$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ex Factor

By: Earl Hindi ko na matandaan kung paano ako napadpad sa site na ito, ang alam ko lang nag eenjoy na akong magbasa ng mga stories dito. Tru...

By: Earl

Hindi ko na matandaan kung paano ako napadpad sa site na ito, ang alam ko lang nag eenjoy na akong magbasa ng mga stories dito. True stories. Interesting. Truly, nakakainspire din magshare ng sariling real life story. Kaya eto, hayaan nyo kong ikwento naman ang sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsasalaysay ng aking istorya. ok, unang una pasensya na kung may mga typo errors ako o may mga maling grammar man..alam kong maraming kritiko ang nagbabasa dito..
Ang kwento ko ay batay sa totoong pangyayari sa akin. Uunahan ko na po kayo ha, gusto ko lang ishare etong mga kilig moments ko sa isang taong masasabi kong minahal ko, walang libog factor, puro katangahan ko lang sa isang lalaking bumihag ng uhaw kong puso.. (haha lalim)

Ako po si Earl (di tunay na pangalan syempre), 24 y/o na po ako ngayon, 5'11 ang height, kayumanggi (pinoy na pinoy). Siguro masasabi ko na discreet bi ako kase attracted ako both gender (very common reason haha). Pero hindi nga, attracted din naman talaga ako sa mga babae,(haha defensive?) ang gusto ko yung mga tipong pinay na pinay at mejo chinita or should i say maganda talaga ang mata..ewan pero never pa akong nagka girlfriend, never ako nagtry manligaw oh watever,basta attacted lang,haha ganon lang.. Sa mga lalaki naman, oo, super attacted ako. Siguro mga 70% sa boys at mga 30% lang sa girls? haha. Ewan, kayo na po ang bahalang humusga, siguro until now naguguluhan pa din ako. Ang dami kong gustong iexplore, ang dami kong gustong maranasan. Opo, tama kayo ngayong mga oras na tinatype ko ngayon dito sa cellphone ko tong story ko, virgin na virgin pa po ako. (nakakahiya ata) hmmm.. Im proud of it. Pero minsan naiisip ko din na dadating din ako jan. (hoping)
Naisip ko din kailan kaya? hmm Sino? Pano? at saan?.. Madami akong crush, oo, pero mostly talaga mga lalake. Anjan yung crush ko kasi maganda ang katawan (gustong gusto ko yung dibdib at may malagong buhok sa kili-kili), anjan yung nagiging crush ko kasi makinis, crush ko kasi astig, crush ko kasi lalaking lalaki at crush ko kasi mabait sakin. Ano nga ba ang term ko ng crush? haha kung minsan napapaisip na din ako eh, crush nga ba o pinagnanasaan ko lang talaga? haha.
Anyway, my story happened last year, fresh pa din sa utak ko yung date na nagkakilala kami kasi naman oh, nasa calendar ng phone ko yun.. haha january 18, 2012 yun.. I was currently an employee of a well known local brand of clothing line..(clue: major sponsor kami ng Xfactor) that  time sa boutique ako naka assign, isa kong secretary, at the same time stock supervisor..
Everyday maraming nakakasalamuhang tao, ibat iba ang estado sa buhay, ibat iba hinahanap at ibat iba ang pag uugali.. Hindi na ako nagtataka, siguro dahil nasanay na din akong magtrabaho sa loob ng isang mall, opo, nasa loob ng mall ang boutique namin..  Araw araw ay madaming cute na dumadaan,haha pang karaniwang view sa harap ng boutique. Madaming gwapo, pero iisa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.
Maputing lalaki, gwapo. hindi sya katangkaran pero ok na din naman, siguro maliit lang sa paningin ko kasi matangkad ako. Pala ngiti ang lalaking yun, mala anghel, tinalo pa ang dimples ni Alden Richards, (oa ba? pero totoo po, nung una ko syang nakita para syang anghel na sobrang amo ng mukha). Walang pangalan, wala akong source para maitanong ang pangalan ng lalaking ito. Sa kanyang pananamit, nalaman ko na sa department store sya ng mall nagttrabaho, pero palagi syang pumupunta sa boutique na nasa tapat ng boutique din namin. Kilalang brand din sila. (bench).. Napag alaman ko na isa syang supervisor, kaya pla plagi syang napunta sa boutique sa harap, pero sa dept. store talaga sya naka base. wow, sa nalaman ko lalong tumaas ang tingin ko sa kanya, lumalim ng lumalim ang pagka gusto ko sa kanya, yung tipong araw araw kelangan makita ko man lang sya..araw araw kailangan masilayan ko man lang sya. Alam nyo yun? yung tipong patay ang resistensya mo kapag di mo man lang sya nakita. Ewan, nabaliw na ata ako. haha
Sa tinagal tagal ko syang palihim na tinititigan sa twing makikita ko o makakasalubong sya sa loob ng mall, aba! napagtanto ko na kamukha nya yung isang kilalang bida sa afternoon show ng kapamilya twing hapon..si Angelito. Opo, kamukha nya si Jm De Guzman, siguro mestizong version ni Jm. Parang pati nga sa height pareho, sa kilos pareho at lalong lalo na sa pag ngiti nila, parehong pareho. (oa? pero totoo po)
Nakakalungkot lang isipin dahil hanggang ganito lang ako. Ako yung taong napaka mahiyain. Hindi ko kaya at wala akong lakas ng loob na gawin ang mga moves ng karamihan dito. Paano nga ba? Mahiyain ako eh, lalo na pag gusto ko yung tao. Pero kung ganito ako ng ganito paano ko sya makikilala? Super hopeless talaga ako nung mga panahon na yun. Mukang habambuhay ko na lang syang tititigan sa malayo ah. tsk tsk tsk!
Until mag-hiring ang boutique namin, daming aplikante. Daming choices, hanggang sa ma-hired si Rina.
Naging super close kami ni Rina hanggang sa maishare ko lahat sa kanya. Pati yung pagkahumaling ko dun sa crush kong lalaki.
Yung pagka hopeless kong makilala yun.
Nagulat na lang ako one time nung biglang dumaan si crush sa harap ng boutique. aww! that time Mr. Bench pla ang tawag namin sa kanya ni Joanna, yung isang kahera na ktrabaho ko din at kaibigan.

