$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Unexpected Love

By: Kei Sabi nila mahirap daw kalabanin ang puso. nung una ay hindi ako naniniwala dito. Aminado ako na masyado kasi akong playboy noon. Unt...

By: Kei

Sabi nila mahirap daw kalabanin ang puso. nung una ay hindi ako naniniwala dito. Aminado ako na masyado kasi akong playboy noon. Until dumating ang isang pangyayari na nagpabago kung sino at ano ba talaga ako...

Hi readers napadpad ako sa page na to dahil may friend ako na laging nagbabasa dito at gusto kong ishare ang boy love story ko. Ako nga pala si Kei, nickname ko po yan. 19 years old (na ngayon dahil nag bibirthday ako pero nangyare to bago ako magbirthday ngayong 2013), matangkad, di gaano kaputian tama lang, gwapo at cute, (wow self confidence) at higit sa lahat ay chinito. May lahi kasing chinese sila mama.

Wednesday nun, day off ko. Napag pasyahan kong bisitahin ang mga pinsan ko sa Guadalupe. At this time ay may girlfriend nga pala ako. Mae ang pangalan nya. Pag dating ko sa Guadalupe ay tuwang tuwa ang mga pinsan kong maliliit dahil may pasalubong ako sa kanilang J.Co Donuts. Buong magdamag ay dun lang ako nakatambay kalaro ang mga pinsan ko at minsa ay kausap si Mae sa phone. Pag dating ng 6 ay nagbalak na akong umuwi sa amen. "Kei dito ka na mag dinner." sabi ng aking auntie. "Di na po auntie, next time nalang po. Xie xie." sagot ko naman sa kanya at tuluyan na talaga akong umalis. Habang nasa taxi ako ay nag vibrate ang phone ko, si mama pala tumatawag. "Hello ma." "Kei, puntahan mo naman ako dito sa may Poblacion, sa may Pertierra st." "Alright ma wait me." sabe ko kay mama. "Manong sa may Pertierra po pala tayo sa may Poblacion." "Sige po sir, buti hindi po tayo out of way." Pagdating ko sa may Poblacion ay nakita ko sila mama na
nagmemeeting pa at naisipan kong pumunta sa A. Venue mall at mag dinner sa Rufo's. Habang nag didinner ay nag vibrate ang phone ko, kala ko si mama or si Mae, pero neither sa kanilang dalawa. Naalala ko na gumagana pala WeChat ko kahit walang wifi through 3G ng Globe (nag endorse pa ng sim card. Hahaha) May nag add saken Vincent ang pangalan. i thought na sya yung Vincent na kakilala ko kaya inaccept ko sya. Pag katapos mag dinner ay bumalik na ako kila mama ngunit di pa rin sila tapos mag meeting kaya tumambay nalang ako sa labas at nag biglang nag message si Vincent

Vincent: Hello
Me: Yow :D
Vincent: Musta?
Me: Ok lang, ikaw?
Vincent: Ayos lang din po tga san ka?

Sa tanung ni Vincent napaisip ako na baka hindi sya yung Vincent na kakilala ko.

M: Makati, ikaw?
V: Makati din, san sa Makati?
M: Near PRC, you?
V: Makati Ave.

That time ay naputol na ang pag uusap namen ni Vincent dahil tapos na mag meeting sila mama at pauwe na kame. Pag uwe namen ay ako na ang unang nag message kay Vincent.

M: Sorry pala if late reply, What's your whole name pala. Parang familiar kasi yung name at face mo sakin.
V: Vincent _______ po. (Sorry cant indicate his last name for privacy na rin po. :))
M: Ahhh alright, so hindi pala talaga ikaw yung kakilala ko. Ilang taon ka na pala?
V: 18 po, ikaw?
M: Same lang, wag ka na mag po same age lang naman tayo.Hehe
V: Sge. Hehe
M: Sorry if FC ako ah, friendly lang talaga ako.
V: Hehe ok lang nakakatuwa nga eh.
M: Bakit naman?
V: Kasi hindi mo ako snob.
M: Hindi naman ako artista para mang snob. hehe.

