$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Eng21 (Part 36)

By: Cedie XXXVII. The Breakup Habang nasa bus ay wala na kong nareceive na txt mula kay Van o kay Eric. Halos wala na namang sigla sa mukh...

By: Cedie

XXXVII. The Breakup

Habang nasa bus ay wala na kong nareceive na txt mula kay Van o kay Eric. Halos wala na namang sigla sa mukha ko nung mga oras na iyon. Dumating ako sa bahay ng mga alas-tres ng madaling araw at wala akong imik nang tanungin ako ng Mama ko kung saan ba ako nanggaling. Ibinigay ko na lamang ang sweldo ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto. Pagkapasok ko ay ni-lock ko agad ang aking kwarto at humiga sa kama at tuluyan ng umiyak hanggang sa nakatulog.

Nagising ako ng alas sais ng umaga at natanggap ko ang text ni Van na nag aalala daw siya sa kung nasaan na ba ako at kung anong nangyari, nagpanggap na lang ako na ok ako at sinabi kong hihintayin ko na lang na magkita kami para makapagusap ng maayos. Sinabi ko na kung pwede na sa susunod na biyernes ay magusap kami ng seryoso, pumayag naman siya at sinabi niyang gusto niyang maging maayos ang hiwalayan namin. Nagulat ako at nasaktan nang mabasa ko iyon. Ang ibig sabihin ay nakapagdesisyon nga siya na maghihiwalay na nga kami. Hiniling ko nun na sana hindi na dumating pa ang araw na iyon.

Napakatamlay ko sa trabaho, nahalata iyon ng mga kaibigan ko at itinatanong kung ayos lang ba ako. Nakikipagbalikan ako kay Van nun kahit hindi pa man talaga kami.
Habang kumakain kame ng mga kaibigan ko ng lunch ay katext ko si Van, itinatanong ko kung ano na lang ba ang nararamdaman niya sakin. Napaiyak ako nang mabasa ang reply niya, "Awa na lang ang nararamdaman ko sayo." Nakita ito ng mga kasamahan ko at hindi ko napigilang mag walk out habang kumakain. Kinausap ako ng dalawang lalaki kong kasama at tinatanong kung ayos lang ba talaga ko at ipinabasa ko ang text ni Van. Babae ang pangalan niya sa cellphone ko para hindi malaman ng mga kasama ko na lalaki pala ang inaakala nilang girlfriend ko. "Ang kapal ng mukha niya pare, dapat di mo yan iniiyakan. Move on man!" , sabi ng isa kong kasama. Pinahid ko ang mga luha ko dahil ayokong magmukhang mahina sa trabaho at hindi ko na muna inisip o tinext si Van ng mga araw na iyon.

September 23, 2011
Dumating ang araw ng biyernes at nagtext si Van sa akin at humihingi ng tawad sa mga nasabi niya sa akin, sinabi niya na maguusap kami ng maayos mamayang gabi para maging okay ang lahat. Kinakabahan ako dahil ayoko na ngang dumating ang araw na ito, pero sa isang banda ay gusto ko na ding makita si Van dahil isang linggo kaming hindi nagkakausap ng maayos at puro problema lang ang nangyari. Hindi ko alam kung maaayos pa ba ang mayroon sa amin o sadyang matatapos na lang ito lahat ngayong gabing dadating.

Nagkita kami ni Van sa Cubao pagkatapos ng aking trabaho, bumili na kami ng pagkain sa isang malapit na fastfood doon para dire diretso na kami sa pupuntahan namen. Sa unang pinuntahan namen kami nagpunta, na malamang ito na ang magiging huling beses na magpupunta kami dito. Nang makarating kami sa pension house ay sabay na kaming pumasok at nagbayad ako sa teller at dumiretso na kami sa kwarto. Pagkapasok ay dumiretso siya sa kama at humiga at ako naman ay naupo sa gilid ng kama. Sinabi niya na gusto niya munang magpalabas bago kami magusap ng maayos pero ako naman ay seryoso kaya hindi ko pinatulan ang biro niya. Mariin kong itinanong sa kanya sa seryosong tono ang kanyang sinabi, "Totoo ba ang sinabi mo na awa na lang ang nararamdaman mo sakin?". Biglang nagiba na din ang itsura niya at sinabi niya sa akin na, "hindi naman, siguro dahil inis na inis lang ako sa mga ginawa mo nun kaya nasabi ko yon. Itinanong ko sa kanya kung may nangyari sa kanila ni Eric nang iwanan ko sila, sumagot siya na wala naman na daw, tanging hinalikan lang daw siya nito at niyakap buong gabi. Gusto ko man maniwala ngunit sa loob loob ko ay may magagawa ba ko kung malaman ko kung may nangyari pa sa kanilang iba maliban sa mga sinabi niya? Nagusap pa kami ng kung anu-ano hanggang sa itanong ko na sa kanya ang ikinatatakot ko.

