By: K.V Hackney Nagpunta kami sa isang fine dining na restaurant. Sobrang awkward ng environment. Nanatiling relaxed si Max habang ako ay ...
By: K.V Hackney
Nagpunta kami sa isang fine dining na restaurant. Sobrang awkward ng environment. Nanatiling relaxed si Max habang ako ay kinakabahan sa maaring gawin niya. Hindi ko makita kay Max na gusto pa din niya si Nate, ang alam ko gusto lang niya makaganti sa mga sakit na ibinigay ni Nate sa kanya at pati ni Jake. Halatang gustong makipagkompitensya ni Jake kay Max. Natahimik lang ako sa mga pinag-uusapan nila. Nagpapayabangan sila Max at Jake. Bigla lang silang natigil nung sinubuan ko si Max. Nakita ko ang reaksyon ni Nate at halatang nainis siya, hindi ko alam pero parang gusto pa din ni Nate si Max. Nahalata ito ni Jake at kinuha din niya ang atensyon nito. Sobrang pilit ng mga tawanan namin. Halatang tinitira ni Max si Jake, dinadaan lang niya ito sa mga 'just kidding' niyang pahabol. Kakaiba talaga si Max ang sabi ko sa sarili ko. Pero kung ako ang tatanungin ay susuportahan ko pa din si Max kung gusto niyang bawiin si Nate.
Nang matapos na ang lunch namin ay nagpaunahan sila Jake at Max kung sino ang magbabayad.
"Ako na, ako naman ang nag-invite" ang sabi ni Max kay Jake habang binibigay niya ang credit card niya sabay ngiti sa akin.
Nang lumabas na kami ng restaurant ay nagpasalamat ang dalawa. Awkward pa din dahil halatang may iringan pa din. Nakita namin na parang galit si Nate habang naglalakad sila ni Jake. Napangiti lang ako at ganun din si Max.
Wednesday noon at off ko. May tumatawag sa akin na anonymous number. Sinagot ko ito at Mommy pala ito ni Jake. Nakiusap sa akin ang Mommy ni Jake na kung pwede ay tignan ko ito dahil nilalagnat daw. Ang alam ng Mommy ni Jake ay bestfriend lang ng anak niya si Nate, at ito daw ay nasa Davao at sila naman daw ay nasa Cebu kaya di nila matignan si Jake. Sa totoo lang ay pwede naman akong tumanggi, pero dahil sa may pinagsamahan naman kami ay pumayag na din ako. Tutal sa isang building lang naman kami nakatira.
Umakyat ako sa Unit niya. Nagulat siya na nandoon ako.
"Tinawagan ako ng Mommy mo, tignan ka daw. Wala ka namang choice kasi maysakit ka. Makisama ka na lang para maging maayos pakiramdam mo" ang sabi ko kay Jake habang inaayos ang mga kakainin niya. Sa totoo lang ay naguilty ako dahil hindi maganda ang panimula ko, pero ayos lang naman para alam din niya kung bakit ako nandoon.
"Thank you" at tinignan niya ako ng malumanay.
"Kumain ka na ba?" ang tanong ko kay Jake.
"Hindi pa"
"O sige pagluluto kita, mahiga ka muna" at pumunta ako sa kitchen niya.
Pinagluto ko si Jake ng lugaw at pinakain ko siya, pinainom ng gamot at pinunasan din. Halatang thankful naman si Jake sa mga ginagawa ko. Kinagabihan ay tumawag si Max, parang nagalit sya. Hindi man niya aminin ay halata ko ito sa boses niya. Inassure ko naman sa kanya na walang meaning ang mga ginagawa ko at parang for humanitarian reasons lang iyon, parang charity ganun.
Kinabukasan ay umabsent pa ako sa trabaho. Wala ng lagnat si Jake. Inalagaan ko pa din siya ng isang buong araw. Sinabi niya na nasa Manila na daw si Nate at sabi ko na kung pwede ay siya na ang pumalit sa akin. Hindi daw makakapunta si Nate dahil pagod daw ito sa biyahe. Sa isip isip ko ay hindi naman ganun kalayo ang Davao para mapagod siya ng ganun, hindi naman iyon International Flight na mapapagod siya sa tagal. Umaarte lang siguro si Nate dahil ayaw niya mag-alaga sa partner niya. Pinababalik naman na ako ni Jake sa unit ko para magpahinga pero dahil hindi pa siya ganun ka-okay ay nagstay pa ako, baka mamaya kung ano pa ang mangyari kay Jake at konsensya ko pa.
Kinabukasan ay naging maayos na ang pakiramdam ni Jake at nakapasok na ako. Abot abot ang pasasalamat ni Jake sa akin. Dahil malapit na ang birthday ko ay inaya ako ni Jake sa isang friendly date sa restaurant na kung saan kami dapat magcecelebrate ng aming first monthsary, kung sinipot lang niya ako. Sinabi ko na pag-iisipan ko ito at baka magalit ang alam nila na 'boyfriend' ko na si Max. Nilinaw naman niya na walang malisya daw iyon. Sa totoo lang ay nagdalawang isip ako, gusto ko kasi maranasan kung paano ako idedate ni Jake lalo na birthday ko iyon. Tatlong araw bago ang birthday ko ay nagtext ako sa kanya na pumapayag na ako na magdinner kami ni Jake.
