By: Lance Di ko maintindihan at maipaliwanag ang mga bagay na mga nangyari sa akin simula ng makilala ko si Ivan na isang kaibigan n...
Di ko maintindihan at maipaliwanag ang mga bagay na mga nangyari sa akin simula ng makilala ko si Ivan na isang kaibigan na naging bahagi na ng aking buhay
Ako nga pala si Lance isang student 5'7 moreno at aminado akong may itsura talaga ako pero no girlfriend since birth kasi promise ko kila mama at papa na huwag munang papasok sa isang realsyon ng hindi handa study first kasi nag-iisa lang akong anak. at si Ivan naman ay 5'8 ,maputi at gwapo at may dating kaya habulin ng chicks at ito ang aming kwento sana magustuhan niyo kahit na walang halong kalibugan.
Nung una ko siyang makilala ay araw ng pasukan.
maaga akong nagising dahil na rin sa malakas tunog ng alarm clock ko
excited akong pumasok dahil makakasama ko ulit ang barkada at sana ay may mga bago akong mga kaklase,
Pumasok na ako ng school at tama lang ang oras ng pagpasok dahil 7:30 pa naman ang klase ko.Nahanap ko naman agad ang classroom ko at mas pinili kong umupo sa likod ng klase namin.
Syempre usap-usap,kamustahan at payabangan na naman kaming mag-babarkada.Napansin ng isang barkada ko na may bago kaming kaklase nasa likod at katabi lang pala ng aking piniling maupuan.
napansin nilang mukang transferee lang siya dahil mukhang bagong mukha sa campus namin at pansin din namin na nabobored siya at siguro ay nahihiya lang.
,kaya natuturuan kami kung sino ang gustong kumausap sa kanya, nag-volunteer na lang ako na ang kakausap sa kanya dahil parang walang may gusto,
Kaya nag-ayos ako,tumayo at lumakad papunta sa kanyang kinau-upuan.
Napansin niya siguro na lalapit ako sa kanya kaya yumuko na lang siya, napangiti na lang ako dahil parang nahihiya talaga ang mokong na to,
Kaya naupo ako sa kanyang tabi at inakbayan ko siya
Ako:"hi..pre. ako si Lance"
nakangiting habang iniaabot ko ang kamay ko.
Ivan:"ah....eh... Ivan..."
sabay shake hands sa kamay ko.
Ako:"Ah...Ivan wag kang mahiya ah saken mabait naman ako"
napansin ko kasing parang nahihiya siya.
Ivan: " ah..okay lang yun."
ang maikli niyang sagot
Ako:"so kaibigan na tayo ah, may kilala ka na ba dito"
tanong ko sa kanya
Ivan:"ikaw pa lang... salamat nga pala ha"
habang nakangiting natingin sakin.
At mula nung nakilala niya ako nung araw na yun ay lagi siyang nakasunod sa akin kahit sa recess,sa library,at pati sa uwian ay sumasabay siyang umuwi sa akin dahil di rin naman kalayuan ang bahay nila sa bahay namin.
at ako ang nagsilbing tour guide ni Ivan sa campus namin kaya naging mas-close kami ni Ivan.Maayos naman ang ugali ni Ivan dahil mas naging nakilala ko siya,siguro ay komportable siya na kasama ako dahil mabait,makulit at palatawang tao rin pala siya.
At pansin ko rin na nakapag-adjust na siya at may mga kaibigan na rin siya sa school
natutuwa naman ako dahil naka-adjust na talaga siya, pero mas naging malapit kaming magkaibigan ni Ivan at naging mag-bestfren! pa...
Dumating ang buwan mas naging tumibay ang pagakalaibigan namin ni Ivan.
Nakilala na rin nina mama at papa si Ivan. at dahil dun ay feel at home ang mokong sa aming bahay at okay lang naman yun kila mama dahil mabait naman daw na kaibigan si Ivan sa akin.