at patuloy tuloy kaming nag usap ni Vincent hanggang alas tres at nakalimutan ko palang nag aantay si Mae mag text ako at may work pa pala bukas. Simula nun ay naging comfortable akong kausap si Vincent, lagi syang nag tetext at tumatawag sakin kahit hindi pa kami nagkiktia. Tila nakalimutan kong may girlfriend pa pala ako. Saturday, pang gabi pa ang pasok ko sa work nagtext si Vincent sakin na gusto nya na daw akong makita, so sabe ko sa Greenbelt nalang kame magkita tutal sa Greenbelt naman ako nag wowork (isa nga pala akong waiter sa isang resto sa Greenbelt) Maya maya ay tumawag sakin si Vincent. "Bro dito na ako san ka banda?" "Malapit ako sa chapel, hanapin mo nalang kung sino ako. hehe." sabe ko sa kanya. " Hide and Seek pala ang gusto mo ah! Magaling ako dyan." Sinuot ko bigla ang bonnet ko at nag earphone para di nya mahalata kung sino nakalagay ang phone sa tenga. Binaba nya ang phone at nagulat ako ng may biglang umakbay saken. Si Vincent pala. Ngayon ko lang talaga sya nakita. Matangkad si Vincent, kung ako ay 5"8, sya naman ay 5"10, parehas lang kame ng kulay. Gwapo at cute si Vincent. Halata sa kanya na may lahi sya dahil taga London ang father nya ngunit hindi nya ito nakilala. Nag gala gala muna kame ni Vincent bago ako pumasok. That time, nakaramdam ako ng saya nung kasama ko si Vincent, parang nakalimutan kong may mga problema ako, may girlfriend ako at kung ano ano pang bagay na gumugulo sa isipan ko, basta masaya ako. Sa tagal tagal ng ginala namen ay nakalimutan kong late na pala ako sa trabaho. Hinatid ako ni Vincent hanggang sa resto na pinapasukan ko. " Sige bro, pasok na ako. Salamat ah." "Sige bro, next time ulet ah. Salamat din. Text mo ko ah. Kiss ko? Hehe." "Tarantado hehe sige na." at naghiwalay na kame ng landas ni Vincent, maya maya pag pasok ko ay nag text sya. "Salamat ah, next time ulet. Namiss kita bigla. Hehe." Di ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun at di ko na sya nareplyan dahil sinita ako. Hehe.  Break namen sa work at instead na kumain ako ay mas inuna ko pang itext si Vincent. Nagkatext kame at kung ano anong topic na ang napag usapan namen. Maya maya ay may tumawag sa akin, akala ko si Vincent, si Mae pala. "Hello, bakita ka tumawag?" "Wala na miss lang kita." sabe ni Mae. "Tss. Alam mo namang bawal ang phone sa work, Sge na bye" "Ok bye, I love you." at bigla ko nalang binaba ang phone. Pagkatapos nun ay balik na ulet sa work. Pag out ko sa work ay nagulat nalang ako ng nakita ko si Vincent sa tapat ng resto. Sinundo nya pala ako. Napangiti nalang ako ng makita sya. Simula Greenbelt hanggang Malaya Lumbers ay nilakad lang namin habang nagkwekwentuhan. ( sa mga taga Makati, alam nyo yung sinasabe kong Malaya Lumbers, dulo yun ng Makati Ave. Haha ) Halos araw araw ay ganun na ang ginagawa namen ni Vincent at halos nawalan na talaga ako ng time kay Mae. Tuluyan ng nakipag break sakin si Mae at di ko na nagawang ipaglaban sya. Minsan ay pumupunta si Vincent sa bahay at minsan ay ako naman ang pumupunta sa kanila. Kilala na nga sya ng magulang ko at kilala na rin ako ng tito at kuya nya. (tito at kuya nya lang ang kasama nya sa bahay dahil nasa London ang mama nya.) Di ko alam ang gagawin ko pero nagkakagusto na ako sa kanya,. ngunit di ko kayang sabihin sa kanya dahil natatakot ako na baka layuan nya ako. Tuwing linggo ay magkasama kame lagi ni Vincent magsimba sa St. Peter and Paul Church dahil malapit lang sa kanila yun. Kaya nga nung isang beses na hindi kame nag kasama mag simba dahil lumabas kami nila mama ay nagtampo si Vincent sa akin. Di nya ako tinetext at di nya rin sinasagot ang tawag ko kaya pumunta ako sa kanila ngunit hindi sya bumababa. Bumaba lang sya nung nakita nyang basang basa na ako sa ulan sa tapat nila. Haha. Dumating ang isang araw na nagulat na lang ako sa pangyayari. After namin mag simba ay dumiretcho kami sa kanila. "Bro anong gusto mo Sprite or Coke?" tanong ni Vincent. " Kahit ano bro, basta galing sayo. Hehe." pabiro kong sagot. Binigyan ako ni Vincent nun ng Sprite, buti nalang Sprite dahil favorite ko yun at sumasakit tyan ko pag umiinom ako ng Coke. " Oh andito na pala kayo." Andun pala ang tito ni Vincent, si tito Ian. "Uy tito Ian, bihis na bihis ah, san ang lakad?" tanong ko kay tito Ian. "May pupuntahan lang akong meeting Kei, sige maiwan ko muna kayo dito, Vincent pakainin mo si Kei ah." "Sige po tito ingat po kayo." at tuluyan ng umalis si tito Ian at kaming dalawa lang ang naiwan. Lumapit sakin si Vincent at nakatitig lang saken. "Bro, may problema ba? bat tulala ka?" tanong ko sa kanya. "Kei, may sasabihin ako sayo ah." "Sige ano yun?" pag sabi ko nun ay nagulat ako sa biglang nangyare, hinalikan ako ni Vincent sa labi. Kala ko ay nananaginip lang ako, wala na kaong nagawa kundi halikan din si Vincent. "I love you Kei." "Mahal din kita Vincent." yan ang huling salitang nasabi namin sa isa't isa bago kame tuluyang pumasok sa kwarto at dun nangyare ang first sex naming dalawa. Nung araw na din yun ang naging kame ni Vincent. Di ko mailathala ang kasayahang nararamdaman ko nung araw na yun. Nag quit ako sa job ko para lagi kong makasama si Vincent. Halos araw araw na ata kami magkasama ni Vincent. nuod ng sine, lunch or dinner sa labas, tambay sa mga mall. Wala na atang makakapaghiwalay saming dalawa. Minsan nga ay dun ako natutulog sa kanila at minsan sya naman ang natutulog samin. Walang nakakaalam ng relasyon namin kundi ang best friend ko lang na si Sven. Ngunti dumating ang isang araw na halos hindi na sya nagtetext. Pumupunta ako sa kanila ngunit lagi siyang wala. Tumatawag ako sa kanya pero hindi nya sinasagot. Kung ano ano ang naisip ko nun, baka busy lang sya sa school o baka may nakita na syang bago, natatakot ako na baka mawala sya saken at dumating nga ang araw na yun. Ang araw na kinatatakutan ko.