Hindi ko nakikita si Max. Nagtext siya na busy siya sa business niya at dadalawin na lang daw niya ako sa unit. Sinabi din niya na ipaghahanda niya ako ng mga paborito ko sa birthday ko sa unit niya, alam ni Max na nagkakausap na kami ulit ni Jake kaya sinabi din niya kahit na pumunta ako o hindi ay hihintayin pa din niya ako sa birthday ko. Sa totoo lang ay nalito ako kung sino sa dalawa ang pupuntahan ko, pero alam ko na nangyayari ang mga bagay na ito dahil may dahilan ito at may matutunan ako sa mga ito.
Dumating ang birthday ko. Nakatanggap ako ng mga tawag at text sa pamilya at mga kaibigan ko. Pagkatapos ng morning shift ko sa ospital ay nagpahinga ako saglit. Bago magdilim ay naghanda na ako, nang matapos ay nag-abang ako ng taxi at sinabi ang destinasyon sa driver. Papunta ako ng restaurant na pagkikitaan namin ni Jake. Nagtext siya na on the way na din daw siya. Naalala ko bigla si Max. Ilang saglit din ang masinsinang pag-iisip ko. Tahimik lang ako, walang imik at hindi alam ang magiging pakiramdam. Nang makarating sa tapat ng restaurant ay pinahinto ko ang taxi. Binayaran ko na ang taxi. Nakita ko na nakaupo na sa loob si Jake, sa bandang bintana ko siya pinapwesto para madali ko siyang makita. Nakita ko na hinihintay na niya ako at mukhang masaya siya. Patingin tingin sa labas si Jake, hinawakan niya ang cellphone niya at tinapat sa tenga niya, nagring ang cellphone ko. Nakahawak ang isa kong kamay sa pinto akmang bubuksan ko na ang pinto at bababa na.
"Kuya, sa Taguig pala tayo, sa Global City" ang sabi ko sa driver ng taxi at pinindot niyang muli ang metro ng taxi. Tinignan ko si Jake habang papaalis na ang taxing sinasakyan ko. Tinawagan ko si Max na papunta na ako at all set na daw siya, ako na lang ang kulang. Napangiti ako ng mga oras na iyon. Ngayon mararamdaman na ni Jake ang naramdaman ko dati nung pinaghihintay niya ako.
Pagdating ko ng Unit ni Max ay siya lang mag-isa doon. Nang pinakuha niya sa kitchen yung spaghetti ay nasopresa ako sa tumambad sa akin.
"Happy Birthday to you.." ang pagkanta ng magulang ko, mga kapatid ko pati ang mga malalapit kong mga kaibigan. Naipagsama sama ni Max ang mga mahal ko sa buhay. May dahilan pala kaya hindi ko sinipot si Jake, dahil mas importante ang kay Max.
Hindi nagpa-gabi ang mga bisita ko, kaya naiwan kami ni Max.
"Thank you bestfriend" at niyakap ko si Max.
"Basta ikaw" sabay yakap din ni Max.
Nag-coffee pa kami kinagabihan sa isa sa mga cafe malapit sa unit niya. Nakita ko na nakailang missed call si Jake. Napakasaya ko ng araw na iyon. Ibang saya ang naramdaman ko ng mga oras na iyon.
Nung hinatid ako pauwi ni Max ay saka ko lang nabasa ang text ni Jake.
'Ganito pala kasakit yung ginawa ko sayo dati. Masakit pala talaga maghintay sa wala. Ngayon alam ko na ang pakiramdam sa tuwing hindi kita nasisipot noon. Sorry Kief, I'm really sorry'
Hindi na ako nagreply at binura ang message niya. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ko dati sa tuwing hindi siya nakakasipot sa mga usapan namin.
Tuwing Sabado ay nagkikita kami ni Max, sinusundo niya ako para magbonding kami. Isang beses na lang kasi kung sa isang linggo kung magkita kami. Busy din kasi siya sa business at ako naman ay busy din sa ospital at kakasimula lang pumasok sa masteral tuwing sabado. Napansin ko na parang malungkot si Max.
"What's wrong?" at tinignan ko sa mata si Max. Ngumiti siya at sinabing
"Natanggap ako sa MBA sa University sa New York" ang sabi ni Max habang inabot sa akin ang sobre. Binasa ko ito at natanggap nga siya. Aabutin ng dalawang taon ang MBA ni Max sa New York. Alam ko na matagal nang pangarap ni Max na magkaroon ng Master's Degree pero parang may pumipigil sa kanya.
"Great! Dream mo yan diba? Ayan na o! Sige go for it, minsan lang yan" ang sabi ko sa kanya.
"Oo, dati. Ngayon kasi, okay na ko dito, mas masaya na ko ngayon, tsaka ayoko din mapalayo sayo, sa inyong mga kaibigan ko" ang sagot ni Max. Kitang kita ko na nagdadalawang isip siya kaya ganun na lang ang pag-encourage ko sa kanya.
"Andito lang naman kami, may skype naman. Iba kasi pag natupad mo ang pangarap mo, ibang fulfillment yan, hindi lahat nagkakaroon ng chance katulad nang sa iyo, ikaw, pag-isipan mo. Pero kung ako tatanungin mo, oo, tuparin mo yan" ang paalala ko sa kanya.
"The best ka talaga" ang sabi ni Max at nagtawanan kami.
Pagkatapos namin mamili ng pagkain ay pumunta kami sa unit niya. Naisip ko na maaari akong lumipat sa kabilang building na katapat ng condominium ni Max. Dahil mas malapit ito sa ospital at siguro okay na yung mga panahong tumira ako sa Makati. Naisipan ko na ibenta na lang ang unit ko sa Makati at lumipat na lang sa Bonifacio Global City.
