By: Chino I was searching the net about the pinoy porn sites and it leads me here. It was my first time here and I found out that it’s quite...
By: Chino
I was searching the net about the pinoy porn sites and it leads me here. It was my first time here and I found out that it’s quite interesting. So I just want also to share my story. It’s not about the malibog type of story that you always read here but it’s more of live, laugh, love, the way that my heart tearing apart, and the time that I almost give-up in life.
By the way I’m Chino. And im from the city of SMILES. (this is my real name because I know that there is no persons ive known who can discover this sites because all of my friends are straight, nyahaha.. kung meron man edi alam nyu na yan)I’m 5’8’’ in height, mid built, cute sabi nila, maputi at chinito as where my parents get my name. As what my friends describe me, I am the type of person daw na napakamysterious, minsan dw may ibang mundo, grabe kung mag advice, sweet, pero napaka seryoso. Tama naman sila. Pero sa totoo lang grabe ako magmahal. Ako yong tipong tao na gagawin ang lahat para sa minamahal ko. Kaya lang meron din ibang tao na pagsasamantalahan lang ang kabaitan mo, ang pagmamahal mo sa kanila.
Actually straight po ako (nung una) hindi naman sa pagmamayabang naka 8 girlfriends po ako, pero dalawa lang dun ang minahal ko nang totoo. At yang huli kong girlfriend, halos galon galong luha ang nailabas ko bago ako naka move- on. (exag anu.. hehe). Panu ba naman 3years na kami, ok naman kami. Halos magkakilala na ang mga parents and relatives namin, pero sa isang iglap lang nakahanap lang nang mas ok iniwan na ako agad. Parang hindi pa nakuntento sa pagmamahal na ibinigay ko. She wants space daw kasi nakakasakal na daw ako, binigyan ko, nag cool off muna kami but she wants a break up, then with a span of 2 months nakahanap na nang iba. Valid ba yun? Sa palagay nyu? Hay.. anyway move on na tayu.
Second year College ako nang magdecide ako na magfocus nalang muna sa studies ko. Sabi ko kasi bata pa naman ako, marami pang girls ang nakaantay dyan. so, I don’t need to rush myself.
Nursing pa naman ang course ko so dapat magseryoso muna at syempre naaawa ako sa mga magulang ko kasi hindi naman kami mayaman, yong tipong normal na buhay lang. pero everytime na maalala ko ang last girlfriend ko parang napakasakit paring isipin. At parang hindi ko matanggap ang nangyari kasi parang half of my life was gone.
Second semester noon nang malaman ko na I failed on one of my major subject. Parang nadaganan na naman ako nang malaking bato. hindi ko alam kung paano ko iexplain sa parents ko. Because I can’t proceed on my Capping and Pinning Ceremony (this is a ceremony that you can already wear your nursing uniforms and have your exposures to different hospitals, this is your first step to practice your profession)at hindi ako makaproceed next year kasi babalikan ko pa ang subject na ito. So second year parin status ko. nabuhayan naman ako nang loob when I know that half of the second year class are failed, at kasama dun ang mga barkada ko. hehehe.. so, my parents decided to transfer me to another university in Bacolod. Some of my barkada decided to stay, some also transfer to the other university. So ako lang ang nagtransfer sa university na iyon. Doon pa naman ko nagtransfer sa university na pera ang nagpapatakbo nang paaralan. Babayaran mo lang ang projects mo, pasado ka na.. oh diba ang galing.
First day of class (summer yun) para mahabol ko ang ibang behind subjects ko. parang lahat nang mukha bago, parang wala talaga akong kakilala sa school na ito. Nakakapanibago. Pero sabi ko ok nga iyun, new school, new life, new friends dba. Pumunta na ako nang Nursing Building, 4th floor nagtambay muna sa hallway kasi parang napaaga ang dating ko. maya maya may dumating. ‘dito rin ba class mo sa room 402?’ Sabi nya. ‘oo’ sagot ko naman. ‘magkaklase pala tayo, by the way I’m John’ sabi nya. ‘I’m chino’ actually transferee lang ako dito bro kaya wala ako masyadong kakilala dito’ sabi ko. ‘same here, im from university of_______ also kaya lang nafailed so I decided na magtransfer dito’ sabi nya. ‘pareho pala tayu, same din nangyari sa akin’ sagot ko. ‘edi san pa ba patutunguhan nang mga bagsak eh di dito rin’ sabi nya. Nagtawanan nalang kaming dalawa. At doon na kami nagkamabutihan ni John.
