By: Ton Pareho na kaming graduate; siya ay civil engineer na at ako naman ay ganap ng nurse. Malapit na ring matupad ang pangaran namin ...
By: Ton
Pareho na kaming graduate; siya ay civil engineer na at ako naman ay ganap ng nurse. Malapit na ring matupad ang pangaran namin ni Inay, Nasa unang taon na ako ng medicine. And due to my father’s request I enrolled in Medical School in Australia para magkaroon ng konting bonding with him. Matanda na rin naman siya at hindi na angkop sa katawan niya ang maparoot-parito. Hindi naman niya maiwan ang kanyang mga nesgosyo at mamiss raw niya ang kanyang mga apo. Nakiusap din si Kuya na doon na ako mag-aral upang kahit papaano may tumitingin kay Daddy. Constant pa rin ang communication namin ni Cocoy.. Sa ngayon pwede ko ng sabihin na nakita ko na ang buhay sa kabila ng mga bato. Ilang taon na ang nakakaraan nangarap akong alisin ang mga batong ito at tuklasin kung ano ang nasa likod, hindi iyon naging madali. Ilang beses din akong nagbalak sumuko, ilang beses din akong bumagsak at ilang beses din akong muntikan ng magpatalo sa hamon ng buhay. Subalit salamat sa tulong ng isang taong patuloy na umalalay at sa twina na nasa aking likuran upang itayo ako sa bawat pagbagsak.. Hindi ko alam kung mararating ko kung nasaan ako ngayon kundi dahil sa kanya. Mula noong mga bata pa kami, hangga ngayon siya pa rin kakampi ko. Kay sarap alalahanin ng kahapon, dati akala ko ay titingnan ko na lamang ang mga batong iyon bilang pangarap subalit ngayon sa mga batong iyon ako nakatapak habang tinatanaw ang naghihintay kong bukas. Alam kong hindi pa tapos ang laban sa buhay, marami pang pagsubok pero isa lamang ang tiyak, mas matapang at mas malakas na ang loob ko ngayon dahil alam kong may mga taong nagmamahal sa akin.
“Hoy Antonio, ano ba, kanina ka pa walang kibo diyan? Salita ako ng salita hindi ka umiimik diyan. Ano ba nangyayari sayo, hanggang diyan ba naman tulala ka pa rin?”
Nakop, si Cocoy, kanina pa pala nagsasalita, nalimutan ko, nawili na naman ako sa pagrereminisce sa aking nakaraan. Kay sarap naman talagang alalahanin ng iyong nakaraan, lalo na’t kasama siya doon. Siya ang laging bida sa aking buhay.
“O bakit naman, ano palang sinasabi mo?”
“Tinatanong ko lamang po kung siguradong makakauwi ka sa Linggo, ano na naman ba tinira mo diyan at bangag ka naman yata?”
“Ano bang tinira? Ikaw ang tirahin ko diyan makita mo, oo ilang ulit mo na bang tinanong yan, sa araw-araw nating pag-uusap lagi na lamang iyan ang tinatanong mo. Uulitin ko, may ticket na ako Linggo ang flight ko kaya sunduin mo ako sa Lunes, approved naman ang bakasyon ko so ano pa ba hinhintay mong sagot?”
“E di gawin mo kung kaya mo…. Hahaha., naniniguro lamang naman malay ko ba bigla nagbago isip mo, ikaw pa madalas magbago ang isip.”
“Hindi naman halatang masyado kang excited ano bro?”
‘Basta, sa Lunes meron akong mga surprises sayo,
“Surprises? Talagang may ‘s’?”
“Oo kasi hindi lamang iyon isa”
“Ano yun?
“Gago ka ba, kung sasabihin ko paano naging surprises?”
“Aba Marcos, may pa surprises, surprises ka pang nalalaman ngayon, isang taon lang akong nawala lalo ka yatang naging maarte, dati ka ng maarte ngayon e nadagdagan pa yata, sabihin mo na kasi kahit yung isa lang, sige baka magbago isip ko hindi na ako umuwi.”
“Ang daya naman, wala namang ganyanan…hmmm sige pero isa lang ha…yung iba surprise talaga ha…promise uuwi ka sa Sunday ah?
“Sige na, sige na umiral na naman ang pagka isip bata mo…”
“Pare, hintay ka na ng inaanak mo…hehe”
“You mean?”