Pagdating namin ay nanood kami ng movie sa unit niya. Pinili ko yung kay Mylene Dizon at Eugene Domingo na pelikula na 100. Yun yung nagka-cancer si Mylene at meron silang gustong gawin na nilagay nila sa Post-it notes. Nainspire kami ni Max at gagawin din namin yun, hindi naman dahil sa may isa sa amin na malapit na mamatay, kundi aalis na si Max. Tatlong buwan na lang ang ilalagi niya bago siya umalis. Gumawa kami ng tig-lima na wish namin na gusto naming gawin o matupad.
Max
1. Mag-paintball game.
2. Matutong mag-drift.
3. Makausap si Dad.
4. Ma-inlove.
5. Magbeach ng 1 week.
Kiefer
6. Skinny dip.
7. Get drunk.
8. Makapunta ng Singapore.
9. Sumakay sa roller coaster 3 times.
10. Matuto magbake ng cupcake.
Pagkatapos namin gawin iyon ay nilagay namin ito sa pader ng kwarto niya. Naisipan ko na din na magleave muna sa trabaho para magawa ko ang mga wishes ko. Nagpaalam ako sa aming supervisor na magleleave ako ng isang buwan. Sinabi ko na lang na may aasikasuhin ako at magbabakasyon na din, pumayag naman ang supervisor namin at magfile daw ako. Naapprove naman ito agad at inassure ko ang management na hindi pag-aapply sa ibang bansa ang aatupagin ko. Akala nila kasi mag-aabroad na ako pero hindi pa. May pera pa naman ako, hindi ko pa halos nagagalaw ang ipon ko kaya tiwala naman ako na masusuportahan ko ang mga wishes ko lalo na gusto ko pumunta ng Singapore na kasama si Max.
Ilang linggo din ang lumipas bago ako nagsimulang magleave sa trabaho at bago ang araw ng pagtupad namin ni Max ng aming mga wishes ay magcecelebrate ng birthday si Max. Alam ko na matagal na niya gusto makausap ang Daddy niya. Gusto niya kasi magkaayos na daw sila ng Daddy niya pero hindi niya alam kung paano ang gagawin. Alam ko kung hindi ako makikialam ay hindi matutupad ni Max ang kanyang wish kaya nakialam na ako. Tatlong araw ko din trinace ang Daddy niya sa internet. Hinanap ko nang hinanap ang email address nito. Nang mahanap ko na ay nagsend ako ng message na gusto siyang makausap ni Max, sa message ay sinabi ko ang lahat. Naghintay ako ng reply at makalipas ang dalawang araw ay nakatanggap ako ng reply galing kay Mr. Henry Borromeo, ang Daddy ni Max. Pumayag naman ito at sa birthday daw ni Max siya uuwi ng Pilipinas para makausap at makabawi sa anak niya.
May restaurant si Max na matatagpuan sa BF Homes sa ParaƱaque. May kasosyo siya dito. Doon siya lagi tuwing wala siyang ginagawa. Nung birthday niya ay pumunta ako doon at nakita ko siyang nag-iisa sa office.
"Happy Birthday!" at niyakap ko siya.
"Thank you! at ngitian niya ako.
"O, bakit mag-isa ka dito?" ang pag-uusisa ko sa kanya habang paupo sa tabi niya.
"Its my birthday and ganito ko lang i-celebrate ang birthday ko, just like an ordinary day, wala naman akong family to celebrate with" ang sabi ni Max.
"Ah. Alam mo naman, you have a family, ako at ang family ko, hinihintay ka na nila sa bahay namin , pinaghanda ka ng family ko, they love you so much" ang sagot ko kay Max at napangiti siya.
"Really?"
"Oo naman, kaya tara na at malapit na maglunch baka mainip na sila kakahintay sayo" at hinatak ko si Max at umalis na kami.
Pagdating namin ay kumpleto ang pamilya, nandoon din ang dalawa kong kapatid na nagtatrabaho sa Australia, kakauwi lang nila at ipinakilala ko sila kay Max, madaling makasundo ni Max ang mga kapatid ko, puro lalaki kasi ang mga kapatid ko at pareho sila ng mga interes, katulad ng sports. Kitang kita ko na masaya si Max sa birthday niya kasama ang pamilya ko. Hindi naman na iba kung ituring si Max sa amin, parang anak na din ang tingin sa kanya ng mga magulang ko. Wala man ang totoo niyang pamilya ay sinabi ko sa kanya na hindi na ulit siya mag-iisa. Not anymore. Bago mag 5:00 PM ay umalis na kami. Dinalhan ko siya ng damit at pinaligo sa amin. Akala niya ay kakain kaming dalawa sa restaurant pero hindi niya alam ay ngayon na sila magkikita ng Daddy niya.
"Andito na tayo Max" at bumaba na kami at pumunta na sa pinareserve ko na table, nasa private area ito at pinili ko iyon para mas makapag-usap ng personal ang mag-ama. Pinaupo ko na si Max at sinundo ko na sa kabilang Cafe si Mr. Borromeo.
"Mr. Borromeo?" at nilingon niya ako.
"Ako po si Kiefer, yung kaibigan ni Max" at inabot ko ang kamay ko sa kanya.
"Ikaw pala, Hijo. Thank you ha" ang nakangiting sabi ni Mr. Borromeo.
"Tara na po, hinihintay na niya tayo" at lumakad na kami. May dalang kahon si Mr. Borromeo na sa malamang ay regalo niya kay Max. Kamukhang kamukha ni Max ang Daddy niya. Para silang carbon copy.