V: Babe?
M: Uy babe, bakit hindi ka nagtetext?
V: Babe sorry pero may mahal na akong iba. :(
M: Nakikipaghiwalay ka na ba? Ganun ganun nalang yun? :(
V: Oo, sorry. :(

Biglang bumuhos ang luha sa aking mga mata.(Pati ngayon may luhang pumatak sa mata ko, naalala ko kasi sya bigla. hehe.) Parang gumuho ang mundo ko, tumatawag sya pero hindi ko sinasagot. Tuluyan na talaga kaming nag hiwalay. Iniwan ko pa naman ang ex at work ko para sa kanya. Huhu. Ilang araw din akong nagkulong at nag muni muni sa kwarto at pilit kinakalimutan ang mga nangyare. Ilang araw/linggo rin ang nakalipas bago ako tuluyang naka recover at magbalik sa dating ako.

*Conve between me and Sven sa text*

Sven: Kei balita? Kamusta ka na?
Me: Eto still alive. I'm perfectly fine.
S: Ulul! Perfectly fine ka dyan. Kilala kita.
M: Oo nga! ok na ako. Hehe.
S: Sige na nga lang, onga pala birthday ni Peter ngayon, punta ka ah.
M: Oo naman, sige maliligo at pupunta na ako. Kita kits nalang.