"So ano ang naging desisyon mo bunso?", "Kuya, magbreak na nga tayo, mas magiging ok to para sa ating dalawa." Halos madurog ang puso ko sa mga sinabi niya at wala na akong nagawa kundi tanungin kung bakit. Nagpaliwanag siya na nung iniwan ko silang dalawa ni Eric ay nagpromise sila sa isa't isa na magiging matino na daw, na balak niya sa hinaharap na bumuo ng isang pamilya at wala na ako sa mga plano niya sa hinaharap. Gusto daw niyang gayahin si Eric na may planong magkapamilya balang araw at maging straight uli. Nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya, naging malakas ang impluwensiya sa kaniya ni Eric na nakilala lang niya nung araw na iyon over sa akin na naging boyfriend pa niya sa halos tatlong buwan naming magkasama. Sinabi niya sa akin na para din daw sa akin ang ginagawa niyang ito at ayaw niya na masaktan pa ako sa huli kapag dumating na ang araw na iyon, hindi ko na napigilan ang umiyak sa mga nangyayari. Sinabi ko na mahal na mahal ko siya kaya nagmakaawa ako na sana isipin niya ang mga desisyon niya ngayon. Hindi ko na din naman nabago ang isip niya at bigla niyang pinutol ang usapan ng sabihin niyang magbibihis lang siya sa banyo. Pagpasok niya sa banyo ay pinakialaman ko ang cellphone niya at nabasa ko na may mga text si Eric sa kanya. Parang ang sweet sweet nila kaya nagulat na lamang ako at nasaktan. Paglabas niya ng kwarto ay inagaw niya ang cellphone niya at sinabing, "hindi ka dapat nakikialam ng gamit ng may gamit!" "Si Eric ba? Bakit magkatext kayo? Siya na ba ang mahal mo kaya mo ginagawa to?", mangiyak ngiyak kong sabi. "Hindi, magkaibigan lang kami, ako nagsabi sa kanya na wag sabihin na magkatext kami dahil alam ko na ganito ang mangyayari. Aalis na ko." Akmang magbibihis siya ngunit niyakap ko siya, "Van, please, pagusapan naten to, wag mo naman akong iwan oh." Umiiyak na ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon at umupo siya sa tabi ko, nagsimula siyang magsalita, ngunit bago pa man siya magsalita ay umiyak na din siya, hinding hindi ko malilimutan ang mga sinabi niya sa akin nung gabing iyon habang umiiyak siya, "Kuya hirap na hirap na ko, na sa tuwing gumagawa ako ng masama ay nasasaktan kita, napakabait mo sakin at marami ka nang ginawa para sa akin, nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal mo, gusto kitang maging matatag kahit wala na ako, matuto kang tumayo sa sarili mong paa at wag kang aasa sa ibang tao sa pagiging matatag mo." Sa mga narinig kong iyon ay hindi ko napigilan na maalala ang aking bestfriend na si Kiko. Halos pareho sila ng sinabi ni Van sa akin, mahina ba talaga ako? Umaasa ba talaga ako sa mga taong nakapaligid sakin o sadyang ito lang ang daan nila para makapagpaalam ng hindi ako tuluyang masasaktan? Sinabi ko kay Van na iyan din ang sinabi sa akin ni Kiko bago pa man siya huling mawala at natahimik siya. Ilang minuto ang lumipas at nakatalikod lang ako sa kanya at siya ay nakahiga lamang at nakatingin siguro sa kisama ng kwarto. Humarap ako sa kanya, umupo kame (indian sit) sa kama, nagsimula akong magsalita, "Bunso, mahal na mahal pa din kita, papayag ako sa gusto mo kung para sa atin ba talaga to, pero eto ang pakatatandaan mo ha, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko ng buong buhay ko, ikaw lang ang may ari ng puso ko, at kahit anong mangyari, kung maging desisyon mo man na bumalik sa normal, magiging masaya ko para sayo, pero kung sakaling hindi mo na kaya, andito pa din ako handang antayin ka, kapag hindi mo kinayang panindigan iyan, balikan mo ko, pangako ko na hinding hindi ako aalis, ikaw lang ang mamahalin ko." Umiiyak ako at niyakap ko siya, nararamdaman ko pa din ang mga hikbi niya at hinintay ko ang sagot niya. "Kuya, alam mo bihira lang ang mga tao na tulad mo, yung tunay ang pagmamahal, pero ayokong maghintay ka sa wala, wag mo paikutin ang mundo mo sa akin, dahil hindi yata tayo ang para sa isa't isa.", "Sssh, wag mo isipin yun, basta nangangako ako, mahal kita at andito pa din ako kung sakaling babalik ka." "Sige kuya, i promise, na ikaw ang unang unang tatakbuhan ko kung sakaling hindi ko kayanin na panindigan ang desisyon ko. Salamat kuya, ITO ANG ISA SA PINAKAMASAYANG BREAKUP sa lahat." Hindi ko na talaga napigilan ang lumuha uli habang nakangiti sa mga sinasabi niya. Sinimulan kong magpakatatag kunwari at sinabing, "oh siya, tama na to, ilang oras na lang tayong magkakasama, sulitin na natin, yakapin mo ko sa huling gabi na makakasama mo ko ha." Tumango naman siya at tuluyan na kaming natulog. Hindi niya alam ay pinagmamasdan ko lang siya nung gabing iyon habang natutulog siya, gusto kong tandaan ang mukha niya, ang mga mata niyang tumutunaw sa akin kapag tinitignan ko siya, ang kanyang ilog, ang kanyang labi na nagpaparamdam sakin kung gaano niya ako minahal. Hinding hindi ko malilimutan si Van na naging parte na ng buhay ko, na nagpasaya muli sa akin at nagbigay ng mga ngiti mula ng mamatay ang aking bestfriend. Alas kwatro na ng madaling araw nun, isa't kalahating oras na lang bago kami tuluyang maghiwalay. Naisip ko na hilingin sa kanya na isama ako sa kanila para kahit papaano ay malaman ko lamang kung san sila nakatira. Paggising niya ay alas singko na ng umaga, nagpanggap akong kagigising ko lang at sinabi kong 30 minutes na lang ang natitira sa amin, hindi ko na naman napigilang umiyak, anlaki laki kong tao pero naging iyakin ako, niyakap niya ako at sinabing tumahan na ko at hindi bagay sa akin ang umiiyak. Sinabi niya na magpapalit na siya ng sim card para simulan ang pagbabago na plano niya. Pumayag naman ako at sinabi niyang itetext na lang daw niya ako para ipaalam ang number niya. Nagbihis na kami at mahahalata mo ang lungkot sa aking mga mata habang ginagawa yun, bago kami lumabas ng pension house ay kumuha ako ng litrato naming dalawa na magkasama, for the last time, hinalikan ko din siya sa kanyang mga labi at tinanong ko kung papayag na ba siya na ihatid ko siya sa mismong bahay nila at pumayag naman ito.