Pagkadating namin ay binati agad siya ng Daddy niya at sinara ko agad ang pinto. Nagulat si Max at hindi agad siya nakapagsalita.
"Dad" at tumayo si Max at niyakap ang ama niya. Naiyak siya ng mga oras na iyon. Noon ko lang nakita na umiyak si Max, parang tinamaan din ako at naiyak din.
"Thank you Kief" ang sabi ni Max sa akin. Kinuha ko ang cellphone niya para walang makaistorbo sa bonding nilang mag-ama. Sinabi ko na daanan na lang niya ang cellphone niya sa unit ko mamaya. Nagpasalamat din sa akin si Mr. Borromeo at umalis na ako para magkaroon sila ng pribadong pag-uusap. Alam ko na magiging mas masaya si Max lalo na magkakausap na sila ng Daddy niya. Ang Mommy naman ni Max ay maayos ang relationship nila. Nakilala ko na din si Tita Severine sa Skype dahil madalas silang mag-usap dito. At sa New York nakatira ang Mommy niya kaya madalas silang magkikita nito kapag nasa New York na si Max.
Madaling araw na nung pumunta si Max sa unit ko. Hinatid pa daw niya kasi ang Daddy niya sa airport. Nagpasalamat si Max sa akin, kung hindi ko daw ginawa iyon ay malamang hindi din matutupad ang wish niyang iyon. Akala ko ay kukunin lang niya ang kanyang cellphone pero doon na din siya nakitulog sa unit ko. Halatang pagod na pagod si Max at hindi ko na din naman siya pinilit pang magdrive. Pinahiram ko siya ng damit at naligo siya. Shorts lang pala ang kailangan niya dahil hindi siya sanay matulog ng may damit pang itaas, ipinagpaalam niya iyon kung ayos lang sa akin, baka daw kasi hindi ako kumportable sa ganun. Sinabi ko na ayos lang naman para mahimbing din ang pagtulog niya. Naabutan ko siya sa kwarto na nilalatag yung foam sa sahig.
"Uy, Max, sa kama ka, ako na diyan" at nilapitan ko siya para kunin ang bedsheet.
"Hindi na, ako na dito, sa kama ka na, bahay mo 'to" ang sabi ni Max.
"Tsk. Hindi na! Sige na sa kama ka na" ang pakiusap ko kay Max.
"Sige, tutal pamilya naman tayo diba? Tabihan mo ko sa kama. Magbestfriend naman tayo eh wala namang masama diba?" ang sabi ni Max habang inaayos ang foam at finold.
"Oo naman, sige mauna ka na matulog at maliligo na muna ko" at pumasok na ako ng banyo.
Pagkatapos ko ay nakatulog na si Max sa pagod. Nakakatuwang panoorin si Max habang natutulog. Maya maya pa ay tumabi na din ako at nakatulog na din. Nagising ako nung madaling araw at napadilat. Nakayakap sa akin si Max, medyo nabigatan ako dahil malaki ang braso niya.
Kinaumagahan ay nagising ako nang nakahiga sa braso niya at nakayakap ako sa kanya. Tumayo ako agad at baka magising at makita iyon ni Max. Naghanda na ako ng almusal namin at pagkalipas ang 30 minutes ay nagising na din siya at sabay na kami kumain. Parang ibang Max ang kaharap ko ng mga oras na iyon. Mas masaya na siya at kitang kita ko iyon sa kanya.
At dumating na ang araw ng pagtupad ng mga wishes namin. Una naming ginawa ang #2. Matutong mag-drift ni Max. Tinawagan niya ang kaibigan niyang marunong magdrift at tinuruan siya nito. May kamahalan din pala ito dahil kailangan din bumili ng bagong gulong dahil sa nasusunog ito tuwing nagdidrift. Hindi na masyadong nagpaturo ng proper drifting si Max dahil wala naman siyang balak na gawing hobby ito. Mabilis matuto si Max at natutunan din niya ito nung araw na iyon. Masayang masaya siya at sa huling drift niya ay isinakay niya ako. Takot na takot ako habang siya ay natatawa sa akin. Nagawa naman niya ito. Pagkarating sa unit niya ay tinanggal na namin ang Post-It note na 'to.
Sunod naman naming ginawa ang aking wish na #10. Matuto magbake ng cupcake. Nagpaturo kami sa pastry chef ni Max na nagtatrabaho sa restaurant niya. Medyo mahirap sa una, sa pagtantsa ng mixing at sa mga ingredients, pero madali naman naming natutunan ang mga basics at nakagawa naman. Nasarapan si Max sa napili kong strawberry cupcake na may merengue na frosting. Simula noon ay parang nagustuhan ko na ito at pinangarap ko na magkaroon ng isang cupcake store. Nakagawa ako ng isang dosena at binigay ko sa amin, pasado naman daw at pwede na, ang kumento sa akin ni Max.
Pagkatapos ng dalawang araw ay ginawa naman namin ang #1. Mag-paintball game. Nirentahan niya ang buong game house at kaming dalawa lang ang naglaro na dapat ay maraming kasali. Mukha kaming katawa tawa dahil sa laki ng venue ay kaming dalawa lang ang magkalaban. Tawa kami ng tawa ni Max sa tuwing dadaplis ang mga tira namin. Pagkatapos ay nanalo ako, alam ko pinagbigyan lang ako ni Max dahil lagi siya naglalaro nito. Sobrang pinasaya ako ni Max ng araw na iyon. Pagkatapos nun ay umuwi kami sa unit ko dahil sa may gusto daw tumingin na buyer na kilala ni Max.
