$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Chuck and Paul (Part 1)

By: Chuck As I walk the corridor, I saw him on the first step of the stairs to the fourth floor of our building. He stood up and walked away...

By: Chuck

As I walk the corridor, I saw him on the first step of the stairs to the fourth floor of our building. He stood up and walked away from the place leaving me dumbstruck. The only thing I could do was stare at him and see him walk away. Para bang natulala ako sa bawat segundong nakasunod ang mga mata ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ako ka-attracted sa kanya. It was my worst day ever.

I was late in my first subject that morning. And I was not able to take the quiz which usually starts first thing in the morning. Bad trip. Nagpuyat pa naman ako kagabi just to review our previous lessons. Kainis kasi yung jeepney driver na yun eh. Ang bagal magdrive and nakakabanas pa kasi humihinto siya sa lahat ng kantong dinadaanan para lang makakuha ng sakay. Kahit na yung mga taong papalabas pa lang ng bahay, hinihintay na niyang lumabas ng gate para maisakay niya. Makita ko lang ulit ung driver nay un, makakatikim siya ng karate chop.

I have no choice but to stay at the school library. I just think na mas okay pang mag-absent and make an excuse letter than to come to class 30 minutes late. I’ll just make a letter containing a fat lie that would make me excused from being abset and force my prof to give me a special quiz. Sayang naman kasi yung nireview ko last night. I’ll just go to the library and get some sleep. Hintayin ko na lang yung lunch break then I’ll attend the remaining classes for the day.

Nagpunta agad ako sa 2nd floor ng school library and took a Harry Potter book from a shelf. Binasa ko ng konti at nakatulog na nga ako. For about half an hour, nagising ako and I found my head on the open book. And to my great surprise, I saw him. I saw Chuck right in front of me.
“Hindi mo dapat ginagawang unan ang aklat.”
Wala akong masabi kundi “Huh?” Nakakatulala talaga ung facial features niya.

Sobrang kinis ng face niya and wala ka man mabakas na oil. Ang tangos ng nose and ang cute ng manipis na bigote niya na nagbibigay sa kanya ng looks na may pagka-badboy. Kinikilig pa yata ako, kakahiya naman. Bagay na bagay talaga sa kanya yung nakapaloko, at ang brown eyes. Grabi. Nakakawala ng concentration. Asar talaga. Napapitlag ako ng bigla na naman siyang magsalita.

“Nakakatuwa ka talaga.” Aba’t mokong na ‘to, laughing material pala ang tingin saken. Batukan ko kaya? Kaasar.
“Magkakilala ba tayo?” Sabi ko, pakunwari pang hindi ko siya kilala eh no.

Pero ang totoo niyan, kilalang-kilala ko siya. I know he’s 19 and I’m 18 then. Sa Balibago siya nakatira and I’m from Pandan. Nursing student siya, and he’s 3rd year na. Kaya siguro niyayabangan ako, mas matagal na kasi siya dito sa school namin. 2nd year pa lang kasi ako nun. Plus, nasaken ang phone number niya, hindi ko lang magawang i-text dahil nahihiya ako. Baka kasi wala siyang time sa mga katulad ko. Hindi kasi ako marunong magsinungaling sa mga textmates ko. Hindi ko kayang manloko ng mga textfriends.

“Hindi kita kilala pero lagi kitang nakikita, hindi mo lang siguro ako napapansin.”
“Uh, ganun ba.” Shit, I feel stupid, wala akong masabe. Chance ko na nga ‘to diba. Bakit wala akong maisip na sabihin.
“Diba Bio student ka?”

Duh, parang gusto kong isagot na, “Obvious ba? Naka-uniform po ako, if you haven’t noticed.” Napatango na lang ako na feeling ko nagmumukha na naman akong tanga. Ano ba yan, Paul, get a grip.

“Anong year ka na?”

Kainis to ah, tanong ng tanong. Di pa nga namin alam ang name ng isa’t-isa eh. Well, yung name ko lang pala ang hindi niya alam. Medyo natauhan ako, “Excuse me, hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala.” Sabi ko habang kunwari ay papatayo na at sinasara yung libro.

