$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sa Isang Sulok ng Pangarap

By: Jepoy Minsan  kahit dumating na ang tamang tao sa buhay natin, lagi pa rin may kulang tayong hinahanap, laging  may bakas ng kawalan,lag...

By: Jepoy

Minsan  kahit dumating na ang tamang tao sa buhay natin, lagi pa rin may kulang tayong hinahanap, laging  may bakas ng kawalan,laging naroon ang makahanap ng mas higit pa at mas makapagbibigay ng saya at ginhawa.  Bakit di na lang naging sapat ang tama lang? Gayon na  wala talagang perpektong pag-ibig na pwedeng mahanap sa kawalan.
Magkahalo ang ingay,dumi at saya kung saan ako naroroon ngayon.Labas masok ang mga tao, paroo’t parito walang humpay ang ingay, walang hinto ang pagkayod ng iilan, ang iba naman ay abala sa kanilang munting tindahan , nagaabang na ang bus ay dumating upang sila’y dalhin sa patutunguhan.
Lumaki ako sa isang bus station,isang maliit na tindahan nang aking tinuring na amain ang siyang nagpalaki sa akin at bumuhay mula ng ako ay kanyang  makuha sa aking ina na pilit akong pinamigay sa mga taong nagdaraan sa himpilan ng bus na yaon.Isang Parihabang kariton ang aming higaan at sa aming paggising na   walang laman pa ang tiyan ay kayod na ng  katawan ang dapat atupagin, nagbubukas ang aking amain ng munti niyang tindahan ng kapeng mainit, kendi at sigarilyo.Ako naman ay musmos pa lang ay batak na ang katawan sa pagbubuhat ng mabibigat na mga bagahe ng pasaherong walang humpay sa pagluwas at pagbabalik sa lugar na ito.
Pareho lang sa bawat araw ang aking gawain, mistulang gupuin ang aking katawan ng mabibigat na bagahe.Tanging iba lamang ay ang  mga mukha ng bawat taong aking nakakasalamuha. Minsan ay ngiti,minsan naman ay lungkot. Mababakas mo ang ngiti sa mga pasaherong pauwi na sa kanilang pupuntahan, karamihan ay taong galing sa trabaho nagiintay na sila’y makauwi sa mas komportableng tahanan na may pamilyang nagaantay sa kanila. Karamihan  ay nagmula pa sa ibang bansa, mula sa paliparan ay tutungo sa bus station upang sa probinsiyang pinagmulan ay makarating at mga pasalubong sa kanyang pamilya ay maibahagi na rin.Amoy na amoy ko ang bagaheng mula sa ibang bansa, naroon ang amoy tsokolate, minsan ay amoy goma ng sapatos na alam mong mamahalin ang tatak ang siyang namumutawi sa pagbuhat ko ng bagahe nila .Pero parang magaan at masaya ang pagbuhat ng mga dalahan nila  sapagkat ngiti ang namumutawi sa kanilang labi ,malalaman mong sabik na muling makapiling ang pamilya na kay tagal na nawalay sa kanilang piling. May mga mas mabibigat na bagahe naman,  di dahil sa dami ng kanilang bitbitin ngunit  ang bigat dalhin ng kanilang dalahin sapagkat bakas sa kanilang mukha ang pagtutol sa pag-alis, at tuluyang mapalayo sa kanilang mahal sa buhay. Habang pasan ko ang isang karton o maleta ng kanilang damit, mas nanlulumo ko sa tingin ng kanilang mata,nangingilid na luha , paimpit na lungkot dahil sa paglisan.

Maraming araw na mainit at gabi na tila’y kay dilim na aking dinanas sa isang bus station na mistulang naging mundo ko sa 18 taon na pagkabuhay. Mas dumilim ang langit sa akin at bumigat ang pasanin nang yumao ang aking amain at mapilitang mabuhay akong magisa sa  mundong yaon. Maingay, mabilis at mausok na tila walang katapusan.
Jepoy! “ Madami pa duon, iakyat mo na upang makalarga na kami” ang bilin ng kundoktor sa akin. Pilit kong binilisan ang pagkarga ng mga bagahe ng pasahero upang makaalis sa takdang oras ang bus at tiyak ako ang masisisi kapag sila ay nahuli. Huli na sanang bagahe ang bitbitin ko na dumausdos ang laman sa ilalim at tuluyan ng nahulog sa lapag. Mga libro pala ang laman at pilit kong pinulot sa dami ay di ko alam paano ibabalik sa kahon na sira na at di na pwedeng gamitin pa.
Habang nagpupulot ay bigla lumapit ang isang lalaki na tila siya ang may-ari ng mga bagahe “ Ano ang nangyari?” unang sambit ng lalaki sa bandang kaliwa ko. “ Nahulog po sir, nasira ata ang kahon na lagayan niyo po” tugon ko.  Akto akong tatayo na mula sa pagkakaupo ay bigla siyang umupo at tinulungan akong magpulot ng mga libro .Duon ko siya lubusan nasilayan ,siguro ay mga nasa dalawampu’t lima hangang tatlumpong taong gulang siya,matipuno at mukhang disente sa kanyang suot na damit at boses, kayumangi ang balat at maganda ang katawan halos magkasing tangkad lamang kami na 5’8”. “ Sori sir”, ang tanging nasambit ko. “Ok lang, nagmamadali akong magbalot di ko na din napansin na may sira pala ang kahon.” Sobrang bait niya, may  magaganda siyang ngiti at pulang labi kung nagkataon na ibang pasahero yun ay nasigawan na ako at baka nasaktan pa ako. “Kukuha na lang ako ng panibagong  kahon  sir” alok ko sa kanya . “ Salamat , kailangan ko kasi na madala itong mga libro na ito ngayong gabi,” sambit niya. Habang bitbit ang mga libro ay inalok  ko siyang maupo muna kami sa munting espasyo kung saan ako natutulog at duon ay may mga kahon akong itinabi upang paghigaan ko sa gabi.Pumayag naman siya at nakapagpasya na sumakay na lang sa susunod na bus mga ilang oras pa ang kanyang aantayin.