Nagustuhan ng buyer ang unit ko. Sinabi din niya na may one bedroom unit siya sa katapat na condominium ni Max kaya nagpunta kami doon agad. Hindi pa gamit ang condominium nung buyer at sakto naman ito para sa akin, may kaliitan nga lang ito kumpara sa aking unit. Pumayag ako na magdagdag na lang siya ng bayad at magtetrade na lang kami ng unit. Tinulungan ako ni Max sa lahat ng proseso at sa Attorney, makalipas ang dalawang linggo ay nafinalize na ang transfer, nagligpit na din ako ng mga gamit at kinabukasan ay lumipat na ako ng unit.
Konti lang naman ang mga gamit ko kaya hindi naman ako nahirapan na mag-balot. Nagkasalubong pa kami ni Jake sa elevator at nakita niya na may dala kaming gamit ni Max. Hindi na siya nagtanong, marahil alam na niya kung para saan iyon. Nagngitian na lang kami nung pababa na ako. Iyon na ang huli naming pagkikita ni Jake.
Naging maganda naman ang paglipat ko doon. Mas napalapit ako sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. Pagkatapos ng blessing ng unit ay tinuloy na namin ni Max ang pagtupad sa mga wishes namin. Tinawagan ko si Ian at nagtanong ako kung magkano ang ticket papuntang Singapore. Sa isang kilalang airline company kasi nagtatrabaho si Ian at madali niya kaming naibook ng flight. Kinonfirm ko muna kay Max ang date ng alis namin. Nung una ay ayaw pa niya pumayag na ako ang magbayad ng ticket, dahil sa wish ko ito ay napapayag ko din siya, pero siya na ang sumagot sa accomodation, unfair naman daw kasi kung ako lang ang gagastos. Nasettle na namin ni Max ang lahat at naayos na din ang ticket at ang hotel na tutuluyan namin.
Excited ako sa trip namin sa Singapore. First time ko kasi makapunta ng ibang bansa. Napakalinis dito at ibang iba talaga. Natupad din ang wish #8. Ang makapunta sa Singapore. Ang dami namin napuntahan ni Max. Puro kami picture at food trip. Pumunta din kami sa Universal Studios para tuparin ang wish #9. Sumakay sa roller coaster ng tatlong beses. Sobrang saya namin ni Max habang nasa Singapore. Bago kami umuwi ng Pilipinas ay binilhan niya ng pasalubong ang pamilya ko. Natouch ako sa ginawa ni Max kasi naramdaman ko na mahal din niya ang pamilya ko.
Pagbalik namin ni Max sa Pilipinas ay nagpahinga muna kami ng dalawang araw. Napagod kasi kami sa biyahe namin sa Singapore. Pinaprint ni Max ang lahat ng picture namin at pumunta siya sa unit ko para magpatulong na mailagay ang mga ito sa photo album. Tawa kami ng tawa habang tinitignan namin ang mga picture. Kahit kasi mga stolen shot ay pinaprint niya.
Friday noon at ito na marahil yung pinakahuli namin na gala. Ito na kasi yung pinakahuli sa mga gustong puntahan ni Max. Ang #5. Magbeach ng 1 week. Madami dami din ang damit na dinala ko na tatagal sa isang linggo. Hindi naman kami napagod sa biyahe papuntang Boracay. Konti na lang ang mga tao doon dahil tapos na ang peak season. Wala kaming ibang ginawa ni Max kundi kumain at subukan ang mga activities sa beach. Nung mga panahon na iyon pakiramdam ko boyfriend ko si Max. Ibang klase kasi ang pagtrato niya sa akin. Alam ko naman na maalaga si Max pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Max? Parang lahat yata ng kagwapuhan ay sinalo na niya, pero alam ko na maaring hindi naman ako gusto ni Max at bestfriend lang ang turing niya sa akin.
Nung 3rd day na namin sa beach ay ginawa namin ang #7. Get drunk. Bihira din kasi ako maglasing, yung tipong parang gumagapang na sa sobrang kalasingan. Karaniwan kasi pag umiinom ako yung pampawala lang ng hiya, yung tipong kaya pa din makipag-usap kahit nakainom. Umupo kami sa bar ni Max at umorder ng mga shots. Iba iba ang natikman ko at hindi nagtagal ay nalasing kami. Dahil sa ingay ng bar ay malapit si Max sa akin. Nakahawak siya sa bewang ko habang nakaupo kami. Pagkatapos namin bayaran ang bill ay papunta na sana kami sa hotel nang maalala ko ang wish #6. Skinny dip. Wala naman talaga akong plano na isali si Max dito dahil baka hindi siya kumportable. Dahil sa kalasingan ay naghubad ako habang nakatalikod kay Max. Natatawa siya sa ginagawa ko habang pinapanood niya ko magtanggal ng damit.
"Be a man, Max. Be a man!" habang papunta ako sa dalampasigan. Napasigaw ako sa lamig ng tubig. Wala naman nakakita sa akin dahil medyo madilim ang parte na iyon at wala na din masyadong tao.
"Hinahamon mo ba ako?" ang tanong ni Max habang naghubad na din siya ng damit. Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na gagawin din niya iyon. Pagkatapos tanggalin ang lahat ng damit niya ay tumakbo siya papunta sa akin. Tawa lang kami ng tawa ni Max. Marahil sa kalasingan at sa saya na meron kami ng panahong iyon.
"Ano wish granted? Saya nito ah!" habang nakangiti sa akin si Max. Lumangoy pa kami ni Max hanggang sa mapagod kami. Pagkatapos noon ay nagbihis na kami at pumunta na ng hotel room. Niyakap pa ako ni Max dahil nagpapasalamat siya sa akin.
