By: Cedie January 1, 2012 Hi guys, Happy new year po sa inyong lahat. Pasensya na po kung hindi na ko nakakapagpost ng mabilis dahil naging ...
By: Cedie
January 1, 2012
Hi guys,
Happy new year po sa inyong lahat. Pasensya na po kung hindi na ko nakakapagpost ng mabilis dahil naging busy po sa work at nawalan ng time sa pagsusulat. Kamusta po ang new year niyo? Sorry uli kung di ako makakapagpost ng bagong chapter ngayon pero mag fast forward po ule tayo ngayon dahil may gusto din po akong ishare sa inyo ngayon sa mga nangyari sakin bago mag new year hanggang sa pagsapit ng eksaktong oras na ito, 2:35 am.
December 26, 2011. Isang buwan na kami mula nung maghiwalay ng tuluyan ni Van kahit bilang magkaibigan. Ang akala ko tulad ng ibang mga nameet ko dati, kapag nawala ng medyo matagal ay parang mababalewala ko na lang ang lahat ng mga nangyari sa amin. Inisip kong tulad lang din ang lahat ng nangyari sa mga tao na nameet ko dati na pawang isang malaking "trip" lamang. Ngunit sino nga ba naman ang lolokohin ko? Na sa tuwing paggising ko ay palagi kong hahawakan ang iPhone ko para magtxt ng gudmorning tapos buburahin ko din agad dahil nangako nga pala kong hinding hindi ko siya guguluhin pa dahil nga sa iyon ang gusto niya. Pagkatapos nung pasko ay hindi na ko nakakatulog ng maayos, wala naman akong iniisip na gaano pero mas naging malala yung insomnia ko. Isang oras na nga lang ang tulog ko sa bawat araw at nakakatulog ako sa trabaho, mabuti na lamang at hindi ako nahuhuli na natutulog dun kundi malilintikan ako.
Gusto ko ng magpacheck up sa doktor sa kalagayan ko pero alam ko din naman ang sasabihin nila, na stress lang iyon at kailangan kong magpahinga ng mabuti ng walang ibang iniisip. Tumatakas ako sa tuwing mga alas dos ng madaling araw para lang magmotor at magpahangin. Nagmomotor lang ako ng hindi ko alam kung saan ako tutungo. Minsan tatambay ako sa isang park malapit sa amin para lang umupo, tumingin sa madilim na paligid para patayin ang oras. Pang napagod ako ay uuwi na din sa bahay at susubukang matulog. Naging gawain ko yun these past few days para lang malimutan kahit papano ang mga problema ko.
Minsan naisip ko, masaya kaya ngayon si Kiko kung nakikita niya kong ganito? Na nahihirapan at hindi alam kung anong gagawin dahil sa wala ka talagang masabihan ng personal ng mga problema mo. I always look cool to some of my friends, I always wear that mask kaya wala talagang makakita ng kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa loob. Sa pagsusulat ko nitong blog na ito ay nagkaroon ako ng mga readers at nagpapayo sa akin ng mga bagay bagay kung paano ako makakaforward sa buhay ko. Nagpapasalamat ako kahit papano dahil concerned sila sa akin kaso ang problema is ako pa din naman yung may choice sa kung ano ang gagawin at hindi ko gagawin. Ang mahirap kasi sa sitwasyon ko ay laging puso ang umiiral sa isang tulad ko.
Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko to, ngunit sa bawat gabi na nakikinig ako ng mga kanta bago matulog, hindi naman sa naging iyakin na ako pero pag nakakarinig ako ng kanta na tumatagos sa puso ko ay hindi ko napipigilang umiyak. Sabi nila, mas maganda daw na ilabas mo yung mga sama ng loob mo sa pamamagitan ng pag iyak hanggang sa mapagod ka na sa ginagawa mong ito. Naku, kung makikita niyo lang ang itsura ko, yung eyebags ko ay sobrang laki na ng dahil sa pagkapuyat at pagiyak gabi gabi. Napansin na nga din to ng mga kasamahan ko sa work at sinabing magpahinga naman daw ako kahit isang araw man lang nang wala talagang iniisip. Ganun na ba ako kadaling mabasa? Ang huling huli na ayaw kong mamngyari is dalhin ang problemang personal sa trabaho dahil mas maapektuhan ako nun pero sa tingin ko kusang nagkakapatong patong na sila para maging komplikado ang lahat.
Itong blog na ito na lamang yung nagiging way ko para mailabas yung ibang sama ko ng loob. Pagpasensyahan niyo na kung naging madrama na ito. Maniwala man kayo o hindi, maski ako man ay gusto kong maging masaya tong kwento ko. Pero tulad din ng sabi nila, hindi lahat ng story ay laging may happy ending, ang nasa isip ko naman, ending na ba talaga to ng story ko?