Lumabas na kami ng pension house at nagsimula nang magbiyahe papunta sa kanila. Sumakay kami ng jeep papuntang Cubao at pagkatapos nung ay sumakay naman ng bus. Habang nasa bus, ay nakikinig ako ng music, hindi ko napigilang mapaiyak ng mapakinggan ko ang kanta ng train, ang Marry Me.


Forever can never be long enough for me
Feel like I've had long enough with you
Forget the world now we won't let them see
But there's one thing left to do

Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way
Marry Me
Today and every day
Marry Me
If I ever get the nerve to say
Hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm

Together can never be close enough for me
Feel like I am close enough to you
You wear white and I'll wear out the words I love
And you're beautiful
Now that the wait is over
And love and has finally shown her my way
Marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm

Promise me
You'll always be
Happy by my side
I promise to
Sing to you
When all the music dies

And marry me
Today and everyday
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will

Sa bus ay tumutulo ang luha ko habang pinakikinggan ko ang kantang iyon, lalo na sa bandang bridge, "promise me that you'll always be happy by my side". Alam kong maghihiwalay na kami pero kailangan kong tanggapin ang mga nangyari. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko dahil wala na akong tanging aasahan na makakatulong sa akin kundi ang aking sarili lamang.

Pagdating namen sa kanilag bahay ay nakilala ko ang kanyang tatay, nakausap ko sandali at inihatid naman niya ako pabalik sa sakayan ng MRT. Habang nasa biyahe ay tanging ngiti at pangungusap lamang ng mga mata ang ipinalit namen sa isa't isa. Napakabigat ng loob ko ng mga araw na iyon. Pagdating namin sa MRT ay tanging byebye na lamang ang nasabi niya sa akin, hindi ko man lang siya muling nayakap sa huling pagkakataon, sinundan ko na lamang ng tingin ang pagalis niya sa istasyon ng tren at ako ay sumakay na din papauwe na parang pinagsakluban na ng buong mundo..

Hindi pa pala iyon ang huli naming pagkikita, mas marami pa palang mangyayari at mas masakit pa, kung sana ay sa ganito na lang natapos ang aming pagsasama para masabi kong isang maayos na closure ang naganap, ngunit hindi pa din pala..

Itutuloy..
*****************************************************************************

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Eng21 (Part 36)
Eng21 (Part 36)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s400/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjqVnQ2fPKVD95XPyTlf2ijhFE0WllQLAp-xYHKi8KDdWEL_wd8nLWjUMvp1RSyiTMsM6lNEF7lqEWbUexjANz8lcIqE6jmR6oLRSzxByM7kTIx5hA147e88HlZ-8L9yaJCbcV0xXPcW7Q/s72-c/tumblr_m5c7ut1DbZ1qffa79o2_250.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2013/10/eng21-part-36.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2013/10/eng21-part-36.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content