Pagkatapos namen magkatext ay naligo at nagbihis na ako. Pumunta ako sa isang restobar sa may Kamagong. Sa pagkakatanda ko ay Clump ata ang pangalan ng restobar. "Yun! Dumating din ang emo ng taon!" Pag pasok ko ay yan agad ang sinigaw ni Sven. Nag inuman kaming tropa at dahil may banda ay nirequest ng birthday boy na kumanta ako sa stage. (Singer ata to. Haha.) Habang nasa stage ay nirequest ko ang kantang I'll never get over you getting over me. Hehe. "But all i found is my self always thinking of you..." Habang nasa linyang yan ang pagkanta ko ay nagulat nalang ako ng may grupo ng kabataan ang nsa pintuan ng restobar. Sila Vincent pala yun, kasama ang boyfriend nyang bago at mga kaklase nya. (Bakit kasi pag kinakalimutan mo na yung tao bigla bigla ulet nagpaparamdam. Yung pinatay mo na nga sa isipan mo nabuhay pa ulet .hayyyy). Medyo napahinto ako sa pagkanta ngunit pinagpatuloy ko pa rin yun ng biglang may sumigaw. "Hayaan mo na yun Kei! Si VH lang yun!" si Sven. Nang aasar na naman. Medyo natawa ako nun at napatingin kila Vincent parang nakita ko ang pag dududa sa itsura ni Vincent at parang napag tanto nya na rin na sya pala yung VH at napatingin sya kay Sven. Pag katapos kumanta ay dumiretcho ako sa CR ngunit sinundan pala ako ni Vincent, pag labas ko ng cubicle ay nakita ko syang nag aabang sa pinto. "Kei, sorry. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin pala kita." sabi sakin ni Vincent. "Ok lang yun. Good luck sa inyo ng boyfriend mo ah." sabay ngiti at bumalik na ako dun sa mga barkada ko. Tila palingon lingon ako sa lamesa na kinauupuan nila Vincent at napapansin ko na napapalingon din sya sa akin. Kinabukasan nung araw na yun ay nakausap ko ang lola ko na nasa Hawaii. "Kei, sabi sakin ng mama mo ay medyo tulala ka raw nung mga nakaraang araw? ano bang nangyayare sayo apo?." "Ok lang ako la, medyo na depress lang ako nung mga nakaraang araw." "Ano ba kasing nangyare apo? May ibabalita ako sayo. Nasa mama mo na ang mga papers mo. Pwede ka ng tumira dito sa Hawaii. Kung dati ay bakasyon lang ngayon ay pwede ka ng tumira dito ng tuluyan. At ng nakahinga ka naman apo." Di ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa ibinalita sa akin ng lola ko. Matutuwa dahil pangarap ko talagang tumira dun, malulungkot dahil may maiiwan akong mga tao dito. Napag desisyunan ko na tumira nalang dun. Makapagsimula ng panibagong buhay. Iwan ang mga bad memories dito sa pilipinas. Lahat ng kaibigan ko ay alam na ang pag alis ko pero hindi ko pa ito nabanggit kay Vincent. Bago ako ay umalis ay ginawa ko na ang lahat ng bonding with friends dito. "Kei, bago ka umalis ng lubusan, simba naman tayo" sabe saken ni Sven. "Sige san ba?" "Sa may St. Peter and Paul." Medyo natulala ako sa sinabing church ni Sven. "Joke lang Kei. Anu ka ba di ka mabi.." "Di Sven, Sige dun tayo magsimba." sabi ko ng nakangiti. Pero tila nagtataka si Sven at nakatingin lang sya sa akin. At dun nga kami nagsimba ni Sven. Paglabas namin ng simbahan ay nakita ko si Vincent na papasok ng simbahan, kala ko sya lang mag isa ngunit nasalikod pala si Pao, yung boyfriend nya. Nag lakad lang kami ng diretcho ni Sven at ng makalagpas sa kanila ay tinawag ako ni Vincent. "Kei. kamusta?" Napahinto ako at napalingon ngunit di ako nakatingin sa kanya kundi sa sahig ako nakatingin. "I'm fine, Sige Vincent we need to go na, Tara Sven." Tinawag ko si Sven ngunit nakahinto sya at nakatingin lang kay Vincent. Dumiretcho nalang ako at iniwan ko si Sven sabay sakay ng taxi. "Manong sa may prc po tayo." Habang nasa taxi ako ay tumatawag sakin si Sven ngunit di ko sinasagot. Maya maya ay may biglang luha na tumulo sa aking mga mata. Kala ko naka move on na ako. Hindi pa pala, nasasaktan pa rin ako pag nakikita ko silang dalawa... Makalipas ang ilang araw at flight ko na bukas ay napagisipan namin ni mama na sa Manila Peninsula nalang muna kame mag check in. "Kei, sigurado ka ba na gusto ko na tumira sa Hawaii? You can still back out pa naman." "No ma, desidido na po ako." "Alright son kung yun ang gusto mo, naka pagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo?" Natigil ako sa ginagawa ko at bigla kong naisip na hindi pa pala ako nakakapag paalam kay Vincent. Hawak ko ang phone at nag dadalawang isip ako kung itetext ko si Vincent, pero sa huli ay nag paalam pa rin ako sa kanya. "Vincent, eto na siguro ang last text ko sayo, wag ka mag alala di ko kayo guguluhin. Gusto ko lang sana ipaalam sayo na flight ko na bukas papuntang Hawaii. Dun na ako maninirahan kasama ang lola ko. Salamat sa lahat Vincent at paalam." Sinend ko na yun kay Vincent at maya maya ay bigla syang tumawag.