“Ah, oo nga pala, ako si Chuck. Ehehehe. Nakalimutan ko.”
Umayos ulit ako ng upo, “Ako si Paul, 2nd year pa lang ako.” Sagot ko.
“Half past eleven na pala, kumain ka na ba?” Tanong niya.
“Hindi pa nga eh, kaw ba?” Tinitigan ko siya while he’s packing his things.
“Hindi pa rin eh, wala kasi akong kasabay. Ayaw ko kasing kumakain ng walang kasabay.” Well, pareho lang kami. Feeling ko engot ako pag kumakain ng mag-isa.
“Wala din akong kasabay eh.” Sabi ko na lang.
“Good, tayo na lang ang sabay kumain. Treat kita.”

Napaisip ako sa huli niyang sinabi, “Ano ba talagang kelangan mo sakin? At ite-treat mo pa ako ng lunch.”
Parang natulala siya, “Ano naman kaya ang masama kung ililibre kita ng lunch?” Ako naman ang natigilan. Wala naman talagang masama, parang kinakabahan kasi ako. Hahahaha.

I said, “Sige, sa McDo.” Medio nasipa ko ung paa ng mesa nung ngumiti siya.

Pagdating sa McDo, siya na yung pumunta sa counter at ako naman ang naghanap ng table, sa second floor ako naghanap. Medyo nagsisi pa ako ng makita kong andun ang mga classmates ko, bigla akong kinausap.

“Hi, bakit hindi ka pumasok kanina? Maglu-lunch ka pa lang ba?”
“Ah, eh, may pinuntahan kase ako kanina, maglu-lunch pa lang ako.”
Sumabat naman ang isa ko pang classmate na may pagkausisera. Ewan ko ba, I’m not that comfortable when I’m with her, her name is Kristine.
“Hala, kakatapos lang naming kumain, sayang naman, may kasabay ka ba? Bat wala ka pang food?” At right on cue, dumating si Chuck carrying a tray of spag, chicken, fries, McFloat, and burgers. Natahimik ang mga classmates ko. Siguro nagtataka kung bakit kasama ko ‘tong kumag na ‘to.

“Let’s eat na.” Sabi ni Chuck.

Nagmamadali naman akong umupo dun sa nireserve kong table for the two of us. Avoiding the suspicious looks of my classmates.
“Classmates mo sila?”
“Ah, oo. Wag ka na lang maingay diyan at baka kung ano pa isipin ng mga yan sa atin.” Ngumiti lang siya. Syeeet.

Maya-maya, dumaan sa table naming ang mga classmates ko.
“Oo nga pala Paul, yung written report mo sa Gen.Bio2 kelangan mo ng ipass.” Nakapagtataka sila. Bat concerned sila? Hahahaha! Parang gusto kong sabihin na, “Can’t you see we’re dating?”

Kunwari pa silang nagca-care sa akin. If I know, nagpapacute lang sila sa kasama ko. At nag-alisan na ang mga istorbong hitad.

Nakahinga ulit ako ng maayos, iniisip ko pa rin yung mga tingin at bulungan nila habang pababa ng hagdan. Nang mabaling ulit ang atensyon ko kay Chuck.

“Ang bait pala ng mga classmates mo, concerned sila sayo.” Medio sumimangot na lang ako at nasabing, “Naku ha, di mo lang alam, nagpapacute lang sila sayo.” Bigla siyang natawa.
“Ahahaha! Ganun ba?” Kainis, pati pagtawa niya cute.
“Oo kaya, yun lang di mo alam.” Tinapos namin ang pagkain naming at nagpasya kaming bumalik ng school.

Kinuha niya ang phone number ko na ikinagulat ko ng todo. “Bakit?” Sabi ko.
“Wala lang, para pag wala akong kasabay na mag-lunch, itetext na lang kita para sabay ulit tayo.” Hala, parang nahilo yata ako dun ah. Tama bang narinig ko? Grabe. Pero since then, lagi na kaming magkasabay maglunch.
Medio ipinagtaka naman yun ng mga ka-close kong friends. Hindi na daw ako sumasabay sa kanilang kumain. Well, hindi ko na lang sila pinansin as long as parati kong kasama si Chuck. Kinuha niya ung schedule ko, wala namang conflict sa lunch breaks. Lalo akong nagtaka sa kanya nang pati sa uwian gusto niya akong kasabay lagi.