He is a kind of person na down to earth talaga. Mayaman, makikita mo naman sa tikas at gamit, pero hindi siya mayabang.i like his attitude because he knows how to interact with people. Palakaibigan talaga. When I describe him physically? Magkasing tangkad lang kami, maputi, makinis, parang walang bahid nang paghihirap sa buhay. Gwapo, lamang lang siya nang isang paligo sa akin. hehe.. naging magclose kami ni John, magkatulong sa lahat nang bagay, projects, exams, of course problems in life. He has a girlfriend but they are in a long distance relationship because sa isang university sa Manila nag’aaral ang girlfriend nya. 2 years na sila. At dito ko din nalaman na Capitan sa barko pala ang daddy niya, senusustentuhan lang siya monthly, at patay na ang mom niya. Ang dad niya may bago nang family, so siya nalang namumuhay mag’isa dito sa Bacolod because all of his relatives ay nasa America na. ‘bakit hidi ka nalang pumunta doon sa America kasama nang mga tito’t tita mo’ sabi ko. ‘Contented na ako sa buhay ko dito. Tahimik, lahat meron naman dito, and I can’t live this place, I love this place. Sanay na naman ako mabuhay mag’isa.’ Sabi nya. Akala ko naman na ok yung family nya kasi hindi mo makikita sa personality nya na nalulungkot. He is a strong person din pala kahit na broken family sya. ‘Ikaw naman magkwento about sa life mo about sa girlfriend’s mo’ sabi nya. ‘wag na nating pag’usapan yan bro’ sabi ko. ‘bakit ba?’ may mga mapapait ka din bang karanasan?’ sabi nya. Natawa nalang ako. At iyon ikinwento ko sa kanya ang buhay ko. napasarap ang kwentuhan namin at malalim na ang gabi nang nagdecide na kaming umuwi. ‘ihahatid na kita’ sabi niya. Dahil may kotse siya.’huwag na bro malapit lang naman apartment ko dito eh’ sabi ko. actually nagrerent lang pala ako nang apartment kasi malayo ang bahay namin, sa ibang town po kasi kami sa Negros nakatira. Mga 4hours travel by bus pa going to Bacolod. ‘cge na bro I incest’ sabi nya. So nagpahatid nalang ako.’eto pala ang apartment ko pasok ka muna bro’ sabi ko. ‘sa susunod nalang bro baka hinahanap na ako ni manang, dalawa lang kasi kami sa bahay eh’ sabi nya. May katulong naman pala siyang kasama. Pero sabi niya he treated his ‘manang’ as his mom, kasi maliit palang siya, ito na ang nag’aalaga sa kanya.
Naging mas tighten pa ang relationship namin ni John, And we consider ourselves as bestfriends. Magkasama at magkaakbay sa lahat nang bagay, sa problema , sa saya. Parang ok pa nga siyang kasama kesa sa mga old friends ko. I have an opportunity also na mapakilala ko ang mga barkada ko. And he feels comfortable sa mga eto. ‘ok den pala ang mga kaibigan mo anu’ sabi nya. ‘Ako nga lang ang matino dyan sa kanila eh, puros lahat mga baliw yun’ sabi ko. ‘ang saya nga eh, parang I realize na its really good to live our life that we have so many friends that surrounds us’ sabi nya. ‘marami ka namang kaibigan diba’ sabi ko. ‘marami nga, pero marami naming hindi totoo’ sabi nya. ‘eh saan ako naBelong?’ sabi ko. ‘none’ sabi nya.’why?’ sabi ko. ‘coz your one of a kind, after makilala kita parang I can say na I already find my bestfriend for so how many long, pagkakita ko palang sa iyo parang ang gaan na nang tingin ko sa iyo bro eh’ sabi niya.’ Kahit boring akong kasama?’ hehe sabi ko. ‘basta parang hindi ko maexplain’ basta I treat you as my brother’ sabi nya. Parang sa pagkakasabi niyang iyon ay parang naFeel ko na meron din palang tao na totoo sa akin. Yong tipong tao na importante ka din pala sa kanya.
Mas naging malapit ang loob ko sa kay John. Eh oras oras ba naman kaming magkasama,lahat na nang buhay at mga sekreto nya eh alam ko na, ganun din siya sa akin. Minsan sa apartment ko siya natutulog minsan den ako naman sa bahay niya. Napagkakamalan na nga kaming mag jowa kasi palagi nalang kami magkasama. Parang si B1 at B2. Partners in crime din.
Patapos na ang summer and I decided na umuwi na muna nang town namin para makasama ko din naman ang family ko nang matagal. Inihatid ako ni John sa terminal nang Bus.’sabay tayu magpaenrol for the next sem ha? Para magkaklase parin tayu’ sabi nya.’ok bro cge text2 nalang muna, mga 3 weeks lang naman ako mawawala eh’ sabi ko. nung papaalis na ang bus na sinasakyan ko eh parang my kirot at lungkot na nararamdaman sa puso ko. parang sinasabi nang puso ko na mamimiss ko ang taong ito. Parang napakalungkot ko nang Makita ko sya na tinatanaw ako habang papalayo na ang bus na sinasakyan ko. tumunog ang celphone ko, and he texted me ‘bro ingat ka ha? Mamimiss ko ang bestfriend ko’. nagreply din naman ako ‘ mamimiss din kita bro,mamimiss ko ang kakulitan mo’ reply ko naman. Nang makarating na ako sa bahay nagtext na naman siya. Nangangamusta kung nakarating na ba ako. At parang may saya na namuo sa puso ko. hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. basta sa akin lang Masaya ako pagkasama ko ang bestfriend ko.
Tapos na ang semestral break, maaga pa ako na umalis para makauna kami sa pila, at syempre excited ako Makita ang bestfriend ko. hinintay nya ako sa terminal nang bus at magkasabay na pumunta sa school. Natapos din namin ang enrollment at iyon magkaklase parin kami.’ Namiss kita ah’ sabi nya. Namiss nga den kita eh’ sabi ko naman.’cge nga kung naMiss mo ako paKiss nga!’ sabi nya’ ‘loko ka ah’ sabi ko naman. Nasa isip ko nalang ‘cge halikan mo ako hindi kita pipigilan’. Parang ang saya saya ko nang araw na iyon. Pero teka sabi ko, parang more than best friend na itong naramdaman ko sa lokong to ah, araw araw nalang siya nalang palagi ang nasa isip ko. yung tipong lahat nang pinagdaanan ko sa buhay parang nawala nalang at siya nalang palagi ang nasa puso’t isipan ko. ‘maglunch na nga lang tayu’ libre mo ako ha? 3 weeks kaya ako nawala’ sabi ko.
