By: Prometheus I can't help the smile plastered on my face as I walk back to our classroom. Lutang na lutang ako, grabe. Hindi ko nga al...
By: Prometheus
I can't help the smile plastered on my face as I walk back to our classroom. Lutang na lutang ako, grabe. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang maglakad sa harap ng buong klase papunta sa aking upuan while my teacher is in the middle of a discussion, samantalang mag-recite nga nangangatog pa ang mga tuhod ko.
"Mr. Mendoza, what do you think you're doing?"
"Uhh... Ma'am, kasi.." Hindi ko mapigilan ang ngiting nagpupumiglas sa aking mga labi at napapakamot pa ako sa aking ulo.
"Hindi ba sinabi ko sa inyo noon na huwag nang papasok kung late na kayo ng fifteen minutes? Tingnan mo kung anong oras na, at pangiti-ngiti ka pa!"
"Ma'am naghilamos po kasi a-"
"Naghilamos for forty minutes? Wow, that's amazing." singit nya na aaminin kong isa sa napakasarkastiko at nakakainsultong pahayag na narinig ko mula sa kanya.
"Um, I'm sorry po.." pagpapaumanhin ko habang nakayuko. Shit. Hindi na siguro iinit ang ulo ni ma'am kung hindi ako ngumiti. Kinuha ko na lang ang bag ko at palabas na ng pinto nang mapansin ko ang taas-kilay na tingin sa akin ni Clarisse. Pati mga classmates ko, nga-nga sa eksenang ginawa ko! Haha. Oo nga pala, ang alam lang nila ay pinagkaisahan ako ng mga hinayupak na babaeng yun. Baka naikwento na rin nila kay Clarisse kaya ganoon na lang din ang reaksyon nya. Ang hindi nila alam, nagka-heart-to-heart talk pala kami ni crush. Hihi. Kaya bago ako lumabas ng classroom, sinenyasan ko ng "I'll text you" ang bestfriend ko.
Wala akong maisip na gawin paglabas ng silid kaya napagpasyahan kong mag-snack muna sa canteen. Habang kumakain ako, naalala kong hindi ko pa pala natetext si Clarisse kaya kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa pero nabigla ako nang iba ang laman ng aking palad. Hay, ngiting aso na naman ako. Nakuha ko lang naman po kasi ang panyong iniabot sa akin ni Jason kanina. Nakalimutan nya palang kunin ito sa akin. Lalong nagwala ang aking diwa nang maalala ko na naman ang pag-uusap namin. And the freakin' fact na hinalikan nya ako kahapon!
Hala, lumalandi na ako; masama 'to.
Pero nakakatuwa ring isipin na kahit sa napakasimpleng paraan, napapasaya tayo ng mga taong hinahangaan natin, no? Kahit wala kayong ugnayan, makasalubong mo lang todo kilig ka na. What more kung mag-usap kayo? Kilig yun to the highest level!
E, paano naman kaya kung sabay kayong umihi sa loob ng C.R.? Haha! Baka hindi ka na maihi. Lol. Ano ba yan, kung anu-ano nang naiisip ko. Nagdesisyon akong matulog na muna sa Library, tutal 9 o'clock pa ang next subject ko. Ginawa ko ring unan ang panyo ni Jason. :)
"Hoy lalake! May kailangan kang ipaliwanag sa akin! But first, bakit hindi mo ako tinext? Ha? Nagpahagilap ka pa sa akin at halos malibot ko na ang buong school, nasa Library ka lang pala kanina!"
"Kung maaga ka ba naman kasing pumasok edi sana naresbakan ko yung mga babaeng yun, kahit papaano."
"Kung maaga ka ba naman kasing bumalik mula sa paghihilamos mo edi sana hindi ka na-late! Haha! Pero bakit nga ba ngiting-ngiti ka kanina? Diba nga may mga umaway sayo? And girl, blooming ka ngayon, ha."
"Blooming?"
"Basta, iba ang aura mo. Makapag-apply nga rin ng icing sa mukha mamaya."
Natawa ako sa kanyang sinabi. Ipinagtapat ko na rin kung bakit inabot ako ng siyam-siyam mag "hilamos". Wala eh, bestfriend ko naman sya. At siguradong hindi nya ako tatantanan kapag hindi nya nalaman ang totoo. Mahina pa man din akong magsinungaling.
