang babae na iyon. Sorry kung nagduda ako sa iyo ha. Doon ako ngayon sobrang nasasaktan, kasi binastos kita ng ganon dahil lamang sa kanya dahil hindi ako naniwala sa yo, sana mapatawad mo pa ako. Hindi ko nga alam kung pinatawad mo na talaga ako sa ginawa kong kagaguhan na iyon.”

“Wala iyon, kalimutan na natin yun, ikaw pa e ikaw lamang naman nag-iisang Tonton sa mundo, ikaw lamang ang bestfriend ko, ang importante alam mo na ngayon ang totoo. Hindi ka na niya pwede pang lokohin. At kung sakaling saktan ka ulit niya ako na muna makakalaban niya.”

“Hindi na talaga, at hindi ko na hahayaang masira pagkakaibigan natin gawa lang niya. Hindi kita kayang mawala at hindi kita ipagpapalit kahit kanino.”

“Sige na maligo ka na at ang dumi-dumi ng katawan mo at makapahinga ka na rin, Bukas naman e Sabado kahit hindi natin schedule uwi muna tayo at ng makasagap ka ng fresh air, ligo mo na lang yan sa dagat. Kalimutan mo na yun, marami pang babae mas deserving sayo. Hindi lamang siya ang babae sa mundo. “

“Salamat bro, buti na lang nadiyan ka palagi sa tabi ko. Hindi ko na alam pag ikaw pa nawala.”

“E hindi naman ako mawawala, huwag ka ng mag-alala.”

Sa paglipas ng mga araw, ibinuhos ko ang oras ko sa pag-aaral. Kinalimutan ko na siya. Hindi ko sinagot mga tawag niya. Tumigil na rin siya ng kakukulit marahil sinabi na ni Cocoy o baka ni Jaana na alam ko na ang lahat. Ayoko na rin naman siyang kausapin baka kung ano-ano pang kasinungaingan ang madinig ko sapat na iyong aking nakita para maniwala ako. Kung naniwala sana ako kay Cocoy sana noon pa alam ko na ang totoo.

Nagkaroon din ako ng ibang crush, minsan may mga dates din, isa sa hindi ko makakalimutan ay si Paula, maganda siya at campus crush sa school namin, Med Tech course niya kaya may ilang subjects na classmates kami, kaya lang hindi rin nagtagal, wala talagang seryosong relasyon. Hanggang umabot ng 4th year mas lalo akong naging masikap sa pag-aaral. Madami ng requirements ang kailangang gawin, nakatulong din ang pag o OJT ko para kahit papaano ay may pinaglilibangan ang isip ko upang pagdating ng bahay ay matutulog na lamang. Pero hindi pala iyon ganon kadali, pag nakikita ko sina Cocoy at Jaana na sobrang sweet hindi ko maiwasan ang mainggit. Naalala ko si Yna. Minsan naikwento ni Jaana na ang last nilang pag-uusap ay lilipat ng ibang school dahil nahihirapan sa school nila ngayon. Wala siyang binanggit kung may boyfriend na o wala dahil hindi rin naman ako nagtanong. Masaya na rin akong makita na masaya silang dalawa ni Cocoy at okey na sa akin yun.

“Ton, pano yan mukang mauuna yata akong magkakapamilya sa yo,” sabi ni Cocoy minsang nasa mall kami.

“Okey lang yun, mag-aaral pa din naman ako pagkatapos natin e, yun muna priority ko sa ngayon.”

“Sayang hindi na matutuloy double wedding natin.” Malungkot niyang pahayag. Iyon kasi ang plano naming apat dati. Hindi lang mas matipid kundi mas masaya din dahil apat kaming ikakasal mula sa aming baranggay.

“Ganoon talaga e, malay mo naman bigla akong magka girlfriend, umabot pa, hehehe.”

“Malabo yun, e mula ng maghiwalay kayo naging pusong bato ka na yata, parang wala akong makitang nagustuhan ka pagkatapos niya. Lahat ng nakakadate mo kino compare mo kay Yna, lahat ng katangian ni Yna hinahanap mo sa kanila, paano ka makakahanap ng bagong pagmamahal e siya pa rin hinihintay mo?”

“Darating din yun, busy lang sa ngayon.”

Hindi ko alam kung totoo sinasabi niya pero mula talaga ng mangyari sa amin iyon parang wala na akong interes magka girlfriend. Parang nag-iisa pa rin siya. Ayaw ko lamang aminin pero alam kong mahal ko pa rin si Yna. Pero sobra naman akong nasaktan sa ginawa niya. Hindi ko nga alam kung napatawad ko na siya, o naka move on naba ako, matagal na yun pero hindi ko maintindihan minsan parang hinahanap ko mga text niya, parang umaasa pa rin ako na isang araw tatawag siya, magsosorry at maaayos ang lahat, pero malabo na iyon, ilang taon na ang nakalipas wala namang ganoong nangyari. Pero kahit ilang ulit kong itanggi kay Cocoy sa likod ng utak ko ay umaasa pa rin akong sa huli sanay kami pa rin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Sa Likod ng mga Bato (Part 12)
Sa Likod ng mga Bato (Part 12)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghHYeaUw7HEHqyokwBbne4-Hnj-Slb_YOXWENnDLApc2Uf-QdMqn1ETlbVJIoVB0E6j2Ry5c1reJ7J6T8fjClQ1AN7AZe23J2HVpyI3pA8-imMlO3ZG4pA6N0VplCjikDgYyXgJWRQ7ygs/s320/Sa+Likod+ng+mga+Bato.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEghHYeaUw7HEHqyokwBbne4-Hnj-Slb_YOXWENnDLApc2Uf-QdMqn1ETlbVJIoVB0E6j2Ry5c1reJ7J6T8fjClQ1AN7AZe23J2HVpyI3pA8-imMlO3ZG4pA6N0VplCjikDgYyXgJWRQ7ygs/s72-c/Sa+Likod+ng+mga+Bato.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/04/sa-likod-ng-mga-bato-part-12.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/04/sa-likod-ng-mga-bato-part-12.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content