Pagkatapos naming kumain nanuod kami nang movie, nag Arcade games, nagdinner, at naglakad lakad sa park. Parang sinulit talaga namin ang mga araw na nagkahiwalay kami sa isa’t isa. ‘hindi ka ba naiinggit?’ sabi nya. ‘sa ano?’ sagot ko naman. ‘ sa kanila’ sabi nya. Sabay tingin sa magsyota na nagdedate na sweet na sweet sa isa’t isa. ‘’pinagdaanan ko na din yan, minsan naiisip ko din na maghanap pero siguro hindi pa ito yong tamang panahon, kusang darating lang yun, focus muna ako sa studies ko. gusto ko din kasi matulungan ang mga magulang ko eh, at tsaka may susunod pa sa akin na magcocollege na din. At tsaka masaya naman ako ngayun sa piling mo eh.’ ‘anu?’ sabi nya. ‘I mean Masaya naman ako ngayun sa bestfriend ko, hindi ko muna kailangan nang girlfriend ngayun, yon ang ibig kong sabihin’. nadulas ako dun ah (kinakabahan). ‘ikaw? Hindi mo ba namimiss ang girlfriend mo? Sabi ko. syempre namimiss den. Pero wala tayong magagawa, study din yong priority nya eh, katulad din sayu, but I trust her, and she do the same thing.’sabi nya. (parang naiinis ako dun sa sagot nya ah, inisin ko nga ulit para magduda). ‘eh pano bro kung sabihin nya nalang 1 day sayo na I think this relationship will not work out, and I think trust is not enough to prove that you really love me.can we end up this relationship anyway? Anong gagawin mo?’ sabi ko. ‘I let her go, if you really love the person you must set her free’ as what I ve read on the book. Tama nga naman dba?’ sabi nya.’ Magpapakamartyr ka naman bro eh, hindi na uso yan’ sabi ko.’ eh kung mahal nya ako bakit nya ako hihiwalayan? Maybe she wants to find the best in her at hindi ako yun’. Parang naoffend ko ata siya sa tanong ko ah, dahil naging seryoso.’ Kalimutan na nga natin yan, uwi na tayu alam ko pagod ka na.’ sabi ko.
Kinabukasan he texted me, that he wants to go to the airport because his girlfriend will have her vacation, sinama nya ako. 30 mins kami nag’antay. May isang babae na papunta sa amin. ‘siguro ito na yung girlfriend nya’ sabi ko. ‘ hi babe namiss kita sabay hug at kiss’ sabi nang babae. ‘namiss din kita babe’ sabi naman ni John. ‘by the way this is Chino my bestfriend, chino this is Nicole girlfriend ko.’ Sabi nya. ‘hi nicole nice to meet you.’ Sabi ko naman. ‘hi nice meeting you also’. Sabi naman ni Nicole. Napakaganda ni Nicole, maputi, balingkinitan, chinita. Habang sumasakay na kami nang sasakyan at nagkekwentuhan sila ay parang may naramdaman akong pagkaselos,parang hindi ako makahinga.’uy parang tulala ka ata at tahimik ka pa dyan.’ Sabi ni John. ‘ok lang ako bro, puyat lang ako, 3 oras lang kasi tulog ko eh, insomnia siguro. Sabi ko naman. ‘Ay bro drop mo nalang ako dyan sa mall, magkikita kasi kami nang pinsan ko ngayun’ sabi ko.’ maglunch muna tayu sama ka sa amin, bonding lang. para makilala ko naman ang bestfriend nang boyfriend ko’. sabi ni Nicole. Sa susunod nalang nic’s kasi may importante lang ako na kunin sa kanya.’ Sabi ko. ‘ok after that call me nalang para makapunta ka sa amin’ sabi ni John.’ok bro, thanks, nics nice meeting you again’ sabi ko naman.
I feel numb, mentally blocked, hindi alam ang gagawin, gusto kung umiyak, gusto kung sumigaw. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. parang iniipit ang dibdib ko. sabi ko nalang sino ba ako para magselos? Bestfriend lang naman ako diba!?! Yan kasi tinatago tago ang feelings, tanong ko naman sa sarili bakit siya pa. bakit lalaki pa. ano ba talaga ako? Bakit bestfriend ko pa? alam mo naman na may syota na. bakit sino ka ba para mahalin ka nya? Bestfriend ka lang naman diba? Anu ka? Nageexpect sa wala?! Eto yung mga tanong na nakapaligid sa isipan ko.