Palagi ring nakikitulog o sleep over si Ivan sa bahay syempre no choice mahirap tumanggi sa bestfren eh
, kapag nasa kwarto ko ang mokong ay sobrang makalat halos lahat na yata ng mga gamit ko ay pinakekealaman , parang binagyo ang kwarto ko kapag nandun si Ivan .
siguro kaya palaging nasa bahay yung mokong ay dahil may TV , DVD,psp at Computer sa kwarto ko,
pero sa totoo lang masaya namang kasama si Ivan,siya yung taong di ka mabobored kapag kasama siya.dahil magaling siyang magkwento at mang-aliw ng mga tao.
At kung kami'y matulog ay napakagulo halos ma-sakop na niya ang buong kama sa aking kwarto,at ang hilig hilig niyang yumakap kapag natutulog ako. Kaya nung minsan ay sa lapag na lamang ako natulog para lang di ako maistorbo nitong mokong na ito,
Minsan kapag nanonood ako ng movie napaka-ingay kanta ng kanta o di kaya kwento ng kwento ng kung anu-ano..palaging nagpapapansin kumbaga KSP ang mokong.
Di makuntento hanggang aakapin ka ng mahigpit at di ka agad makakawala dahil may kasama pang halik. pero siguro naglalambing lang ang mokong kung napapansin niyang galit na ako o nabobored.
At kapag ako naman ang nakiki-sleep ove sa bahay nila ay mas lalo at sobra ang kapilyuhan nitong si Ivan minsan nga pinainom niya ako ng coke in can pero ang laman pala ay soy at magtatago tsaka niya ako gugatin at kung natutulog ako ng mahimbing ay hinahalikan niya ako sabay kuha ng litrato samin, eto pa ah lagi niya akong hinihipuan kung saan-saan,lalo na si Manoy na agad ko namang iniiiwas sa kanya minsan nga inasar ko siya ng bading ngunit hinabol niya ako at hahalikan daw kapag mahuli niya ako. pero wala naman sakin yun kasi pilyo lang talaga yang mokong na yun. at talagang wild siya kapag ako ang pinagtritripan.
Pati sa klase ay di kami mapaghiwalay,Dahil laging nagkwewentuhan, naghaharutan, seatmates at cheatmates pa
at aminado akong mas matalino ako kesa sa kanya sa klase hehehe....
Minsan nga ay niloloko kami ng mga kaklase namin na parang mag-syota daw kami pero tinatawanan ko lang yun,
pati yung mga teachers namin tawag samin "lovebirds". o di kaya "kambal tuko"
talagang may pag-sweet lang siguro yun kaya lumalabas tuloy na para kaming mag-syota...
bromance daw! hahahaha
Sembreak na bale isang linggo kaming walang pasok, tsaka plano ni papa na magbakasyon sa La Union para naman daw may family bonding kami excited na ako.Dahil sa
kinaumagahan kasi ay bibyahe na kami
At agad naman akong nag-empake ng aking mga gagamitin at maagang natulog para sa mahabang byahe bukas.
Kinaumagahan ay nakahanda na ako para sa pag-alis namin nina mama at papa, habang inaantay ko sila ay naalala ko si Ivan dahil di pa ako nagpaalam na may lakad kami sa buong week na yun,baka kasi magtampo yung mokong kaya nag paalam ako at tinungo ang kanilang bahay
Ivan:"oh Lance bat ka naparito?"
Ako:"ah oo kasi magpapaalam sana ako dahil may vacation kami nina mama at papa"
Ivan:"ah ganun ba, bakit naman"
kita ko ang lungkot sa mukha ni Ivan.
Ako:"hahaha mamimiss mo ako no" pabiro kong tanong.
Ivan:"hindi ah tsaka isang linggo ka lang naman dun diba"
habang nagkakamot ng ulo.
Ako:"hayaan mo may pasalubong naman ako sa'yo"
ang pagmamayabang kong sagot.