Sa dulong lugar nakatayo ang munting palasyong naging aking lungga sa maraming taon. Pinaupo ko siya sa munting upuan gawa sa kahoy habang kinukuha ko sa ilalim ng munting lamesa ang kahon na akin namang hinihingi  sa isang pagawaan ng tinapay  na malapit sa bus station na iyon.
Makikita mo sa kanyang hindi siya sana’y sa masikip at maduming lugar kung saan ko siya dinala. “Pasensiya na sir sa madumi kong lugar.” Tanging nasabi ko. “ Wala yun. Dito ka ba nakatira ?” pagtataka niyang tanong parang may pagkamangha kung paano ako nabuhay sa isang lugar na kahit mga pusa at aso ay magrereklamo sa dilim at sikip. Lumapit siya sa akin, parang may awa sa kanyang mga tingin. “ Sana’y na ako sir, mas maswerte ako at may natutuluyan ako di katulad ng iba, may konting kinakain at di namamalimos, may munting paraiso na masasabi kong sa akin lang.” mas lalo ata siyang nalungkot sa aking mga nasabi, may iniabot siyang pera pero hindi ko ito tinangap, medyo nainsulto ako sa kanyang ginawa, bagkus iniabot ko ang kahon sa kanya. Tinulungan ko siyang magayos ng mga libro na nakasalansan sa mesa malapit sa kanyang kinauupuan. “ Kumikita naman ako sir kahit papano, di ko naranasan na mamalimos kahit nuon pa.” turan ko habang nagaayos ng mga libro para mailagay sa kahon.  Habang siya naman ay pilit akong tinutulungan sa paglalagay ng libro at sabay sabi  “ Di ko nais na mainsulto ka, pasensiya ka na ito lang naman ang nalalaman kong paraan upang matulungan ka.Bayad na din ito sa pagtulong mo sa akin ngayon.”  pilit niya.
 Nanatili akong walang kibo sa kanyang mga sinabi, maya maya pa ay iniabot niya ang isang maliit na papel na tila may mga nakasulat na letra, hula ko ay kanyang pangalan at numero niya ang siyang nakasulat duon. Hindi naman ako nakapagaral kaya kahit bumasa at sumulat ay hindi ako marunong.Tanging pangalan ko lamang ang tinuro ng aking ama na pwede kong isulat at mga numero ng pampasaherong bus lamang ang tangi kong nasasaulo.
Tinangap ko na din ang tarheta upang wala ng diskusyon ang maganap. “ Tawagan mo ako kung may kailangan ka.”  Arnold nga pala, sabay abot ng kanyang kamay  at agad naman akong tumayo upang abutin din ito. Hindi ko alam na ito pala ang simula ng mabuting pagkakaibigan namin ni Arnold. Bumili siya ng pagkain sa isang sikat na restaurant malapit sa bus station at amin itong pinagsaluhan sa aking munting  tahanan.Habang kumakain ay nagkaroon ako ng pagkakataon na kilalanin pa siyang mabuti . Isa pala siyang guro sa San Marcelino isang  malapit na bayan sa aming lugar. Siya ay boluntaryong nagtuturo sa mga kapatid na katutubo sa malayong bulubundukin ng kanilang lugar, tinuturuan na magbasa at magsulat at minsan ay magsalita ng banyagang wika kung sapat na ang kaalaman sa pagsulat,pagbilang at pagbabasa.
 Namangha ako sa kanyang adhika, ngunit nanlumo sapagkat ako nga itong nasa lungsod ngunit walang pagkakataon na matutong bumasa at sumulat. Bakit kailangan pang lumuwas at tawirin ang bundok at subukin ang kaligtasan ganuong sa kapatagan ay mas nakararami ang tulad namin na mangmang at walang alam, hindi dahil sa tamad kami, puro paghahanap buhay nga ang aming inatupag sa buong buhay namin, kaya sa pagpasok sa paaralan ay ipinagkait ng kalam sa tiyan at ang pagnanais na mabuhay sa araw-araw. Naramdaman ko na ang pagpasok sa paaralan ay isang pribelihiyo na lamang ng iilan.Libre ang pagpasok sa paaralan  ang sabi ng marami. Ngunit nang ako ay sumubok na pumasok sa isang pampublikong paaralan ay hinanapan ako ng katibayan ng kapanganakan, kung saan mahigit isang daan ang dapat mong bayaran upang makakuha ng kopya nito, na kung tutuusin ay pampublikong dokumento na dapat ay libre lamang sa nakararami. Sa aking pagkaalala tinipid ng aking ama ang pagkain namin ng  lingong iyon para lamang makapagbayad  at maibigay ang mumunting papel na kailangan para makapasok ako sa aking eskwela. Isang papel na puno ng letra na aking pangalan at kapanganakan na pilit naitawid ng aking amain at kanyang asawa nuong nabubuhay pa. Isang  pekeng papel na simbolo ng aking kawalan, kawalan ng pangalan,kawalan ng tunay na pamilya, kawalan ng pagaruga, kawalan ng pag-asa.