Joanna: Earl! si mr.bench.
Ako: uy uy Rina, ayun si mr.bench..

that time hindi pa kasi nakikita ni Rina si crush.
Nasa harap kami ng boutique noon, waiting for costumers.

Rina: oh? gwapo nga ha.. taga dept. store pla yung crush mo?
Ako: oo rina, di ko pla nabanggit sayo.
Rina: alam mo parang nakita ko na sya dati, hmmm (nag iisip) tama! sa dept.store din kasi nagttrabaho yung kapatid ko ngayon. tama! sya yung kasama nung isang gabi nung lalaking nanliligaw sa kapatid ko.. oo tama.. mga taga dept. store yun.

Nanlaki mga mata ko nun. Sobrang saya ko. Sa wakas may pagkakataong magkakonek. May pagkakataong makilala ko sya at malaman pati ang pangalan ng mokong na yun.

Nang mga sumunod na araw ginawa ko ang lahat para makilala ko din ang kapatid ni Rina. Sa tulong ni Rina naging close kami. Si Devy.
Nalaman ko na tama nga si Rina, yun nga yung lalaking kasama nung nanliligaw kay Devy.
Miguel, yan ang pangalan nya.. confirmed.. supervisor nga sya..

Ako: Devy, tulungan mo naman ako please...
Devy: bakit ano yun?
Ako: Gusto kong makilala si Miguel. Please please.. ( patay na patay ehhh haha )

Natuwa naman ako kasi very supportive ang makapatid na Devy at Rina. Agad nag aya ng inuman sa house nila yung dalawa kinagabihan after work. Xempre present ako, si Joanna at sina Miguel at yung nanliligaw kay Devy.

Nauna na kami that time sa house nila Rina para magprepare. Xempre excited din ang mga girls na makilala si Crush..

Devy: uy Earl, nagtxt na si Glen (nanliligaw sa kanya) nasa labas na daw sila..

sobrang panik ako non, xempre sobrang excited na nahihiya na kinakabahan na masaya. haha in short mukha akong tanga na sobrang aligaga.
Nasugatan pa nga ako ng de latang tuna na binubuksan ko para sa pulutan.
Syet! napamura na lang ako nung sinilip ko sa bintana sina Miguel. Ang gwapo nya sobra fresh na fresh kung titingnan. Mukang naligo pa ata ang mokong bago pumunta dito. Para akong kakapusin ng hininga lalo na nung nakita ko na sinundo na ni Devy yung dalawang boys. Papasok na sila sa sala. Si Rina, Joanna at Ako plang ang tao dun, pero yung dalawa abala sa pagkanta sa videoke..
shocks! pano yan?di ko alam ang gagawin nung nakapaxok na sila..pinaupo ni Dev sa malapit sa akin.. Awkward.. tahimik lang ako.. nagkkwentuhan sila.. sina Rina at Joanna tapos sina Devy at Glen. Ako at si Miguel, tahimik lang.. nkatingin pareho sa screen ng videoke.super awkward...tagay tagay!

Devy: Uy Miguel, si Earl nga pla.. (sabay turo sa akin)

Tumingin sya sakin bigla, para akong matutunaw,bigla syang ngumiti at inabot yung kanang kamay nya sakin..