"Thank you Kief, ngayon lang ako naging masaya nang ganito. Kundi sayo malamang bummer pa din ako" habang nakayakap pa din sa akin si Max. Matangkad si Max kaya tumingkayad pa ako at tinapik siya sa balikat.
"Thank you din, kasi nandito ka, kasama ka sa mga kabaliwan ko" at nagtawanan kami. Natulog na kami at late na kami nagising kinabukasan. Natapos ang isang linggo namin ni Max sa Boracay. Masayang masaya ako na naexperience ko iyon. Pagbalik namin ng Manila ay akala namin ay nagawa na namin ang lahat pero may isang hindi pa nagagawa si Max ang #4. Ma-inlove.
Medyo long term ang wish na ito ni Max. Hindi naman kasi pwede ma-inlove nang ganun ganun na lang. Inaamin ko umasa ako na sana ako na lang yung tao na makakasama niya sa pagtupad ng wish na ito. Pero that time, sinabi ko na subukan niya manligaw ng babae, tutal bisexual naman siya at kung meron mang babae na magustuhan niya ay ipagtapat niya kung ano talaga siya, at kung tanggap naman siya ay ipagpatuloy niya ang panliligaw.
Nakadalawang date si Max, yung una ay hindi tanggap kung sino siya kaya sinubukan niya ulit. Nakatagpo naman siya ng babae na sa tingin niya ay gusto din siya. Mabait at maganda si Kristina. Nakakailang date na din sila simula nung una silang magkakilala. Tanggap naman ni Kristina kung sino at ano si Max. Minsang nagdinner kaming tatlo. Kinondisyon ko ang sarili ko sa maaari kong makita, ang pagiging sweet nila. Masakit din pala makita na masaya si Max sa pag may kasamang iba, mukhang selfish ako, oo. Akala ko kasi ako lang ang pwedeng magpasaya kay Max. Akala ko kasi sa akin lang umiikot ang mundo niya. Hindi pala. Pero sa kabila ng lahat ay hindi naman ako nakalimutan ni Max. Hindi ko alam kung sila na o hindi pa. Hindi ko na din kasi tinanong. Nalaman ko pa na sa New York din nagtatrabaho si Kristina, kaya sigurado ako mas lalo silang magkakaigihan doon pag nagsimula na pumasok si Max sa MBA niya.
Naghanap ako ng mga dahilan para hindi magustuhan si Kristina para kay Max, pero wala akong nahanap. Inaamin ko compatible sila at bagay na bagay. Inisip ko na mas mabuti na din na mapunta si Max sa isang babae, na mabibigyan siya ng ibang kaligayahan at ng mga anak, na isang bagay na hindi ko pwedeng ibigay sa kanya dahil hindi naman ako babae.
Malapit na matapos ang leave ko. Napag-usapan namin ni Max na sulitin ang natitira ko pang tatlong araw. Dahil malapit lang ang unit niya sa isang coffee shop ay doon ko lagi siya hinihintay. Nagkaroon na nga kami ng sariling spot doon. Hindi ko maiwasan na malungkot sa tuwing nandoon kami ni Max. Hindi ko kasi matanggap na nandyan na yung taong para sa kanya. Akala ko kasi mahuhulog ang loob niya sa akin. Masasabi niyo na makapal ang mukha ko at assuming, pero kapag tinamaan ka sa isang tao makakalimutan mo ang lahat ng mga pwedeng isipin at sabihin ng mga tao tungkol sayo.
Pinilit ko na ayusin ang nararamdaman ko. Hindi naman kasi pwede na ganun na lang ako parati kay Max. Hindi din naman ako pinaasa ni Max kaya wala talagang dahilan na maging ganun ang nararamdaman ko. Nang malapit na umalis si Max ay nagdinner pa kami sa unit niya at doon na din ako natulog. Sinulit ko ang pagkakataong iyon. Hindi ko alam kung mauulit pa iyon o hindi na, lalo na ngayon na dumating na si Kristina sa buhay ni Max.
Nakapag-usap din kami ng masinsinan ni Max. Dito ay in-encourage niya ako na ipagtapat sa pamilya ko kung ano ba talaga ako. Pasasaan daw ba ay malalaman din nila. Mas maganda daw na sa akin manggaling kaysa sa iba. Naintindihan ko ang punto ni Max. Siya kasi ay alam ng pamilya niya ang pagiging bisexual niya. Ganun lang naman daw sa una, may galit, pero mawawala din daw. Sa pag-uusap namin ay nakita ko na importante kay Max ang pamilya ko at naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
Ako na din ang naghatid sa kanya sa airport. Kasing bigat ng maleta niya ang pakiramdam ko. Gusto kong umiyak at pigilan siya, pero pangarap niya ang pupuntahan niya at wala akong karapatan na pigilan siya.
"Sige na baka mahuli ka sa flight mo, wag ka mag-alala, okay lang ako, intindihin mo ang sarili mo" at niyakap ko si Max. Pagkatapos ay nakatingin lang sa akin si Max habang nakangiti.
"I'll keep in touch. Phone, facebook, skype, lahat. Please wait for me" at hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ako nahiya sa paghalik niya sa akin at parang nabuhayan ako. Nung makalayo na si Max ay naiyak na ako.