Matapos mairaos  ang papel na kailangan, naisip namin ng aking amain na sa wakas ay makakapasok na ako sa eskwela ngunit hindi pa pala, dahil kailangan ng PTA fee, miscellaneous fee,ID fee, at kung anu ano pang bayarin na sa hinuha ng aking ama ay di niya maunawaan. Paano kami magbabayad ng ganuong halaga kung pamasahe nga lamang papunta sa pook paaralan ay wala kami, uniporme pa kaya sa pagpasok gayung ang aking damit ay di lalagpas sa lima at halos bigay lang  ng konduktor at driver na kanila ring pinaglumaan. Di naman ako maaring sumulat sa dahon ng saging o kahoy, bibili ka ng papel at lapis na mas mahal pa sa araw araw namin kakainin. Lumapit sa gobyerno?Yun  din ang nasa isip ng aking ama dahil wala na kaming paraan para mairaos ang aking pagpasok sa eskwela.

Kung saan saan kami lumapit, kanino kanino nagtanong at nagmakaawa.  Pero di naman eleksiyon ng panahong iyon kaya wala din pwedeng mag-alok ng tulong. Papapasukin ka sa magarang opisina. Hahanapan ka ng kung ano-anong papel ng pagkakakilanlan.Sino ba naman ang aking ama isang boto lamang ang pwede niyang maiambag sa pulitiko bakit siya pakikingan? Sa awa ko sa aking amain, ako na rin ang sumuko at nagsawang mangarap na makakapagsuot ng puting uniporme at makapagsulat ng letra bukod sa aking pangalan.  Mula noon ay di ko na ninais na tumuntong sa anumang paaralan.
Di ko napansin na malapit na palang bumiyahe ang kanyang bus. Hinatid ko siya patungo duon, parang  kay  bigat ng bitbitin ko , puro libro lang naman ang laman ng mga ito. Nakatitig siya sa akin habang papaakyat ng bus na iyon. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata, may sinasabi ito ngunit hindi ko mabasa , ang alam ko lang ay malamlam ang mga ito. Bigat ng  puso ang sa akin ay humahati, ngunit bakit? Bakit ayaw kong pakawalan ang mga bagahe niya? Bakit parang ayaw ko siyang   umuwi at pigilin ang bawat sandali  na  sana ay naroroon lamang siya . Ngunit muli akong nagising sa katotohanan at ulirat. Marahil natuwa lamang ako sa kanyang pagsama ng sandali  sa aking munting  palasyo, marahil natuwa lamang ang aking puso sapagkat sa unang pagkakataon ay may taong nagbahagi ng kanyang kwento at tumangap sa kung ano ako,marahil natuwa lamang ang aking pagkatao, dahil sa mga bagay na mayroon siya tulad ng dunong,tiyaga at pagmamalasakit sa kapwa. Marahil……di na muli kaming magkikita… marahil isa lamang siyang pasahero, darating ngunit aalis din namang muli.
Balik ako sa mundong aking kinagisnan ngunit di siya mawala sa aking isip, ngunit tadhana na rin ang nagpasya  at di ko na muling nasilayan siyang muli. Isa palang  pangyayari ang siyang muling magtatagpo sa aming dalawa.
“ Hoy! Nasaan yung pitaka ko?” tanong ng isang pasahero na tinulungan kong magakyat ng mga bagahe sa bus. “ Sir, hindi ko po alam, wala po akong nakikita.” tanging nasambit ko. “ Ilabas mo na kundi may paglalagyan ka.” ang kanyang banta sa akin. Sa laki ng katawan ng pasaherong ito tiyak lasug lasug at gulagulanit ang katawan ko kung hatawin at paulanin ako ng suntok nito. Ngunit ano ang aking magagawa sadya naman wala akong kinuha, wala akong nakita. Dahil ba sa madungis ang aking katawan, mabaho, luma ang damit at tagabuhat  lamang ng bagahe ay mainit na ang mga mata sa akin at pwedeng akusahan ng anuman, hindi dahil kumakalam ang aking sikmura sa gutom at pagod ang aking katawan ay maari na akong gumawa ng masama.Hindi dahil mahirap at walang maraming salapi ay magnanakaw na ang turing, kung tutuusin mas maraming magnanakaw na mayaman at di lang isang pitaka ang pwede nilang nakawin kundi kaban kaban  ng kayamanan. Bakit hindi sila ang akusahan? Dahil ba sa may pangalan sila? Dahil maganda ang kanilang mga suot at mamahalin ang pabangong gamit nila? Mabilis ang mga pangyayari may security at mga pulis na pinatawag ang lalaking pasahero at pilit akong pinaaresto. Parang may busal ang aking bibig, pilit akong nagpapaliwanag pero wala silang naririnig,mistulang  bulag lamang sila sa kanilang nakikita, pilit akong kinaladkad papunta sa presinto at ikinulong. Malamig na rehas ang kaharap ko habang ngilid ang aking luha sa pagmamakaawa na pakawalan ako, ngunit animo’y bingi na rin sila sa aking mga pagsusumamo.