Miguel: (masigla) Uy hi Earl! Miguel.
Ako: (nabigla at nakatitig lang sa kanya) uy! (sabay shake hands ko na din sa kanya)

kahit na saglit lang yung scene na yun, parang antagal tagal para sakin. Very approachable sya.. napaka gentle at very formal kumilos..
plus pogi point..

lumipas ang mga oras. tagay tagay lang.. kanta kanta sa videoke. Paminsan minsan nililingon ako ni Miguel at ngingiti sakin, ako naman ngingiti din pero hindi nila alam na natutunaw na ako. haha
Kantahan. Masaya. May tama na. Ang ingay namin..,sabagay sina Devy at Rina lang naman ang nkatira sa bahay na yun..as in sila lang..
Lakas ng trip nina Devy at ni Glen..sumasayaw ng sweet habang kumakanta naman si Rina.
Tawanan talaga. Hanggang sa kumanta si Miguel.
Hero. by Enrique Iglesias
Magaling syang kumanta. Nakakakilig, tapos titingin pa xa sakin ng nkangiti. Loko toh ah! panay ang pakilig sa akin..laseng na siguro.
Nagulat ako, bigla syang tumayo sa inuupuan nya habang kumakanta. Papunta sakin. Hiyawan na sila. Ngiti ngiti lang ako..may tama na din kasi.. Hinawakan nya kamay ko then inaya nya akong tumayo. Inilagay nya yung kamay ko sa balikat nya at yung isa pa. Para akong nananaginip, heto ako ngayon kinakantahan ng taong matgal ko ng ginustong makasama at makilala.. Kilig much? haha nakatingin lang sya sakin habang nakanta.. ano toh? sobrang natutuwa ako nun. Overwhelming ang tagpong yun pero sa likod ng isip ko nagtatanong din ako..
Paanong tong straight na lalaking toh ay natripang gawin toh?
Bakit nya ginagawa toh?
Halatang halata ba na patay na patay ako sa kanya kaya pinagttripan ang nararamdaman ko?
Yan yung mga tanong ko hanggang sa natapos na ang inuman namin...
Bago umalis sina Miguel siniguro nyang makukuha yung number ko. Xempre walang pagaatubiling ibinigay ko. haha
Yun yung pinaka simula namin bilang magkakilala, magkaibigan o kung ano man..
Palagi na kaming magkatxt, kung ano anong pinag uusapan.. nagsisimula ang maghapon ko sa txt nyang Good morning at natatapos ang gabi sa isang matamis na good night. Ewan, ilusyon ko lang ata  maxado, siguro sadyang sweet sya sa lahat. Tuwing makikita ko sya sa mall, palaging sya ang unang bumabati sakin. "Hi Earl" tapos ngingiti. Paulit ulit yan sa twing makikita nya ako..minsan kahit na marami syang katrabahong kasama..consistent..di nahihiya.

Siguro alam nyang crush ko sya..siguro may nakapagsabi..
Dami kong first time na naranasan sa kanya.
First time na may isang lalaki ang nakatxt ko ng ganon. Kadalasan naman kasi kapag mga boys hindi pla reply..at ang mahirap pa yung iba mapagsamantala.. hihingi ng load.. mukang tanga.. Sa kanya hindi, masipag sya magtxt at never sya humingi ng load.. Iba talaga sya. Kaya ako naman kahit di sya humihingi kapag nawalan sya ng load minsan pinapaloadan ko na sya..
One time nalaman ko kay Devy na tipid na tipid sa pera si Miguel, as in yung tipong bihira lang daw syang kumain kapag breaktime nya..
Kaya naman isang beses naisipan kong magpadala kay Devy ng pagkain para ibigay kay Miguel..
Ewan, sabi nga ni Joanna, maxado ko raw ini-spoiled si Miguel.. hindi naman daw nanghihingi ibinibigay ko pa daw.. Palaging ganon. Wala, pakiramdam ko gustong gusto ko syang alagaan at higit sa lahat masaya akong nagbibigay sa kanya ng mga bagay na di naman nya hinihingi.. Tumatanggi sya,oo, pero talagang mapilit akong magbigay.. masarap kasi sa pakiramdam. Siguro naiintindihan nyo ko. sana.
Sabi ni Devy nahihiya na daw si Miguel sa akin.
Hindi naman kasi namin napag uusapan ni Miguel yun sa twing magkatxt kami..