Kakaiba kasi kahit na may 1 hour difference ang uwian namin every Thursday, he’ll wait for me para lang sabay kaming maglakad papunta sa terminal ng jeep. And he’ll text me right after naming maghiwalay. Kakasakay ko pa lang ng jeep may message na siya agad sakin. Ewan ko lang kung mukha akong engot pag nakangiti habang binabasa ung message niya. Simula nun, lagi na akong masaya. I always find myself looking forward for our next meeting.

One time, naglalakad kami sa park. Bigla siyang umakbay saken. Hala, nagulat talaga ako dun.
“Wag kang papalag.” Sabi niya. Sabay ngiti sakin. Ganyanan na lang ha, hinawakan ko yung kamay niya. Ahahaha. Gantihan na lang yan, “Wag ka rin papalag!” Ang saya, nakaakbay siya sakin habang holding hands pa kami!

One day, nung wala akong pasok due to absent yung prof ko for the whole day, tinext ako ni Chuck at tinanong kung aalis ba ako ng bahay, sabi ko hindi at sinabi ko pa na may tatapusin akong project. Well, dahil nainip din ako sa bahay kaya pinasya kong magpunta ng mall at maglakad-lakad, papauwi na ako ng makita ko si Justin at inaya niya akong manood ng sine at treat daw niya, tatanggi ba naman ako? Eh ang gwapo na niya at libre pa! Hahaha! Pinanuod naming ung pinakapatok na show nun kaya marami rin tao. Nag-enjoy naman ako sa kwento ng palabas, buti na lang at 1hour and 45 minutes lang yung movie. Masayang kasama si Justin, in fairness. Lumabas na kami ng sinehan at nag-goodbye sa isa’t-isa. Nginitian niya ako ng isang beses bago siya tumalikod sa akin.

Hinintay ko siyang mawala sa aking paningin bago ako gumalaw at pumunta sa isang branch ng mga damit para bumili ng bagong shirt. Nagulat ako ng makita kong andun si Chuck.

“Oh, buti lumabas ka ng bahay at may ka-meet ka pang iba.”
Hala, hindi ko alam ang isasagot ko, biruin mo sinabi ko sa kanya na hindi ako aalis ng bahay ngayon, tapos makikita niya akong lumabas sa sinehan with another guy, “Tinamad ako bigla sa bahay eh.”
Naglakad na ‘ko, tuloy-tuloy papunta sa labasan ng store nay un, wishing na hindi na niya ako sundan. Pero nasa likod ko pa rin siya eh.
“Sabi mo hindi ka lalabas ng bahay?” Halatang galit na siya sa boses niya.
“Bakit ka ba gumaganyan? Mag-ano ba tayo? Tatay ba kita?”
Hindi niya pinansin ung huli kong sinabi, “Makikipagdate ka na lang, kung anu-ano pang kasinungalingan ang sinasabi mo.”
Ang lakas na talaga ng boses niya habang nasa loob kami ng mall. Nagtitinginan na ung mga tao samin.
“Maaga kong natapos yung project ko.” Ang tanging nasabi ko, nakayuko kong nasabi.
“Talaga lang ha, bad trip naman. Kanina pa kita nakita dito.”
“Eh ano naman kung pumunta ako dito? Sino ba may sabing hintayin mo ako?” Kainis, feeling naman niya boyfriend ko siya. Bat siya gumaganun?
“Ah ganun, yun pa ang gusto mo di mo agad sinabi. Akala ko iba ka.” Sobrang ikinagulat ko yung sinabi niya.
“Umuwi na tayo, nakakahiya na dito.”

Pababa ako ng hagdan, mga 2 meters siguro ang layo ko sa kanya ng bigla niyang isigaw.
“Wala akong pakelam sakanila, badtrip ka! Mahal kasi kita!”
Nagulat ako sa huli niyang sinabi, nahulog tuloy ako sa punyetang stairs, buti nalang at 3 steps na lang ung stairs at medio napaupo lang ako. Pero super sakit ng paa ko, napilayan ata. Nilingon ko siya at nakita kong nahinto siya sa paglalakad. Lumapit siya agad sa akin at tinulungan akong tumayo.
“Are you okay?”