Sa aking kawalan ay naalala kong muli si Arnold, ang taong huling nakinig sa akin, ang taong mas minabuti ang magbahagi kaysa ang sa tumangap . Naalala ko ang tarhetang bigay niya, wala na akong ibang malapitan ng mga panahong iyon. May isang konduktor ang  dumalaw sa presinto ang pinakiusapan kong tawagan siya para sa akin at  kanya naman itong ginawa. Kinabukasan  ay bigla akong nagulat sa isang tawag. “ Jepoy! Ano ang nangyari?” lumapit ako sa rehas na bakal at naroon si Arnold.
” Napagbintangan akong kumuha ng pitaka ng isang pasahero kaya ako ikinulong.” Para akong bata na nagsusumbong sa kanya. Lumapit siya sa mga pulis at nagusisa “ Sir ,there is no valid complaint against my friend. You all know that you can’t detain him without reason and concrete evidence,in fact  wala naming kinaso ang complainant, so you need to let him go now! I can hire a lawyer for him but believe me, we will win his case and we will definitely  file a case against you for illegal detention  and a violation of his rights. “ pasigaw niyang sambit at tila nabuhayan ako ng loob sapagkat nagitla ang mga pulis at nagbulungan. Sa wakas ay ipinasya nilang pakawalan ako. Isang mahigpit na yakap ang binigay ko kay Arnold paglabas sa kulungan. Tumutulo ang aking mga mata sa kanyang balikat. “Maraming salamat Arnold .” ang tanging bulong ko . “Tama na, Malaya ka na.” pagpipigil niya sa akin ngunit walang tigil ang patak ng luha ko. Mahirap palang maakusahan sa mga bagay na hindi mo ginawa dahil lamang sa pisikal na anyo at panlabas na damit. Mas masakit  na inalipusta nila ang mga turo ng aking ama at sinira ang magandang pangalan na tanging pinamana niya sa akin.Nagtiis kami ng gutom ng ilang taon ngunit ni isang kusing ay wala kaming kinuha at ninakaw sa iba. Lahat yun ay pinaghirapan namin ng pawis at dugo.
“ Sa bahay ka na  lang tumira Jepoy kung gusto mo?” pagyaya ni Arnold. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa mga taong naroroon at alam kong nabawasan na ang tiwala ng marami sa akin dahil sa pangyayari kaya tiyak ko mauulit at mauulit muli na ako ay pararatangan. “ Pagaaralin kita at pagkain mo ay sagot ko na rin.” Pagpipilit ni Arnold. “ Tutulong ka sa mga gawaing bahay at isasama kita sa trabaho upang may tagadala ng mga gagamitin sa pagtuturo ko sa mga bata.” dagdag niya. Di na ako nagdalawang isip ,bihira na lamang ang mga pagkakataon na may magbibigay ng mabuting loob at sa tingin ko ay mapapabuti naman ako sa kanya.
Isinakay niya ako sa kanyang sariling sasakyan at sa unang pagkakataon ay naranasan kung makasakay sa isang magarang kotse. “ Kaya pala di ko na kayo nakikita sa station kasi may sarili na kayong sasakyan.” Bulalas  ko sa loob ng kotse , “ OO, nagkataon na nakabili ako ng sariling sasakyan para mas madali ang mga gawain at pupuntahan. Hindi ko alam na hinihintay mo pala ang pagbabalik ko, pero kahit isang tawag ay wala naman akong narinig mula sa iyo.” Paguusisa niya. “ Kasi wala akong pantawag sayo at hindi ko naman inaakala na kakailanganin ko ang tulong mo sa ganitong sitwasyon, salamat ulit.”  Paliwanag ko. “ Naiintindihan ko.” Sabay ngiti niya sa akin.
Pumasok kami sa isang apartment at sobrang namangha ako sa ganda ng mga kagamitan na naroroon. Nagitla ako sa ganda nila. “ Ito ang bahay ko Jepoy, duon ang magiging kuwarto mo. Sa iyo na rin ito ngayon sana magustuhan mo ang munting bahay ko. Isa lang  naman akong nakatira dito at  mabuti na rin at may makakasama na ako.” Sambit ni Arnold. Isa lamang siyang anak at ang kanyang ama at ina ay parehong nasa Canada na at duon na naninirahan. “ Ang ganda ng bahay niyo, salamat at pinatuloy mo ako at kinupkop.” Pasasalamat ko sa kanya.

Hindi lamang bahay ang ibinihagi ni Arnold sa akin. Magagandang damit, sapatos, pagkain na sa tanang buhay ko ay nuon ko lamang natikman. Tsokolate, Rubber shoes na amuy gomang mamahalin na naamoy ko lamang sa mga bagahe na nuon ay binubuhat ko. Nagbago ang buhay ko dahil kay Arnold, mukhang tao na ako, hindi madungis, hindi mabaho, matipuno, maayos at mas kaayaayang Jepoy ng dahil sa kanya.
Ngunit ang pinakamahalagang bagay na ibinahagi niya marahil ay ang edukasyon. “ Paano ka lalaban kung wala kang alam? Paano ka aahon kung di ka magsusumikap? Lagi natin sinisisi ang gobyerno pero tayong simpleng tao ba ano ba ang munting kontribusyon natin para maibsan ang problema kinahaharap natin? “ Yan ang mga pilit niyang sinasabi sa akin. Tama siya, dapat ay di ako tumigil sa pagsigaw at paggawa,kung mas nilakasan ko lang ang tinig ko para makapagaral ,marahil tapos na ako kahit papano, kung di ako natakot ipaglaban ang karapatan ko marahil di ako nakulong, kung mas naging matapang ako di lang ako kargador, at kung mas nangarap ako mas magandang buhay ang hinaharap ko. Pero di pa huli ang lahat, dahil sa kanya ay nakapasok ako sa paaralan mabilis akong natuto ng dahil sa kanya. Hindi na lang pangalan ko ang naisusulat ko kundi madaming letra na din at pagsuma ng mga numero ay talagang inaral ko at  nagtiyagang matuto. Kahit pagod sa trabaho ay hawak namin ang libro, kasama niya akong nagbabasa at nangangarap. “ Inom ka muna ng gatas at medyo gabi na tama na muna ang pagbabasa at pagaaral maaga pa ang klase mo bukas.” Yun ang lagi niyang bilin sa akin tuwing gabi. Hindi ako nagsisisi at sumama ako kay Arnold naging mabuti siya sa akin at inalagaan niya ako na parang hindi iba.