Siguro 10:30 na yun ng gabi..basta mga ganon..
nakareceived ako ng txt from him..

text message
miguel: Earl gcng kpb?
Ako: yup..bakit?
miguel: thank u ha. anong ginagawa mo?
ako: thanks san? wala nagpapaantok..
miguel: basta thank u. tara.
ako: ngek..welcome.. saan?
miguel: tara labas ka..kita tayo kanto..
ako: (gulat) ha? bakit?
miguel: basta. tara.
ako: ok.w8.

malapit lang sa boarding house namin yung boarding hauz din nila. kaya alam ko na kung saang kanto yun.. kinakabahan akong nag bihis at nag ayos..then lumabas na ko at naglakad papunta sa kanto..


ako: dito na ako kanto. san ka?
miguel: cge wait.

Nag antay ako ng mga 5mins tapos dumating n sya.. awkward.. pero kakayanin ko. haha mejo nagkakahiyaan pa. First time naming lumabas na kaming dalawa lang eh.. Ang bait nya..the way nya ako kwentuhin at ientertain hbang naglalakad kami.. Naghahanap pla kami ng bukas pang resto.. unfortunately, Jolibee na lang ang bukas.. kaya no choice kami..
humanap kami ng pwesto then nung nkaupo na ako tsaka sya pumunta sa counter pra umorder.. Tahimik lang ako nun, overwhelming na naman. Hindi ko akalain ang mga nangyayari..
Dami nyang inorder..fiesta? haha kaming dalwa lang naman..
Kwentuhan lang kami..

Miguel: Earl thank u ha..paxenxa kn dito
Ako: ha? alin? wala yun..
Miguel: Natatanggap ko yung mga dinadala ni Devy twing breaktym..
(namula siguro ako sa hiya)
Ako: anu kb? masaya ko dun..thank u..

Mejo awkward pa din.. nakatingin yung mga tao dun sa aming dalawa.. Panay ang lingon ng mga toh kay miguel at xempre sakin din.. Naggwapuhan siguro kay miguel, at xempre siguro pati sakin..haha

kwentuhan pa ulit..
masaya..hindi ko maipaliwanag ang nraramdaman ko nung mga time na yun.. haha alam nyo yun? iba kasi pakiramdam lalo na kpag yung taong gusto mo eh gnun ang trato sayo..pra kang espesyal na espesyal.. (special child joke..haha)

Ilang linggo plang kming magkakilala ay talagang andami na naming moment na magkasama. Anjan yung kakain kami ng sabay during lunchbreak, papasyal after work, maghahapunan sa fastfoods..minsan naman inuman kasama workmate nya at workmate ko..
Andami, limot ko na yung ibang tagpo.. haha
One time nag inuman kami ulit tapos sa boarding hauz ko sya natulog kasi nasaraduhan na sya ng gate sa knila. haha (kasama ko sa boarding hauz manager namin, pabahay kasi kami ng company) Ipokrito na siguro ko sa tingin nyo kung sasabihin kong hindi ko sya pinagnasaan.. merun din namang moment na nagnanasa ako sa katawan nya pero very very light lang.. ako kasi yung tipo ng tao na pag mahal ko parang mas angat yung level ng love kesa sa lust.. ewan.. alam ko yun sa sarili ko syempre, iba din kasi yung libog ko kapag pagnanasa lang talaga eh.. Anyway, so ayun. nakitulog nga sya sa boarding..wala magkatabi lang..

Miguel: (hinuhubad ang relo sa kamay) earl, oh, (inabot ang relo sakin) ikaw na lng ang gumising sakin ng 6am. (sabay taas ng dalawang kamay sa ulo)
Ako: cge.

This time, alam ko na mahal ko na sya..iba yung pakiramdam eh..iba sa mga nauna ko ng naencounter na feeling.. Sino ba naman ang hindi mafafall kapag ganito? This time ramdam ko na din na alam naman nya yun..pero parang ayos lang naman sa kanya..
Pagkapikit nya, niyakap ko sya.. Masasabi kong yun ang kauna-unahan at pinaka mahimbing at matamis kong tulog sa tanang buhay ko..
Natulog kaming nakayakap lang ako sa kanya.. Walang nangyari, ganon lang.. walang moves..ganun lang..pero ang the best.. masaya ako.
Ginising ko sya ng ala sais. Naghilamos lang sya at umalis na..bago sya umalis, nagpasalamat sya sa akin..
Alam ko na kaibigan lang ako para sa kanya.. pero sa lahat ng pinaparamdam at pinapakita nya sa akin, sobra sobra lang talaga siguro ang ilusyon ko., lalo akong nahuhulog sa kanya. hulog na hulog.. haha



Valentines day, yung araw na bumili ako ng cake for him.