“Oo nga…hahaha! kaya nga umuwi ka na agad, 6 weeks pregnant si Jaana.”
“Wow congrats pare, pakisabi din kay Jaana. Tatay ka na…hahaha…dapat pala magtino ka na. I’m so happy for both of you,”
“Matino naman ako ah, kaw lang naman nagsasabi na hindi ako matino…hahaha…kasi ikaw din naman hindi matino ah?”
“Tama…E yung second bang surprise e best man ako?
“Best man ka naman talaga , kaya lang hindi pa ngayun, pag-hahandaan pa namin.”
“O sige, sige, hintayin nyo ako, parang lalo akong naexcite umuwi, regards na lang kina Nanay Paz at sa mga sisters mo. Congrats ulit, ang saya ko talaga para ‘yo. Pakisabi sa kanila may pasalubong ako sa kanila kaya hintayin nila ako.”
“Sa akin ba wala? Hmp! Sige sasabihin ko, wag na silang matutulog hintayin ka nila.”
“Ikaw pa mawalan, imposible yata yun.”
Totoo naman yun matagal na akong nakapamili ng pasalubong ko para sa kanya. Nang magbalak akong umuwi siya talaga nasa isip ko, wala naman akong uuwiang iba siya lamang kung kaya nang sinabi ko sa kanyang masaya ako dahil magkakaanak na siya, totoo iyon masayang-masaya ako dahil iyon naman talaga pangarap niya magkaroon ng masayang pamilya at alam ko dahan-dahan ay natutupad na ang mga pangarap namin at iyon lamang din ang pwede kong gawin sa kanya ang I-wish na sana maging masaya siya,
Parang ang haba ng bawat araw, gustong-guto ko na umuwi. Nakapack na lahat ang mga gamit ko. Araw-araw kong tinitingnan ang pasalubong ko sa kanila, lalo na sa kanya, at araw-araw din kaming magkausap ni Cocoy, araw-araw naming binibilang kung ilang araw na lang.
“Bro, sumisipa na baby ko,” minsang pagyayabang niya.
“Sira, alam mo ba kung ano pa lamang itsura ng 6-week old fetus? Para lamang siyang butiki.”
“You mean, buntot yung nararamdaman ko, Tonton naman!” sabay tawa ng malakas.
“Gunggong ka talaga, pati yung baby na walang kamalay-malay, niloloko mo na, paglaki niyan ipapasipa talaga kita.”
“Umuwi ka na kasi, bilisan mo na, I miss you!” ang paglalambing niya.
“Oo nga pauwi na hintayin mo lilipad ako. Miss you too bro! Kung pwede lamang na nariyan na ako now. Ginawa ko na.”
“Parang ang tagal ng isang taon, hindi pa rin ako nasasanay na malayo ka pero ayos lang yun ilang araw lang magkakasama na rin tayo…hahaha, I can’t wait bro…”paglalambing niya.
Sana bukas ay flight ko na, hindi na ako makapaghintay. Miss na miss ko na si Cocoy. Ang dami kong ikukuwento sa kanya. Ang dami kong sasabihin sa kanya, hindi sapat ang cellphone para masabi ko sa kanya ang lahat.
Ito na yata pinakamahabang flight na naranasan ko. Kung marunong lamang akong magpalipad ng eroplano kanina pa ako nakiusap na humalili sa piloto namin. Bakit ba parang ang bagal-bagal namin. Sa airport nagtaka ako, bakit wala si Cocoy, ano na naman kayang kalokohan binabalak ng Mokong. Hmm, ako naman mang surprise sayo, hindi kita hihintayin..sumakay ako sa taxi pauwi sa amin. Haha bahala kang maghanap diyan. Kagaya ng eroplano, wala namang traffic pero parang napakabagal, sinilip ko ang speed namin 100km/h mabilis naman pero bakit ang tagal namin bago makalabas ng Manila. Pumikit ako, matutulog muna ako para hindi mainip. Pagmulat ko nakahinto kami sa tabi, nakatingin sa akin ang driver.
“Sir, saan po tayo, nasa Batangas na po.” Tanong ng driver
Tiningnan ko cellphone ko, walang text, wala rin missed call. Ibig sabihin wala talaga siya sa airport. Medyo disappointed ako. “Pasensiya na, nakatulog ako, diretso lamang tapos kanan tayo sa susunod na kanto at tuluy-tuloy na ulit.