Minsan sa paguwi ko galing eskwela ay sarado ang lahat ng ilaw ng apartment ni Arnold, na pinagtakahan ko.Hindi naman siya nagpapatay ng ilaw sa bahay maliban sa kuwarto tuwing gabi pero ngayon ay parang may iba.Baka may nangyari kay Arnold na masama. Sobrang kaba ang naramdaman ko kaya dali dali akong pumasok ng apartment. “ Arnold! Arnold!” palahaw na sigaw ko sa kanya. Biglang bukas ng mga ilaw at naroon si Arnold may hawak na cake na may kandila.” Happy Birthday to you…” kumakanta siyang papalapit sa akin ng paulitulit.Pero parang di ko narinig ang kanta ang mahalaga ay ligtas siya at naroon siya. Patakbo ko siyang niyakap at humagulgol. “ Ano kaba muntik ng mahulog ang cake. Nagulat ka ba sa sorpresa ko?” tawa niya. Pero ako ay patuloy pa rin sa pag-iyak at pagyakap sa kanya ng mahigpit. “ Buti ok ka lang at wala nangyari sayo.” Hagulgol ko sa kanya . “ Ok lang ako, sinurpresa lang kita, salamat at nagalala ka pala sa akin.” Pangbubuyo niya. Mahigpit pa din ang yakap ko parang bata na ayaw pakawalan ang laruan niya sa higpit ng hawak. Hindi ko alam na sinurpresa niya pala ako sa aking kaarawan na kahit minsan ay hindi ko pinagtuunan ng panahon at pagkain dahil wala naman kaming sapat na pera para ipaghanda yun.Lumilipas lamang ang araw ng aking kaarawan na parang isang ordinaryong araw, pero ngayon ginawa niya itong special mayroong cake, spaghetti na pinakamasarap sa buong mundo, tinapay   at mga lobo. Pero higit sa lahat naging special ang araw na iyon dahil sa kanya. Siya ang pinaka special sa araw na yun, di ko pansin ang mga handa at regalo na naroroon dahil lumipas ang madaming taon ng buhay ko na wala naman sila pero andito pa rin naman ako at buhay, pero si Arnold sa araw na yun ng aking pagkasilang, natutunan ko at naunawaan ko na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya.
Lumipas ang mga taon na hindi siya bahagi ng  buhay ko, pero sa higpit ng hawak ko, hindi ako papayag na mawawala pa siyang muli sa akin. Hindi ko kaya ang wala siya. Bumitiw ako sa pagkakayakap, nakatingin lamang siya sa akin nagtataka marahil sa aking mga ginawa. Pinapahid ang mga luha sa aking mga mata. Inilabas niya ang isang papel “ Happy Birthday and Congratulations!” masaya niyang balita. Sa pagtataka ko ay hinablot ko ang papel na hawak niya at binasa ito, pumasa ako sa pagsusulit upang makapagaral sa mataas na paaralan at makaabante sa mga baitang para sa pinapangarap na diploma, nanguna ako sa mga pagsusulit na  yun na karamihan ay mga out of school youth din na tulad ko ang kumuha. Masayang masaya ako sa tagumpay na iyon. Higit akong masaya dahil naroroon si Arnold,na naging mahalagang instrumento sa pagbabago ng aking buhay, at nariyan si Arnold na pwede kong pag-alayan ng mga tagumpay na ngayon ay unti unti kong nakakamit sa tulong niya at suporta.