"Wow, ang bilis ha. Heart-to-heart talk kaagad."
"Anong mabilis? Nag-usap lang kami, no."
"Hmph. Basta, inform mo na lang ako pag kayo na."
"Ahahahaha! Sira ka talaga."
Kakatapos lamang ng second subject namin ng araw na iyon at papunta ng canteen para mananghaligan. Bago pa man matapos ang klase namin kanina, kinukukit na nya ako nang kinukulit kaya heto, ratsada nang ratsada.
"Uy, si Jason oh!"
Napalingon ako sa direksyon ng kanyang hintuturo. "Nasaan?" I felt my heart jumping with excitement.
Humalakhak ang loko! "Ayiieeee... Hinahanap nya!"
Totoo pala talagang sa kaibigan mo malalaman ng crush mo na may gusto ka sa kanya. Sana naman hindi ganoon ang mangyari kay Jason. Hindi naman kasi ako yung tipong nagbibigay ng motibo para mangyari lang ang gusto kong mangyari. Kung magiging kami man - which I hope would come true - sana dahil iyon sa gusto nya rin ako. Hindi dahil sa sinabi kong may gusto ako sa kanya, o napipilitan lang sya. Natural lang, kung baga. Wow, hindi pa nga kami close ganito na agad ang iniisip ko. Napaka-echosero ko naman. Haha!
*
Dumaan ang araw ng Miyerkules nang hindi ko man lang nasisilayan ang anino ni Jason. Hala, dalawang araw na nung huli kaming nagkita ah. Nasaan na kaya yun? Hindi ko naman inaasahan na palagi kaming magkita pero may tanong na namang bumabagabag sa isip ko. Siyempre isa na doon yung hindi nya nasagot, tapos yung isa naman ay kung paano nya nalaman ang pangalan ko! Oo, kilala ko sya kasi sikat sya sa school, pero ako? Kilala nya? Hello! I'm a nobody!
Nang dumating ang weekends - Friday actually, hanggang Thursday lang kasi ang pasok namin - na hindi ko pa rin siya nakikita, mas lalong dumami ang mga tanong sa aking isipan. Bago pa man nya ako halikan, nakikita ko naman sya nang halos araw-araw, bakit ngayon hindi? Iniiwasan nya ba ako? Pero bakit nya naman ako iiwasan, nagkabatian naman na kami kaya wala syang dapat ikahiya sa akin. Baka naman dahil doon sa huling tanong ko sa kanya? Ano ba kasi ang dahilan kung bakit nya ako hinalikan? Nakakainis naman, bakit hindi nya pa sinagot yung tanong ko. Nakaka-intriga pa kasi parang kinakabahan sya noong oras na yun. Hmmm. Baka naman kaya sya hindi nagpapakita kasi iniiwasan nyang may umaway na naman sa akin? Pwede rin. Ano ba yan, puro na lang ako what ifs. Hindi ko na kinaya ang stress so I booted my laptop and searched for his Facebook account; nagbabakasakaling may masagap man lang na impormasyon tungkol sa kanya kasi pangalan nya lang din naman ang alam ko and the fact that he is so good-looking. Unfortunately, naka-private ang lahat ng nasa profile nya: photos, activities, likes at pati basic information. Kaya nagpakasasa na lang akong tingnan ang kanyang profile picture buong maghapon.
Linggo ng gabi, tiningnan ko naman kung may Twitter account sya. Wala. Tumblr, wala. Instagram, wala din. MySpace, wala! Pati Friendster tiningnan ko pero wala talaga! When frustration got the best of me, I Googled him up. And to my surprise, may account sya sa Google+, Blogger at Flickr. Stalker na kung stalker pero hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito. Hehe. Natuwa ako nang makitang naka-public ang mga Google+ activities nya kahit ang photos ay hindi. Active na active rin ang blog nya kasi noong Biyernes na-publish ang latest post nya na tungkol sa bago nyang cellphone. Hmmm. May itinatago rin palang talento itong si Jason. So, being a geek myself, binasa ko ng tatlong beses ang blog post nya at nakipagtalo pa sa aking sarili kung magko-comment o hindi. Nang mai-type ko na ang aking comment, "So informative. Two thumbs up!" may option din naman palang mag-comment anonymously. Nakakatanga lang yung excitement. :/
Nabuhay ang mga ugat sa katawan ko nang mag-comment-back sya!