Itinuro ko sa kanya ang daan papasok sa amin. Pagkababa ko iniabot ko ang bayad kasama na ang tip sa mabait na driver. Diretso ako sa bahay namin. Anak ng Teteng, sumalubong sa akin ang malaking tarpaulin. May dalawang pictures ko noong bata pa ako. Naisip ko buti pa ang loko at may naitagong pictures na yon. May isa pa noong mag graduate ako ng Elementary at ang isa pa ay noong High School, pero ang pinakalamaki at nasa gitna College Picture ko. Malaki din at pagkakasulat ng Advance Happy Birthday and Congratulations for Passing Nursing Board Exam. Bigla kong naalala hindi nga ako nakapagcelebrate ng pagkakapasa sa Board kasi pagkatake ko ng exam naging abala ako sa pag-aayos ng mga papers para makaenroll ako sa Austalia. Nasa Australia na ako ng lumabas ang result. Napakamot ako sa ulo. Next week pa birthday ko ah, hmm, kaya pala surprise. Ito talagang si Cocoy, hindi nauubusan ng pakulo. May banderitas pa, natatawa na lamang ako habang lumalapit. May catering din, pero bakit ganon, iilan lamang ang tao at bakit parang hindi sila masaya? Walang bumati sa akin, parang lahat ay tahimik lamang na nakatingin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Saka bakit wala si Cocoy? Ano na naman ang kalokohang nasa isip nito. Ipinasok ko ang gamit ko sa loob ng bahay, Hindi ako nagtanong dahil alam kong lahat sila’y kasabwat ni Cocoy. Nagpalinga-linga ako, wala talaga. Pupuntahan ko sa kanila, tiyak may pinaplano yun.
Halos patakbo ako lumabas ng bahay, ganon pa rin malungkot silang nakatingin sa akin. Madaming tao sa kanila, medyo madilim na noon at hindi ko masyadong makilala kung sino mga naroon.Tatawag sana ako ng malapit na sa kanila nang matigilan ako. Maraming ilaw. Halos sumabog ang ulo ko sa nakita ko pag pasok ng pinto, Isang Kabaong! Sa loob ng kabaong, nakahiga ang taong hindi ko naisip na makikita ko sa ganoong ayos. Hindi ako nakapagsalita, nanatili lamang akong nakatayo, gusto kong sumigaw, tawagin ang pangalan niya, gusto kong magtanong kung bakit at anong nangyari, pero walang lumalabas sa aking bibig. Parang ayaw maki cooperate ng aking dila sa gusto ng utak ko. Inulit ko, ibinuka ko ang aking bibig. Wala talaga. Hanggang maramdaman ko na lamang tumutulo ang luha sa aking mga mata, at nanghina na ang aking tuhod at tuluyan na akong napaluhod.
“Cocoy,Cocoy, anong nangyari? Anong nangyari sayo?
Isang babae ang nag abot sa akin ng isang basong tubig. “Otoy uminom ka muna. “Pagkatapos kong makainom, inalalayan nila ako sa malapit na bangko. Lumapit sa akin ang Ate niya.
“Abalang-abala kami sa paghahanda para sa surprise niya sayo. Nang tumawag boss niya at may problema daw sa Site. Ayaw sana niyang umalis dahil nga ayaw niyang iwan ginagawa niya. Ayaw niyang may mamiss siya sa kanyang plano. Pero nakiusap ang boss niya na sumaglit dahil umaga pa naman. Napilitan siyang sumunod kahit labag sa kalooban niya. Sa site askidenteng bumagsak ang hindi pa tuyong slabs at dalawa silang naipit sa loob. Nakaabot siya sa ospital hindi katulad nong isa. Pero wala pang isang oras ay binawian na rin ng buhay”
“May dinukot siya sa bulsa, Ipinapabigay niya ito sayo, Happy Birthday daw, pasensiya na daw at hindi niya personal na naiabot sayo” iyon lang ang nasabi niya sa akin bago niya ipinilkit mata niya.” At tuluyan na rin siyang nagtakip ng mukha dahil hindi na napigilan ang pag-iyak. Muli akong tumayo. At lumapit sa kabaong niya, tiningnan ko mukha niya,
“Cocoy, isa ba ito sa mga surprises mo? Hindi ako natuwa. Ito na ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin. Ito ang surprise na kailan man hindi ko inasahang gagawin mo. Bakit naman ngayon pa, bakit hindi mo ako hinintay. Cocoy bakit ngayon pa?” Muli ay nagdilim sa luha ang aking mga mata.