“Adik ka ba? Kung anu-ano sinasabi mo.”
Mahapdi na yung mata ko dahil sa pagpigil kong umiyak. Kumawala ako sa hawak niya at tuloy-tuloy naglakad papunta sa terminal ng jeep. Di ko siya nilingon, kahit na feeling ko pinuputol ang paa ko sa sakit. Hanggang makarating ako sa terminal at sumakay agad sa jeep. Mabilis kong sinulyapan si Chuck. Nakita kong nakatayo lang siya pero sumakay sa susunod na jeep. Sa loob ng jeep ako umiyak, syet. Tinginan sakin yung mga kasakay ko sa jeep. Di ko man kasi magawang kunin yung panyo ko sa bulsa ko. Nakakaasar, ang tagal pa mapuno ng jeep. Bigla kong naramdamang nagvibrate yung phone ko sa bag ko. Binasa ko yung message at nakita kong si Chuck ang sender.
“Sorry na, ang oa ko kanina… Nandyan ka pa ba? Baba ka nman, mag-usap tayo kahit sandali lang.”

Medio naguilty naman ako. Bumaba ako ng jeep habang nagta-type ngreply ko sa message niya. Sobrang bait ko talaga.
“Sige, baba na ako… Baba kana rin dyan.” Bumaba siya ng jeep at lumapit sa kinaroroonan ko habang kumakamot sa ulo at may alanganing ngiti. Nakaka-inlove talaga siya.

“Sorry, para akong tanga kanina.” Aww, parang gusto ko siyang yakapin.
“May kasalanan din ako, sorry din.”
“Ganun ba kasakit ang paa mo at naiyak ka pa?” Tanong ng mokong.
“Ang sakit kaya nun. Kung ikaw kaya ung paa at napilay ka? Hmmp!” Natawa siya dun sa sinabi ko.
“San tayo ngayon pupunta?” Tanong ko.
“Nood tayo ng sine.” Syet ayun na naman yung killer smile niya. Haha! At buti na lang at ibang movie naman ang pinanuod naming. Dumaan muna kami sa 7-Eleven para bumili ng food. 2 hotdog sandwiches, 2 siopao at 2 large green apple flavored slurpee. Ang saya ko naman. This is a date, no doubt.

Kinuha niya agad ung food namin; nung nasa loob na kami ng sinehan at buti na lang konti lang ang tao this time.

“Kanina pa ako gutom eh, kakahintay sayo.” Naguilty naman ako sa kanya. Binigyan ko siya ng hotdog sandwich at kinuha ko na rin ung sandwich ko, pero pinigilan niya ako sa pagkuha ng akin.
“Share na lang tayo dito. Hehe.” Parang kinilig ako dun ah.
“Ahahaha. Ano ka ba, ang corny.”
“Sige na, share na tayo para sweet. Hehe.”
“Sweet mo mukha mo, lakas din ng trip mo eh no?” Pero napilit nya rin ako na magshare kami sa lahat ng dala naming food. Pati sa slurpee, kaya ayun, natunaw lang ung isa. Pero may gumugulo sa isip ko.

“Yung sinabi mo sakin kanina…” Simula ko.
“Alin? Ung sinabi kong Mahal Kita? Totoo yun!”
“Sus.”
“Kung mahal mo rin ako, edi tayo na.” Hala parang nahilo yata ako dun ah.

Grabi, this is my happiest moment talaga. “Ngeh? Ganun lang yun? Ang chaka naman.”
“Ahahaha, sige. How about this?” Hinalikan niya ako ng napakatamis. Natulala ako, di ako makapaniwala sa nangyayari. Nang bumalik ako sa reality, humalik na rin ako sa kanya.
“Mahal din kita, Chuck.” Sabi ko sa mahinang boses. He then hugged me. Lutang ako sa sobrang saya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
ITUTULOY

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Chuck and Paul (Part 1)
Chuck and Paul (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQqV8rNEy7rPGoBa_otdGCcbGQdLY8AOesxjQHZDmERXhb4QCEr16g5Z4Tq87nOId3CfQOyq7CSfCP9EpZDRrysZp9DmNwOw-6TLph8Dj0NRTT3Zf-KpUsxEYmSpkmIALIdZXmujTlMjw/s400/17788_10200928163066929_1337303281_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQqV8rNEy7rPGoBa_otdGCcbGQdLY8AOesxjQHZDmERXhb4QCEr16g5Z4Tq87nOId3CfQOyq7CSfCP9EpZDRrysZp9DmNwOw-6TLph8Dj0NRTT3Zf-KpUsxEYmSpkmIALIdZXmujTlMjw/s72-c/17788_10200928163066929_1337303281_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/05/chuck-and-paul-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/05/chuck-and-paul-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content