One day nagkita kami accidentally sa mall, ‘oh kala ko umuwi ka?’ sabi ni John.’ Napagisip isip ko na bukas nalang, pasyal muna. Bakit hindi ka nagreply. Ay nagtext ka ba? Hindi pumasok text mo eh. Oh cge sabay ka na sa amin. Sabi ni John. ‘huwag na, sulitin nyu muna ang mga araw’privacy muna para sa inyo’ hehe (plastic na tawa). ‘sige na please, at tsaka hindi pa kita nakilala nang mabuti’ sabi naman ni Nicole. ‘cge na nga’ sabi ko naman. (gagawin nyu lang naman akong chaperon eh, pagseselosin, pero cge na nga lang) sabi sa isip ko. habang naglalakad sila na nakaholding hands ako naman nasa likod lang, nagpapakamanhid, kunwari hindi nasaktan, kunwari Masaya sa kanila. Naisip ko tuloy sana ako nalang John ang kaholding hands mo anu, sana ako nalang ang kaakbay mo, ako na siguro ang pinakamasayang tao. Hay.. gumising ka nga, sa panaginip nalang yan siguro mangyayari. Sabi ko sa sarili ko.
Its time nalang siguro na iwasan ko siya. Hindi ko sinasagot ang text nya, kung tatawag siya sinasabihan ko na may gagawin ako, busy ako, may pupuntahan ako. 1 week lang ay bumalik na ang girlfriend nya papuntang manila. Ako naman umuwi muna sa amin kasi wala pa namang klase. Doon ko napagisip isip na kakalimutan na sya totally. Kaso parang hindi ko magawa, hindi ko kaya, ang lakas nang tama ko sa bestfriend ko ah.
First day nang klase, ‘hi bro’. sabi ko. pero hindi ako pinansin. Mukhang galit ata. Pagkatapos nang klase nauna siyang lumabas. ‘aba hindi man lang ako hinintay. Nakita ko siya sa ground floor nakaabang sa hagdan. Mag’usap nga tayu, sabi nya. Bakit bro may problema ba? Ako walang problema, ikaw siguro ang may problema. Sabi nya. Ha? Wala naman ah. Diba binate pa nga kita, kaya lang hindi mo ako pinansin. Sabi ko. wag ka nang mag maang maangan pa. bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko? sabi nya. Ah wala kasi akong load pangtext. At tsaka Malabo ang signal sa amin kaya sayang lang ang load kung sagutin ko, hindi naman kita marinig.dahilan ko. anu ba ang problema?i fell lately na parang ang cold na nang pakikisama mo sa akin ah. Parang hindi na ikaw yan ah, parang hindi na yung bestfriend na nakilala ko nung una pa. ano ba ang problema sabihin mo, hoy, bestfriend mo ako diba?! Sabi nya. ‘ ah wala family problem lang’ cge na lunch na tayo. Sabi ko.
Gusto ko siyang layuan pero hindi ko magawa. Kaya ako na ang tumawag sa kanya. Kinabukasan nang gabi.
Hello bro asan ka ngayun? (Mukhang lasing.) Cge puntahan kita dyan. Nang Makita ko siya umiiyak. May limang bote nang beer sa mesa. Anung nangyari sa iyo?napadami ka ata ah. Ok lang yan bro, kailangan natinyan para mawala ang problema natin eh diba naalala mo yong sinabi mo sa akin na what if one day Nicole will suggest for a break up with me? Naalala mo yun? Yun na nga nagkatotoo. Her purpose of going here is to break up with me. At yun hindi ko naman magawang pigilan, diba sabi ko if you truly love the person you must have to set her free, ohh eto na tayu, mabuhay ang single! (sumigaw) hoy bro tama nayan, uwi na tayu. Mamaya na, sarap pang uminom eh. Order ka muna dyan isang case pa nga. (lasing). Bro tama na yan. Iniwan na ako nang pamilya ko, iniwan pa ako nang girlfriend ko, at ngayun pati bestfriend ko. anu pa ang silbi nang buhay ko? dba? (sa mga sinabi nyang iyon parang naawa din ako sa kanya, umiyak ako kasi naramdaman ko din ang naramdaman nya nang makipagbreak sa akin ang pinakamamahal ko) bro tayu na uwi na tayu. Dinala ko sya sa kanilang bahay, ako ang nagdrive nang kotse nya. Nagpatulong ako kay manang sa pagbuhat sa kanya patungo sa kwarto nya. Cge na manang ako na bahala sa kanya, sabi ko. binihisan ko siya at pinatulog na. hindi nako umalis sa tabi nya. Umiyak nalang ako. Hindi ko alam kung umiiyak ako dahil naaawa ako sa kanya o dahil sa tuwa dahil break na sila nang girlfriend nya. Basta sabi ko dadamayan ko muna ang bestfriend ko sa mga problema nya.
5months.
Patapos na naman ang klase, at fully recovered na ang bestfriend ko. makikita mo na ulit ang mga ngiti nya sa labi. Pero ako, eto parin nagmamahal nang patago.