Nang magliwanag muli ang aking paningin, nasa tabi ko si Jaana. Tahimik na umiiyak. Tiningnan ko siya.
“Pano ka na, kayo?” pabulong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang tiyan.
“Ewan ko. Hindi ko alam, hindi ko pa talaga alam Ton.” Alam kong nabigla siya sa tanong ko.
“Alam ko na ang lahat, nabanggit niya sa akin, noong huli kaming mag-usap.”
Sa anim na araw na burol niya, hindi ako umalis sa tabi niya, ayokong mawala siya sa aking paningin. Nagpapaalam lamang ako sa kanya, kung umuuwi ako upang maligo at magpalit ng damit.. Hindi ko na matandaan kung ilang beses lamang akong akong tumikim ng pagkain sa mga araw na iyon. Iyon ay kung pinipilit lamang nila ako dahil magkakasakit ako sa ginagawa ko. E ano ba kung magkasakit, ano pa ba gagawin ko ngayon, may sasakit pa ba sa nangyayari ngayon? Hindi ko alam kung saan pa nangagaling ang aking mga luha dahil everytime sisilip ako sa kanyang kabaong parang awtomatikong bubukal ng luha sa mga mata ko. Wala naman akong masabi, tuwing babalakin kong kausapin siya walang boses na lumalabas sa aking mga labi. Hindi ko kayang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Nakikita ko ang mga tao sa aking paligid tahimik lamang nila akong pinapanood, mahihinang hikbi at singhot lamang ang maririnig mo sa paligid. Alam ko naaawa sila sa akin pero wala silang magawa upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko gustong sumama na makipaglibing sa kanya dahil ayokong makita ang pag-alis niya pero mas ayokong hindi ko siya maihatid sa huling hantungan niya at magbigay ng huling respeto sa kanya. Ayokong umalis siya ng hindi nakakapagpaalam.
Parang nag flashback sa akin ang eksena namin noong magpapalam ako na mag-aaral sa Maynila, Ngayon alam ko na kung bakit hindi siya nagsalita noon, ang hirap palang magpapalam, ang sakit pala. Ang sakit magpaalam sa isang aalis. Pero bumalik naman ako Cocoy, pero ikaw habang buhay na ang pag-alis mo. Sabi mo hindi mo ako iiwan, ang daya-daya mo naman kung kailan abot kamay na natin ang ating mga pangarap. Ang tagal nating hinintay ang mga sandaling ito. Narito na Cocoy, ito na iyong hinihintay nating pagkakataon pero bakit ngayon ka mawawala. Naalala ko ang lahat ng masasayang araw na magkasama kami ang lahat ng pagtawa at pag-iyak namin, ang lahat ng pagmamahal na alam kong inuukol niya sa akin. Ang lahat ng pagsasakripisyo niya para sa akin. Ang lahat ng tungkol sa kanya.
“Cocoy…” iyon lang ang naibulong ko.
At muli ay tumulo ang luha ko. Wala akong naintindihan sa mensahe nilang lahat mula sa nagbendisyong pari, hanggang sa kay Nanay Paz, sa tatay niya at mga kapatid niya. Blangko ang utak ko ng mga oras na iyon. Noon ang tanging nararamdaman ko ay ang katotohanang wala na si Cocoy, wala na ang kaisa-isang taong nagpahalaga sa akin ng higit pa sa kanyang sarili. Nanatili akong nakatayo, parang hindi ko kayang iangat ang aking mga paa. Nailagay siya at naisara ang kanyang huling hantungan na nasa ganoon pa rin akong ayos, hawak ko pa rin ang puting rose na ibinigay ng hindi ko na matandaan kung sino, nakita kong lahat sila ay naghagis ng ganon bago isara, pero hindi ko maigalaw ang aking katawan, nanatili lamang akong nakatayo at nakatingin hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng kabaong nya na matatanaw ko.
Nakakalis na silang lahat pero nanatili pa rin ako sa harap ng kanyang puntod. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo doon
Hindi ako nag sasalita. Hindi ko pala kayang magpapalam. Pagod na pagod na ang isip ko, ayaw ng gumana, wala na rin akong masabi. Tahimik lamang akong umiiyak, Ayoko na sana pero hindi nakikinig ang aking mata patuloy ang pagdaloy ng mga luha mula rito. Naramdaman ko na may umakbay sa akin. Nilingon ko siya. Ang tatay ko.