V: Hello
M: Hello bakit?
V: Asan ka?
M: Dito kame naka check in ni mama sa Manila Pen.
V: Antayin mo ako dyan sa lobby.
M: Huh? Bakit?
V: Kei di ko kayang mawala ka. Wala na kami ni Pao, mahal pa rin kita?
M: Bakit mo ginawa yun? Bakit ka nakipaghiwalay kay Pao?
V: Mahal pa rin kita Kei, si Pao ang nakipag break sakin dahil nakikita nyang mahal pa rin kita. Itetext na sana kita kaso bigla ka nmang nagtext.
M: Mahal pa rin kita Vincent.
V: Antayin mo ako dyan sa lobby, please wag ka ng tumuloy. please..
M: Sige aantayin kita Vincent.

Bumaba ako ng lobby para antayin si Vincent. Ngunit lagpas na ng 3 oras at wala pa rin si Vincent, tinatawagan ko sya ngunit cannot be reached na sya. Inisip ko na baka niloko lang ako ni Vincent at pinaglaruan lang nung oras na yun kaya umakyat nalang ulit ako sa room namen. Flight ko na ngunit di pa rin sya nag tetext. Kaya tuluyan na talaga akong lumipad papuntang Hawaii. Pagdating ko sa Hawaii ay nilapag ko lang ang gamit ko at naglakad papuntang beach( 30 minutes lang kasi na lakaran dito papuntang beach.) Pagdating ko dun ay nag isip isip ako at nirefresh ang utak ko. Sabi ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na iiyak ako para sayo Vincent. at tuluyang ngang bumuhos ang luha ko. Gabi na at kailangan ng bumalik dun sa amin. Pagdating ko ay naghapunan ako at pagkatapos ay nag facebook. Tinitignan ko ang mga pictures ko ksama ang mga tropa ko at nabuksan ko ang isang folder na pictures kasama si Vincent ng biglang may nag chat saken. Si Chaez. Best friend ni Vincent.


Chaez: Kei? :(
Me: Oh chaez? problema?
Chaez: Wala na si Vincent. :((
Me: HUH?!!! Panong wala na?!
Chaez: Nung papunta sya sayo sa Manila Pen. Tinakbo lang ni Vincent yun. kaso na hold up sya sa may burgos, nung di nya binigay yung phone nya, sinaksak sya nung holdaper. :((
Me: Chaez di magandang biro yan ahh.
Chaez: Di ako nag bibiro Kei. :((

Napaluha ako sa sinabi sakin ni Chaez, di ko alam ang mararamdaman ko nung mga oras na yun. Parang gusto kong bumalik ng Pilipinas para sa kanya. Gusto kong pumunta ng burol nya, kaso di pwede. Dito ko na realize na sandali lang talaga ang buhay ng tao. Di ko masasabi kung kelan ka babawian ng buhay.

Vincent kung nasan ka man ngayon, alam kong ginagabayan mo ako. Sorry dahil ako ang naging dahilan kung bakit ka binawian ng buhay. :( Sana masaya ka na dyan, sa feeling ni God. Lagi mo kong babantayan ah. Mahal na mahal kita Vincent. Tandaan mo. Ikaw ang FIRST and LAST boyfriend ko. Sa sandaling oras na nagkasama tayo, tinuturing ko yun na kayamanan ng buhay ko. Lagi mo kong gagabayan ah. Sorry kung di ako nakapunta ng burol mo. Kung pwede lang talaga akong umuwi. Miss na kita ng sobra. I Love You Vincent! (December 10, 1994 to August 5, 2013)

At dito po nag tatapos ang Unexpected Love ko. :)

Salamat po at sana ma share po ito sa blogspot nyo, mabuhay po kayo. :)

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Unexpected Love
Unexpected Love
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjlfMxWQiEqw477EHlYkKrVPFpAdLY0WhY-Gn-GiZMFlWJ_3djv0fQjax1dfbxqXtiZKOShhsT6G7VXkLQm57R_hyphenhyphen_B7NNQRJlKYIibxkNbxGj4eRdJrZqFKdpsQ1NwTZBS-iIXAZMT9tKg/s400/251800_467613949924686_1156046196_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjlfMxWQiEqw477EHlYkKrVPFpAdLY0WhY-Gn-GiZMFlWJ_3djv0fQjax1dfbxqXtiZKOShhsT6G7VXkLQm57R_hyphenhyphen_B7NNQRJlKYIibxkNbxGj4eRdJrZqFKdpsQ1NwTZBS-iIXAZMT9tKg/s72-c/251800_467613949924686_1156046196_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/09/unexpected-love.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/09/unexpected-love.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content