Talagang nagsaya kami ng gabing iyon wala naman kaming pasok kinabukasan kaya minabuti namin na uminom ng kaunti. Puno ng tawanan at kantahan ang gabi, mag aalas dose na ng  kami ay matapos, nalasing  si Arnold at gulapay sa lamesa hinatid ko siya sa kanyang kuwarto para makapagpahinga na siya. Nagdala ako ng maligamgam na tubig at munting tuwalya para siya ay punasan para mahimasmasan kahit papaano. Nagsimula ako sa kanyang mga kamay , tapos sa balikat, leeg, at naabot ko ang kanyang mukha. Medyo nagitla siya sa pagdampi ng basang tuwalya sa mukha niya,kitang kita ang gandang lalaki ni Arnold, matangos na ilong, mapula ang labi ,maganda ang mata , umiiling iling si Arnold habang pinupunasan ko ang kanyang mukha. “ Salamat Jepoy!, Mahal na mahal kita.” Nabigla ako at nanlamig sa kanyang sinabi .Natigilan ako sandali pero muli siyang nagsalita “ OO Jepoy mahal na mahal kita nuon pa.” sigaw niya. Akmang tatangalin ko ang kamay ko sa mukha niya nang hinablot niyang muli ito at inilagay sa kanyang malambot na labi. Hinahalikan niya ang mga kamay ko.Nangilabot  ako sa kanyang ginagawa samantalang  ang isang kamay naman niya ay iniabot ang aking ulo at pilit inilalapit sa kanyang mukha. Bumulong siya sa akin “ Jepoy mahal na mahal kita pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin, gusto ko lang iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal.” Bulong niya. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking labi sobrang lambot ng mga ito at mainit parang may kuryente na bumabalot sa aking katawan. Napakaswabe ng kanyang galaw , hinubad niya ang suot kong shirt  at tumungo siya sa aking dibdib . Pinahiga niya ako at siya ay pumatong sa akin. Hinubad ko din ang suot niyang damit. Hinalikan ko siya sa kanyang leeg at muli ay siniil ko ang kanyang mapula at matamis na labi.Dinilaan niya aking aking kaliwang tenga at duon ay nanginig ako sa sarap bumulong siyang muli na “ Mahal na mahal kita.” Hinawakan ko ang kayang mukha ng dalawang kamay at iniharap sa aking mukha sabay halik sa kanyang noo at sinabi ko” Mahal din kita Arnold.” May ngiti sa kanyang labi at bigla siyang naging mapusok hinubad niya ang aking pantalon at iniwan lang ang aking brief dinilaan niya ang aking pusod at garter ng aking brief mula itaaas hangang sa mga singit ko. Ungol lamang ang tangi kong sambit “Ahhhhh.. Arnold..” pero di siya tumigil hinubdan niya ako at hinawakan ang tigas na tigas kong alaga na nasa walong pulgada ang haba at mataba.. dinilaan niya muna ang ulo at sinipsip ang pinakabutas nito . Para akong nauulol na aso sa kanyang  mga ginawa. Nararamdaman ko ang init na dumadaloy mula sa pinakaulo hangang sa bulbol ko. Masarap na init ang aking nararamdaman. Minamasahe niya ang aking mga bayag habang sinusubo niya ang aking alaga. Dahil sa sarap ay inuulos ko ang aking baywang para maisubo niya lahat at sobrang hirap siyang isubo ito. Puno ng mainit na laway ang aking alaga. Dinilaan niya ang aking bayag na nagpaigtad sa akin, dahil sa kiliti at sarap. Hinawakan ko ang kanyang ulo at inihiga ko siya at pagkakataon ko naman na paligayahin siya.
 Hinalikan ko siyang muli sa labi at kanyang leeg, ng ang aking dila ay pumunta sa kanyang kilikili na may konting bubol at maputi ay dinilaan ko ito “ Ahh Jepoy…sige pa..” tanging sambit niya.  Inilipat ko ang aking dila sa kanyang mga pulang utong,pinaglaruan ko ito at sinipsip ng bahagya at siya ay napapaungol pinagsalitan kong paglaruin ang bawat isa. Dumako ako sa kanyang tiyan at pusod hinalikan ko at sinabisab ang kanyang pusod sa pamamagitan ng aking dila. Habang ang kanyang paa ay nilalaro ang tayong tayo ko pa rin alaga, sobra makinis at masarap siya. Hinubad ko na ang kanyang shorts kasama ang brief. Nagmalas sa akin ang  kanyang alaga na halos kasing laki ng sa akin pero mas malaki ang ulo at paliko sa kanan. Hinawak hawakan ko ang tigas niyang alaga, dinilaan ko ang kanyang singit at nilawayan ko ang bawat pagitan nito para bumaba ang mga likido sa kanyang butas. Hinalikan ko ang kanyang mga daliri sa paa habang ito ay kaangat at nakapatong sa aking balikat at dinilaan ko ang binti patungo muli sa kanyang singit ,ibinuka ko ang kanyang mga binti at nakita ko ang kayang butas na mapula at walang kabuhokbuhok. Hinawakan ko ito pero isinara niya ang kanyang binti . Ibinuka ko itong  muli at sinabisab ang kanyang butas na ubod ng pula. Mainit din ito, dinilaan ko ang gilid nito at  pinaglaruan ng aking dila. Pinapasok ko ang matigas na dila ko sa butas niya at napapaangat ang kanyang baywang dahil sa sensasyon. “ AHHH OHHHHH,AHHH Jepoy “ puro ungol ni Arnold lamang ang naririnig ko nais ko talaga siyang paligayahin . Tinutok ko ang matigas kong alaga sa kanyang butas at ulo pa lamang ay nanginginig na si Arnold halata sa kanyang mga binti. Isinabit ko ang kanyang mga binti sa aking leeg at bukang buka na ang kanyang butas. Ipinasok ko ang ulo at sobrang init sa loob.Kitang kita napangiwi si Arnold,May naramdaman akong mainit na likido sa ulo ng aking alaga nang akin itong iulos papasok ay napaaray si Arnold. “ Ilabas mo muna..Jepoy.” pakiusap niya. Pero parang wala akong narinig at inulos ko pa papasok ang aking alaga hangang sa kalakati nito ay nasa loob na ni Arnold. “ Arayyyyy!! Sigaw niya..” Naawa ako sa kanya pero mas nanaig ang aking libog. Nagantay ako na masanay siya at muli ko Itong inulos papasok at hinalikan ko siya hangang may mainit na naman na dumaloy sa aking alaga at sarap na sarap ako. Binayo ko na siya ng binayo. Una ay marahan pero nang masanay siya ay binilisan ko na ito. Mainit,masikip at masarap ang nasa loob niya. Pinaglaruan ko ang kanyang alaga habang pinapasok ko siya, ‘ahhh oohhh ahhh “ Ilang labas masok pa ay nararamdaman ko na lalabasan na ako .Arnold bubuntisin kita, ang nasambit ko “ ohhhh  ahhhh arrgghh” gigil ko at pinasok kong lahat sa kanyang butas idiniin ko at naramdaman ko na may lumabas na sa aking alaga nakailang putok din ako sa loob niya at ganun din siya habang dinidiin ko ang pagpasok aY panay din ang labas ng malapot na katas niya sa kanyang dibdib. Niyakap ko siya at hinayaan kong manlambot ang aking alaga sa loob niya. Hinalikan ko siya sa kanyang labi, noo, mata ,tenga, pisngi. Mas lalo kong naakit sa kanyang mukha.Unti unti kong hinugot ang aking alaga. Nagulat ako at may dugo ito pati ang aming sapin. Nagpaalam siya na magbanyo habang pinunasan ko ng tuwalya ang aking alaga. Ako naman ang nagbanyo matapos niya. May bahid ng dugo ang aking alaga ganun din ang tuwalya na pinampunas ko.
