By: aRGee Just to get me clear hindi po ito entirely all about sex. I wanted to show kung paano po talaga ang love nagiging puno ng lahat ng...
By: aRGee
Just to get me clear hindi po ito entirely all about sex. I wanted to show kung paano po talaga ang love nagiging puno ng lahat ng nangyayaring maganda sa mundo. Alam ko po na ang iba ay maaaring ikainis ang kwento o mimsan ay magcomment pa ng negative at minsan pa'y sobrang nakakasakit. First time ko pong magsulat ng strorya at hihintayin ko po ang mga reaksyon. I'll be speaking in a first person point of view.
....Alex's Point of View....
Ako po si Alexander, 17, masaya po akong nakagraduate ng high school bilang first honor student. Masasabi ko po na ako at ang pamilya ko ay higit pa sa maykaya. Pero kahit ganun, tinuruan ako ng pamilya ko na maging independent, at tinuruan nila ako wag magwaldas ng pera. Ganung mga bagay ang na tinuro nila sa akin bago sila pumanaw. Binilin at iniwan nila ako sa pangangalaga ng aking nakatatndang kapatid na babae. Mabait si ate Claire 22 years old na siya at siya ngayon ang nangangalaga sa akin.
....Noong araw ng Enrollment....
Ako ay nagenroll, bilang PreMed ko, sa kursong B.S. Biology. Noong araw ng enrollment hindi nakasabay si ate dahil mayroon pa raw siyang kailangang lakarin. Inintindi ko siya at sinabing....
"Wag ka na pong mag alala kaya ko na pong magbayad mag-isa hindi naman habangbuhay ay nariyan ka para alalyan ako" sabay ngiting punumpuno ng pagmamahal para sa aking nakatatandang kapatid.
Matapos ang konbersayon naming napuno ng drama at katahimikan nagpatuloy na ako sa school at naghintay para makapagbayad. Nang ako na ang magbabayad....
"Tabi ka nga ako muna mauuna!" ang mga katagang sinabi nang gagong binangga ako at tila siya pa ang galit.
Napatahimik ako sandali dahil sa inis habang nakahilata pa rin sa pagkakabangga niya
"Ikaw na nga ang nakabangga ikaw pa itong may ganang magalit at iangat ang boses" pagganti ko dahil sa inis sa gago habang papatayo ako.
"Anong sabi mo, kilala mo ba kinakausap mo" sabay binigyan ako ng isang ngiting pangasar na lalo pang nagpagalit sa akin.
Patuloy ang galit na pagtititigan namin ng biglang may dumating at hinila ako palayo.....
"Halika nga rito" hila sa akin ng hindi ko kilalang lalaki.
"Bitiwan mo nga ako ano bang ginagawa mo! Hoy bitaw!" kasabay ng pagpupumiglas ko at hinihingal.
"Pasensya ka na kailangan lang talaga kitang ilayo sa tong iyon" hinihingal niyang paliwanag
"Siguradong bugbog sarado ka roon kung hindi kita nilayo" sabay titig sa aking mga mata
Isang panandaliang katahimikan ang bumalot sa amin. Pagkatapos noon ay may narinig ako mula sa kanya.......
"Ang ganda naman nang mga mata mo" isang mahinang bulong na hindi ko halos marinig
"Ano yon? May sinabi ka ba?" pagtataka ko.
Bigla siyang lumapit sa akin at diretsong binulong sa aking tenga....
"Sabi ko napakaganda ng mga mata mo"muli niyang pagsabi
Nang marinig ko ang mga iyon ay tila nangatog ang tuhod ko at kumalabog ang dibdib ko at hindi ko malaman kung bakit.
"S-Sa-Salamat..." yun lang ang tangi kong nasabi sabay alis nang tingin sa kanya
Bigla niya ginalaw ang mukha niya sa direksiyong tinitingnan ko. Sa bawat pag iwas ko ay siya namang pagpupumilit niyang tingnan ako sa mukha
"Bakit hindi mo ko matingnan?" panguusisa niya
"Wala sige aalis na ako" sabay takbo ko paalis
"Ay siya nga pala salamat sa pagsagip mo sa akin kanina" dagdag ko sabay bigay ng ngiti kahit patuloy pa rin akong nangangatog.
Pagdating ko sa bahay tumigil ang pangangatog ng mga paa ko at ang matinding pagkabog ng dibdib ko ay tuluyang kumalma. Pinatay ko ang aircondition at binuksan ang bintana at tuluyang dumungaw para makita ang aming garden. Napatingala ako at napatulala sa langit at nagtanong.
"Sino kaya yung lalaking nagligtas sa akin kanina" tanong ko na may kasamang ngiti habang nakatulala at iniisip ang mukha ng lalaking nagsagip sa akin.
Pagkatapos ay nagising ako sa aking pagkakatulala.....
"Ano bang pinagsasasabi ko" sabay sampal sa sarili kong mukha
"Ay oo nga pala...." mayroon akong biglang naalala
Kumulot ang mukha ko sabay......
"Sino kaya yung gagong bumangga sa akin" galit na galit kong wika
"Ano kayang pangalan nung bwiset na yon.. Sana hindi nabkami magkita pa"
....Itutuloy....
COMMENTS