"Happy Valentines Miguel! love Earl"

tinext ko sya na pumunta sa boutique after work at dun ko ibibigay yung cake,. Pumunta sya syempre at nagulat sya.. ayaw pa nga nyang tanggapin, hindi daw para sa kanya yun.. naniwala lang sya na para sa kanya yun nung binuksan ko yung kahon at nakita nya na nakasulat ang pangalan nya dun..
Umalis din agad sya pagkakuha nya nung cake may pupuntahan pa daw kasi sya..ittxt na lang daw nya ako..may plano kasi kami non na magdinner sa isang resto..wala valentine effect lang..
After work. Nasa boarding hauz na ako. Nag aantay ng text nya.. todo text na ako pero wala pa ding reply from him.. hmmf.. Nagtry akong tawagan sya pero di sya sumasagot. Anyare?
Anong nangyare sa plano naming mag dinner? Pinipilit na akong kumain ng mga kasama ko sa boarding hauz pero ayoko pa talaga kahit gutom na gutom na ako.. todo antay pa din ako sa text nya..
Pass 12am, nagtext sya.
"uy earl sorry nakatulog na ako.."

Sobrang nalipasan na ako ng gutom non, nawalan n din ako ng gana at antok na.. sobrang wala na ko sa mood.. di ko na muna sya nireplyan..
Binabasa ko lang mga text nya. Di ako nagrereply. Hayaan ko nga syang magtxt ng magtxt..
Until may mareceived ako text from Joanna. (kawork ko)

"uy earl, galit ka daw kay miguel?"


Una, nagulat ako..
Bakit alam ni Joanna na nagtatampo nga ako kay miguel?
nagkakatxt sila? magkasama ba sila? ha? bakit?

Di ko na nireplyan, di ko na lng inintindi, minabuti kong matulog na lang..

Hindi ko na namalayan, ilang araw na lang pla ay matatapos na ang kontrata ko sa company.. ayoko ng mag renew..gusto ko ng ibang field naman..
Days pass.. one day to go good bye work na ako..
Nag inuman ang buong team namin.. farewell party na.. Surprise nila sakin na andun din si Miguel. Syempre masaya, Isa isang nag message mga kawork ko for me.. Awww. iyakan na yun.. panay ang hagulgol ko nung time na yun.. siguro ganon lang talaga ako matouch sa mga messages nila for me... Si Miguel naman panay ang alo sa akin.. hawak nya ako sa tuhod ko at hinihimas at paminsan ay tinatapik tapik nya toh.. Natapos na ang lahat mag message.. Its my turn na mag good bye message for everybody. Xempre mangiyak ngiyak.. after ng message ko.. nagkantyawan naman na magmessage naman ako for Miguel. Syempre ayoko..pero dala ng kalasingan ko at udyok ng lahat at nakita ko naman na nag aantay din si Miguel, nagmessage na din ako.
Nagpasalamat ako sa lahat ng pinagsamahan namin..Malayo ang lugar na iyon sa bayan namin.. kaya malamang na hindi na kami magkikita. Nung natapos ako magsalita pinilit naman nila si Miguel na mag message din sa akin..hindi naman ako nabigo..

"Earl, salamat din sa lahat..alam mo naman na matalik kitang kaibigan, wag kang magbabago kahit malayo kn..andito lang ako.. Bago ka umalis may gusto lang akong itanong sayo..",si miguel..

Sigawan silang lahat..

"ano yun?", sagot ko.

"Minahal mo ba ako?", tanong ni Miguel na sadyang ikinagulat ko..

natahimik ang lahat..nag aabang sa isasagot ko..

"Oo Miguel, minahal kita..at mahal na mahal kita, at alam kong hanggang dito lang ako.. hayaan mo nalang akong mahalin kita, pero hindi naman ako umaasa na mahalin mo din ako", bulalas ko,,sobrang patak na ang mga luha ko..

Lasing lang siguro kami kaya ganon na mga lumabas sa bibig namin..

"Salamat Earl sa pagmamahal mo, pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay..", malungkot na sagot ni Miguel sakin..

Masakit marinig ang katotohanan na matagal ko ng alam, pero nagbulag bulagan ako dahil sa sobra sobra ko syang mahal..
(Ang hirap isulat nitong istorya kong to sa part na toh..gustuhin ko mang ibahin ang takbo ng mga pangyayari at isulat na minahal din ako ni Miguel ay di ko magawa.. Para ko na ring niloko ang sarili ko. Gusto ko lang pong ishare sa inyo.)