Isang araw nagkwentuhan naman kami, ohh anu na ang planu? Sabi ko. parang ok ka na ah. Pwede na bang maghanap nang bago? Ayoko na muna, gusto ko narin magfocus muna sa studies ko. sabi nya. Kahit kailan gaya gaya ka talaga. Sabi ko. eh ganyan talaga magbestfriend eh. Sabi nya (bakit ka pa maghahanap? Nandito naman ako sa harap mo, hay sana sabihin mo rin na mahal mo ako) sa isip ko. bro panu kaya kung tayo nalang? Sabi nya. Single ka naman, tapos single din ako. Tapos love mo naman ako siguro. Sabi nya. (parang sa sinabi nyang iyon parang nagtatalon talon ang puso ko sa tuwa, sana nga.. sige ako nalang, hinding hindi ka magsisisi). Loko ka ba? Sabi ko. ‘joke lang. ikaw naman parang hindi ka naman mabiro’ sagot nya ( joke lang? eh kung sisiryosohin nalang kaya natin?) uy bro sama tayo ulit magpaenroll ha? Gusto ko hanggang mag graduate tayu magkaklase parin tayu ha?oo ba, sabi ko naman. Bro next week uwi muna ako ha. Balik nalang ako kung malapit nang magenrol. Text2 nalang. ‘oh cge bro, mamimiss na naman kita’ sabi nya. ‘ basta bro ang sinabi ko sayo pagisipan mo ha?’sabi nya. Anong sinabi mo? Yong sabi ko na tayu nalang. Lasing ka anu? Ipahinga mo lang yan. Stress lang yan. Sabi ko. eto hindi naman mabiro. Sabi niya. Pero sa mga sinabi niyang iyon parang kilig na kilig ako. Para bang nagkakantahan ang mga anghel, napalibutan ako nang mga bulaklak, at tumutunog ang lovesongs na paborito ko. pero sabi ko nga huwag nang magexpect baka masaktan na naman.. mabuti na yong wag nalang umasa kasi para madaling gamotin.
Isang araw nagulat nalang ako na tumawag siya sa akin. Bro, papunta ako dyan ngayun sa inyu, turuan mo ako nang daan first time ko dyan eh, ha? Bakit? Sagot ko naman. Wala lang pasyal ako dyan , tsaka miss na kita eh, ohh cge.. hintayin kita sa paradahan nang bus. Dala ko ang kotse ko,sabi nya. Oh cge sa plaza nalang para madali mong mahanap. Tuwa naman ang naramdaman ko, sabi ko sa sarili ko bakit napakalayo eh gusto nya talaga pumunta dito at Makita lang ako. May nararamdaman na din ba sya sa akin? Pro sabi ko nga huwag nalang magexpect. At yon pinakilala ko sya sa pamilya ko. naghanda kami at nagustuhan naman nya ang lahat nang inihanda namin. ‘ang saya nang pamilya mo anu? Nakakainggit kayu.’sabi nya. Pwede mo naman kaming ituring na pamilya ah, sabi ko. eh di pwede ko rin tawagin silang Nanay at Tatay? Sabi nya. Ikaw bahala. Sabi ko naman (may saya na namang naramdaman) pumunta kami sa isang resort na malapit sa amin. Kami lang dalawa. At dun ay nag’usap kami.
Bro may sasabihin ako sa iyo, huwag ka sanang magalit or maoffend man lang sa itatanong ko ok? Sabi nya. Ok bro, anu bayan? (kinakabahan ako kasi parang alam ko na ang itatanong nya sa akin) uhhmmm.. may nararamdaman ka ba sa akin? I mean mahal mo ba ako? Sabi nya. Syempre naman bestfriend kita eh (kinakabahan). I mean higit pa sa isang bestfriend? Bakit mo naman nasabi yan? Alam mo ba ung sinabi ko noon sa iyo kung mahal mo din ako? Kung ok lang ba na tayo nalang? Tinatawanan mo ako, pero ako seryoso ako dun sa tanong ko sa iyo. So nandito lang rin naman tayo, uulitin ko ang tanong ko, mahal mo ba ako higit pa sa bestfriend? Sabi nya. Ang tagal kong nakasagot, at hindi ko alam ang isasagot ko. hoy, anu na? sabi nya. At that time I burst out my feelings and emotion. Hindi ko mapigilang umiyak, ‘oo bro matagal na, itinago ko iyon nang ilang buwan baka malaman mo at masira ang pagkakaibigan natin, ginawa kung umiwas sayo kasi alam ko na hindi pwedeng maging tayo, nang magkita kayo ni Nicole ang sakit sakit nang nararamdaman ko nun, oo nagselos ako, pero hindi ko man lang maiparamdam, sino ba naman ako diba?eh bestfriend lang ako. Sorry bro kung minahal kita nang higit pa sa bestfriend. Sorry talaga. ‘pssssttt tama na, eh mahal din naman kita eh. Matagal na, nong umalis ka para pumunta dito sa lugar nyu, parang nalungkot ako nang sobra, nang hiniwalayan ako ni Nicole ok lang sa akin iyon, kasi I realized that I love you more than her, nang pinuntahan mo akong lasing nun, the real problem is that if how can I remove you in my mind and in my heart. Na baka kung malaman mo na may pagtingin ako sayo eh baka masira din ang pagkakaibigan natin. Kaya nang umiiwas ka sa akin, feeling ko may nahanap ka nang iba, kaya hindi ko magawang magselos at magalit din. Matagal na kitang gusto. Una palang kita Makita, I already fall for you. Kaya nga hindi na kita pinakawalan diba. Ohh anu na? alam na natin ang naramdaman natin sa isa’t isa, chino pwede ba kitang maging boyfriend? Oo naman, matagal ko nang pinangarap to eh, ohh ikaw John pwede ba kitang maging boyfriend? Not only a boyfriend, or a lover, I can be your husband, I want to grow old with you. Nasabi ko nalang, panaginip ba to? Hampasin mo nga ako o batukan upang matauhan. Eto na ciguro ang pinakamasayang araw na naganap sa buhay ko. at doon din nangyari sa resort na iyon ang lahat nang first time. First kiss, at first uhhhhhmmmm alam nyu na. hehe..
And we are officially magJowa ( October 27, 2005). Kami lang ang nakakaalam.