Ivan:"Sige ingat & enjoy"
habang kami'y papunta sa gate ng bahay nila
ay halata ko ang lungkot sa mukha ng aking bestfren di siya siguro sanay ma magkalayo kami sa isat-isat .
kaya niyakap ko siya at nagpaalam pero bago ako lumabas at agad niya akong hinila at kinalikan.
nagulat ako sa kanyang ginawa, at dahil dun ay tinanong ko kung ano ang dahilan kung bakit niya ako hinalikan at ang tangi niyang nasabi ay
"wala yun! goodbye kiss diba" ang kanyang tugon habang nakangiti saken,
"ah... ganun ba" ang aking naging sagot at tuluyan na din akong umalis sa kanilang bahay.
Hapon na ng kami'y makarating sa resort nina mama at papa agad ko namang hinanap ang room ko okay naman yung room dahil malapit sa beach at malamig pa,agad ko namang binaba ang aking mga bags at natulog na, siguro dala na rin siguro ng pagod.
Masaya naman ang stay namin dun nina mama pero palaging sumasagi sa isip ko ang mokong na yun si Ivan siguro ay nasanay din akong kasama siya kaya siguro naiisip ko siya.
Pang-apat na araw ma namin sa resort at lagi ko paring naaalala si Ivan siguro namimiss ko yung kapag natutulog ako ay may nakaakap sa aken o namimiss ko rin yung paglalambing ng mokong na yun.at natatawa na lang kapag naiisip ko yun. hahahahaha....
naisip ko ang pangako ko sa kanyang pasalubong kaya bumili ako ng bracelet sa isang tianggeng malapit sa beach dalawa ang aking binili para tig-isa kami ni Ivan kumbaga friendship bracelet namin ni Ivan.sigurado akong matutuwa yun.
Kinagabihan ay tumawag siya saken at ewan ko kung anong trip na naman ang gagawin nito saken matagal kong sinagot ang tawag niya.
Dahil nagdadalawang isip ako na baka ginu-good time lang niya ako o baka naman hindi kaya no choice sinagot ko ang tawag ni Ivan.
Umarte akong kunwari ay nakasilent kasi yung phone ko kaya di ko nakita.
Ivan:hello ba't ang tagal mo namang sagutin yung tawag ko
Ako:ah...eh... sorry naka-silent kasi sorry....ha....
Ivan:ah ganun ba. okay lang
Ako:teka gabi na ah...bakit kapa gising...
Ivan:wala naman kakamustahin ka lang
Ako:hahahah....kakamustahin o lalandiin?
Ivan:pareho pwede ba?
Ako:hahahahaha....
Ivan:may guto sana akong sabihin sa'yo pero huwag kang magagalit ah...
naisip ko na baka niloloko na naman ako nito o di kaya ay naglalambing lang si Ivan, sinakyan ko na lang naman ang lahat ng mga sinasabi niya dahil siguro ay namiss niya ako.
Ako:oo sige ba.Ano ba yung sasabihin mo?
Ivan:Lance alam ko hanggang kaibigan lang ang turing mo saken pero, mahal kita at minahal kita ewan ko kung baket ikaw pang bestfren ko ang minahal ko....Lance
feeling ko kasi ang gaan-gaan ng feeling kokapag kasama kita,Sorry ah....i love you Lance
Ako:hahahaha.... ulol ka talaga hahahaha.... huwag ka ngang magpatawa...hahahah....
Ang biglang naputol ang linya tawa ako ng tawa ng matapos ang conversation naming yun ni Ivan kasi para ang baduy baduy niya sa ginawa niyang yun...pero napaisip din ako kung sakaling totoo nga yung sinabi ni Ivan anong isasagot ko.
Umuwi na kami nila mama at papa pagod na pagod ako sa aming byahe kaya agad kong tinungo ang aking kwarto para mag pahinga.