Tanggap ko at alam ko na, na yun ang isasagot sa akin ni Miguel, ramdam ko, matagal na.. Pero kung sa iba katangahan ang tawag dito,para sa akin..wagas ang nararamdam ko.
Tinanggap ko na lahat lahat..hanggang sa nakaalis na ako sa trabaho.. tambay tambay. pahinga. Yan ang buhay after contract ends. (ENDO)
Naging mas open ako kay Miguel na iparamdam ko na mahal na mahal ko sya.. ok lang sa kanya.. One time nag Bar kami.. Enjoy enjoy lang..
Until pumayag sya na halikan ko sya.. torrid kiss kami..wala ganun lang..may tama na kami eh.. wala kaming pakielam sa mga tao.. andami pang nangyari after na magtapat ako sa kanya.. Pero sa mga nangyari na yun..walang sex..
Everytime maisipan ni Miguel na umuwi sa bayan nila kadalasan dumadaan sya sa lugar namin..
Tumatambay muna, tsaka uuwi sa kanila..

Siguro sa mga kwento ko at sa mga moment naming dalawa ni Miguel iisipin ng karamihan na hindi sya straight. Mali po..talagang straight guy sya..
Nung nawala Ako sa boutique maraming dumating sa revelations..
Nalaman ko na matagal na plang magkatext sina Joanna at Miguel.. Nagkakamabutihan na pla sila simula pa nung first meet up namin ni Miguel. Kinuha din pala ni Miguel yung Number ni Joanna.. halos magkasabay kaming tinetext ni miguel.. kaya pla nung valentines day ay alam na alam ni Joanna nagtatampo ako kay Miguel.
Ang lahat ng yan ay nalaman ko sa manager namin.. Grabe all this time pina-plastik pla ako ni Joanna,. the fact na may asawa na itong babaeng toh pinatos pa din si Miguel.. Hindi na ako magtataka..sino ba namang lalaki ang hindi mahuhumaling sa isang magandang babae na kagaya ni Joanna.. May hawig si Joanna kay Alodia Gosiengfiao. true.
Hindi ko kinonfront si Joanna about the revelation.. malayo na pati kasi ako,
xempre nagalit ako sa kanya sa panloloko nya sakin, masakit. pero wala n naman akong magagawa. bhala sya kung yun ang gusto nya.
Kahit mahirap at masakit pinilit kong hindi na muna itext si Miguel..
Then one time umamin sa akin si Joanna, at sinabing titigilan na nya, muntik na pati kasi syang mahuli ng asawa nya. Humingi ng tawad.. dahil di naman ako madamot na tao..pinatawad ko sya..
Dahil sa nangyari naging open sa akin si Joanna. Madami syang inihayag na katotohanan tungkol kay Miguel.
May asawa na pla si Miguel. Kasal sya sa isang matabang babae, oo mataba..(chubby lang)
Merun na daw syang isang anak na lalaki, yun daw ang sinabi ni Miguel kay Joanna pero ang nalaman ni Joanna Dalawa na pla anak ni Miguel, isang lalaki at isang babae.
Sobrang humaling na si Miguel kay Joanna, handa daw si Miguel na iwanan ang asawa nya para kay Joanna. Sinabi na lang ni Joanna na may asawa na din sya (w/c is true)..pero imbes na layuan na nito si Joanna lalo pang naging porsigido si Miguel..
Natatakot na daw si Joanna, madami kasing babae sa mall si Miguel, yun ang hindi namin alam na matagal ng inililihim ni Miguel sa amin.
Pinariringgan na si Joanna nung mga babaeng yun.. inaaway na sya sa loob at labas ng mall..
Grabe, hindi ako makapaniwala sa mga nlaman ko kay Joanna, all this time pala hindi ko pa lubos na kilala si Miguel, huwad ba lahat ng pinakita nya sakin?
Sa mga oras na yun daw ay hina-hunting si Miguel nung asawa nung isa sa mga naging jowa nya sa mall at talagang bubugbugin at posibleng patayin dn daw sya..
Kahit na madami akong nalaman na katotohanan kay Joanna tungkol kay Miguel ay di pa din nagbago tingin ko sa kanya.  Ganun talaga siguro kapag mahal na mahal mo yung isang tao.. tanggap mo kung ano man xa at anuman ang nagawa nya ay patatawarin at patatawarin mo pa din. Nag alala ako para sa kaligtasan ni Miguel..pero kung ano man, wala naman akong magagawa..

Malayo ako sa mall na pinagttrabahuhan ko dati kaya tanging cellphone lang ang way ko para makibalita sa mga nangyayari kina Miguel at Joanna.