“ Salamat Arnold” sabay halik sa kanyang noo. “Mahal na mahal kita Jepoy, sayo ko lang ginawa ang lahat ng ito.” Sambit niya at muli kaming nagyakap na walang saplot.Mula noon ay nagigising ako at natutulog na siya lamang ang hangad at pangarap. Masayang masaya kaming dalawa.  Ang mga kaarawan ko ay di na kasing lungkot at dilim gaya ng dati, isang masayang pasko ang aming pinagsaluhan. Sa kuwarto namin sinasalubong ang bagong taon dahil takot siya sa ingay ng paputok at ano mang uri ng kuwitis.

 Nasanay naman ako na sa kuwarto lang kami kumakain at nagsasaya, pero ang taong 2007 ang pinakamasaya, special na mga handa ang kanyang ginawa, dati rati kasi ay salad at pinakamasarap na spaghetti sa buong mundo at chicken lamang ang madalas na ihain namin. Kasi naman basta luto niyang spaghetti ay tiyak na uubusin ko dahil sa sobrang special at sarap nito. Kaya nga ang biro ko kahit spaghetti araw araw dahil ang sphagetti niya ang pinakamasarap na spaghetti sa buong mundo.
“5,4,3,2,1 HAPPY NEW YEAR !!!!!” sigaw namin sa aming munting kuwarto at sabay kaming nagyakap ng mahigpit. Bumitiw siya at may kinuha na isang singsing sa kanyang bulsa at lumuhod at lumuluha.
“ Jepoy, alam kong di lamang pagkakataon ang pagkakahulog ng mga libro sa bus station, una pa lang kitang nakita at nakausap alam kong ikaw na ang para sa akin.Nakita ko sa mga mata mo ang pag-ibig at di ang pagkaawa.Gusto kitang maging panghabambuhay na bahagi  ng aking puso. Di man nila tayo papayagan mag isang dibdib  sa relihiyon, alam kong ang ating kaluluwa at pagkatao ay iisa na. Jepoy, pwede ba kitang dalhin sa Canada at duon tayo magsama at magisang dibdib? ” Jepoy..Marry me please.. because I can’t see myself without you in my life.” Habang panay ang tulo ng kanyang luha.
Iniabot ko ang kanyang kamay at itinayo sa pagkakaluhod hinawakan ang kanyang mukha at sinabi “Nabuhay ako sa dilim at takot, pero nahanap mo ako at binangon muli. Kinulong ako at Ginupo ng paghihirap at kawalan ng pag-asa ,pero binigyan mo ako ng liwanag para magsimula.Madaming sugat ng kahapon ko ang di mo lang pinagaling pero sinugurong di ito magiiwan ng pait at hapdi kaya ni minsan ay di ko na naramdamang muli.Tuwing babangon ako sa umaga ay may pangarap akong tinatanaw na kasama ka. Arnold, ikaw ang buhay ko at ang aking liwanag… Handa akong mabuhay ng kasama ka, kahit mahirap pa, dahil alam kong di na ako lumalaban mag-isa, ikaw ang aking lakas. Mahal na mahal kita ikaw lang ang gusto kong makasama,aabutin natin ang lahat ng magkahawak kamay.I will marry you..”