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa school para makita at maibigay ang pasalubong kong bracelet kay Ivan ngunit bigo ako, nagtanong-tanong ako kung bakit wala siya ,
ah... siguro absent siya o di kaya naman may sakit .....kaya minabuti ko na lang na magtungo sa kanilang bahay ngunit sabi ng yaya niya na bawal daw muna akong bumisita kay Ivan,tinanong ko kung bakit pero wala namang alam ang yaya niya , pero napansin daw ng yaya niya na tumamlay si Ivan at ayaw lumabas ng kwarto sa makalipas na ilang araw, bigo na naman ako.
Wala akong alam kung bakit nagkaganoon ang aking bestfren.Kaya minabuti ko na lang na kausapin siya.
Nung araw ding iyon ay pumasok na siya tuwang-tuwa naman ako ng matanaw ko siya sa kanyang inuupuan ngunit pansin ko na tahimik at malungkot ang kanyang mga mukha,
Kung kaya't nagpasya akong lapitan siya at tanungin kung anong problema niya, pero di niya ako pinapansin prang tila multo ang kausap ko,
Kaya mas minabuti ko na lang na iwanan at layuan muna siya sa araw na iyon baka he need only space para makapagisip-isp muna,
Napansin din naman ng aming mga kaklase ang katahimikan namin dahil sa tingin nila ay may LQ daw kami ni Ivan biro nila...at pari na rin ang aming mga teachers ay pansin ang katahimikan naming dalawa
Nagdaan din ang araw ng paghihintay ko kung hanggang kailang magiging ganoon ang pagakakibigan namin ni Ivan naisip ko na baka ako ang may kasalanan kung kaya't nag lakas loob ako na kausapin na
siya.
Hapon at uwian na noon nagpasya akong kausapin na si Ivan dahil namimiss ko na rin ang samahan naming dalawa kung kaya't hinanap ko siya sa Campus at napa-alaman kong nasa park pala siya ng campus dali-dali naman akong nagtungo sa park ng school at yun napahinto ako ng makita ko siyang nakaupo sa isang cottage dun.
Nilakasan ko na ang loob ko at dahan-dahan ko siyang nilapitan, naupo ako sa tabi niya ngunit di niya ako pinansin
naisip ko na dala ko pala ang bracelet na pasalubong ko para sa kanya at agad kong kinuha ang kamay niya at isinuot ang bracelet sa kamay niya ngunit wala parin siyang imik at di parin ako pinapansin,
Naisip ko na ako talaga siguro ang dahilan ng pagmumukmok nitong si Ivan. at naisip ko yung sinabi niya sa aken nung tumawag siya na mahal daw niya ako kaya ,naisip na baka seryoso siya sa mga sinabi niya nung gabing yun...
Dahil dun ay tumayo na lang ako sa pagkakaupo ko at tsaka lumuhod sa kanyang harap,
Halata kong tinignan niya ako
at humingi ako ng tawad sa kanya pumikit ako at sinabi sa kanya na
"Ivan, sorry kung anu man ang nagawa ko,...kahit mag mukha man akong tanga sa harap mo.
ngayon ..hindi ko kayang nakikita kang nalulungkot...di ba best friends tayo...walang iwanan...
kung ako man ang dahilan... sige lalayo nalang ako sa'yo... sorry,pero sana malaman mo na salamat at nakilala kita,"
Napansin kong lumuluha si Ivan,at di pa rin ako pinansin.
Di na rin ako nagtagal at agad na lang akong tumayo at unti-unting naglakad papalayo kay Ivan,
Sa ngayon ay wala kaming kamunikasyon sa isat isa handa naman akong ayusin eh... kung handa rin ba syang harapin ako at kausapin kasi ayoko na masisira yung pagakakaibigan namin dahil lang sa gusto niya ako, wala naman saken kung anung sekswalidad niya ang mahalaga maayos kung ano man ang dapat maayos.
Kung mababasa mo man to ngayon sana mapatawad mo na ako at sana matanggap mo na hanngang kaibigan lang ang turing ko sa'yo at Salamat
COMMENTS