Sabay kaming naggraduate sabay din nagboard exam, sabay din nag oath taking at sabay nagvolunteer.
Nagsama kami sa isang bahay, I stayed with him. Mas naging tight pa yong relationship namin pero minsan hindi din maiiwasan na magtampuhan. Selosan. Pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahalan.
2008, when I decided to work abroad. I applied sa isang private hospital sa Dubai. I did not tell it to him kasi alam ko na hindi nya ako papayagan. Naisip ko din kasi ang pamilya ko, na may bubuhayin din pala ako, at susukli sa mga tulong nang mga magulang ko. magkokolehiyo nadin kasi ang kapatid ko. minsan natanong ko din sa kanya na if ever mag’apply kami nang trabaho sa ibang bansa, and we will have to stay there na magkasama. Kaso ang problema ayaw nya. Kung sa bagay hindi naman nya kailangan nang pera at ayaw nya talaga iwan ang lugar namin, hindi ko alam kung bakit.
Isang araw, ipinagtapat ko sa kanya ang plano ko.
‘uhhhmm.. John, I have something important to tell you, sabi ko.
‘alam ko na.’ hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin. I know na its hard for both of us pero naintindihan ko. alam ko na marami kang plano sa buhay. Sino ba naman ako para pigilan ka’ sabi niya.
‘galit ka ba? Hindi lang naman para sa akin to! Para din sa atin to. Hindi lang para sa pamilya ko to, para din sa future natin to.’ At tsaka 2 years lang naman. Mag-iipon lang ako tapos uuwi na ako para dito nalang magtrabaho.’Sabi ko.
Parang nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
‘kung iyan talaga ang plano mo ohh sige, pero parang hindi ko siguro matiis ang mga araw na wala ka. Pero ok lang hanga’t kaya titiisin ko nalang. Ang sa akin lang sana walang may magbago sa relationship nating dalawa. Natatakot kasi ako baka..’
Hindi ko ipinagpatuloy ang sinabi niya.
‘ano ka ba, this is only a test to our relationship, basta trust lang tayu sa isa’t –isa. Yong mga araw, taon na nawala ako, hayaan mo babawiin natin iyon pagkabalik ko. promise mo lang sa akin na ako lang at wala nang iba.’ Sabi ko
‘I’ll keep on that promise, coz’ I know that I love you more.’ sabi niya.
At dumating na nga ang araw na magkakahiwalay na kami.
‘huwag mo na akong ihatid sa airport, alam mo na. I kissed him and say goodbye to him. My heart really broke that time, ang bigat nang pakiramdam,mas lalong bumigat nang marinig ko ang hikbi niya. Hindi ko na din mapigilan but still nagpatuloy lang ako sa paglakad papalayo.
When I already arrived in Dubai I called him already, ‘baby, nandito na ako. Safe naman ang byahe ko. kamusta ka na diyan? Miss na kita agad.’ Sabi ko
‘mag’ingat ka dyan baby ko, eto malungkot parin. Hindi lang kasi sanay na wala ka sa tabi ko. ipagpatuloy ko lang ang buhay ko for 2 years na wala ka. Sabi niya.
Parang magbuburst out na naman ang luha ko.
‘sige na baby pahinga ka na diyan, pahinga na din ako. Pagod kasi sa byahe.’ Pero ang totoo umiiyak na talaga ako.
3 months bago nakarecover sa homesickness. Almost 1 year na ako still we communicate everyday. Kahit sa mga messages nalang na I love you, I miss you, take care of yourself eh ok na ako. Walang araw na hindi ako maka received nang I love you, ganun din siya sa akin. Minsan may mga paghihinalang nagaganap, selosan, pero we’ve tried to settle things at nauunawaan naman namin. Syempre long distance relationship is the hardest relationship for both people na nagmamahalan diba.
Dumating yong time na parang nafefeel ko na parang may nag’iba sa relationship namin, parang yong I love you na araw araw ko nababasa sa mga messages niya eh minsan nalang, minsan nga maglileave nang message eh wala pang I love you. Minsan kung meron kaming tampuhan kahit kasalanan pa niya eh ako na ang humihingi nang tawad sa kanya, minsan maliit na problema pinalalaki, at ako naman tinitiis nalang. Humihingi nalang nang tawad, kasi naisip ko na baka may problema lang.
Ako nalang parati naghahanap nang way para makausap siya. Minsan kahit puyat ka na sa trabaho, kahit wala ka pang tulog, hinihintay mo siya na magonline para makausap mo naman siya. Minsan kahit nasa duty ka pa humahanap ka nang way para makausap mo siya sa phone. Minsan sinasagot naman niya pero sabi na busy daw siya sa trabaho. Iniintindi ko nalang. May mga time din na nagdududa ako, nagseselos, pero hindi ko kayang magalit for the sake of our relationship, iniintindi ko nalang.
One day nagkaroon ako nang time na makausap siya sa phone.
‘john ok ba tayu?’ sabi ko
‘bakit mo naman natanong? May problema ba?’ sabi niya.
‘eh parang iba na kasi ang pagtreat mo sa akin eh, parang hindi na gaya nang dati’ sabi ko..
‘siguro gawa nadin nang pagkaBusy nating dalawa sa career natin, sabi niya.
‘eh bakit hindi ka na tumatawag sa akin, and parang ang cold na nang relationship natin, the way you treat me.’ Sabi ko.