“That’s enough son. Let him rest now.”
Parang bata yumakap ako sa kanya, at ibinuhos ang ilang araw ko ng kinikimkim na sakit, umiyak ako ng umiyak, humagulhol ako na hindi ko nagawa mula ng makita ko siya sa kabaong. Ngayon higit kailan man ngayon ko nadama ang sakit na dulot ng kanyang pagkawala, alam kong simula pa lamang ito at natatakot ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ang mga susunod pa, hindi ko alam pano ako babangon ngayong wala na siya, Paano ko haharapin ang bawat umaga na wala nang mangungumusta sa akin? Paano ko tatanggapin na wala na si Cocoy --- si Cocoy ang mula ng magkaisip ako ay kasama ko na at karamay sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Si Cocoy lamang ang tunay na nakakaintindi sa akin. Si Cocoy lamang iyon, at ngayong wala na si Cocoy paano ko itutuloy ang buhay? Sa bawat pagdapa ko siya ang nagbabangon sa akin. “Paano na ako ngayon?” Bulong ko sa aking sarili. “ Paano ko haharapin ang buhay na wala ka?”
Naisip ko sa mga ganitong pagkakataon ko higit na kailangan ang isang kaibigan. Sa ganitong pagkakataon dumarating si Cocoy kahit hindi ko sabihan. Pero sa pagkakataong ito mag-isa kong haharapin ang sakit. “Cocoy, sinanay mo ako na sa lahat ng panahon ay kasama ka sa pagharap sa pagsubok. Akala ko matapang na ako dahil lahat na yata ng pagsubok naranasan ko sa aking buhay, pero hindi mo ako naihanda sa ganito. Hindi ko naisip na minsan mangyayari sa atin ang ganito. Hundi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito. “
Naramdaman ko patuloy lamang niyang hinahaplos ang aking likod. Nang maramdaman niyang ok na , inakay niya ako pasakay sa kotse niya. Hindi siya nagsalita kahit ano paman. Diretso lamang ako sa kwarto ko at nahiga. Pero saglit lamang, Natamaan ng aking paningin ang regalong ibinigay ni Ate sa akin. Marahan kong pinunit ang gold wrapper nito. Isang mamahaling relo. Naalala ko kung saan ko nakita ang relong iyon. Sa SM Mega Mall
“Bro, ang gara ng relo!” sabi ko kay Cocoy.
“Oo nga ano, kaya lang super mahal,”
“Sana makabili ako ng ganyan balang araw,”
“Kaya mo yan, isipin mo na kaya mo, magkakaroon ka niyan, paghahandaan natin yan, ngayon pa graduating na tayo sa College” ang paniniguro niya.
“Sana nga, pero matagal pa yun.” Pagtatapos ko.
Nalimutan ko na ang usapan naming iyon ngayon ko lamang ulit naalala.
Lumabas ako at bumalik sa aming tambayan. Naupo ako sa isang bato. At dito tahimik kong pinagmasdan ang papalubog na araw. Ito na ang simula na mag-isa kong haharapin ang lahat ng paglubog ng araw sa aking buhay. Dahil mabuti pa ang araw sa bawat paglubog niya ay may muling pagsikat na hihintayin, pero si Cocoy ay tuluyan ng mawawala.
Muli ay nasa harapan ako ng puntod ni Cocoy, Napakatagal na mula ng huli akong tumuntong sa lugar na ito. Parang napakahaba ng tatlong taon. Marami na ang nagbago, marami na ang nangyari. Pero narito pa rin ang kirot, ang sakit na dulot na pagkawala ni Cocoy ay sariwang sariwa pa rin na parang kahapon lamang nangyari. Hindi sapat ang tatlong taon para malimutan ko ang lahat ng nararamdaman kong sakit.
“Daddy, are you done? Let us play, Daddy please let us play!” tinig ng isang 2 taong gulang na bata.
“I’m sorry Marcus, you just play with Mommy Jaana, Daddy is still busy, I want to stay here with Tito Cocoy for a while.” Hinalikan ko siya sa noo.
“Ok Daddy, Hi Tito Cocoy!” at kumakaway siyang pinuntahan ang Mommy niya.