Tinawagan ako agad ni Max pagkarating niya sa New York. Natuwa naman ako sa kwento niya. Muli niya kasing nakasama ang Mommy niya. Pinakiusapan niya ako na kunin sa unit niya ang iPod touch na naiwan niya. Pinapagamit niya ito sa akin at baka masira daw. Bago siya umalis ay iniwan niya sa akin ang duplicate ng susi ng unit niya kaya madali akong nakapasok, kilala din naman ako ng mga security guards doon kaya hindi ako nahirapan na kunin ang pinapakuha niya. Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko pa ang Post-it na #4. Ma-inlove. Tinanggal ko na ito at natupad na ni Max iyon kay Kristina. Pagkakuha ko ng iPod ay binuksan ko ito at puro pictures namin ang laman nito. Napangiti ako habang inaalala ang masasayang araw namin ni Max.
Naglakas loob akong ipagtapat sa magulang ko ang tungkol sa akin. Medyo nabigla ako dahil okay lang daw sa kanila. Matagal na din naman daw nila napapansin ito sa akin at natanggap na daw nila noon pa. Basta kung saan daw ako masaya ay doon din sila. Natuwa ako sa mga narinig ko sa mga magulang ko. Hindi ko din naman inaasahan ang suporta ng mga kapatid kong lalaki. Akala ko kasi magagalit sila sa akin pero kabaliktaran pala ang lahat ng iniisip ko. Masaya ako na sa wakas ay malaya na ako.
Lumipas ang ilang araw ay balik na ulit sa dati ang routine ko. Naging once a month na lang ang live chat namin ni Max. Madalas kasing hindi kami nagkakaabot pag online, kaya sa email na lang kami nagkakakwentuhan. Masaya si Max sa mga kwento niya, nababanggit niya si Kristina pero hindi naman ganun kadalas. Ayoko naman na kwentuhan siya sa mga nararamdaman ko. Gusto ko kasi na maging masaya siya doon at tuparin niya na matapos ang MBA niya. Hinihintay ko na lang na sabihin niya na sila na ni Kristina, para naman macongratulate ko siya.
Sa pagkakataong iyon naisip ko ang mga tinuro sa akin ni Max. Ang kahalagahan ng pamilya at ang magmahal ng walang hinihintay na kapalit. Narealize ko din na malamang destiny talaga na makilala ko si Max, kung hindi dahil sa kanya hindi ko malalaman ang mga bagay na itinuro niya sa akin.
Hindi nagtagal ay sinubukan ko din na dumistansya kay Max. Hindi ko na madalas sinasagot ang mga email niya. Ayoko din kasi na sa akin lang umikot ang oras niya sa kakaemail sa akin, alam ko na mas madami siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin lalo na hindi naman ganun kadali ang master's niya. Tumatawag naman agad si Max at sinasabi ko na lang na busy ako.
Hindi pa ulit bumabalik ng Pilipinas si Max nung umalis siya, yung mga sembreak niya kasi ay ginugol niya sa pakikipagbonding sa Mommy niya at sa mga half-brothers niya. Tanggap ko naman iyon, marahil wala nang dahilan para umuwi pa si Max sa Pilipinas, nandoon si Kristina at ang Mommy niya.
Umabot na sa isang taon ang lumipas. Masasabi ko na nahanap ko na ang dahilan para maging masaya, sa kabila ng lahat ng napagdaanan ko. Single pa din ako, kahit na may nakikilala akong iba ay parang nawalan na ako ng gana magmahal. Hindi naman inamin sa akin ni Max tungkol sa dalawa ni Kristina, tanggap ko na kung magiging sila, sa kabila ng lahat bestfriend ko si Max at susuportahan ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya, ibibigay ko pa ito sa kanya ng walang pag-aalinlangan.
Hanggang sa nag-eemail at tumatawag pa sa akin si Max ay tuloy pa din ang pagreply ko at pagsagot sa mga tawag niya. Alam ko pagtagal ay maaaring maputol na ang aming communication. Hindi naman kasi ako priority ni Max at alam ko naman na may hangganan din ang lahat.
Dalawang New Year, dalawang birthday ko at birthday ni Max at dalawang Christmas Day na ang lumipas simula nung umalis si Max. Tinawagan niya din ako para I-congratulate dahil nakagraduate na ako sa master's. Siya din daw ay gagraduate na sa isang buwan. Gusto ko sana tanungin kung kailan siya uuwi ng Pilipinas pero pinigilan ko ang sarili ko. Masaya ako para kay Max na sa wakas ay natupad na niya ang pangarap niya.
Madalas akong tumambay sa coffee shop na pinagtatambayan namin dati ni Max, naalala ko kasi ang mga sandali namin dito at gumagaan ang loob ko. Makalipas ang ilang buwan ay birthday ko na. Pangatlong birthday ko na ito na wala si Max. At nung birthday ko na ay napagpasyahan ko na magcelebrate mag-isa sa coffee shop. Bumili ako ng cake na maliit at inorder ko ang paborito ni Max na coffee. Umupo ako sa spot namin at sinimulang tikman ang cake.
Nakatanggap ako ng birthday greetings at tawag sa mga kaibigan at pamilya ko. Sinabi ko na lang sa pamilya ko na sa weekend na lang kami magcelebrate dahil nagtatrabaho na din ang mga kapatid ko kapag weekdays kaya weekends lang pwede. Pumayag naman ang parents ko. Pagkatapos noon ay may tumatawag sa akin na walang number. Sinagot ko ito agad.
"Hello, happy birthday!" at nabosesan ko kaagad na si Max iyon.
"Thank you!"