Ayon kay Joanna, sobrang down na down daw nung mga panahon na yun si Miguel., May mga pagkakataon daw na napunta ito sa boutique namin at tagong iiyak kay Joanna.
Labis man ang aking pag aalala ay di ko pa din tinetext si Miguel, siguro dala na din ng panloloko nya sa akin sa tunay na namamagitan sa kanila ni Joanna. Bihira na din naman syang magtxt sa akin, wala syang alam na nalalaman ko lahat ng mga nangyayari sa kanya.. Paminsan minsan hindi ko pa din matiis na hindi magtext kaya't nagsesend nlng ako ng mga inspirational qoutes sa kanya upang kahit paano ay malaman nyang may sympathy pa din ako sa kanya..
Sa totoo lang nasasaktan ako sa mga nangyayari sa kanya, para syang kriminal na nagtatago sa taong posibleng tumugis sa kanya.. (sounds very unusual, siguro maiisip nyo na gawa gawa ko lang ang mga eksena na toh pero totoo pong lahat)
Hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari.. Nagpatuloy ako syempre sa buhay ko, oo andun yung nag aalala ako sa kanya kya lang wala pa akong magagawa sa ngayon.. Nalaman ko na lng na matatanggal na sa trabaho si Miguel dahil na din sa mga nangyari.. Bawal sa company nila yung ganon, nakikiapid sya sa may mga asawa na., lalo pang nakasama ng manggulo daw sa dept. store yung asawa nung babaeng nakarelasyon nya..syempre nalaman nung head ng dept.store yung mga nangyari kayat minabuting ipasibak na din sya..

Sobrang nahabag naman ako sa kalunos lunos na sinapit nya sa pagiging babaero nya.. hmmp..
Naisip ko din nun..nakarma lang ata sya..(ansama ko ba? naisip ko pa un.. haha)

Isang linggo na lang ang itatagal nya sa trabaho nya..  Ano kayang lagay nya nun?

Dumating ang araw na kinailangan kong bumalik sa boutique upang mag clearance.. Ayun, saglit lang nmn yung proseso na yun. Aalis na dapat ako nun nang bigla akong pigilan ni Joanna. May tao daw na gustong makipagusap sa akin..

Joanna: (sa malungkot na boses) Earl, nag aantay sya sayo sa food court..sa pinaka dulong mesa..(sabay pisil sa kanang kamay ko)
Ako: (kinakabahan) ha sino? (kahit alam ko naman..haha arte arte lang pag may time)

Pinaka baba ng mall ang food court. Nasa escalator pa lang ako ay grabe na ang kabog ng dibdib ko.. Biruin mo, ang daming nangyari tapos ngayon lang ulit kami magkikita.. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin at paano nya ako haharapin matapos ang mga panlolokong ginawa nya sa akin.. Ewan, bahala na.
Isang hakbang na lng at tanaw ko na ang pinaka huling mesa sa food court. Di nga ako nabigo, sya nga ang gustong makipag usap sa akin.. Nag iisa syang andun..nakatingin sa malayo at tulala.. habang papalapit ako sa kanya ay pinag mamasdan ko sya ... ang laki na ng pinayat nya.  siguro dahil sa stress.. halatang kulang sya sa tulog...gayon pa man gwapo pa din sya.hehe

Nang makita nya ako ay parang nawala ang malalim na iniisip nya, rumehistro agad sa mukha nya ang isang matamis na ngiti.. Ang ngiting nagpabalik ng mga ala alang pinagsaluhan namin nung mga panahong ok pa ang lahat.. Gumanti na lang din ako ng isang ngiti na tila nagpapahiwatig sa kanya na sobra ko syang namiss..
Agad syang tumayo at niyakap ako.. Yung yakap na alam mong namiss ka din nung tao.. Masaya syang makita ako at ako din naman. Nagkamustahan. Kumain. (syempre sagot ko)

Miguel: Earl, patawarin mo ako. (titig na titig sya sakin) sana maging magkaibigan pa din tayo.
Ako: (hindi ako makapagsalita..parang lahat ng sakit na naramdaman ko nung panahong nalaman ko na niloloko nya ko, lahat ng yun nawala na..) ah eh..wala na yun..wag mo ng isipin yun..andito lang naman ako para sa yo eh..alam mo naman kung bakit di ba?hehe
(napangiti na lang sya.. ewan.. everytime naman may mga biro ako talagang nangingiti sya eh.. ooops di pla biri yun..) haha
Kwentuhan pa kami. Uuwi na sana ako nun nung natapos kami..pero inaya nya akong antayin sya magsabay na daw kaming umuwi, uuwi din daw sya kasi sa bayan nila, eh since yung way nun ay madadaanan yung bayan naman namin, ayun..ihahatid na nya daw ako..
Sinamahan ko sya sa boarding house nya upang kunin yung motor..(gulat ako..may motor pla sya, at kinabahan ako .magmomotor pla kami pauwi.. ang layo pa naman ng byahe)

Ako: dahan dahan lang ang drive ha.. (first time ko kasing umangkas sa motor na magbbyahe ng malayo)
Miguel: wag kang mag alala Earl, kapit lang, akong bahala sayo..
(kilig much)

Di na ako nagsalita..humawak na lng ako ng mahigpit sa bewang ni Miguel habang nagddrive ang mokong.. Paminsan minsan ay binibilisan pa nya ang takbo, ewan..dahilan nmn yun para higpitan ko ang kapit sa kanya at mapayakap. Tatapikin ko nman sya sa balikat sa twing gagawin nya yun..