Tama! siya yung anak nina Cocoy at Jaana, pagkatapos ng libing kinusap ko si Jaana na ayokong lumaki ang baby nila ng walang ama, dahil alam ko kung gaano yun kahirap. Napakaliit na sakripisyo kumpara sa ginawa ni Cocoy para sa akin. Nagpakasal kami sa Australia, nagsama at hindi nagtagal natutunan ko na rin siyang mahalin at ganon din siya sa akin. Ngayon ay ipinagbubuntis na niya ang aming anak ---- ang pangalawa naming anak, walang nakakalam na ang panaganay naming si Marcus ay tunay na anak ni Cocoy maliban sa amin ni Jaana, at habang panahon wala ng ibang makakalaam pa.
“Pangako Cocoy, hindi mararanasan ng anak natin ang lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko hahayaang mangyari iyon dahil baka hindi niya kayanin, walang Cocoy na aalalay sa kanya.” Mamahalin ko siya bilang tunay na anak, mamahalin ko siya dahil siya’y anak mo at sa tuwing titingnan ko siya nakikita kita sa mga mata niya at habang buhay ko iyong ipagpapasalamat sa yo. Tinitiyak ko sa yo sa kanyang paglaki ay mamahalin ka rin niya, dahil ipapaunawa ko sa kanya kung gaano ka kabuting tao, kung paano mo ako minahal at lahat ng sakripisyo mo sa akin. Mamahalin ka niya dahil you deserved to be loved. Isa kang napakabuting tao Cocoy.”
“Cocoy, ngayon tanggap ko na ang lahat, sorry hindi na ako nakabalik dito, hindi ko kayang tanggapin noon na wala ka, Paalam Cocoy. Kung alam ko lamang na ganyan lamang kaikli ang panahon na ibibigay ka sa akin ng Diyos, sanay sinamantala ko na ang pagkakataon, sinulit ko ang bawat sandaling kasama ka. Ganoon pa man, salamat sa maikling panahon nakasama kita. Sayang at hindi ko nasabi sayo ang matagal na sanang sinabi ko. Mahal na mahal kita Cocoy. Mahal kita higit pa sa alam mo. Mahal na mahal kita. Hindi ko maamin sa sarili ko noon dahil napakalaking bato ang nakaharang sa atin. Natakot akong hindi tayo tanggapin ng mundo. Natakot akong baka hindi nila tayo maunawaan. Alam kong iyon din ang nararamdaman mo, kailangan nating pigilan ang anumang nararamdaman natin dahil iyon ang dapat, iyon ang hinihingi sa atin ng pagkakataon. Ganoon pa man masaya akong naramdaman ko ang pagmamahal mo para sa akin. Naranasan kong mahalin ng tulad mo. Pero Cocoy, hindi kayang tapusin ng iyong pag-alis ang nararamdaman ko para sa iyo. Patuloy pa rin kitang mamahalin saan ka man naroon ngayon. Mananatili ka pa rin dito sa puso ko, kahit lumipas pa ang maraming taon mamahalin pa rin kita sa isip, sa puso at sa buo kong pagkatao, mamahalin kita habang panahon.”
“Alam ko sa kabila ng malalaking bato, nariyan ka lamang at naghihintay. Alam kong darating ang panahon magkikita tayo diyan. At sa pagkakataong iyon hindi na tayo maghihiwalay. Cocoy hintayin mo ako ha. Miss na miss na kita”
“Paalam Cocoy, Paalam mahal kong kaibigan hanggang sa muli nating pagkikita!”
Sa inyong lahat na matiyagang nagbasa ng kwentong ito maraming salamat sa pagsama sa akin na alalahanin ang matatamis at mapapait na alaala namin ni Cocoy. Sinulat ko ang kwentong ito bilang pagkilala sa isang dakilang tao at mapalad ako na nakilala at nakasama ko. Pero kahit hangga ngayon habang tinatype ko ito dito sa harapan ng kanyang puntod, 3rd death year anniversary niya, patuloy pa rin tumutulo ang aking mga luha. Hindi sapat ang tatlong taon upang mapawi ang sakit ng pangungulila ko sa kanya. Subalit alam ko ang mga luhang ito ang muling magpapatatag sa akin. Dahil naniniwala ako na may buhay pang naghihintay sa akin at sa aking pamilya sa likod ng malalaking bato.
COMMENTS