"Tnx po sa compliment :)" -Jason Rodriguez, 11:39 PM
Nagtatatalon ako sa sobrang tuwa. Binasa ko rin ang mga nakaraan nyang post na karamihan ay tungkol sa kanya and his whereabouts pero hindi ko na nalabanan ang antok kaya natulog na ako.
*
Nasaan na kaya yun? Peste naman oh, male-late na ako! Apat na beses ko nang hinalughog ang aking kabinet ngunit hindi ko pa rin mahanap ang Panyo. Lalong uminit ang ulo ko nang malamang Huwebes na naman nang araw na iyon; two weeks ko na syang hindi nakikita at weekend na bukas! Grrr! Sa sobrang pagka-inis ko, hinila ko ang bedsheet at hinampas sa pinakamalapit na dingding. At ayun, sumisilip mula sa ilalim ng aking unan ang nilintikang panyo! Sa kainitan ng aking ulo nagawa pa rin nitong magpinta ng ngiti sa aking labi. Ewan ko, mamaya ko na lang aayusin ang kwarto ko pag-uwi.
Nagpaalam na ako kay Dad at dali-daling pumasok sa paaralan. Sinigurado kong daanan ang room nila Jason - yep, yan po ang natutunan ko sa kakabasa ng mga blog posts nya at nagin tradisyon ko na simula pa noong Lunes. Hindi ako maka-tiyempo kasi may teacher sa unahan at nagmamadali pa ako kaya bigo na naman akong dumiretso sa building namin.
Pagkatapos na pagkatapos ng 4 PM class ko, agad akong pumunta sa building nila. Hindi na tumatak sa isipan kong ihatid si Clarisse. Basta, it's now or I'll spend another weekend in agony. (Drama queen, wooh!)
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng classroon nila Jason. Nakauwang ang pinto kaya ang tindi ng kabang nararamdaman ko nang dahan-dahan ko rin itong buksan. Baka kasi may klase pa sila kaya tahimik, at nakakahiya kung eeksena ako ng ganun! Nakita ko ang aking kabiguan nang mabuksan ko na nang tuluyan ang pinto at walang tao sa loob. Siguro wala na talaga syang pakialam sa tanong ko. Well, sinong tao ba naman kasi ang pagkaka-abalahan ang isang tanong na galing sa taong hindi nya naman kakilala? Excuse me? Alam nya po ang pangalan ko? Tsk. My mind went overdrive as question after question confronted me. Napagdesisyunan kong umuwi nalang and after a few steps, may nakabanggaan ako. I found myself chest-to-chest - kung hindi lang matangkad ng kaunti sa akin ang nakabanggaan ko - with a guy. And there, standing in all his glory is the all evasive Jason Rodriguez, my first kiss. Chos! But seriously, it's him!
"Uhhh... Hey," nakayuko at tameme kong sabi and I must admit na nagpupumilit na namang ngumiti ang mga labi ko.
"May... hinahanap ka ba?" usisa nya sa akin. He's giving me a smile na parang hinuhubaran ako. I wonder how his eyer could be so fierce, yet his voice is so gentle at the same time?
"Ah.. Ehh... Ano, yung..." Help me! Wala akong maisip na rason, syete!
"Ah! -- yung panyo mo!" Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas sa isipan ko ang panyong sinusumpa ko kaninang umaga. Haha. Matapos kong halukayin ang aking bag, I returned the thing that saved my poor life. May kaunting panghihinayang pa akong naramdaman nang isauli ko sa kanya iyon. Mawawala na kasi ang kaisa-isang remembrance ko galing sa kanya.
"Nag-abala ka pa, dapat hindi mo na 'to binalik." Nakangiti nyang sambit na ikinatunaw ng mga tuhod ko.
"Nag-abala? Wala yun, no."
"Anong wala? Simula noong Lunes nakikita kaya kitang pabalik-balik dito. Ngayon nga, pang-apat mo na yata 'tong pagpunta dito. Sigurado kang ito lang ang pinunta mo?"
Ano?! Diba, sinauli ko na yung panyo mo? You should've let me go! No more questions, please! Tae yan, baka magka-bukingan na kami nito. Tsk!