‘sabi ko nga diba na busy ako, at tsaka busy ka din dyan, ayoko naman na makadistorbo sayo.’ Sabi niya.
Naisip ko tuloy na parang napakaivalid naman nang reason niya. Pero inintindi ko nalang.
Dumating na ang araw na pauwi na ako nang pinas, tinawagan ko siya, and I said na sunduin niya ako sa airport. Excited ako kasi makakasama ko na ulit ang pamilya ko and most especially ang pinakamamahal ko. sinabi ko nalang sa family ko na hindi na nila ako susunduin kasi napakalayo nang airport sa amin and susunduin naman ako ni John.
Pagkalabas ko nang airport, hinahanap ko si John. Tinatawagan ko siya pero cannot be reach ang phone niya. Inisip ko nalang nab aka parating na iyon, or baka natraffic. Almost 2hours na pa pero wala parin si John. Tinatawagan ko ang phone niya pero off. So I decided nalang na umuwi sa amin.
Napakasakit sa akin ang nangyaring yon, na akala ko when I arrived home siya mismo ang unang una ko na makikita.
Kinabukasan pumunta ako sa bahay niya, wala pa akong tulog noon kahit puyat na puyat ako. Kasi nagtataka ako na bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin. Akala ko excited din ba siya na Makita ako.
‘tao po! John? Sabi ko.
‘uy chino nandito ka na pala, naMiss kita ah’ sabi ni manang.
’namiss din kita manang’ sabay yakap sa kanya.
‘ah c jhon po nandito ba manang? Sabi ko.
‘ay umalis, kanina pa yon. Hintayin mo nalang nandito na yon mamaya.’ Sabi ni manang.
‘ay manang may mga pasalubong pala ako dito sayo, sana magustuhan mo’
salamat iho.. sabi ni manang.
Dala dala ko rin ang regalo ko kay John. Isang couple ring.
Maya maya pa may kotse na paparating.
‘ah si john nasiguro to’ sabi ko.
At siya na nga.
Kaya lang natatanaw ko sa garahe na parang may babae na papalabas din nang kotse. At iyon ay si Nicole.
Nang Makita niya ako ay paran hindi man lang siya naexcite.
‘hi john, nandito na ako’ bakit hindi mo man lang ako sinundo sa….’ Sabi ko.
Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita.
‘hi chino, ikenwento sakin ni john na nagtrabaho ka pala sa dubai for 2 years, parang kalian lang ano. Napakabilis talaga nang panahon. Parang kelan lang din ang break up namin ni john pero ngayon eto, still we continue ung naputol na relasyon namin.’ Sabi ni Nicole.
‘parang nandilim ang paningin ko sa sinabing iyon ni Nicole, mentally blocked, hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang gagawin, parang hihimatayin ako.
‘chino ok ka lang? sabi ni Nicole.
Ahh yes. Parang nahihilo ako. May jetlag pa siguro, so kayo na ulit? Im very much happy for you.’ Sabi ko na parang iiyak na, parang ang sarap sumigaw.
Tahimik lang si john.
Ahh sige bibigay ko lang to ang mga pasalubong ko kay john. Friends din naman kami kasi for how many years now’ sabi ko. pimariringgan ko si John.
Pero syempre hindi ko ibinigay ang ring.
‘sige una na ako, marami pa kasi akong pupuntahan’.. sabi ko.
‘why you don’t have a luch with us?’ sabi ni Nicole. Tahimik lang din si john.
‘ok lang busog pa naman ako’ sige.. sabi ko.
Umalis ako sa bahay ni John na umiiyak.’ Kaya pala, hindi na siya tumatawag sa akin, kaya pala, sila na ulit’ nasambit ko nalang. Lahat nang mga pangarap namin bigla nalng nawala at naiba sa isang iglap. Napakasakit sa akin, parang lahat ng break-ups na reminisce ko, pero ito na siguro ang pinakamasakit.
Hindi na niya kailangang magexplain pa, kasi sa nakita ko it all explain kung pano niya lang ako niloko. Hindi ko alam ang gagawin, I get drunk, I get wasted. When my friends and family asked me kung ano ang problema sinabi ko lang na wala. Dahil nga sa walang nakakaalam nang relasyon namin.
Tumatawag siya, text, minsan pumupunta sa bahay. Pero hindi ko sinasagot, and I find ways para hindi kami magkita ulit.
Lahat nang iyon tiniis ko for almost 3 months, I change my phone number and decided to apply ulit abroad. Dahil sa kilala ko ang mga staff nang hospital na pinapasukan ko sa dubai ay tinanggap nila ako ulit.
Last day ko na naman sa bacolod, and I want to forget all the painfull experiences sa lugar na ito, pumunta ako sa mall para bumili nang luggage ko. but, accidentally nagkasalubong kami ni john. Ther eis still pain inside but kunti nalang, palatandaan lang na parang naka move on na din. I smiled to him and continue to walk. Pero parang nararamdaman ko na sinusundan niya ako.
‘can we talk?’ sabi niya.
‘ ohh sure, wait bayaran ko muna ang pinamili ko.’ sabi ko. I covered the pain with a smile. Pinapakita ko talaga na ok na ako.
‘para saan yan?’ sabay turo sa luggage ko.
‘uhhm tomorrow I’ll be leaving the country, i decide na bumalik. Malaki ang pangangailangan eh.’ Sabi ko.
‘I think this is not the right place for us to talk, can I invite you for a dinner later?’ ok no problem just tell me where.