"Nasaan ka? Sorry ha wala ako diyan"
"Nasa coffee shop ako, Max"
"Ikaw lang? Bakit? Birthday mo tapos mag-isa ka lang, pupuntahan kita" at natawa ako sa sinabi ni Max
"Sige kung kaya mo na pumunta dito in 5 minutes, why not?" at napangiti ako.
"Alright!" ang sagot ni Max at naputol ang tawag niya.
Maya maya pa ay may nag-bell at naglabasan ang mga tao. Mahinahon ang mga tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit sila nag-alisan. Sinara na din ng mga crew ang roll ups sa coffee shop, akala ko ay may emergency o fire drill pero relaxed lang ang mga tao doon at nakangiti pa sila. Inayos ko ang mga gamit ko at lalabas na din ako. May isang lalaki na kumuha ng inumin ko, nakasuot siya ng Jabbawockees na mask kaya hindi ko namukhaan kung sino.
"Favorite ko 'to ah?" at tinanggal niya ang mask. Si Max pala iyon at hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya. Natulala ako ng ilang segundo bago ko siya niyakap.
"Happy Birthday!" at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Thank you! Salamat" at nginitian ko siya.
"Max, doon na tayo sa labas, magsasara na itong coffee shop" nginitian lang ako ni Max at umupo siya.
"Pinasara ko talaga 'to para masolo kita, tayong dalawa lang, yung mga tao na nandito kanina, mga kasabwat lahat yun, kaya nung nag-bell sabay sabay silang lumabas" at kumindat si Max.
"Loko ka talaga Maximus, pero thank you talaga" biglang naging seryoso ang mukha ni Max pagkatapos.
"Sorry, iniwan kita ng dalawang taon. Pangarap ko kasi iyon talaga, na makapag-aral doon at makasama ang Mommy at mga half-brothers ko. Naisip ko kasi na kailangan kong buuin ang isang parte ng buhay ko para pagharap ko sayo buo na ako. Alam mo naman na hindi ako lumaki sa mga magulang ko" at hinawakan ni Max ang kamay ko at nagpatuloy siya.
"Sobrang mahirap sa akin na mapalayo sayo. Ikaw lang kasi yung taong nakapagbigay sa akin ng lahat. Yung family mo na mahal ako at yung kaligayahan na ikaw lang ang nakapagbigay sa akin, ngayon gusto ko naman makasama yung taong kumumpleto sa akin" nakita ko ang sinseridad sa mata ni Max.
"Si Kristina?" at uminom ako at hinanda ang sarili ko sa maaaring pag-amin ni Max tungkol sa kanila.
"Maganda at mabait si Kristina, imposibleng walang magkagusto sa kanya. Kaya lang magkaibigan lang talaga kami ni Kris. Hindi kami nagkaroon ng relasyon. Tsaka hindi ako magugustuhan ni Kris, lesbian siya. Alam ko naman all this time alam mo kung sino talaga ang mahal ko"
"So what are you trying to say?" ang sinabi ko kay Max at napangiti siya. Iniba niya ang topic dahil ayaw niya na maiyak ako.
"What I'm trying to say is, bakit mo tinapon yung Post-it number 4 ko?"
"Alin yung Ma-inlove? Akala ko kasi natupad mo na yun with Kristina"
"Pero dahil tinapon mo yun at hindi ko pa natutupad, minodify ko na lang" at may inabot siya sa bulsa.
"Ito ang bago kong #4. Ligawan at maging girlfriend si Kief" at natawa ako.
"Bakit girlfriend? Babae?" at nagtawanan kami.
"Syempre mas masculine ako sayo at ako ang tatayong lalaki sa relasyon natin pag sinagot mo na ako"
"Well said" at nginitian ko siya.
"Ano wish granted na agad? Pahirapan mo naman ako sa panliligaw" at nagtawanan kami. Tinawag ni Max ang waiter at may ibinulong. Pagbalik ng waiter ay dala nito ang coffee na paborito ni Max at ang isang block ng bagong Post-it notes at marker.
"Ito bagong Post-it natin, this time, wala nang Max or Kiefer's wish, our wish na dapat" at sinimulan na ni Max magsulat. Madami dami na din ang mga nasulat namin at inipon ko ito. Maya maya pa ay nagpatugtog ng love song. Tumayo si Max at iniabot ang kamay niya sa akin at tumayo ako. Akala ko isasayaw niya ko ngunit hindi pala.
"Gusto ko lang makita kung may nagbago sayo. Mas matangkad pa din ako sayo pero mas naging sexy ka yata" at nagtawanan kami. Hinawakan ni Max ang bewang ko at hinatak ako papalapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang katawan niya, natunaw ako sa ginawa ni Max at napakapit na din.
"So tell me, do you wish we'd fall in love?" ang nakangiting sabi sa akin ni Max. Tinignan kong mabuti si Max at sinabing
"All the time" at hinalikan ako ni Max sa labi. Puno ng pagmamahal ang halik ni Max. Pagkatapos noon ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"Tara, lets get away. Madami pa tayong tutuparin na wishes" at hinawakan ni Max ang kamay ko at hinalikan niya iyon. Habang papaalis kami ay nagpalakpakan ang mga crew at nagpasalamat kami sa kanila at masaya kaming umalis ng coffee shop nang magkahawak ang kamay.
Kasabay ng pag-aliwalas ng damdamin namin ay tila masaya ang langit para sa amin. Maaliwalas ang sikat ng araw at ang pangako ng magandang bukas na naghihintay para sa amin ni Max.
Sa ngayon ay ginagawa namin ang aming wish #3. Mag-honeymoon.
The End.

COMMENTS