Sobrang saya namin nuon, simpleng pangarap at simpleng mithiin. Pero susubukin pala ng panahon ang aming pagsasama. Lalo na nung nasa kolehiyo na ako.Sinubok ko na mag-aral ng mabuti at makakuha ng scholarship upang nang sa gayon ay di naman mahirapan si Arnold. Nakuha naman ako at full scholarship pa ang ibinigay ngunit masyado mahirap ang mga grado na dapat kong maipasa, dahil mawawala ito kung di ko ito mamaintain, marami akong naging kaibigan na siya palang magdudulot ng pagkasira ng mabuting landas na aking tinatahak. Nabuyo ako ng mga kaibigan na gumamit ng ipinagbabawal na gamot, di nga ako madaling mapagod sa pagaaral at sa tingin ko ay naipapasa ko ang lahat ng pagsusulit,sobrang dali ng lahat. Pero gugupuin pala ako nito sa huli, hanggang sa di ko na siya mapigilan. Nakakapagsinungaling na ako kay Arnold sa mga perang hinihingi ko na sinasabi kong para sa aking mga projects at school work ngunit pinambibili ko ito ng droga kasama ang aking mga kabarkada. Hanggang sa mahuli na ako ni Arnold “ Nasaan yung singsing mo?” paguusisa niya. “Baka nandiyan lang !” pasigaw kong tugon.”Nandiyan lang o pinambili mo ng drugs tulad ng mga ito.” Sigaw niyang pabalik na hawak hawak ang ilang gramo ng droga at paraphernalias na tinago ko. “ Akin na yan.. Gago ka..” nagpambuno kami at sinuntok ko siya sa mukha at siya ay nauntog sa pader at napaupo. Umiiyak siya  

“Parang awa mo na Jepoy wag mong sirain ang magandang kinabukasan mayroon ka,itinigil mo na ito.” Pagsusumamo niya pero hindi ko siya pinansin. Bagkus pinulot ko ang mga nagkalat na droga at pilit niya itong inaagaw muli . kumuha ako ng kutsilyo at tinutok sa kanya. Para akong demonyo na di mapipigilan dahil hayok na hayok na ako sa paggamit ng droga. “Wala na ba talagang halaga sayo ang lahat Jepoy,” sambit niya habang umiiyak pa rin. Sinugod ko siya ng patalim at siya ay nasugatan sa braso at kamay nagulat ako sa mga dugo,malalim ang sugat ng mga ito. “Lumabas siya at sumigaw ng saklolo at ako’y nagulat at tumakbo papalabas. Nakitira ako sa aking mga kabarkada at palipatlipat ng tuluyan sapagkat takot akong mahuli ng pulis dahil sa aking ginawa. Pero dumating ang pagkakataon na wala na ring tumatangap sa akin dahil pabigat na ako. Naisipan kong bumalik sa apartment namin pero nakalock ito, “Arnold! Arnold!” sigaw ko sa labas ng gate, lumabas ang kapitbahay at sinabing matagal ng nakaalis si Arnold papuntang Canada, isinama na siya ng amat ina niya dahil nadepress ito pagkatapos magpagaling sa mga sugat niya sa ospital.” Hindi ka kinasuhan ni Arnold at ng pamilya niya” at sabay may iniabot na sobre sa akin. May laman itong sulat at pera.
“Jepoy, hindi pa huli ang lahat para magbago ka. Salamat sa lahat ng masasayang alaala na kasama ka. Wala kahit ano mang galit sa puso ko, pero kailangan ko ng lumayo. Kailangan ko mabuo ang pagkatao ko..at ngayon ng mag-isa. Mahal kita at dalangin ko ang kabutihan mo at ng iyong kinabukasan.”naluha ako sa pagkakataon iyon, wala na siya..dahil sa akin.
Ginamit ko ang pera para ipagpatuloy ang aking pagaaral. Ganap na akong guro na pangarap naming dalawa ni Arnold. Nagtuturo ako ng isang grupo ng mga batang out of school youth din kagaya ko dati at mga nalulong sa solvent at droga kaparehas sakin. Gusto ko din silang magkaroon ng tunay na pag-asa at liwanag gaya ng natagpuan ko kay Arnold.Pero di katulad ko ay nais ko na pahalagahan nila ang talino at kaalaman at mga taong gumabay sa kanila. Nais kong matupad ang pangarap ni Arnold para sa mga batang ito, ito lamang ang paraan ko upang ihingi ng tawad ang aking mga kamalian. Habang may mga batang naisasalba sa pagkalulong sa droga at nakakakuha ng diploma, may batang Jepoy na nasagip sa hirap at lugmok sa kamangmangan, May teacher Arnold na ngumingiti at may mga batang puso na nakakita ng panibagong bukas. Hindi na ako bahagi ng problema ngayon, hindi na lamang nagrereklamo pero sa munting paraan ay tumutulong para maging solusyon.
Arnold Upjan Radomes Jr. ng Toronto Canada, para sa iyo ang kwentong ito, alay ko ito sayo. Sana mabasa mo ito, Pinilit kitang hinanap upang  humingi ng tawad at magmakaawang bumalik kang muli sa akin.Pero kahit saan ay wala akong paraan na makausap ka . May kwento tayong wala pang katapusan, ang mga pahina ng libro ng ating buhay  ,sanay muli nating buksan. Lahat ng pangako ko ngayon ay gusto kong tuparin kasama ka kahit sa isang sulok ng pangarap, kung akoy muling pagbibigyan.Ako ay nagkamaling pakawalan ka…Hindi kita inalagaan, hindi pinahalagahan…Lagi kitang naalala, hinihintay kita sa araw araw .Wala pa ding pinakamasarap na spaghetti kundi ang iyong mga gawa. Hinahanap kita..Mahal na mahal pa rin kita..Patawad…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Sa Isang Sulok ng Pangarap
Sa Isang Sulok ng Pangarap
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgHO4mry7DAKZ5KnEgMMFWUzKmRQeAzjNMnGh0TVPGmoGswWfTVLMqKTh2qHEn0sCj5mvH0Yf4iUFi8psTRuZ8Mz6BenyLwtrc9FTSNDlbbYj1ryo12xVow9iRcOf0gotUAGB3BmImQpWzi/s400/jim.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgHO4mry7DAKZ5KnEgMMFWUzKmRQeAzjNMnGh0TVPGmoGswWfTVLMqKTh2qHEn0sCj5mvH0Yf4iUFi8psTRuZ8Mz6BenyLwtrc9FTSNDlbbYj1ryo12xVow9iRcOf0gotUAGB3BmImQpWzi/s72-c/jim.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/07/sa-isang-sulok-ng-pangarap.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/07/sa-isang-sulok-ng-pangarap.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content