Nagulat ako ng bigla nyang ipark yung motor sa isang kilalang resto na nadaanan namin sa highway.. Dinadayo ang lugar na iyon, thailand kasi ang tema ng lugar.. very romantic ang ambiance..lalo pa't mag aalas dose na ng hating gabi yun..dim lights..Madami pa ding tao ang andun..
(kinabahan ako, ewan, siguro pumasok lang bigla sa isip ko na wala na akong pera.. haha syempre sapat lng ang dala ko..unexpected naman kasi ang lakad nmin n yun..grabe kung kakain kami kulang ang perang dala ko.. ganyan siguro talaga kapag walang trabaho.. nagtitipid hehe)

Ako: (pinipigilan syang pumasok) uyy miguel, tara na alis na tayo..wala na kong pera..
Miguel: (natatawa) haha ano ka ba.. hindi naman tayo kakain eh.

(ngek ano naman gagawin namin dun?)

tuloy tuloy lang kami sa paglalakad until makapasok na nga kami.. nakaka amaze sa loob.. Ang ganda.. naglalakihan ang mga istatwa.. Para lang nasa thailand talaga..
Pasyal pasyal lang kami. Nakita ko naman na masaya sya. Kaya nag enjoy n din ako.. Nag picturan pa kami. (ang saya non, kung pwede ko lang ipost din yung photos namin that time..pra maishare din..kea lang privacy n yun, xenxa na)


Ayun, we enjoy each others company. Masaya. Over. Until, makarating na din kami sa bayan namin..then, inihatid na nya ako sa mismong bahay namin.. I hug him, mahigpit na mahigpit bago pa sya umalis..
"Salamat, you give me so much joy in my heart.. i love u, i really do..mag iingat ka ha.." then i hug him again.
Nakatingin lang sya sakin. Malungkot.  Tapos pinisil nya lang yung kamay ko. Walang salita. then nagpaalam na sya..
I was about to cry, i felt it was the end.. feeling ko yung mga tingin nyang yun means something.. i feel his pain, di man nya sabihin, ayaw man nyang ipakita pero alam kong may mabigat syang dinadala.. i cant help him. all i can do is pray.. hoping that soon it'll be ok for him.

Days past, di na kami palaging nagkakatext. Bihira na sya magparamdam. Nalaman ko na lang na wala na syang trabaho..
Ayun, madalang na sya magtext, the only communication we have..tapos bihira pa.. :(
That night, when he looked at me so deep.. that was the last time i saw him..

Sa ngayon, wala na kaming communication. Pero active pa din number nya. Paminsan minsan na lang kung magparamdam, Ganun na din naman ako.. Its over na naman.. naka move na din naman ako..at natanggap na ganun lang talaga kami.. Masaya din naman na minsan sa buhay ko naranasan ko yung ganun.. Xempre hoping pa din ako na soon dadating din yung taong magiging official, at proud na sabihing mahal nya ko. at mahal namin ang isat isa..

Sana po nagustuhan nyo yung story namin ni Miguel. True story po sya.. May mga kulang pang mga nangyari eh.. pero saka na yun..ang importante naishare ko po kahit paano.. Salamat. Feel free  to comment po para at least next time mainspire ulit akong isulat yung iba pang stories ko.. salamat..

" Ang pag-ibig ay walang pinipiling lugar, walang pinipiling anyo at sekswalidad. Pag nagmahal ka ng wagas ito'y hindi humihingi ng anumang kapalit, bagkos ibinibigay ng taos sa puso sa taong ating pinakamamahal.---earl"

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ex Factor
Ex Factor
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhd74ajuhD90LEHPf2BXlI0Nru3b__9MRPZBcqv4pcPyH8mvRF4f-1KTdB0VIfjUFdnyglTQoCSlDSb5dlAkThWODUFczp3OxOxBrksGuKXdapsYdqahfmNA7HGlVSsXWaiDPLMg4mESKVe/s400/tumblr_msfrk0Qpes1r1n70po1_500.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhd74ajuhD90LEHPf2BXlI0Nru3b__9MRPZBcqv4pcPyH8mvRF4f-1KTdB0VIfjUFdnyglTQoCSlDSb5dlAkThWODUFczp3OxOxBrksGuKXdapsYdqahfmNA7HGlVSsXWaiDPLMg4mESKVe/s72-c/tumblr_msfrk0Qpes1r1n70po1_500.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/09/ex-factor.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/09/ex-factor.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content