"Hmmm.. Siguro type mo si Susan?" Nagbago ang ngiti nya mula mala-anghel at naging mala-aso. Kainis! Hindi na ba 'to titigil sa kakatanong?
"Ha? A--anong type? Hindi ah." Tungek, ikaw ang type ko! Ulul!
Sobrang sikip na ng dibdib ko at rinig na rinig ko na rin ang kabog ng aking puso. Buti na lang nakokontrol ko pa ang paghinga ko dahil kung hindi, baka nagkanda loko-loko na! At isa pa itong Jason na 'to, hindi tumitigil sa kakangiti! Kinikiliti pa ako sa tagiliran ko! Kailangang makasegwey ako paalis dito!
Ang gulo ko talaga. Halos dalawang linggo kong ipinagdasal at ipinagpumilit na magkita kami tapos ngayong wala pang limang minutong nagkakaharap kami, gusto ko nang umalis. Ano bang nangyayari sa akin?
"Uhhm, sige na nga, uuwi na ako," nagmamadali kong sabi. Kapag tumagal pa 'tong pangingiliti nya sa akin, baka hindi ako makapagpigil at sunggaban ko na sya. Haha!
Para naman syang nabuhusan ng malamig na tubig. "Uuwi ka na? Um, sige sandali lang at pauwi na rin ako. Naiwan ko kasi dyan sa loob yung I.D. ko, eh. Sabay na tayo, 'ge dyan ka lang ha."
Wew! That was so... close! And unbelievable! Sana hindi na nya maalala yung tanong nyang bakit pabalik-balik ako dito. Pero bago pa man ako makaisip ng idadahilan sa kanya kung saka-sakali, palabas na ng pinto ang mokong. Lumabas na rin ng ribcage ko ang puso ko.
"Tara, uwi na tayo." Tayo? Oh, nagpapaka-assuming na naman ako! Napangiti ako nang tumabi sya sa kaliwang tagiliran ko at ipinatong ang kanyang kanang kamay sa kaliwang balikat ko. Ganito ba talaga sya? Kahit dalawang beses pa lang kaming nagkikita akala mo close na close since forever?
"Teka, san ka pala umuuwi?"
"Um, dyan lang sa may Pureza," sagot ko.
"Ah.. Ang lapit lang pala. Sa Mandaluyong pa kasi ako eh."
Naglakad na kami pauwi habang nagku-kwentuhan ng kung anu-anong bagay. At opo, hinatid nya pa talaga ako sa kanto ng street namin - kung hindi ko sya kinulit nang kinulit, baka sa bahay pa. And did I say that he asked for my number? Gusto nya kasi akong isama sa jamming ng tropa nila sa Sabado. Nalaman nya kasi kaninang halos wala akong ka-close sa mga classmates ko kaya inimbitahan nya ako para daw lumaki ang circle of friends ko kahit papaano. Magte-text na lang daw sya kung saan at anong oras kasi pabago-bago daw yung utak ng dalawang kabarkada nya. And this time, I promised to myself na hindi ako mag-e-expect ng pagkataas-taas: that we'll be textmates or something. Ayaw ko nang madisappoint gaya nung nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. And boy, was I wrong. Pagkabihis na pagkabihis ko pa lang, may na-receive na kaagad akong text mula sa kanya.
"D2 na po ako haus hehe"
As I lay on my bed that night, staring at the ceiling with my head on my left hand and a pillow on my right, (at kakatapos ko lang magligpit ng mga kalat ko kaninang umaga, take note) I can't stop myself from wondering about everything that happened in the past two weeks. Hindi ko akalaing napaka-friendly nya. Much more na nakalimutan nya yung topic namin kanina, bago nya kunin ang kanyang I.D. And then it dawned on me na nakalimutan ko nga din pala yung pinag-uusapan namin noong nakaraang linggo pa.
Para akong tanga na hinahalik-halikan yung unan na yakap-yakap ko. Ewan, nakalimutan ko na siguro yung dahilan kung bakit dalawang linggo ko syang hinahanap dahil sa kahibangan ko. Lalo na ngayong alam ko na ang cellphone number nya, umaapaw na ang excitement na nararamdaman ko maisip ko lang ang lakad namin sa Sabado. ;)

COMMENTS