Gusto kong ishare yung nangyari saken nitong December 31 hanggang sumapit itong bagong taon. Dahil sa sobrang kagustuhan kong makalimot ay nililibang ko ang sarili ko sa pagsusugal. Habang naglalaro ako buong hapon ay halos limang beses yata tumugtog yung theme song namen ni Van. Alam ko wala ng epekto sa kanya yun pag naririnig niya, pero sakin malaki pa din ang impact ng kantang yun. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing naririnig ko yun ay naaalala ko yung mga masasayang memories naming dalawa. Tapos may reader pa na nagtext sakin na natutuwa sa story namen, na parang normal na boy-girl relationship ang kwento namen ni Van at natutuwa siya at naaliw kahit hindi pa niya natatapos. Ang swerte daw ni Van dahil bihira lang daw ang mga tao na nagmamahal ng tunay at totoo. Naisip ko na naman, swerte nga ba talaga siya o ako yung swerte dahil kahit papano ay naranasan ko uli yung magmahal at mahalin?
Lastly, pagsapit lang nung new year, napansin ni Mama na matamlay ako at itinanong niya kung may problema ba ko dahil sa napapansin daw niya na pilit yung mga ngiti ko. Ang mga nanay nga naman, yan ang mahirap sa kanila eh, kahit anong tago mo ng problema mo ay makikita at mararamdaman nila yun. Pero syempre nag deny naman ako na kulang lang sa tulog kaya ganun at natanggap naman ng Mama ko ang sagot ko, wew Nagvivideoke kame kanina ng mga kapatid ko nang sinimulan ng ate ko na kumanta ng isang slow song dahil gusto lang daw niyang kantahin iyon, hindi ko naman alam kung bakit. Nang magsimula na yung kanta, nagulat ako sa kanta. Ou medyo luma na iyon pero parang ngayon ay talagang nakakarelate ako sa mga titik ng kantang iyon.
Bakit ba hindi ko mapigilan ang
Nadarama ng puso ko
Kahit pa alam kong meron kang iba
Hindi pa rin magbabago and damdamin ko
Nung una eh medyo natatawa pa ko kasi nagkakamali sa lyrics si ate, pero nung sumunod na verse na, napatahimik ako at napatingin sa screen.
Kaya kong ialay ang lahat sa iyo
Kahit ako'y di mo gusto
Nais lang na minsa'y makapiling ka
At minsa'y madama na akin
Parang tinamaan na ako dito, kasi ganito ako magmahal. At isa pa, gusto ko siyang makita muling nakatawa. Kahit hindi niya ko makita, kahit maging stalker type lang ako tapos makita ko lang na masaya siya ay ayos na sa akin.
Kahit Sandali
Pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang
Mayakap ako at mahagkan kahit di mo mahal
Ang pag-ibig ko'y sa iyo lamang
Sa maniwala kayo o sa hindi, dati kapag kinakanta to ng kapatid ko ay tinatawanan ko lang. Pero kanina nung kinakanta na niya to, naaalala ko si Van. Bigla na lang akong napaluha at lumabas ng living room tapos nagpunas ng luha sa terrace. Umupo ako dun habang pinapatahan ko ang aking sarili, ayokong makita ako nina mama na nagkakaganito. New year at lumuha ako, ibig bang sabihin nun ay magiging malungkot ako buong taon? Napabulong ako sa sarili ko, "Happy New Year Bunso, naiisip mo pa kaya ako?" Hindi na nya ko mahal, alam ko yun, pero sana nga, kahit sandali, mayakap ko man lang siya at mahagkan uli, masayang masaya na ko. Alam niyo ba na magiging kumpleto yung new year's wish ko pag nagkita uli kami. Hindi ko alam kung mangyayari pa iyon pero nagpromise ako sa kanya dati, "Na siya lang ang lalaking mamahalin ko at siya ang pinagbigyan ko ng puso ko."
Ang korni ko ba? Hehe. Kung alam niya lang sana na ito yung gusto kong mangyari. Na gusto ko lang na makita siyang masaya na talaga sa nangyari. Hindi ko alam kung kelan ako magiging okey o magiging masaya. Pero as long as masaya na siya ngayon, masaya ako para sa kanya. Iyon naman kasi yata ang pagmamahal eh, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo kahit ang pagkawala mo sa buhay niya ang magiging dahilan para maging masaya siya ng tuluyan.
Alam kong alam niya na gumawa ako ng blog tungkol sa story namen pero hindi ko alam kung binabasa niya to kasi gusto na nga niyang kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin. Kaya dahil hindi naman niya mababasa to, gusto kong sabihin sa kanya, "Bunso, Happy New Year, I Loved You, and I'm very sorry to say, I still do. Kahit napakaliit o wala na talagang chance na magkita tayong muli, mamahalin kita mula sa malayo at tutuparin ko ang promise ko sayo dahil sabi mo nga patunayan ko kung gano kita kamahal."
Hanggang dito na lang po muna uli. Next na pong chapter is yung nangyari after nung pakikipagmeet namen with Eric. Sana po patuloy niyo pa din pong subaybayan ang blog ko kahit malapit na itong matapos.

COMMENTS