At iyon, sumipot naman ako sa dinner namin, gusto ko rin kasi marinig ang mga dahilan niya. Hinihintay ko na mauna siyang magsalita.
‘sorry’ sabi niya, at tuluyan na siyang umiyak.
Ako naman, nagfefeling felingan na ok na, ‘you don’t have to, its almost a months nadin diba. All we have to do is to move on and continue life.’ Sabi ko.
‘nagawa ko lang naman iyon kasi I’m longing with a partner, nag’iisa lang kasi ako, kaya nang iwan mo ako sobrang sakit sa part ko. akala ko okay na ko, pero hindi pala. Nang matapos sa pag’aaral si Nicole, umuwi na siya dito, nagkita kami, and he explains why she broke up with me, but she said that she still love me,I tried, kahit wala na akung nararamdaman sa kanya pero nagkabalikan kami. I made a distance between us kasi I realized that I want to make a family with Nicole, yon bang may mga anak kami, at maituturing na isa kaming buong pamilya baling araw.’ Sabi niya.
‘pero Masaya ka ba? Sabi ko.
Hindi siya nakasagot. Dito na rin ako nagkaroon nang time para sumbatan siya.
‘alam mo ba kung ganu ako nagsacrifice para sayo? Kahit gaano ako ka busy sa trabaho, kahit gaao ako kapagod sa trabaho, naghahanap ako nang paraan para makausap ka lang, kasi alam ko na kahit marinig ko lang ang boses mo lahat nang pagod at hirap na naranasan ko sa ibang bansa ay napapawi. Ang sakit lang kasi sa part ko na akala ko my babalikan pa akong john dito sa pinas pero bumitiw ka. I started to cry.
‘kinaya ko na kalimutan ka, kasi alam ko na Masaya ka na. kaya ako nalang ang umiwas,sinabi ko na hindi ko na kailangan ang explanation mo kasi kita ko naman ang reason, alam ko naman na siguro Masaya ka sa kanya kasi pinili mo parin na makasama siya. Kahit napakasakit sa part ko kinaya ko ang lahat lahat nang iyon, sabi ko.
‘mapapatawad mo pa ba ako?’ sabi niya.
‘ang gusto ko lang ngayun ay kalimutan na muna ang lahat lahat. Gusto ko muna lumayo. Naunawaan ko naman ang lahat but gusto ko muna mapag’isa.’where still friends. Hayaan mo I will be the one to approach you kung ready na ako.’ sabi ko.
Masakit man sa akin eh pinagpatuloy ko ang buhay. I focused on my job, I make myself busy para makalimutan na muna ang lahat. At iyon, effective naman. Nakapag move on na ako, siguro. sa tulong na din siguro nang mga kaibigan ko. I said to myself na hindi na ako maghahanap muna nang jowa, whether it is guy or gal if mahal niya ako, at mahal ko din siya eh siya na iyon.
Pero there is a time na masasagi talaga sa isip ko na namimiss ko siya. But still we have to continue life diba.
Magbabakasyon na naman ako at sabi ko sa sarili ko eh willing na siguro ako na humarap ulit sa kanya, bilang kaibigan nalang.
Pumunta ako sa kanila, at nalaman ko din na may anak na siya. Parang ang lahat nang masasakit na napagdaanan ko ay nawala nang Makita ko ang anak niya. Kamukhang kamukha talaga ni john. Naimagine ko tuloy na anak namin iyong dalawa. Pero hanggang panaginip nalang iyon ang lahat. Naging ninong ako sa anak niya. At Masaya naman ako sa kanila. Siguro.
After so how many years of recovery ay naging magkaibigan parin kami ni john. Tumatawag din siya at nagchachat din kami minsan. Pinagtatawanan nalang namin ang nakaraan.
Ngayon nandito na naman ako sa dubai. Nag’iisa pero Masaya. I don’t want to rush things first. Focus sa family at trabaho muna. Minsan naiisip ko nalang ang mga masasayang araw ko with john at ang first day na naging kami. Minsan naisip ko din na kung hindi sana ako pumunta nang dubai, kami pa kaya hanggang ngayun? Ive learned a lot sa buhay ko. sa masasayang araw, sa pagkadapa ko, sa failures, sa success, sa pagkasira nang puso ko at sa muling pagkabangon ko.
To all the lovers or a partner out there who has a long distance relationship, just feel to your partner every day, every hour, every minute that you loved him. Don’t get tired of saying I love you, I missed you. Just feel the love everyday. Just reminisce the past that you are together, the sweet moments that you have. Trust them, and don’t give up easily. I know problems comes along but actually that is only part of life. Hindi naman siguro normal ang buhay kung wala tayong problema, jealousy is only part of relationship also, you don’t have a healthy relationship kung walang selosan dba.
At sa mga tao naman na nabigo sa pag’ibig tulad ko, life goes on, ‘kaya siguro tayo iniiwan nang mga mahal natin sa buhay dahil may taong dadating na mas ok’ as what john lloyd said in one of his movie.
Pagpatuloy lang ang buhay mga ‘dre. Dahil malay mo God reserves a better person pala para sa iyo, hindi man ngayon, malay mo in the near future. Sabi ko nga don’t rush things in life.
Cge hanggang sa susunod nalang na chapter nang buhay ko. hope you inspire and you learned alot. Balitaan ko kayo. Thank you
Fin.
COMMENTS